His Personal Wife - Book 2.

By modernongmariaclara

15.8M 235K 68.7K

FINISHED More

His Personal Wife - 1.
His Personal Wife - 2.
His Personal Wife - 3.
His Personal Wife - 4.
His Personal Wife - 5.
His Personal Wife - 6.
His Personal Wife - 7.
His Personal Wife - 8.
His Personal Wife - 9.
His Personal Wife - 10.
His Personal Wife - 11.
His Personal Wife - 12.
His Personal Wife - 13.
His Personal Wife - 14.
His Personal Wife - 16.
His Personal Wife - 17.
His Personal Wife - 18.
His Personal Wife - 19.
His Personal Wife - 20.
His Personal Wife - 21.
His Personal Wife - 22.
His Personal Wife - 23.
His Personal Wife - 24.
His Personal Wife - 25.
His Personal Wife - 26.
His Personal Wife - 27.
His Personal Wife - 28.
His Personal Wife - 29.
His Personal Wife - 30.
His Personal Wife - 31.
His Personal Wife - 32.
His Personal Wife - 33.
His Personal Wife - 34.
His Personal Wife - 35. PRIVATE
His Personal Wife - 36.
His Personal Wife - 37.
His Personal Wife - 38.
His Personal Wife - 39.
His Personal Wife - 40.
His Personal Wife - 41.
His Personal Wife - 42.
His Personal Wife - 43.
His Personal Wife - 44.
His Personal Wife - 45.
His Personal Wife - Epilogue - Prologue.
His Personal Wife - 1st Special Chapter.
Please read: Announcement. :)

His Personal Wife - 15.

318K 5.6K 2.5K
By modernongmariaclara

Hi guys! An update before I go AWOL. Haha. This is dedicated to Tine. Thank you for supporting!

Anyway guys. See you soon! Spread the summer love. <3

----------------------

CHAPTER 15.

KATHRYN'S POV

TAGAYTAY: 1ST DAY

"Nagseselos ako Kath. Gusto ko, ako lang. Akin ka lang."

Gusto niya sa kanya lang ako?

Humarap ako sa kanya at tinignan siya ng seryoso.

"Sayo lang ako? Bakit DJ. Akin ka ba?"

Hindi siya nagsalita. Iniwas niya yung tingin niya sakin.

"Kath naman."

"Bakit DJ? Sabi mo, sayo lang ako? O sige, sabihin na nating sayo nga lang ako. Pero paano naman ako? Akin ka lang ba?" hinawakan ko yung pisngi niya. "Bakit hindi ka makatingin sakin?"

"Pinipigilan ko lang sarili ko Kath. Hindi pa 'to yung right time."

"Right time na alin? Bakit mo iniiba yung usapan DJ ha? Sagutin mo ko. Akin ka lang ba?" pinatingin ko siya sakin. "Alam mo namang nasasaktan ako diba?"

"Alam ko. Pero nasasaktan rin ako Kath. Hindi mo maintindihan."

 

 

"Anong hindi ko maintindihan DJ?"

Tinignan niya ako ng seryoso. "Kath, ayoko lang na nakikita kang kasama si Enrique. Ayoko."

Binitawan ko pisngi niya. Tumaas na boses ko. "So ganun pala yun? Hindi ko pwedeng kasama si Quen. Pero ikaw, wow! Pwedeng-pwede na kasama si Bea!"

Napabuntong-hininga siya. "Kath, bestfriend ko yun. Intindihin mo naman. Ayoko naman na ma-out of place siya dito."

 

 

"In the first place, hindi naman siya kasama dito. Kaya ano naman kung ma-out of place siya? Call me mean pero trip kasi natin 'to! She keeps on ruining it!"

 

 

"Eh bakit yung bestfriend mo nandito rin naman ah. Kung ayaw mo palang masira 'tong trip na 'to, sana hindi ka na lang pumayag na nandito rin siya."

 

 

"Pumayag lang naman ako dahil nandito rin naman bestfriend mo. Hindi ako papayag kung tayong dalawa lang magkasama sa trip natin na 'to!"

 

 

"Pero Kath, wag mo naman gawin sakin 'to."

 

 

"DJ, hindi mo pa rin ba maintindihan? Nasasaktan ka na kasama ko si Quen. Pero hindi mo man lang ba naisip na nasasaktan rin ako dahil lagi ka na lang pumapayag sa gusto ni Bea? Manhid ka ba o nagtatanga-tangahan lang?"

 

Hindi siya nakapagsalita kaya inunahan ko na siya.

"DJ, sinong pipiliin mong makasama? Ako o si Bea?"

 

Tinignan niya lang ako ng matagal. Maaaring nagtataka siya kung bakit ko yun tinanong.

Gusto ko lang ng assurance. DJ, gusto ko lang ng assurance.

Napabuntong-hininga siya.

"Kath, hindi ko siya pwedeng iwan."

Pakiramdam ko nabagsakan ako ng pinagsamang langit at lupa. Sobrang bigat ng loob ko sa sinabi niya.

"Okay."

Tumalikod na ako nun at sa halip na samahan pa sa labas si Quen at Bea para manuod ng fireworks. Tumuloy na lang ako sa kwarto ko.

Pagkahiga ko pa lang sa kama, tumulo na yung luha ko. Ang sakit. Akala ko susundan niya ako at mag-eexplain siya sakin. Pero wala.

Mukhang pinili niya nga talaga bestfriend niya.

Sino nga lang ba ako? Ako lang naman ang ex-girlfriend turned to fiancee niya na nakalimutan niya diba?

You are so pathetic Kath. You are so pathetic.

-------------------------

TAGAYTAY: 2ND DAY

 

 

"Kath, okay ka lang ba? Mukhang kulang ka sa tulog ah."

 

Napatingin ako kay Quen na mukhang nag-aalala sakin.

"Okay lang ako." ngumiti na lang ako sa kanya para ma-assure siya.

Buti na lang hindi niya na ako tinanong ulit. Ewan ko. Hindi talaga ako nakatulog kagabi. Nawala kasi talaga ako sa mood.

Napabuntong-hininga na lang ako. Napatingin ako bigla sa may bintana.

Kung saan masayang naglalaro si Bea at DJ ng volleyball.

Kath, lalo mo lang sinasaktan sarili mo. Umiwas ka na lang. Umiwas ka na--

"KATH!"

 

 

"Aaaaah!" napatingin ako kay Quen nun. Saka ko siya hinampas sa braso ng malakas.

"Aray naman Kath!"

 

 

"Eh kasi naman nagulat ako sayo! Sumigaw ka pa dyan." sabay ismid ko.

"Paano ba naman kasi, para kang namatayan. Bakit ba wala ka na naman sa mood?"

 

 

"Wala 'to."

 

 

"Anong wala? Nakabusangot mukha mo dyan. Ang ganda-ganda ng araw!"

 

 

"Oo na. Wala na ko sa mood." sabay cross-arms ko.

"Bakit naman? Dahil na naman dun?" sabay nguso niya sa may bintana.

Napatingin na naman ako sa may bintana. Masaya pa rin sila at nagtatawanan.

Nagulat ako ng tumingin sa gawi namin si DJ. Sumeryoso ang mukha niya ng nagtama ang tingin namin. Iniwas ko kaagad dahil ayoko na muna siyang makita. Nasasaktan na kasi ako.

"Ewan ko sayo." sabi ko kay Quen at tumayo na lang ako. Makabalik na nga lang sa kwarto.

"Pikon? Tss Kath naman!" habol niyang sabi. Napatingin ako sa kanya.

"Matutulog lang ulit ako."

 

 

"Eh kakakain lang natin ng lunch ah?"

 

 

"Kaya nga. Matutulog lang ulit ako." poker-face kong sabi.

Napakamot siya ng ulo niya. "Akala ko magsswimming tayong lahat mamaya? After 1 hour? Sabi ni Bea diba?"

"Kayo na lang tatlo." sagot ko at pumanhik na ng kwarto.

Humiga ako sa kama ko at pinikit ang mga mata ko. Gusto ko na talagang bumalik sa Manila. Ayoko na dito. Akala ko matutuwa ako kasi trip namin 'to pero wala eh.

Nasasaktan na talaga ako.

Ayoko na sanang isipin yung nangyari kagabi pero wala eh, tuwing naaalala ko. Para bang binibiyak yung puso ko ng paunti-unti.

Kath, kalimutan mo na. Kalimutan mo na.

Pero wala eh, trinaydor na naman ako ng isip ko. Naalala ko na naman yung nangyari kagabi.

*tok tok*

Hays. May istorbo pa. Hindi ko na lang binuksan. Bahala na kung sino yung kumakatok na yun. Sino pa ba eh di yung roommate ko. Si Bea. -_-

Narinig ko yung pagkapihit ng pintuan. Nagpanggap na lang akong tulog.

"Kath?"

 

Napaupo ako kaagad at napatingin sa nagsalita. Si DJ? At bakit naka-swimming trunks na siya?

Iniwas ko kaagad yung tingin ko.

"O-oh bakit? Bakit ka nandito sa k-kwarto ko?" nautal kong sabi.

"Magsswimming na. Sunod ka na lang." sabay sarado niya ng pinto ko.

Hays.

Humiga na lang ako ulit. Ayoko. Wala talaga ako sa mood.

*tok tok*

Ano ba yan. Hays.

Tumayo ako at binuksan ito. Pagkatingin ko. Si Bea pala.

"Wala ka bang susi sa kwarto?" irita kong tanong.

"Wala eh. Naiwan ko sa baba. Anyways Kath, let's swim na. Gusto mo bang humiram sakin ng swimsuit? Meron akong extra."

 

 

"Meron akong sarili, Bea. Atsaka hindi ko nga alam kung magsswimming pa ako. Ang init."

 

Ngumiti siya sakin. "Magpahinga ka na lang kung gusto mo Kath. It's okay. Sasabihin ko na lang sa dalawang boys. Magpapalit lang ako ha?" sabay pasok niya sa cr ng kwarto namin.

Naiwan akong tulala habang nakatayo. Bakit ganun si Bea? Okay lang sa kanya? Eh hello? Dapat pinilit niya ako na magswimming. Beach house ko 'to eh. -_-

Maya-maya lumabas siya. At halos lumuwa yung mata ko sa sa suot niya.

"Okay lang ba swimsuit ko Kath?"

 

 

"You're seriously gonna wear that flimsy thing you call swimsuit?" gulat kong tanong. Eh paano, halos kita na kaluluwa niya! Rede two-piece na maraming cuts. Daring kasi masyado kay Bea. Alam niyo yung swimsuit ni Anne Curtis sa No Other Woman na snake-type? Ganun! Red nga lang at two-piece pa. -_-

"Kath, ano ka ba. Sanay na ako sa ganito. Besides, bagay naman sakin diba?" umikot pa siya.

Mukha siyang babaeng nagpopose sa men's magazine. Dahil nga sa red sexy swimsuit niya. Ewan ko ba sa babaeng ito. Iba ang taste. Grabe!

"Ano Kath?"

 

 

"Bagay sayo." labas sa ilong kong sabi.

"Talaga? Thanks! Sige baba na ako ha? Sayang naman at di ka makakaswim today. Maybe next time?" ngiti niya sabay labas ng pinto.

Nagdalawang-isip tuloy ako. Sige na nga, magsswimming na ako! Eh kasi, ewan! Basta babantayan ko si DJ at Quen!

Nagpalit na ako kaagad ng swimsuit ko. Red din siya na two-piece pero mas matino naman yung akin.

Bumaba ako kaagad. Palabas pa lang ako ng pintuan ng nakita ko na papalapit pa lang si Bea kay Quen at DJ. Nakita ko yung expresyon sa mukha ni Quen. Nagulat na lahat-lahat. Psh. Lalaki nga talaga bestfriend ko. -_-

Pero si DJ? Hindi nagulat? Huh. Baka tinatago niya lang na nagagandahan siya kay Bea.

"Kath!" nagulat ako ng tinawag ako ni Quen. Nakita niya na pala ako. Tumingin rin sa gawi ko si DJ.

Lumabas na ako ng pintuan at naglakad na papunta sa kanila.

Nagulat ako ng biglang manlaki yung mata ni Quen at ni DJ. Sabay pa sila. Napaubo pa si DJ pagkalapit ko sa kanila. Pero iniwas ko yung tingin ko sa kanya.

Napansin kong nakataas rin ng kilay sakin si Bea.

"Hindi pa ba kayo magsswimming?" ngiting tanong ko sa kanila.

"Akala ko ba masama pakiramdam mo Kath?" pagtatakang tanong ni Bea.

Ngumiti lang ako sa kanya. "I'm okay na. So? Ano na? Hindi pa ba kayo magsswimming?"

 

 

"Magsswimming na. Let's go DJ." seryosong sabi ni Bea. Nagulat ako ng hilahin niya si DJ papunta sa tubig.

"Sige Bea." tapos tinignan ako ni DJ bago siya sumama sa hitad na yun.

Naiinis na talaga ako. Pinapamukha niya pa sakin na mas pipiliin niya pa bestfriend niya kesa sakin. Nakakainis. Nalulungkot ako.

"Ganda mo Kath."

 

 

Nagulat ako, nandito pa pala si Quen. Tumingin lang ako sa kanya at ngumiti.

"May mas maganda para sa kanya eh."

 


Natahimik kaming dalawa. Nakatuon lang ang atensyon namin sa dalawang taong nagsasabuyan ng tubig. Ang saya-saya naman ni DJ at Bea.

Wala nga akong laban sa bestfriend niya.

"Kath, naaalala mo ba yung sinabi ko sayo dati? Nung kakarating lang natin dito from New York?"

 

 

"Ano yun? Yung sabi mong may sasabihin ka kaya lang di pa right time?"

 

Ngumiti siya ng malungkot. "Oo."

 

 

"Ano naman tungkol dun?"

 

 

"Kath, sana maging masaya ka."

Kumunot yung noo ko sa sinabi niya.

"Huh? Hindi kita maintindihan."

 

 

"Wala. Maiintindihan mo na rin yun. Pakiramdam ko nga malapit na eh."

 

 

"Baliw. Magswimming na nga lang tayo!" di ko talaga siya maintindihan.

"Sige. Pero teka lang. May tatawagan pa ako. Mauna ka na."

 

Napasuklay ako ng buhok. "Sige."

Ngumiti muna siya bago siya tumakbo papalayo sakin. Ako naman, napatingin sa harapan ko. Kung saan nagkukulitan pa rin si Bea at DJ.

Ewan ko sa kanila.

Lumusong na ako sa tubig. Diretso lang ako na naglalakad papunta sa malalim na part ng beach. Hindi ko sila tinignang dalawa. Hahayaan ko na lang sila.

Napatingin ako sa may clouds. Mamaya pa mag-sunset. Grabe, nung nalaman ko na si DJ pala yung kababata ko before? Gusto ko na makasama siya habang papalubog yung sunset. Watching with him makes that future moment worth it.

Ang tanga mo kasi Kath, bakit mo kasi pinapili. Ayan tuloy. Sinong talo?

Naalala ko na naman yun. Bigla na naman sumakit yung puso ko. Ayoko umiyak dito. Babalik na lang ako sa kwarto. Walang-kwenta 'tong trip na 'to.

Aahon na sana ako sa tubig ng biglang naramdaman kong may yumakap sa may beywang ko.

"Kath..."

 

 

"D-DJ?" humarap ako sa kanya. "Bakit na naman ba?"

 

 

"Kath, bakit ba ganun? Pinapahirapan mo ko."

 

Nakatingin lang siya sakin ng seryoso. Kinakausap ako gamit ang titig niya.

"Nahihirapan ka? Ako rin DJ. Hirap na hirap. Hindi mo lang alam kung gaano ako nagpapakahirap para lang makaaalala ka. Tapos, pinili mo pa si Bea kesa sakin."

 

Iniwas ko yung tingin ko sa kanya. Pakiramdam ko kasi tutulo luha ko dahil sa sinabi ko.

"Kath, hindi ako pumili."

 

 

"Pero parang ganun na rin yun."

 

 

"I'm sorry. pero I just want to know something. Pagod na pagod na rin kasi ako. Ayoko na. Hindi ko na kaya."

 

 

"Ano yun? Bilisan mo na dahil pagod na pagod na ko."

 

 

"After all this heartache that I've given to you. Do you still love me?"

 

Tinitigan ko siya ng matagal. Bahala na kung magmukha akong tanga. Wala akong pakielam.

"Yes."

Nagulat ako ng ngumiti siya. Hinawakan niya ako sa magkabilang-pisngi ko. Tapos bumuntong-hininga.

"Wala akong amnesia, Kath."

-------------------

PS: Wait for the BIGGER TWIST. Soon.

Continue Reading

You'll Also Like

6.8K 381 94
May writer's block? Walang maisip na ideya? Kailangan ng writing exercise? Sagot namin kayo! Inihahandog ng AmbassadorsPH ang Prompt of the Week kung...
213K 4.3K 10
Bago lang si Patricia sa kanyang school at sobrang kinakabahan siya kung magkakaroon ba sya ng kaibigan. Makikilala niya sina Trixie at Kylie na siya...
103K 4.1K 29
Lara, The arrogant, boastful heiress of her Father's company meets Brei, a girl who lived through poverty and is willing to do anything for her famil...
627K 25.2K 42
[X10 Series: KRISTOFFER MIGUEL TAN] Ikakasal na sana si Toffer kung hindi lang sana umatras ang bride niya. Nalaman din niya na may kinalaman ang pin...