SinoSiKAT?

By PagOng1991

1.8K 77 39

Iba't-ibang kuwentong kapupulutan ng aral. Samu't-saring istorya na magbibigay ng inspirasyon sa bawat isa. ... More

Bakit Nasa Ilog Ang Forever?
Balikbayan Box
ANG MUNDO SA PANINGIN NG LIGAW NA GAMUGAMO
Si Kaks at Ang Tatlong Grace ng Kaniyang Buhay
Trip to Pilipinas
Paruparo sa Disyerto

MUNDO MAN AY MAGULAY

56 2 0
By PagOng1991


Ginising ng malalakas na sigaw ng kanyang ina si Amy Ampalaya, isang simpleng dalaga na nanirahan sa Baryo Bahay Kubo.

Pupungas-pungas siyang bumangon sa kanyang papag dahil sa pilit pang pumipikit ang talukap ng kanyang mga mata. Nilalabanan lang niya ang labis na antok dahil natatakot siyang kagalitan ng mahal na ina.

Katulad ng dati, alas-singko pa lang ng umaga ay kailangan na niyang gumising upang maaga rin niyang matapos ang mga gawaing bahay. Siya na lang kasi ang inaasahan ng kanyang ina dahil maagang nabulok ang kanyang ama at kapatid na lalaki. Sila na lang dalawa ang magkasama sa buhay.

"Amy, mamamalengke lang ako. Dapat pag-uwi ko ay tapos mo na ang mga gawaing bahay," bilin ni Inang Ampalaya habang hawak ang isang tasa ng kape sa kaliwang kamay habang ang kanang kamay ay ginagamit niya sa paglilista ng ipapamalengke.

"Opo, Ina."

Kinuha pa nito ang bayong na nakapatong sa lamesa bago tuluyang lumabas ng kanilang bahay.

Pinagmasdan ni Amy ang buong bahay. Nagkakamot niyang inisip kung paano sisimulang linisin ang napakalaki nilang bahay. Mayamaya ay lumapit sa kanya si Lappy, ang kanilang alagang laptop, at dinila-dilaan ang kanyang dahon.

Kinuha niya ang laptop food na nakalagay sa tukador at nagsalin ng kaunti nito sa puting kainan ng kanilang alaga. Hindi kasi niya sigurado kung nagugutom ba ito, naiihi o hindi kaya'y nadudumi.

Inamoy-amoy lang ng alaga ang isinalin niyang pagkain at hindi ito kumain. Malamang ay nadudumi o naiihi ito.

Binuksan ni Amy ang pinto at hinayaang tumakbo palabas ang alagang laptop. Marunong naman kasi itong umuwi sa kanilang bahay kaya't panatag siyang pakawalan ito sa labas.

Hindi muna kaagad naglinis ng bahay si Amy bagkus ay nakinig ito ng musika sa lumang pusa na binili pa ng kanyang nabulok na amang ampalaya. Sumalupa nawa.

Bandang alas-siyete na ng umaga nang magsimula siyang maglinis. Inuna niyang nilinis ang kuwarto nilang mag-ina bago ang sala. Hindi naman gaanong marumi ang kanilang bahay ngunit medyo maselan ang kanyang ina kaya dapat ay maayos ang gagawin niyang paglilinis.

Ilang oras na ang nakakalipas ngunit wala pa rin si Inang Ampalaya, gan'on din si Lappy. Pero ipinagwalang-bahala lang niya ito at tinapos na ang ginagawa.

Alas-diyes nang tuluyan siyang matapos maglinis ng kanilang bahay, iyon din ang oras ng pagdating ng kanyang ina.

Nagmano siya rito, matapos noon ay kinuha niya ang bayong na bitbit ng ina at isa-isang inilabas ang mga laman nito.

"Ano po ang uulamin natin mamaya, Ina?" tanong ni Amy habang inilalabas ang mga pinamili ng kanyang ina. Nasasabik siya sa lulutuing pananghalian ng ina dahil mukhang masasarap ang lahat ng ipinamalengke nito.

"Magluluto ako ng tao, anak." Napasimangot siya sa narinig.

"E, para saan po itong mga Iphone at tablet na binili mo?" dismaya niyang tanong dahil buong akala niya ay makakatikim siya ng masarap na ulam ngayong pananghalian. Nagsasawa na kasi siya dahil araw-araw ay tao ang kanilang pagkain. May tanim kasi silang iba't-ibang klaseng tao sa kanilang bakuran.

"Oo nga pala, tapos mo na bang diligan ang mga tanim natin ng pera?"

Bigla niyang naalala na hindi pa pala niya iyon tapos gawin.

"Ah—e. Hindi pa po ina," nangangatal niyang sagot.

"Ikaw talaga, maaga na nga kitang ginising upang maaga mo ring matapos ang mga dapat mong gawin, hindi pa rin pala lahat ay iyong nagagawa."

Lumapit sa kanya ang ina at ito na ang nagtapos ng kanyang ginagawa.

"Paumanhin po. Didiligan ko na po ngayon din."

"Sige. 'Yong Gluta, nasa itaas ng pridyeder. Turukan mo na rin para mas maging maputi."

"Masusunod po, Ina."

Kinuha ni Amy ang Gluta sa itaas ng pridyeder at nagsalok ng pera sa balon upang ipandilig sa mga tao.

"Ito talagang mga taong ito, mukhang pera. Ang bilis ninyong tumubo sa tuwing nadidiligan ng pera. Iyan tuloy, kayo na lang palagi ang ulam namin. Halos isang buwan na akong napupurga sa inyo," inis na bulong ni Amy. Madalas niyang kinakausap ang mga tanim sa tuwing didiligan ang mga ito.

Habang nagdidilig ay napansin niyang may malaki at mahaba ang lumitaw sa isa nilang tanim na tao na kung tawagin ay Manyakis.

"Ina, halika't pagmasdan mo itong isa nating tanim. Mukhang maaari nang pitasin," sigaw niya na narinig naman ng kanyang ina mula sa kusina.

Dali-dali itong lumabas ng bahay at nagtungo sa kanya, tiningnan nito ang sinasabi ng anak.

"Ay, oo nga. Ang laki na ng titi niya kaya maaari na itong pitasin," masayang bigkas ni Inang Ampalaya habang hinihimas ang titi ng manyakis.

"Ina, bakit po ganito ang mga taong ito? Mukhang hindi sila tumutubo?" tanong niya habang nakatingin sa isang grupo ng mga tao na nasa pinakagilid ng kanilang bakuran. Kumpara kasi sa iba nilang tanim na tao, namumukod tangi itong hindi mayabong.

Lumapit naman sa kanya ang ina at tiningnan ang mga tao na tinutukoy ni Amy.

"Iyan ba anak? Makabayan ang tawag sa taong iyan. Hindi talaga pera ang dapat na ipandilig diyan. Pinaghalong respeto at pagmamahal ang ipinandidilig ko riyan."

"Respeto at pagmamahal? Saan po nakakakuha no'n?" inosenteng tanong ni Amy sa ina.

"Mahirap makahanap no'n. Hindi basta-basta nakukuha," paliwanag ng ina.

Pinagmasdan naman ni Amy ang katabi nitong tanim. Kumpara sa Makabayan ay malagong-malago ang mga ito.

"Ito po, Ina? Kumpara sa iba, mas mayabong ang mga taong ito."

"Pulitiko ang ngalan ng mga taong 'yan. Mukhang pera talaga ang mga iyan."

Dahil sa nalaman ay dinamihan pa ni Amy ang perang ipinandilig sa mga pulitiko. Iyon na rin ang huling tanim na dapat niyang diligan.

"Tapos mo na bang diligan ang mga mukhang perang tao na ito?"

"Opo, ina."

"Sige. Tulungan mo akong mamitas. Balak kong magluto ng chopsuey mamaya para sa pananghalian. Mamitas ka ng Maunawain, Mabuti, Tapat at Mapagmahal na tao. Ako na ang bahala rito sa Manyakis, Ganid, Makasarili, Mapagmataas." Utos ng ina kay Amy habang namimitas ng mga tao. Sinunod naman agad niya ang ina.

"Hija, mamitas ka rin ng Pulitiko pagkatapos mo riyan. Masarap 'yong isahog sa chopsuey," utos ni Inang Ampalaya sa anak.

"Ina, maaari na po bang pitasin ang mga ito?" tanong ni Amy habang nakatingin sa mga pulitiko.

"Himasin mo ang mukha anak. Kapag makapal na, maaari nang pitasin ang mga iyan."

"Sige po, Ina. Mukhang karamihan naman po sa tanim nating Pulitiko ay makakapal na ang mukha."

***

"Ang sarap po ng luto ninyo, Ina."

"Ganun talaga anak, sa tagal ko ba namang nagluluto nito. Natutunan ko na upang mas maging malinamnam ang lasa ng chopsuey, dapat balance ang mga sahog."

"Ang sarap talaga, Ina. Naparami tuloy ako ng kain," papuri ni Amy sa luto ng ina sabay dighay. "Excuse me."

"Oo nga pala. Nasaan si Lappy? Kanina ko pa hindi nakikita."

Nanlaki ang kanyang mga mata nang maalala ang kanilang alagang laptop. Kanina pa pala ito hindi umuuwi.

Tumayo si Amy at iniligpit ang pinagkainan.

"Saan ka pupunta?" tanong sa kanya ng ina.

"Hahanapin ko po si Lappy, baka nakikipagharutan na naman sa ibang laptop diyan sa labas."

"Sige, kapag nahanap mo, pakainin mo kaagad."

Lumabas na ng bahay si Amy upang hanapin si Lappy. May kaunting kaba siyang nararamdaman dahil ngayon lang nawala ang kanilang alaga nang ganoon katagal.

"Lappy!" paulit-ulit niyang sigaw.

Habang hinahanap ang alaga ay nakasalubong ni Amy ang kaibigang gulay na si Patty Patani.

"Amy! Tara at mamitas tayo ng bayag sa Taong Barako. Nakita ko na maraming bunga sa bakuran nina Aling Selya Sayote," pag-aya ni Patty sa kaibigang si Amy.

Sa hindi malamang dahilan ay naengganyo si Amy sa alok ng kaibigan. Paborito kasi niya ang bayag kaya't para bang nakalimutan niya ang paghahanap sa alagang laptop.

"Sigurado ka bang maaari nang pitasin ang mga bunga ng Taong Barakong sinasabi mo?" pagdadalawang isip ni Amy.

"Oo nga, hinog na ang mga iyon," paninigurado nito sa kaibigan.

"Paano mo naman nasabi?" muling tanong ni Amy.

"Nakita ko kasi na malago na 'yong mga bulbol nito," sagot ni Patty.

Pagdating sa bakuran nina Aling Selya ay nakita agad ni Amy ang Taong Barako at natakam siya sa mga bunga nito. Mukhang tama nga si Patty sa pagsasabing hinog na ang mga ito dahil sa malalagong bulbol. Ngunit kailangan pa rin nila itong tikman upang makasigurado sila kung hinog na nga ba itong talaga.

Magkasamang inakyat ng magkaibigan ang Taong Barako at namitas ng bayag dito.

"Hilaw pa. Ang asim e," halos malukot ang mukha ni Amy nang tikman ang unang bunga na kanyang napitas.

"Oo nga, ito rin," segunda naman ni Patty sabay haggis ng kinagatang bayag.

"Subukan mong muli na pumitas, baka naman may iba lang na maasim," suhestyon ni Patty. Baka kasi matanda na ang taong ito kung kaya abnormal na ang pagtubo ng bayag.

"Pwe! Mapakla naman. Hilaw pa talaga. Tara na, baba na tayo," pag-aaya ni Amy dahil sa huling natikman na bunga.

Habang pababa sa Taong Barako ay muntik nang mawalan ng balance si Amy at malaglag dahil sa nakita hindi kalayuan sa kanilang kinaroroonan. Nanghina ang kanyang tangkay at nanginig ang laman sa galit.

Nakita niya ang kanyang alagang laptop na wala ng buhay at kinakatay ng kanilang kapitbahay na lasinggero. Uso sa kanilang lugar ang pagkatay sa mga alagang laptop upang gawing pulutan.

"Lappy!" malakas niyang sigaw na umalingawngaw sa buong sanggulayan.

Nagmamadaling binaba ni Amy ang Taong Barako upang puntahan ang kinakatay na alaga. Hindi niya maiwasan ang pagpatak ng dagta sa kanyang mga mata.

Mabait at mapagmahal na alaga kasi si Lappy. Halos kasabay niya itong lumaki kaya't kapatid na ang turing niya rito.

Tinakbo niya ang bakuran kung saan niya nakitang nakasabit ang walang buhay niyang alaga.

Nang makarating siya rito ay nakita niyang tinatadtad na ni Mang Kaloy Kalabasa si Lappy.

Nagpupuyos siya sa galit kaya't hindi niya napigilan ang sariling sigawan ang matandang lasinggero.

"Walang hiya ka! Ano ang karapatan mong kitilin ang buhay ng alaga kong laptop? Masahol ka pa sa gadget!" galit na galit na sigaw ni Amy.

Makikita naman sa mukha ng matanda ang labis na pagkagulat sa biglaang paglitaw ni Amy sa kanilang bakuran.

"Ano ang sinasabi mo, Hija? Hindi kita maunawaan," nagtatakang tanong ni Mang Kaloy.

"Aba, nagmamaangmangan ka pa ngayon? Kinitil mo lang naman ang buhay ng alaga kong laptop!"

Hinihila na ni Patty ang kaibigang si Amy dahil sa gumagawa na ito ng malaking eskandalo sa kanilang lugar.

Nakasilip na sa kani-kanilang bahay ang mga gulay at para bang pelikulang pinapanood ang pagsigaw ni Amy.

Mayamaya pa ay lumabas ang babaeng anak ni Mang Kaloy na si Karla Kalabasa na magkasalubong ang dalawang kilay. Mukhang hindi nito nagustuhan ang ginawang pagsigaw ni Amy sa ama.

"Hoy babaeng kulubot! Para sabihin ko sa iyo, hindi kami kumakain ng laptop! Portable DVD ang kinakatay ng tatay ko at hindi ang alaga mo! Huwag kang basta-basta nag-aakusa!"

Mistulang napahiya si Amy dahil sa narinig mula kay Karla. Buong akala niya ay wala na ang alagang si Lappy.

Hindi kasi nagkakalayo ang hitsura ng Laptop at Portable DVD kung titingnan mo sa malayo.

Hindi na niya nagawang humingi ng pasensya sa sobrang pagkapahiya. Basta na lang siyang umalis upang makawala sa tingin ng mga gulay.

Sinamahan si Amy ng kaibigang si Patty na maghanap sa nawawalang alaga. Ngunit matapos libutin ang kanilang lugar ay bigo silang mahanap ito.

"Ayos ka lang ba? Gusto mo mamitas tayo ng cleavage sa Taong Selfie?" pag-aya ni Patty sa nakayukong kaibigan habang pauwi na sila. Nararamdaman kasi nito ang lungkot na nadarama ni Amy kaya't sinusubukan nitong ibaling ang atensyon niya sa ibang bagay.

"Huwag na. Baka hilaw na naman gaya ng bayag na napitas natin kanina. Ito nga't nalalasahan ko pa."

Hindi siya tumitingin sa kaibigan nang sagutin niya ito. Hindi pa rin niya maiwasan ang malungkot sa mga nangyayari.

"Gan'on ba. Kung gusto mo, dumaan muna tayo sa bahay. Nagluto si ina ng Iphone."

"Sa susunod na lang. Busog pa kasi ako. At saka masama sa kalusugan ang Iphone."

Ginawa na ni Patty ang lahat subalit hindi pa rin maalis sa mukha ni Amy ang lungkot.

"Sige. Kapag mabuti na ang iyong pakiramdam, magkita tayo bukas. Mamingwit tayo ng PSP sa lawa."

Nagpaalam na si Patty sa kanya habang siya ay nagpatuloy sa paglalakad. Hanggang makauwi ay malungkot pa rin si Amy dahil sa nangyari. Inihanda na niya ang sarili sa sermon na maaaring abutin mula sa ina.

Pagpasok niya ng pinto ay bumilis ang tibok ng kanyang buto dahil sa tuwa. Sinalubong siya ng alagang si Lappy na inakala niyang wala na.

Hindi siya makapaniwala dahil ang buong akala niya ay naligaw na ito o kaya naman ay kinatay na ng kung sinong lasinggero.

Walang mapagsidlan ang labis na ligayang kanyang nadarama. Pinupog niya ng halik ang mahal na alaga at niyakap ito nang mahigpit. Nangako siya sa sarili na mas mamahalin pa niya ito at aalagaan.

a

Continue Reading

You'll Also Like

61.9K 122 49
Enjoy
Gapang By vhfc_13

Short Story

11K 35 23
Enjoy reading!! (credit to the rightful owner)
1.4M 32.5K 29
Luke and Aviona - A romance that blosssomed in a society where a governor cannot love the daughter of a prostitute. R18 Adult content
846K 40.5K 60
Dominique Selenophile * Mikaela Rielle