Demigoddess - Daughter of Zeus

By erinedipity

851K 33.5K 9.7K

Demigoddess Trilogy - 1/3 ϟ Summary? Oh, I got the lord of the gods as my father and the gods as my half sibl... More

Demigoddess - Daughter of Zeus
i. how i, daughter of zeus became daughter of zeus
ii. dinner with the gods
iii. dani galman, walking lost and found station
iv. sygnó̱mi̱
v. son of hades, how i wish
vi. cy
vii. aphrodite
viii. talkative cy
ix. demigods
x. theseus and ariadne
xi. ghost whisperer
xiii. i want you
xiv. aiolos
xv. minor gods
xvi. cherish
xvii. momsy
xviii. ambrosia
xix. immortality
xx. deserving demigod
xxi. edward, bella, jacob
xxii. friends
xxiii. hug
xxiv. lord apollo, her sun and stars
xxv. night
xxvi. cy ellarina, you're no good for me
xxvii. trojan war
xxviii. wine god
xxix. demigod bonding
xxx. no more cy
epilogue

xii. son of a royal biatch

25.6K 944 236
By erinedipity

i wuv u guys thanks sa support mwehe;; uhuh~ neon plss ---->

______________________

xii. son of a royal biatch

"Wala ka talagang kwenta kahit kailan!" Kanina ko pa minumura-mura si Cy habang naglalakad kami sa kalsada. Lahat na ata ng mura naubos ko sa kanya pero hindi pa rin humuhupa 'yung inis ko sa kanya at sa mga magiging anak niya sa pyutyur. Yep, kasama sila. Curse you and your future generation! Letche!

Paano ba naman, dahil sa katarantaduhan niya sa buhay na unfortunately eh pilit akong idinadamay mukha atang hindi na ako magiging immortal, ever! Dahil sa kalandiang ipinasa sa kanya ng nanay niyang auggggh whatever-- eh hindi ko napansin na nakaalis na pala si Neon. Alam mo 'yung abot na abot mo na ang tagumpay tapos may biglang hihila sa mga paa mo?!

Alam niyo ba 'yung nararamdaman ko?!

Naiintindihan niyo ba ako?!

"Tyaka mo sabihin sa'king wala akong kwenta kapag hindi ka na tinatablan ng powers ko." Tyaka niya ako kinindatan. Agad ko naman siyang inambahan ng suntok pero dali-dali siyang nag-peace sign.

Augggh! Nakakainis! Paano kapag hindi ko na nakita si Neon kahit kailan?! Paano na 'yung task ko?! Paano na 'yung immortality ko?! My gods, stress na stress na ako! Kalahating buwan na lang eh deadline ko na pero wala pa rin akong napapala. Kung naging si Cy na lang kasi sana 'yung anak ni Uncle Hades eh 'di sana nagpapakasaya na ako sa piling ni Apollo my lab poreber and eber until you die <///3

"Sino ba 'yun, boypren mo?" Pang-uusisa ni Cy sa'kin. Sinamaan ko lang siya ng tingin. "Silence means yes?" Tyaka siya natawa ng mahina, "May nabubulag pa pala sa'yo?" Tyaka siya humagalpak sa tawa.

Huminto ako sa paglalakad tyaka siya hinarap. Nagpeke ako ng ngiti sa kanya tyaka siya pinitik sa noo.

"Alam mo kasi Cy, sobrang ganda ko. Sa sobrang ganda ko gusto na kitang patayin!" Gigil na gigil ako sa kanya habang pinipigilan ang sarili kong masapak siya.

Opkors, kailangan may self control pa rin ako. Hindi ako pwedeng mawalan ng poise. Sayang ganda ko kung magiging amazona lang ako nang dahil sa alien na 'to. Duuh, hindi gawain ng mga fab na katulad ko ang pumatol sa mga hindi namin ka-level-- ay wait, may mga katulad pa ba ako? Ang alam ko kasi ako na 'yung pinaka-fab. One and only Dani Galman ; /flips hair/

"Atyaka pwede ba Cy, tigil-tigilan mo 'ko dyan sa mga panlalandi mo kasi hindi ka na nakakatuwa!" Sabi ko sa kanya sabay irap tapos continue sa paglalakad.

"So boyfriend mo nga 'yun?" Hindi niya pinansin 'yung mga sinabi ko sa kanya tapos 'yun pa rin 'yung tanong niya sa'kin.

"Hindi." Simpleng sagot ko sa kanya.

"Bat mo hinahabol?" Tanong niya ulit. Wow, ano bang paki niya?

"Kasi gusto ko." Dahil sa inis eh lumingon ulit ako sa kanya, "Bakit ka ba tanong ng tanong?!"

Bigla siyang napangisi sa'kin tapos dahang-dahang lumapit sa'kin. Uh-oh. Ayoko 'yang mga galawang Cy na 'yan. 'Yang pagngisi niyang 'yan eh sapat na para kumaripas ako ng takbo kasi alam kong may gagawin na naman siyang kagaguhan sa'kin.

Dinuro ko siya habang paatras sa kanya, "Hoy Cy sinasabi ko sa'yo! Manghihiram ka ng mukha sa Cerberus!" Pagbabanta ko sa kanya.

Uhmm sa mga nagwo-wonder kung ano 'yung Cerberus-- isa siyang three-headed, dragon-tailed dog. Guard din siya at siya 'yung nagbibigay ng permission sa mga patay para maka-enter sa Underworld. And~ wala ng balikan 'yun. Forever na sila run.

"Tinatanong mo 'di ba kung bakit ako tanong ng tanong?" Sabi niya sa'kin with his 'makahulugang ngiti'. At dahil gago siya nahila niya ulit ako ((charotera naman kasi bakit ba ako palaging nahihila rito????)) pero hindi niya ako niyakap which is good news para sa akin kaya medyo nakahinga ako ng maluwag.

Pero 'yung sunod niyang sinabi 'yung bumawi 'nun. Omgs.

"Kasi nga akin ka." Tyaka niya 'ko nginitian nung labas lahat ngipin niya. Letche, ang sarap suntukin pramis! Pero kapag sinuntok ko siya mawawala na 'yung 8tWonder of the World. Tsk tsk. Sayang naman 'di ba?

Convinced na convinced na akong ginagamitan na naman niya ako ng walang kwenta niyang powers. Letche, ano bang klaseng powers 'yan? Gayuma in solid form? Tyaka my gods, paano naman niya 'yun magagamit kapag may mga laban, ganun? Paano kapag may hold-up, anong gagawin niya ise-seduce niya 'yung hold-upper? Mga jusko!

"Ha-Ha. Funny Cy, funny." Sarkastiko kong sagot sa kanya tyaka kumalas sa kanya at nagpatuloy sa paglalakad.

Napahawak ako sa left side ng dibdib ko. Gods, ito na naman. Party party ulit 'yung puso ko sa loob. Tsk, letche kasing Cy 'yan pati 'yung powers niya! Not good for the heart!

"Alam mo 'yung ibang mga pinagsabihan ko nun nao-ospital kasi hindi nila kinaya 'yung sobrang kilig." Sabi niya sa'kin. Nasa likod ko siya.

ANONG SABI NIYA?!

'Yung MGA IBANG????????????????

Agad akong napaharap sa kanya.

"MAY IBA KANG PINAGSABIHAN 'NON?!" I mean duuh, of course malandi siya kasi anak siya ng isang malandi. Jusko, kung ano ang puno 'yun din ang bunga! Pero srsly?!

"Yep. Nangingisay silang lahat sa kilig. Sana okay na sila ngayon." Tyaka siya napatingin sa langit. Gulat na gulat ako sa kanya kasi super casual lang sa kanyang pag-usapan 'yon.

Hindi ko rin alam kung totoo 'yung sinasabi niya o nagyayabang lang talaga siya. Pero lintek, seryoso?! So hindi lang ako 'yung nasabihan ng "Akin ka." and other shts?! Ano 'to nangongolekta na rin siya ng mga babae parang nanay niya lang na magaling magpaasa ng iba't ibang lalake? Oh my gods.

"ANG GAGO MO!" Inis kong sigaw sa kanya tyaka tumakbo na 'ko.

Nagngingitngit ako sa inis habang tumatakbo. Jusko, run Dani, run ang peg. Ayoko nito! Ang drama pero kasi nakakainis. Nakakainis, okay?! Akala ko makulit lang siya 'yun pala ang gago niya rin katulad nung nanay niya. Oh my gods. Alam niyo ba pinagdedebatihan ng puso't isipan ko kung kakaibiganin ko pa siya o tuluyan ng iha-hate dahil sa nanay niya. Naisip ko baka iba siya kay Goddess Aphrodite tapos matino pala siya pero-- omgs. Mali ako. Mali, super!

And now I have three to hate: Goddess Hera ; Goddess Aphrodite ; and the son of a royal bitch, Cy! Gaahds! Nakaka-stress talaga!

Sa wakas naman eh nakarating ako sa tinitirahan ko ng ligtas at buo pa ang katawan. Jusko, kung bakit kasi pinili ko pang mag-alay lakad eh may mga nadaang taxi naman! 'Pag minsan talaga sa sobrang fab ko hindi na ako nakakaisip ng matino.

Isama mo pa 'yung walang kwenta kong kasama kanina! My gods! Ayan naginit na naman ulo ko nang dahil naalala ko na naman siya! Parusahan sana siya ni Popsy tapos maulanan siya sa daan, makidlatan at kung ano-ano pa!

I swear wala siyang kwenta!

"Welcome home!" Masayang-masaya niyang bati sa'kin habang ngiting-ngiti.

OH MY GODS.

I pray to all the gods please please please can you just kill me now?!

Augggh! Goddess Hera, Goddess Aphrodite-- would you like to do the honor of killing me, please?!

"ANO NA NAMANG GINAGAWA MO RITO?!" Inis na inis kong tanong sa kanya.

Nakangiti lang siya, "Hinihintay ka."

"Bat mas mabilis ka pang nakarating sa'kin dito?!" Tanong ko sa kanya.

"Malamang nag-taxi ako. Nadaanan nga kita eh kaso parang nag-enjoy ka naman sa Milo Marathon na sinalihan mo." Tyaka niya ako nginitian.

Napakagat ako sa lower lip ko dahil sa pagpipigil sa sarili kong sigaw-sigawan siya. Nasisira na ang poise ko at nai-stress na ako. Hindi 'to pwede.

Dinaanan ko lang siya tapos umakyat na sa kwarto ko. Ni-lock ko 'yun tapos nahiga sa kama ko. Saglit kong ipinikit 'yung mga mata ko para makapagpahinga pero lintek talaga. Kung mamalasin ka nga naman talaga -____-

"Oy Dani. Joke lang 'yun. Hindi talaga ako nakikipag-usap sa kahit kanino." Sabi niya sabay katok sa pinto ko.

Kinuha ko 'yung unan ko tapos itinakip ko 'yun sa tenga ko.

Akala ko pa naman magkakaron ako ng bff kasi parehas kaming demigod pero my gods! Ano bang nagawa kong mali para parusahan niyo ako ng ganito?! Lahat naman kayo dinadasalan ko tapos inaalayan! Lahat naman kayo binabati ko kapag nasa Olympus ako kahit ini-ignore ignore niyo 'ko. Ano pa bang kailangan kong gawin?! Huehue.

"Parehas lang tayo Dani. Ikaw rin 'yung una kong kaibigan." Medyo seryoso na 'yung tono ng pananalita niya. Pero medyo naiinis pa rin ako sa kanya kaya hinayaan ko lang, "Sorry."

Naghintay ako.

Ilang minuto pa eh wala na akong narinig na kahit anong ingay. Wala na akong narinig mula kay Cy. Napagdesisyonan kong buksan 'yung pinto ng kwarto ko at tama nga ako. Wala na siya run. Nakaramdam tuloy ako ng konting guilt. Augggh! Alam ko may kasalanan din ako kasi naging judgemental ako-- pero kasi...

Letche.

Oo.

Ako talaga 'yung may kasalanan.

Kasi judgemental ako.

Napabuntong hininga ako pero kasabay nun eh ang biglang pagkamatay ng ilaw sa buong paligid ko. Agad naman akong nagpanic at tumakbo sa kama ko't nagtalukbong ng kumot dun. Nakaramdam ako ng panginginig ng sumimoy ang malamig na hangin sa loob ng kwarto ko kahit alam ko namang sinara ko 'yung mga bintana. Omgs, ano na naman ba 'to?!

Patuloy ang pagdadasal ko sa lahat ng deity na kilala ko nang biglang may boses akong narinig.

"Dani." Omgs!

Wait, parang familiar?

"Dani, iha."

Tama kaya ako?????

Inalis ko 'yung kumot na nakatalukbong sa'kin tapos tumambad sa'kin 'yung mukha ni Uncle Hades na nakangiti. I mean, 'yung mata niya 'yung nakita ko tapos 'yung anino niya kasi nga 'di ba madilim kaya hindi ko siya gaanong makita.

"U-Uncle?" Tawag ko sa kanya.

"Pasensya ka na kung biglaan. Ang tagal kasing umalis ni Cyril eh." Wait, wait, wait.

OMGS?????

Kilala niya rin si Cyril--I mean Cy?! Bakit?! Paano?! Ano itey, updated na rin siya sa mga nangyayari sa Olympus ngayon?! I mean, separated kasi siya sa Olympus kasi may sarili siyang kaharian pati na rin si Uncle Poseidon. Parang 'yung Olympus eh meeting place lang nila.

Paano niya nalaman?!

At wait. Nandito ba siya para sabihin sa'king wala akong kwentang naghahanap?! Na hindi na niya ako kailangan kasi wala naman akong silbi?! Na nag-give up na siya sa paghahanap sa nawawala niyang anak?! Na never ko nang makukuha 'yung immortality na ipinangako niya????????!

OMGS PLS NO NO NO NO

"Nandito sana ako para kamustahin 'yung paghahanap sa... uhmm... a-anak ko." Aww, ang cute ni Uncle Hades! Nahihiya pa! Yhieee~

Okay Dani, hindi ito ang tamang panahon para maglaro ka dahil kaligayahan mo 5ever ang nakasalalay dito. Kaligayahan niyo ni Apollo! Omgs!!!!

"Huwag po kayong mag-alala, nasisigurado ko pong makakasama niyo siya at the end of this month." Sabi ko sa kanya habang naiisip si Neon. At proud na proud ako run.

Eh wala eh. Dani Galman kasi. Daughter of Zeus!

Hindi ko man makita eh feeling ko napa-smile si Uncle Hades sa sinabi ko. Hehehe.

"Good to hear that from you. Pero may gusto pa sana akong iparating sa'yo." Wika ni Uncle Hades.

Eh? Meron pa? May ipapahanap pa? O dapat naka-box tas naka-gift wrap with matching pink ribbon pa 'yung anak niya kapag iprinesent ko sa kanya?

"Ano po 'yun?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi lang kasi ikaw 'yung naghahanap sa anak ko." Biglang sabi ni Uncle sa'kin.

WHAT??????????

"Ano pong... ibig niyong sabihin?" Malumanay kong tanong ko sa kanya.

"Akala ko kasi eh hindi mo kaya ng mag-isa 'yung pinapagawa ko sa'yo. Kaya nakiusap pa ako sa isang demigod na kung pwede eh hanapin din 'yung anak ko." Paliwanag nito sa'kin.

Oh? May isa pang demigod bukod sa'min ni Cy? Good, good. Omgs, the who naman itey?

"May bago po kayong nahanap na demigod?!" Excited kong pagkakatanong kasi omgs, baka maging bff kami!

"Hindi siya bago." WAIT WHAT, "Si Cyril... siya rin 'yung pinakiusapan ko."

WHAT

THE

MOTHER

OF

CHEESEBALLS

BAKIT?!!!!!!!!!!!!!

"Uhmmm p-paano po 'yung immortality?" Syempre 'yun agad 'yung tinanong ko. Bakit ko pa kasi ginagawa 'to 'di ba, syempre dahil sa immortality!

"Yun nga 'yung gusto kong sabihin. Dahil parehas kayong naghahanap sa iisang tao... kung sinong mauunang makakahanap sa inyo, sa kanya mapupunta ang immortality." Sabi niya sa'kin.

Awtomatik akong napamura sa isip ko.

Lintek.

Paunahan kami?! Alam kaya 'to ni Cy?! Kaya ba niya ako sinasabotahe at inililipat ang atensyon ko sa kanya para hindi ko magawa 'yung task ko?! GODS YUNG ALIEN NA 'YON OMGS AUGGGGH!!!!!!!!!!!!!!!!

"Alam po ba ni Cy--este ni Cyril na hinahanap ko rin 'yung anak niyo?" Tanong ko kay Uncle Hades.

"Oo." ANAK NG HINAYUPAK GAGO KA TALAGA CY!!!!!!!!!! "Ang akala ko nga eh nagtutulungan kayo sa paghahanap. Kaya pumarito ako para ipaalala sa'yo na iisa lang ang makakakuha ng immortality."

Hindi ko na mapigil 'yung galit ko.

Gusto kong kalbuhin si Cy ngayon din! Omgs, hindi ako makapaniwala na sinasabotahe niya ako! May pa-sorry sorry pa siyang nalalaman kanina! Pero ang totoo, gustong-gusto niyang wala ako sa focus para makuha niya 'yung immortality! WALA TALAGA SIYANG KWENTA!!!!!!!!!!!!!

AUGGGGH

ALIEN!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

Continue Reading

You'll Also Like

260K 19.4K 47
⚠️TW: Violence, Depression, Suicide She's still Yuan Ignacio and she still cares. Already got more than enough of the thrill she had always sought fo...
1.4M 60K 45
[SELF-PUBLISHED] GALAXIAS SERIES # 1: CAMP LUNATICUS - "Hogar de los Valientes" Dauntless Academy, one of the four top schools of Kingdom Galaxias, i...
477K 18.8K 61
【Team Alpha: Second Generation】 Book 1 | Complete "They were angels embracing the darkness"
283K 9.8K 17
Demigoddess Trilogy - 3/3 ☠ Papa rules the Underworld. The only thing you need to know about that place? No wifi. Yep, worse than hell. I'm a teenag...