You Got Me.

By FlightlessJean

185 8 2

More

You Got Me.

185 8 2
By FlightlessJean

Another One-shot story galing sa inyong nagmamagandang Author!! SuperMau! =)) HAHAHAHAHA. Binura ko yung mga on-going stories ko kasi, tinamad na po ako. Lols. Di nga. HAHAHAHAHAHAHA.

Basahin niyo ito. Isa to sa mga dulot ng aking magulong imahinasyon. HOHOHOHOHOHOHO. Habang naliligo ako kanina, naisip ko ito. Lols.

Vote if nagustuhan! Comment kayo ah? =)

------------------------------------------------------------------

"HAPPY 18TH BIRTHDAY NIKKA!" nag-wish ako tapos hinipan ko na yung candle.

Yes, 18 na ako. Simpleng party lang yung celebration ng party ko. Hindi siya bonggang debut party. Family, relatives at mga close friends ko lang yung invited. Pressure kasi masyado yung preparations sa mga real debut parties e. Gastos pa. Ayokong abalahin pa sila mama kahit gusto nila na engrande. Saka, di ko rin type yung mga 18 chubaness na yon. Kahit naman simple lang yung pagsecelebrate pwede pa rin maging memorable itong araw na ito e.

Hindi porket di bongga, wala ng karapatang maging unforgettable.

"Dalaga ka na Nikka!" bati sa akin ng isa sa mga best friends ko, si Maya.

"Thank you. =)"

"Nikka. 18 ka na, wala ka pa ring boyfriend. NBSB ka pa rin. Wala ka bang balak mag boyfie?" sabi naman ng isa ko pang bestfriend na si Joanne.

"Hay nako, Joanne! Asa ka pa! Hinihintay pa rin niya kasi si Smiley!" Maya

"Smiley? Sino yun?"

"Si Mac!"

"Maya! Don't mention his name!"

"Kaya nga smiley e."

"K."

"18 ka na nga pala, ngayon na yung taon na yun." Joanne

"Nikka, sure ka bang babalikan ka pa niya? Duh? That was 12 years ago! 6 years old pa lang kayo. May possibility na makalimutan niya na yun! Masyado pa kaya kayong bata nun!"

"Naniniwala ako sa kanya Maya."

"Eh, pano kung hindi ka na niya balikan? Kung nakalimutan ka na niya?" napatingin ako kay Joanne sa sinabi niya. Paano nga kaya?

"Basta, babalikan niya ako."

"Sinabi mo yan ah. Well, buhay mo yan. Bahala ka baka tumanda kang dalaga sa kahihintay diyan sa first love mo" Napa hayy na lang ako sa sinabi ni Maya.

Ewan ko. Pero malakas ang loob ko na babalik siya. Tutupad siya sa pangako niya sa akin.

"Nikka!" tumingin ako sa tumawag sa akin.

"Kuya Niel!" niyakap ko siya. Grabe namiss ko tong pinsan ko na ito. "Buti naman nakarating ka!"

"Siyempre naman! Dalaga ka na e. Happy Birthday!"

"Thank you kuya! Regalo ko?"

"Oh eto." May regalo ako! "Nga pala. Si Mark. Kaibigan ko."

Tumingin ako kay Mark. Parang familiar yung mukha niya sa akin. Ewan ko parang nagkita na kami dati.

"Hi Nikka. Happy Birthday. I'm Mark" nagsmile lang ako sa kanya. Pero yung mukha niya? Walang expression. Ni hindi man lang ngumiti.

"Sige kuya. Kain na muna kayo ni Mark." umalis na sila. pagkasabi ko.

Di ko maiwasang isipin siya, si MAC.

Pumunta ako ng terrace para dun muna tumambay at isipin siya.

Mac, 18 na ako oh? Babalik ka na diba?

Hanngang ngayon, di ko parin nakakalimutan yung saktong pangyayari nung nagkakilala tayo. Alam ko 6 years old pa alng ako nun, bata pa. Pero, sayo ko talaga unang naramdaman ang pag-ibig.

FLASHBACK

Dinala ako ni yaya sa park. Tapos binilhan niya ako ng ice cream. Tuwang tuwa kasi ang sarap ng ice cream. =) Habang nakikipag-usap si yaya sa mga kaibigan niya, nakakita ako ng mamang nagtitinda ng balloons!

Iniwan ko muna si yaya para habulin yung mga balloons. Ang cute kasi iba iba sila ng shapes.

Tumakbo ako para maabutan yung nagtitinda. Hindi ko namalayan na may malaking bato na nagdulot upang ako ay matapilok.

Pinikit ko yung mga mata para hindi ko makita yung pagbagsak ko sa lupa.

Yaya! Help me! =(

Pero nagulat ako kasi parang di naman ako bumagsak sa lupa.

"Bata. ok ka lang?" may sumalo sa akin. Isang batang lalaki.

Tinulungan niya ako tumayo. Hindi ko napigilan ang pag-iyak ko.

"WAAAAAAAAAHHH!! Huhuhuhuhu." iyak lang ako ng iyak

"H-huy bata. Bat ka naiyak? Nasugatan ka ba?"

"H-Hindi. *sniff*"

"Eh bakit?" naguguluhan niyang tanong.

"A-ayun oh? *sniff*" tinuro ko yung ice cream ko sa lupa. "Wala na akong ice cream! Waaahh!! Huhuuhuhuhuhu!"

Nagulat ako ng may biglang akong naramdaman na may nagpunas ng luha ko. Yung batang lalaki pala.

"Ayos lang yan. Halika bili na ang kita ng ice cream."

Tapos binilhan nga niya ako ng ice cream. Tumigil na rin ako sa pag-iyak.

"Anong pangalan mo?"

"Nikka. Pero tawag sa akin Ika."

"Ika, ako si Mac." sabi niya tapos ngumiti siya sa akin.

Ngumiti siya.

Ngumiti siya.

Ngumiti siya.

Napatulala lang ako sa ngit niya. Ang lakas kasi ng tibok ng puso ko. Parang wala akong naririnig kundi ayun lang.

"Mac! Andyan ka lang pala! Halika na!" tawag nung boses sa may di kalayuan.

"Sige, ika ah? Babye!" tumalikod siya at naglakad papalayo. Biglang naging puti ang paligid ko. Wala kong ibang nakikita kundi si Mac lang. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Hindi maalis sa isip ko yung ngiti niyang iyon.

END OF FLASHBACK

12 years na ng nakakalipas, pero hindi ko parin makalimutan yung mga ngiti niyang iyon. Yung ngiti niya na nagpatibok ng puso ko.

"Nag-iisa ka ata birthday girl." napatingin ako sa taong nagsalita. Si mark.

"H-ha? Ah. Oo. Hehe."

"Malalim ata ang iniisip mo. Problema? Birthday mo pa naman din ngayon."

"I'm waiting for someone"

"Boyfriend?"

"Ha? Wala noh. Never pa."

"Weh? Sa gandang mong yan?"

"Oo nga. Haha." Ewan ko pero ang gaan ng loob ko kay Mark.

"Totoo? Why?"

"Because, i made a promise with someone."

FLASHBACK

Simula nung nakilala ko si Mac, lagi na kaming napunta ni yaya dito sa may park. Lagi rin kaming naglalaro ni Mac kasama yung ibang bata. Pero madalas kaming dalawa lang ang magkasamang naglalaro. Ang saya saya ko talaga sa tuwing kasama si Mac. Yung mga ngiti niya kasi pinapatibok ng sobrang lakas yung puso ko.

Pero isang araw, hindi siya nagpunta ng park. Sabi ni yaya, wag daw ako mag-alala kasi kinabukasan naman daw pupunta siya ng park. Pero hindi. Halos isang linggo na siyang di nagpapakita sa akin. Nag-aalala na ako.

Di ko naman kasi alam yung bahay niya e. Ang alam ko lang yung pangalan niya, Mac.

Pero, lagi ko pa rin siyang hinihintay sa park. Tapos, isang araw.

"Ika!" si MAC!

"Mac!" tumakbo siya papunta sa akin at niyakap ko siya.

"Ika.."

"Mac. Ano nangyari sayo? Namiss na kita!! Waahh!" Iyak lang ako ng iyak habang yakap siya.

"Walang nangyaring masama sa akin."

"Ganun? E, san ka galing?"

"May pinuntahan lang kami ni Mama. At nandito ako para magpaalam sa iyo"

"Ha? Bakit? San ka pupunta?" pinunasan niya ang aking mga luha.

"Ika, aalis na kami nila Mama. Pupunta na kaming ibang bansa. Andun kasi si Daddy e. Hindi na tayo magkikita."

Nabigla ako sa mga sinabi niya?

"I-iiwanan mo na ako?" umiiyak kong sabi sa harap niya.

"Wag ka nang umiyak Ika."  niyakap niya ako.

"Mac. I L-Love You." hindi ko alam kung bakit biglang lumabas sa aking yang mga salitang yan. Mga bata pa kami. Bata pa ako para sa mga ganyang nararamdaman. Pero, yung mga salita ngang siguro iyon ang nararamdaman ko sa kanya. Simula ng araw na nginitian niya ako.

"Ika. Love din kita." niyakap pa niya ako ng mahigpit.

"Eh, bat mo pa ako iiwan?"

"Kasi kailangan. Love kita pero ang bata pa natin oh?"

"Mac"

"Promise ko sayo. Babalikan kita. Pag nag 18 ka na babalikan kita. Sabi kasi ni mama ko, pag nasa 18 ka na, malaya mo ng gawin lahat ng pwede mong gawin sa buhay."

"......."

"Ika, babalik ako. Dapat love mo pa rin ako a? Kasi ikaw, ikaw lang ang love ko." ngumiti siya sa akin.

Nginitian ko rin siya. "Mac, hihintayin kita. Okay? Balik ka ha?"

"Yes naman. babalik ako."

END OF FLASHBACK

"12 years na ang nakakalipas. 18 na ako. At love ko parin siya. Ikaw Mark? Sa tingin mo babalikan pa niya ako?" nakatingin lang ako sa malayo habang kausap si Mark.

Nagulat ako ng hinawakan niya yung kamay ko. Napatingin ako sa magkahawak naming mga kamay.

"A promise is a promise, Nikka. Bumalik na siya para tuparin yung sinabi niya 12 years ago. Love pa rin naman kita Ika e."

Love pa rin naman kita Ika e.

Love pa rin naman kita Ika e.

Love pa rin naman kita Ika e.

Napatingin ako kay Mark. Gosh. Don't tell me si Mark ay si.....

Nakatitig lang kami sa isa't isa. Then suddenly he smiled.

That crooked smile i saw 12 years ago.

HIS SMILE THAT GOT ME.

Continue Reading

You'll Also Like

63.8M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!
193K 7.5K 45
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
171M 5.6M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
3.5M 134K 23
What would you do if you wake up one day and find yourself in a different body? [Completed]