I'll Never Fall For The Playb...

By asdfghjess

858K 16.4K 888

Almost Perfect Series II Damn that playboy. He asked me to be his girlfriend. I'll never fall for that. I kno... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Author's Note
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Author's Note V2.0
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Epilogue
Author's Note V3.0
Loving Him
A Fairytale Without A Happy Ending
Chasing Him
Cold Hearted Girl
He & She
!!!

Chapter 17

16.5K 372 38
By asdfghjess

INFFTP 17

 

“E-ethan. Pwede bang ilayo mo ko dito. K-kahit saan. Basta malayo. P-please.”

Tinignan ako ni Ethan. “Your wish is my command.”

“Pero, p-pwede bang dumaan muna tayo sa sementeryo?”

Di na siya nagtanong basta pumunta na kami sa sementeryo. Bumaba ako ng sasakyan at naglakad papunta sa puntod ni Daddy. Umupo ako dun at hinawakan ko yung pangalan niya sa lapida. Daniel John Padilla.

 

ETHAN’S POV

 

Binasa ko yung puntod na pinuntahan niya. Daniel John Padilla. Sino kaya siya? Padilla? Pangalan ng school namin yun ah, Padilla University, related kaya yun? Hindi siguro, marami namang may surname na Padilla.

Pinanuod ko lang si Cass na umiyak ng umiyak. Yung iyak na labas lang ng labas yung luha sa mata niya pero walang tunog ng iyak. Sabi nila, mas masakit daw pag ganun yung way ng pagiyak.

Ang gago ni Alex. Alam kong hindi totoo yung picture. Ilang buwan ko din nakasama si Cass at alam kong mahal na mahal niya si Alex. Tingin ko, si Ysa nga ang may gawa nun. Kung pano, yun ang aalamin ko, pero hindi pa ngayon. Si Cass ang uunahin ko ngayon.

Matagal ko ng mahal si Cass, first year High School palang. Kaya nga wala akong dinate kahit isang babae. Kasi siya talaga ang mahal ko. Kaso hindi ganun kadali yun. Torpe na kung torpe pero ganun eh. Natatameme ako sa harap niya hanggang sa nalaman ko nalang nililigawan siya ni Alex. Naggive way ako kay Alex kasi sabi niya seryoso siya kay Cass. Nakita ko naman yun.

Pero hindi tamang hindi niya pinaniwalaan si Cass. Na mas kinampihan pa niya si Ysa. Na sinaktan niya si Cass physically at emotionally.

Mahal ko si Cass pero di ibig sabihin nun na magtatake advantage na ko kasi broken hearted siya. Kaibigan ang kailangan niya ngayon. Kaya kaibigan muna ko ngayon.

Maya maya pa nagsalita na siya.

                                                                                                                                                                   

“D-dad.” Dad?! Daddy niya? “Ang sakit sakit pala. Ang sakit sakit Dad. Sobra.”

Gustong gusto ko siyang yakapin. Nasasaktan ako para sakanya. Pero alam kong kailangan niya ng panahong magisa.

“Bakit ganun Dad. B-bakit di niya ko pinaniwalaan? Di naman ako m-malandi eh. Minahal ko siya at tanging siya lang. Pero b-bakit ganto. Ang sakit sakit na po.”

Lumingon siya sakin at patakbong yumakap sakin. Niyakap ko din siya.

“E-ethan. Ang sakit sakit na.”

“Shh. Andito lang ako. Kahit anong mangyari nasa tabi mo lang ako.”

Pumasok na kami sa sasakyan umiiyak parin siya. Papaandarin ko ng yung sasakyan ng bigla niya kong hawakan sa kamay.

“Ethan. Thank you.”

“Anything for you Cass.”

Bumitaw na siya at tumingin sa bintana sabay sabing “Wag mo kong iiwan ha.”

Hinila ko siya, niyakap at kiniss ko siya sa forehead. “Hindi. Promise.”

SAM’S POV

 

3 days na simula nung nagbreak sila Cass at Alex. 3 days naring hindi pumapasok si Cass at Ethan. Si Alex, ngayon lang pumasok. Halatang walang tulog at mukhang stressed. Kasalanan niya naman eh. Di siya naniwala kay Cass. At yung Ysa na yun, alam kong siya may gawa neto. Sabi na nga ba pinaplastic lang niya si Cass. Bwisit. Sarap kalbuhin.

Wala kaming balita kung nasan si Cass. Kung magkasama ba sila ni Ethan, dahil pareho namin silang di macontact. Di umuuwi si Cass sakanila sabi ni Sky. Di naman namin masabi kay Tita Kath kasi nasa New York sila ni Tito Albie may inaasikaso. Pero sana ayos lang si Cass. Sana talaga. Dahil kung may nangyaring masama sakanya, baka mapatay ko si Alex.

“Babe. Wala parin bang balita kay Cass? Nagaalala na ko. 3 days na siyang wala.” Tanong ko kay Sky.

“Yun nga babe eh, wala parin. Patay parin yung phone niya, di parin siya nauwi sa bahay. Tingin mo ba kasama siya ni Ethan?”

“Hindi ko alam eh. Pero sana magkasama sila. Para alam nating ligtas si Cass.”

“Wag kang magalala. Babalik din yun si Cass.” Sabay tumunog yung phone niya. Tinignan namin kung sino.

Si Ethan.

 

 

ALEX’S POV

 

Nandito na naman ako sa condo ko, 3 araw ako dito nagstay after kong malaman na niloloko pala ko ni Cass. Bullshit. Ang sakit talaga. Minahal ko siya tapos makikita ko yung picture na yun. Ang sakit sakit pala maloko.

Umiinom na naman ako ng beer, nakakailan narin ako. Di ko pa makalimutan yung narinig kong usapan kanina nila Sam at Sky.

“Babe. Wala parin bang balita kay Cass? Nagaalala na ko. 3 days na siyang wala.”

 

“Yun nga babe eh, wala parin. Patay parin yung phone niya, di parin siya nauwi sa bahay. Tingin mo ba kasama siya ni Ethan?”

 

“Hindi ko alam eh. Pero sana magkasama sila. Para alam nating ligtas si Cass.”

 

“Wag kang magalala. Babalik din yun si Cass.” Sabay tumunog yung phone ni Sky. Sinagot niya.

 

“Ethan!” Si Ethan pala yung tumawag, wala siya kanina, wala rin si Cass. Magkasama ba sila?

 

“Oosige, alagaan mo siya ha. Ikaw na bahala dude.” Tapos binaba na niya yung phone.

 

“Si Ethan, sabi niya takas lang daw yung tawag niya, ayaw daw ipaalam ni Cass kahit kanino kung nasan sila. Sabi niya malayo daw pero safe daw sila. Ayos naman daw si Cass. Lagi nga lang daw tulala, umiiyak at naglalasing pero inaalagaan naman siya ni Ethan.”

 

“Omygod. Mabuti nalang anjan si Ethan.”

 

So magkasama pala sila. 3 araw narin simula nung nagbreak kami. 3 araw na silang magkasama.

Eh ano naman. Wala akong paki. Malandi siya. Wala na dapat akong paki sakanya. Tss.

************


Binago ko nga pala yung Prologue. <3

Continue Reading

You'll Also Like

522K 50.2K 78
They say the Heart has Reasons of which Reasons know nothing of. They also say we try to hide our feelings but we forget that our Eyes Speak. A Ma...
311K 6.5K 36
Him Series #1: Sabihin mo nga, paano ka makakamove-on kung binabalandra na mismo ng Tadhana ang Ex mo sa harapan mo?
64.3K 4.7K 40
Michelle Salvacio is a typical 'anak-mayaman'. Nag-iisa siyang tagapagmana ng pamilya niya kaya lahat ng luho ay nasusunod. Although you can see her...
6.8K 157 44
Kyra Celestine Nicolas is 18 years old teenager who got bullied at the young age of 9 years old. And being a victim of bullying cause mentally depres...