BACK OFF! LUKRECIA IS MINE!

By JoeyJMakathangIsip

70.2K 2.3K 495

Someoneone's lost could be someone's gain. Someone's shaking battle could be someone's game. This is the jour... More

P R O L O G U E
C H A P T E R 1
C H A P T E R 2
C H A P T E R 3
C H A P T E R 4
C H A P T E R 5
C H A P T E R 6
C H A P T E R 7
C H A P T E R 8
C H A P T E R 9
C H A P T E R 10
C H A P T E R 11
C H A P T E R 12
C H A P T E R 13
C H A P T E R 15
C H A P T E R 16
C H A P T E R 17
C H A P T E R 18
C H A P T E R 19
C H A P T E R 20
C H A P T E R 21
C H A P T E R 22
C H A P T E R 23
C H A P T E R 24
C H A P T E R 25
C H A P T E R 26
C H A P T E R 27
C H A P T E R 28
C H A P T E R 29
C H A P T E R 30
C H A P T E R 31
C H A P T E R 32
C H A P T E R 33
C H A P T E R 34
C H A P T E R 35
C H A P T E R 36
C H A P T E R 36.5
C H A P T E R 37
C H A P T E R 38
C H A P T E R 39
C H A P T E R 40
E P I C L O G U E
CAST
AUTHOR'S NOTE
Promotion

C H A P T E R 14

1.5K 46 10
By JoeyJMakathangIsip

Ulan

K I D A L L E N T O N

Tik. Tok. Tik. Tok. Tuwang-tuwa si Kid habang dino-drawing niya sa lata ng Fujiwara Densui ang mukha ni Lukrecia. Alas singko na ng hapon at nasa loob pa rin siya ng storage room. Tapos na rin niyang ayusin ang mga upuan. Hindi niya nga lang natanggal iyong mga vandals sa pader dahil masyadong mahirap alisin.

"My mystery girl," ani Kid habang nakatingin sa kakatapos niya lang i-drawing na mukha ni Lukrecia. Natawa siya bigla.

Bukod sa pag-aayos ng upuan, iyon lang ang naging libangan ni Kid. Kanina sa notebook niya pa lang dino-drawing ang mukha ni Lukrecia at noong naubos ang mga pages kaka-drawing niya ay lata na ang pinag-tripan niya.

"Nathan si Kid!" Sa may labasan ng storage room, sumigaw si Jambo. Nakita niya kasi ang malapit na kaiban na si Kid sa loob ng silid na ito.

"Ha?" Hinawi ni Nathan ang maraming libag na batok ni Jamboo. Sumilip nga siya sa bintana at nakita niya ang pinsang si Kid.

"Hoy Kid! Na-guidance ka na naman?"

Tinawag niya ito pero hindi nakinig si Kid. Tumatawa lang ito mag-isa sa kinakaupuan nito habang nakatingin sa hawak-hawak ng beer can.

"Hindi lock, pumasok tayo," ani Jambo at pinasok nilang dalawa ni Nathan ang storage room. Naglakad sila papunta sa kinauupuan ni Kid at nang kinalabit nila ito sa balikat ay bigla itong napasigaw.

"WHOA!"

"Pfft. Hahahaha!" Tawang-tawa si Jambo at si Nathan sa naging naging reaksyon ni Kid.

"Ba't ba kayo nanggulat?" sigaw ni Kid.

"Pfft. Hahaha. Tara na nga!" Parehong inakbayan ni Nathan at Jambo si Kid at noong lumabas sila ng storage room ay biglang humangin ng malakas ang hallway ng WA.

Pinagtitinginan sila ng mga babae hindi dahil guwapo sila kundi weird ang tatlo.

TRIO BROTHERS. Iyan ang madalas na tawag sa kanila. Boss si Nathan. Vice si Jam o Jambo at tau-tauhan naman si Kid. Magkaiba ang mga sections pero nagkakaisa. Si Nathan, siya ang tagapagtangol kay Jambo at Kid. Madalas kasing apihin ang dalawa. Si Jambo kasi medyo cute at chubby, si Kid naman ay may sariling mundo kaya madalas na tampulan ng tukso. Si Jambo, siya naman ang food giver ng grupo. Palaging puno ng pagkain ang bag niya. Si Kid, siya naman ang financer ng grupo. Kapag hiningan mo kasi 'yan ng pera, magbibigay agad 'yan kahit magkano. Remember the time na bigla siyang lumbas siya ng Butterfly Garden noong feild trip nila? Lumabas siya sa venue, nagpunta sa kalsada at namudmud ng pera.

"DOTA?" ani Nathan ng makarating sila sa may labasan ng WA.

"Food Trip?" ani naman ni Jambo na may kinakaing hotdog.

"Putik ka Jambo, may kinakain ka na nga foodtrip pa rin iniisip mo?" sita ni Nathan kay Jambo na kamuntikan ng makain ang stick nang ang sita ni Nathan ay may dalang batok.

"Oh ano Kid? Kanino ka sasama sa aming dalawa? Sa akin na magdo-dota o kay Jambo na kakain na naman?" tanong ni Nathan. Nakapamulsa.

"Hindi, uuwi na ako. Hahapin ako ni Dad." Oh oh. What good boy.

"Sige na nga. Kita-kita bukas!" Nauna ng umalis si Nathan.

"Bye Kid!" Sumunod naman si Jambo sa pag-alis.

Pinapadyak-padyak lang ni Kid ang sapatos niya sa rip-rap. Nasa may gilid lang siya ng gate ng WA. Nagsisilabasan pa rin iyong mga estudyanye. May hinihintay kasi siya.

"Oppa!"

Ayan na! Dumating na ang hinihintay niya. Angry De Guzman. 7 years old. Grade 2. Mahilig sa pink. Maliit. Medyo cute.

"Oh ito. Salamat ah." Inabot ni Kid ang ang baunan kay Angry.

"Walang anuman Oppa!" magiliw nitong sabi sabay lagay ng baunan sa de gulong nito bag na Hello Kity ang design.

"Kita-kita bukas!" ani ng bata at umalis na ito. Medyo nagtaka si Kid dahil walang sumundong magulang dito.

"Teka!" Mabilis na hinabol ni Kid si Angry. Nakaupo na ito sa waiting shed nang bus ng mahabol niya.

"Ohhh-ppa?" namumula ang pisngi ng bata nang makita ang crush niya na nasa gilid na niya.

"Sasabay ako sa'yo," ani Kid. Medyo hingal.

"Ha?" Mas lalong namula ang pisngi ni Angry.

"Sasabay ako sa'yo. Magba-bus ka 'di ba?"

At tumango-tango lang si Angry. Namumula pa rin.

Hindi naglaon, dumating na ang bus. Sabay silang tumayo.

"Anong gagawin?" tanong ni Kid.

"Ha? Eh 'di sasakay na tayo Oppa. Hindi ka pa ba nakakasakay ng bus? Tara na, pasok na tayo..." Naglakad na si Angry papunta sa pasukan ng bus at nang mahirapang iakyat ang bag ay mabilis siyang tinulungan ni Kid.

"Ako na," ani Kid sabay kuha sa bag na de gulong kay Angry.

Nasa may left row sila umupo--sa ikapitong upuan sa may likuran.

"Ang cute naman ng bag mo? Ito ba ang uso ngayon?" tanong ni Kid kay Angry na ikinamula ng bata.

"Oo Oppa."

"Hmmm."

"Magpapabili ako ng ganyan kay Dad bukas."

"Ha?" Biglang natanga si Angry sa sinabi ng crush. Hindi niya lubos maisip ang ang 17 year old niyang crush na may 5" 11 na height ay magdadala ng de gulong na bag sa campus nito. Hindi niya rin bakas sa cute na mukha ng crush kung nagjo-joke ba ito. Rak na dis.

Si Angry, nakatingin lang sa binta at namumula pa rin. Si Kid naman ay busy sa pagdo-drawing ng additional details sa beer can ng Fujiwara Densui.

"Sino 'yan Oppa?" tanong ni Angry.

"My mystery girl," nakangiting sagot ni Kid nang hindi nililingon si Angry at naka-focus lang sa dino-drawing niya.

Namula bigla ang batang si Angry. Hindi naman sa nag-a-assume siya or what pero pakiramdam niya eh siya iyong dino-drawing ni Kid sa beer can ng Fujiwara Densui.

"Magaling ka pa lang mag-drawing Oppa..." ani Angry at maya-maya ay napatayo na siya sa kinauupuan niya nang huminto na ang bus sa tapat ng isang public market.

"Teka saan ka?"

"Bababa na Oppa."

"Sama ako."

"Ha?" Mukha ng kamatis ang mukha ni Angry dahil sa sobrang pagkapula. Tinulungan ulit siya ni Kid na maibaba ang de gulong na bag at nang makapasok sila sa palengke ay sandamukal na tanong ang natanggap kay Kid.

"Ito ba ang palengke? Ang weird naman."

"Hindi ka nakakapasok ng palengke Oppa?"

"Hindi pa."

"Eh saan kayo namamalengke para sa pagkain niyo?"

"Maraming laman 'yong ref namin."

"Ano 'yung ref Oppa?"

"Hindi mo alam?"

"Hindi."

"Parang box 'yun na malaki. May pinto. De kuryente. Malamig at maginaw sa loob."

"Nakapasok ka na sa loob ng ref Oppa?"

"Ha?"

"Eh sabi mo malamig sa loob eh."

Hindi na sumagot si Kid. Hindi niya kasi matandandaan kung minsan na ba siyang nakapasok sa loob sa ref.

"Ano 'yang binili mo?"

"Mushrooms Oppa."

"Aanhin mo?"

"Uulamin ng Mamang at Papang ko."

"Masarap ba 'yan?"

"Oo. Lalo na kapag hinalo siya chapsoy."

"Masarap ba ang chapsoy?"

"Oo."

"Anong lasa?"

"'Yong kinain mo kanina Oppa. 'Yung lunch natin."

"Talong 'yung kinain ko kanina."

"Ay oo nga pala."

"So, masarap ba ang chapsoy?"

"Oo."

"Bakit kailangang mamalengke?"

"Para may malutong pagkain Oppa. Obvious ba?"

"Masarap ba ang mushroom?"

"Oo Oppa. Masaya siya kainin."

"Sige. Bibili rin ako para maging masaya rin ako." At bumili na nga si Kid ng apat na kilong mushroom.

Biglang natanga si Angry sa kainosentahang ginawa ng crush niya.

"Salamat sa pagsama Oppa. Nagulat ako kasi sinamahan mo ako."

"Okay lang."

Nasa waiting shed na sila ngayon. Nang may dumating na bus, nauna ng sumakay si Angry. Siyempre, tinulungan ulit siya ni Kid na maisakay sa bus niya iyong de gulong niyang Hello Kitty bah.

"Ba-bye Oppa!"

"Bye!"

Nang si Kid na lang ang naiwan sa waiting shed ay napatingon siya sa mga mushroom na binili niya.

"Masaya ba talaga kayong kainin?" ani ni Kid at maya-maya pa ay hindi na siya nakatiis at tumikim na siya ng isa. Ga-gu. Hilaw pa 'yong kinain niya.

Maya-maya pa, tumunog ang phone ni Kid. Akala niya may nag-text sa kanya pero may notif lang pala ang Instagram niya. Nang binuksan niya ang notification, bumungad sa mga mata niya ang selfie ng Dad.

Akala niya simpleng selfie lang iyon pero nang titigan ni Kid ang picture ay may nakita siyang pamilyar na babae na kasama ng Dad niya. Hindi nga lang niya masyadong maaninag kasi medyo madilim 'yung background na kuha ng Dad niya.

* * *

L U K R E C I A

"60,000 pesos for being a model for the packaging and 140,000 pesos for the 15 seconds TV advertisement."

"Ganun kalake?" Napaawang ang bibig ni Lukrecia matapos i-explain ni Mr. Lee sa kanya ang payment clause ng kontrata na pinirmahan niya. Hindi na rin sila masyadong pinagtitinginan ng mga tao rito sa Resto. Binura na rin kasi ni Lukrecia ang violet niyang lipstick nang may isang nag-complain na nanay na costumer na natatakot daw ang anak niya sa mukha ni Lukrecia.

"But to tell you honestly Lukrecia, it's quite small compared to the payments for the other endorser lalo na kapag artista. The payment for a usual celebrity endorser is around 1 million - 10 million. Pero kung kagaya mo na nagsa-start pa lang, magri-range lang talaga ang payment below one million. Pero kapag ginalingan mo sa advertisement na ito at natuwa iyong mga tao sa iyo ay baka magkaroon ka pa ng chance na magmodel ng iba pang products except for the products of our competitors, siyempre."

"Ganun ba. Eh kailan ko matatanggap 'yong pira?" tanong ni Lukrecia at sa straw ay humigop siya ng icetea.

Mr. Lee chucked. "As stated on the contract, the payment will be handled to you once you've done you're part."

"Oki..." Worried ng kaonti si Lukrecia kaya napatingin siya sa glass wall na nasa gilid niya at bahagya niyang nakita ang ang reflection niya. Worried siya kasi na-withdraw niya na ang kahuli-hulihang lamang ng bank account niya. At hindi niya alam kung aabot pa ba ng isang linggo at 3,500 pesos niya.

"Ooh, umuulan," ani Mr. Lee nang biglang bumuhos ang malakas na ulan sa labas.

Sa labas ay nakita ni Lukrecia ang mga taong tumatakbo na naghahanap ng masisilungan. Sa tagponh iyon ay bigla niyang nakita ang sarili niyang kasama si Dudong labas, tumatawa at nagtatampisaw sa ulan kahit medyo gabi na.

Tumatawa siyang hinahabol ni Dudong at maya-maya pa ay nang mahuli siya nito ay pinulupot ni Dudong ang braso nito sa bewang niya at maya-maya pa ay binuhat siya nito at inikot sa ere. How nice.

Alam ni Lukrecka na wala na sila ni Dudong pero nasisiyahan pa ring malala ang mga alalang kasama siya nito. Thank you very much.

"Should we go?" ani Mr. Lee. Nakangiti.

Marunong namang mahiya si Lukrecia kaya wala sa isip siyang lumabas bigla ng Resto.

"Hoy teka!" Hinabol siya ni Mr. Lee.

"Bakit ka biglang lumabas?" tanong nito kay Lukrecia.

"Segi, papasok ako ulit," lutang na sabi ni Lukrecia na akma pa sanang papasok ulit sa loob ng resto. Mabuti na lang at hinawakan siya ni Mr. Lee sa palapulsuhan nito.

"It's okay Lukrecia," anito.

"So hendi na ako papasok ulit?"

"Nakalabas ka na. Why bother go again inside?"

"Uu nga naman." Yumuko si Lukrecia. Mapait na tumawa. "Baket pa ba aku babalek kung nakalabas na aku. Bakit ku pa ba aalahanen 'yung mga tapus na."

"Aba, humugugot ka ah." Natawa si Mr. Lee pagkatapos marinig ang hugot ni Lukrecia.

"Hendi hugot 'yun. Spokin foetry 'yun," pagtatama ni Lukrecia.

"Spokify? Anong spokify?" tanung ni Mr. Lee and finally tumawa na si Lukrecia. "Spokin foetry, hendi spokify! Shunga!" dahil sa kasayahang naramdaman ay pinatid ni Lukrecia ang heels sa aspalto.

"Okay. So as you can see, umuulan. At hindi ko rin naman hahayang maulanan 'yung model ko so puwede na ba kitang ihatid sa inyo?" ani Mr. Lee.

Noong una ay nagdalawang-isip pa si Lukrecia pero maya-maya pa ay pumayag na rin siya.

"Hey Lukrecia, hindi diyan!" Natatawang sabi ni Mr. Lee nang kamuntikan ng buksan ni Lukrecia sa puwetan ng sasakyan niya.

"Ay sori." Nakalabas ang dila na pinatid ni Lukrecia ang takong sa aspalto. Tawang-tawa siya sa sarili niya nang pagbuksan siya ni Mr. Lee ng pinto ng Audi nito.

Gandang-ganda si Lukrecia sa sasakyan ni Mr. Lee. Royal blue ang paint ng body shade nito at sa loob naman ay fully airconditioned at hindi niya rin halos marinig ang ulan sa labas.

Dumaan si Mr. Lee sa harapan ng sasakyan at nang makarating sa gilid ay mabilis siyang pumasok at umupo na driver's seat.

Dinilaan ni Lukrecia ang ibabang labi niya nang makita niya kung gaanong ka-HOT si Mr. Lee sa puwesto nito. Hapit na hapit sa well toned legs nito ang oriole jeans na suot at parang may isang beer can din ng Fujiwara Densui sa loob ng zipper nito.

Naka-tact in naman sa oriole jeans nito ang royal blue na sleeve at may suot din itong kulay brown leather jacket. Mr. Lee is really a one of a kind specie. Ngayong silang dalawa lang ni Lukrecia sa loob ng Audi ay nag-uumapaw ang masculinity nito.

Nanggigil bigla ang gilagid ni Lukrecia nang makita kung gaano ka puti, ka laki, at kamaugat ang kamay ni Mr. Lee nang hinawakam nito ang steering wheel. She can't help appreciating his phyical attributes kaya noong pinaandar na ni Mr. Lee ang Audi ay hindi na napigilan ni Lukrecia na hindi magtanong.

"May asawa ka ba Demunyo?"

"May anak ako," sagot nito at panandaliang tumigil ang utak ni Lukrecia.

"Anong ebig mung sabihen?" tanong ni Lukrecia, umaasang maibsan ang pagkalito niya.

"My wife, she already left me."

Mga sampung segundo na nagtungo sa hypothalamus ni Lukrecia at limang segundo na pinroseso roon ang impormasyong natanggap. At noong narealize niya na ang ibig sabihin ni Mr. Lee ay bigla siyang natanga. Kung siya na iniwan ni Dudong ay hindi na siya magtatataka, pero si Mr. Lee? Iniwan ng asawa? Talaga?

"Mas maganda ba 'yung asawa mu sa akin?" Biglang natanong ni Lukrecia.

Natawa si Mr. Lee. "I can't answer that Lukrecia. Lahat ng babae ay may kani-kaniyang ganda."

Okay. Biglang namula si Lukrecia. Natapanong siya bigla sa isipan niya, 'Su nagagandahan rin sa akin si Demunyo?' Nakagat niya bigla ang ang dila niya.

"She left me years ago na nakalimutan ko na kung kailan. And unlike you na iniwan ni Dodong na alam mo kung bakit ka iniwan, ako hindi ko alam," Mr. Lee said monotonously.

Nahinto bigla ang pagda-drive niya sa gitna ng daan nang biglang nagka-traffic. Sa building ng isang BPO company ay ipinapalabas ang isang advertisement sa malaking screeen na nasa ika-walong palapag ng building nito. Luma na ang advertisement na iyon pero naroon sa ad na iyon ang asawa niya. Hindi niya lang pinaalam kay Lukrecia.

Walang naisagot si Lukrecia. Napatingin lang siya kay Mr. Lee na diretso lang ang tingin sa window wiper na pinapawi ang ulan sa windshield ng sasakyan.

"Puwedi bang magpatugtog tayo? Ang buring kasi."

"Sige," Mr. Lee candidly smiled as he ran his fingers on the digital dashboard. Nang mag-ON ang FM ay mabilis na lumabas sa itim na panel ang station na 101.1

"And here's a song for all the broken hearted out there," ani ng DJ at maya-maya pa ay nagsimula nang mag-play ang isang kanta.

N O W P L A Y I N G
P O R Q U E
B Y M A L D I T A

Tulala lang sa 'king kuwarto
At nagmumuni-muni
Ang tanong sa 'king sarili
Sa'n ako nagkamali?
Bakit sa'yo pa nagkagusto?
Parang bula ika'y naglaho...🎶

Biglang mas naging awkward ang atmosphere sa loob ng Audi ni Mr. Lee. Ang mellow kasi ng kanta. Bagay na bagay sa panahon at tagos sa buto ang lyrics.

"Elepat mu lang Demunyo," ani Lukrecia na nakarmdam din ng awkwardness.

"No, it's okay," nakangiti sabi ni Mr. Lee.

Okay sa kanya. Pero kay Lukrecia, hindi.

Porque contigo yo ya eskuhi?
Ahora mi corazon ta supri
Bien simple lang iyo ta pidi
Era cinti tu el cosa yo ya cinti...🎶

"Hendi ko maintidihan yung leris."

"What?"

"Leris."

"Lyrics Lukrecia. It's lyrics."

"Ay, nag-iba na pala? Leris 'yan dati eh."

"Pfft. Hahaha."

Ta pidi milagro
Bira'l chempo
El mali ase derecho
Na dimio reso
Ta pidi yo
Era ulvida yo contigo...🎶

Hindi pa rin umuusad ang traffic. Hindi pa rin tumitigil ang pagbuhos ng ulan. Hindi pa rin natatapos ang kanta. Ang bigat bigat na para kay Lukrecia.

"Okay ka lang Lukrecia?"

"Hendi ku maintidihan 'yung leris, pero maganda 'yong kanta," suminghot-singhot niyang sabi. Malapit ng maiyak.

"It's lyrics Lukrecia."

"EH LERIS 'YUNG GOSTU KU EH!" Wala na. Ngumawa na si Lukrecia.

"Pfft. Hahahaha!"

Ang lahat ay binigay ko
Ngayon ay sising-sisi
Sobra-sobra ang parusa
Di alam kung kaya pa...
Bakit sa'yo pa nagkagusto?
Parang bula ika'y naglaho...🎶

"Tama 'yung leris. Lahat benigay ku na kay Dudong. Tapus ngayon ay nagsisise. Subra din ang parusa. Hendi ko alam kong kaya ku pa ba. At uu nga. Baket pa si Dudong ang menahal ku?"

Tumatagtak na ang pinaghalong luha at uhog ni Lukrecia. Maya-maya pa ay gamit ang palda ang nag-blow siya mg sipon niya. Ang daming lumabas na kulay green bes.

Ta pidi milagro
Bira'l chempo
El mali ase derecho
Na dimio reso
Ta pidi yo
Era ulvida yo contigo...🎶

"It's because when when we love a person, we forget to see the person's capability na puwede pala tayong saktan o iwan ng taong iyon. All we do is love and give all of ourselves on that person. Hindi na natin tinitignan ang kung ano mang danger ang dala niya. We accept that person's totality."

"Demunyo..."

"Yes Lukrecia?"

"Yung senabi mu..."

"Bakit?"

"Parang leris ng kanta. Wala akong maintidihan."

"Pffft. Hahahaha."

Huwag nang lumapit, o tumawag pa
At baka masampal lang kita
Di babalikan, magsisi ka man
Ako ay lisanin...🎶

"Demunyo?"

"Hmm?"

"Paanu mu nagagawang tomawa kahit nasasaktan ka na?"

"Fake it until you make it. Kahit masakit, hindi sa lahat ng oras ay iiyak ka. There are times that you should cry it out and there are times that you should simply celebrate it."

"Celebrit?"

Tumango si Mr. Lee. "Yeah. You should celebrate because it means that you are now free from the person who doesn't deserve you."

"Ahh okay. Hendi na aku iiyak. Dapat mag-celibrit aku. Bili aku pansit tapus kain aku marami. Tapos, magtatampesaw ako sa ulan kasi ebig sabihin malaya na aku."

"Good idea. Do you want to celebrate it with me?"

Natulala si Lukrecia. Hendi dahil parang leris na hindi maintidihan ni Lukrecia ang sinabi ni Mr. Lee kundi dahil sa biglaang paglahad nito ng kamay sa kanya. Kasabay ng kidlat ay kumalabog bigla ang puso ni Lukrecia.

Porque contigo yo ya escoji?
Ahora mi corazon ta sufri
Bien simple lang I yo tapidi
Era cin ti tu el cosa yo ya cin ti... 🎶

Maya-maya pa ay laking gulat ni Lukrecia nang biglang lumabas si Mr. Lee ng sasakyan. Nabasa ito ng ulan nang maglakad ito papunta sa pintuan na nasa gildi niya.

Nang binuksan si Mr. Lee ang pintong iyon ay nakangiti niyang inalok si Lukrecia na maligo ng ulan.

"CELEBRATE IT WITH ME..." ani Mr. Lee at maya-maya pa ay lumabas na rin si Lukrecia at pareho silang tumawa ng malakas nang pareho na silang basang-basa ng ulan.

Bakit ikaw pa ang napili?
Ngayon ang puso ko ay sawi
Kay simple lang ng aking hiling
Na madama mo rin ang pait at pighati...🎶

At then everything becomes slowmotion nang pareho silang sumayaw sa ilalim ng ulan. Nakangiti silang pareho at wala silang pakialam kung makita man sila ng mga taong nasa iba't-ibang sasakyan. Ang gusto lang nila ay wakasan ang kung anuman ay ang bumabara sa puso nila para tuluyan ng makaramdam ng paglaya.

Sana'y magmilagro
Mabalik ko
Mali ay mai-diretso
'Pinagdarasal ko
Sa 'king puso
Na mabura ka sa isip ko...🎶

"Demunyo, hahaha! Pa'no 'to? Pa'no kung ma-adik aku sa ganito? Panu kung ma-adik na akong tuluyan sa'yo?"

"Don't worry Lukrecia. Handa akong tokhangin ka."

"Hahaha!"

"Hahaha!"

*  *  *

Continue Reading

You'll Also Like

740 53 19
"Nawala man ang mga ito mananatili pa rin sa puso at isip niya ang lahat ng sakripisyo ng lahi nito para sa ikakaayos ng mundo ng mga mortal sa mga s...
38.4K 849 157
She owning a pair of eyes na hindi daw sa kaniya? paano niya mapapaliwanag ang pagkakaiba niya sa lahat? matutulungan ba siyang matuklasan ang katot...
294K 8.6K 53
Nathalie Aries Pattinson also known as Fear of the Phantom Goddesses, has spent most of her life looking for her childhood friend who promised to com...
10.3K 429 38
Simula ng maulila si Al, nagkandaletse-letse na rin ang kaniyang buhay. Hindi niya na alam kung paanong magpapatuloy. Tila tuluyan ng nawala ang nagt...