Chapter 9
Two birds at the same time
Hindi na talaga tama to. Kanina pa ako nag-iisip ng isasagot ko sa homework ko pero damn! Ang halik niya lang ang tanging naglalaro sa isipan ko. Kanina ko pa halos pinabalik-balik basahin ang paragraph, tinakpan ko na ang tenga, nagsaksak na ako ng earphone sa tenga ko. Nawawala saglit pero naghahari pa din sa utak ko.
--
From: Yorx
You are such a temptation to me, Airish. That's why even if your just stuttering makes me own you right that time. Sorry for the kiss. I'll try to hold back this urge next time.
--
Eto. Isa pa to. Kung ginugulo na ako ng halik na yon, dinagdagan pa nito. Pagkatapos ko kasing maligo ay nagtext sya sakin. Inulit ko pa talaga ang pagbasa tsaka ko mas naabsorb ng mabuti ang mensahe niyang ito. Hindi ko siya nireplyan. I dont even know what to say. I hate him for saying sorry about the kiss eh okey lang naman sakin. Ganito ba talaga ang aspetong ito? Nakakabaliw pala. Mas mahirap pa sa math problems. Ang hirap mangalap ng sagot lalo na't first time mo. Sabi nila, ang love daw nagsisimula sa pagkakaibigan, hanggang magkagustuhan sa isa't-isa at humantong sa romantic love. But the hell, we didn't even started as a friend. Basta niya nalang pinaramdam sakin ang mga bagay na hindi ko pa dapat maranasan and then boom! Everything is in mess na. Ni hindi ko pa nakikita ang mukha niya! The heck! I really have to hold back my feelings. Kailangan kong magpigil. Ako ang babae kaya dapat ako ang magpigil.
Ngayong hindi ko pa siya nakita ay nagkakaroon na ko ng pagtingin sa kanya, pa'no pa kaya kung magpakita siya sa'kin?
Sinulyapan ko sila Luna at Shiela na mahimbing ng natutulog. Buti pa sila, ang ayos na ng tulog. Samantalang ako, hinahanap pa ang antok.
Since hindi pa naman ako antok ay tumungo muna ako sa veranda. Balot ang paligid ng liwanag ng buwan. Halos wala ng gumagalaw sa labas. May nakita lang akong nakauniform na lalake papasok sa unit na kaharap ng unit ko. Ahh.. Sya pala ang nakatira jan. Hindi ko siya mamukaan dahil natatakpan siya ng anino ng unit niya pero sure akong taga-Centrolopez U siya, base na din sa suot niya. Bahagyang nag-angat ng ulo ang lalake saglit at pumasok na sa loob. May umuuwi pa palang estudyante sa ganitong oras?
Now ako nalang talaga ang mag-isang nakadungaw sa labas. Hindi naman siguro nakakatakot dito kasi village naman. Besides, may guard pa naman sa gate.
Narinig kong tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko ito at sinagot nang mapagsino. Si Bryan. Bakit naman yun tatawag ng hatinggabi?
"Hello?", may malakas na music sa background nito kaya mas naging attentive ang tenga ko.
(G-Good evening, beshpren!!!)
Nasapo ko ang aking noo. Lasing ito panigurado.
"Lasing ka ba? Asan ka?", tanong ko agad.
(He-he he! Hu-Hulaan mhoh, beshpren! Hoooo)
"Ghad! Bryan, wala akong time makipaglaro sayo! Asan ka ba?!".
(Uyyyy! Na- touch nhaman hak-ako sha yo, beshpren! Nasha...Asan nga tayo, brad?...), pinapakinggan ko lang siya habang may kausap yata na kung sinoman, (Nasha-Ahh nasa RG. Metal Bar dhaw eh! Punta ka dito! Inuman tayooo! Woooh!)
Pinatay ko agad ang cellphone ko at kinuha ang jacket sa drawer. Ano bang nangyayari sa taong yun at nagpapakalasing? May nangyari naman kaya?
Buti nalang malapit lang dito ang bar na sinasabi niya. Halos nasa harap lang ng university.
Nung palabas ako ng gate ay nakatanggap ako ng mensahe sa pag-aakalang si Bryan yon. Pero hindi pala.
--
From: Yorx
I'm only around you.
--
Hindi ko muna pinansin yun. Priority ko ngayon si Bryan dahil first time niyang maglasing dito. Baka kung mapano yun. Something bad really happened.
Sinalubong ako ng usok at matapang na amoy ng alak pagpasok ko ng bar. Napangiwi ako nang may mga nakikita akong nagdidirty dance sa gitna ng dance floor at may nagme-make out sa mga sofa. Bars. A place of dirt. May nahuhuli pa akong pinapasadaham ng tingin ang buo kong katawan habang dinidilaan ang labi. May bigla pang humampas sa pwet ko dahilan para mapasigaw ako. Sinamaan ko ng tingin ang gumawa nun pero tinawanan lang nila ako at mas nag-init pa ang mga tingin nila sakin. Bukas talaga bubugbugin ko yung Bryan na yun. Kung di dahil sa kanya hindi ako mababastos ng ganito eh!
Sa di naman kalayuan ay may nakita akong naghahalikan sa counter. Naningkit ang mata ko ng mapagtanto kong si Bryan yun habang hinahalikan ang isang sexying babae.
"Bryan", tawag ko sa kanya. Pinilit kong wag pansinin ang pagme-make out nila kahit nakakailang tingnan.
"Bryan", tawag ko uli nung hindi niya narinig.
This time tumingin na siya sakin at lumaki ang ngisi.
"Beshpren!!!!", he screamed habang niyayakap ako ng mahigpit. Hindi ako makahinga dahil sa naamoy kong alak sa bibig niya. Tiningnan ko ang babaeng kahalikan niya na masama ang tingin sakin.
"Sorry. Kelangan ko ng iuwi ang bespren ko", sinabi ko dun sa girl at padabog siyang umalis. Bahagya akong kumalas mula sa pagkakayakap nya at hinawakan ang braso niya.
"Bespren, dito muna tayo", hinihila niya din ako pabalik sa kanya. Grabe! Ano ba talagang nangyari sa taong to?
"Hindi! Uuwi na tayo. Doon ka muna sa unit ko matulog. Bakit ka ba naglasing?! Ano bang nangyari sayo?", tanong ko kahit na malabong masagot niya ang mga yun. Bakas sa kanya ang sobrang kalasingan at halos hindi na siya makatayo. Buti nalang payat siya kaya baka kaya ko pang hilahin siya palabas.
Kinuha ko ang braso niya at isinakbay ko sa balikat ko. Nagpatulong muna ako sa isa sa waiter na alalayan siya kahit hanggang sa pagtawid lang sa kalsada.
"Kuya, ilan pong shot ang nainom niya?", tanong ko kay kuya Waiter na kanina ay kaharap ni Bryan sa counter.
"Tatlo o apat na shot lang yata, Miss. Mababa ang tolerance niya sa alak kaya madali siyang nalasing", tumango ako at nagpasalamat. Ang lakas ng loob maglasing hindi naman pala kaya. Psh.
"Hoy!", tumingin sakin si Bryan nang nakangisi, "Kaya mo naman maglakad siguro ng konte no? Ang bigat mo pala kahit payat ka! Tara na nga!", hinila ko na siya sa loob. Hindi na yata namalayan ni kuya Guard ang pagpasok namin dahil nakanganga na siya sa upuan niya at mahimbing na natutulog.
Pagdating ko sa bahay ay ipinasok ko siya sa guestroom at hiniga ko agad siya sa bed. Kumuha ako ng batya at maligamgam na tubig. Hinubaran ko muna siya at pinunasan ang katawan. Kahit pala papano may abs din mokong na to, pero hindi yung catching. Napaangat ako ng tingin ng maalala ko ang matitigas na braso ni Yorx. Siguro mas lutang pa dito ang abs niya nuh? Ilang pack kaya yun?
"Haissh! Airish, you're being pervert!", mahinang singhap ko sa sarili ko at tinabi na ang batya. Aalis na sana ako nang biglang may humawak sa braso ko.
"Please..",napakunot ang noo ko kay Bryan, "Don't leave".
"Bryan-",
"Patawarin mo na ako", mas lalong kumunot ang noo ko sa kanya. Why is my bestfriend acting like this?, "Celina...".
Napabuntong-hininga ako. Si Celina ang dahilan ng paglalasing nito. Baka naman nag-away sila. Pero ang exagge naman kung maglalasing si Bryan gayong normal lang naman aa isang relationship ang mag-away. Well, yun ang sabi nila. Di bale iinterviewhin ko nalang bukas ito.
Sa katagalan ay nakatulog na din siya. Dala-dala ko ang batya at nilagay sa bathroom. Binabad ko din ang bimpo ng pinagpahiran ko kay Bryan. Tapos ay umakyat uli ako sa taas.
Chineck ko ang cellphone ko. Bumungad sa kin ang mga messages na galing kay Yorx...At ang isa ay kay Liam.
Inuna ko muna ang kay Liam.
--
From: Liam <3
Hi
--
It was received 5 hours ago. Imposible! Ba't di ko nakita? Bakit kay Yorx nakita ko?
--
From: Yorx
It's cold outside. Wear a thick jacket.
--
--
From: Yorx
Please be careful.
--
--
From:Yorx
I already punched the face of that guy.
--
He punched who? Nireplyan ko agad siya.
--
To: Yorx
Sinong sinuntok mo?
--
Binasa kong muli ang text ni Liam at nagreply.
--
To: Liam <3
Hello.
--
Tumunog ang cellphone ko at tiningnan ang mensahe. Ang bilis naman.
--
From: Liam <3
Late reply?
--
Tumunog uli ang cellphone ko kaya vinribrate mode ko nalang ito dahil lumilikha na ito ng ingay. Binasa ko ang text ni Yorx.
--
From: Yorx
The one who slapped your butt.
--
Kaagad akong namula. Of course, malalaman niya talaga yun, hindi na ko nagulat.Nangangapa pa ako ng irereply sa kanya kaya nireplyan ko muna si Liam.
--
To: Liam <3
Kinda busy.
--
Don ko lang narealize na dalawang taong nagbibigay sakin ng kilig ang katext ko. Hindi ko alam kung para kanino ba itong mga ngiti ko ngayon. Kay Liam ba na tinitext ako ng hating gabi o kay Yorx na binabantayan ako kahit saan.
Bakit ganun? Marami tayong nagugustuhan samantalang iisa lang naman ang puso natin? Feeling ko tuloy nagtataksil ako sa isa kanila. Para akong nanglalake ngunit hindi ko naman alam kung sino ang totoo ko. I have feelings for Liam since the first time we met, well siguro paghanga lang, but Yorx is different. Iba si Liam. Iba si Yorx. Pero pareho silang nagiging bahagi ng buhay ko.
But I ain't hitting two birds in a single hit, right?