Paper Stars (Self-Published)

By iamsayaallego

126K 4.1K 536

WATTYS 2018 WINNER The Heroes Category Synopsis: For a lot of people, a name holds the very meaning of a pers... More

Paper Stars
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Wakas
Self-publishing Cover Reveal
Teaser
Self-Published
Books Giveaway
Books Giveaway Winners

Kabanata 30

1.6K 72 15
By iamsayaallego

KABANATA 30





You're too adorable...

Halos tumunganga ako buong magdamag at parang sirang plakang nagpaulit-ulit ang mga katagang iyon sa aking isipan. Kahit na noong nasa lamesa na ako't kumakain ng oats na nilagyan ni Kuya Milo ng gatas, wala pa rin ako sa tamang katinuan.

What did he mean by that? Did he really say that? I remembered how bothered I was knowing how close his body was with mine. Maybe those weren't really the exact words he uttered and my mind was the one who conjured them. Napakislot ako sa naisip. Bakit naman iyon gagawin ng aking isipan? Para saan, di ba? I was only startled to find him inside my room. Yes, that's right. Nagulat lang ako.

"Lady Aya?"

"Ha?"

"Nasa ilong niyo na po iyong kutsara..." May pag-aalala nitong tugon sa akin.

Kaagad ko namang ibinaba ang hawak na kutsara at saka pinunasan ang aking ilong.

"Inamoy ko lang iyong oats," sabi ko na lang, "Did you know that digestion process starts with the sight and smell of food?"

Hindi ito kumibo nang ilang sandali, tila nag-iisip. Pagkatapos ay marahan itong ngumisi.

"May bumabagabag ba sa isipan niyo, Lady Aya?"

Nanlaki ang mga mata ko sa tanong nito. Am I really that obvious?

"H-ha? W-wala naman," I stuttered as I forced myself to continue eating, "Medyo puyat lang kagabi kasi may tinapos pa akong painting," pagdadahilan ko pa.

"Hmm..." Tumango ito sa sinabi ko, "May nakita akong mga isda sa loob ng freezer kanina. Kayo po bang nanghuli 'nun?"

I stopped my spoon halfway as I remembered the note that person left at my table last night.

Nakalimutan mo iyong mga isda mo. Ipinasok ko na sa ref. Malinis na iyon para pwedeng lutuin kahit kailan mo gusto.

Uminit ang magkabila kong pisngi nang maalala iyong huling nakasulat doon.

"Lady Aya?"

"Po?"

"Hindi na naman po kayo nakikinig," sabi nito pagkatapos ay nagbuntong ng hininga, "Tumawag ang Papa niyo habang tulog pa kayo at sabi ay magiging regular na ang pagpapadala nito ng pera."

"Hmmm..." Naririnig ko ang bawat salita niya pero wala akong maintindihan. I've been called cute and tanga in just one notation. Did he really find me cute? Adorable?

"Kaya kung pwede ay huwag niyo ng uulitin ang pumalaot para lang makapanghuli ng isda. Delikado po masyado at baka mapaano kayo roon."

But I've always seen him with different women. Heck, I even saw him do the deed with one of them yesterday!

"Malaki-laki ang ipapadala ng Papa niyo ngayong buwan kaya hindi na po problema ang pagkain."

Pero hindi ba nabanggit nina Nonoy na iyong may malalaking boobs ang type ng taong iyon? I unconsciously felt my flat chest. Sa patag nito, pwede ng pagtaniman ng mga palay!

"U-uh, L-lady Aya?"

But I felt him kiss my forehead last night... and then said 'ayoko na'. What on earth did he mean by that? Was he only playing? Iyon ba iyon?

"Lady Aya? Iyong oats niyo po nasa ilong niyo na naman—"

"Ugh!!! I can't take this anymore! I need to have answers!" Walang pasabi akong tumayo at mabilis na tinungo ang labasan.

"Lady Aya!"

Kinuha ko iyong mountain bike na binili ni Gene para sa akin bago siya umalis. Pagkabukas ko sa gate ay agad akong sumakay doon at saka pinausad.

"Lady Aya, saan po kayo pupunta?"

Nilingon ko ang sumigaw at nakita ang nag-aalalang bulto ni Kuya Milo na suot pa ang dating apron ni Mimi.

"Sa dagat! Maliligo lang saglit!" Sagot kong pasigaw bago pinasibad ang bisekleta.

"Pero Lady Aya, low—" Nilunod lang nang malakas na ihip ng hangin ang huli nitong sinabi.

Ilang sandali lang ay nasa dalampasigan na agad ako. Habol ko pa ang hininga habang tinatanaw ang malayong linya ng dagat.

Damn, low tide pala ngayon!

Ibinaling ko sa direksyon ng lumang pabrika ang aking paningin. Hindi ako sigurado kung gising na ba ang taong iyon. My plan was to take a quick dip in the ocean. Pray that it could give me some courage to go over there and ask him about last night.

Muli kong binalingan iyong dagat. Paano na ito ngayon?

Ayoko na...

I closed my eyes and took a deep breath. When I opened them again, my decision was  made. I grabbed my bike again and drove towards that rusty footbridge.

Tahimik ang buong pabrika kapag ganitong oras ng umaga. Nasa manggahan iyong karamihan at marahil ay inuumpisan na ang kani-kanilang trabaho. I heard some of the boys here had jobs at some shops in town. They might not be high paying but still were decent jobs. And this was all because their leader boosted their skills and knowledge about these things which, in time, boosted their morale and self-confidence.

Their King was truly admirable how he managed to keep them under his influence. No cigarettes. No drugs. Just some occasional beers. And lots of fun! Kaya hindi na ako nagtataka kung bakit ganoon na lang ang respeto nila para sa taong iyon. Nakakaasar ang pagiging bossy kung minsan but he's generally a good guy.

Sure kang good lang?

I paused at my tracks as I let that last thought hung for a moment. Alright! He's a great guy! Sheesh!

Naaasar na ako sa pag-aaway ng sarili kong isipan nang pinihit ko ang knob ng silid nito.

"Ohayou!!! Oh shit!" Kaagad akong napaatras nang makita ko si Reign na nakadapa sa kama at may katabing babaeng hubo't hubad.

My eyes lingered at the girl's humongous chest before they went to the man's unclothed back. Doon ko lang napansin iyong faded dragon tattoo na nakaguhit sa halos buo nitong likuran. I thought I saw some weird marks where the tattoo was drawn over. Lalapitan ko na sana para alamin kung ano iyon nang bigla itong humarap.

"Ian?" He called me, his eyes were still half-closed until he noticed the naked girl beside him, "Fuck!" His eyes widened as he quickly grabbed some sheets to cover her. Nang muli niya akong lingunin, magkahalong takot at pag-aalala ang naroon sa kanyang mga berdeng mata.

Hindi ko mapangalanan ang nararamdaman sa mga oras na iyon. Pakiramdam ko nagsayang lang ako ng panahon at lakas para lang sa wala. My throat constricted as my brain finally processed the scene in front of me.

"Baby? Gising ka na? Gusto mo bang ulitin natin iyong kagabi?"

Napaawang ang bibig ni Reign nang pinulupot noong babae ang mga braso nito sa kanyang baywang. He stared at me, looking so confused than I've ever seen him. He was opening his mouth as if he was about to say something but then decided against it.

I forced the heavy feeling down my throat as I opened my mouth to speak. Pero naunahan niya pa rin ako.

"Ano pang hinihintay mo riyan?!"

Napaigtad ako sa lakas ng pagkakasigaw nito.

"Babe?" Napatingin iyong babae sa nanggigilaiti niyang mukha bago sinundan kung saan nakatingin ang kanyang mga mata.

"Labas na!"

Hindi na ako nag-aksaya pa ng panahon, pinihit ko na ang knob at nagmadaling lumabas. Tila tambol na dumadagundong ang puso ko nang naisara ang pinto.

"Yan?"

Napabalikwas ako nang may tumawag at agad namang napanatag nang makitang si Kulas lang pala iyon.

"Ang aga mo yatang napasyal? May nakalimutan ka pa?"

"H-ha? A-ah, kuan, a-ah... iyong isda!" Nasabi ko na lang sa kawalan ng idadahilan.

"Isda? Hindi ba hinatid na iyon sa inyo ni King kagabi?"

"T-talaga? H-hindi ko namalayan. Maaga kasi akong natulog," sagot ko.

Totoo namang maaga akong natulog kagabi. Hindi ko lang masabing nagising ako sa gitna ng gabi at natagpuan ang hari nilang natutulog sa aking tabi.

"Hmm... ganoon ba?" Nasabi nito habang nangalumbaba, tila may naiisip, "Umalis na rin kasi ako kaagad kagabi pagkaalis ni King. Tingnan ko sa ref niya kung naroroon ba."

Nanlaki ang mga mata ko nang makita itong humakbang patungo sa pintuan ng silid ni Reign. It made sense because the only refrigerator they had here was inside their leader's bedroom.

"No!" Bulalas ko na nagpahinto rito.

Kunot ang noo itong bumaling sa akin. His hand was already on the door knob but then let go of it so he could face me again.

"O, bakit? Hindi ba hinahanap mo iyong mga isda mo?"

"E-e, anong oras pa, o? B-baka tulog pa si Ren. Nakakahiya namang mang-isturbo ng tulog ng dahil lang sa mga isda ko," I managed to say pero sa loob-loob ko, nagsisimula ng maghurumentado ang aking sistema.

"Sus, okay lang iyon! Maaga naman talagang bumabangon si King," he said as he was about to reach for the knob again when the door flew open.

Nanlaki ang mga mata ko nang tumambad sa amin ang half-naked nitong hari. His eyes spelled murder when they found me. He opened his mouth to say something but I raced him to it.

"May nakalimutan pala ako! Babalik na lang ako mamaya!" Sigaw ko at pagkatapos ay walang pasabi akong pumihit at tinakbo ang distansiya ng footbridge. Tsaka lang ako huminto nang narating ko na ang dalampasigan. Nagpang-abot na ang hininga ko galing sa takbong iyon.

See Ayana? You wasted your breath for nothing! Hindi totoo ang mga naganap kagabi. Guniguni mo lang iyon kasi kung anu-anong iniisip mo! Siguro ngayong nakita na nang dalawang mata mo kung ano talaga siya, ititigil mo na itong kahibangan mo.

Parang may bumundol sa dibdib ko nang maalala iyong palabas kanina. I shook my head to shoo those thoughts away.

Bakka! This is nothing but foolishness! Wala kang panahon para rito! Focus on what you must do! Eye on the prize, Aya, eye on the prize!

I took a deep breath to calm myself when I noticed a group of men in white get-up.

"Raise your legs higher!"

"Hai!"

Ganoon na lamang ang gulat ko nang makilala ang ilan sa mga narito.

Nang napadaan sila sa aking harapan, nakita ko pang panandaliang luminga iyong nasa unahan.

Kira. I wanted to call but I knew that was not possible.

"Oh, kitten! Hisashiburi!"

Awtomatiko namang kumunot ang noo ko sa nagsalita. Lalapit pa sana ito sa akin nang nasapak siya gamit ang isang shinai ng kanilang leader.

"Shishou..." reklamo nito sa nangyari.

"Get back in line, Sanada," marahan ngunit kay diin ang bawat salita nito.

"Tss!"

Walang nagawa si Drake kundi ang bumalik sa kanyang dating posisyon. I noticed the slight change in his demeanor. He didn't exude too much evil compared to the last time I fought him. What happened to him?

"See you around, kitten!" Ngumiti pa ito at kumaway sa akin nang bigla na lang siyang itinulak ng lalaking nakasunod sa kanya.

"Move it!" Sigaw nito at panandalian pa akong pinasadahan ng tingin. Walang emosyon ang mga mata nito, malayo sa nakasanayan kong galit at inis.

Kyo.

Pagkatapos noon ay ibinalik na nito ang paningin sa kanyang harapan.

"Anong tinitingin-tingin mo riyan?" Hamon nito kay Drake na kanina pa siya minamata.

"Nan demo nai," sagot lang nito bago tumalikod.

"Continue running. Kira, do the counting," utos ng kanilang master.

"Osu!" Mabilis na sagot nito bago sinimulan ang pagbibilang.

Nagpatuloy sila sa kanilang pagtakbo nang lapitan ako ng kanilang leader.

"Pasensiya na sa abala, Miss. Nag-eensayo kasi ang mga iyon para sa nalalapit na Karatedo tournament," sabi nito.

His tone was formal but there was warmth in it that I couldn't help but smile. Bahagya kong iniling ang aking ulo bilang kasagutan.

"Mag-ingat ka sa pag-uwi," huli nitong sinambit bago umusad para masundan ang kanyang mga estudyante.

"You take care of yourself too, Hans," I whispered as I looked on their retreating backs.

What are you doing thinking about irrelevant things, Ayana? Isn't getting back into the family what you were aiming for all this time? I reminded myself. Enough with these confusion! Get your head straight and focus!

"Ian!"

Napapitlag ako nang may tumawag. Nang aking lingunin, nakita ko ang hinihingal na bulto ng taong tinakbuhan ko kanina. Sinundan pa nito ng tingin ang tinitingnan ko kanina bago kunot ang noong bumaling sa akin.

"Bakit ba ang hilig mong tumakbo? Ang aga mong napadpad doon tapos aalis ka na lang bigla?" Iritadong tanong nito, "Hinahanap mo raw iyong mga isda mo? Hindi mo nakita iyong iniwan kong sulat sa mesa mo? Sabi ko roon nasa ref mo na iyong mga isda," sabi nito na ngayon ay nakapamaywang na.

I could feel my heartbeat rapidly rising as I took in the sight of him: magulo ang buhok, baliktad ang suot na t-shirt, magkasalubong na makakapal na kilay, at naiinis na berdeng mata na lalong pinatingkayad ng papaangat na araw. His presence easily affected my young heart. But my mind was clearer now.

"Ay, ganoon ba? Naku, hindi ko napansin," kamot-batok kong sambit, totally ignoring the small sparks that my heart was igniting as she recalled his sleeping form last night, "Alam mo naman tanga ako kung minsan," sabi ko pa na natatawa.

"Alam ko," pagsang-ayon nito sa huli kong sinabi pero hindi siya natawa.

Sandali kaming binalot ng katahimikan. I was looking at the receding ocean while he kept his eyes on the sands.

This is getting awkward. I should say something.

"Ano—"

"Ah—"

Halos magkasabay naming sabi.

"Ano iyon?" Tanong nito.

"Ah, hindi. Mauna ka na," I insisted.

Tumitig siya sa akin at tila tinatantiya kung ano ang tumatakbo sa aking isipan. Maya't maya pa ay humugot ito nang malalim na hininga.

"Iyong nakita mo kanina," panimula nito habang ibinubulsa ang mga kamay, "Kalimutan mo na iyon. Wala lang iyon."

I gritted my teeth and gulped some air to loosen the tightening of my throat.

"Sus! Alam ko naman iyon! Pasensiya rin at bigla na lang akong pumasok nang walang paalam," masiglang sagot ko sa kanya.

Muli na namang nagkasalubong ang mga kilay nito habang pinagmamasdan ang nakangisi kong anyo.

"Totoo pala iyong sabi-sabi nila," kwento ko pa.

"Ano?" May bakas ng inis nitong tanong nang hindi tinatanggal ang paningin sa akin.

"Talaga palang mahilig ka sa malalaking boobs!" I answered with both of my hands in front of me and air-squeezing some imaginary breasts.

Nanlaki agad ang mga mata nito sa aking ginawa. I witnessed how the color of his face drained and changed into a shade of red.

"Sinong nagsabi niyan?!" Asik nito.

Malutong siyang nagmura habang ginulo-gulo ang sariling buhok. Pagkatapos noon ay ibinalik nito ang asar pa ring mga titig sa akin like I frustrated him so much, "Huwag ka ngang nagpapaniwala agad sa mga naririnig mo! Tsaka sinabi ko ng kalimutan mo na iyon kaya kalimutan mo na iyon!"

"Fine! Kakalimutan ko na! Chill ka nga lang diyan! It's not as if no one in the gang knows what you're doing when you're inside your room with a girl. News flash, King, the whole of Asteria knows!"

"Tama nga. Walang tao ang hindi nakakaalam tungkol sa mga babae ko at sa mga pinaggagawa ko sa kanila sa loob ng silid. Marahil marami ka na ring narinig na mga kwento patungkol dito? I'm a healthy young man after all."

I felt a small pang on my chest when he said that but I quickly shoved that away.

"Darating ang panahon at maiintindihan mo ang mga pinagdadaanan ko bilang lalaki—"

Humalukipkip ako sa huli nitong binanggit.

"Pero sa ngayon, ayokong ma-expose ka sa mga ganoong bagay. Bata ka pa, Yan. Kailangang pag-aaral muna ang atupagin mo."

Umangat ang isang kilay ko sa sinabi nito. Sino siya para pangunahan ako sa pwede at hindi pwede kong gawin?

"E, paano kung may magustuhan ako?" Hamon ko sa kanya.

Kapansin-pansin ang pagkuyom nito sa kanyang panga. Nakipagtagisan pa ito ng paningin sa akin na tila inaalam kung nagbibiro lang ako o hindi.

"Pag-aaral muna, Yan," usal nito matapos ang ilang sandali, "Iyon na lang muna ang gustuhin mo," pinal nitong tugon.

Continue Reading

You'll Also Like

681K 41.5K 51
A world where magic is everything. A world where anything is possible. A world where any creatures exists. And a world without the greatest witch of...
463K 17.4K 43
Kingdom of Tereshle Story #3 [COMPLETED] Shanaya. Queen of the fairies. She doesn't want the crown nor the throne. Para sa kanya, mas nanaisin pa niy...
85.2K 3.5K 55
Adolescence is such a bizarre term for the fourteen-year old Aya. Wielding wooden swords and doing circuit exercises seem easier than doing make-ups...
55.8K 5.5K 35
[ Grimm Series #1] After a string of misfortunes in the mortal world, orphaned Vaniellope Kiuna 'Una' Gomez finds herself surrounded by strange creat...