BACK OFF! LUKRECIA IS MINE!

By JoeyJMakathangIsip

71.4K 2.3K 496

Someoneone's lost could be someone's gain. Someone's shaking battle could be someone's game. This is the jour... More

P R O L O G U E
C H A P T E R 1
C H A P T E R 2
C H A P T E R 3
C H A P T E R 4
C H A P T E R 5
C H A P T E R 6
C H A P T E R 7
C H A P T E R 8
C H A P T E R 9
C H A P T E R 11
C H A P T E R 12
C H A P T E R 13
C H A P T E R 14
C H A P T E R 15
C H A P T E R 16
C H A P T E R 17
C H A P T E R 18
C H A P T E R 19
C H A P T E R 20
C H A P T E R 21
C H A P T E R 22
C H A P T E R 23
C H A P T E R 24
C H A P T E R 25
C H A P T E R 26
C H A P T E R 27
C H A P T E R 28
C H A P T E R 29
C H A P T E R 30
C H A P T E R 31
C H A P T E R 32
C H A P T E R 33
C H A P T E R 34
C H A P T E R 35
C H A P T E R 36
C H A P T E R 36.5
C H A P T E R 37
C H A P T E R 38
C H A P T E R 39
C H A P T E R 40
E P I C L O G U E
CAST
AUTHOR'S NOTE
Promotion

C H A P T E R 10

1.5K 53 15
By JoeyJMakathangIsip

Halimuyak

M R. L E E

"AHHH!"

Halos mabato ni Mr. Lee ang laptop niya nang marinig niya ang pagsigaw ng ang anak niyang si Kid sa kuwarto nito sa second floor. Busy si Mr. Lee sa pag-a-outline ng agenda para sa weekly meeting ng manager at ng department heads niya nang marinig niya ang sigaw na iyon ni Kid. Nasa first floor siya specifically sa salas kaya mabilis siyang pumanhik doon sa second floor at nang buksan ang kuwarto ng anak ay nakita niya ang ngumangawang umiiyak si Kid na tinuturo ang isang ipis sa tiles ng kuwarto.

"WHAT THE!" Halos mapamura si Mr. Lee. Sa buong buong buhay niya ay first time niyang nakakita ng totoong ipis. Kaya ngayon, hindi niya rin alam kung paanong tutulungan si Kid gayong sobrang lapit lang nito sa ipis na anytime ay gagalaw o lilipad ulit.

"MANANG!!!" Lumabas ang ugat ni Mr. Lee nang isinigaw iyon.

Maya-maya pay mabilis at uuugod-ugod na dumating si Nanny Lambing.

"Bakit Peter?" ani ng matanda.

Maya-maya pa ay kagaya ni Kid ay ngumawa si Si Mr. Lee.

"May ipis! Nguwawawawa!" pag-iyak ni Mr. Lee na parang bata. Jusko.

K I D A L L E N T O N

"Dad! Nguwawawa!" Ngumangawa at umiiyak na tumakbo si Kid palapit sa Dad niya. Wala siyang ibang suot maliban sa boxers shorts nang i-hug niya ang Daddy Peter niya na katulad niya ay umiiyak din.

Na-trauma talaga siya nang makita niya ang ipis na 'yon na palipad-lipad lang sa kuwarto niya. Kagaya ng Dad niya ay first time niya rin makakita ng ipis.

"Daddy...." Nakayap pa rin si Kid sa Dad niyang si Mr. Lee. Hindi pa rin siya natitigil sa pag-iyak. Medyo nahimasmasan na ang Dad niya pero siya, nanginginig pa rin sa kakahagulhol.

M R. L E E

"Shhh! Hinuhuli na ni Nanny Lambing ang ipis son!" pagpapatahan ni Mr. Lee sa anak niya sabay pat sa ulo nito.

Hiyang-hiya si Mr. Lee sa sarili niya. Naiyak siya ng dahil lang sa ipis? Nakakaloka.

N A N N Y L A M B I N G

"Hayup ka! Hayup!" nakatuwad at halos magkandalaglag na ang bra ni Nanny Lambing na pinagsasapak ng tsinelas ang ipis na hindi niya mahuli-huli.

Sa 17 years niyang pagsisilbi sa pamilya ng mga Lee, first time niyang makakita ng ipis sa mansyon nito.

Sobrang istrikto kasi talaga si Mr. Lee pagdating sa sanitation at halos araw-araw nga eh halos isang daang bote ng alcohol ang ginagawang panlinis sa buong bahay.

Bukod kay Nanny Lambing, dapat naka-gloves at hairnet din ang iba pang kasambay ni Mr. Lee para siguraduhing walang germs ang mapupunta sa kahit anumang gamit sa bahay. Kay laking taka niya na lang talaga kung paanong may nakapasok na ipis dito.

"Peter, hindi ko na kaya," pagsuko ni Nanny Lambing nang biglang pumasok sa ilalim ng kama ni Kid ang ipis.

"Noool! Patayin niyo ang ipis!" sigaw naman ng alaga ni Nanny Lambing na si Kid. Wagas na wagas ang pag-iyak nito.

M R. L E E

Gustuhin man ni Mr. Lee na tumawag ng iba pang maids para patayin ang ipis eh hindi niya puwedeng gawin iyon. Isa kasi sa mga rules ni Mr. Lee ay wala ni sinuman ang dapat na pumasok sa kuwarto niya at sa kuwarto ng anak niya maliban na lang kay Nanny Lambing.

Takot kasi si Mr. Lee na baka may dalang bird flu ang mga kasambahay kaya hindi talaga siya puwedeng magtawag ng iba.

"Me? I'm going to kill the cockroach?" Halos mapaawang ang napaka-sexy na bibig ni Mr. Lee nang iabot sa kanya ng hingal na hingal na si Nanny Lambing ang tsinelas na ipinampalo nito sa ipis.

"Ayaw mo rin namang magpapasok ng iba hindi ba? Sige na, patayin mo na. Kawawa naman si Kid oh," tugon ni Nanny Lambing sa kanya at maya-maya pa ay pi-nat nito ang buhok ng umiiyak pa ring si Kid. "Diyos ko tahan na anak. Paglaki-laki mo na, umiiyak ka pa rin," pagpapatahan ni Nanny Lambing sa anak ni Mr. Lee na naroon sa may labasan ng kuwarto.

"Dad! Ano pang hinihintay mo? Amp! Patayin mo na! Nguwawawa!" utos ng umiiyak na si Kid sa kanya.

"No mamang, I'm gonna use my own slipper," pagtanggi ni Mr. Lee sa inabot na tsinelas ni Nanny Lambing at maya-maya pa ay hinubad ni Mr. Lee ang itim niyang tsinelas. Dumampi ang walang kasing puti, walang kasing linis at puno ng mga sexy na ugat ng kanang paa ni Mr. Lee sa sahig. Sana naging sahig na lang tayo reader no?

"I'm gonna kill you cockroach!" Parang sundalong may dalang calibre 45 si Mr. Lee nang dahan-dahang pumwest sa gilid ng kama.

Sa may gilid ng paa ng kama na nakaalalay sa headboard ay naroon ang ipis na kanina pa nagfi-finger heart kay Mr. Lee.

"AHHH!" Sumisigaw na sumugod si Mr. Lee papunta sa ipis pero hindi pa niya ito naabot ng tuluyan ay mabilis na itong tumakbo papunta sa game console ng anak niyang si Kid na nasa ibabaw ng maliit na cabinet.

K I D A L L E N T O N

"Dad!" Parang batang tinuli si Kid nang makitang pinagtatampal ng Dad niya ang game console nito.

Nang sa 80" SMART TV naman dumapo ang ipis ay nakita niyang walang pagdadalawang isip na pinagpupukpok iyon ng Dad niya.

"DAD! HUWAG!" sigaw ni Kid nang akmang hahampasin ni Mr. Lee ang aquarium kung saan naroon ang ipis sa glass at nasa loob naman ang mga paboritong isda ni Kid.

M R. L E E

Habang hinahabol pa rin ni Mr. Lee ang ipis ay may tumawag sa telepono niya. Iilan lang ang may personal number niya kaya alam niyang importante ang tawag na iyon iyon at alam din ni Mr. Lee na importanteng patayin ang ipis na kanina pa niya hinahabol.

"Helu?"

Malabong pinakinggan ni Mr. Lee ang nagsalita sa kabilang linya habang naka-amba pa rin sa ipis na ngayon ay nasa dingding na kuwarto ng anak niya. Naka-puwesto ito malapit sa isang frame kung saan sa loob ay may picture ng anak niyang si Kid. Picture iyon noong grade one pa si Kid kung saan hinirang ito bilang fastest eater ng nilagang talong at saluyot. Nutrition month iyon.

"Yes, who's this?" pabulong na halos na sabi ni Mr. Lee sa teleponong nasa kaliwang tainga---trying not to distruct the cockroach on the wall.

"Si Lokresiya p----"

"YADAAA!" namumulang sigaw ni Mr. Lee nang sa wakas ay hampasin na nito ang ipis.

"Oh Peter! Sige pa! Oohh! Idiin mo! Isagad mo! Oh Peter! My Peter!" rinig naman ni Mr. Lee ang pagsigaw ni Nanny Lambing sa kanya dahil sa accomplishment na nagawa niya. Hindi niya rin namalayan na nahulog na pala iyong cellphone niya.

"Hahahahaha!" paghalakhak ni Mr. Lee nang makitang dumikit na ang parang pigsang pumutok na ipis sa tsinelas niya.

"DAD! Ajujujuju!" Umiiyak na niyakap si Mr. Lee ng anak matapos niyang mapatay ang ipis.

I P I S

It was a bad day for her. Nagkalasoglasog lang naman kasi ang bilbil niya dahil sa hampas ng tsinelas. Hindi mawari nj Jocelyn---isang ipis---na pinatay siya ganoong paraan! Masyadong marahas ang mga tao sa bahay ng mga Lee! Hindi marunong idaan ang mga bahay-bagay sa matinong usapan. Sabagay, sino ba namang makikipagusap sa isang ipis na katulad niya?

Naramdaman niyang itinapon na siya sa dump truck kasama ng tsinelas. At habang naghihingalo ay mabilis siyang lumipad palabas ng truck.

"Hahahaha!" Humalakhak siya. Akala siguro ni Mr. Lee na ganoon lang siya kadaling patayin. "Lol," dagdag pa ni Jocelyn habang lumilipad-lipad pabalik sa kung saan man siya nanggaling!

Nanggaling lang naman kasi siya sa...

L U K R E C I A

"Ano ba 'tu!" sigaw ni Lukrecia nang may mga ipis na nagsiliparan sa kanya papunta sa kanya matapos siyang babaan ng telepono ni Mr. Lee. Nasa kuwarto siya ngayon at medyo hindi naman siya nagtaka na nilalapitan siya ng mga ipis. Ilang linggo na rin kasi siyang walang ligo. At least, 'yong ipis, lumalapit sa kanya. Eh si Dudong? Anong ginawa sa kaniya?

Ubos na ang load ni Lukrecia. Hindi na rin siya puwedeng makatawag o maka-text ulit. Umutang lang naman kasi siya sa network provider niya ng 5 peso load para sadyang matawagan lang si Mr. Lee.

Speaking of Mr. Lee, gulat na gulat talaga si Lukrecia sa narinig niya sa kabilang linya noong tinawagan niya si Mr. Lee.

"Oh Peter! Sige pa! Oohh! Idiin mo! Isagad mo! Oh Peter! My Peter!"

Hindi mapigilan ni Lukrecia na isipin kung anong bagay ang dapat idiin o isagad ni Mr. Lee sa matandang babae na nagmamay-ari ng boses na narinig niya.

Isang bagay lang naman kasi ang puwedeng idiin o isagad ni Mr. Lee para mapasigaw ang babaeng matanda! At ang iniisip ni Lukrecia na katangi-tanging bagay ay ang isang posporo!

"Baka naman kasi tenatangal ni Mr. Lay 'yong tutuli sa tainga ng Lula niya," hypothesis ni Lukreciasa sa sariling naiisip.

"Baka ganun nga," ani Lukrecia at itinago na niya ang cellphone niya sa cabinet na nasa gilid ng kama niya.

Bagamat hindi natapos ang tawag niya kay Mr. Lee ay desido na si Lukrecia na tanggapin ang offer nito sa kanya. Offer na maging model ng condom packaging at maging artist ng advertisement ng condom company ni Mr. Lee.

Jusko! Bukod sa magtinda ng gilagid ay wala ng alam si Lukrecia na puwede niyang pagkakitaan. Hindi niya natapos ang college degree niyang may major na EDUCATION dahil mas inuna niya si Dudong makatapos ng vocational na sa TESDA. Alam ni Lukrecia na nagkamali siya kay Dudong kaya pingako niya sa sarili na hindi na siya ulit magtitiwala rito. Kasi kung patuloy pa rin siyang magtitiwala rito sa kabila ng panloloko nito sa kanya ay baka makatangganp na siyang ng MARTIR award.

Nang isinira niya ang kaha ng cabinet na pinaglayan niya ng cellphone ay bigla siyang nanghina nang makita niya ang mga pictures nila ni Dudong sa picture frames na nakapatong sa ibabaw ng cabinet.

Apat ang picture na naroon.

Una ay noong nag-date sila ni Dudong sa minteryo sa araw ng mga patay. Pangalawa ay iyong nag-date sila ni Dudong sa overpass noong araw ng pagkabuhay. Pangatlo ay noong nag-date sila noong February 29 sa isang beach. At panghuli ay iyong ki-niss siya ni Dudong noong pang-siyam nilang gabi sa pag-attend ng simbang gabi last December.

Aminado ulit si Lukrecia na nasaktan siya nang makita ang mga iyon pero buo ang sarili niya simula sa araw na ito ay kakalimutan niya na si Dudongyo. At kung may natutunan man siya sa relasyon nila ni Dudong ay iyon ay hindi sa lahat ng pagkakataon ay nasusuklian ang pagmamahal mo kapag minahal mo ang isang tao. May mga tao talagang hudas ay hindi marunong sumukli.

Nilagay ni Lukrecia sa isang box sa mga regalo ni Dudong sa kanya na pera rin naman niya ang pinambili, mga rosas na binigay ni Dudong na hindi nalalanta kasi gawa sa plastik at pati ng mga pictures nilang dalawa na alam niyang siya lang ang naging proud na i-display iyon sa kuwarto niya.

Lukrecia needs to get over with Dudong kasi kung hindi ay magiging na toxic sa kanya ang lahat ng gagawin niya kapag umasa pa rin siya na babalikan siya nito.

Nang nagpunta naman si Lukrecia sa isa pang cabinet na nasa gilid lang ng pinto ng kuwarto ay kinuha niya ang mga t-shirt at pantalon ni Dudong na siya pa rin ang bumili. Inalagay niya iyon sa box at nang mapuno na ay lalabas na sana siya ng kuwarto pero natigilan siya nang maalala niya ang mga branded briefs ni Dudong.

Mabilis siyang bumalik sa harap ng caninet at kinuha ang mga breifs ni Dudong doon sabay lagay sa box sabay labas ng kuwarto.

Nang buksan na sana ni Lukrecia ang pinto ay bigla niyang ibinaba ang box at kinuha ang isang breif ni Dudong na kulay itim na may bakas pa ng alala sa isang bagay na nangyari sa kanila 7 months ago....

"Lukrecka...." Dudong was kissing Lukrecia torridly that time sa may tapat ng pinto rito sa sala. Nagka-LQ silang dalawa noon nang malaman ni Lukrecia na bumagsak si Dudong sa isa sa mga exams nito sa isang subject.

"Dong, halekan mu pa aku," pagmamakaawa ni Lukrecia nang binitin siya ni Dudong saglit. May kasalanan si Dudong sa kanya sa panahong iyon pero nawala rin naman sa isipan niya iyon nang bigla siyang hinalikan ni Dudong ulit

"AAAACK!" Nakita niyang kamuntikan nang masuka si Dudong habang hinahalikan siya kaya nainis ulit siya.

"Baby, pangako ko na hindi na ako babagsak ulit," ani Dudong. Magkadilit ang ilong nila ni Lukrecia.

"Talaga?" ani Lukrecia.

"Yes baby. Happy monthsary. May gift ako sa'yo..." ani Dudong at namula si Lukrecia nang bigla itong maghubad sa harapan niya.

"Baby, breif ko. Limang araw kong hindi tinanggal 'yan. Puwede mong amoy-amoyin 'yan kapag mamimiss mo ako..." ani Dudong sa sabay abot ng breif sa kanya. Tinanggap iyon ni Lukrecia at halos mapanganga siya nang puro muscles na lang ang nakikita niya kay Dudong na nasa harapan niya....

Natapos na si Lukrecia sa pagfa-flashback sa isipan niya at hindi niya namalayan na umiiyak na pala ulit siya habang inaamoy-amoy ang breif ni Dudong....

Dahil nalasing na si Lukrecia sa kakaibang halimuyak na hatid ng breif ni Dudong ay hindi niya namalayan na may kumatok na pala sa pinto niya at maya-maya pa....

"Baby?"

Nanlaki ang mga mata ni Lukrecia nang makita niya si Dudong sa harap niya habang walang kasing busilak niyang inaamoy-amoy ang salawal nito.

* * *

Continue Reading

You'll Also Like

63K 2.6K 75
(COMPLETED) She's Rich, Beautifull inside and out, Smart ,Kind and most of all caring. Pero dahil sa hindi inaasahang magaganap ay mababago ang buha...
1M 33.1K 56
Cyra Lim has been secretly in love with Eli Dasilva for as long as they've been best friends. One problem: Eli is a playboy, and Cyra has resigned he...
3.7M 153K 16
(Yours Series # 1) Nileen Riviera thought that after getting her degree in medicine, she'd easily check off the next thing on her list-to have a boyf...
2.2M 76.3K 34
(Trope Series # 1) Cerise's younger sister is getting married and she's expected to attend. The logical thing to do was to attend (duh, it's her sis...