Ang Mutya Ng Section E (Book...

By eatmore2behappy

119M 4.2M 3.7M

**Jay-jay. She's the only girl. They adore her so much. Protect her no matter what. But what if, the girl... More

eatmore2behappy
Chapter 126
Chapter 127
Chapter 128
Chapter 129
Chapter 130
Chapter 131
Chapter 132
Chapter 133
Chapter 134
Chapter 135
Chapter 136
Chapter 137
Chapter 138
Chapter 139
Chapter 140
Chapter 141
Chapter 142
Chapter 143
Chapter 144
Chapter 145
Chapter 146
Chapter 147
Chapter 148
Chapter 149
Chapter 150
Chapter 151
Chapter 152
Chapter 153
Chapter 154
Chapter 155
Chapter 156
Chapter 157
Chapter 158
Chapter 159
Chapter 160
Chapter 161
Chapter 162
Chapter 163
Chapter 164
Chapter 165
Chapter 166
Chapter 167
Chapter 168
Chapter 169
Chapter 170
Chapter 171
Chapter 172
Chapter 173
Chapter 174
Chapter 175
Chapter 176
Chapter 177
Chapter 178
Chapter 179
Chapter 180
Chapter 181
Chapter 182
Chapter 183
Chapter 184
Chapter 185
Chapter 186
Chapter 187
Chapter 188
Chapter 189
Chapter 190
Chapter 191
Chapter 192
Chapter 193
Chapter 194
Chapter 195
Chapter 196
Chapter 197
Chapter 198
Chapter 199
Chapter 200
Chapter 201
Chapter 202
Chapter 203
Chapter 204
Chapter 205
Chapter 206
Chapter 207
Chapter 208
Chapter 209
Chapter 210
Chapter 212
Chapter 213
Chapter 214
Trivia
Cover
Cover II
Chapter 215
Chapter 216
Chapter 217
Cover III
Chapter 218
Chapter 219
Chapter 220
Chapter 221
Chapter 222
Chapter 223
Chapter 224
Chapter 225
Chapter 226
Chapter 227
Chapter 228
Chapter 229
Chapter 230
Chapter 231
Chapter 232
Chapter 233
Chapter 234
Chapter 235
Chapter 236
Chapter 237
Chapter 238
Chapter 239
Chapter 240
Chapter 241
Chapter 242
Chapter 243
Chapter 244
Chapter 245
Chapter 246
Chapter 247
Chapter 248
Chapter 249
Chapter 250
Chapter 251
Chapter 252
Chapter 253
Chapter 254
Cover IV
Chapter 255
Chapter 256
Chapter 257
Chapter 258
Cover V
Cover VI
Chapter 259
Chapter 260
Cover VII
Part Two End
Cover VIII
Cover IX
Cover X

Chapter 211

854K 28.8K 30.7K
By eatmore2behappy

A/N: Marami akong changes na ginagawa sa iba't-ibang chapter. Baguhan pa ko ng sinusulat ko ang AMNSE kaya marami pa kong hindi alam na ina-appropriate pala. So please bear with me, I'm trying my best to change those parts as fast as I can.

Birthday gift

Jay-jay's POV

Yung natitigan ko bigla yung mapa ng mundo. Ga-tuldok lang ang pilipinas, samantalang ga-pantal naman ang new york. Ang layo!

Kabilang bahagi na ng mundo!

Saan kaya dyan si Papa? Kung sasama ako, gano kami katagal sa New York? Panu yung pag-aaral ko? Panu na si Lola? Panu na yung mga maiiwan ko dito? Panu kung hindi na kami bumalik? Panu kung... Panu kung... Panu kung...

Panu kung... Ang dami kong tanung!

Nalukot ko ng wala sa oras yung mapa. Hindi ko kasi maintindihan yug nararamdaman ko. Para bang nae-excite ako na natatakot. Halo-halo tapos sasamahan pa na parang may paro-paro sa tyan ko.

Hindi ako mapa-kali sa kinauupuan ko. Malaking bahagi ko ang nagsasabi na sumama ako. Syempre! Makikita ko na si Papa. Pero may isang bahagi ko ang nagsasabi na hindi ako pwedeng sumama.

Tsk! Kainis naman ih!

Ang isa pang iniisip ko, si Kuya Angelo. Alam kong hindi sya papayag. Hindi rin papayag sila Tita Gema at Mama. Pero malinaw sakin ang sinabi ni Percy.

'Itatakas kita kung hindi ka nila payagan. Basta sasama ka sakin.' -Percy

Tatakas kami? Jusme.... Baka kung saan nalang kami pulutin non. Para kaming mag-syotang magtatanan. Hindi ko yata kaya yon.

Napatingin ako sa cellphone ko ng tumunog yun. Ay dumating na text message. Galing kanino? Galing sa GagongBaliw na panay ang padala ng text message sakin.

Eto na naman sya! Kulit!

From: GagongBaliw
Message: my life, my wife...

Napakunot ang noo ko. Kakaiba kasi talaga ang pakiramdam ko sa nagtetext na to. Kailangan ko atang hiramin ang sosyaling instinct ni David. Gusto ko na kasi talagang malaman kung sino tong hudas na to.

Nang masapak na sa muka.

Halos madurog ang screen ng cellphone ko sa pagt-type ng message sa Gunggong na panay ang text sakin. Matamis ang naging sagot ko sa kanya.

To:  GagongBaliw
Message: Tangina mo!

Oh diba? Ang sweet ng reply ko!

Tignan ko lang kung hindi umusok ang ilong nya sa galit. Kahit sino naman magagalit kapag minura ka sa text ng wala ka mang ginagawang masama.

At nang tumunog ang cellphone ko. Nakangiti pa kong basahin ang message nya.

From: GagongBaliw
Message: ILoveYouToo!

Laglag ang panga ko habang napapa-kurap-kurap ang mata. Gusto kong ipukpok ang cellphone ko sa pader dahil sa inis----pero sayang, kakapalit lang nito.

Gustong-gusto ko na talagang makaharap ang animal na to. Kahit isang beses lang. Ipapadama ko lang sa kanya ang tamis ng kamao ko.

May ideyang pumasok sa isip ko. Hindi ko nga lang alam kung gagana.

To: GagongBaliw
Message: Meet tyo... Gs2 kita mkita.

Sana lang talaga kumagat ang punyeta. Muling tumunog ang cellphone ko, indikasyon ng pagsagot nya.

From: GagongBaliw
Message: Bsta ba ready kng mg-make love skin. 😉

Ay ulowl!

Anak ng Gago ang hayop. Ang masasabi ko lang sa kanya ay, malutong na malutong at malalim na hugot ng PUTANG'NA MO! Manyakis ang hudlong. Malaman ko lang talaga kung sino to, mag-super sayan 4 ako.

Sarap basagin sa suntok ng muka nya. Nang-gigil talaga ako. Mas lalu pa kong naiinis kapag naiisip na kilala ko ang hayop na to.

Si Keifer kaya to?

Imposible! Hindi papatol sa ganitong gawain yun. At para saan naman tong pagtetext nya kung sya nga to----kung sakali lang. Pinati-tripan ako? Libangan? Eh kakaiba naman pala talaga ang trip nya sa buhay.

'I'm just playing around.'

Shit! Parang may kung anung kumirot sa puso ko ng maalala ko yung sinabi nya. Nakatingin pa talaga sya sakin habang sinasabi yun. So lahat ng pinapakita nya, laro lang pala sa kanya.

Kainis!

Padabog kong nilapag ang cellphone ko sa study table. Nayanig ang ilang gamit ko, kagaya ng mga papel na patong-patong. Bahagyang gumalaw yun at lumitaw ang isang invitation.

Dahan-dahan kong kinuha yon at halos madurog ang puso ko ng makita ko yun. Invitation ni Ci-N! Napaupo ako sa kama.

Birthday ni Ci-N...

Naalala ko na naman yung pag-iyak nya sa harap ko. Yung mga salitang binitawan nya habang umiiyak at pilit pinupunasan ang luha. Dun ko napatunayan na kahit Ulupong sya, magnanakaw ng halik kay Rakki at puro kalokohan....isa pa rin syang Bata. Malungkot na bata.

Pakiramdam ko napaka-sama kong tao habang pinapanood syang umiyak sa harap ko. Mayaman sila Ci-N pero mahirap sya sa pagmamahal ng magulang. Namamalimos ng oras sa kanila. Lagi nyang sinasabi na okay lang kahit wala sila, kasi andyan ako sa tabi nya.

Ako daw ang pumuna sa pagkukulang ng pamilya nya.

Napahigpit ang hawak ko sa invitation. Naiinis ako! Naiinis ako sa sarili ko! Naiinis ako dahil nagpaloko ako! Naiinis ako dahil ang daming nasira ng mga kasinungalinan nila sakin! Naiinis ako dahil niloko nila ko! Naiinis ako dahil kahit sinaktan nila ko, may parte ko na hinahanap sila. May bahagi ko na gusto ng lumapit sa kanila at tanggapin sila.

Pero hindi na pwede.... Hindi na kami kagaya ng dati!

"S-sorry Ci-N... Hindi na k-kasi babalik yung dati." Pabulong kong sabi.

Binitiwan ko ang invitation at mabilis na nagpunta sa banyo para maligo. Sa huling pagkakataon, kahit hindi na maulit. Gusto ko ulit makitang ngumiti si Ci-N na parang walang problema, na parang sya ang pinaka-masaya sa lahat ng tao sa mundo, na parang kaya ka ring pangitiin ng ngiti nya.

Sa huling pagkakataon.

Pagkatapos maligo, nagbihis ako. Dinala ko ang wallet ko at cellphone. Paglabas ng kwarto ko, si Kuya Angelo agad ang nakita ko. Magpapa-alam na sana ako sa kanya pero tinalikuran nya ko.

Mukang masama pa rin ang loob nya sakin. Pinili ko nalang magpa-alam kay Tita Gema. Mukang wala si Mama dahil kaninang umaga ko pa sya hindi nakikita.

Bago lumabas ng gate, tinignan ko muna ang paligid. Baka kasi meron na namang sumusunod sakin at pagtangkaan ang buhay ko. Hindi pa ko nakaka-get over sa 'we want her dead' na yan. Malay ko ba kung sino sila. Baka mamaya, nagpapanggap silang pulube para makalapit sakin.

"Ate, palimos po."

"Shutanginamers!" Malakas na sigaw ko habang naka-amba ng karate sa kamay.

Mukang nagulat naman yung batang namamalimos dahil sa biglaan nyang paglayo. Nagulat din naman ako eh! Panu kung totoo yung hinala ko.

"Sino ka?! Sinong nagpadala sayo dito?! Sabihin mo! Sabihin mo!" Sabi ko habang iniikot-ikot yung kamay ko sa ere.

Feeling action star ako!

Nanginginig pa ang kamay nya habang winawagayway kasabay ng pag-iling. "A-ako po s-si Shan. W-wala pong nagpadala s-sakin."

Siningkitan ko sya ng mata habang sinusuri ang buong katawan nya. Puro dumi at sugat ang binti nya. Ang baho din ng amoy nya at mukang sampung taong hindi naligo.

"Wala talagang nagpadala sayo dito? Walang lumapit sayo para bayaran ka tapos utasan na lapitan ako?" Tanung ko.

Umiling-iling sya. Mukang malapit-lapit na syang maiyak. Nangingilid na kasi ang luha sa mata nya. Binaba ko ang kamay ko pero hindi ko pa rin inaalis ang tingin ko sa kanya.

"P-pwede na p-po ba kong u-umalis?" Paalam nya habang unti-unti'ng humahakbang.

"Sandali!" Sigaw ko at para syang aatakihin sa puso.

Masyadong nagmamadali!

Dinukot ko ang wallet ko at kumuha ng barya. Inabot ko sa kanya yun at taka naman nya kong tinignan.

"Akala ko namamalimos ka? Oh ayan na!"

Dahan-dahan nyang itinaas ang kamay para abutin ang barya. Kinuha nya yun at napataas agad ang isang kilay ng makita nya ang halaga ng inabot ko sa kanya.

"Ito lang?" Medyo inis na tanung nya.

Wow... Ni-lang nya ang 10pesos.

"Bakit?! Ayaw mo? Akin na..." Sabi ko habang binabawi ang pera pero nilayo naman nya ang kamay. "...Ayaw mo yata eh."

"Hindi n-naman po... Pero baka pwede pong dagdagan?"

Wow! Demanding ang pulube...

"Eh kung pektusan kaya kita!" Banta ko sabay amba ng hampas sa ulo nya.

"Sige na Ate, tinakot mo naman ako eh!"

Ay hindi ko kinaya ang batang pulube.

Nakasimangot akong kinuha ulit ang wallet ko sa bulsa. Kumuha ako ng 100pesos at inabot sa kanya.

"Oh ayan! Saksak mo sa baga mo!" Inis na sabi ko pero tinawanan lang nya ko. "...sige na! Alis na! Umuwi kana sa inyo at maligo ka. Nahiya yung pabango ko sa amoy mo."

Inamoy nya sandali ang sarili. "Wala naman akong amoy."

"Anung wala? Ayan! Amoy na amoy kita. Kahit langaw ayaw dumapo sayo."

"Sarili mo lang yun Ate... Tandaan malapit ang ilong sa bibig."

Ay wow! Wow talaga...

"Kung pag-isahin ko kaya ang ilong at bibig mo? Bet mo? Ha?!" Banta ko.

Bahagya syang umatras habang nakatawa. Pumapatol pa naman ako sa bata. Mga isang kutos lang sa ulo. Solve solve na ko non.

"Umuwi kana nga! Wag mong pang-aadik yan!"

Tinaas nya ang perang inabot ko habang naglalakad paatras at naka-ngiti sakin.

"Bibili ko po to ng bigas! Salamat po dito Ate!"

Sinenyasan ko nalang syang umalis na. Mabilis naman syang tumakbo paalis. Ewan ko pero bigla kong naalala si Ci-N sa kanya.

Sana magawa ko pa ulit syang pangitiin ng ganun. Nagpatuloy ako sa paglalakad papunta sa kanto. Pumara ako ng jeep at mabilis na sumakay.

Sa pinaka-malapit na mall ang punta ko. Wala pa kasi akong ideya sa kung anung ireregalo ko sa kanya. Laruan sana pero alam kong marami na sya non. Alanganin ang damit dahil baka hindi nya suotin sa dami ng damit nya. Hindi ko naman alam ang size ng sapatos nya.

Habang naniningin sa department store may nakita akong pamilyar na tao. Si Rakki...

Balak ko sanang umiba ng daan pero mukang nakita na nya ko. Nakangiti syang lumapit sakin habang may hawak na paperbag.

"Hi, Jay!" Buong galak nyang bati sakin.

"Hello..." Pilit kong sagot.

Mukang naramdaman nya na wala akong gana humarap sa kanya. Bahagyang nawala ang ngiti nya sa labi. Hindi naman ako galit sa kanya o ano. Sadyang wala lang akong gana humarap sa kahit na kanino.

"Tumitingin k-ka din ng ire-regalo kay Ci-N?" Alanganing tanung nya.

Nag-nod naman ako. "Ikaw din?"

"Oo eh."

Naging tahimik kami pagkatapos non. Bahagya akong tumingin-tingin sa paligid at ganun din sya. Ayoko syang paalisin o iwan dahil parang ang bastos ko naman non. Kaya kahit labag sa loob ko....

"G-gusto mong s-sabay na tayo tumingin?" Aya ko.

Agad syang ngumiti at nag-nod. Nasira na ang plano kong tumingin mag-isa. Panu ko iisipin ang pwede ko iregalo kung may kasama akong madaldal.

Kasalukuyan kaming nasa men's section ng department store. Wala naman akong nagustuhan para sa kanya.

Para sarili ko meron. Bakit ba sa Men's Section ako tumitingin ng isusuot ko?

"Jay... Gusto mong kumain muna?" Tanung ni Rakki at dun ko naramdaman ang gutom.

Napahawak ako sa tyan ko at tumingin sa kanya. "Sige."

"Ako ng bahala kung saan, libre ko naman." Sabi nya at hinawakan ang kamay ko habang naglalakad.

Yun oh! Nakatisod na naman ako ng libre...

Dinala ako ni Rakki sa restaurant. Nginitian kami ng waiter na may dalang menu at tinuro sa magiging table namin. Muka akong ewan habang pinag-mamasdan si Rakki makipag-usap sa waiter.

Ngayon ko lang kasi napag-tanto na mayaman pala si Rakki. Dati ko na sinabi na muka syang Angel pero akala ko kagaya ko lang din syang dukha----ibig ko sabihin, may kaya pero sakto lang.

"Ako na umorder, may gusto ka pa bang idagdag?" Tanung nya na nagpabalik sakin sa ulirat.

Dahan-dahan akong umiling. "W-wala na. Salamat."

Muli nyang kinausap ang waiter. Muli ko din syang pinagmasdan. Napatingin ako sa daliri nyang nakasuot ng diamond ring.

Yaman nito!

"Maganda ba?" Tanung nya at umangat ang tingin ko sa kanya. "Regalo sakin ng brother ko."

May ganyan din ako.... Bigay ni Yuri.

Ngumiti nalang ako at nag-nod. Swerte nya sa kapatid nya. Samantalang ako, saksakan ng swerte. Dalawa kapatid ko. Isang may saltik at saksakan ng sungit. Isang baliw na parang naliligo sa kakornihan.

"Kamusta nga pala kayo ni Ci-N?" Tanung nya na nagpatigil sakin.

Sa tono ng pananalita nya, mukang alam na nya ang nangyari samin ng Section E. Yun din siguro ang dahilan kaya inaya nya ko.

"Hmmm... Hindi ko alam." Walang buhay kong sagot.

Yumuko sya at pinagmasdan ang kamay. "Humihingi ako ng tawad para kay Ci-N."

Tama ako... Alam nga nya.

"H-hindi mo kailangang manghingi ng sorry para sa kanya."

Huminga sya ng malalim at tinignan ako. Hinawakan nya ang isang kamay ko na nakapatong sa table.

"Mahalaga ka para kay Ci-N." Sabi nya na pumiga sa puso ko. "...lagi ka nyang pinag-mamayabang sakin."

Shit naman!

Napakagat ako sa ibabang labi ko. "Hindi mo kailangang gawin to."

Binitiwan nya ang kamay ko. Napatingin kami sa waiter na may hawak na tray. Dumating na pala ang order namin.

Naging tahimik kami habang kumakain. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit kailangan nya pang gawin to. Kung bakit sya ang humihingi ng tawad para kay Ci-N.

Habang patuloy kami sa pagkain, may isang pamilya malapit sa pwesto namin ang nagtatawanan. Sandali silang nagpalakpakan kaya napatingin ako sa kanila. May batang lalaki sa harap nila ang sumasayaw habang naka-ngiti. Todo suporta naman yung magulang ng bata.

"Hindi pa nararanasan ni Ci-N ang ganyan." Sabi ni Rakki. "...Ang suportahan sya ng pamilya nya sa gusto nya."

Alam ko... Sinabi nya sakin dati.

"Galit sa kanya ang Kuya at Ate nya. Hindi ko alam kung dahil ba naiinggit sila o naiinis lang talaga sa kanya." Dagdag nya.

Alam kong matagal na silang magkakilala. Sabi ni Ci, nagpupunta daw dati si Rakki sa kanila pero hindi sila masyadong nag-uusap. Hangang sa naging magka-klase sila nung second year pero napunta naman si Ci-N sa Section E dahil sa kagagawan ni Freya.

"Magka-anu-anu ba talaga kayo ni Ci-N?" Wala sa sarili kong tanong.

Humarap sakin si Rakki at ngumiti. "Something special."

Aruy... Anu yang special na yan? Order ng goto sa kanto.

Bahagyang nalukot ang noo ko. Ayaw pa kasi sabihin. Sa dami ng ninakaw na halik sa kanya ni Ci-N, iisipin kong mag-syota sila.

"Pero gusto mo ba sya?" Tanung ko at dali-daling namula ang pisngi nya.

"O-oo..."

"Sakto! Patay na patay sayo yung isa. Anu pang hinihintay mo?"

Napangiwi sya sa sinabi ko. "Jay-jay naman ih! Nakita mo naman si Ci-N di ba? Katawang pang-katorse isip pang-kwatro."

May point sya don.

"...Tsaka isa pa, ayokong magka-boyfriend ng katorse anyos. Komplikado masyado, siguro kung 18 na si Ci tapos gusto pa rin namin ang isa't-isa. Baka ako pa ang magbigay ng motibo sa kanya."

Nahiya naman ako. Sa edad na katorse tumatanggap na ko ng manliligaw. Naghihintayan pa kami sa kanto para sabay pumasok. Ako naman tong kilig na kilig dahil first time kong nagka-jowa.

Yun pala bakla.

Dun ko napagtanto na hindi naman pala dapat seryosin ang pakikipag-relasyon. Kaya ng niligawan ako ni Cyrus parang wala lang sakin. Kasi nga ayokong damdamin masyado.

"Pero naawa ako sa kanya." Sabi nya na pinag-taka ko. "...Proud ang magulang nya sa kanya dahil matalino sya. Pero hindi naman nila pinapakita sa kanya. Tapos minsan pipilitin pa syang gawin ang mga bagay na ayaw nya kaya lalu syang nagiging isip bata." Nagbuntong hininga sya. "...Lalu pang naging komplikado dahil napunta sya sa Section E. Minsan hindi na nya sinusunod ang magulang nya at mas nakikinig pa kay Keifer."

BAKIT KAILANGAN MONG BANGGITIN ANG ULUPONG NA YON?!

Muntik ko ng ibato yung mga kubyertos kay Rakki. Buti nalang naalala ko kagad kung anu yung pinag-uusapan namin. Relax lang! Relax!

"Kaya nga galit na galit ako sa mga barbaro na yon! Tinuruan nilang maging barumbado si Ci. Galit na galit ang Kuya nya ngayon. Tapos ayaw pang ayusin ang pag-aaral kahit napaka-dali lang non para sa kanya." Dagdag nya pa.

Sa totoo lang, hindi mukang matalino si Ci-N. Kasi nga puro kalokohan. Kaya nga ang lakas ng loob kong makipag-pustahan sa kanya dati. Dun ko napatunayan ang katagang 'Don't judge the book by its cover'. Ako tong 17 years old tapos tinalo ng 14 na may IQ atang sing-taas ng kay Albert Einstein.

"Pero alam mo kung anung nagbago sa kanya nung makilala ka nya?" Tanung nya at agad na man akong umiling. "...Mas naging masigla sya. Lalu ring lumabas ang pagiging childish nya pero sa nakakatuwang paraan. Hindi na rin nya dinadamdam kung walang oras ang pamilya nya sa kanya." Ngumiti sya sakin. "...Kasi daw andyan ka naman. Ikaw daw ang Ate nya at nagparamdam sa kanya ng salitang pamilya."

Naramdaman ko nalang ang pagbagsak ng luha ko. Hindi ko napigilan. Parang may kung anung nagpapa-ngiti sa puso ko dahil sa mga sinabi nya. Hindi ko alam na ganun ang epekto ko sa kanya.

Kung alam mo lang Ci-N. May binago ka din sa buhay ko.

Ngumiti ako kay Rakki. "Tulungan mo ko."

"S-saan?"

"Alam ko na kung anung ire-regalo ko kay Ci-N."

Agad syang ngumiti na parang kinikilig. Binilisan namin ang pagkain at para kaming timang na excited sa gagawin.

Pagkatapos bayaran ang kinain, dumiretso kami sa gift shop para bilhin ang kailangan. Sa toy store naman ang sunod naming pinuntahan.

"Sa bahay nalang natin gawin." Aya ni Rakki at nag-nod naman ako.

Nag-aabang na kami ng taxi sa labas ng mall ng may mapansin ako. Sa kabilang daan sa mismong tapat namin. May nakahintong motor at parang naka-tingin samin ang driver.

Naalala ko na naman yung mga naka-motor na sumunod sakin at nakipag-karera. Kamustahin nyo naman yung bike ko? Bwisit tong mga to!

"Kilala mo?" Tanung ni Rakki kaya napatingin ako sa kanya. "...titig na titig ka sa kanya eh."

Umiling ako at ngumiti. "Para kasing nakatingin yung driver sakin kaya pinagmasdan ko."

Hindi na sya nagtanong pa dahil sa pagdating ng Taxi. Sumakay kami at agad na sinabi ni Rakki ang address. Habang nasa byahe hindi ko mapigilan na hindi mapatingin sa likod.

Weird pero pakiramdam ko susunod sya samin.

Next time, hihiramin ko na talaga ang sosyaling instinct ni David. Sa ngayon magfocus muna ko sa ireregalo ko kay Ci-N. Sana lang magustuhan nya.









++Don't forget to Vote, Comment and Share. 😉 ++

Fb Page: Ang Mutya ng Section E
Fb Group: Tropa ni eatmore2behappy
Twitter & Instagram: @lareypot

Continue Reading

You'll Also Like

29.1M 1M 53
It's hard to prove yourself when everyone thinks that everything's being given to you on a silver platter. And in Siobhan Margarette's case, she'll d...
26.5M 1M 72
He's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's legal guardian before anything else. Their...
31.8M 1M 48
(Game Series # 1) For as long as Katherine could remember, Juan Alexandro Yuchengco has always been her dream guy. He's smart, kind, and could be fun...
24.1M 707K 34
She was kidnapped by the mafia prince, Lander Montenegro, at the age of five. He stole almost half of her life, so it's only fair that he repays her...