ODESSA'S REDEMPTION: Rise Of...

Autorstwa angelodc035

43.7K 2.2K 550

FILIPINO READERS CHOICE AWARD 2022 OFFICIAL FINALIST(Consistent #1 in Heroes) (#8 in Mythology) (#18 in Magic... Więcej

ANG NAKARAAN....
PROLOGUE
Chapter 1: FAILURE
Chapter 2: THE AWAKENING
Chapter 3: A WEREWOLVES NIGHT
Chapter 4: THE DUEL
Chapter 5: BLAKE
Chapter 6: A NEW DAWN
Chaptet 7: THE MAN ON A BLACK CLOAK
Chapter 8: THE ISLAND OF SEVEN KINGDOMS
Chapter 9: FIRE, ICE AND PROPHECY
Chapter 10: PILUNLUALAN (MYSTIC TUNNEL)
Chapter 11: CAREN'S FATE
Chapter 12: THE NEW ALPHA
Chapter 13: SAKAYA
Chapter 14: DIYOSANG TALA
Chapter 15: SAKAYA'S TEST
Chapter 16: ANILAOKAN
Chapter 17: STRIGOI
Chapter 18: QUEBALUAN TREE
Chapter 19: CHASING MEMORIES
Chapter 20: AWAKENING
Chapter 21: AWARENESS
Chapter 22: THE FATE
Chapter 23: BLOOD BY BLOOD
Chapter 24: A DECISION MADE
Chapter 26: BEHEMOT
Chapter 27: REDEMPTION, REVENGE AND REUNION
Chapter 28: DRAGON PHOENIX
Chapter 29: DESPERATION
Chapter 30: INTERROGATION
Chapter 31: BATHALA
Chapter 32: THE RETURN
Chapter 33: THE ELEMENTAL WORLD
Chapter 34: BLAKE, LAUREA, DIYOSANG TALA AND CLAUDIUS
Chapter 35: THE FALLEN GODDESS
Chapter 36: MANGGAGAWAY (SPELL CASTERS)
Chapter 37: CITY OF THE DEAD
Chapter 38: BLOODY GHOULS DAY
Chapter 39: BLOODY BATTLE
Chapter 40: BLOODY DEATHS
Chapter 41: DEATH BY BLOOD
Chapter 42: DEAD EVERYWHERE
Chapter 43: LOSS
Chapter 44: BATHALA'S DEATH
Chapter 45: QUINTA FOREST
Chapter 46: BALINTATAW
Chapter 47: CHAOS
Chapter 48: HUKLUBAN
Chapter 49: DARK POWER
Chapter 50: CAPTURE
Chapter 51: ERISE
Chapter 52: HOTEL MORTE
Chapter 53: DIYOSANG BULAN
Chapter 54: BABAGUA
Chapter 55: REVELATION
Chapter 56: INFESTATIONS
Chapter 57: THE ESCAPE
Chapter 58: LOVE AND BETRAYAL
Chapter 59: A SISTER'S DEMISE
Chapter 60: A NEW HOPE
Chapter 61: LAMUIAN FOREST
Chapter 62: PALACIO LUNAR TOWER
Chapter 63: MOTIVES
Chapter 64: FORCES OF NATURE
Chapter 65: APOCALYPSE
Chapter 66: DEATH IS THE BEGINNING
EPILOGUE
PASASALAMAT

Chapter 25: ANILAOKAN'S LOVE

518 26 7
Autorstwa angelodc035

Nagliliwanag ang lagusan sa harapan ni Odessa. Sari-saring mga kulay ang lumalabas mula rito at tila naghihiyat ito sa kanya na pasukin ito at makita ang kanyang hinaharap at gustong ipakita sa kanya ng propesiya. Kinakabahan si Odessa at natatakot na rin kung ano ang kanyang makikita sa kanyang propesiya. Gustong ipakita sa kanya ni Quebaluan ang posibleng mangyari sa hinaharap ng mga nilalang ng ikatlong mundo at ang mundo ng mga tao.

Sa tingin ni Quebaluan ay handa na si Odessa para sa propesiya at ang paghahanap sa nawawalang si Bathala. Marami sa mga diyos at diyosa ang palihim na gustong pabagsakin ang pamamahala ni Bathala.  Kasama na rito ang iilan sa mga anak niya na sila rin mismo ang may gawa sa pagkawala nito. Hindi biro ang magiging papel na gagampanan ni Odessa sa pagtugon niya sa propesiya.  Sabay niyang ililigtas ang mga nilalang ng dalawang mundo. Ang mundo ng mga elemental at ng mga tao.

"Magpakatatag ka Odessa, ito na ang tamang panahon para sa iyong mga mata ay masaksihan ang papel na gagampanan mo sa kinabukasan ng sanlibutan. Nasa iyong balikat nakasalalay ang kaligtasan ng dalawang mundong iyong pinagmulan.  Ang balanse ng dalawang mundo ay tuluyan ng nawawala. Nangingibabaw na ang kasamaan sa ikatlong mundo at tuluyan ng nalilipol ang mga mortal na tao. Para mailigtas mo ang mga tao,  kailangan mo munang iligtas si Amang Bathala at lipulin ang ugat ng kasamaan dito sa ikatlong mundo. Pero mag-ingat ka dahil sa ngayon ay hindi natin alam kung sino ang kakampi at kalaban." Ang wika ni Quebaluan kay Odessa na tila napako ang mga paa sa harapan ng Pilunlualan.

Sa mga tinurang iyon ni Quebaluan, pakiramdam niya ay napakabigat na responsibilidad ang biglang naiatang sa kanya. Paano kung hindi niya ito kakayanin? Hindi biro ang makakalaban niya niya dahil mga diyos at diyosa ang kanyang sasantuhin. Ni ang diyos na si Bathala ay walang nagawa para makawala sa kapangyarihan ng mga dumukot sa kanya lalo na't mga anak nito ang may gawa. Hindi niya kilala ang mga diyos at diyosa ng ikatlong mundo sa Sanlibutan maliban lamang kay diyosang si Bulan na lantarang sumuporta sa mga nilalang ng dilim sa pamumuno ni Claudius Rickman. At sigurado si Odessa na isa sa may pakana ng pagpapabagsak kay Amang Bathala ay ang sarili nitong anak na si Bulan ang itinuturing na ina ng mga nilalang ng kadiliman, ang mga anak ng buwan.

"Panahon na para ika'y pumasok na para iyong masaksihan ang propesiya tungkol sa hinaharap ng Sanlibutan Odessa, Prinsesa ng kaharian ng Eudhoria. Ito marahil ang dahilan kung bakit ka iniligtas ng iyong butihing ina na si Reyna Baguinaua sa gustong pagpatay sa'yo ng iyong ama na si Haring Khalil. Kaya,  humayo ka Odessa ng Eudhoria at alamin na ang iyong hinaharap." Ang muling sabi ni Quebaluan.

Bago pa man inihakbang ni Odessa ang kanyang mga paa ay tumingin muna ito kay Quebaluan. Nangungusap ang mga mata ni Odessa habang nakatitig sa taong-puno. Nakita niyang tumango si Quebaluan habang nakatitig din sa kanya. Hudyat na ipinagkaloob na nito ang basbas para gabayan siya sa panonood sa kanyang propesiya.

Dahan-dahan ay pumasok na sa Pilunlualan si Odessa. May kaba man sa kanyang dibdib ay kailangan niyang gawin iyon para makita niya ang magaganap sa kanyang propesiya. Pagbungad pa lamang niya ay tila may kung anong puwersa ang biglang humigop sa kanya dahilan para maramdaman niya na nahuhulog siya sa walang katapusang lagusan.

-------------------
Marahang ibinaba ng hangin si Anilaokan sa tore ng Palacio Lunar na kung saan nakita niya ang nakalutang ang walang malay na si Bathala. Pagkababa niya ay pansamantalang tumigil si Anilaokan para pagmasdan ang diyos na si Bathala. Nakangisi ito at inilagay ang dalawang kamay sa kanyang likuran at tila nangungutya ang kanyang mga titig.

Tingnan mo nga naman, ang dating tinitingala at sinasamba ng lahat ng mga nilalang sa sanlibutan ay walang magawa sa kanyang sitwasyon ngayon. Ni hindi matulungan o mailigtas man lang ang sarili." Ang sabi nito sa sarili habang pinagmamasdan ang kalunos-lunos na kalagayan ni Bathala.

"Anilaokan! " Ang tawag sa kanya ng boses ng babae sa kanyang likuran. Napalingon si Anilaokan at gumuhit ang tuwa sa kanyang mukha pagkakita sa babae.

"Diyosang Bulan." Ang tugon ni Alnilaokan at mabilis nagbigay pugay sa diyosa ng buwan. "Ikinagagalak kong makita ka mahal na diyosa." dugtong pa niya.

Ngumiti lamang si diyosang Bulan at tumango sa lalake. Biglang umihip ang malakas na hangin at inilipad-lipad nito ang kanyang buhok sa mukha. Napansin ni Anilaokan ang may tatlong pulgadang sugat sa kanang mukha ng Diyosa kaya mabilis na lumapit ito sa kanya.

"Ang iyong mukha, mahal na diyosa. Anong nangyari sa mukha ninyo?" Ang nabahalang tanong ni Anilaokan.

Pagkarinig ay biglang nagngingitngit sa galit ang diyosang si Bulan.
"Si Tala!!!  Ang kapatid kong si Tala ang may kagagawan nito!"

"Ha?  Paanong... "

"Bumaligtad na siya! Bigla siyang lumambot para kay amang Bathala! Sinubukan niyang alisin ang Antik sa batok ni amang Bathala para iligtas ito. Kinuha niya ang tungkod ni ama at gagamitin sa pagtakas sa kanya pero mabuti na lamang at nakita ko siya at nabigo sa balak niyang pagliligtas kay ama." Ang kuwento ni diyosang Bulan sa mga nangyari. "Hindi ko siya mapapatawad sa ginawa niya sa aking mukha! Hinding-hindi!!!"

"Nasa likod po ninyo ako lagi aking Diyosa." Ang wika ni Anilaokan bilang pagpapakita ng suporta sa kanyang pinuno.

"Salamat Anilaokan, pero ako ang papatay sa aking kapatid. Pagbabayarin ko siya sa ginawa niya sa aking mukha!"

"Masusunod po, mahal na diyosa." yumuko si Anilaokan pagkasabi nito at muling tumingin sa mukha ni diyosang Bulan. "...pero bakit hindi po naghihilom ang sugat sa inyong mukha. "

Muling nagngitngit sa galit si diyosang bulan pagkarinig sa mga sinabi ni Anilaokan. Tinakpan niya sa mahaba nitong buhok ang sugat sa kanyang mukha.

"Ginamit ng aking kapatid na si Tala ang tungkod ni amang Bathala. Ibig sabihin lamang na kaya niyang patayin ang sarili niyang kapatid. Gusto niya akong patayin!!!"

"Huminahon po kayo, mahal na diyosa. Natutuwa pa rin ako at hindi niya nagawang patayin ka gamit ang tungkod ni Bathala. Alam natin kung gaano kalakas ang kapangyarihan ng tungkod. Pero hanggat nasa kanya ang tungkod maari niyang gamitin sa atin ang kapangyarihan ng tungkod." Ang sabi ni Anilaokan.

"Subukan lang niyang gamitin ang Lintik ni Bathala. Dahil kapag higit na malakas ito sa kanya ay lalamunin siya ng kapangyarihan nito na magiging dahilan ng kanyang kamatayan." Ang tugon ni diyosang Bulan na ngayon ay may ngiti na sa kanyang mukha.

Tumango-tango si Anilaokan sa tugon ni diyosang Bulan sa kanya. Tama ang sinabing iyon ng diyosa. Lubhang mapanganib ang paggamit sa tungkod ni Bathala dahil sa sobrang lakas ng kapangyarihang taglay nito. Ilan na rin sa mga immortal na anak ni Bathala ang sumubok na gamitin ito pero lahat sila ay tinupok ng apoy na nagmumula sa mga boltahe ng kuryenteng nagmumula rito.  Pero bakit si diyosang si Tala ay hindi tinupok ng kapangyarihan ng Lintig o tungkod ni Bathala? Napaisip si Anilaokan sa tinuran kanina ni diyosang Bulan. Kung ang Lintig ang dahilan ng sugat sa mukha ni diyosang Bulan at nakatakas si diyosang Tala ng walang ano mang pinsala mula sa Lintig, ibig sabihin lamang ay may malakas na kapangyarihan si diyosang Tala. O baka tinulungan pa rin siya ni Bathala para makatakas ang anak niyang si Tala. Posible, dahil buhay pa rin si Bathala kahit na sinisira pa rin ng lasong nagmumula sa Antik ang kanyang katawan. Makapangyarihan si Bathala kaya kaya pa rin niyang kontrolin ang mga bagay na puwede pa niyang kontrolin, katulad ng kanyang Lintig. Pero nasaan na si diyosang Tala? Bakit pa rin siya tutulungan ng kanyang ama gayong isa siya sa nagplano sa kanyng pagpatay?

Nananatili sa isipan ni Anilaokan ang lahat ng mga katanungang iyon. Maaaring hindi iyon nahinuha ni diyosang Bulan dahil nilamon na siya ng kanyang galit sa kapatid. Kailangan niyang pag-aralan ang sitwasyon at ihanda ang sarili sa mga susunod pang mangyayari. Malaki ang utang na loob niya kay diyosang Bulan pero, kailangan niyang pumanig kung sino ang may mas malakas ang kapangyarihan. Hindi na niya hahayaan pang maulit pa ang kanyang naging tadhana na isang mortal na tao lamang ang tumalo sa kanya. Kaya sa pagkakataong ito ay sasapi siya kay Behemot, ang dating anghel ng Diyos.

"Anilaokan!!!"

Tila nahimasmasan mula sa pag-iisip si Anilaokan ng marinig ang malakas at pasigaw na boses ni diyosang si Bulan.

"Paumanhin po, mahal na diyosa."

"Ano ba?!!! Kanina pa kita tinatanong pero tila napakalalim ng iniisip mo!!!" Ang galit na galit na si diyosang Bulan.

"Pa... Pasensya na po mahal na diyosa. May naalala lang po ako."

"Mukhang napakaimportanye yata ng iniisip mo at hindi mo man lang napansin na kinakausap kita?!!!" Ang matigas na sabi nd diyosa.

"Ipagpaumanhin po uli mahal na diyosa." ang tila nahiyang wika ni Anilaokan.

"Tandaan mo Anilaokan,  kung hindi sa akin hindi ka muling mabubuhay at makakabalik dito sa mundong ito, kaya nararapat lamang na nasa akin ang iyong katapatan. " Ang paalala ni diyosang Bulan kay Anilaokan.

"Hindi ko po makakalimutan iyon mahal na diyosa at malaking utang na loob ko po sa inyo ang lahat-lahat kay umasa po kayo na nasa inyo lagi ang aking katapatan at hindi kailan man mapupunta sa iba." Ang nakayukong tugon ni Anilaokan.

"Dapat lang Anilaokan, dapat lang. Gayun pa man, muli ay itatanong ko sa'yo kung ano ang balak mo sa diwatang si Mariang Sinukuan? Balita ko ay balak mo siyang pakasalan?"

"Simula pa lang ay minahal ko na si Mariang Sinukuan. At ngayong nasa kamay ko na siya, hindi ko na hahayaang mawala pa siya sa akin."

"Hindi ka niya mahal at hinding-hindi kailan man Anilaokan! Kaya mabuti pang patayin mo na siya habang nasa ilalim pa siya ng iyong kapangyarihan."

Ikinuyom ni Anilaokan ang kanyang mga kamao at nakaramdam ng pag-iinit sa dulo ng magkaiba niyang tenga. "Ipagpaumanhin po mahal na diyosa, mahal ko si Mariang Sinukuan at alam kong matututuhan rin niya akong mamahalin sa pagdating ng tamang panahon. Alam kong malapit na ang arw na iyon." Ang matigas na tugon ni Anilaokan sa kanyang diyosa.

"Walang magandang idudulot sa'yo ang pag-ibig na yan Anilaokan! Kahinaan ang pag-ibig, kaya dapat mo ng kalimutan yan! Ang pagtuunan mo ng pansin ang babae sa propesiya, ang babaeng magliligtas at pipigil sa ating mga planong pamunuan ang sanlibutan. Hanapin mo at patayin ang babaeng iyon Anilaokan, kung ayaw mong ako mismo ang papatay kay Mariang Sinukuan. "

Mas pinili na lamang hindi sumagot ni Anilaokan kay diyosang Bulan dahil alam niyang wala itong kahihinatnan sa pakikipagtalo niya sa kanya. Tumango na lamang si Anilaokan at yumuko. Mahal niya si Mariang Sinakuan kaya nakahanda siyang ipaglaban ito buhay man niya ang kapalit. Hinding-hindi niya bibitawan si Mariang Sinukuan. Kamatayan lamang ang magpapahiwalay sa kanila at isinusumpa niya iyon sa lahat ng diyos at diyosang may pagpapahalaga sa pag-ibig.

Pero kailangan niyang sundin ang kagustuhan ni diyosang Bulan para mailigtas niya ang buhay ng kanyang minamahal na si Mariang Sinukuan. Gagawin niya ang lahat mailigtas lamang niya ang buhay ng kaniyang minamahal. Kilala niya si diyosang Bulan at alam rin niya kung gaano ito ka tuso at kasama.

"Gagawin ko po ang lahat para patayin ang babae sa propesiya, basta huwag lamang po ninyong pakialaman ang pag-iibigan namin ni Mariang Sinukuan. " Ang seryosong wika ni Anilaokan sa diyosa ng buwan.

Tila nagpakting ang mga tenga ni diyosang Bulan sa sinabi ni Anilaokan kaya lalong tumaas ang tono ng boses nito. "At inuutusan mo pa ako kung ano ang aking gustong gawin Anilaokan?! Sino ka para sabihin sa akin at pangunahan sa magiging desisyon ko? Tandaan mo, isa kang talunan bago pa man kita binuhay, at kaya kong bawiin ang buhay mo!"Ang sigaw ni diyosang bulan sa namumula na sa galit na si Anilaokan.

Hindi na nakapagpigil si Anilaokan. Akma sana siyang sasagot sa kanyang diyosa ng biglang ikinumpas ni diyosang Bulan ang kanyang kamay at tila may puwersang nagpatilapon sa kanya sa ere. Kitang-kita niya ang pagkumpas muli ng kabilang kamay ng diyosa mula sa lupa papaitaas at mabilis na bumulusok ang mga mala-kutsilyo sa talim na mga bato papunta sa kanya habang tumitilapon siya malapit sa pader ng kastilyo. Sa isang iglap ay tumama ang likuran ni Anilaokan sa pader ng kastilyo, pero kasabay sa pagtusok sa kanyang magkabilang bisig ang pagtusok ng mga matutulis na bato at tila pakong lumusot sa pader.

Napasigaw sa sobrang sakit si Anilaokan habang patuloy na bumabaon sa kanyang magkabilang kamay ang matutulis na bato. Lalo pa siyang namilipit sa sakit ng dalawa pang matutulis na bato na tila pakong lumusot sa magkabila niyang paa.
Dumaloy ang maitim na dugo sa kanyang mga kamay at paa na habang patuloy siya sa kanyang pagpupumiglas ay lalong bumabaon ang mga matatalim na bato.

"Ngayon sabihin mo sa akin na kaya mo ng lumaban at sawayin ang aking utos Anilaokan?!" Ang nakangiting sigaw ni diyosang Bulan sa kanya kasabay ng muling pagkumpas ng mga kamay nito at unti-unting pag-usbong ng mga matutulis na mga bato mula sa lupa.

Napalunok si Anilaokan sa sobrang takot na hindi na naramdaman pa ang sakit mula sa mga bumabaong bato sa kanyang mga kamay at paa. Alam niyang totohanin na siya ng diyosa at wala na siyang magagawa pa sa mga sandaling iyon. Baliw na si Bulan at alipin na siya ng sobrang kasamaan.

Pero kailangang mabuhay ni Anilaokan para maprotektahan ang pinakamamahal niyang si Mariang Sinukuan. Gagawin niyang lahat huwag lamang pagbalingan ng galit ni diyosang si Bulan ang kanyang pinakamamahal na diwata ng bundok Alaya.

--------------------
Hindi makalapit si Claudius sa batang may taglay na kapangyarihan bng isang Manlalakbay o Teleportation. Kailangan niya ang bata para magamit sa kanyang kapangyarihan sa paghihiganti niya kay diyosang Bulan at kay Odessa.

Gutom siya sa kanyang paghihiganti, gagawin niya ang lahat maisakatuparan lamang niya ito sa kahit na ano mang paraan. Kailangan rin niyang makuha ang loob ng anak niyang si Sarah o si Demetria dahil siya na lamang natitirang alaala ng pinakamamahal niyang asawa na si Gertrudes.

Nakasilip siya mula sa isang malaking puno matapos niyang sundan ang diwatang tumangay sa natutulog na batang lalake. Kung hindi sana siya naunahan ng diwata ay siya dapat ang kasama nito. Aagawin niya ang bata sa diwata kaya kukuha siya ng tamang pagkakataon para gawin ito.

Hindi pa gumagaling ang kanyang mga sugat na natamo mula sa Eskrihala. Ngayon lamang niya napagtanto ang kanyang pagkakamali sa paghawak sa mahiwagang armas na nagmula kay Bathala. Nang dahil sa sobrang kampante niya ay nabulagan siya at hindi na inisip ang kanyang mga kilos lalo na ng malaman niyang buhay ang kanyang pinakamamahal na anak na si Sarah. Ngayon ay hindi na niya hahayaang magkakamali pa dahil mas magiging mabagsik ang kanyang pagbabalik.

Mula sa kanyang kinatatayuan ay kitang-kita niya kung paano binabantayan ng diwata ang bata na mahimbing pa rin sa pagtulog. Hinihilamusan ng diwata ang katawan ng batang lalake na animo'y tulad sa ginagawang pag-aalaga ng ina sa kanyang anak.

Kung bumalik na sana ang kapangyarihan ni Claudius ay kYa niyang makuha ang bata sa dahas. Kaya niyang talunin ang babaeng diwata gamit ang taglay nitong kapangyarihan.

Habang naghihintay ng tamang pagkakataon ay minabuti muna niyang maupo sa malaking ugat ng puno.  Ilang buwan na rin siyang hindi nakakainom ng sariwang dugo ng tao, marahil ay umeepekto pa rin sa kanya ang bisa ng nektar ng bulaklak ng halamang Myrho.

Oo nga pala ang katas nektar ng Myrho ang dahilan kung bakit himdi rin siya nasusunog mula sa sikat ng araw. Naiwala niya ang maliit na bote na nagtataglay ng nektar.

Malaking panghihinayang sa kanya sa tuwing naiisip niya ang bote na naglalan ng nektar ng bulaklak.

Habang naghihintay ay nakita niya ang isang ibon na nakadapo sa isang sanga ng kahoy. Hindi niya masabi ang kulay ng ibon dahil tanging ang liwanag lamang ng buwan ang nagpapailaw sa kapaligiran ng kagubatan. Ipinuwesto niya ang kanyang kamay sa tapat ng ibon na tila isang bata na nilalaro-laro na kunwari ay hawak nito sa kanyang kamay.

Pero may kung anong bagay ang biglang nagpapumiglas sa ibon na tila may humahawak dito. Nanlaki ang mga mata ni Anilaokan sa nakita. Iginalaw-galaw niya ang kanyang kamay at gayon din ang ginagawang pagpupumiglas ang ibong nakadapo sa puno. Ikinuyom ni Claudius ang kanyang kamay at tila papel na nagkadurog-durog ang mga buto ng ibon na tuluyan ng nahulog sa lupa.

Halos mapasigaw sa tuwa si Claudius dahil sigurado na siya na bumalik na ang kanyang kapangyarihan. Muli ay sinubukan niya  ang kapangyarihan sa isa pang ibong nakadapo sa puno at gayon na nga ang kanyang inaasahan.

Gumuhit ang ngiti sa sunog na mukha ni Claudius. Dahil humanda na sila sa kanyang muling pagbabalik.

Czytaj Dalej

To Też Polubisz

54.9K 2.4K 52
Sabi nila dumadating sa buhay ang mga Mga di inaasahang pangyayari na babago sa buhay mo..pero iilan lang ang nakararanas nito.. Paano kung isa ka sa...
39.1K 1.6K 40
Aleyra Esteban, ang anak ng pinakamayaman sa kontinente ng Vamon. Sa kabila ng karangyaan at kagandahan, doon nagtatago ang mala-imburnal niyang budh...
179K 5.3K 45
Si Airy, ang huling Fairy Warrior ay lalaban para sa kalayaan ng kanyang lupain mula sa masamang si Queen Fright. Ngunit hindi madali ang tatahakin n...
726K 5.2K 33
She's Yuna Coldeft a La Orlian not so important in this society, she's a nobody, but her destiny suddenly change, and she find herself inside that ac...