Ang Mutya Ng Section E (Book...

By eatmore2behappy

120M 4.2M 3.7M

**Jay-jay. She's the only girl. They adore her so much. Protect her no matter what. But what if, the girl... More

eatmore2behappy
Chapter 126
Chapter 127
Chapter 128
Chapter 129
Chapter 130
Chapter 131
Chapter 132
Chapter 133
Chapter 134
Chapter 135
Chapter 136
Chapter 137
Chapter 138
Chapter 139
Chapter 140
Chapter 141
Chapter 142
Chapter 143
Chapter 144
Chapter 145
Chapter 146
Chapter 147
Chapter 148
Chapter 149
Chapter 150
Chapter 151
Chapter 152
Chapter 153
Chapter 154
Chapter 155
Chapter 156
Chapter 157
Chapter 158
Chapter 159
Chapter 160
Chapter 161
Chapter 162
Chapter 163
Chapter 164
Chapter 165
Chapter 166
Chapter 167
Chapter 168
Chapter 169
Chapter 170
Chapter 171
Chapter 172
Chapter 173
Chapter 174
Chapter 175
Chapter 176
Chapter 177
Chapter 178
Chapter 179
Chapter 180
Chapter 181
Chapter 182
Chapter 183
Chapter 184
Chapter 185
Chapter 186
Chapter 187
Chapter 188
Chapter 189
Chapter 190
Chapter 191
Chapter 192
Chapter 193
Chapter 194
Chapter 195
Chapter 196
Chapter 197
Chapter 198
Chapter 199
Chapter 200
Chapter 201
Chapter 202
Chapter 203
Chapter 204
Chapter 205
Chapter 206
Chapter 207
Chapter 208
Chapter 209
Chapter 211
Chapter 212
Chapter 213
Chapter 214
Trivia
Cover
Cover II
Chapter 215
Chapter 216
Chapter 217
Cover III
Chapter 218
Chapter 219
Chapter 220
Chapter 221
Chapter 222
Chapter 223
Chapter 224
Chapter 225
Chapter 226
Chapter 227
Chapter 228
Chapter 229
Chapter 230
Chapter 231
Chapter 232
Chapter 233
Chapter 234
Chapter 235
Chapter 236
Chapter 237
Chapter 238
Chapter 239
Chapter 240
Chapter 241
Chapter 242
Chapter 243
Chapter 244
Chapter 245
Chapter 246
Chapter 247
Chapter 248
Chapter 249
Chapter 250
Chapter 251
Chapter 252
Chapter 253
Chapter 254
Cover IV
Chapter 255
Chapter 256
Chapter 257
Chapter 258
Cover V
Cover VI
Chapter 259
Chapter 260
Cover VII
Part Two End
Cover VIII
Cover IX
Cover X

Chapter 210

880K 30.1K 19.5K
By eatmore2behappy

A/N: Oo na! Oo na! Papahabain na po. Okay naba hangang Chapter 1000? Tapos bibigyan ko din ng flashback sila Yuri, Percy at Aries na umaabot ng 20chpters? Hahahahahaha... Sakit yata sa ulo non.

🌽🌽🌽 Yung Chapter 1000. Joke lang yan!

Gang War

Jay-jay's POV

Uwian! Ang pinaka-masaya sa oras ng pag-aaral. Uwian! Uwian!

"Ako na maghahatid kay Jay-jay pauwi." Seryosong sabi ni Percy kay Yuri.

Walang kibong nag-nod lang si Yuri at tumingin sakin na malungkot ang mga mata. Inirapan ko naman sya.

Tinignan ko si Percy na masama ang tingin kay Felix. Ganun din naman ang kapatid nya sa kas. Kanina pa sila ganyan at kulang nalang mag-ispadahan ang mga mata nila.

Mukang mag-aaway pa.

"Sumabay kana samin." Utos ni Percy.

"May lakad kami." Seryosong sagot ni Felix.

"Kung lumpuhin kaya kita para hindi kana makalakad." Banta nya sa kapatid.

"Problema mo ba?!"

"Ayaw mong sumunod sakin!"

"Percy."

Pare-pareho kaming napatingin sa nagsalita na yun. Walang iba kundi ang Hari ng mga Dimunyung Ulupong. Seryoso ang tingin nya kay Percy habang nakapamulsa ang isang kamay at hawak naman ng isa ang bag.

"...Kaya na ni Felix ang sarili nya." Sabi nya at nilagpasan kami.

"Iuwi mo na si Jay-jay. Aalis na kami." Sabi ni Felix kay Percy at umalis na.

Tuluyan na kaming naiwan sa room habang magkakasunod naman silang lahat na naglalakad palabas. Nagkatinginan kami ni Percy.

"Naiisip mo ba naiisip ko?" Tanung nya.

"Hindi. Paki ko naman sa iniisip mo." Sabi ko at agad na nagsalubong ang kilay nya.

"Wala kang saysay kausap no?" Sarcastic na sabi nya sakin.

Oo naman. Ako pa!

Bahagya akong napangiti pero inismidan naman nya ko. Lumakad na sya at sumunod naman ako agad.

"Anu ba iniisip mo?" Tanung ko.

"Susunod ako sa kanila. Ikaw umuwi kana." Sagot nya at mas binilisan pa ang lakad.

Binilisan ko din ang lakad ko para maka-habol sa kanya. "Anu?! Sasama ako!"

"Isa ka pang makulit! Hindi pwede!"

"Basta sasama ako!"

"Hindi nga sinabi pwede!"

"Sasama ako!"

"Kulit neto!"

"Sasama ako!"

Tumigil sya sa paglalakad at inis akong tinignan. "Kulit! Oo na! Oo na!"

Napangiti naman ako at nagpa-una ng maglakad sa kanya. Kala naman nya mananalo sya sakin. Makulit to men!

Sa labas ng school naka-park ang kotse nya. Dahil ako ang nauuna saming dalawa, kinailangan ko pa syang hintayin bago ako maka-sakay.

"Tagal mo naman maglakad!" Inis na sabi ko paglapit nya.

"Wow ha!" Sabi nya habang ginagaya ang boses ni Babalu.

Haha... Bagay sa kanya.

Binuksan nya ang pinto ng kotse at nagpa-una na kong sumakay. Sumunod naman sya at sandaling binuhay ang makina ng sasakyan pero hindi kami agad umandar.

"Hindi pa tayo lalakad?"

"Maglakad ka, mag-ko-kotse ako." Sarkastikong sabi nya kaya buong lakas ko syang sinuntok sa braso.

"ARAY!" malakas na sigaw nya. "...The fvck! What's wrong with you?!"

"Kinakausap ka kasi ng maayos kung anu-anu sinasabi mo dyan!"

Inirapan naman nya ko habang hinihimas ang braso. May ilang minuto pa kaming naghintay bago nya tuluyang paandarin ang kotse.

Mabagal lang ang takbo nya. Handa na sana akong magreklamo sa ginagawa nya pero napatigil ako ng maintindihan ko na. Sinusundan namin ang kotse ng isa sa mga Ulupong at hindi kami pwedeng lumapit ng husto dahil mahuhuli kami.

Tili-tilino talaga tong Percing na to!

Malayo-layo na ang nabyahe namin pero hindi pa rin humuhinto ang sinusundan namin hangang sa bigla nalang lumiko. Sumunod ulit kami.

Wala ng bahay sa paligid. Puro tambak na sirang sasakyan nalang ang nakikita ko. Meron pang parang pinipi at pinagpatong-patong.

'Parts for sale'

'Available Tires'

Hindi ko alam kung anung lugar to pero puro signages ang nakikita ko. Nagbebenta ng parts ng kotse o kaya naman bumubili.

"Anung lugar to?" Tanung ko kay Percy.

"Garage at impound. Dito dinadala yung mga kotseng idi-dispose na."

Tinignan ko ulit yung paligid. Gabundok na bakal at shell ng kotse ang nakikita ko. Dahan-dahan ang andar ni Percy at bigla nalang nyang pinatay ang makina.

Naging tahimik sya habang tinitignan ang paligid. Hindi talaga ako sanay na ganito sya. Sanay ako sa pagiging makulit at korni nya.

Lasingin ko kaya sya?

"Anung gagawin natin? Dito lang talaga tayo?"

Tipid na tango ang ginawa nya. "Marunong kabang mag-drive?"

"H-hindi. Bakit?"

"Nothing."

Weird neto...

Kakaiba tuloy ang pakiramdam ko at para akong kinakabahan. Muka kaming ewan na naghihintay sa loob ng kotse. Narinig kong tumunog ang cellphone ko kaya agad kong kinuha yun.

May dalawang textmessage na dumating. Isa galing kay Yuri at isa galing sa GagongBaliw. Una kong binuksan ang message ni Yuri.

From: Yuri
Message: home already?

Hindi ko sya nireplayan. Binuksan ko naman yung sunod na message.

From: GagongBaliw
Message: i miss you

Napangiwi ako sa nabasa ko. Eto na naman sya. Binura ko nalang ang message nya at nilagay ang cellphone sa bag ko.

"Nagsisimula na sila."

Napatingin ako kay Percy ng sabihin nya yun. Tinignan ko naman yung paligid pero wala naman akong makitang tao o marinig na kahit anong ingay.

"Ha? Wala nama-----aaagghhhh!" Napasigaw ako dahil sa biglang pagbagsak ng malaking tipak ng bato sa hood ng sasakyan. "S-saan galing yan?!"

"Damn it! Gasgas ang kotse ko!" Sigaw ni Percy at ini-start ang makina.

Pinaantras nya ang kotse at niliko sa kung saan bago patayin ang makina at bumaba ng kotse. Ganun din ang ginawa ko at tinignan pa yung gasgas at dent sa hood ng kotse.

"Wag kang lalayo sakin!" Sigaw ni Percy kaya halos tumakbo akong palapit sa kanya.

Mabilis ang bawat hakbang nya at parang merong hinahanap. Pumwesto sya sa likod ng kumpol na patong-patong na kotse. Bahagya syang umupo at sumilip don. Tumabi ako sa kanya at nakisilip din.

Mula sa pwesto namin, kitang-kita namin ang mga kalalakihang nagsusuntukan. May suot na mask yung iba at balot na balot naman yung iba pero meron umagaw ng pansin ko ng husto.

Si Keifer....

Nasa gitna sya at merong kausap na may hawak na baseball bat. Poker face lang ang luko habang mukang galit naman yung kaharap nya. Tinignan ko yung paligid dahil parang sya lang ang nakikita ko.

"Badtrip! Wala sila dito!" Inis na sabi ni Percy.

Mukang si Felix ang hinahanap nya. Totoong wala sila dito. Bigla nalang tumayo si Percy at mabilis na naglakad. Sumunod ako sa kanya.

Parang akong aso nito! Badtrip!

Halos patakbo na ang ginagawa ko dahil sa bilis nyang maglakad. Ang lalaki ng hakbang nya at parang susugod sa laban.

Napahinto kami ng may lalaking naka-mask at ang tumumba sa harap namin. Agad akong hinatak ni Percy at tinago sa likod nya. Sabay pa kaming nag-angat ng tingin. Si Ci-N ang una kong nakita habang patuloy sa pagsipa sa kalaban nya.

"Jay?" Tawag ni David na may hawak pang lalaki sa leeg.

Lumingon si Ci-N samin at agad na ngumiti. Isang malakas na sipa ang binigay nya sa kalaban nya bago tuluyang lumapit samin.

"What the hell are you doing here?!" Iritableng tanung ni David.

"Sali ka sa away? Papanoorin mo kami?" Buong galak na tanung ni Ci-N sakin.

Tinignan ko lang naman sya at si David na hindi pa rin binibitawan ang lalaki sa leeg. Papatayin ba nya yun?

"Si Felix nasan?!" Inis na tanung ni Percy.

Nagtinginan muna si Ci-N at David. Walang nagsalita sakanila pero tumaas ang kamay ni Ci at tumuro ang daliri sa kung saan. Mabilis na tinungo ni Percy ang direksyon na yon at ako naman tong patakbong sumunod sa kanya.

"Ginagalit ako ng lintik na yon." Dinig kong bulong nya.

Parang si Kuya Angelo lang....

Bigla kong naalala yung mga salitang binitawan ko sa kanya. Pakiramdam ko nasaktan ko sya. Pero masisisi nya ba ko? Pagod na pagod na ko kahit wala naman akong ginagawa.

Muli kaming sumuot sa kung saan at napansin ko sa isang sulok si Eren at Kit na binabanatan ng suntok at tadyak ang mga kalaban nila. Hindi naman nalalayo sa pwesto nila si Mayo at Josh na mukang kakatapos lang sa kalaban nila.

Binalik ko ang tingin kay Percy at dun ko lang napansin na malayo na pala sya sakin. Tumakbo ako para masabayan sya. Panay ang linga nya sa paligid.

Si Denzel at Drew ang sunod kong nakita. Bagsak na ang nga kalaban nila at kinakapkapan naman ni Drew ang mga bulsa nila.

"Walang mga dalang wallet! Mga bobo!" Inis na sigaw ni Drew ng makalagpas kami sa kanila.

Nakasalubong naman namin si Eman na dumudugo pa ang kilay. Bahagya pa syang nagulat ng makita kami pero pinili kong wag syang pansinin.

Si Calix naman ay naglalakad sa unahan namin habang may kinakaladkad na lalaking walang malay. Hindi nya kami napansin at tuloy-tuloy lang sa ginagawa.

Yun ang weird sa pakiramdam....

Ilang beses ko na silang nakitang makipag-away. Normal para sakin ang ginagawa nila dahil mga lalaki sila. Lagi nilang ginagawa yun at parang naging daily routine din nila noon.

Pero ngayon, parang ang brutal ng ginagawa nila. Parang mga walang awa sa kalaban nila at hindi nasisiyahan hangat hindi duguan at nahihirapan.

Ngayon ko lang sila nakitang ganito.

Noon, hahayaan na nila kapag bumagsak na pero ngayon parang hindi pa sila nasisiyahan. Kinakabahan ako mula kanina pero ngayon nagsisimula na kong matakot.

Ang sunod kong nakita ang nagpatibay sa takot ko. Si Edrix na kinadena ang kalaban nya sa isang poste at walang tigil nyang sinusuntok. Si Rory na walang tigil sa kakahampas ng kahoy sa dalawang lalaking nagmamaka-awa na sa kanya.

Shit....Bakit?!

Napakapit ako sa braso ni Percy ng hindi ko namamalayan. Mukang hindi naman nya pinansin yun. Patuloy pa rin sya sa paghahanap kay Felix.

Napahinto kami ng may malaglag na lalaki mula sa taas. Tumingala ako para makita kung saan galing yun. Si Blaster na nasa tuktok ng kumpol na bakal at frame ng kotse ang nakita ko.

Lalung humigpit ang hawak ko kay Percy dahilan para harapin nya ko.

"Are you alright?" Tanung nya.

Napalunok ako bago mag-nod sa kanya. Halatang hindi sya naniniwala. Hinawakan nya ang kamay ko at pinisil yun.

"Yung totoo? May nararamdaman ka ba?"

Meron....natatakot ako!

Pakiramdam ko lahat ng pumapasok sa lugar na to nagiging demonyo.

"A-anu lang... Na-ta-tae lang ako." Palusot ko at napangiwi nalang sya.

Ang sarap sampalin ng sarili ko dahil sa sinabi kong yun. Pota! Ang sala-ula lang ng datingan. Hindi ko kasi masabi sa kanya dahil alam kong priority nyang mahanap si Felix.

"Mati-tiis pa ba? May tissue ako sa kotse. Pwede na siguro sa isang sulok dyan." Sabi nya habang tumuturo sa isang bahagi ng naka-tambak na bakal.

Binawi ko ang mga kamay ko at binigyan ng nakaka-diring tingin. Ayos din mag-suggest to eh. Dito pa talaga at kung nakakalimutan nya, babae pa rin ako. Hindi naman pwedeng umupo nalang ako basta sa kung saan.

"Matitiis pa!" Inis na sabi ko at nagpa-una ng maglakad sa kanya.

Pero agad din akong bumalik sa kanya ng makarinig ako na lagabag. Para bang mga bakal na nagkalaglag. Kita ko ang pag-aalala sa muka ni Percy.

Shit! Wag naman sana....

Halos sabay kaming tumakbo at sinundan ang pinang-galingan ng tunog na yon. Nang marating namin yun, puro bakal lang na mukang bumagsak sa mataas na lugar ang nadatnan namin.

Inis na napasuntok si Percy sa hangin. Hindi pa rin nya kasi mahanap si Felix. Napatingin ako sa likod namin ng makarinig ako ng pamilyar na boses.

Yung mga Ulupong.

Mukang halos sunod-sunod silang naglalakad.

"Percy." Tawag ko sabay turo sa dinaanan nila.

Magkasunod kaming naglakad. Pinuntahan din namin yung parehong direksyon na nilakaran ng mga Gago. Napahinto kami ng makita namin si Keifer.

Andun pa rin sya sa parehong pwesto nya kanina. Sa pagkakataon na to yung kaharap nya kanina, nakaluhod habang hawak-hawak nya ang kanang pupulsuhan.

Halatang nasasaktan na yung isa. Walang reaksyong pinalipit ng Gagong Hari ng kamay nung lalaki dahilan para mapasigaw yun ng malakas.

What the....

Natakpan ko nalang ang bibig ko. Ilang beses ng ginawa ni Keifer yun sa harap ko at ganun pa rin ang nagiging reaksyon ko. Napatingin ako sa mga naka-bulagtang tao. Mga walang malay at duguan. Hindi ko alam kung buhay pa rin sila o ano.

Iisipin ko nalang buhay sila kahit parang hindi na.

"FVCK!" Malakas na sigaw ni Keifer kaya napatingin ako sa kanya. "This is not enough!"

"Anung 'not enough'? Keifer... Kalahati na ng mga Gang ang napabagsak natin." Sabi ni Felix habang tinuturo ang mga bagsak sa lupa. "...anu pa bang kulang?"

"Do you think this will make us strong?! Ha?! Do you think this is enough?!" Galit na sagot nya.

Hindi ko maintindihan ang nangyayari. Paki-explain nga author. Ang gulo kasi nung Dimunyung Hari.

(N/A: mahal ka dw nya.)

Tangina! Hindi na totoo yan. Uwian na! Nagkakalokohan na dito.

"Anung gagawin natin? Salihan lahat ng Gang war dito satin?" Iritableng tanung ni Edrix at tinignan sya ng masama nung Hari.

"If that's the only way, then we will." Madiing sabi nya.

"Dinadagdagan mo lang ang ka-away mo! Manghingi ka ng tulong dun sa pinsan ni Jay-jay. Mas marami syang koneksyon." Inis na sabi ni Josh.

"Hindi pwede." Walang buhay na sabi ni Yuri habang naka-cross arm. "...Ilalayo nya si Jay-jay satin kapag nagkataon."

"Edi maganda!" Sigaw ni Drew. "...para masiguro nating ligtas sya."

Sabay na tumingin ng masama si Yuri at Keifer sa kanya. Malaking bahagi ko ang nalito at na-curious sa sinabi nya. Ligtas saan? Bakit pakiramdam ko meron silang gulo na papasukin?

Hindi ko na dapat to iniisip pa. Pero hindi ako mapakali. Para bang nangangati ang utak kong alamin ang gulo nila.

Ipakamot mo! Dali!

Hindi na dapat ako nakiki-alam. Hindi na nga dapat ako sumama dito eh. Kasalanan to ni Percing. Yan tuloy kung anu-anu pumapasok sa isip ko.

"Oh ba't ganyan kayo maka-tingin?!" Inis na tanung ni Drew. "...takot kayong mahiwalay si Jay-jay no?!" Namamanghang tanung nya. "...gagawan nyo ng kalokohan tapos ngayon magkaka-ganyan kayo!"

Mabilis na dinampot ni Yuri ang kwelyo nya. "Shut up, Drew." Madiing sabi nya.

Nakipag-matigasan si Drew sa titigan. Maging ang ibang Ulupong parang na-alarma din at umulingasaw ang tensyon. Kulang nalang lumipad ang kamao nila sa isa't-isa.

Magsuntukan na kayo!

Bigla nalang lumingon sa side namin si Ci-N, ganun din si David at Eman. Silang tatlo lang nung una pero mukang naka-ramdam ang mga Gago at lumingon na rin samin.

Binitiwan ni Yuri si Drew at malungkot na tumingin sakin. Puno naman ng pagtataka ang iba samantalang walang naging ibang reaksyon si Keifer.

"J-jay? K-kanina pa kayo dyan?" Tanung ni Felix habang nagpapalipat-lipat ang tingin nya samin.

Hindi ako makasagot dahil nasa harap ko si Percy at kahit nakatalikod sya sakin ay ramdam ko ang galit nya. Mukang malapit-lapit na rin syang sumabog sa galit.

Mabagal ang bawat hakbang namin habang palapit sa kanila. Kulang nalang dagdag na effect na usok at hardcore na music. Action star lang ang peg.

"Ito ba pinagkaka-abalahan mo?" Mahinahon peros bakas ang diin sa boses ni Percy.

Hindi makasagot si Felix at piniling umiwas ng tingin. Mukang alam ni Percy na wala syang makukuhang sagot sa kapatid kaya si Keifer at Yuri ang hinarap nya.

"Eto ba tinuro nyo sa kapatid ko nung wala ako?!" Galit na tanung nya. "...Tinuruan nyong sumali sa patayan?!"

Nag-tinginan si Yuri at Keifer sa halip na sagutin si Percy. Pareho silang tumalikod at parang lalakad paalis. Ang lakas maka-bastos ng ginawa nila at hindi ko napigilang hindi magsalita.

"Wag nga kayong bastos!" Inis na sigaw ko sa kanila.

Humarap si Yuri sakin matapos huminto, samantalang nanatiling nakatalikod si Keifer samin.

Mas mabuti yan... Mas mabuting hindi kita makaharap.

"Jay----."

Agad na pinutol ni Percy ang sasabihin ni Yuri. "Damn it, Yuri!"

Nagbuntong hininga si Yuri at sandaling yumuko. Bago pa man bumuka ang bibig nya para magsalita, inunahan na sya ng Hari.

"Your brother has his own mind. Turuan man naman sya, nasa sa kanya na kung sasama sya samin." Sabi nya ng hindi humaharap samin.

Lahat ng tingin ay lumipat sa kanya. Kahit ako sa kanya din naka-tingin at sa hindi ko maintindihan na dahilan nakaramdam ako ng kakaiba.

Natatae nga ata ako?

Pero hindi eh! Para bang may nakatingin sakin. Awtomatikong luminga ang paningin ko sa bandang likuran. Wala naman akong makita na kung anong kakaiba.

Pinagpatuloy ko ang pagtingin at saktong pag-ikot ng katawan ko, sa mismong tapat ko ay may lalaking nakatayo. Bahagya akong napa-atras pero huminto din.

Naka-maskara sya ng itim na may tusok-tusok----parang sa porcupine pig. Naka-yukos pero mas mukang kuba, panay ang galaw ng ulo nya habang diretsong naka-tingin sakin dahilan para gumalaw-galaw yung mga tusok-tusok.

Okay... Ang creepy nya.

May hawak syang patalim sa kanang kamay. Napalunok ako ng ilang beses. Sinubukan kong humakbang paatras pero nakita kong hahakbang din sya pasulong sakin. Hininto ko ang balak ko at ganun din sya.

Putik! Kung lilingon ako para tawagin si Percy----na kasalukuyang nakikipag-talo----baka bigla nalang syang sumugod sakin. Bumibilis ang tibok ng puso ko dahil sa takot at nerbyos.

Tangina naman...

Hindi na ko nakagalaw sa kinatatayuan ko. Hindi ko mapigilang hindi manginig. Nakakatakot kasi ang pormahan nya. Idagdag pang mukang ako talaga ang target nya.

Handa na sana akong sumigaw ng malakas pero mukang nakita nya yun at inunahan ako. Sumugod sya sakin habang nakaturo ang patalim sa katawan ko.

"P-PERCY!" Sigaw ko at napa-pikit.

Hinintay ko ang pagtama ng patalim sa katawan ko pero parang wala akong maramdaman. Naka-angat pa ang dalawang braso ko para sana salagin. Unti-unti kong dinilat ang mata ko at don ko nakita ang dahilan.

S-si Keifer.... Na-naman?!

Hawak ng isang kamay nya ang kanang pulso ng lalaki. Samantalang nasa leeg naman ang isang kamay nya. Bahagyang naka-angat sa lupa ang mga paa nito.

"Who the fvck are you?!" Galit na tanung ng Hari sa lalaki.

Naramdaman ko ang pag-akbay sakin ng kung sino. Tinignan ko yun at ang nag-aalalang muka ni Percy ang bumungad sakin. Bahagya akong sumandal sa kanya dahil sa panlalambot ng tuhod.

Binalikan ko ng tingin yung lalaki. Sa halip na sagutin si Keifer, tinawanan lang nya at lalong mainis tong isa. Napalitan ng ungol ang pagtawa nya. Hinigpitan kasi ng Hari ang pagkakahawak sa kanya.

"What the hell do you want?!"

"We... Want... Her... Dead." Pa-udlot-udlot na sabi nung lalaki at tumingin sakin.

We? Hindi lang isa?

"Who?! Who want her dead?!" Galit na tanung nung Hari.

Sa halip na sagutin, tinawanan na naman nya kami. Anu ba to? Baliw? Putik na yan! Dapat yata talaga hindi na ko sumama dito.

Mukang napikon na si Keifer sa kanya. Pinalipit nalang nya ang pupulsahan at nadinig ko pa ang paglagutok ng buto nito. Malakas na hiyaw naman ang sinagot nya kay Keifer.

Pero ang nagpa-ngamba sakin ng husto ay yung sinabi nyang 'we want her dead'. Sino sila? Bakit nila ko gustong mamatay?

Malalim ang naging buntong hininga ko. Mukang alam ko na ang sagot. Tinignan ko ng masama si Keifer. Binitiwan nya yung lalaki at pinanood na mamalipit sa sakit.

"Kasalanan mo to!" Sigaw ko sa kanya. "...Ako na naman ang puntirya nila! Dahil na naman sayo!"

Ngayon naman gusto nila kong mamatay!

"Hahahahahaha!"

Pare-pareho kaming napatingin dun sa lalaking naka-maskara. Hawak-hawak nya ang pulso nya at parang baliw na tumatawa.

"Si Sato, si Jason at si Ram." Tinignan nya si Keifer, Yuri at Ako.

Paking-shit!

Nambintang pa ko, may kasalanan din pala ako. Pero kasalanan parin nya! Kainis! Bwisit kasi! Hindi na nga normal ang buhay tapos ngayon nasa bingit pa ko ng kamatayan.

"Sinong Sato?!" Medyo inis na tanung ni Keifer.

"Keifer." Tawag ni Yuri sa kanya.

Wala syang emosyon habang naka-yuko. Pare-pareho kaming nagtataka nung una pero ng magsalita sya, naging malinaw sakin ang lahat.

"Naka-laban ko sya dati." Sabi nya. "...at mukang binabalikan na nya ko."

Tapos ako na naman... Shutanginamers naman!

Ang gulo! Sobrang gulo nito. Bakit ba kasi ako nagpunta dito?

"Bumalik ka..." Sabi ni Keifer na naka-tingin dun sa lalaking naka-maskara. "...bumalik ka kila Sato, Jason at Ram. Sabihin mong ako ang balikan nila at paghahandaan ko sila."

Halatang nagpipigil sya ng galit at iniiwasang saktan ulit ang lalaki. Dahang-dahang tumatayo ang lalaking naka-maskara at unti-unti naglalakad palayo. Medyo matagal bago sya nawala sa paningin namin.

"Hindi ko alam na ganito ang nangyayari dito." Sabi ni Percy. "...Wala akong choice."

Taka akong nakatingin sa kanya. Isa pa syang nagpipigil ng galit. Tinignan nya si Felix na nagtataka din sa sinasabi nya.

"Sasama kayo sakin pabalik ng New York."








++Don't forget to Vote, Comment and Share. 😉 ++

Fb Page: Ang Mutya ng Section E
Fb Group: Tropa ni eatmore2behappy
Twitter & Instagram: @lareypot

Continue Reading

You'll Also Like

27.4M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...
707K 24.8K 44
Limang taon ng ginugulo ang isip ni Atlas ng isang babae sa kanyang nakaraan. Pilit nyang kinakalimutan ito at tinuon na lang ang pansin sa ibang bab...
24.2M 707K 34
She was kidnapped by the mafia prince, Lander Montenegro, at the age of five. He stole almost half of her life, so it's only fair that he repays her...
112K 5.6K 41
You don't have all the time in the world. Iyon ang totoo. Blessed to have survived her fatal illness and learning more to live with it, Polka tries t...