ODESSA'S REDEMPTION: Rise Of...

By angelodc035

43.7K 2.2K 550

FILIPINO READERS CHOICE AWARD 2022 OFFICIAL FINALIST(Consistent #1 in Heroes) (#8 in Mythology) (#18 in Magic... More

ANG NAKARAAN....
PROLOGUE
Chapter 1: FAILURE
Chapter 2: THE AWAKENING
Chapter 3: A WEREWOLVES NIGHT
Chapter 4: THE DUEL
Chapter 5: BLAKE
Chapter 6: A NEW DAWN
Chaptet 7: THE MAN ON A BLACK CLOAK
Chapter 8: THE ISLAND OF SEVEN KINGDOMS
Chapter 9: FIRE, ICE AND PROPHECY
Chapter 10: PILUNLUALAN (MYSTIC TUNNEL)
Chapter 11: CAREN'S FATE
Chapter 12: THE NEW ALPHA
Chapter 13: SAKAYA
Chapter 14: DIYOSANG TALA
Chapter 15: SAKAYA'S TEST
Chapter 16: ANILAOKAN
Chapter 17: STRIGOI
Chapter 18: QUEBALUAN TREE
Chapter 19: CHASING MEMORIES
Chapter 20: AWAKENING
Chapter 21: AWARENESS
Chapter 22: THE FATE
Chapter 23: BLOOD BY BLOOD
Chapter 25: ANILAOKAN'S LOVE
Chapter 26: BEHEMOT
Chapter 27: REDEMPTION, REVENGE AND REUNION
Chapter 28: DRAGON PHOENIX
Chapter 29: DESPERATION
Chapter 30: INTERROGATION
Chapter 31: BATHALA
Chapter 32: THE RETURN
Chapter 33: THE ELEMENTAL WORLD
Chapter 34: BLAKE, LAUREA, DIYOSANG TALA AND CLAUDIUS
Chapter 35: THE FALLEN GODDESS
Chapter 36: MANGGAGAWAY (SPELL CASTERS)
Chapter 37: CITY OF THE DEAD
Chapter 38: BLOODY GHOULS DAY
Chapter 39: BLOODY BATTLE
Chapter 40: BLOODY DEATHS
Chapter 41: DEATH BY BLOOD
Chapter 42: DEAD EVERYWHERE
Chapter 43: LOSS
Chapter 44: BATHALA'S DEATH
Chapter 45: QUINTA FOREST
Chapter 46: BALINTATAW
Chapter 47: CHAOS
Chapter 48: HUKLUBAN
Chapter 49: DARK POWER
Chapter 50: CAPTURE
Chapter 51: ERISE
Chapter 52: HOTEL MORTE
Chapter 53: DIYOSANG BULAN
Chapter 54: BABAGUA
Chapter 55: REVELATION
Chapter 56: INFESTATIONS
Chapter 57: THE ESCAPE
Chapter 58: LOVE AND BETRAYAL
Chapter 59: A SISTER'S DEMISE
Chapter 60: A NEW HOPE
Chapter 61: LAMUIAN FOREST
Chapter 62: PALACIO LUNAR TOWER
Chapter 63: MOTIVES
Chapter 64: FORCES OF NATURE
Chapter 65: APOCALYPSE
Chapter 66: DEATH IS THE BEGINNING
EPILOGUE
PASASALAMAT

Chapter 24: A DECISION MADE

534 41 8
By angelodc035

Bumagsak sa kanyang likuran si Alex ng sunggaban siya ng isa sa dalawang taong-lobo sa kanyang harapan. Pakiramdam niya ay namanhid ang buong katawan sa sobrang takot ng mga sandaling iyon. Alam niya na iyon na ang kawakasan ng kanyang buhay at makakasama na rin ang kanyang mag-ina.

Gustong sumigaw ni Alex, pero hindi niya ito magawa. Tila naging pipi at bingi ang lahat sa kanyang paligid. Wala siyang marinig at wala na rin siyang maramdaman. Kung iyon man ang sinasabi nilang kamatayan umaasa sana siya na gawin na lamang ng mabilis para sandali lamang ang sakit na kanyang mararamdaman.

Nagsimulang manlalamig ang buong katawan ni Alex at tila ayaw gumana ng kanyang isip. May naramdaman siyang mainit na likidong pumatak sa kanyang mukha at kitang-kita niyang nakaakma na siyang sakmalin ng taong-lobo.

Isang napakalakas na hangin ang biglang naramdaman ni Alex at kitang-kita niya ang mabilis na pagbabago sa mukha ng taong-lobo. Mula sa pagkasabik sa pagkain sa kanya ay napalitan ito ng takot. Takot na nagpahakbang sa taong-lobo patungo sa likuran nito. Mabilis ang sumunod pangyayari. Sa isang iglap ay isang napakalaking lumilipad na nilalang ang dumagit sa taong-lobo. Dinagit siya ni Alimog at walang nagawa ang taong lobo upang kumawala sa mga matutulis na kuko ng Malakat.

Takot rin ang namayani sa isa pang taong-lobo na nakaakma na rin sanang atakihin si Alex. Pero ng makita niya sa kanyang harapan ang kanilang Alpha na si Caren ay mabilis itong tumakbo papalayo sa kanila.

Hinabol ni Caren ang taong-lobo para patayin. Galit ang namamayani sa kanyang puso ng mga sandaling iyon. Kaya ng maabutan niya ang dating kasama ay hindi na ito nag-aksaya pa ng oras para patayin ito.

Sa isang banda ay patuloy rin sa pakikibaka sina Demetria gamit ang kanyang kapangyarihang apoy. Magkatuwang sila ni Randy sa pagpuksa sa mga taong-lobo habang walang taong-lobo ang kusang lumalapit kay Sagaway para makipaglaban.

Patuloy pa rin sa paglalaban sina Ceasar at Jared. Kapwa sugatan ang dalawa at matindi na ang pagdurugo. Nasakmal ni Jared ang braso ni Ceasar na naging dahilan para mamilipit ito sa sakit. Makailang-ulit na ring gusto ng sumuko ni Ceasar dahil higit na mas mabilis at malakas si Jared sa kanya. Pero kailangan niyang talunin si Jared para maipagtanggol niya ang kanilang pinuno na ngayon ay gustong pabagsakin ang kanyang liderato. Kailangan niyang makakuha nga tamang tiyempo para atakihin si Jared at mawala ang banta sa pamumuno ni Caren ang kanilang bagong Alpha. Kailangan pag-isipan niya ang lahat ng kanyang mga galaw maging ang pag-atake at pagdepensa ni Jared. Siya na lamang ang nananatiling tapat sa kanyang pinuno at hindi niya hahayaang maagaw ni Jared ang liderato kay Caren.

Hindi inaasahan ni Ceasar ang pagsagpang ni Jared sa kanyang leeg at mapuwersang iniyugyog siya nito at inihagis sa masukal na bahagi ng kalsada. Pakiramdam ni Ceasar ay lumagutok ang buto nito sa kanyang leeg sa pagkakayugyog ni Jared sa kanya.

Hindi makatayo si Ceasar. Umiikot ang kanyang paningin habang pilit na tinitiis ang hapdi ng sugat na nilikha ng pagkakasakmal ni Jared sa gawing likuran ng kanyang leeg. Ramdam niya ang unti-unting pagdaloy ng kanyang dugo mula sa sugat na natamo. Marahan ay pinagmasdan niya ang mga kilos ni Jared sa pakikipaglaban at sinubukang pag-aralan ang mga iyon. Maaaring matanda na nga siya at mas bata sa kanya si Jared at nasa tugatog pa rin ng kanyang kalakasan. Kung sa lakas ay puwedeng nahihigitan siya ng mas batang kalaban pero hindi sa karanasan at talino niya sa pakikipaglaban.

Tama! Talino ang gagamitin ni Ceasar sa pakikipaglaban para matalo si Jared at maprotektahan ang kanilang bagong Alpha. Hindi niya tatapatan ng lakas ang kalaban bagkus ay kung paano niya hahanapin ang kahinaan nito.

Marahang tumayo si Ceasar at inihanda ang sarili sa muling pag-atake ng kanyang kalabang si Jared. Kailangan niyang makita ang kahinaan ng kanyang kalaban at iyon na nga ang kanyang gagawin.

Sampung metro sa harapan ni Ceasar ay ang nakahanda na sa pag-atake ng taong-lobong si Jared. Kitang-kita niya ang nanghihina na si Ceasar at alam niyang sa huling pagkakataon ay mapapatay na niya ang kalaban. Wala ng magiging hadlang pa para harapin niya si Caren at kunin mula sa kanya ang pagiging liderato. Si Ceasar ang naging dahilan kung bakit hindi nangyari ang plano niyang pagpatay sa kanilang bagong Alpha kahit noon pa mang wala itong malay at nagsisimula pa lamang ang transpormasyon ni Caren para maging katulad nilang Lycan.

Galit na galit siya kay Ceasar kaya ito na ang pagkakataong patayin ang sagabal para pamunuan ang kanilang angkan at hindi ang babaeng mortal na kailan lamang naging taong-lobo.

Kitang-kita na niya ang tagumpay para makamit ang ninanais nitong posisyon bilang pamunuan ang kanilang angkan at lipulin ang lahat ng kalaban ng mga anak ng buwan.

Mata sa mata. Ngipin sa ngipin. Yan ang ngayo'y tumatakbo sa isipan ng dalawang magkatunggaling taong-lobo. Kamatayan lamang ang puwedeng pumigil sa kanilang labanan. Kaya walang sinayang na oras si Jared sa pagkakataong mahina na ang kalaban dahil abot-kamay na niya ang tagumpay. Mabilis na inihakbang nito ang kanyang mga paa at saka pumaimbabaw sa ere para sakmalin muli si Ceasar. Iyon na ang simula ng kanyang tagumpay. Iyon na.

Kitang-kita niya na hindi umalis o gumalaw man lang sa kinatatayuan ang taong-lobong si Ceasar. Nanatiling nakatitig lamang ito sa kanyang pag-atake. Marahil ay tanggap na nito ang kanyang kamatayan kaya tila pinili na nito na huwag ng lumaban pa.

Sa isip ni Jared ay sigurado na ang kanyang tagumpay lalo na ang paglapit ng kanyang panga na punong-puno ng mga matatalas na ngipin sa leeg ni Ceasar. Pero hindi niya inaasahan ang mabilis na pagpalit ng anyo bilang tao ni Ceasar bago pa man niya nahagip ang leeg nito. Bigo siyang mahagip ang leeg ni Ceasar pero tila may naramdaman siyang bagay na tumama sa kanyang leeg bago paman siya nakalapag sa lupa.

Pagkalapag sa lupa ay inuyugyog ni Jared ang kanyang ulo at tila may naramdaman siyang pangangati sa lalamunan nito. Humarap siya kay Ceasar na nananatiling nakatayo pa rin sa kanyang kinatatayuan at nasa harapan nito ang duguan na kamay. Nakangiti si Ceasar sa kanya habang tila buong pagmamalaki nitong ipinapakita ang kanyang duguang kamay.

Napaurong sa kanyang kinatatayuan si Jared lalo na ng maramdaman niya na nahihirapan siyang huminga at ang pagtilamsik ng napakaraming dugo mula sa kanyang lalamunan. Ilang saglit lang ay naramdaman na lamang niya ang pagdilim ng kanyang paningin at tuluyan ng bumagsak sa kanyang kinatatayuan. Namatay si Jared na hawak-hawak ang leeg nito at ang mga mata nito ay nakatitig kay Ceasar.

Ilang oras din ang naging labanan ng mga taong-lobo sa kapwa nilang mga taong-lobo at kina Demetria, Randy, Sagaway at Alimog bago sila sumuko sa kanilang Alpha na si Caren. Alam nilang hindi nila matatalo ang pinagsanib puwersa ng kanilang mga kalaban kaya para mailigtas ang mga sarili ay isinagawa nila ang pagsuko at paghingi ng tawad sa kanilang nagawa.

Nasa mga kamay ni Alex ang malamig na bangkay ng kanyang asawang si Isabel. Labis ang kanyang pagdadalamhati na hindi man lamang niya nailigtas ang kanyang asawa. Nakayakap si Margaux sa kanyang kuya Adrian sa harapan din ng walang buhay nilang kapatid na si Jhayvee na nasa tabi ni Isabel. Hinding-hindi nila makakalimutan ang malagim na gabing-iyon na kumitil sa buhay ng dalawa sa kanilang mahal sa buhay.

Sa kanilang likuran ay naroroon ang taong-lobong si Caren. Umiiyak ito at walang lakas ng loob para lapitan ang mga kaibigan. Sinisisi nito ang kanyang sarili sa nangyari, lalo na ang pagkamatay ni Jhayvee na napamahal na sa kanya at itinuring na niyang anak.

Isang kamay ang naramdaman nitong tumapik sa kanyang duguang balikat.

"Pinuno... " Ang sabi ng boses na lalake.

Lumingon si Caren sa lalake at namuo ang mga ngiti sa kanyang mukha pagkakita sa lalake.

"Ceasar?!" Ang namutawi sa mga bibig ni Caren pagkakita sa lalake.

"Nagagalak akong ligtas po kayo mahal na pinuno." Ang sabi ni Ceasar kay Caren.

"Ako rin Ceasar. Natutuwa ako at ligtas ka." napansin ni Caren ang dumudugong mga sugat sa batok ni Ceasar na kanyang ikinabahala.

"Walang ano man po ito mahal na pinuno, mabilis na maghihilom ang mga sugat nating mga Lycan. Isa sa kakayahan natin na wala sa ibang mga anak ng buwan." Ang tugon ni Ceasar kay Caren.

"Hindi ako isang Anak ng buwan Ceasar!" Ang pasigaw na tugon ni Caren dahil sa sinabi ni Ceasar. "...hinding-hindi kailan man ako magiging anak ng buwan!"

Napayuko si Ceasar na tila napahiya sa nasabing hindi nagustuhan ng kanyang pinuno. "Ipagpaumanhin po ninyo pinuno. Hindi ko po sinasadya. Patawad. "

Huminga ng malalim si Caren. "Ipagpaumanhin mo rin kung nasigawan kita. Pasensya na."

Pinilit na ngumiti si Ceasar bilang pagtanggap din sa paghingi ng paumanhin ni Caren. Nalipat ang kanyang atensyon ng makitang papalapit sa kanilang kinaroroonan sina Demetria at Randy. Napatingin rin si Ceasar sa dalawa at saka nagbigay ng pugay.

"Maraming salamat sa pagtulong ninyo sa amin laban sa mga Strigoi at mga katulad naming mga taong-lobo na gustong umagaw sa aking liderato. Ituturing ko itong isang utang na loob na hindi matatawaran ng kahit na ano mang kapalit." Ang wika ni Caren sa dalawa.

"Walang ano man pinuno ng mga angkan ng mga Lycans. Pamilyar sa akin ang iyong mukha pero hindi ko matandaan kung saan kita nakadaupang palad." Ang tugon ni Demetria kay Caren.

"Tama ka, nagkita na tayo dati sa Pampanga. Sa lugar na tinatawag nilang Santuaryo." Ang sagot ni Caren.

Tumango si Demetria nang maalala niya ang pagbisita nila sa lugar na tinatawag nilang Santuaryo. "Naalala na kita, pero..." napaisip si Demetria ng masigurong ang babaeng kaharap niya ngayon ay ang parehong matapang na babae ang nakaharap nila sa Santuaryo. "...paanong nangyari na nandito ka ngayon at pinamumunuan pa ang grupo ng mga taong-lobong ito?" Ang usisa ni Demetria.

Ngumiti si Caren, pero may halong pait ito. Huminga siya ng malalim at bumuntong-hininga. "Isang malaking sumpa ng pagpapakapatay ko sa kanilang lider. Nasugatan niya ako sa aming paglalaban bago ko siya napatay. Pagkatapos, heto na, naging katulad nila."

"Pero, nakuha mong labanan ang sumpa dahil nagawa mong labanan ang iyong sarili na huwag kumain ng tao. Isa kang napakalakas na babae para mapaglabanan iyan." Ang sabi naman ni Randy.

"Pero hindi ko alam kung hanggang kailan ako tatagal. Ayoko ng ganito, ayokong maging isang anak ng buwan. Kailangan ako ng mga bata na tinuturing ko ng pamilya. Ayoko ng isa pa sa kanila ang mawawala."

"Tutulungan ka namin." Ang tugon ni Randy.

"Paano?" Ang tanong ni Caren na tila nabuhayan ng pag-asa.

"Sa pamamagitan nito..." Ang sabi ni Demetria at ipinakita niya ang isang maliit na bote na may lamang pulang likido. "...ang nektar ng Myrho."

Napanganga si Caren habang nakatitig sa bote ng Myrho sa kamay ni Demetria. Hindi niya alam kung maniniwala siya na matutulungan nga ba siya nito na tuluyan ng hindi tumikim ng dugo at laman ng tao para mabuhay. Kailangan niyang makasama sina Alex at mga bata. Kailangan niyang protektahan ang kanyang pamilya.

"Hindi lang ikaw ang kayang tulungan ng pulang nektar ng Myrho. Lahat sila. Sa isang patak lamang nito ay kaya niyang alisin ang pagkagutom at pagkauhaw sa dugo ng tao. Sa loob ng mahigit isang daang taon ay tinulungan akong hindi uminom ng dugo ng tao, at iyan din ang gagawin nito sa inyo." Ang paliwanag ni Demetria kay Caren.

"Pero, paano kami matutulungan lahat niyang pulang likido? Halos isang daan pa ang natitira sa amin?" Ang biglang tanong ni Ceasar. Napatingin ang tatlo sa kanya na di makapaniwala na nanggaling mula sa isang taong-lobo ang katanungan.

"May kapangyarihan ang Myrho habang nasa loob siya ng bote na 'to. Kusang muling dumarami ang nektar pagkatapos itong gamitin basta huwag lamang matatapon kahit isang patak nito. Kailangang inumin ang isang patak ng Myrho na magmumula lamang sa boteng ito para umepekto ang kapangyarihan ng mahiwagang likido." Ang tugon ni Demetria.

"Salamat Ceasar." Ang halos maiyak sa tuwa na si Caren.

"Pinuno, alam kong ang kabutihan para sa lahat ang iyong ninanais para sa amin, kaya kahit anong magiging desisyon mo ay susuporta ako lagi. Tulad mo rin ay hindi ko ginusto ang maging isang Lycan. Kailangan kong sumama sa grupo para protektahan ang aking pamilya sa aking sarili. Hindi ako naging malakas na tulad mo kaya hindi ko palalampasin ang pagkakataong ito na muling mabago at maitama hindi lamang ng aking buhay, maging ng kanila dahil karamihan sa kanila ay kinailangang iwan ang mahal nila sa buhay para maprotektahan nila sa kanilang sarili."

Tumango lamang si Caren at lumapit kay Demetria para kunin ang bote ng Myrho. Buong pusong ibinigay naman iyon ni Demetria kay Caren para ipainom na ang laman sa kanya.

Mahigpit ang pagkakakuyom ni Caren sa bote ng Myrho. Hindi masukat ang kanyang kaligayahan na sa wakas ay makakasama niyang muli si Alex at ang mga bata. Mula sa kanyang palad ay pinagmasdan niya ang maliit na bote at nanginginig pa ang kamay na binuksan ang takip nito. Dahan-dahan ay itinapat nito sa kanyang bibig para inumin ang nektar ng Myrho. Pagkainom ay naramdaman niya ang tila pagguhit nito sa kanyang lalamunan ang ininom na likido. Iniabot niya ang bote kay Ceasar ang bote para uminom din sa pulang nektar ng Myrho.

Napahawak si Caren kay Randy ng maramdamang biglang nanginig ang kanyang mga tuhod. Pakiramdam ni Caren ay nawalan ng puwersa at lakas ang kanyang mga kalamnan at hinahabol nito ang kanyang hininga.

Natigilan naman si Ceasar sa pag-inom sa likido ng Myrho dahil sa nakita nitong nangyayari sa kanyang pinuno. Pero ng makita niyang unti-unting naging maayos ang kalagayan ni caren ay saka niya ininom ang laman ng bote. Pagkainom ay nakita niyang muling napupuno ng nektar ng Myrho ang maliit na bote at ibinalik ito kay Demetria.

Tulad ng inaasahan ay nakaramdam ng kakaibang lakas sina Caren at Ceasar. Isang buwan o higit pa na hindi maghahanap ng laman at dugo ng tao ang dalawa. Pero pagkatapos ng isa o dalawang buwan ay babalik na naman sila sa pangangain ng tao. Iyon ang gusto nilang paghandaan at sana ay makakuha rin sila ng nektar ng Myrho.

Dahil muling kontrolado ni Caren ang mga natitira pang mga taong-lobo ay inutusan niya ang mga ito na uminom ng nektar mula sa mahiwagang bote. Sa pagkakataong iyon ay walang tumutol kahit isa sa kanila. Isa-isang pinainom ni Ceasar ang lahat ng miyembro ng kanilang angkan sa pulang likido.

Pagkasikat ng araw ay tinulungan nila sina Alex at ang magkapatid sa paglilibing kina Isabel at Jhayvee. Hinagod ni Caren ang likod ng umiiyak na si Alex at nakayakap naman sa kanya si Margaux. Pakiramdam ni Caren ay may kasalanan din siya sa pagkamatay ng dalawa kaya sinisisi rin niya ang kanyang sarili sa nangyari.

Pagkalibing nina Isabel at Jhayvee ay kinausap ni Caren ng personal si Ceasar.

"Pero pinuno, hindi ko matatanggap ito dahil hindi ako karapat-dapat na pamunuhan sila." Ang pagtutol ni Ceasar.

"Mas karapat-dapat ka dahil mas higit mo silang kilala kaysa sa akin. Ilang ulit mo ng pinatunayan sa akin na ikaw ang kanilang dapat na pinuno. Kaya mo silang ipagtanggol at protektahan tulad ng ginawa mo sa akin. Mabuti kang pinuno at iyan ang kailangan nila." Ang sabi ni Caren.

"Pero..." natigilan si Ceasar ng hawakan ni Caren ang kamay nito.

"Salamat, hinding-hindi kita makakalimutan Ceasar, ang bagong Alpha ng mga Lycan." Ang malakas na sabi ni Caren at ibinaon niya ang matulis na kuko nito sa kamay ni Ceasar. Tanda ng pagtalaga sa kanya bilang bagong Alpha ng mga taong-lobo.

Napaurong si Ceasar sa kanyang kinatatayuan dahil sa pagkabigla. Wala siyang kaalam-alam na siya na ang bagong pinuno ng kanyang angkan. Napako ang tingin niya sa mga mata ni Caren habang ang halos isang-daang natitirang mga Lycan ay nakatitig sa kanya.

Nagsigawan sa tuwa ang lahat ng mga taong-lobo bilang pagpapakita ng suporta sa bago nilang lider. Hindi makapagsalita si Ceasar sa bilis ng mga pangyayari. Magkahalong tuwa at takot ang kanyang nararamdaman ng mga sandaling iyon.

"Lycans, narito ang karapat-dapat na mamumuno sa inyo, si Ceasar Malloni. Mabuhay ang bagong Alpha!"
Ang tuwang-tuwang sigaw ni Caren sa mga taong-lobo na malugod na tumanggap kay Ceasar.

Mabuhay!

Mabuhay!

Mabuhay!

Ang sabay-sabay na sigaw ng mga Lycans.

"Mabuhay si Ceasar! " Ang muling sigaw ni Caren.

Mabuhay!

Ceasar! Ceasar! Ceasar!!! Ang sigaw ng lahat ng mga taong lobo na nagsimula ng magkumpulan sa harapan nina Caren at Ceasar.

Muli ay tinitigan ni Ceasar si Caren. Ngumiti ito at niyakap ang dating pinuno na sa maikling panahon ay buong-tapat niya itong pinaglingkuran.

"Salamat... " ang sabi ni Ceasar gamit ang kanyang isip.

"Hindi. Ako dapat ang magpapasalamat sa'yo. Huwag mo silang pababayaan, pinunong Ceasar! Protektahan mo sila at ipagtanggol sa ano mang oras. Huwag mo silang bibiguin. "

"Hindi ko sila bibiguin, hinding-hindi... "
Kinuhang muli ni Caren ang kamay ni Ceasar at may inilagay ito sa palad ng lalake.

"Ingatan mo iyan na huwag matapon kahit isang patak. Kailangang-kailangan ninyo yan. Ibinigay ni Demetria para sa inyo at sana ay muli mong makita ang iyong pamilya. "

Halos maluha si Ceasar sa tinurang iyon ni Caren. Sa wakas ay makikita na rin niya ang kanyang pamilya.

"Hi...hindi ka sasama? "

"Mas kailangan ako ng aking pamilya. Kaya hinding-hindi na ako mawawala sa kanila. Tulad mo kailangan ko rin silang ipagtanggol at protektahan. Kaya, hanggang sa muling pagkikita, Kaibigan!!! "

Iniabot ni Caren ang kanyang kanang kamay na malugod namang tinanggap ni Ceasar.

"Hanggang sa muling pagkikita, kaibigan! " Ang naging tugon ni Ceasar kay Caren at muli niyang niyakap ang kaibigang si Caren.
----------------------

Tahimik na nakaupo na tila nagdarasal si Odessa habang nakalutang ito sa hangin. Maaliwalas ang kanyang mukha habang nilalaro-laro ng mahinang hangin ang mahaba niyang buhok. Lahat na maliliit na bagay sa kanyang paligid ay unti-unting nagsilutangan at sa kanyang harapan ay nagsimulang mabuo ang isang lagusan.

Dahan-dahan ay binuksan niya ang kanyang mga mata at tumambad sa kanyang harapan ang isang hindi pangkaraniwang Pilunlualan. Ang Pilunlualang patungo sa kanyang hinaharap. Ang makita ang propesiya na kanyang gagampanan sa mundo ng mga elemental.

*******

A/N: Pasensya po sa pagka-antala. Sobrang busy po sa trabaho at nasira pa ang Cellphone na ginagamit ko sa pagtatype ng kuwento. Sana ay magustuhan po ninyo ang chapter na 'to. Maraming Salamat sa pagtangkilik sa kuwento ni Odessa!

Continue Reading

You'll Also Like

369K 24.8K 144
Katropa Series Book 13 - Matapos ang matinding trahedyang nangyari sa pamilya sa kamay ng mga tao sa simbahan, tuluyan nang tumalikod ang Nephilim na...
249K 5.9K 69
(COMPLETED) Isang binibini na ang nais lamang ay mamuhay ng mapayapa ngunit ng inilipat siya ng kanyang mga magulang sa isang paaralan doon na nagsim...
103K 2.4K 34
[EDITING] Do you believe in magic? Do you believe in charms? Do you believe that these magical things can create a family you won't forget? If yes...
9.1K 188 38
Note: This is a fanfiction about our class becoming the Descendants, with a mix of Avatar, Hybrid Heroes and RWBY. The real description is the Prolog...