CHAPTER 13: THE OTHER GUY
(Kath's POV)
Ansakit ng katawan ko. Never pa akong nakaexpirience ng ganitong body pain. Feeling ko naubos lahat ng lakas ko, but then i feel safe. Unti-unti akong dumilat para tignan kung nasaan ako. Nang mapansin kong hindi ito pamilyar una kong hinanap si Mama.
"Mama?"
"Kath." sagot ng teary-eyed, worried, at relief na mama ko, tapos bigla niya akong niyakap. Kahit medyo masakit hindi na ako nagreklamo. Basta andyan si mama. Mapapawi naman ng lahat ng sakit.
Sinubukan kong iangat ung upper body ko para makaupo ako sa kama, kaso sobrang sumakit ung tyan part ko. Buti nalang andyan si mama para umalalay.
Pagkaupong pagkaupo ko biglang may yumakap sakin.
"Kathhhhh!!!!" iyak ni Julia.
Napaisip ako kung bat sila umiiyak, kung bakit sila nagaalala. Dung nagflashback lahat ng nangyari sakin. Kung paano ako kinuha, at kung paano nila ako nahanap.
"Ok na ko sis. Wag ka nang umiyak." yakap ko kay Julia sabay haplos ng buhok niya.
Nung kumalas na siya sa pagkakayakap ko lumapit naman sakin ang naiiyak din na si Sky.
"Baby Kath. Pinagalala mo ko." teary-eyed na sabi niya. Alam kong pinagalala ko siya, kita naman sa mga mata niya eh. Ayokong nalulungkot sila dahil sakin.
"Iiyak ka din ikaw pala baby damulag eh!" pangaasar ko sa kanya. Niyakap lang niya ako at hinaplos-haplos ang buhok ko.
"Thank God you're back." bulong niya.
Pagkabitaw niya sakin dun ko nilibot ung tingin ko kung nasaan ako. Pagtingin ko sa kaliwa kung nasaan si Julia at Sky, nakita ko ang isang Diego na nakanganga.
Shit.
"AHAHAHAHAHHAHAHAHAHA!!!!! Picturan niyo si Diego dali! Once in a Blue Moon lang yan!!"
Natawa lang silang lahat sa sinabi ko. Napatingin ako sa right side kung nasaan si Mama at si...
"D-dj.."
Agad siyang tumayo at naglakad papalapit sakin. Umupo siya sa kama at hinawakan ng kamay ko. Nagulat ako sa ginawa niya. Tinitigan kong maigi ung kamay naming magkahawak. Bakit? Kasi pamilyar ung pakiramdam. Pagkahawak niya sa kamay ko, i felt secured. the feeling that i exaclty left before i passed out. Dun ko na realize na..
Inangat ko ung tingin ko at tinignan siya mata sa mata.
"It's you... you found me." i stammered. Binigyan ko siya ng matamis na ngiti. Hindi ko napigilan ung sarili ko eh. Siya ung nakahanap sakin. He found me...
Even for once, he was my prince charming and i was his damsel in distress.
Even for once, he was a hero to me.
Medyo matagal lang kaming nagkatitigan. His eyes screams relief and protection.
Syempre kilig ako. >//////<
Naputol lang ung tinginan namin nung biglang padabog na bumukas ung pinto at pumasok ang isang lalaki. Nanlaki ung mata ko.
Shit.
"Kath? KAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAATHHHHHHHHHHH!!!!!" sigaw niya. Tumakbo siya papalapit sakin, at biglang yumakap ng mahigpit. He burried his head on my shoulder.
"Kath. I miss you. Pinagalala mo ko." sabi niya as he hugged me tighter and burried his hear deeper.
Natawa naman ako sa sinabi niya.
Napansin ko na magakahawak kamay parin kami ni Dj kaya bumitaw muna ako at yumakap sa lalaki sa harap ko.
"I miss you too.... Kahlil" i answered.
I really do. I miss him.
Guys. Meet my other bestfriend. Kahlil.
Bakit wala siya sa simula ng kwento?
Dati naming kapitbahay si Kahlil. Nasabi ko na sa inyo na 2 houses ang layo ng bahay ni Julia sa bahay namin Diba? Well, one of them was Kahlil's. Actually both of the house kila Kahlil. Bunso kasi si Kahlil sa magkakapatid. Malayo ang age gap ng mga kapatid niya sa kanya. Ung pinakakuya nila, maaga nagasawa, korean ung naging asawa. Dun sila pinatira sa katabing bahay.
Dahil nga sa age gap, kami madalas ang kasama ni Kahlil. Were friends since birth. Since bago pa man kami mapanganap magkapitbahay na pamilya namin. When were 4, dun na pumasok sa kwento si Julia. So kahit na sabihin na tatlo kaming magbebestfriends. You can say na mas close sakin si Kahlil.
Umalis sila ng manila nung magpakasal ung ate niya. Korean din po ung napangasawa. Rich korean btw. Kaya ayun hindi maiwan ang buisness. Napagpasiyahan nila na magmigrate na dun. Plus the fact na korean din ung napangasawa nung kuya nila, and their buisness, lahat sila ayos lang na umalis.
Except from Kahlil. Until one day..
* F L A S H B A C K *
It's 6:45 at 7:00 ang pasok namin ni Kahlil pero hindi pa rin siya lumalabas sa kanila. Dapat sabay kaming tatlo nila Julia kaso umalis sila ng family nila, out of town. Kanina pa ako naghihintay sa may gate namin kaya napagpasyahan kong pumasok nalang sa kanila.
Hindi ko na kailangan magdoorbell. May susi naman ako ng gate nila Kahlil. bigay ni Mommy. Mommy ang tawag ko sa nanay nila Kahlil. Tawag naman niya sa mama ko ay Mama. Ganyan kami kaclose.
Kakatok palang sana ako sa pintuan nila Mommy kaso bigla na itong bumukas.
"Kath." gulat na tawag ni mommy. "Pasok ka."
"Si Kahlil po? Malalate na po kami. Hindi po ba siya papasok ngayon?" tanong ko kay mommy.
Napayuko lang si mommy. Tapos nung humarap na siya sakin para siyang naiiyak.
"Kath. Hindi na papasok si Kahlil." saad niya.
"Bakit po nilalagnat po ba siya? EH bukas po? Makakasok na kaya siya?" nagtatakang tanong ko.
"H.. hindi na siya papasok Kath." nauutal na sagot ni mommy.
"B- bakit po?"
"Umakyat ka nalang sa taas. Siya na kausapin mo."
"Sige po."
Dahan-dahan akong umaakyat sataas. Iniisip kung bakit hindi na papasok si Kahlil. Titigil na siya sa pagaaral? Bakit naman. Hayyyy.
Papalapit na ako sa kwarto ni Kahlil kaya lang napahinto ako. May narinig kasi ako na parang umiiyak. Baka guni-guni ko lang.
Pero habang papalapit ng papalapit ako sa kwarto ni Kahlil mas lalong lumalakas ung iyak. Kinabahan ako kaya tinakbo ko na ung kwarto niya. Wala nang katok katok bigla ko nalang binuksan ung pinto.
And there he was. a 15 yr old Kahlil sitting on his bed, crying.
Agad ko siyang nilapitan. Nung nakita niya ako agad niya akong niyakap.
"Ayo-ko-ng uma-lis.." sabi niya sa bawat hikbi niya.
"Aalis ka? San ka pupunta?" nagtatakang tanong ko sa kanya.
"Kath. Magmimigrate kami sa korea." nanigas ako sa kinatatayuan namin.
Grabe lang. Hindi ko maexplain kung gaano kasakit, basta grabe lang. Hindi ko na napigilan ung sarili ko maiyak.
"Kath naman eh. Kaya ayoko umalis eh. Ayoko kitang iwan" tapos niyakap niya ako ulit.
"Wala namang magbabago hindi ba? Lilipat lang kayo. hindi ba?" iyak ko.
"Walang magbabago kath. Mahal kita. Hindi na magbabago yun." hindi na kami pumaosk nng araw na yun. Nagbonding nalnag kami. Tapos nung dinner samin sila buong pamilya nagdinner.
Ang hindi ko alam. Kinabukas umalis na sila.
HIndi man lang ako nakapagpaalam.
Dalawang lingo siguro ako nagmukmok.
May hindi pa pala ako nasasabi sa inyo.
Kahlil, was my first love.
* E N D O F F L A S H B A C K *
"Paano mo nalaman na naospital ako?" tanong ko kay Kahlil pagkabitaw ko sa yakap niya.
"Tinext ako ni Julia pagkalabas na pagkalabas mo ng ER." paliwanag ni Kahlil.
Nakatingin lang sakin si Dj na may matang parang nagtatanong kung sino ung lalaki sa harap niya. Napansin ko rin na nagising na si Diego na nakatitig kay Kahlil.
"Nga pala lil, Siya si Dj *points at DJ* tapos siya si Diego *pionts at diego*. Guys si Kahlil. Other bestfriend namin ni Julia." pakilala ko sa kanila.
Nagtinginan lang sila. Hindi ba sila magshashakehands o magngingitian man lang?
"Ehem." napunta lahat ang attensyon namin kay mama.
Nanlaki naman ung mata ni Kahlil. Dun niya lang napansin na naandon din pala si Mama.
"MAMA!!" sigaw ni Kahlil sabay takbo papunta kay mama. Niyakap naman siya ni Mama.
"Naaak. Namiss kita."
Tinignan naman ako ni Diego at Dj ng weird na look. Nagtataka siguro sila kung bakita mama ang tawag ni Kahlil sa nanay ko.
"Hanggang kailan ka dito nak?" tanong ni Mama kay Kahlil.
"Nagpaalam na po ako kay mommy. Dito na po ako magaaral, para mabantayan ko si Kath. Pumayag na po siya. Kaya dito na po ako." sagot niya sabay ngiti sakin.
Pagkatapos ay napunta ang tingin niya kay Julia na may binubulong kay Diego.
Alam niyo na na first love ko si Kahlil hindi ba? May nakalimutan pala akong sabihin sainyo.. Kahit si Kahlil ang first love ko....
Ang first love niya ay si Julia.
_____________________________________________________________________________
#STOW:
Paguluhin pa muna natin ang kwento. Wahahahhaa.
Ano kayang mangyayari ngayong nakabalik na ang first love ni Kath?
Makakagulo ba siya sa KathNiel?
O baka naman kila JUlia at Diego siya makigulo.
WAHAHAHHAHAHAHAHA.
Anyhooooo.. HAPPY 3K!!!!!!!! Thank you sa pagsupport. Promise ko po ipopolish ko na ung previous chaps. hindi ko pa po tapos eh. Wahahahhaha.
Keep supporting guise. I owe it all to you ;)