Pagkagising ni jade wala na si althea sa tabi niya.. Pero may note ito na iniwan
****althea's note*****
Ang sarap ng tulog mo ayaw na kitang distorbohin.. Nauna na ako lab ha kasi may early meeting ako with a client.. I love you lablab..miss na kita agad..ingat ha..mahal na mahal kita
Napangiti naman si jade sa note.. Naintindihan niya naman si althea
Pagbaba niya nadoon sa kitchen table si miggy at nag aalmusal..
Good morning migs!!
Goood morning mommy !!
Oh bakit konti yata pagkain mo?
Mommy kasi look oh im getting fat already. Nabasa ko po kasi na dapat tama lang kinakain ko kaya nagbabawas na ako ng food
Nako migs ha. Hindi tama yan na your are not eating right. Pwede ka naman kumain ng maayos tapos mag exercise ka lang.. Nag babasketball ka naman eh.
Opo mommy..
So dont be too self concious ok.. Bata ka pa.. Tsaka you are not fat..
Ok mommy..ngiting sabi ni miggy
Hinatid na ni jade si miggy sa school..
Paglabas niya sa school ni miggy may parang mahagip siya na tao sa may malapit na puno at parang namumukaan niya ito.. Nang makita siya nito na nakatitig sa lugar niya agad itong tumalikod at umalis..
Si cathleen ba yun? Sabi ni jade sa sarili
Kinutuban naman si jade at agad kinausap ang bodyguards ni miggy na doblehin ang pagbabantay dito..
Parang ayaw niya na iwan si miggy sa school.. Nagpasya na lang siya na dagdagan ang security ni miggy at gerald..
Siya ba yun? Pagtatanong niya sa sarili dahil feeling niya si cathleen talaga yun eh..
Nagdating niya sa office agad siyang nakatanggap ng tawag mula sa dada niya
Jade bakit ka nagpadagdag ng security kila miggy? May problema ba?
Dad kasi kanina parang nakita ko si cathleen dun sa labas ng school ni miggy
Ano?!
Dada calm down bawal kang ma stress
Im ok jade.. Inaalala ko lang si miggy.
Dont worry dada pupuntahan ko si miggy sa lunch time niya
Anak please take care also. At i will call your ninong general para mag update na nakita mo si cathleen sa may school ni miggy.
Ok dada.. Pero im not really sure if siya nga yun..
Before lunch time bumalik si jade kay miggy at sinigurong ok ito.. At nang matapos na ang break nila kahit nag aalangan siyang umalis sa school ni miggy alam niyang kailangan din siya sa office.
Pinag iisipan ni jade kung sasabihin niya ba kay althea or hindi na.. Alam niyang mag aalala ito ng sobra.. Pero alam niya din na magagalit ito sa kanya kapag hindi niya ito agad sinabi
Napapaisip ng malalim si jade kung anong gagawin niya
Maam ok na po ba? Alis na po tayo..
Deretso tayo kay maam althea niyo
Ok maam..
Pagdating sa building kung saan ang office ni althea derederetso na si jade sa office nito.. Pero nakasalubong niya si wila
Oh jade.. Buti naman napadpad ka dito? Surprise ah.. Ngiting sabi ni wila
Ahm.. Si althea ba busy? Tanong ni jade
May kausap pa eh.. Kung gusto mo doon ka muna sa office ni batchi.. Malapit na din matapos yun eh..sabi ni wila
Ok lang dito na lang ako maghihintay sa couch..
Sigurado ka ba? Tanong ni wila
Yah ok lang dito na lang ako.. Pagsisiguro ni jade
Teka lang jade ha dadalhin ko muna ang mga 'to sa baba.. Kailangan na eh.. Sabi ni wila
Sige wila ok lang ako..
Umupo si jade sa may couch at hinintay na lang matapos si althea sa meeting niya..
Nag serve naman ng merienda ang secretary ni althea kay jade
Maam merienda po muna kayo.. Sabi ni beth
Nako beth ok lang naman ako.. Sige salamat..
Welcome maam..
Nakakarinig ng tawanan si jade galing sa office ni althea..
Sino ba yang client na yan at nakikipagtawanan talaga si althea
Napapakunot na noo ni jade
Pero binalik niya na lang ang atensyon sa phone niya dahil may email siyang binabasa
Maya maya pa bumukas ang pinto ni althea..
Hindi agad makikita ni althea si jade dahil ang couch na inuupuan niya ay nasa isang corner at medyo tago, narining niya ang kausap ni althea
Thea thank you ha.. Alam mo ikaw na ikaw ka pa din talaga kahit matagal na tayong hindi nagkikita sweet ka pa din at mabait.. Tayo na lang ulit? Sabi nung babae
Nako ikaw bolera ka pa din..natatawang sabi ni althea
Hindi kaya.. Basta ha labas tayo minsan.. Alam mo na like the old days.. Sabay hawak sa braso ni althea
Ewan ka talaga.. Sige kapag libre ako.. Sagot ni althea
Sige na baka may gagawin ka pa.. Alis na ako thea.. Sabay halik sa pisngi ni althea na medyo paakit at may binulong pa ito.. Habang nakahawak sa braso ni althea
Ikaw talaga.. Sige na bye.. Ingat..
Umalis na yung babaeng haliparot
(ako talaga nainis sa sarili kong kwento..hahaha!!!)
Papasok na sana si althea sa office
Ganyan ka ba talaga mag asekaso ng client mo?
Nagulat si althea sa boses lumingon siya dito
Jade? Sabay tingin sa secretary niya
Eh kasi maam ayaw ni maam jade ipadistorbo kayo eh..
Huwag mo na pagalitan si beth.. Sabi ni jade
Umalis muna si beth sa desk niya.. Gyera na ito sa isip ni beth
Ahm lab.. Dito tayo sa office.. Nag aalangan si althea na yayain ito dahil alam niya umuusok na ilong ng fiancé niya..
Deretso lang si jade na pumasok sa office at sumunod na lang si althea sa likod nito
Patay ka na althea.. Gyera ito.. Naman kasi..napapakamot lang siya ng kilay niya
Saan umupo yung babaeng yun? Tanong ni jade na seryosong seryoso ang mukha
Itinuro na lang ni althea ang upuan..
Sakabilang side umupo si jade
Uupo na sana si althea sa inupuan nung babae
Huwag kang umupo diyan.. Sabi ni jade
Doon ka sa upuan mo.. Sabi pa ulit ni jade kay parang basang sisiw na sumunod na lang si althea
Tahimik lang si jade at si althea naman hindi alam paano umpisan kausapin ang fiancé niya
Maya maya pa ay nagsalita na si jade
Sino yung client mo?
Ahm si cindy.. College friend ko siya..
Friend? Bakit sabi niya kayo na lang daw ulit?
Ahm.. Lab.. Ah..Eh.. Ex ko siya..napapalunok ng laway ng wala sa oras si althea at napapakamot sa kilay niya
Anong kailangan niya sayo? Tanong ni jade
May event siya na ipapa organize sa akin..
So lagi kayong magkikita?
Depende.. Pero kung ayaw mo pwede ko naman ipasa kay batchi eh..
Wala ako sa lugar para sabihin sayo anong dapat mong gawin.. Business mo to at company mo.. Nasasayo na yun.
Lab.. Nagseselos ka ba? Deretso ng tanong na ni althea
Kung ikaw pupunta ka sa office ng fiancé mo at maaabutan mo na nilalandi siya ng client niya ano sa tingin mo mararamdaman mo ha.. Sabay tingin kay althea ng seryoso
Lab.. Wala naman yun eh..
Wala?! ( napatayo na si jade at nasa magkabilang bewang niya ang kamay)
Eh kulang na lang halikan ka nun sa labi eh.. May pahawak hawak pa sa braso mo.. Tapos bubulong bulong pa.. Yun ba ang wala.. Hah?! Ikaw althea guevarra ha.. Binabalaan kita kapag nakipagkita ka doon sa babaeng yun nako.. Inis na sabi nito
Samantala sa labas ng office..
Beth anong nangyayari sa office ni althea
Maam batch gyera po..
Sabay naman pagbalik ni wila
Oh nasa loob na ba si jade akma na sana bubuksan ni wila ang pintuan ni althea
Pangga wag.. May gyera..
Hah?anong gyera?
Makinig ka na lang ha..
Sa office ulit ni althea
Lab.. Promise wala lang yun.. Trabaho lang talaga yun.. May bubuksan siyang bar gusto niya ihandle ko yung opening event ng bar niya..
Pwede ba maghilamos ka... Sabi ni jade
Hah?! Tanong ni althea
Para maalis diyan sa pisngi mo yang paghalik ng babaeng yun sayo! Inis pa din si jade
Lab..
Ano?! Ayaw mo? Gustong gusto mo ang halik niya hah? Sige sa kanya ka na magpahalik.. Akma na aalis na si jade
Dali daling tumayo si althea at hinawakan si jade sa braso
Lab teka naman.. Wag naman ganyan.. Promise wala lang yun..
Tahimik pa din si jade
Lab please.. Wala lang talaga yun.. Kaibigan ko lang si cindy..
Sa labas ng office
Pangga sino ba yung cindy?
Cindy? Hmm.. Ah.. Patay.. Ex ni althea yun.. Patay na patay yun kay althea.. Lagot na..
Patay nga.. Sabi naman ni wila
Balik sa office ni althea
Lab please.. Wala lang yun.. Promise.. Lumalapit na si althea kay jade hawak niya na ang mga braso nito at hinahaplos..
Ewan ko sayo.. Pag iiwas ng tingin ni jade
Lab.. Tingin ka na sa akin.. Promise ko wala lang si cindy.. Client ko lang siya.. Oo ex ko siya pero ang tagal na nun..tsaka fiancé ko lang ang importante sa akin.. Tsaka mahal na mahal ko fiancé ko noh..
Tumitig na si jade sa kanya..
Ngumiti naman si althea sa kanya..
Wag kang ngingiti ngiti dyan.. Sabi ni jade
Lablab naman eh.. Sige na smile ka na.. Please.. Bati na tayo.. Huwag ka na magselos doon. Wala lang talaga yun si cindy..promise..
Sigurado ka? Sabi ni jade..
Opo lablab.. Promise.. Ikaw lang ang mahal ko. Ikaw lang ang lablab ko..ngiting sabi ni althea
Kiss mo muna ako.. Sabi ni jade
Kaya hinawakan ni althea ang magkabilang pisngi ni jade at hinalikan ito ng dahan dahan..
Bigla naman bumukas ang pinto ni althea
Aray naman! Sabi ng mga tsimosang nakadikit ang mga tenga sa pintuan ni althea
Naman kasi pangga eh.. Ayan tuloy..sabi ni batchi
Hi sa inyong dalawa.. Ok na kayo? Tanong ni wila
Natawa naman si jade sa itsura ng dalawa
Alam niyo kayo talagang dalawa puro kayo kalokohan.. Sabi ni althea
Kame? Kalokohan.. Eh ikaw nga tong nahuli eh.. Sabi ni batchi
Ah ganoon... Kapag nagalit ulit lablab ko humanda ka talaga batchi..
Lab huwag mo pansinin yan... Sira ulo yan eh.. Sabi ni althea kay jade
Ok na kayo.. Sabi ni wila
Tumango na lang si jade..
Wila please next time wag niyo na palapitin yung cindy na yun kay althea.. Parang linta eh.. Sabi ni jade
Akong bahala jade.. Sabi ni wila
Tumahimik lang si althea
Teka lab bakit ka pala pumunta dito? May problema ba?Tanong ni althea
Sumeryoso mukha ni jade
Lab kasi kanina paghatid ko kay miggy sa school parang nakita ko si cathleen sa may labas ng school eh..
Hah?! Sabi ni althea
Teka lab.. Bakit mo ngayon lang sinabi.. Puntahan natin si miggy..
Lab sandali lang.. Ok na doon ako galing before ako pumunta dito.. Tsaka nagdagdag na kame ng security at mamaya si dada na susundo kay miggy at gerald.. Para safe sila.. At kila dada sila dederetso.. Doon na din tayo pupunta mamaya..promise ok lang si miggy..
Lab.. Natatakot ako.. Sabi ni althea
Hinawakan ni jade si althea sa pisngi nito
Hey.. I promise you walang mangyayaring masama kay miggy at hindi ako papayag na makalapit pa si cathleen kay miggy at lalo na sayo..
Nako talaga yang cathleen.. Sabi ni wila
Jade please protektahan mo si althea at miggy.. Sabi ni batchi
Yes batchi.. Promise hinding hindi ako papayag na makalapit sa kanila si cathleen kahit si tommy
Makikitang nag aalala si althea
Lab.. Dito lang ako ha.. Hindi na ako aalis.. Sasamahan kita dito.. Sabi ni jade..
Tumango na lang si althea
Inalalayan ni jade si althea sa upuan nito
Kalma lang lab ha.. Nag uupdate naman si bernard sa akin eh.. Siya yung nandoon ngayon kay miggy..
Ok lab.. Sabi ni althea
Nasa tabi lang ni althea si jade..
Nasa office lang din nito sina wila at batchi
Nag ring phone ni jade
Teka lab sagutin ko lang..
Hello.. Sabi ni jade
Kumusta jade.. Alam ko nakita mo ako kanina.. Mukhang bantay na bantay si miggy ah.. Tapos nandyan ka pa kay althea.. Natatakot ka ba na mawala sila ulit sayo.. (Nangingiting sabi nito)
Lumayo ng konti si jade sa grupo
Subukan mo silang lapitan ako ang makakalaban mo.. Hinding hindi ako papayag na may gawin ka pa ulit sa kanila.. Tandaan mo yan.
Hayaan mo jade.. Tatandaan ko yan at ito din tandaan mo kukunin ko sila ulit sayo..
Hinding hindi ako papayag.. Magkamatayan muna tayo bago mo magagawa ang gusto mo.. At sisiguraduhin ko hindi ako ang mamamatay..
Pinatay na ni jade ang Phone
Lab sino ba yung kausap mo..tanong ni althea
Si bernard nag uupdate lang.. Ayaw na niyang mag alala pa lalo si althea
Ok.. Lab pwede na ba tayo pumunta kila dada? Sabi jo althea
Sige lab.. Ok lang..
Naghanda na si althea para makaalis na sila
Batch kayo na muna bahala dito ha.. Sabi ni althea
Sige tsong mag ingat kayo ha..
Busy naman si jade sa pag tetext..
tara na lab. Sabi ni althea
Ok lab.. Batchi wila una na muna kame ha.. Paalam ni jade sa dalawa
Ingat kayo ha sabi ni wila..
Tumango na lang ang dalawa.
Pagdating sa mansion ng mga tanchingco kakarating lang din nila oscar kasama si miggy at gerald
Hi mama.. Hi mommy.. Bati ni miggy pagkakita sa mga mommies niya..
Bumati din si gerald sa mga auntie niya at bumeso..
Hi anak.. Yakap agad ito ni althea sa anak na alam mo na nag aalala..
Kumusta school? Tanong ni jade
Ok naman po mommy..
Ah mama, mommy bukas pala kailangan niyo pumunta sa school.. Tska sina angkong at ama na din po..ngiti nito
Bakit anong meron anak? Tanong ni althea
Hindi ko din po alam. Basta punta po kayo..
Nagtinginan si jade ay althea
Ok sige migs.. We will go..
Angkong kayo din po ni ama ha..
Sige apo pupunta kame..
Pupunta din po si dad and mom sabi ni gerald
Thank you. Tara gerald doon na tayo sa playroom..
Tumakbo na ang dalawa papuntang playroom.
Dada.. Lapit ni jade kay oscar at nagmano ito ganun din si althea
Althea alam ko worried ka pero gagawin namin lahat para protektahan si miggy at ikaw..
Salamat dada..
Oh nandito na pala kayo sabi ni amanda
Pasok na tayo at makapag merienda na..
Kaya dumeretso na sila ng dinning area
Nag usap usap sila tungkol sa sitwasyon at kitang kita kay jade ang pag alala nito sa fiancé at anak..
Jade kumalma ka lang.. Sabi ni oscar
Dad ok lang ako.. Sabi ni jade sabay hawak sa kamay ni althea
Pinisil din ni althea kamay ni jade
After nilang mag dinner nagpasya na din umuwi nila jade
Habang nasa byahe tahimik lang si jade at katingin lang sa labas ng bintana.. Kumukunot ang noo nito
Nakita naman ito ni althea kaya inabot niya ang kamay nito at hinawakan ng mahigpit..
Tumingin naman sa kanya si jade at ngumiti at nag mouth ng i heart you.. Kasi nasa gitna nila si miggy at tulog na ito..
Nginitian din siya ni althea at nag i heart you din..
Tahimik pa din sila hanggang nakarating na sila sa bahay..
Si miggy nagising din nung naramdaman niya na huminto na ang sasakyan..
Halika na anak.. Hatid ka na namin sa room mo..
Tumango lang ito dahil antok na talaga.
Good night anak.. Sabi ni althea nang makahiga na si miggy..
Goodnight migs.. Sabay halik sa noo nito..Sabi ni jade..
Lumabas na din sila sa kwarto ni miggy at deretso na sa kwarto nila para magpahinga na..
The next day..
Mommy...
Mama...
Sigaw ni miggy sa laba ng pintuan ng dalawa
Bilisan niyo na po at malalate tayo sa school
Ok anak lalabas na kame..
Unang lumabas si jade at humalik ng good morning sa anak.. Sumunod na din si althea
Eto na anak.. Bakit ba kasi ang aga niyang program niyo.. Ano ba gagawin mo kakaknta o sasayaw.. Nagtatanong kay miggy habang sinusuot ang hikaw niya..
Hindi ko din alam mama basta tara na po..
Ok ok anak..
Sumakay na sila ng sasakyan
Nag ring ang phone ni jade
Dada.. Sabi ni jade
Nasaan na kayo? Tanong ni oscar
Papunta na da.. Nasa sasakyan na kame
Ok sige.. Bilisan niyo na at mukhang mag uumpisa na ang program nila
Ok dada..mabilis na lang kame
Pagbaba ng phone
Manong bilisan na natin sabi ni jade
Ok po maam
Wala pang kalahating oras narating na din nila ang school ni miggy
Agad na din sila tumungo kung nasaan gaganapin ang program
Nako buti nandito na kayo at mag stastart na ang program.. Sabi ni amanda
Goodmorning mama, dada.. Beso ni jade at althea kay amanda
At binati din nila si pearl at gab
Umupo na sila jade at althea habang si miggy ay nasa may harapan kasama si gerald.. Lumilingon ito sa mga mommies niya at ngumingiti..
Nagsalita na ang host ng event
Today we are thankful that our dear parents gave their time and effort to be with their children..
It is the time of the school year where we give out awards to our deserving students.
Nako may award pala ang apo ko sabi ni amanda
Kaya pala sabi ni jade
Napangiti naman si althea sa narinig
Ok now let us call on our dear principal.. Mr. Sherwin cheng..
Nagpalakpakan ang lahat..
Lab ano kaya award ni miggy? Tanong ni jade kay althea
Magaling siya sa math baka din siya magkaka award
Nag umpisa na ang awarding ceremony
Awarding for certificate awards
For grade six (grade level na nila gerald at miggy)
Best in science and technology
Tanchingco, gerald L.
Ngiting ngiti si gab at pearl
Best in math
Guevarra, miguel
Ang saya ni althea para sa anak
Sunod sunod na ang tawag sa awards
Best in leadership for scouting
Guevarra, miguel
Tanchingco, gerald
Lim, france
Tan, emerson
Best in sports
Team captain SBP basketball
Tanchingco, gerald
Nakita naman nila jade na nag apur ang mag pinsan
Rookie of the year basketball
Guevarra, miguel
Sumunod din si miggy sa pinsan sa stage
Humahakot ng awards ang mga apo ko ah..sabi ni oscar na proud na proud sa mga apo..
Amanda maghahanda tayo..sabi ni oscar
Ok mahal.. Magpapa cater tayo mamaya da bahay.
Now the medal awards for honor students per grade level
Isa isa nang binanggit ang nga awardee per grade level hanggang dumating na ang grade level nila miggy
Fifth honorable mention
Tan, eunice marie
Fourth honorable mention
Santos, johnson
Third honorable mention
Morales, samantha grace
Second honorable mention
Tanchingco, gerald
Nagulat si pearl at gab dahil first time na nasama si gerald sa ganitong award
Tuwang tuwa ang dalawa para sa anak
First honorable mention
Guevarra, miguel
Tumingin muna si miggy sa mga mommies niya at nginitian sila at umakyat na ulit sa stage
Ang saya ni jade at althea sa award ng anak
Nag apir naman ang magpinsan na nasa stage ngayon at suotsuot ang medal nila
We are also awarding this leadership award to our elementary level leader who gave his best in being a model student to his fellow schoolmates and for showing good conduct in all his task
Our elementary level leader president
Tanchingco, gerald
Aba kita mo nga naman presidente din ang anak ko.. Sabi ni gab
Tumawa namansi pearl sa sinabi ng asawa at tuwang tuwa ang rest ng family
Pagkatapos ng awarding lumapit na ang dalawa sa family nila
Surprise po ba kayo? Sabi ni gerald..
Sobrang surprise mga apo sabi ni amanda na naluluha
Ama naman eh bakit kayo umiiyak.. Sabi ni gerald
Masaya lang ako apo.. Halinga kayong dalawa.. Sabay yakap sa dalawa
Proud na proud kame sa inyong dalawa sabi naman ni oscar keep it up mga apo dagdag nito
Syempre po angkong sagot ni miggy
Lumapit na si gerald sa mom and dad niya at si miggy naman sa mama at mommy niya
Nako migs ha nagulat kame talaga sabi ni jade
Anak proud na proud kame sayo.. Sabay yakap sa anak
Mama wag po umiyak.. Dapat happy kayo eh
Happy naman ang mama eh.. Tears of joy lang ito anak
Mamaya sa bahay na tayo mag dinner.. Invite who you want at magpapaparty ako para sa mga apo ko..
Thank you angkong sabi ng dalawa
Lab invite mo sina wila at batchi ha at tatawagan ko din si sally sabi ni jade
Ok lab..
Lumapit ang principal sa kanila
Good morning mr. Tanchingco
Good morning mr. Cheng
Mga apo mo pala itong mga 'to
Yes and im so proud of them
Yes you should be.. Ang gagaling eh..
Salamat principal.. Sabi ng dalawa
Mr. Cheng can i have a word with you sabi ni oscar
Sure mr.tanchingco, gusto niyo ba sa office na lang tayo mag usap?
Ok. Sabi ni oscar
Sandali lang ito ok sabi ni oscar sa asawa
Tumango na lang si amanda
Pagkatapos makipag usap si oscar sa principal tungkol sa siywasyon ng security ni miggy at gerald umalis na din sila at dumeretso ng mansion..
Masaya ang kanilang party at tuwang tuwa ang dalawang bata dahil nag promise ang lolo nila na dadalhin sila ulit sa isang car racing show out of the country..
Masaya si miggy at gerald sa nakikitan mga tao sa paligid nila na mahal na mahal nila.