Love Story ng Alien

By DaySadie

160 8 12

Posible kayang maging mutual ang feelings ng alien sa crush nya? || one shot More

Love Story ng Alien

160 8 12
By DaySadie

Part 1 :) Sorry mabibitin kayo! Bukas ko pa to ikukumpleto ;)

ENI'S POV

"Anong tagalog ng street?" tanong ko.

"Edi daanan?" Si Yna, best friend ko.

"Hindi ahhhh! Edi, diretso!"

Tawa kaming lahat! Hahahahahahaha! Pati ako natatawa sa pinagsasabi ko. Ewan ko ba, puro kalokohan na lang ata yung pumapasok sa isip ko.

"HAHAHAHAHAHA! Hay nako Eni, iba ka talaga. Pwede ka nang maging comedian!" singit ni Dan. Oo nga ehh, halos kasi ng tao na namimeet ko, pinapasaya ko. Hindi ko alam, nababaliw na ata ako.

"Nyee! Kulang pa yaaan! Eto, alam nyo ba yung INNER ROW?" habol ko.

"Ano?" tanong nilang lahat. Sorrry, bago ko sagutin yan, magpapakilala ako. Ako nga pala si Enia Eigenmann! Kung nagtataka kayo kung kamag-anak ko ba si Andi Eigenmann, it's a big no! Kung pwede lang nga eh XD

Ngayon, kasama ko yung decagon of friends ko. 10 kasi kaming lahat dito. Kaya ayun, ako yung nagsisilbing clown nila.  Tawag nila sakin Eni, ewan ko pero ang cuteeee! x)

"Diba yun yung start ng mga months, INNER ROW, PEBREROW, MARSOW, ABRIL, MAYOW!"

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAH!" Halos lahat kami hindi na makapagpigil ng tawa. Hindi ko alam pero parang may tingining na ko sa ulo ko XD

Sa totoo lang, hindi naman ako noon yung talagang nagpapatawa sa grupo namin eh. Nag start lang ng November ito at ngayong May na, still I make people happy. ^o^

Kasama ko ang crush ko ngayon. XD Yiiiie! Kinikilig ako sa loob! Haha! Pasensya na ah, minsan lang ako umibiggggg hihihi!

Sa totoo lang, isang tao lang ang nakakaalam na siya ang crush ko. Si Trys lang ang nakakaalam hahaha. Pangalan ng crush ko ay Dev Soneta. Siya yung pinakamisteryosong tao na mamimeet mo pag unang kita mo sa kanya. Pero pag nakilala mo siyaaa, aba, makikitawa na rin! Kaya I use my jokes and laughter when umaaligid siya.

Pag may kausap siyang iba, linalakasan ko yung tawa ko pag masulyapan lang nya ako ng kahit isang segundo lang. At least, napansin nya akooo! HAHA!

"Eni, tama na! Ayoko naaa! HAHAHA! Last mo na yan," ani ni Weyo.

"Sige, sabi mo yan eh."

Sumulyap ako kay Dev, nakita kong nakatingin siya sakin. Wooo! One point haha. Umiwas kaagad ako ng tingin. Shoot, matutunaw na ako! HAHA!

Ngumiti na lang ako sa iba at nakipagkwentuhan rin.

"Alam nyo, sa tagal tagal nating magkakaibigan, hindi man lang tayo nagkaaminan kung may itinitibok na yung puso natin! Hahahah!" singit ni Tred.

"Oo nga! Game guys ahh! Walang KJ!" sabi ni Yna. Bestfriend naman ohhh!

"Lalo na ikaw Dev. Sa gwapo mong yan, wala? Psh! Saka alam kong may crush ka," habol ni Chesca.

"Yung crush ko nasa Mars," maikling sabi ni Dev.

"WHAAAAAAAAT? Martian siya?" sigaw ni Yna. HAHAHAHAHA! Binatukan siya ni Trys. Kawawa naman si girl! Kasi naman eh, martian? XD Hahaha!

Ano ba yaan! Tred naman ohh! Not this timeee :( Ayaw ko. Kapag kasama ko sila, naku, mapapaamin ako. Magagaling na investigators kaya sila! Grrr!

Gusto kong tumakas! Hmmm! Ahh alam ko na!

"Ahh guys." Tiningnan ko yung cellphone ko at kunwari nagtext na si Mama na pinapauwi na ako. "Tinext na ako ni Mama at kailangan ko ng umuwi. Emergency daw."

"HA?!"  Tanong ng lahat. Grabe naman maka HA yung mga kaibigan ko. XD

"Oo eh."

"Hay! Sayang naman Eni. Fun pa naman sana ito!" sigaw ni Jaro.

"Oo nga. Di kumpleto pag walang magpapasaya." Sumimangot si Abi sa akin.

Grabe naman tong mga kaibigan ko!!! Ngayon lang! Pero nakakapanghinayang kasi gusto ko rin sila makasama pero yung pag amin kung sinong crush ko? NO. HINDI. NEVER.

Tiningnan ko si Dev at nakapalumbaba rin siya. Ano ba yaaan! Nagiguilty tuloy ako na aalis ako.

"May next time pa naman guys! Sige alis na ako! Babuyyyyy!"

"Bye Eniiiii!" sabi nilang lahat sakin except kay Dev. Wow, nakakapanibago.

Nang biglang.... sa hindi ko inaasahang panahon....

"Ingat ka, Eni."

Woahhh. Si Dev >3< Oh em geee! First time niyang sinabi sakin yun. Hala baka makita nya akong magblush patay!

"Thanks Dev," sabi ko. "Ingat kayong lahat guys ahhhh!" pagpapaalam ko.

Tumalikod na ako kasi baka makita nila akong mamula. Shemay! Edi kahit di na nila itanong, alam na nila! Dev, bakit sa simpleng "Ingat ka, Eni." mo, kinikilig na ako? Ano bang meron sayo na wala ang iba?

Bakit sa bawat hello mo, bumubuo araw ko?

Bakit sa bawat tingin mo sa akin, natutunaw ako?

Bakit tuwing ngumingiti ka, piling ko nasa langit na ako?

Ano bang meron sayo? Bakit nagkakaganito ako?

Yung tipong tumatawa na ako ng malakas para marinig mo.

Bawat tawa at joke ko, sana marinig mo yung word na "Gusto kita Dev." na hindi ko mailabas kasi nasa dulo ng esophagus ko!

Lol, paano mangyayari yun?

Basta, GUSTO KITA DEV! CAPS LOCK PARA INTENSE! SANA MADAMA MO!

Kasi hindi ko na alam ang gagawin ko kung isang araw, nakita kitang may kasama kang iba, at hanggang doon, hindi ko pa rin masabi na ikaw ang nagpapasaya sa puso ko.

~~~~~

Nagdaan ang ilang araw at hindi ko pa rin kung anong nangyari sa AMINAN nila. Matext nga si Trys.

Trys, kamusta aminan nyo ng tropa?

Sent to Trys

Ayun, may na bh! 

Sent by Trys

Huh? Bakit?

Sent to Trys

Kasi napaamin si Dan, Jaro at Weyo. Crush ka nila! Bwahahahah! Tapos ako, alam mo naman na crush ko si Yna. Tapos si Yna, well, crush nya rin ako! Haha! :) Si Abi naman, may crush kay Weyo. Medyo na-bh nga siya nung narinig nya na may crush sayo si Weyo. Tapos si Chesca, crush nya si Dan. Tapos si Dev, mukhang tatanda kasama ang mga martians! HAHA! Grabe ka, BH na yung 2. Ikaw kasi, wala ka..kahit alam kong si Dev ang crush mo!

Sent by Trys

Whaaaat? Grabe naman! Hay! Ayaw ko na!!!! Magiging awkward na to. Pano nga pala si Tred? Sino crush nya?

Sent to Trys

Si Yna.

Sent by Trys

Ohhh kaya pala. Selos siya nyahaha!!

Sent to Trys

Bahala ka. Nagmumukha na akong bading sa pagtetext sayo. Sige bye na. Kitakits bukas.

Sent by Trys

Di na ako nagreply pa.

Grabe!! Ayaw ko na. Si Tred, siya ang nagpasimula. Lagot sakin yun!! Hay nako! Kaya ayaw ko yung love love na yan eh. Joke! Basta yung love nakakasira ng friendship. Kaya nga di ko masabi sabi kay Dev na crush ko siya. Medyo napangiti nga ako nung sinabi ni Trys na yung crush daw ni Dev nasa Mars. Mga martians XD Hahaha!

Baka ako? Kasi mukha naman akong alien eh! Bwahaha! Hay umaasa na naman si Eni. >2<

"Grrrrrrb." Nagugutom na ako. Makabili nga muna ng pagkain sa KFC. Sosyal eh' no? $_$

Pumunta na akong KFC kasi gusto ko rin kumain ng chicken. Lunch ko na rin 'to no!

Umupo ako sa isang vacant na table. Naisip ko na itext muna si Mama na nandito lang ako.

Ma, nandito lang po ako sa KFC.

Sent to Mamski

"Eni?"

Kilala ko yung boses na yun ahh. Is it...

"Oh, Dev. Napadaan ka dito." Nginitian ko siya. Sheks! Ano ginagawa nya dito?

"Ahh, kakain lang kasi ako ng lunch. Ano, sabay na tayo? :)" (o.0) DATE BA ITO?!

"A-ahh, s-sige. Upo ka." Saktong dalawa yung upuan. Nasa harapan ko siya. Grabe!! I can hear my heart beating.

"Nakapag-order ka naba?" tanong nya.

"Di pa eh. Ako nalang mag-oorder sa'yo." *gulp* (o;;;;o) MALI! Ugh! Ganito ba talaga ang epekto nya sakin?

"Oorderin mo 'ko? Hahahaha! Nakakatawa ka Eni!" Phew. ("-_-) Buti nalang at di niya sineryoso yung sinabi ko.

"Hindi! Ako na mag-oorder! :P Ano ba kakainin mo?"

"Rice and chicken w/ mash potato." Shizzzz, nakatitig siya sakin! Malamang =.= Nababaliw na akoooo.

"Ahh sige." Tumalikod na ako at nag-order.

Pagbalik ko..

NAG-DISAPPEAR SIYA! Asan na ba yun?

Hala, buti nalang di ko iniwanan yung bag ko. Binaba ko muna yung pagkain namin. Hay! Kala ko pa naman magdedate kami. Psh. ASA GIRL talaga ako.

Kinain ko nalang yung lunch ko. Nalulungkot tuloy ako. (._.]]])

"Oh Eni, bilis mo naman. Sorry, mukha ako yung natagalan. Nag-CR lang ako."

Si Dev! Bumalik siya! Waaaaaaah! Ano ba yan! Napaka OA ko naman XD Di ko naisip na baka nag-CR lang siya. May tingining na talaga ako sa ulo.

"Ahh, Dev. Kala ko iniwan mo na ako ere!" Nanlaki talaga yung mata ko. At the same time, tumitibok ulit puso ko.

"Di ko magagawa sa martian ko yun no'---este sa'yo." Tama ba yung narinig ko? Ako yung martian nya? O baka umaasa na naman ako sa akala? hay -.-

"Nyahaha! Sige kain na tayo."

Kumain na kami. Ang sarap nyang kausap! Sabi nya na paborito nya yung movie na Despicable Me kasi ang cute ng mga minions!

Teka, bakit ba puro alien yung pinag-uusapan namin?!

"Kamusta nga pala yung AMINAN nyo, Dev?" Tinanong ko at baka sakaling sabihin nya sakin.

"Okay lang naman. Pinag-aagawan ka nga nang tatlong lalake eh."

"Narinig ko nga. Hay, si Tred naman oh!"

"Bakit? HAHA!"  Ang cute nya talagang tumawa :>

"Wala, sabi ko ang cute mo." Cheese crackers! ANO BA YAN! Naibuga ko naaa!

"Ha? Cute ako?"

"Jokeee! Naniwala ka naman!" Kahit gusto kong bawiin na kahit anong anggulo pa, cute pa rin siya! Nakakakonsensyaaaaa! 

"Haha, sino ba crush mo Eni?" Wahh! Sinasabi ko na nga ba eh!! Maoopen up yung topic na 'to. Napaka mo talaga Eni kahit kailan hayyy!

"Wala. Mehehe! Ikaw?" pagsinungaling ko.

"Si Ine. :)" Sinasabi ko nga ba! Hindi nya ako crushhhhh! Kung sino man yung Ine na yun, martian siya! Huhu! Nakakabasag puso naman.

"Ah, HAHAHAHA, wow swerte naman ng babaeng yun." Gusto kong umalis at umiyak sa bahay. Sa 2 years na crush ko siya, nandito ako, tumatawa para di nya ako mahalata na nasasaktan. Hay! (;____;) I wanna cry huhuhu :((

"Sobra. Mahal ko yun eh." Kala ko hanggang gusto lang, yun pala, MAHAL nya na! Pano na ako Dev?

MU nga talaga kami ni Dev.

Manhid siya....

Tapos ako Umaasa! </3 Nakakabasag puso.

"Dev, alis na ako. Nagtext ulit si Mama eh. Kailangan ko nang umalis. Yiiie, Ine! Haha! Sige!"

Bago ko pa siya pagsalitain, umalis na ako. Bumigat yung pakiramdam ko. Tumutulo yung luha ko. Ba't ba ako umiiyak! Eh expected ko na naman na di nya ako yung crush.

BASTED AKO. BASTED!

Hahahahahhaha! Nababaliw na talaga ako.

Umuwi na ako ng bahay at dumiretso sa kwarto. Wala akong gana magjoke o magpatawa. Dahil mismong sarili ko, di ko mapasaya. Tsss!

Wala eh, may gusto nang iba si Dev. At si Ine yun. </3

Hirap pala ma-BH no'. Parang sinasaktan ka g paulit ulit pero wala kang maramdaman sa pisikal. Sa mental at emotional lang naman!!! Wahh, sorry sa kadramahan ko.

*ding donggggg*

Huh? May nagdoorbell? Sino kaya yun? Nagsesenti ako dito ohhhh!

Binuksan ko yung gate at di ko inaakala na....

"Eni, ba't ka umalis kaagad? Nag-aalala pa naman ako."

"Dev?! Pano mo nalaman na nandito ako?"

"Sinundan kita."

"Ah. Sorry Dev pero busy ako." Hindi ako makatingin sa kanya ng diretso at baka makita nya yung pula kong mga mata.

"Mag-usap tayo. Galit ka ba sakin?"

"HINDI AKO GALIT SAYO, DEV! PAANO AKO MAGAGALIT SA TAONG MAHAL KO HA? GALIT AKO KASI DI AKO MAKAAMIN SAYO. PERO NGAYON ITO AKO NGAYON, SINISIGAW KO YUNG TOTOO. MAHAL KITA, DEV. SA TOTOO LANG, SA GABING NAG-AMINAN KAYO, UMALIS AKO DAHIL SA HINDI NAGTEXT SI MAMA, KUNDI DAHIL AYAW KONG UMAMIN NA IKAW YUNG MAHAL KO. NATATAKOT KASI AKO NA BAKA IREJECT MO AKO O KAYA MAAAPEKTUHAN YUNG FRIENDSHIP NATIN. ALAM MO YUN? MASAYA AKO PARA SA INYO NI INE."

Nakita ko siya na kumunot yung noo nya. Umiiyak ako ng sobra sobra. Naramdaman kong nilapit nya ako sa kanya. He wrapped his arms around me. Ano 'to? Comfort zone nalang ako?!

"Hay nako, Eni. Di mo ba naiisip na pag rineverse mo yung Eni, ay Ine ang kalalabasan?" bulong nya sa tenga ko. (;o;) So ibig sabihin...?

"Oo. Ikaw yung mahal ko Eni. Ikaw lang. Ikaw ang martian ng buhay ko. Kasi kahit pumanget ka pa sa lagay mo, maganda ka pa rin sa paningin ko. Alien ka kasi kakaiba ka. Kaya minahal kita. Kahit pinapalaki mo yung butas ng ilong mo para magpatawa. At kahit nababaliw ka na sa kakajoke. Nahawa mo na ako. Kasi ngayon baliw na baliw na ako. Gusto kitang laging kasama. Sa gabi ng AMINAN, diba sinabi ko na mag-ingat ka? Ayaw ko kasing mag good bye. Madali lang naman kasing sabihin yun, pero mahirap sa loob lalo na't kung gusto mo pa makasama yung tao. Kaya, quits na tayo. Eni, mahal kita."

Di na ako makapagsalita. Si Ine...ako pala yun. Ako yung ALIEN ng buhay nya. I love him so muchhh! Sinabi nya yun habang hinahaplos nya yung buhok ko.

"Mahal rin kita, Dev." Niyakap ko siya ng mahigpit.

Buti na lang, ako yung clown ng group. Kasi hindi naman ako mailalarawan ni Dev ng ganito. Nagpaka-alien form ako. At dun nya ako napansin.

Kaya guys! Wag nyong baguhin yung sarili nyo. Kasi malay nyo, yung nagugustuhan nyo ay unti-unti nang nahuhulog sa inyo. Yiiie! Sige, yun lang! Bye! Titira na kami ni Dev sa Mars! Joke!

The alien loves him. And he loves the alien.

The endddddd! :) <3

Thanks for reading guys! :D

-DaySadie :)

Continue Reading

You'll Also Like

53.3K 1.2K 37
Louisiana London is known not only for being a Salguero but also for making a renowned and esteemed name in the field of arts. Her paintings captivat...
25.6M 1M 41
Napansin agad ni Laura Arden ang mga kakaibang bagay sa bayan ng Van Zanth sa unang araw niya pa lamang dito. Lalo na noong nalaman niyang sa isang l...
42.5K 2.1K 25
He was always ALMOST WITHIN REACH, and she stretched herself to meet him. She tried to fit his world, tried to shape her heart to match his, but love...
3.6M 101K 63
If a gay man falls for a woman, does it change who he is or just what he feels? Alam na ni Elion Derett "Eli" Lascano kung sino siya, kung ano ang la...
Wattpad App - Unlock exclusive features