No Other Love (2014)

By mechanic_lady

19.2M 9.8K 572

(sequel of Sana Akin Ka na Lang--Dee/Renz love story) Deanna Florence Saadvera is young, spoiled and rich. B... More

No Other Love
No Other Love Batch 6 LISTING

Chapter One: Fire and Rain

504K 4.1K 177
By mechanic_lady

"Fire and Rain" is a folk rock song written and performed by James Taylor. Appearing on his second album, Sweet Baby James, it attracted widespread attention. The album was released in February 1970, with the song being released as a single that month. "Fire and Rain" quickly rose to number three on the Billboard hot 100 charts. It was soon covered by Anne Murray, on her album Honey, Wheat and Laughter, also in 1970.

Moody and introspective, "Fire and Rain" became something of a prototype for the singer-songwriter genre that would boom in the years immediately following its release. Its apocalyptic imagery proved provocative to would-be interpreters. The sparse arrangement, centered on Taylor's ringing acoustic guitar figures, came to represent Taylor's signature sound, and was influential among other performers. Carole King is the pianist on the song.

"Fire and Rain" is in the 227th position on Rolling Stone 's list of the 500 greatest songs of all time.

Dee's POV

Natigilan ako pagbaba ko sa maluwang na sala ng mansion ng marinig ang tawanan sa ibaba. Kumunot ang noo ko na bahagyang inayos ang suot ko na uniporme.  Napatingin ako sa orasan, maaga kasi akong nakauwi mula sa klase ko at nakatulog pagdating.  Ngayon, nagugutom na ako at hindi na nag abalang magbihis.

"My brother will be pissed Nic!  Saka isa pa hindi ako papayagan non umalis."

Agad na nanlaki ang mga mata ko ng marinig ang pamilyar na boses.  Nakangiting tumakbo ako pababa ng hagdan.

"Stephie!"

Parehong napatingin sa akin ang dalawa.  The girl is in her high school uniform while my big brother in his jeans and plain polo shirt.  Halos dalawang taon lamang ang tanda sa akin ni Stephanie who is looking so pretty and charming in her school uniform.  Kahit magkaiba kami ng school, we managed to chat sometimes.  Madalas kasi siyang isama ni kuya sa mansion.

She smiled ng makita ako.  "Hi Dee."

I looked at her and my brother suspiciously.  "Saan kayo pupunta ha?  May lakad na naman kayo ni kuya," nakanguso kong sabi.  Paano lagi na lamang nila ako iniiwan.  Eh halos hindi naman nagkakalayo ang edad namin!  One year lang tanda ni kuya kay Steph.

My brother eyed me warningly.  "Hindi ba dapat nasa school ka right now?" kunot ang noo nitong tanong.

Inirapan ko ito na masayang hinila si Steph.  "Saan kayo pupunta ni kuya Stephie?  Are you going to the mall?  Sama ako!"

Napakurap si Steph sa akin pagkuway napatingin kay kuya na tinitigan ako ng masama.

"You are not going.  Steph and I will go to my friend's party," he said dismissively.

"Eh di sasama ako!  Nakakainis naman kuya eh!  Iiwan nyo na naman ako!  Kagaya last week!  Nagpunta kayo ni Stephie sa Tagaytay tapos hindi nyo ko sinama!"

Napapahiyang ngumiti sa akin si Steph.  "S-Sorry, Dee.  Ang kuya mo kasi pinagseselos ang girlfriend niya kaya niya ako sinasama kung saan saan."

Nanlaki lamang ang mga mata ni kuya.  "What?  Hindi kita sinasama para---."

Sumimangot ako.

"Ah basta!  Sasama ako ngayon!"

Naningkit ang mga mata ni kuya.  "Look, we are going to Del Rio.  Sa farm.  It will bore you to death my little sis!"

Nawala ang simangot ko.  "Sa Del Rio?  Sa Hacienda?  Eh bakit?" nawalan ako ng interes.  Ayoko sa farm!  Nangangati ako don!  Saka pulos kabayo at baka lamang ang nandoon.  Huwag ng isama na may mga kung ano ano pang insekto don!  My golly!  No way!

Natawa ng nakakaloko si kuya.  "See?  Ngayon pa lamang bumabaligtad na sikmura mo. Remember, the Hacienda will be yours one day.  You should know and learn to love the place," pangangaral nito.  Lalo akong napasimangot.  Ako?  Ako magmamana non?  Hindi ko type maging taong bukid.

No way.

I want to live in the city.

I rolled my eyes upward.  "Whatever!  Sige, kayo na lang.  I am busy anyway!" sabi ko na akmang tatalikod na pero nagsalita si kuya.

"Oh no little sis!  Tutal naman nandito ka na rin lamang, you should join us para pumayag din si Ethan na pasamahin si Steph kapag nalaman na kasama ka.  So, pack your bag."

Nagpo protestang napatingin ako dito na nanlalaki ang mga mata.  "What?  Gagawin mo pa akong shield para makapag date kayo ni Stephie!" bulalas ko.

Parehong namula ang dalawa.  At gusto kong matawa ng malakas ng makita ang pamumula ni kuya!  Akalain mo nga naman!  Ang kuya ko na saksakan ng playboy ay parang bata na gumagawa ng paraan makasama lamang ang crush niya!  

"We are not going on a date!" tanggi ng kuya ko.  Napangisi na lamang ako na nagkibit balikat.  Pagbibigyan ko na kuya ko.  Kawawa naman at hindi maligawan si Stephie!  Halatang nato torpe!

"Alright.  Sasama ako.  Pero babalik din tayo agad!  Ayoko magtagal don!" nakaingos kong sabi na tumalikod na at dumiretso sa dining room.

Kailangan lamang na magdala ako ng malaking sanitizer and bring my ipod so I could sleep better!

***

"Ano nga uling gagawin ninyo sa Hacienda?"

Napatingin ako kay kuya ng marinig ang tanong ni Lolo.  Kasalukuyang naghahapunan kami, bukas ng umaga ang alis namin papunta sa Del Rio.

"Hindi ba graduation ni Renz sa Political Science?  I want to congratulate him Lolo.  Besides, alam mo na siya ang papalit sa pwesto ni Attorney Aguirre oras na maka graduate siya sa Law School which will be three years from now."

Natigilan ako.  Yun lang?  Kaya siya uuwi sa Hacienda ay para batiin lamang ang kung sinuman na unggoy na yon?  I wanted to smirk.  If I know, gusto niya lang i date si Stephie!

Agad na nagliwanag ang mukha ni Lolo.  "Talaga?  I almost forgot!  Send my congratulations at pagbalik ko ibibigay sa kanya ang regalo ko," nakangiti ng sabi.  

Napakunot na ang noo ko.  "Do you know him Lo?" hindi ko na maiwasan na hindi magtanong.  Para kasing ako lamang ang hindi nakakakilala sa Renz na yon.

Napatingin sila sa akin.  Si kuya ang sumagot.  "Hindi mo lamang siya nakikita dahil hindi ka madalas sa Hacienda, pero apo ni Manang Lucinda si Renz."

"Manang Lucinda?" salubong ang kilay na sabi ko.  "Yung mayordoma sa Hacienda?"

My brother sighed in annoyance.  "Na siyang nagpalaki sa atin don't forget that my little sis," may halong pagka iyamot na sabi.

I shrugged my shoulder.  "Masyado pa akong bata hindi ko na ma recall.  Anyway," baling ko sa Lolo.  "Bakit naman napaka importante yata sa'yo ng Renz na yon, apo lamang siya ng katulong?" dire diretso kong sabi.

Napamaang si kuya.  "Deanna Florence!"

Takang napatingin ako sa outburst ni kuya pero sinansala na ito ni Lolo.  My grandfather explained to me gently.

"Siguro masyado ka pang bata, but Renz' father died saving your father, Deanna."

Napatanga ako.

"Ho?"

He gently touched my hand.  "Hindi mo pa alam kasi binata pa ang Papa ninyo that time, I have told this story a long time ago to your brother because Rafael is matured enough to understand things."

Napasimangot ako.  "And I am childish ganon ba Lo?"

Napailing na lamang si kuya habang tumawa ng malakas si Lolo.  Lalo akong nainis.

"You are laughing Lolo."

Pinipiit na nito ang tawa.  "Ikaw na nagsabi niyan.  Anyway, kailan nyo naman balak umalis?"

"Bukas ng maaga Lo.  Dadaan pa namin si Steph."

Sagot ni kuya na itinuloy ang pagkain.  Nawala ang ngiti ni lolo.  Natigilan ako.

"Steph?"

Napaangat ang mukha ni kuya.  "Yes Lolo.  The girl---."

"Na palagi mong sinasama sa mansion," he supplied, he is not smiling at nakakaramdam ako ng tensyon.

I maybe young but I know the responsibility of my brother to Saadvera.  One day, he will marry the one na inilaan ng lolo para sa kanya.  Para sa Saadvera.  Para sa kumpanya.  Alam ko na ipinagkasundo si kuya sa isang babae na may malaking kaugnayan sa kumpanya.

He should not fall in love with anyone.

But he already did.

Hindi lamang siguro pa alam ni kuya.

Napatikhim ang lolo.  "I hope you are not thinking of dating the girl?  Masyado ka pang bata," kunway patay malisyang sabi ni lolo.

Natigilan si kuya pagkuway tumawa.  "Si Steph?  She is like a sister to me, Lolo!  Don't be ridiculous," natatawang sabi ni kuya.  

Napaangat ang kilay ko.

Sinungaling.

I shrugged my shoulder.  

My brother is such a fool thinking he could deny what he feels for Steph.  

Eh sa room nito may larawan pa sa side table niya!

***

Renz' POV

Hindi ako makapaniwala na makikita ko ang papasok na kotse sa Hacienda.  Kotse ni Dominic Saadvera.

Agad na napababa ako sa hagdan sa may terasa para salubungin ang dumating.

"Dominic," bati ko na hindi makapaniwala.  Taga Maynila si Dominic at hindi biro ang byahe papunta sa Hacienda.  

Nakangiting umibis si Dominic na inalis ang shade pagkuway agad na kinamayan ako.  Inabot ko iyon.

"Congrats Renz!  I won't miss this celebration," nakangiti nitong sabi.  

I smiled.  "Salamat," natigilan ako ng makita ang dalawang babae na umibis sa kotse.  At tila saka pa lamang naalala ni Dominic na may kasama ito, napakamot ito sa batok.

"Forgive my manners, I bring a friend with me, Stephanie," anito na ang tinukoy ay ang magandang babae na lumabas mula sa harap ng kotse.  Napaangat ang kilay ko.  I am older than Dominic by 4 years, he wouldn't bring a 'friend' in an occasion such as my graduation.  Hindi na iba ang turingan namin dalawa ni Dominic kahit kung iisipin ay amo ko siya.  Isa siyang Saadvera.

"Hi," nahihiyang sabi ni Stephanie.  I smiled back at her after saying thank you as she greeted me.  No doubt na ma in love si Dominic sa dalaga.  She is stunning and very nice young lady.

"And of course, you may not remember her, my sister.  Dee," anito na sinulyapan ang babae na lumabas sa passenger's seat na naghihikab.  Nagtama ang mga mata namin.  Her eyes that look so bored ay isang saglit lamang na sumulyap sa akin bago ibinaling sa iba ang tingin.  Napatiim ang labi ko.

Quite a snobbish spoiled brat.

"I am hungry kuya.  I want to eat and then I want to sleep," may halong iritasyon na sabi nito. Nakasalpak sa tenga nito ang earplug ng ipod nito and she looks sexy and pretty in her mini skirt and tank top.  Napaangat ang kilay ko.  Hindi na ako magtataka kung pulos kagat ng lamok ang bint nito mamaya.

Tipikal na babaeng taga Maynila, nakaismid kong naisip.  I have seen her sa ilang pampamilyang okasyon kapag na i imbitahan ako ng Don sa mansion.  I just knew her by face.

Dominic expelled a breath of irritation as he apologized to me.  Kinuha ko lamang ang mga gamit nila and ushered them in the hallway.

"I want to stay kung saan may aircon," narinig kong sabi ni Deanna sa kuya nito.  Napatiim ang labi ko.  This little girl is quite infuriating.  Sa lahat pa naman ng ayoko ay mga batang sobrang aarte.

Dominic glared at her.  "Lahat ng room dito ay may aircon my little sis.  At pwede ba get your things from Renz, hindi siya nandito para pagsilbihan tayo.  I am sure na may party na aasikasuhin pa si Renz."

Ngumiti ako.  "Nag aasikaso na sa bahay sina lola.  Kahit pa nga sinabihan ko na okay na lamang kahit maliit na salo salo.  Hindi ako mahilig sa party."

Namilog ang mga mata ni Deanna.  "What?  Walang party!  Nakakainis!  What kind of celebration it is kung walang party?"

"Deanna!"

Pakiramdam ko namula ang dulo ng tenga ko sa sinabi ng dalagita.

She rolled her eyes at padabog na kinuha sa akin ang mga gamit niya at nagdiretsong umakyat sa ikalawang palapag ng bahay.

Naiinis na binalingan ako ni Dominic.  "Forgive my sis, Renz.  You know how spoiled she is gawa na rin ni Lolo."

Pilit na ngumiti ako.

Pero sa isip ay naroon ang pangako na oras na ako na ang maging legal na tagapamahala ng Hacienda, at maging legal counsel ng matandang Saadvera, I will make sure that I will make her a very well-mannered woman she ought to be.

Tanghalian na ay hindi pa rin bumaba si Deanna.  Pinasundo na ito ni lola sa isang katulong pero ayaw sumagot.

Si Dominic at si Steph naman ay nagkaayaan na pumunta sa farm.

"Ano na?" nandidilat na sabi ni Lola.  

Napakamot sa batok si Nelia.  "Eh wala hong nasagot Manang Lucinda.  Kayo na ho kaya ang tumawag."

"Aba't dyaskeng bata ka!  Ako pa utusan mo ay napakataas ng hagdan na yan!  Nirarayuma na nga ako!"

Inawat ko si lola.  "Ako na ho Lola ang tatawag.  Tapos na rin ho akong kumain."

Umakyat ako sa ikalawang palapag ng bahay.  I drew a deep breath when I knocked on her door. Wala ngang sumasagot.  Ilang saglit pa ay naisipan ko ng gamitin ang master key sa kwarto. Bumukas ang pintuan.

Natigilan ako ng makita ang dalagitang padapang nakahiga sa kama, she is wearing a skimpy short and her t shirt almost went up to her stomach, revealing a creamy flesh to my sight.  I swallowed hard.  

"Wake up."

Walang sagot.

Lumapit ako ng kaunti.  Tinawag ko uli siya.  Wala pa rin.

Salubong ang kilay na niyugyog ko siya ng marahan.  Nang hindi pa ay nilakasan ko na. Naalimpungatan ito.  Pupungas pungas na naghikab at inaninag ako.

"What the---," she said huskily and then I saw her eyes grew large ng makita ako sa loob ng kwarto.  

"You should-------."

She screamed!

Natigilan ako.  Nanlalaki ang mga matang napalapit ako sa kanya at maagap na natakpan ang bibig.

Nanlalaki ang mga mata nito na pilit na nagpupumiglas.

"Damn!" angil ko na napasigaw ng kagatin nito ang kamay ko.  Nanlalaki ang matang napatingin ako dito at sa kamay ko na bumakat na ang ngipin niya.

"Are you out of your mind!" galit na galit na sabi ko na napapikit sa sakit na naramdaman.  Shit!  It hurts!  Daig pa ang piranha sa talas ng ngipin nito.  Napatanga ako ng makitang may hiwa na ang kinagatan nito!  Tumalab ang ngipin nito sa kapal ng kalyo ng kamay ko!

She pushed me so hard.  Nahulog ako sa kama.  Agad na kinuha nito ang kubre kama at binalot sa sarili.  I looked at her stunned, habang hawak ko ang nasaktang kamay.

"Manyak!  What the hell are you doing in my room!  You, pervert! I will call the police!" sigaw nito sa nanlalaking mga mata na nagsumiksik sa may headboard ng kama.

Napatiim ang bagang ko.  "What?  Come again, Ms Saadvera?  Manyak?  Hindi ko matandaan na na hinawakan man lamang kita," I said drily.

Namula ito.  "Eh bakit nandito ka sa room ko!  May balak kang masama sa akin!  You will rape me!" she screamed.

I laughed mockingly.

Natigil ang pagsigaw nito.  "Are you laughing at me?"

Naiiling na natatawa lamang ako, hindi ko na ininda ang sakit ng kamay ko.

"You are a child, Ms Saadvera.  I don't like high school girls such as you.  And besides," my eyes roamed to her body na balot na balot ng kubre kama.  Mas lalo niyang hinapit iyon sa dibdib. Napatiim ang labi ko.  "I don't fancy little girls body.  It will give me no pleasure."

Kitang kita ko ang pamumula niya.  "H-How dare you!  You are just a servant!" she said bitingly.

Nawala ang mapang asar na ngisi sa mukha ko ng marinig ang sinabi niya.

It hurts my ego.

But it was the truth.

I am a manservant.

I smirked.  "And that makes you safe with me, Ms. Saadvera.  Aside from I don't fancy little girls, I also don't fancy a rich spoiled brat who became rich because of his grandfather's wealth," nanunuyang sabi ko bago yumuko sa kanya at lumabas ng kwarto.

Lumikha ng ingay ang pagsara ko sa pintuan.

Dee's POV

I almost jump to my feet when I heard the slamming of the door as he leaves.  

Namumula ako.

At nagagalit.

How dare he accused me of such!  Even if its quite true, sino siya para ipamukha sa akin na mayaman ako dahil lamang sa aking Lolo.  How dare he is...

No one speaks to me like that.

Lalo na ang isang lalaki!

Even how hot that manservant is, nakakakulo siya ng dugo!

Gigil na nagdiretso ako sa banyo.  Natigilan ako ng maalala ang sinabi niya.

"I don't fancy little girls body."

I blushed as I looked down at my body.  I may not be as sexy as those models from magazine but I have curves even at this young age.  Napatingin ako sa salamin ng makita ang dibdib ko. Napakurap ako.  Napasimangot.  I am not blessed with big boobs!  But it isn't flat.

Napasigaw ako sa inis!  Bakit ko ba pinag aaksayahan ng oras ang unggoy na yon!



Author's Note: September 11


For those who are inquiring if there is a preordering of No Other Love, naka-open lamang ito for listing. No definite date yet as we have to fill all needed slots for another reprint. It will take us a while dahil since 2017 ay nakapag-release na ang NOL ng more than 400 copies, softbound and hardbound combined.


Batch 6 is in hardbound using the cover of Batch 5 of NOL, released last year. This is the second release only in hardbound since 2017.


For readers who want to keep the story on a new cover, hardbound, and discounted price, a google form is provided for the listing. Only those who filled up the form can avail the price.



IF INTERESTED to be included sa list for Year 2022 in discounted price as well, here is our page:


www.facebook.com/page.no.other.love

Continue Reading

You'll Also Like

199K 3.7K 21
Dice and Madisson
33.2M 19.1K 5
"I want you to share my bed within that three months," walang kakurap kurap nitong sabi. Kailangan ko na titigan siya ng matagal. O kurutin ang saril...
1.4M 4.6K 6
Minsan umasa kang maabot siya at makasama kahit saglit lang ngunit binalewala ka.... Minsan darating siya sa panahong hindi mo na kailangan... Par...
2.3M 9.4K 8
Perez Series #1 Highest rank achieved #5 in General Fiction. Currently #29 There's a one person who comes first than the other one. The one who come...