Finally A Requited Love

By anew_beh

850 18 7

More

Finally A Requited Love

850 18 7
By anew_beh

Hahahaha! Eto sobrang pinaghandaan ko po ito. I made sure na konti lang ang typos at errors dahil ang fanfic po na ito ay para sa favorite kong author na si AEGYODAYDREAMER at sa paborito kong kwento niya na sobrang nagpakilig saakin, ang MY NEPHEW-IN-LAW.

Hindi po ako nagsusulat talaga dahil mababaw lang po ako pero dahil inspired much pa rin ako hanggang ngayon dahil sa story na yun kaya ko ito ginawa.

Si Kian po ang bias ng kwentong ito dahil po siya lang po ang walang ka-loveteam. Hehe. Okay Ang dami pang satsat sisimulan ko na po. Sana maenjoy niyong basahin. Simple at mabilis lang na kwento ito.

                                   ======================================

                                                        Finally A Requited Love

                                                    Drama, One-shot, Romance

                                A fan fiction AegyodayDreamer's "My Nephew-in-Law"

                                   ======================================

Tahimik lang ako sa loob ng showroom habang tinitignan ang mga gawa ng mga estudyante na Edinham School of Art. Hindi ako nag-aaral dito, pero balak ko pag graduate ko ng highschool, makapasok ako dito.

Bakit? Syempre, may dahilan!

Ano? Isang taong matagal ko nang kakilala.

Sino? Ang kapitbahay ko.

Sino nga?

"Janey!!! Nandito ka na pala."

"Kian."

Siya po. Si Kian Miranda, ang aking gwapong kapitbahay.

"Ano? Nagpunta ka na ba sa office ng admin?"

"Oo. Hinihintay ko na lang yung results nung entrance exam ko kanina."

"Sana makapasok ka."

Sana nga. Sana nga dahil wala na akong balak mag-enroll pa sa ibang university.

"Oo nga pala, tara ipapakilala na kita sa mga kaibigan ko."

Hinila niya ako sa kamay ko.

At sobrang lakas tuloy ng kabog ng dibdib ko.

Magkahalong emotion eh.

Kilig...

And sadness.

Why?

Kasi alam kong ipapakilala na niya ako kay...

"Ito nga pala si Sam. At siya naman si Janey."

"Hello Janey!" Ang bati saakin nung Sam. Grabe! Ang ganda niya nga talaga! Simple, walang make-up, walang arte sa katawan. Basta pure ganda talaga!

"Hello!"

Sobrang mabait din itong si Sam. Hindi mahirap pakisamahan. Friendly. Basta mabait!

Kaya kahit siguro anong selos ko, hindi ko magagawang magalit sa kanya.

Ayun, matapos magpakilala sa isa't isa.

Na-OP na ako.

Kasi ang atensyon ni Kian, nasa babaeng mahal niya.

Madalas kasi nakukwento saakin ni Kian itong si Sam. Ako po kasi ang babysitter ng nakababata niyang kapatid.

"Janey. Bakit hindi ka na nagsasalita jan?" Tanong ni Kian.

Kasi nagseselos ako. "Wala lang."

"Kumain ka na ba?" Tanong naman ni Sam.

Ang totoo, hindi pa. "Oo, kanina pa."

Ang awkward lang.

Isang tanong, isang sagot.

Hindi naman ako mahiyaing tao.

Pero dahil hindi ako kumportable dahil sa selos ko kaya mabuti na lang na manahimik.

Kaso ang tanga ko rin noh?

Ganito na pala, bakit gusto ko pa ring ipilit ang sarili ko na pumasok dito?

Simple lang.

Kasi kahit hanggang tingin lang.

Kahit magtabi lang.

Kahit usap lang.

Basta si Kian, okay na saakin yun.

"Oh pano, aalis na ako. Sabi kasi nung kausap ko kanina, 3pm daw ang out nung result."

"Talaga? Sama na kami sayo." Sabi ni Kian kaya napangiti naman ako.

"Ay kayo na lang. May next class na ako eh." Ang sabi naman ni Sam.

Pagkasabi ni Sam nun, parang nagdalawang-isip pa si Kian.

Nababasa ko yung expression sa mukha niya kung sasama ba siya saakin o ihahatid muna niya si Sam.

Syempre, alam ko na ang sagot. Kaya uunahan ko na siya.

"Wag na Kian. Ihatid mo na lang si Sam sa room niya."

"Ha?" Sabay nilang sagot.

"Basta! Balitaan na lang kita kung nakapasa na ako kapag nagkita tayo ulit! Bye!"

Sabay takbo ako ng mabilis.

Iniwan ko na sila.

At ako itong tanga at martir! Kakainis!

Pagdating ko sa admission's office. Binigay na agad saakin yung results.

CONGRATULATIONS! YOU PASSED!

Sigh.

Hindi naman ako masaya.

Parang nagda-doubt na ako kung tama ba talagang pumasok ako dito?

Paano kung hindi ko kayanin ang selos?

Paano kugn hindi ko kayanin ang sakit.

Na kasama ko nga siya, iba naman ang gusto niya.

"Wow, you pass!"

"Ay anak ng kalabaw!"

Paglingon ko, nakatayo na pala sa likod ko si Kian.

"Yes! Sa wakas dito ka na papasok!"

"Anong ginagawa mo dito?"

"Inaalam kung nakapasa ka ba."

"Bakit hindi mo inihatid si Sam?"

"Hinatid ko na siya sa room niya. Ang lapit lang kaya nun sa pwestong kinauupuan natin kanina."

"Ah ganun ba." Wala na akong masabi kaya, "Sige uwi na ako Kian ha."

"Teka Janey... may problema ka ba? Kanina ko pa napapansin na parang malungkot ka."

"Ah wala 'to."

"Bakit?"

"Kasi-- basta Kian. Hindi mo rin maiintindihan. Uwi na ako ha."

"Teka Janey... mage-enroll ka naman dito diba?"

"Ah eh, hindi ko alam. Hindi ko sigurado."

"Dito ka na mag-enroll please."

"Bakit?"

"Para ano. Um. Para... para schoolmates na tayo."

"Ganun ba?" Hanggang schoolmates lang? "Kian..."

"Bakit?"

"Kung sasabihin ko bang kaya ko lang gustong mag-enroll dito ay dahil may gusto ako sayo, papayag ka pa ring pumasok ako dito?"

Naisipan ko na lang sabihin.

Ano pa bang dahilan para itago diba?

Alam ko naman masasaktan din ako sa huli.

Kaya nga mas mabuti pang ipaalam.

"Gusto mo ako?"

"Oo."

Hindi na nakatingin ng direcho saakin si Kian. Utal-utal pa ang naging sagot niya.

Halatang gulat at hindi makapaniwala.

"Okay lang Kian. Alam ko naman na hanggang ngayon, mahal mo pa rin si Sam."

Nagpakatanga na naman ako.

Tumalikod na ako at nagmadaling umalis.

Kaso nakakailang hakbang pa lang ako, nakabungo naman ako ng isang lalaki.

"Aww. Sorry." Sabi ko.

Masungit ang dating niya. Singkit at ubod talaga ng gwapo.

Hindi naman niya ako pinansin pero nakaharang siya ngayon sa daraanan ko.

"Yow Kian!"

"Eli..."

"Nakakaistorbo ba ako sa usapan niyo?"

"Hindi. Hindi naman."

Magkakilala sila ng gwapong lalaki na ito?

"Uh excuse me." Sabi ko dun sa gwapong lalaki na ang pangalan nga ay Eli.

Pero hindi niya ako pinansin. Nakaharang pa rin!

"Si Bugal nakita mo?"

"Nandun si Sam sa room niya."

"Okay, thanks!"

Aalis na sana siya pero napatingin pa siya saakin.

Nag-smirk pa siya sa harap ko! Yung tipong parang narinig niya yugn confession ko kay Kian kanina.

Kung hindi ko lang talaga mahal si Kian, baka sa Eli pa na ito ako nagkagusto!

Pag-alis nung Eli, free na din akong umalis.

Kaso hahakbang pa lang sana ako, may pumigil saakin.

Si Kian. Nakahawak ng mahigpit sa braso ko.

"Sandali Janey... yung lalaking yun."

"Bakit?"

"Siya si Eleazer Pascual." Ano namang dahilan bakit kailangan niyang sabihin yun? "Yung si Eli. Siya ang boyfriend ni Sam."

Ano? Boyfriend yun ni Sam? May boyfriend na ang mahal mo?"

"Exactly."

"Paano ka na? Diba-- diba si Sam ang mahal."

"Oo."

Grabe ang kirot sa puso ko.

Direchahang sagutin ba naman.

"Noon."

"Noon?"

"Siya ang mahal ko NOON."

"Matagal ko nang tanggap na hindi kami ni Sam dahil alam kogn sila talaga ni Eli ang bagay."

"Pero paanong...?"

Hindi ko naman maintindihan si Kian.

Bakit niya pa ngayon sinasabi ito?

"Hindi mo pa rin ba maintindihan? Kaya kita pinipilit na mag-enroll dito sa school na pinapasukan ko ngayon. Kaya gusto kong makasama ka. kaya ako nandito ngayon ay dahil."

Dahil?

Dahil ano?

"Dahil noong mga panahong sobrang nasasaktan ako, nandyan ka para saakin. Hindi mo ako iniwan. And during those times, you made me realize something important, Janey. Na hindi ko kailangang umiyak para sa isang taong hinding-hindi masusuklian ang pag-ibig ko. Sa halip, kailangan kong humanap ng taong pag-aalayan ko ng puso ko na handang tanggapin ito."

Sobrang naiiyak na ako sa sinasabi ni Kian.

"So Janey, pumasok ka sa school na ito.

Dahil sayo ko lang ibibigay ang puso ko.

At aasahan kong tatanggapin mo yun."

I just cried in tears of joy.

Finally, masusuklian na din itong nararamdaman ko.

And we're both feel the same.

Finally, this is a requited love!

                                                                     --THE END--

Continue Reading

You'll Also Like

52.7M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
2.7M 53.1K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
169M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
263K 18K 85
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...