Dumeretso na sila sa bahay ni sally
Pagpasok nakita sila ni jade
Sal? Sabi ni jade
Bestie sorry..
Di ba sabi ko hindi pwedeng malaman ni althea.. Bawal siyang ma stress
Lab.. Bakit ka ganyan? Ang unfair mo naman eh..sabi ni althea
Unfair na kung unfair pero ayaw ko na mas lumala pa yang kalagayan mo..
Kaya itatago mo sa akin yang nangyayari sayo..
Teka sandali lang ha.. Time out.. Sabi ni sally
Baka mag away pa kayo eh..
Jade alam ko naman na concern ka lang sa health ni althea pero i know naman na you need her to be there para maging lakas mo..
And althea please promise mo na hindi maaapektuhan yang condition mo sa mga mangyayari kay jade ha..
Tumango lang ang dalawa
Lumapit si althea kay jade..
Sorry kung nasigawan kita kanina..
Ok lang yun.. At least ngayon alam ko na paano ka nagiging dragon...
Dragon ka dyan..hinampas ni althea ng mahina braso ni jade
Ok na yun lab..
Bati na tayo? Sabi ni althea
Tumango si jade
Althea please convince her na magpa biopsy na.. Sabi ni sally
Tumingin si althea kay jade
Matigas naman ulo mo lab?
Eh kasi natatakot ako..
Sasamahan kita ha.. Gawin mo na.. Para malaman na natin ok..
Pero lab..
Jade tanchingco please.. Huwag na matigas ulo..
Paano kapag malignant pala.. Tapos..
Ssshhh.. Tama na yan.. Positive lang tayo lab ha..
Tumango na lang si jade at siniksik ang mukha niya sa neck ni althea
Sus naman maglalambing lang pala sabi ni sally
Lablab oh niloloko ako ni sally..
Natawa na lang si althea kay jade
Sus.. Totoo kaya..
Hayaan mo dadalawin ka ni paul dito mamaya kapag wala na kame ni althea
Bestie naman eh.. Sabi agad ni sally
Natawa si althea at jade
Sal salamat ha.. Kasi nandyan ka lagi for jade..sabi ni althea
Nako althea oo naman kahit naman sayo noh.. Anytime.. So bukas pupunta na tayong tatlo sa doctor mo jade ha
Tumango na lang si jade
Magiging ok lang yan lab.. Kasama mo kame ok..
Salamat lab.. Best salamat din sayo..
No problem best..
Ahm best sa tingin ko kailangan mo na din ipaalam kila tito oscar ang situation mo..
Hah?
Oo nga lab kasi for sure kapag later on mo pa sasabihin baka magtampo or much worst is magalit sila.. Karapatan nilang malaman lab..
Ok.. Tatawagan ko si mama..
Matapos nilang mag usap na tatlo niyaya naman nila jade si sally sa bahay para doon na mag dinner at doon na din muna mag stay kasama nila dahil mag isa lang ito sa bahay
Pumayag naman din ito dahil nga mag isa lang siya at alam niya kailangan din ni jade ng support for the surgery
Pagdating nila sa bahay nag videocall si jade sa mama niya..
Nahirapan man siya sabihin ang lahat pero kailangan
Umiiyak ang mama niya.. At ang dada niya naman kahit hindi umiyak alam ni jade na affected ito.. Nagpapakita lang si oscar na malakas siya pero durog ang puso niya sa anong pwede maging resulta ng biopsy ng anak..
Tinawagan din ni jade si ahya gab niya upang ibalita ang sitwasyon niya. Naiyak ito at nangako ito na gagawin ang lahat upang maging ok ang bunso niyang kapatid..
Sina batchi at wila ay tinawagan din ni althea para ibalita ang kondisyon ni jade labis ang lungkot ng dalawa..
Sabay naman si althea at jade na kinausap si miggy at ipinaintindi dito ang gagawin ni jade na surgery.. Nalungkot at naiyak ito.. Ayaw niyang bumitaw sa pagyakap sa mommy jade niya.. Pero napakalma naman nito ni althea
Nagpapahinga na sila sa kwarto
Lab thank you for being my strength..
Syempre naman lablab.. I will always be..
Pinipilit ni althea na maging malakas para kay jade kahit sa loob nito ay masyado na siyang natatakot para sa fiancé nya..
Nakayakap lang si jade kay althea.. Nakayakap din si althea dito at hinahaplos ang likod nito hanggang sabay na silang nakatulog..
Makalipas ang tatlong araw matapos silang pumunta sa doctor para ipa schedule ang biopsy ni jade
Nasa isang private room sila ng hospital kung saan naka confine si jade upang gawin sa kanya ang procedure..
Nasa kwarto kasama niya si althea miggy at sally
May kumatok
Pwede ba kameng pumasok?
Mama.. Sabi lang ni jade
At sumunod si dada niya
Dada..at naiyak na si jade sa yakap ng ama
It will be ok anak.. Nandito na ang dada.. Hindi ako papayag na may masamang mangyari sayo..
Ang mama niya naman ay umiiyak na.. Nakayakap ito kay althea
Mama.. Sabi ni jade
Anak.. Baby ko.. Nandito na ang mama.. Be strong baby ok.. Hindi ka namin papabayaan..
Shobe..
Ahya nandito din kayo.. Pearl
Syempre naman pwede ba na mawala kame alam namin na kailangan mo kame ngayon... Sabi ni gab
Tsaka hindi lang naman kame eh..
Nandito din kame jade.. Sabi ni batchi
Nako batchi wila.. Salamat sa inyo..
Alam namin.. Alam namin na naiisip mo na sana nandito kame para kay althea..bulong ni batchi kay jade habang nakayakap ito kay jade
Salamat batchi.. Salamat..ngayon panatag na ako magiging ok si althea kasi nandito na kayo ni wila..salamat..
Welcome jade..
Yumakap din dito si wila
Nako jade ha takot lang niyang tumor mo na maging malignant alam niya na nandito na kameng lahat noh.. Wala na siyang panalo..
Natawa si jade kay wila.. Ikaw talaga.. Pero salamat wila ha..
Maya maya pa pumasok na ang mga nurse..
Ms. Tanchingco we will bring you to the operating room..
Tumango lang ito..
Nilapitan siya agad ni althea at yumakap ito sa kanya..
Lab be strong ok.. Nandito lang kame..i love you.. Sabi lang ni althea..
I love too lab..bulong dito ni jade
Maam.. Sabi ng nurse
Kaya bumitaw na si althea sa pagkakayakap kay jade at nilabas na nga si jade papuntang operating room..
Nasa kwarto lang sila at naghihintay.. Si althea nakaupo man sa isang tabi at yakap si miggy alam mo na natatakot ito para sa fiancé niya.. Alalang alala ito..
Mama magiging ok lang naman po si mommy di ba..
Oo naman anak.. Magiging ok lahat dont worry ha..
Opo mama..
Makalipas ang half hour binalik na sa kwarto niya si jade..
Kumusta pakiramdam mo lab? Tanong ni althea
Ok lang lab..
Gutom ka na ba? Tanong nito ulit kay jade
Yah.. Sabi ni doctor pwede na daw ako kumain..
Napangiti sila kay jade..
Minabuti ng doctor ni jade na iconfine siya dahil may gusto pa din siyang ma confirm na iba pang hinihinala niya after ng results ng laboratory
Dahil hindi naman pwede madaming magbabantay sa kanya sa hospital si althea batchi wila at sally lang ang naiwan sa hospital.
Guys salamat sa pag stay ha..
Oo naman jade.. Basta para sayo anytime..sabi ni batchi
Lab magsabi ka lang ha if you need anything..sabi ni althea
Ok lab..
Nako ako lang walang partner.. Sabi ni sally..
Natawa sila.
Itong unan na nga lang partner.. Partner kita ha pangalan mo si paul..
Nako malala na yan sal sabi ni wila
Pagnagsalita yan lagot ka sabi ni batchi
Naging light ang atmosphere sa kwarto ni jade dahil sa mga kaibigan..
Makalipas ang dalawang araw ipinaalam ng doctor ni jade na ilalabas na ang result niya within that day..
Kaya medyo kabado siya pati na din ang pamilya at mga kaibigan nito
Si althea nasa tabi lang ni jade pilit niyang pinalalakas ang loob nito..
Mid aftenoon ng pumasok ang doctor ni jade at inabot niya dito ang result
Request kasi ni jade dito na siya ang titingin sa result
Pagbukas niya ng envelope tahimik siyang nagdadasal
Tumayo naman muna si althea para hayaan si jade lang ang makabasa
Guys ahm.. Sorry..
Lahat napahinga ng malalim.. Parang ayaw nila sa naging expression ni jade
Lab... Sabi lang ni althea
Ahm sorry lab kasi ano eh.. Ano siya.. Yumuko ito
Lab ano ba.. Sabi ni althea
Kasi matatali ka na sa akin forever.. It benign guys.. Ngiting sabi nito..
Diyos ka bata ka.. Sabi ng mama niya
Papatayin mo ako sa nerbyos.. Dagdag pa nito.. Sabay yakap sa anak
Lumapit din si oscar at mahigpit ang yakap sa anak
See i told you.. Dami mo kayang angel doon.. Si angkong si ama at si paul
Salamat sa kanila dada.. At thank you din dada dahil nandyan kayo lagi for me
Shobe congrats!! Sabi ni gab
Mahal ka namin shobe sabi naman ni pearl
Bestie sabi na eh.. Masamang damo matagal pang mamamatay yan eh..
Hinampas siya ni jade
Aray bestie ha.. Joke lang yun..
Pero thank you sal ha.. For being there nung hindi ko na alam anong gagawin ko..
No problem bestie anything for my bestfriend
Tapos yumakap din sa kanya si wila at batchi
Malakas ka sa taas jade at sobrang bait mo din kasi kaya.. Sabi ni wila
Salamat guys..
Nang mag meet ang mata ni althea at jade naiiyak si althea dahil sa kasiyahan..
Lab.. Sabi lang ni jade
Agad na lumapit si althea dito at niyakap niya si jade
Salamat sa diyos lab.. Mahal na mahal kita..
Mahal na mahal din kita lab.. Buti na lang malakas tayo sa taas.. Pinayagan pa niya tayong magsama..
Syempre naman lab.. Ikakasal pa tayo eh.. Sabi ni althea
Humarap sila sa isat isa at dinikit ang kanilang noo
At dumampi na ang kanilang mga labi
Mabuhay ang bagong kasal! Sigaw ni batchi
Hinampas siya ni wila
Aray naman pangga.. Basag ka naman ng trip eh..
Hayaan mo na ang dalawa.. Sabi ni wila
Natawa na lang sila sa kalokohan ni batchi
After nun pinayagan na ng doctor si jade na makauwi..
Nang dumating sa mansion si miggy agad na tumakbo para yakapin ang mommy jade niya
Mommy thank you po ok na kayo..
Hi migs.. Miss you anak..
Miss na miss na din po kita mommy.. Sobra..
I love you migs..
I love you more mommy..
Nako pwede ba akong maki hug? Tanong ni althea sa dalawa..
Syempre naman mama..
Masaya silang lahat ng araw na yun may konting salo salo na hinanda ang dada at mama ni jade
Si althea naman alagang alaga si jade
Althea..
Lumingon si althea at jade
Irene? Sabi ni althea
Ahm.. Pumunta lang ako dito para humingi ng tawad..
Jade sorry talaga.. Hindi ko naman intensyon na manira eh.. Akala ko kasi..
Ok na yun irene.. Kalimutan na natin yun.. Alam ko naman concern ka lang sa kaibigan mo..
Sorry talaga.. Althea sorry..
Ok na yun irene.. Sabi ni althea
Ahm sige mauna na ako yun lang naman talaga pinunta ko dito
Nako irene hindi pwede join us tska for sure may sasaya pa kapag nakita ka.. Ayun oh.. Sabi ni jade Sabay turo kay batchi
Si batchi? Tanong ni irene
Oo.. Kasama girlfriend niya si wila..sabi naman ni althea
Tara lapitan natin.. Sabi ni althea
Lumapit sila kung nasaan sina batchi
Nakatalikod ito sa kanila..
Batch may gustong kumamusta sayo..sabi ni althea
Sabay lingon naman nito
Hi tsong.. Sabi ni irene
Irene? Ikaw yan tsong?
Tumango tango lang si irene..
Langhiya ka! Saang planeta ka nagtago ha.. Sabi ni batchi
Grabe ka mag welcome ng kaibigan noh.. Sabi ni irene
Nako althea palayasin mo na yan.. Pilit na pagseseryoso ni batchi
Nako ang drama mo tsong.. Wala ganyan ka pa din eh..sabi ni irene
Kaya natawa na si batchi
Kumusta ka na batching!!! Sabay gulo ni irene sa buhok nito
Naman iring eh.. Pinapapangit mo ako eh.. Hindi na maiinlove sa akin pangga ko eh..
Ay teka pangga halika dali..
Pangga ito si iring ay este irene pala.. Ito yung kinekwento namin sayo ni althea na walang hiya naming kaibigan na nawala na lang bigla..
Sira ulo ka talaga batching..sabi ni irene
Natawa naman si wila
Hi irene.. Wila sabi nito
Di ba iring ang ganda ng pangga ko.. Sabi ni batchi
Oo nga kaso hindi ko alam ano pinakain mo kay wila at nagustuhan ka niya eh.. Natatawang biro nito
Ah ganun.. Sabi ni batchi..
Tama na nga yan.. Kahit kelan talaga kayong dalawa.. Sabi ni althea
Natawa na lang silang dalawa
Nagpatuloy ang kanilang kwentuhan at tawanan..
Masayang masaya ang lahat dahil ok na si jade