Julia's POV
Pagka alis nung dalawa yung akala naming maglulutong si Keesha humiga sa sofa at tumapat sa t.v
"Akala ko ba magluluto ka?" tanong ko
"Wala na yung dalawa eh. Tsaka sino bang hrm dito" sagot niya , narinig ko naman yung paghagikhik ni Faye sa gilid kaya tinignan ko siya ng masama
"Bat ba lagi mo nalang dinadamay yung course ko?"
"Kung tinatamad ka nanamang magluto padeliver ka nalang , bilis gutom na ko" saad ni Kee at ibinalik ulit sa t.v yung atensyon niya
Tss. Pag sinumpong talaga tong isang to ang hirap kumontra eh
Bago ako tumawag sa favorite restau namin tumingin muna ulit ako ng masama kay Faye dahil mukha siyang nanunuod ng comedy show , kung makapag pigil kasi ng pagtawa eh
After kong um-order naki nuod rin ako kina Kee at Faye ng may naalala ako
"Kee ano pala yung nangyari kay Lyssa yung totoo?" Tanong ko , alam ko namang totoo yung sinabi niya samin kanina pero hindi pa kasi yun lahat
In-off muna niya yung t.v at umayos ng upo at nagsimula ng mag kwento
"Sa totoo lang , sa tingin ko hindi lang yung pang bubully sa school yung reason why Lyssa did that"
"Ano pa yung ibang rason?" Tanong ni Faye
"ME" sagot ni Kee na ikinataka ko
"You? Why?" i ask
"Sa tingin ko lang naman , kasi tinanong niya ko kung pwede daw ba kong maging masaya kasama sila , yung parang gusto niya na kong pahintuin sa paghahanap kay kuya? Pero alam ko hindi yun gagawin ni Lyssa kasi alam ko sa sarili ko na gusto niya rin na makasama ko si Kuya . Pero feeling ko kasi iniwan ko yung mga taong kumupkop sakin para hanapin yung taong iniwan ako" malungkot na sabi ni Kee
"No Keesha , hindi mo sila iniwan at nakikita ko rin naman sayo na masaya ka pag anjan sila lalo na si Lyssa" sabi ko sa kanya
Yumuko siya para itago samin na naiiyak na siya pero kita namin ang derederetsong pagtulo ng luha niya
Kahit pa parang siya yung pinaka matanda kung kumilos saming tatlo at kahit mukhang matatag siya , sa mga ganitong sitwasyon alam kong hindi niya kinakaya ng mag isa at dito narin dapat lumabas yung pagka ate namin ni Faye sa kanya
"Ayoko na *sobs hindi ko *sobs na kaya !!" Sabi niya habang derederetso sa pag iyak
Niyakap namin siya ni Faye
"Kayanin mo Kee , kailangan ka ni Lyssa at alam kong kailangan mo rin si Kuya Gab . Nandito kami para suportahan at tulungan ka , okay ? Walang susuko diba" saad ko
Hindi na siya nagsalita at nanatili lang na nakayakap sakin hanggang sa tumahan na siya
Hindi nagtagal dumating na rin yung pagkain na pinadeliver namin
Nang matapos kumain nagkanya kanya narin kami ng pag akyat sa mga kwarto namin
*kinabukasan
Pagkagising ko ginawa ko lang yung daily routines ko at lumabas na ng kwarto
Pagka bukas ko ng pinto sakto rin na palabas si Kee na bihis na bihis
"Oh! San punta mo?" Tanong ko
"Diba pinapabalik ko dito sila Matt ngayon , kaya mamimili ako ng mga pagkain mamaya" nakangiting sagot niya
"Hintayin mo ko sasama ako"
"Sige bilisan mo aantayin kita sa baba"
Bumalik ako sa loob ng kwarto ko at deretso ligo
After kong mag ayos bumaba na rin ako
"Sabi ko bilis diba" nakasimangot na salubong ni Keesha sakin pagkababa ko
Sa lahat kasi ng ayaw niya yung pinag aantay siya
Ngumiti lang ako at humingi ng sorry inirapan lang ako ng bruha at lumabas na
Itong babaeng to parang akala mo ang tapang talaga eh no , samantalang kung makaiyak to kagabi wagas
Bago pa ko maiwan ng isang to sumakay na ko agad sa kotse niya at umalis na nga kami papunta sa Mall
******************
Matt's POV
Pagka uwi namin ni Kean dumeretso ako sa kwarto ko at inalala lahat ng kinuwento samin nila Ate Lj
Hindi naman sa nagbago yung tingin ko kay Ate Kee nagulat lang ako at nacurious kung gaano siya kabilis mag drive gusto ko siyang makita
Ang Astig niya siguro
Habang nag de-day dream ako dito biglang may kumatok
*knocks
"Matt can i come in" sabi ng nasa labas at sa boses nito sobrang na excite ako dahil siya yung kuya ko dito sa bahay na'to
"Sure Kuya Jace pasok ka na." Masayang saad ko
Pagkapasok niya umupo siya sa dulo ng kama ko kaya umupo rin ako ng nakaharap sa kanya
"Bakit parang ang saya mo ngayon?" Tanong niya
"Umuwi na siya Kuya , tapos iniinvite niya tayo sa kanila bukas kasi nabitin daw siya nung party mo eh. Wala ka namang duty bukas diba?" Tanong ko
"Wala , kaya nga ako pumunta dito sa kwarto mo para sana ayain ka bukas , but since mukhang mas masaya yung sinabi mo edi kina Keesha nalang tayo bukas" nakangiting saad niya
The Best Kuya talaga siya
"Kuya may sasabihin ako sayo"
"Ano?"
"Si Ate Kee dati siyang Drag Racer"
"Seryoso ka?"
"Mmm-mm, ang astig niya diba"
"Paano mo nalaman yung tungkol jan?"
"Kinuwento nila samin ni Kean kanina , kaya lang medyo nag aalangan na ko sa kanya"
"Bakit naman ?"
"Ex-Con siya kuya"
"Matt if you really like her kahit ano pang ginawa niya o gagawin niya gusto mo parin dapat siya , besides thats her past . Tsaka hindi naman siya nakulong kasi pumatay siya diba o nagnakaw , nakulong siya kasi illegal racing yung natripan niyang gawin" mahabang pagpapaliwanag ni kuya Jace
At tama siya dun hindi naman ganun kasama ang pagiging drag racer sa fast and furious nga eh
Hindi nagtagal narinig na namin si kuya Steph na kakain na daw kaya sabay na kami ni Kuya Jace bumaba..
Habang kumakain kami biglang nagsalita si Kean
"Nga pala Kuya Steph nag aaya si Ate Kee sa kanila bukas , hindi daw kasi siya nag enjoy last week dahil umalis daw agad siya , kaya sinong gustong sumama bukas?" Pag aaya ni Kean
Oo nga pala nakalimutan ko na lahat nga pala kami inaaya ni Ate Kee
"Ako , wala naman na kong gagawin bukas eh , sama ako" sabi ni Kuya Dave
"Ako rin" maiksing sagot ni Dylan
"Sige sama na rin ako ang boring dito sa bahay eh" mukhang bangag naman na sabi ni Kuya Zach
Hindi lahat sila sasama , yung iba kasi may mga pasok bukas tulad nina Kuya Steph at Kuya Toffer , pero alam ko rin na kahit walang pasok bukas si Kuya Toffer di pa rin naman sasama yun
Si Kuya Ethan naman may lakad daw sila ni Ate Nicole kaya di siya makaka sama
Si Tyler naman daw may ibang lakad kaya walo lang kaming makakapunta
Pagkatapos naming kumain inayos na nila Dylan at Tyler yung lamesa , sila pala yung naka sched ngayon so bukas kami na ni Kean
Umakyat na ko ulit sa kwarto ko at nag ready na para matulog
...
--------------
Jace's POV
Nagising ako sa maingay na sigawan sa baba at nangingibabaw yung boses ni David
Bumangon na ko para ayusin yung sarili ko pagtapos kong maligo biglang pumasok sa isip ko si Keesha
'Makikita kita ulit . Nakangiting saad ko habang inaalala yung itsura niya
Alam ko at naamin ko na sa sarili ko na gusto ko siya una palang
Kung iniisip niyong sa party ko yon nagkakamali kayo , hindi ko rin sure eh , pero alam ko rin na hindi sa orphanage yung unang pagkikita namin , di ko lang talaga maalala kung saan at kailan basta
Nabalik ako sa katinuan ng may kumatok sa pinto ng kwarto ko
"Kuya Jace gising ka na ba? Bilisan mo ahh , pupunta tayo kina Ate Kee ngayon" sigaw ni Matthew sa kabila ng pintuan ko
'Matthew' he likes Keesha too
At siya rin yung inaalala ko , ayoko naman sanang kalabanin yung tinuturing kong batang kapatid at higit sa lahat ayokong saktan si Matt
Kaya siguro hanggang pagkakagusto na lang ako kay Kee , masaya na ko na makitang masaya si Matt sa kanya
Nang matapos kong ayusin yung sarili ko bumaba na ko at nakita ko naman silang bihis na bihis
"Okay na si Jace si Kuya Xander at Kuya Luhan nalang" pasigaw na sabi ni Dave
Di nagtagal at dumating na rin yung dalawa mga 11:30 am na ng maka alis kami sa bahay
Akala mo talaga totoong party yung pupuntahan kung makaporma kami eh , samantalang wala pang isang kilometro nandun na kami sa bahay nina Keesha
Nag doorbell na sina Matt at lumabas si Lj
"Woah! Guys ang aga niyo ahh . Pasok kayo" nakangiting sabi niya
"Ahh .. Guys kadarating lang rin kasi namin ni Kee kaya nagluluto palang siya , makakapag antay ba kayo?" Tanong niya pa
"Oo naman , wag ka mag alala samin" sagot ni Kuya Xander at ginatungan naman ni Kuya Luhan ng pagtango na ang ibig sabihin ay sang ayon siya kay Kuya Xander
" tutulungan ko siya okay lang ba?" Suhestiyon ni Dylan pagka pasok namin sa bahay nila
"Ako rin tutulong sa kanya" saad ko , gusto ko ring makatulong sa kanya
Oo marunong akong magluto tinuruan ako ni Ethan
"Sige , tingin ko naman di magagalit yun ." Sabi ni Lj
At dumeretso na nga kami sa kusina nila at naabutan namin ang nakatalikod na si Kee na naghihiwa ng ibat ibang ingredients para sa lulutuin niya
"Pwede ba kaming tumulong?" Tanong ko para makuha namin yung atensyon niya
"Hala ! Bat andito na kayo? Tsaka hindi pwedeng tumulong kasi bisita kayo" pag aalalang saad niya , ang cute
"Its okay Kee masyado lang talaga kaming excited" naka ngiting sabi ni Dylan na naging dahilan din ng pag ngiti ni Keesha
Tumingin siya sakin at sinabing
"Upo muna kayo dun, hindi kayo pwedeng tumulong " pagtataboy niya samin
Kaya wala rin kaming nagawa ni Dylan kaya umupo nalang rin sa isa sa mga upuan dito habang pinagmamasdan siya
Maya maya tumabi sakin si Dave na nakatingin din kay Keesha
"Jace tunaw na" saad niya ng hindi man lang lumilingon sakin
"Ang alin Dave?" tanong ni Dylan
Shet! ka David umayos ka ng isasagot mo sa kanya di niya pwedeng malaman yun
"Huh? Ahh yung ice cream si Jace kasi nangako sakin nung nakaraan pa na bibilan niya ko nun, tapos hanggang ngayon wala pa kaya tunaw na" sagot niya
Napayuko nalang ako sa sinabi ni Dave
Siya lang rin kasi yung nasasabihan ko tungkol sa nararamdaman ko kay Keesha
"Hala! Kuya Jace ano yun may favoritism ka na ? Bat siya lang yung may ice cream" pagrereklamo ni Dylan
"Natalo niya kasi ako kaya bibilan ko siya nun" pagpapaliwanag ko , baka mamaya niyan mapagastos pa ko ng wala sa oras eh
"Saan?" tanong ulit ni Dylan , lumingon ako kay Dave at binulungan siya na tulungan akong magdahilan tutal kasalanan niya naman kung bakit nagtatanong si Dylan
Habang nagsisisihan kami ni Dave
"Guys! Okay na yung food lets eat na!" Biglang sigaw ni Keesha ng matapos na niya yung niluluto niya
'Thank you Kee your my life savior
Okay ang O.A na
Tumayo kaming tatlo nila Dave at tinulungan ng maghain si Keesha
Nang kumpleto na kami sa lamesa para kumain nag start ng magpray leading by Kuya Xander since siya daw yung pinaka matanda and after that we start to eat
Pagtapos naming kumain pumunta kami sa living room nila at nagkantahan yung iba kanya kanyang kwentuhan
Tulad ni Kuya Xander tawa ng tawa sa harap ni Lj
Si Dylan kausap si Faye
Si Kuya Zach at Kuya Luhan naman salitan sa pagkanta kasama si Dave
At syempre si Matt at Kean kinukulit si Keesha
At ako..
Teka! bakit parang ako lang yung walang ginagawa
Ako lang yung walang kausap
Kawawa naman ako
"Jace!" tawag ni Keesha , kaya agad na napatingin ako sa kanya
"Bakit?" Tanong ko
"Kanta ka! Tsaka bakit ba anjan ka , ang layo mo samin, dito ka nga" saad niya at tinap yung space ng upuan sa tabi niya
Lumapit ako at umupo sa tabi niya , kaya napag gigitnaan namin siya ni Matt
"Anong kakantahin ko?"
"Ikaw bahala" sabi niya at inabot sakin yung song book
Nang makapili ako ng kanta pina reserve ko na siya kay Dave at ng ako na yung kakanta
Na-tense ako ng tumingin ako kay Kee at nakitang nakatingin din siya
Pero dahil nagstart na yung kanta ko sinimulan ko ng kumanta
EXO - ANGEL english version
This moment feels like i was born as a child
Who knew nothing
I closed my eyes again in case it would be a dream
You were standing infront of my desperate self and praying
Just once , I want to walk side by side with you
Taken by the soft wind to your world
You asked me brightly where i came from to your side
And I told you that it was a secret
Wherever we walk together , will be my paradise
You are an eye - blinding entity compared to Michael
Who would remember you
I will not forgive it
Like the beginning when stepping into Eden
Believing you everyday from the bottom of my heart
I always want to protect you
So that even the small things wont
tire you out , im eternally inlove
As your guardian I will block the stiff wind
Even though people turn their backs to you
If I could become the person who can wipe your tears on a tiring day , it will be paradise
I , who has fallen inlove with no other place to
Go back , my wings have been taken away (oh no)
Even though i lost my everlasting life the reason to my happiness
You are my eternity Eternally Love
Habang kumakanta ako nakatingin lang ako sa mga mata ni Keesha at ngayon ko lang rin napansin na
Parang may lungkot sa likod nito
'nakangiti ka , pero malungkot ka , bakit Keesha?
"Grabe yung titigan ha!" mapang asar na saad ni Dave kaya tinignan ko siya ng masama tsaka ako tumingin kay Matt
"Ang ganda pala ng boses mo" biglang sabi ni Keesha ng maka upo ako sa tabi niya kaya nawala yung focus ko kay Matt
"Salamat"sagot ko
(a/n: fastforward na po natin)
Nang mag alasingko na ng hapon nag paalam na sina Kuya Xander na uuwi na pero umangal yung dalawa at gusto pang magpa iwan
"Hala Kuya mamaya na, kung gusto niyo una na kayo mamaya na kami ni Kean" pagmamakaawa ni Matt
"Sige , basta bago mag alas syete uwi na" sagot ni Kuya Xander
Uuwi na dapat kami ng magreklamo ulit si Matthew
"Kuya Jace sabay ka na samin"
"Matt may duty ako bukas , kailangan kong magpahinga"
"Hindi naman tayo magpapa gabi eh sige na" gatong ni Kean
Tumingin ako sa tatlong babae na may ari ng bahay at pare pareho silang nakangiti lang , tinignan ko rin yung mga kaibigan ko para sana humingi ng tulong pero tinanguan lang ako na ibig sabihin pagbigyan ko na yung dalawa
"Okay lang ba?" tanong ko sa tatlo
"Oo naman , di narin naman kayo others noh!" Sabi ni Faye
Nang tuluyan ng maka alis yung lima nag laro lang kami at nag kwentuhan about random stuffs ng may biglang tumawag kay Keesha
"Wait lang guys" sabi niya at pumunta sa pool side nila
Nagkukwentuhan kami ng marinig namin yung pagsigaw niya kaya napatakbo kaming lahat
"ANO? ..... TSK! ANONG KLASENG IMBESTIGADOR KA BA ? .......... OO NGA .... ISANG TAON NA , HANGGANG NGAYON WALA PA RIN AKONG NAPAPALA SAYO ......... PINADALI KO NA NGA YUNG TRABAHO DI BA .... YUNG PUNTOD NA LANG NILA YUNG PINAPAHANAP KO SAYO KAHIT YUN NA LANG DI MO PA MAGAWA......HINDI KO NA NGA PINAPAHANAP SAYO SI KUYA DIBA.... PWEDE BA ! WAG KA NANG MAGDAHILAN ........ YOUR FIRED!" sigaw niya sa kausap sabay bato sa phone niya at nagsimula na siyang umiyak
Lalapit sana ako pero pinigilan ako ni Faye
"Bakit?" tanong ko , tinignan niya lang ako at umiling
"Isa lang yung makakapagpa kalma sa kanya pag yan yung dahilan kung bat siya nagwawala" dagdag ni Faye
"Papunta na daw siya" sabi ni Lj habang patakbong pumunta samin
'Sinong Siya?'
--------------------------------------
Ayown ! Natapos din siya sa wakas !!
Pasensya na kayo sa nabasa niyo ha ! Intindihin niyo nalang hahaha!
Wala kasi ako sa sarili nitong mga nakaraan, kaya ganyan yung kinalabasan ng chapter na'to ...
Kaya laking pasasalamat ko sa mga nagbabasa at sumusuporta ..
Abangan ang next chap.
I need your
VOTES!
&
COMMENTS !
guys!
Good Night♡