Behind Those BLUE EYES (ONGOI...

By JeGodLhubseuo429

34.3K 1.2K 155

The Danger has yet to come! If you see her, please kill her-- -- Let's find out what kind of danger Behind Th... More

Introduction
CHAPTER 2: The Mysterious Black Van
CHAPTER 3: Half Mortal, Half Pecular
CHAPTER 4: Just Call Me 'CED'
CHAPTER 5: New Classmates
CHAPTER 6: 'Peculiar Like Us'
CHAPTER 7: Meet The Peculiar From Desolated Town
CHAPTER 8: A Good Bye To Him
CHAPTER 9: The Vanguard
CHAPTER 10: KILL THE TEMPTER
CHAPTER 11: THE HEIRESS
ASKING FOR CHARACTERS
CHAPTER 12: DESOLATED TOWN
CHAPTER 13: Disguise
Chapter 14: The Headmaster
CHAPTER 15: Venomous Section
CHAPTER 16: The Portentous
CHAPTER 17: He's Here

CHAPTER 1: Harrington Family

3.9K 90 3
By JeGodLhubseuo429

CHAPTER ONE:
HARRINGTON FAMILY

-----
TEMER'S POV.

Napangisi ako nang masilayan ko nanaman ang kanyang paghihirap dahil sa ginagawa namin ngayon.

Maganda ang sikat ng buwan at maliwanag ito kaya kitang kita ko ang pagtitiis niya sa hirap. Tss! I already told her NOT ME!

Kahit saan man ako magpunta siya palagi ang bumabangga sa akin. I didn't even knew what I have done to her. Kahit na alam pa niyang kahit kailan hinding hindi niya ako matatalo.

Alas dose na ng gabi at heto parin kami sa gitna ng daan.

Pinilit niyang tumayo at sumugod muli sa akin. Agad ko namang binunot muli ang aking sailing knife na nakasukbit sa aking tagiliran upang sanggalangin ang atake niya gamit ang hawak hawak niyang katana.

"I hate you Temer! Since you came in the campus, you already got my throne there as a queen!"

Nanggigigil niyang sambit habang magkatagpo parin ang aming mga sandata. Muli nanamang akong napangisi at buong lakas siyang itinulak kaya bahagya nanaman siyang natumba.

"I don't know what are you saying miss Abi! Ni hindi ko nga alam na reyna pala ako doon! Kailan pa?"

Natatawang sambit ko. Mas lalo pang nalukot ang pagmumukha niya dahil sa mga sinabi ko kaya sumugod siyang muli. Tumalon ako pataas at tumuntong sa isang kotse dito na nakaparada sa daan.

Pero agad rin naman akong tumalon pababa noong umalingawngaw ng napakalakas ang kotse at nag-ingay sa tahimik na paligid.

Napatingin ako sa bahay na nasa tapat ng kotse na ito nang biglang bumukas ang ilaw doon. Okey! I'm out of here. Kumaripas na ako ng takbo papalayo doon.

"See you tomorrow Abigail!"

Sigaw ko habang kumakaway sa babaeng tulala doon pero bumalik rin naman sa ulirat noong magsalita ako. Kumaripas rin ito ng takbo papaalis nang biglang bumukas ang gate ng bahay at lumabas ata doon ang may-ari ng kotse na hanggang ngayon wala pa ring tigil sa pag-alingaw-ngaw.

Bahagya akong natawa dahil sa reaksiyon ng may-ari.

Pagkadating ko sa tapat ng gate ng aming bahay ay sumilip silip ako doon kung may nagbabantay ba. Lagot nanaman ako nito kapag mahuhuli nila akong andito sa labas sa dis-oras ng gabi.

I snap my fingers as I saw the guard is sleeping inside his guard house. I grin.

Dahan dahan akong naglakad at kumaripas muli ng takbo noong nadaanan ko ang guard house.

Pumunta ako sa likuran ng bahay at hinila ang lubid na nakabitin simula doon sa ikatlong palapag sa terrace ng aking kwarto.

Sinuot ko muna ang sumbrero ng aking jacket bago umakyat gamit ang lubid. (Wall climbing)

Pagkarating ko sa terrace ay agad kong binuksan ang sliding door ng aking kwarto at binuksan ang ilaw doon. Napasinghap ako nang makita ang taong prenteng nakaupo sa aking sofa habang nakadekwatro at nakahukimkim ang mga braso.

"Where have you been young lady?"

Ma-awtoridad niyang tanong sa akin pero dumeretso lang ako ng lakad papunta sa aking kama at nahiga.

"Temer Mioney Harrington. Be careful from your moves! You're not just Temer Mioney. You're-"

"You're Harrington so you should act like Harrington so other people will respect you, and it is also for the sake of Family!"

Dugtong ko doon sa sinabi niya. Palaging ganyan ang linyada niya sa tuwing pinapagsasabihan niya ako kaya halos sa-ulado ko na rin ito.

"Yeah-yeah, Whatever! I know my limits grandmom." bored na sambit ko pa at tuluyang nagtalukbong ng kumot.

Rinig ko ang pagbuntong hininga niya pagkatapos ay tumunog na ang pinto ng aking kwarto. Bago siya tuluyang lumabas ay may binilin pa ito sa akin.

"Kung matutulog kana, pwede bang hubarin mo muna ang sapatos mo. Hindi ko alam kung saan-saan mo iyan pinag-aapak."

Bilin niya pagkatapos ay pinatay ang ilaw at sinarado na ang pinto. Hays! Pag hindi maganda ang ihip ng hangin, mabait siya pero kapag okey ay para itong halimaw kung magalit. Hindi ko alam kung saan ba ang utak ng aking lola kung bakit ganoon siya.

Bumangon ako at binuksang muli ang ilaw ng aking kwarto. Naglakad ako papalapit sa harapan ng aking tukador at naupo doon sa silya.

Tiningnan ko ang aking sarili sa salamin.

Napabuntong hininga ako nang makita ang aking mukha.

"Do I really part of Harrington?"

Tanong ko sa aking sarili. Ito ang palagi kong tanong sa tuwing nag-iisa nalang ako at sa tuwing humaharap ako sa salamin. Kaya minsan mas gugustuhin ko pang huwag nalang manalamin kesa naman kwestiyonin ang aking pagkatao.

Alam kong normal na tao lang ako sa paningin ng iba pero may mga likas akong kakayahan na wala sila at hindi ko alam kung saan ko ito nakuha. Si lola ang kasama ko simula noon at siya lang ang nakakaalam ng totoo kong pagkatao.

Muli akong humarap sa salamin at tiningnan ang aking mata. I sighed! Where did I get this kind of eyes!? Wala sa lahi ng mga Harrington ang ganitong mata kaya impossibleng minana ko to sa mga kanunuan ko. Tuwing lalabas ako o pumapasok ng school, gumagamit ako ng contact lens para maitago ang kakaibang kulay nito.

I keep asking my lola where is my mother and my father but she keep answering me that the both of them was died in a plane crash. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sakanya dahil ni isang litrato manlang nila mama at papa ay wala akong makita.

Sinabunutan ko ang aking sarili sabay tayo at hinubad ang aking sapatos bago tuluyang nahiga at natulog.

----

"You're breakfast is ready Lady Temer."

Bungad sa akin ng aking mayordoma habang nilalapag sa mesa ang isang tray ng pagkain.

Hindi ko siya pinansin at tumalukbong muli sa aking higaan.

"Alasais bente-kwatro na po Lady Temer. Kailangan niyo na pong bumangon para pumasok."

Magalang niyang sabi. Agad akong bumangon at demretso agad sa aking banyo.

Pagkatapos kong maligo ay nakahanda na ang aking uniporme sa aking kama kaya sinuot ko na ito. Nanatili namang nakatayo lang sa gilid ang aking mayordoma.

"Hindi pa po kayo nakakain ng inyong agahan lady Temer."

Pagsalita niya nang mapansing lalabas na ako ng kwarto ko pero hindi ko siya pinansin. Hinabol niya ako at hinigit ang aking braso sabay luhod.

"Please..Kainin niyo po ang inyong agahan. Ayuko ko pong mapagalitan ng lola niyo dahil sa hindi po kayo kumain."

Pagmamakaawa niya sa aking harapan. Huminga ako ng malalim pagkatapos ay bumalik. Pumwesto ako doon sa mesang pinaglagyan niya ng tray ng mga pagkain.

Kita kong ngumiti ito nang makitang kumakain ako. Hays! Kung bat kasi ang higpit ng lola ko kapag hindi ako kumain. Hindi ako ang pinapagalitan niyan kundi ang mayordoma dito sa loob ng mansiyon.

Pagkatapos na pagkatapos kong kumain ay bumaba na ako ng aking kwarto. Sinalubong ako ng iilang katulong sa baba upang buhatin ang aking bag pero hinila ko ito pabalik sa akin. D*mn! They don't have to do that, I have hands to carry this! Aanhin ko pa ang mga kamay kong ito kung hindi ko manlang gagamitin?

Pumunta ako sa lugar kung saan palagi nakatambay ang lola ko tuwing umaga. I kissed her forehead before I leave her in the garden and go to school.

Inayos ko na ang aking mga libro at bumaba na ng kotse nang marating ko na ang paaralan.

Agad akong kumaway pabalik sa taong kumakaway sa akin ngayon dito sa harapan ng university.

"Temer! Waah! Ang gara ng kotse niyo. Sa inyo ba yun?"

Turo niya sa kotseng kakaalis lamang. Tumango lang ako sa sinabi niyang yun sabay lakad papasok ng campus.

"Oy Temer alam mo ba, sabi ni teacher Sorge, magaling na daw ako sa combat."

Pagmamayabang nitong Camille ngayon sa tabi ko.

"Then? Congrats.." saad ko.

"Waah! Salamat Temer. Maraming salamat."

Hindi ko na siya pinansin pa dahil ang ingay-ingay niya. Dahil 6:40 ng umaga pa lang naman, dumiretso muna kami doon sa cafeteria.

Papasok na kaming dalawa noong may humablot sa aking braso at buong lakas akong sinampal sa pisngi na ikinagulat ng mga estudyanteng andito ngayon.

"You were just a newbie here in this campus but you already flirt my boyfriend!"

Duro niya sa pagmumukha ko. Napanganga ako dahil sa mga sinabi niya. Ni hindi ko nga kilala kung sino ang boyfriend niya tapos lalandiin ko pa.

Naglakad ako papalapit sakanya pero agad na humarang sa gitna ang hindi ko kilalang lalaki.

"Wohoo! Ang aga aga ang iinit ng ulo niyo mga girls! Kalma lang." he said.

"Alexies! Get out from there!"

Sigaw naman ng isa pang lalaking hindi ko rin kilala. Hinatak niya papalayo yung lalaking nagngangalang Alexies kaya lumantad nanaman ang pagmumukha ng babaeng sumampal sa akin kaya biglang kumulo ng aking dugo.

"You! I don't care who ever you are! But if I were you, still I have a chance to run, I will do it right now!" babala ko sakanya at tinalikuran na. Pero hindi siya natinag sa sinabi kong yun. Hinila niya ang buhok kong nakaayos at sinabunutan ako.

"And I don't care also kung anu man ang gagawin mo sakin! The important thing right now is you taste my wrath!"

Galit nitong sambit habang nakadagan sa aking tiyan at sinasabunutan ako habang pinagsasampal. Kita kong inaawat siya ni Camille pero may isang babaeng humila kay Camille at sinabunutan rin siya.

Wala ring mga estudyanteng umaawat sa aming dalawa at mukha ngang nasisiyahan pa silang nakikita kaming ganito.

"I'm the Daughter of principal in this campus so you don't have a right to threathen me like that!"

Dugtong pa niya. Sumilay ang ngisi sa akong labi. Huh! Kung anak ka ng principal well I'm so sorry to say that your father was just an employee of OUR UNIVERSITY. Yes! This University is OURS. Pagmamay-ari naming HARRINGTON.

Agad ko ring hinablot ang buhok niya at sinabutan rin siya pagkatapos ay nagkapalit kami ng pwesto dalawa, ako na ngayon ang nakadagan sa tiyan niya. Hinila ko siya patayo habang hawak hawak ang buhok niya at aakma na sanang i-uumpog ang ulo niya sa dingding nang biglang dumating ang gwardiya habang pumipito sa amin.

Gulat pa nga ito nang makita ako dahil alam niyang ako ang nag-iisang apo ng campus na pinatatrabahuhan niya ngayon. Pero hindi iyon ipinagsasabi sa kahit na sino man! Mga piling tao lamang ang nakakaalam ng tungkol sa totoo kong pagkatao

"Sinong nagsimula nito?"

"She/she!"

Sabay na turo namin sa isa't isa noong magtanong ito sa amin. Nagkibit balikat ito pagkatapos ay hinila itong babaeng nasa harapan ko ganoon rin yung babaeng sumabunot kay Camille.

"Wait! Saan mo kami dadalhin?" singhal nilang dalawa habang hinahawakat ng gwardiya ang mga braso nila.

"Alam niyo na kung saan dinadala ang mga katulad niyo." sagot ng guard.

"What about her?"

"It was really obvioused miss Planner that your the one who start it. Alam kong madidismaya ang papa mo pagnalaman niya ito."

Sabat ng guard kaya hindi na siya umimik pa. Pina-igting niya ang mga ngipin niya pagkatapos ay tiningnan ako ng masama noong naglakad na sila ng guard. Nginitian ko siya ng mapang-asar at binilatan naman sila ni Camille.

"My goodness! Ang dami kong kalmot sa leeg Temer! Bwiset talaga yang Eunis na yan! Bagay na bagay talaga sakanya ang pangalan niya, nakaka-EUNIS! Anu ba kasing nangyari?"

Sigaw ni Camille. Kasalukuyang andito kami ngayon sa loob ng comfort room nag-aayos ng aming sarili.

"I dunno. Hindi ko nga siya kilala eh at hindi ko rin kilala kung sinong boyfriend ang tinutukoy niya." I answered.

"That bitch! Mahilig gumawa ng kwento yan para lang makipagrambulan. Huwag mo siyang paniniwalaan. Mag-iingat ka sakanya Temer"

Ako ba dapat ang mag-ingat o siya?

Tumango nalang ako at lumabas dito sa comfort form. Sumunod naman si Camille sa akin.

----

CAMILLE'S POV.



Deritso lang ang lakad namin ni Temer dito sa hallway papunta na doon sa classroom. Hindi ko parin mapigilang hindi mainis kapag naaalala ko ang mga nangyari kanina. Ugh! I do really hate you Eunis Planner together with your loyal alipures Flour Memrow! Bagay na bagay talaga silang dalawa maging mag-kaibigan.

"Camille!"

Panalingon ako sa aking likuran noong may tumawag sa aking pangalan.

Oh? It was my best friend. Yayakapin na niya sana ako nang bigla ko siyang tinulak.

"Salamat pala sa tulong mo ha." insert sarcasm.

"Sorry na, si Rafael kasi eh. Hinila ako. Ayaw niyang sumali ako doon dahil ayaw niyang madungisan ang pangalan ng grupo namin sa soccer." paliwanag niya pero inirapan ko lang siya.

Magsasalita pa sana siya nang biglang may tumikhim.

"Ah ou nga pala. Alexies meet Temer Mioney Climbert. Temer meet Alexies Chew."

Pagpapakilala ko sakanila. Naglahad si Alexies ng kamay kay Temer pero hindi iyon pinansin ni Temer kaya ngitian ko nalang si Alexies.

Ganyan talaga si Temer pero mabait yan. Almost one week palang ang lumipas noong lumipat siya dito sa campus. Wala akong masyadong info sa buhay niya kaya mistoryoso siya sa paningin ko yet beautiful.

Kibago-bago niya palang dito pero marami na ang namamangha sakanya at naiinggit. Especially the girl name Maria Abigail Slosser. The queen kuno ng HARRINGTON UNIVERSITY.

Kaagad kong hinila ang kamay ni Temer at hinarap ang mukha niya sa amin ni Alexies nang mapansin ko ang kanyang mata. Kumunot ang nuo niya dahil sa aking ginawa.

"Oh my gosh Temer. What happened to your eyes? I saw something color blue in there." Sambit ko habang tinitingnan ang mata niya pero agad niyang tinakpan ito ng kanyang palad. I know Temer always using contactlens kaya ni minsan hindi ko pa nakita ang totoong kulay ng mata niya.

"I gotta go. Excuse me." pagpapaalam niya sabay alis at tumakbo. Nagtaka ako dahil doon.

----

TEMER'S POV.

Dinukot ko sa aking bag ang cellphone ko at dinial ang number ng aking driver para ihatid sa akin ang isang kahon na kulay violet doon sa kwarto ko na naglalaman ng mga contactlens ko. Gosh! Nakalimutan ko pa itong dalhin kanina.

Pumunta muna ako ng comfort room habang wala pa ang driver.

Bumukas ang isang pinto roon at hindi ko inaasahang siya nanaman ang makikita ko.

"Oh. Seems that you're following me miss Climbert!" she said in a playful tone while washing her hands here in the washbowl beside me.

Tss! I have no time for you Abigail.

"Miracle! Temer Mioney Climbert didn't answer" she exclaimed with joy.

Ang sarap niyang sigawan ng 'bakit? Nagtanong kaba?' Pch!

Pumwesto siya sa likod ko pero hindi parin ako makatingin sakanya. Mahinhin nyang tinapik ang aking balikat at ramdam na ramdam kong ngumisi ito.

"Tss! Dapat ganyan ka lang palagi Temer! Hindi yung sasagot-sagot ka sa tuwing pinagsasabihan kita. Kapag sumunod ka palagi sa akin magiging matalik tayong magkaibigan."

She said and laugh before she get out in this comfort room.

Nasuntok ko ang lababo dahil sa nairita ako bigla nang marinig ang tawa niya. Crap! Sometimes, I hate people who laugh.

Dahan dahan akong nag-angat ng aking paningin at kitang kita ko talaga kung papaanong unti unting natutunaw ang aking contactlens kaya lantad na lantad ang kulay ng aking mga mata.

D*mn this eyes! What's happening to you?

.

.

.
--------

#GodBlessToThisStory❤️😇
#Four_Aeey

Continue Reading

You'll Also Like

7.2M 434K 114
Isa ang Merton Academy sa mga kilalang paaralan sa buong Pilipinas. Karamihan sa mga nag-aaral dito ay mga kabataang may talento pagdating sa akademi...
130K 12.7K 144
Lucas Galileo Mizutani, also known as the mage healer LGM Purifier, was given a quest to protect an Amulet inside the online game Leimhyark Online. H...
2.4M 184K 109
In Olympus Academy, the first and only school to house Filipino demigods and mythological creatures, students are divided into four classes: Alpha, B...
261K 9K 113
HOURGLASS SERIES #2 Ang akala ni Alecxie ay namatay siya. She feels the pain of dying, but instead of really dying, she was being reincarnated in th...