BACK OFF! LUKRECIA IS MINE!

By JoeyJMakathangIsip

70.5K 2.3K 495

Someoneone's lost could be someone's gain. Someone's shaking battle could be someone's game. This is the jour... More

P R O L O G U E
C H A P T E R 1
C H A P T E R 2
C H A P T E R 3
C H A P T E R 5
C H A P T E R 6
C H A P T E R 7
C H A P T E R 8
C H A P T E R 9
C H A P T E R 10
C H A P T E R 11
C H A P T E R 12
C H A P T E R 13
C H A P T E R 14
C H A P T E R 15
C H A P T E R 16
C H A P T E R 17
C H A P T E R 18
C H A P T E R 19
C H A P T E R 20
C H A P T E R 21
C H A P T E R 22
C H A P T E R 23
C H A P T E R 24
C H A P T E R 25
C H A P T E R 26
C H A P T E R 27
C H A P T E R 28
C H A P T E R 29
C H A P T E R 30
C H A P T E R 31
C H A P T E R 32
C H A P T E R 33
C H A P T E R 34
C H A P T E R 35
C H A P T E R 36
C H A P T E R 36.5
C H A P T E R 37
C H A P T E R 38
C H A P T E R 39
C H A P T E R 40
E P I C L O G U E
CAST
AUTHOR'S NOTE
Promotion

C H A P T E R 4

2K 61 15
By JoeyJMakathangIsip

Looking For Lukrecia Kamulag

K I D   A L L E N T O N    L E E'   P O V

Napaka-boring ng feild trip namin. Ang unang stop namin ay garden kung saan maraming paru-paro. Ipapaliwanag daw sa amin kung paanong mag-e evolve ang isang butterfly.

Kainis. 'Yon lang pala eh. Eh 'di sana nanuod na lang ako ng pokémon. Aabangan ko na lang kung kailan mag-e-evolve si Picachu.

Ang pangalawang stop naman daw namin ay isang science center. Mas trip ko 'yon pero boring pa rin. Puwede naman kasi akong pumunta roon anytime eh.

Last stop naman ay isang crocodile farm. Boring pa rin kasi puwede naman akong magpabili kay Dad ng buwaya para gawin namin pet sa bahay instead doon sa mga goldfish na pet ni Dad na walang ibang gawin kundi ang uminum ng tubig sa aquarium.

Kasalanan talaga ni Dad ang lahat ng ito eh. Kung hindi niya ako in-enroll sa Wilson, eh 'di sana diretso na akong magta-trabaho sa kompanya niya. Kaso ang gusto niya, dumaan ako sa tamang proseso. Dapat ko raw maranasan ang narasanan niya. Ang tapusin ang college.

Kailan ko naman kaya matatapos 'yon? Matagal pa akong mag-college. Tapos ngayon, paulit-ulit akong bagsak sa subjects ko.

Humalumbaba ako sa window ng bus habang ninanakawan ako ng pictures ng mga babae kung kaklase. Picture sila ng picture sa akin.

Habang nahalumbaba sa window, nakita ko iyon mga mahihirap na naglalako ng paninda nila sa gilid ng kalsada.

Bakit kaya may mahirap? Bakit kaya hindi lahat puwedeng maging mayaman katulad ni Dad na hindi nauubusan ng pera?

Palagi kong tanong 'yan sa isipan ko kada lalabas ako ng bahay at makakakita ng mahihirap. Hindi naman sa hinuhusgahan ko sila pero nasasaktan kasi ako kapag nakakakita ako ng nanay o lola o maliit na batang nagta-trabaho.

Isang malaking puzzle pa rin sa isip ko kung bakit may mahihirap.

"Oh, dahan dahan sa pagbaba!" narinig kong nagsalita si Sir Boom sa may exit door ng bus. Hindi ko namalayang nakarating na pala kami sa first stop. Tulala pa rin ako sa may window ng bus.

"Hoy Kid, baba na," sita sa'kin ni Lawrence kaya bumaba na ako kahit ayaw ko talagang bumaba.

Ako 'yong nahuling nakababa at ang sama ng tingin ni Sir Boompa or Sir Boom sa akin.

"Bilisan niyo!" sigaw niya.

Pumasok na kaming lahat sa butterfly garden. Wi-nelcome kami ng isang babae. Nagsalita siya ng kung anu-ano kaya nagheadset na lang ako. Ang boring kasi.

"Sir, estudyante po kayo?" tanong sa akin ng babae noong nanatili lang ako sa sulok habang pinapanuod ko 'yong mga kaklase kong nililibot ang butterfly garden.

Hindi ko siya pinansin at inayos ko lang 'yong bag ko. May headset ako pero wala talaga akong music na pinapakinggan.

Nanatili ako sa isang sulok. Maya-maya pa, may biglang butterfly na dumapo sa relos ko.

"Shoo!" Titirisin ko na sana 'yong kainis na paru-paro pero natigilan ako nang bigla kong maalala si Mommy Thalia. Mahilig kasi siya sa paru-paro. Noong bata ako, palagi siyang nagdo-drawing ng butterfly.

Dahil nainis ako sa naalala ko, lumabas na ako ng butterfly garden. Naglakad-lakad ako sa sidewalks. Kampante naman akong hindi ako mawawala kasi may google map naman ako.

Tinaas ko 'yong hoodie ko para kapag may babaeng nakakita sa akin ay hindi ako mapagtripang picture-ran habang kinikilig.

Maya-maya pa, may nakita akong tatlong bata na nagbobote bakal. Mukhang magkapatid sila.

"Oh! Anong tini-tingin mo ha!" sigaw sa akin ng batang sipunin, nakatingala siya sa akin dahil sa tangkad ko.

Hindi ako nagsalita. Inagaw ko 'yong sako niyang kulay green.

"Aba loko ka ka ah!" sinuntok niya 'yong hita ko at para lang akong kinagat ng lamok.

"How do we do this? Lalagyan ba natin 'to ng bote at mga bakal?" natulala 'yung bata sa sinabi ko at noong hindi siya nakapagsalita ay nagpakilala ako sa kanya.

"Kid ang pangalan ko bro," sabi ko sa kanya at tinulungan ko silang tattlo na maghanap ng bote at bakal. Pagkatapos ko silang tulungan, binigyan ko sila ng isang libo at tuwang-tuwa sila.

Isang pang kinawe-weidurhan ko sa mga mahihirap ay kung paano sila matuwa kapag binibigyan ko sila ng one thousand pesos. Na para bang iyon na ang pinakamalaking halagang nakita nila sa buong buhay. Hindi sa hinuhusgahan ko sila pero nagtataka talaga ako kung paano silang nasisiyahan sa isang piraso ng papel.

Dad told me that money is not real. Ang pera raw ay guni-guni lang ng isip natin, sabi niya. At first, nalito ako pero totoo ang mga sinabi niya.

Money is not real. Ang totoo ay ang value na meroon ito. Some may think that a one thousand bill is a big amount, some may think that that it is just equivalent to a one peso bill. Sobrang liit lang sa akin ng isang libo sa totoo lang.

"Are you happy now bros?" tanong ko sa kanila. Tumango-tango sila.

Naglakad ulit ako. Then I saw a street sweeper. Matanda na siya. Isang Lola.

"Hoy!" sigaw niya ng inagaw ko 'yung walis niya.

Noong nagwalis ako sa daan, hinintay kong makaramdam ako ng happiness but I only ended up being tired and irritated kasi hinahangin lang 'yong mga dahon na winawalis ko.

"Diyos ko!" Halos mapasigaw si Lola nang bigyan ko siya ng three thousand pesos. Masayang-masaya siya kaya nagtaka ako. Kung masya siyang makatanggap ng pera o kung gusto niyang makatanggap ng malaking pera, bakit siya napapakandakuba para lang sa maliit na halaga ng pera?

I found it so weird. My Dad don't tend to work as hard as this--physically pero bawat segundo, nalalagyan ng millions of peso iyong mga bank accounts niya.

Sabi ni Dad, kung ano raw ang iniisip natin sa sarili natin ay nagiging ganun daw tayo. Kaya nalulungkot talaga akong makita ang Lola na ito.

Nagulat si Lola nang bigla ko siyang niyakap. Maya-maya pa, umalis na ako.

I love analyzing people. Gustong-gusto kong nalalaman iyong iniisip nila. Si Mom? Bakit niya kaya iniwan si Dad?

Naglakad ulit ako at may nakita akong isang nanay na vendor na nagtitinda ng mga DVD. Namula ako noong makita 'yong mga DVD niya.

"Bibili ka ba?" pasigaw niyang sabi habang pinapadede iyong baby niya sa ano niya.

"17 pa po ako, bawal pa po sa akin 'yan, tsaka na lang pag nag-18 ako, babalik ako rito para bumili niyan," sagot ko, walang expression ang mukha.

Namula ulit ako at tinitigan ko ng maayos 'yong baby na sina-suck 'yong ano ng mommy niya.

"Whoa!" napasigaw ako dahil sa sobrang pagkamangha. First time kong nakakita ng baby na umiinum ng gatas sa ano ng mommy niya. Si Dad lang kasi ang madalas kong makitang umiinum ng milk sa mga ano ng mga babae niya.

"Bastos!" sigaw noong nanay sa akin at pinalo niya 'yong ulo ko.

"S-sorry," sabi ko at binigyan ko siya ng 5,000 bago umalis.

For the first time, sumakay ako ng jeep. Wala talaga akong kaalam-alam kung ano 'yong system sa jeep kaya ang ginawa ko, pinara ko lang 'yong jeep na wala pang pasahero.

"Saan ka boy?" sabi nung driver.

"Kung saan po hihinto 'yong huling pasaherong sasakay," sagot at tinignan ako ng weird ng driver pero wala akong pake. Excited ako.

Maya-maya pa, dumami pa 'yong pasahero hanggang sa naipit na ako sa may likuran ng driver.

Iyong mga babaeng nakakita sa akin, biglang nagba-blush kaya ang ginawa ko, binaba ko pa ng kaonti 'yong hood ko.

"Boy," sabi sa'kin nung lalaking pasaherong katabi at inabutan niya ako ng mga barya.

"Hindi po ako nanghihingi," sabi ko pero hindi nakinig 'yong lalaki tapos bumaba na lang siya.

Hanggang sa dumami na 'yong pasaherong bumaba at sobrang dami na rin ang baryang naipon ko.

"Thank you po," tumatawa kong sabi kada inaabutan akong mga barya. Sa isip ko, baka ito na 'yong way ni Papa God na ibalik sa akin 'yong binigay ko sa mga strangers. Tuwang-tuwa ako. Grabe.

Kaso hindi ko masyadong nagustuhan kasi puro barya. Papel na pera 'yong binigay ko sa mga strangers eh.

"Amin na!" sabi nung driver sa akin noong wala ng pasahero.

"Teka?" iniwas ko 'yong mga coins ko. "Akin 'to ah!" sigaw ko.

Nang kamuntikan na akong masuntok ng driver ay sinuko ko na 'yong pera.

"Aish!" galit na galit kong sinipa 'yong upuan sa waiting shed. Mabuti akong tao pero ayaw ko talang kinukuha 'yong binibigay sa akin.

Maya-maya pa, nag-ring na 'yong phone ko.. Hindi ko na sinagot kasi alam ko naman kung sino ang tumatawag. Si Dad 'yon. For sure sinumbong na ako ni Sir Boom dahil sa biglaang pag-alis ko sa butterfly garden.

"DUDONG...."

"WHOA!" Napasigaw ako nang may umupo sa waitng shed na bababaeng umiiyak.

Hindi niya pinansin 'yong pagkagulat ko. Iyak lang siya ng iyak.

"DUDONG..." sabi niya at totoo talaga 'yong mga luha niya.

"Baket mo ako enewan, neluko, at senaktan?" umiiyak na tanong siya sa ere.

"W-hat?" iyon ang natanong ko kasi hindi ko naintindihan 'yong sinabi niya. Si-nearch ko sa dictionary 'yong sinabi niya kaso wala. Maybe she's a Japanese? Neluko sounds like tufo.

She looks older than me. Sa tansiya ko nasa 27 years old na siya. Sobrang weird 'yong suot niya. 'Yong suot niyang black shoes, parang 'yong sinusuot ng matatanda kong instructor. 'Yong palda niyang kulay white, parang kumot sa sobrang haba. 'Yong blouse niyang kulay pink ay parang 'yong sinuot ng pinsan ng kaibigan kong si JC noong first holy communion nito. Magulo at medyo mabaho na rin 'yong naka-pony tail niyang buhok. She has some bangs on her forehead na medyo nilalangaw na.

Na-curios ako sa kanya.

Ano kayang nasa isip niya kung bakit ganiyan ang suot niya?

Ano kayang bumabagabag sa isip niya ngayon at umiiyak siya?

Medyo nadistruct lang ako ng kaonti nang tumunog ulit 'yong phone ko. My Dad texted me this:

KID, kapag ako nagalit, wala ka ng allowance. Bumalik ka na sa butterfly garden kundi ako ang hahanap sa'yo.

"Tss," natawa lang ako.

Nagreply ako:

Geh Dad, hanapin mo ako. Tapos kapag nahanap mo ako, bibigyan kita ng 500.

Sent.

"DUDONG..." sabi nung babeng umiiyak pa rin na siyang ikina-distract ko.

"How can I help you Miss? Do you need some water? Food?" tanong ko pero ang sinagot niya lang ay....

"DEMUNYO KA!"

Nabigla ako. Did she just say that I'm a demon? Demun-yo?

"Eto oh," Inabutan ko siya ng pera pero hindi niya tinanggap.

Naawa talaga ako sa kanya kaya ang ginawa ko, kinunan ko na lang siya ng picture para ibigay kay Miss Mafro, 'yong babae na nagma-manage ng foundation ni Dad para matulungan siya.

Habang sinsi-save ko 'yong photo, may nilabas siyang picture mula sa bulsa ng palda niya. Nandun siya sa picture pati ng boyfriend niya yata.

"Dudong..." Iyak pa rin siya ng iyak. And seriously, naawa talaga ako ng sobra. Kaya ang ginawa ko, binilhan ko na lang siya ng pagkain kaso pagbalik ko sa waiting shed ay sumakay na siya ng bus.

"Ba't umalis siya?" tanong ko sa sarili ko.

Umupo na lang ako sa waiting shed at kinain ko na lang 'yong binili kong pancake sabay inum ng choco drink. Wala akong ibang maisip kung saan pa ako pupunta kaya ang ginawa ko, sumakay ako ng taxi at hinabol 'yung bus na sinakyan ng babaen umiiyak dito sa waiting shed kanina.

I found her interesting.

Gusto kong siya i-analyze.

* * *

T H I R D P E R S O N P O V

"What?" pabagsak na tanong ni Mr. Peter Domino Lee nang i-report sa kanya ng head of promotions na si Jerms na hindi talaga nito nakita si Lukrecia Kamulag.

"Sir, wala talagang traces kung saan siya nagpunta. Pero hindi ba sir ang sabi niyo noong huli niyo siyang nakita eh papatalon siya sa isang tulay? Baka naman nagpakatiwakal na si Miss Lukrecia," ani Jerms which is a very good point para sa isang taong may kaonting lead lang kung saan na si Lukrecia ngayon.

"No, no, that can't happen. We need her. She'll be a great loss to our company kapag hindi natin siya nakita," dismayadong sabi ni Mr. Lee.

Hinilot niya ang sentido niya dahil sa stress na naramdaman niya ngayon. Mr. Lee is knows how a company needs a good advertising and promotions. 30% ng succes ng company ang nakasalalay aspetong iyon. Look how companies manage to pay millions of pesos para sa isang 30 seconds advertisements sa mga TV networks. Ganun ka halaga ang advertising at promotion.

"Sir, pati rin ho ba sa advertisements natin eh ilalagay natin si Miss Lukrecia Kamulag. Hindi lang po ba sa packaging?"

"Yes," diretsong sagot ni Mr. Lee habang hinihilot pa rin ang sentido.

"Sir, hindi pa rin daw po bumabalik si Kid sa butterfly garden," ani Marie na saglit na pumasok sa opisina.

Mas lalong nai-stress si Mr. Lee kaya't ang ginawa niya ay tumayo siya sa swivel chair niya at lumabas na ng opisna.

Ang matayog, diretso at makisig na mga paghakbang ni Mr. Lee ay nagpatili sa mga babaeng staff na nadadaanan niya. Habang siya naman ay nakakunot ang noo at tila galit.

"Gosh, he looks so possesive girl. Siya 'yong tipong itatali ka sa kama kapag nag-toot kayo." Umagik-ik ang mga babaeng nadaanan ni Mr. Lee.

"Gosh girl. Ang beefy niya talaga!"

"Ayoko na tuloy ng mga bagets. Gusto ko na 'yung mature gaya niya!"

"Yung tinatali ka sa kama?"

"Oo ganern." At umagiik muli ang mga babae.

Napapikit siya ng mga mata. Bakit ganoon palagi ang tingin ng mga babae sa kanya? Tipong nangtatali sa kama? Ni minsan ay hindi niya pa nagawa iyon.

Hindi nga ba? O nakalimutan lang niya sa dami ng babaeng lumalapit sa kanya?

Nang makarating sa parking area ay nagsuot siya ng black shades.

He drove his Audi and intertwined it on the busy busy road.

Hahanapin niya si Kid at hahanapin niya rin si Miss Lukrecia Kamulag.
* * *

Continue Reading

You'll Also Like

17.3K 1.2K 48
Vlogger Series #2 : The Sculpritz organization aims to help the youth, individuals from the town of Quaranton. They once helped in solving the issue...
955 166 66
Fiona Madeline Munoz is a cheerful, happy-go-lucky girl who had been crushed to her classmate for almost years who named Solomon Kyle Hayes. Kyle has...
1.2M 36.9K 31
(Trope Series # 3) Arielle was contented living her quiet life. She's got a job that pays well, a place to live, eats three times a day, and had frie...
61.1M 944K 65
(Formerly "The Playboy Billionaire's Queen") [WARNING: Please be reminded that this story is NOT YET EDITED. This is the FIRST STORY I've ever writt...