Love is BITTER the Second Tim...

By paurtymode

3.2K 95 36

Can Love be really SWEETER the SECOND TIME AROUND? Pero paano kung sa case mo mas applicable yung "LOVE IS BI... More

Love is BITTER the Second Time Around??
Chapter 1: Meet Ms. Bitter
Chapter 2: My Beau
Chapter 3: Apprehension
Chapter 5: Oblivion

Chapter 4: Confusion

266 13 0
By paurtymode

Daniel POV

"Trixie Coleen Chavez. I love you. Will you be my girlfriend? My Beau."

Naman! Isang linggo na after nung confession ko kay Coleen. Oo na, mali ako dun, masyado akong nagpadala sa emosyon ko, hindi ko man lang inisip yung mararamdaman niya at yung pwedeng maging epekto nung ginawa ko sa friendship namin! Ano ba kasing ginawa ko nun! Nakakainis naman! Nagpadalos-dalos ako at hindi ako nag-isip ng tama. Haist! Teka nga ang dami ko ng nasabi pero hindi niyo pa pala ako kilala.

I'm Daniel Kurt Manzano. 18 years of age. Second year college na ako ngayong pasukan, I'm taking up BS in Architecture. Ahead ako ng one year kina Coleen at Ashley. Sabay kaming lumaking tatlo matagal na naming kilala ang isa't-isa. Iisa yung pinasukan naming school mula elementary hanggang sa naghigh-school yun nga lang dahil sa ahead ako sa kanilang dalawa hindi ko na experience na makasam yung mga yun sa isang classroom, pero lagi naman kaming magkakasama kapag vacant namin, may iba din naman akong mga friends pero sabihin na lang natin na iba talaga yung samahan naming tatlo. Dahil na rin sa tagal ko na silang kilala alam ko na yung bawat ugali nila, nakita ko na kung paano sila magalit, malungkot at kung paano sila maging masaya. At dahil sa closeness naming tatlo hindi maiwasan na magkagusto ako sa isa sa kanila.

Yes, hindi ko na itatago pa, mahal ko si Coleen, simula nung mga bata kami alam kong siya yung babaeng rerespituhin at mamahalin ko, ewan ko kung bakit sa murang edad naisip ko na yung mga bagay na yon. Pero siguro wala naman sa edad yun eh, kasi hindi mo naman maiiwasan yung nararamdaman mo kung yung puso at isip mo na mismo yung nagsasabi sayo at nagpapakita sayo kung sino ang karapat-dapat para sayo. Yung una nahirapan akong aminin sa sarili ko kung ano ba talaga yung nararamdaman ko para kay Coleen, pero habang tumatagal mas lumalalim yung nararamdaman ko sa kanya, siguro nagtataka kayo kung bakit kay Coleen lang ako nadevelop ng ganito at hindi kay Ash eh pareparehas lang naman kami na magbebestfriend. Iba kasi talaga si Coleen, yung ugali niya once na makilala mo siya, you'll start to care for her, yung tipong magiging very protective ka sa kanya to the point na ayaw mo siyang masaktan, hindi naman sa hindi ko mahal si Ash, mahal ko din naman yung madaldal na yun eh, haha. Masaya siyang kasama lagi din energetic, pero special talaga para sa akin si Coleen.

"Uy, Kuya Kurt. Anong problema mo kanina ka pa tahimik diyan ah."

Nakalimutan kong sabihin na nandito ako ngayon sa bahay nila Ashley, syempre bestfriend ko din naman siya, alam niya rin yung feelings ko about Coleen kaya halos lahat naikwekwento ko rin sa kanya. Tulad ngayon, pumunta ako dito kasi kelangan ko ng makakausap at mapagsasabihan ng gumuulo sa isip ko.

"Ah, sorry Ash ha. Napasugod agad ako dito."

Ayan na lang yung nasabi ko sa kanya sabay kamot sa may ulo ko. Nakakahiya man pero siya lang yung pwede kong mapaghingahan ng nararamdaman ko eh.

"Tungkol ba ito kay Coleen?"

Tumango na lang ako, hindi ko na alam yung sasabihin ko eh. Naguguluhan na din ako. Hanggang ngayon hindi ko parin kasi siya nakakausap kahit isang call or text wala, sinubukan kong tawagan siya sa landline nila pero kung hindi tulog, or busy eh wala naman daw sa bahay nila. Mukhang iniiwasan niya ako. Kasalanan ko naman kasi eh!

"Ano bang ginawa mo ha Kuya? Nako, mukhang problemadong-problemado ka eh. Talagang napasugod ka pa dito, just like the old times. Hehe"

Oo, tama, diba nga close kami. Sa kanya ako humihingi ng advices noon tungkol sa mga problems ko regarding sa nararamdaman ko about Coleen.

"Oo nga eh. Namiss ko nung ganito kasi nung nasa Paris ako wala naman akong makausap dun, puro mga French naman yung mga naging friends ko dun sa boarding school na pinasukan ko nung first year college."

"Yeah, nako, sana pinasalubungan mo man lang ako kahit isang French guy dun! Ahahah!! Saan ka nga ulit nag-aral dun Kuya? Madami bang gwapo? Para man lang kapag nagtour ako dun sa Paris eh puntahan ko yun!"

"Ikaw talaga Ash! Wala ka paring pinagbago ahaha, sa Chavagnes Bordeux International School ako nag-aral, aba, malay ko kung madaming gwapo dun, hindi naman ako tumitingin sa mga gwapo eh."

"Ahahahahah!! Oo nga naman! Teka, baka naman pinagpalit mo na dun yung bestfriend ko ha!"

"Malabo. Alam mo naman kung ano yung nararamdaman ko para kay Coleen diba? "

"Naninigurado lang po Mr. Daniel Kurt Manzano. May utang ka pa samin ha! Hindi mo pa nakwekwento kung bakit ka bumalik dito. Dahil ba---"

"Yeah."

"Anong ginawa mo? Nasabi mo na ba sa kanya? Baka naman binigla mo ha! Baka sinabi mo agad sa kanya na, Trixie Coleen Chavez, I love you. Will you be my girlfriend? My Beau. Nako! Ewan ko na lang kung anong gagawin nung bestfriend ko kung sakaling sabihin mo yun sa kanya."

""

Hindi na lang ako umiimik. Naman! So wrong move nga ako! Bakit ba nangyayari yung ganito! Ang hirap!!!!!

"Nako! Wag mong sabihin na yun nga yung sinabi mo Kurt?"

"Oo, eh anong magagawa ko. Nabigla ako eh, hindi ko naman sinasadya. Natakot lang kasi ako na katulad ng dati eh mau----"

Bago ko pa natapos yung sasabihin ko pinutol na ako ni Ash. Nako, eto talagang babae na ito, umandar na naman yung ugali niya na mahilig mamputol ng sinasabi ng iba eh. Hahaha.

"Naman! Alam mo naman yung nangyari dun sa babaeng yun diba? Anong sinabi niya sayo? Anong ginawa niya after nung magaling mong confession ha?"

Ayoko na sanang ikwento at isipin kung anong nangyari that night pero wala kelangan kong sabihin kay Ash baka may maitulong siya, siya lang yung naiisip ko na makakatulong sakin, kaya nga nandito ako eh. Kaya bahala na!

FLASHBACK

"Trixie Coleen Chavez. I love you. Will you be my girlfriend? My Beau."

"HA-HA-HA-HA-HA-HA-HA-HA-HA-HA-HA. Daniel! Pwede ba! A-HA-HA-HA-HA. Ano bang sinasabi mo diyan ha? Pinapatawa mo ba ako? Gutom lang siguro yan! Ikain mo na lang ulit yan ok."

"Coleen, hindi kita pinapatawa. Seryoso ako. Hindi rin ako gutom dahil kakakain lang natin kanina."

"Ah, oo nga pala. Baka jet lag lang yan. Oo, tama! JET LAG lang yan Kurt! Ipahinga mo na lang muna yan at umuwi ka na ok! Sige na!"

"Hindi jet lag to Coleen, Alam ko na almost 12 hours ang flight mula Paris hanggang dito sa Manila, pero alam ko hindi jet lag to. I love you Trix-----"

"LALALALALALALALALALALALA!!! Wala akong naririnig!!! Sige na Kuya Kurt. Umuwi kana! Pagod lang siguro yan! HA-HA-HA-HA. Sa susunod na lang tayo mag-usap kapag ok kana. Kakalimutan ko na lang muna yung mga sinabi mo sa akin ngayon."

"Coleen wag ka naman ganyan oh. Alam mo kung anong nara----"

"Sige na Kuya, umuwi ka na muna."

END OF FLASHBACK

Pagkatapos nun hindi na ulit kami nagkakausap. Ang hirap nung ganito kung alam ko lang edi sana hindi ko na lang muna sinabi sa kanya, pero anong magagawa ko. Hindi ko na ata kaya pang pigilan kung anong nararamdaman ko para sa kanya. Nagparaya na ako hindi ko na kaya pang palagpasin yung pagkakataon.

"Ah. So yung pala yung nangyari sa inyo. Kaya pala yung pumasok siya sa loob ng bahay eh mukhang wala sa sarili niya. Ang weird nung kinilos niya nung tinanong ko siya kung anong nangyari. Nabigla lang siguro yun. Wag mo na lang munang alalahanin yung nangyari."

"Sana nga, sana nga nabigla lang siya at sana hindi niya ako layuan dahil sa nangyari."

"Hindi yun, ikaw pa! Matitiis ka ba ng bestfriend ko. Halos isang taon karing nawala at kahit na isang taon pa yun nahirapan din naman kami at lalo na si Coleen, mahirap mahiwalay sa taong lagi mong kasama, kaya ngayon na nandito kana, hindi naman niya siguro matitiis na hindi ka kausapin o pansinin."

"Sana nga. Nahihirapan narin ako ng ganito. Ayokong mawala ulit siya."

"Naiintindihan naman kita eh. Kaya pag maayos na ang lahat mag-usap ulit kayo.Sabihin mo sa kanya yung lahat ng nararamdaman mo. Maiintindihan ka naman siguro ni Coleen eh. Ikaw pa eh mahal ka ata nun."

"Thanks Ash! Kaya love na love din kita eh. Salamat at lagi kang nandiyan. Hindi ko alam kung anong gagawin ko para magkaayos kami, para pansinin niya ako."

"Just wait Kuya. Nasabi mo narin ba sa kanya yung reason ng pag-alis mo? At yung tungkol kay----"

"Hindi pa. Wag na muna siguro, mahirap na. Baka makadagdag pa yun sa mga iisipin niya. Ayoko na munang sabihin sa kanya yung mga nangyari noon."

"She deserves to know the truth."

"I know. Pero kung dahil dun eh---"

"Sige. Kung yan yung gusto mo, I'll respect your desicion. Pero hindi ibig sabihin nun hahayaan na lang kita lagi. Bestfriend ko rin si Coleen, ayokong maging unfair sa kanya. Baka nga dahil dito eh maging at risk yung friendship namin kaya hindi ako papayag na dumating dun sa point na yun. Kaya habang may chance ka pa sana masabi mo sa kanya, dahil kung hindi, Sorry Kuya pero ako na mismo magsasabi kay Coleen sa kung anong nangyari."

"Yeah. Salamat ulit Ash. Hayaan mo pag-iisipan ko yang sinabi mo. Sige mauuna na ako. May aasikasuhin pa kasi ako."

Pagkatapos nun eh umalis na ako sa bahay ni Ash. Habang nagdridrive ako inisip ko yung sinabi niya sakin, paano nga ba kung sabihin ko sa kanya yung nangyari noon? Anong mangyayari samin ngayon? Mas matindi ba yung pwedeng mangyari, baka hindi niya lang ako pansinin baka isumpa niya pa ako. Pero hindi. Alam kong hindi niya gagawin yun. Maiintindihan naman niya siguro kung bakit ko nagawa yung lahat ng yun. Hindi ko lang alam kung kelan ko sasabihin ang lahat sa kanya. Pero sa ngayon kelangan maayos na muna ang lahat sa amin, bago pa ako maubusan ng oras. Ayoko na ulit mawala siya sakin. Hindi ko sasayangin ang pagkakataon na ito. Gagawin ko ang lahat para lang matutunan niya akong mahalin. Wala namang masama sa gagawin ko, sadyang mahal ko lang siya, handa akong maghintay para sa kanya at handa ko ring gawin ang lahat para sa kanya. Baliw na kung baliw. Pero wala naman akong magagawa eh. Nagmamahal lang ako.

___________________________________________________________________________

A/N: Ahahah!! So ano pong masasabi niyo sa Chapter 4? Any violent reaction? Comments? Suggestions? ahhaha!! Salamuch po sa pagread. Comment. Vote. READ :)))

Ano kaya yung secret ni Daniel at ni Ashley?

Let's see... ahahahha :)))

Continue Reading

You'll Also Like

108K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...