THE LAST SHOTS [ONE SHOT SAD...

By leaesthetic

1K 24 10

"Loving you from a far is my only fate to stay coz Love isn't love until you give it away." - Kenjie COMMENT... More

THE LAST SHOTS [ONE SHOT SAD STORY]

1K 24 10
By leaesthetic

 *********************************************

THE LAST SHOTS [ONE SHOT SAD STORY]

 ********************************************

Ako si Kenjie Montello, isang First year college sa isang University dito sa min.

Arts and architecture ang course na kinuha . hilig ko na kasi talaga ang arts bata palang ako..Isa rin sa mga hobby ko ay ang photography. Sa tuwing makikita mo ko, mapapansin mo rin na palagi kong dala ung camera ko.

Ewan ko ba, mula pa non, gustong-gusto ko na talaga ang pagkuha ng mga larawan. Kaya naman pinilit ko talaga sila mama para ibili ko nun. At tuwang-tuwa talaga ako ng makatanggap ako ng camera nung high school ako.

Kaya mula noon, lagi ko nang dala-dala yung camerang yun kahit san ako magpunta, sa tuwing may makikita akong magagandang scene, kinukuhanan ko talaga.

Pero isang araw, di ko inaasahan na dahil din sa camerang to, makikilala ko ang babaeng mamahalin ko..

Pero mali, Mali tong nararamdaman ko,

Maling magkagusto ako sa kanya na syang girlfriend ng kaibigan kong si Terrence.

Minsan nga nagtatanong ako sa sarili ko, kung bakit yung syota pa ng kaibigan ko ang nagustuhan ko. Pero sadya nga yatang mapagbiro ang tadhana.

 Di ko akalaing sa bawat oras na magkakasama kaming tatlo eh, nahuhulog na pala ako sa kanya.

Pero dahil kay Terrence,

na syang itinuring ko na ring parang kapatid,Para bang natakot ako, natakot ako na baka pag-ipinagtapat ko tong nararamdaman ko para kay Arianne ay bigla nalang magbago ang lahat.

Kaya mula noon din,

nakuntento nalang ako sa pagtanaw-tanaw sa kanya mula sa likod nya habang hawak-hawak ni Terrence yung mga kamay nya, alam kong mali na umasa ko,

kaya pinilit kong kalimutan nalang tong nararamdaman ko para sa kanya, pero sadyang mabiro ang tadhana kasi habang tumatagal ay mas lalo lang akong nahuhulog sa kanya.

Hanggang sa dumating yung mga araw na sa tuwing me lakad ang dalawa ay pinipilit din ako ni Terrence na sumama.

Pinipilit ko rin na tumanggi kasi alam kong masasaktan lang ako kapag nakikita ko silang sweet sa isa’t-isa pero hindi ako pinapayagan ni Terrence, alam niya kasi kung nagdadahilan lang ako o totoo yung sinasabi ko. Kaya naman sa tuwing me lakad silang dalawa kasama ako..

Dumating nga din yung araw na natanong ako ni marky kung me minahal na rin ba ako..

di ako nakasagot sa kanya, bagkus isang peking ngiti lang na lumabas sa king mga labi ang na itugon ko sa tanong nya.

Di ko alam kung nakuha nya ba yung ibig kong sabihin dun, pero yun lang ang naibigay kung sagot sa kanya para di na nya ko ulit tanungin..

Kase baka di ako makapagpigil at madulas ako’t masabi ko sa kanya yung bagay na ayaw kong malaman ng ibang tao, at lalong-lalo na sya.

Isang araw tinawagan ako ni Terrence,

may pupuntahan daw kami, tinanong ko naman kung saan, di naman nya sinabi sa phone, basta daw maganda yung pupuntahan namin,

kala ko nga maghihiking ulit kami sa tagaytay kasi un yung lagi naming ginagawa kapag ganitong bakasyon.

Pero ng makarating ako dun sa tagpuan daw namin, dun ko lang nalaman na sa boracay pala kami pupunta, buti na lang naisipan kong magdala kahit papano ng extrang damit, tapos yung camera ko din dala ko, ditto pweding maiwan,

maiwan na lahat wag lang to.

Yun na nga, bumyahe na kami, syempre kasama nya nanaman girlfriend nya,,

Eto kaming tatlo ngaun nakasakay sa isang roro ba ang tawag dun ?? basta yung Bangka.

Nakaupo ako sa kabilang side nung bangka habang yung dalawa eh nasa katapat ko lang.

Di ko maiwasang di mapatingin sa kanilang dalawa, ang saya-saya nila pagmagkasama, napatingin nalang ako sa camerang hawak ko, at bigla ko nalang napansin na kinukuhanan ko nanaman pala sila ,yun din kasi ang kadalasang ipagawa ni Terrence sa tuwing may trip kaming tatlo, minsan tagakuha ng mga video,

Pinagpatuloy ko lang yung ginagawa ko, hanggang sa di ko na namalayang kay Arianne nalang pala nakatutuk yung lens ng camera ko sa buong byahe namin.

Di ko maiwasang di mapaisip..

Ang swerte ni Terrence sa kanya, syempre maswerte din sya kay Terrence..

 bagay nga silang dalawa.

Ilang oras din nakarating na kami sa boracay, panay ang tawanan  nung dalawa habang nagtatampisaw sa dalampasigan habang ako ito .. nasa likod lang nanaman nila at kinukuhanan silang dalawa..

Niyayaya nga ako ni Terrence na makipaglaro rin daw sa kanila, pero sabi ko dun nalang ako kasi yung camera ko baka mabasa, kaya yun di na lang ako pinilit pa ulit..

Ilang oras din kaming nasa ganun lang .. hanggang sa naisipan na naman nung dalawa na maglakad-lakad naman dw kaming tatlo, me alam daw kasi silang lugar dun na magandang pasyalan. Mamaya nalang daw kami maliligo sa dagat.

Nilakad lang naming yung sinasabi nilang lugar, at tama nga, maganda yung scene, kaya eto nanaman ako di mapigilang di kuhanan ng mga larawan yung mga nakikita ko..

Lakad lang kami ng lakad.. ang gaganda nung mga shots na nakukuha ko..

Bigla naman akong nakaramdam ng pagtawag ng kalikasan, kaya sabi ko sa kanila mauna na muna silang maglakad at hahanap lang ako ng maiihian..

Ilang sandali lang natapos din ako, kaya dali-dali akong sumunod dun sa dalawa, dipa naman sila nakakalayo kaya natatanaw ko pa sila. Napansin kong naglakad yung dalawa patawid ng kalsada at papunta dun sa may mga taniman ng bulaklak..

Naglakad din naman na ko patungo dun , habang hawak ko parin yung camera ko at kumukuha ng mga video sa bawat scene na Makita ko..

Napatungo yung lens ng camera ko sa dako kung nasan yung dalawa..

Ang sweet na naman nila.. lalo nan g biglang hawakan ni marky yung kamay ni arianne,

Di ko tuloy maiwasang di mainggit..

Napabuntong hininga nalang ako.

Kinuhanan ko nalang ulit sila ng para naman matuwa si Terrence kapag pinakita ko yun sa kanila.

Kahit na sa loob ko, nasasaktan din naman ako kahit papano, pero wala akong magagawa kung ganun nga talaga ang plano ng tadhana para sakin, maging masaya nalang ako para sa kanila, yun na lang siguro ang mas mabuting gawin ko.

Nagpatuloy na lang ko sa paglakad.. habang hawak-hawak pa rin yung camera ko na nakabukas parin yung video cam nito. Nagrerecord kasi ako ng video.

Hanggang sa nabaling nanaman ang mata ng camera ko kung nasan ung dalawa..

Nasa di naman sila kalayuan mula sa tinatayuan ko.

Nagtaka ako bigla kasi parang me sinasabi sila, pero di ko makuha kasi medyo malakas din yung hangin dun sa lugar, panay rin ang senyas nila ng kung anu man yun pero di ko talaga makuha yung ibig nilang sabihin..

kaya naman nagpasya na kong lumapit sa kanilang dalawa, para na rin maipakita ko yung mga larawan nilang magkasama..

Naglakad na ko ng tuluyan patawid sa kalsada.

Pero sa di inaaasahang pangyayari, di ko akalaing yun na din pala yung mga huli kong shots na makukuha..

At nangyari na nga ang lahat..

Di ko napansin ang isang ten wheeler truck na paparating pala..

(Beeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeppppp !!)

Yun pala yung ibig nilang sabihin.

Na me paparating na sasakyan.

Napansin ko nalang na nakahiga na ko sa kalasada at unti-unti nang nanghihina .

sa huling pagkakataon, inabot ko yung camerang dala ko..

Ang camerang me alam ng lahat ng mga magaganda at pangit na nangyari sa kahabaan ng buhay ko..

Na syang may alam ng lahat sa akin.

Isa isa nalang na nag faflashback lahat ng mga nangyari sa buhay ko, mga masasayang sandal ng buhay ko sa mundong ginalawan ko minsan sa buhay ko.

Sa camerang to nakapaloob lahat ng damdaming pinilit kong ilihim at itago nalang sa lahat nung mga oras na wala akong lakas ng loob para sabihin ito sa iba..

At ang camera din ito ang nagging dahilan kung bakit sa isang iglap, natutunan ko kung pano magmahal sa unang pagkakataon ng aking buhay.

“Mahal kita Arianne, Sana maging masaya kayong dalawa J”

Yan Nalang Ang Mga huling salitang nasabi ko sa harap ng aking camera bago ako tuluyang mawalan ng buhay.

na hanggang sa kabilang buhay !

sya pa rin,

sya lang.

THE END

(Authors Note: marami pong salamat sa mga bumasa nitong story ko.. hanggang sa susunod po ulit ^_^)

Continue Reading

You'll Also Like

623K 15.8K 46
Cassette 381 Series #1 For Serenity Hiraya Añasco, being an honor student has always been a piece of cake. She would never understand the word "failu...
21M 515K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]
63.3M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!
169M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...