Ikaw Na. Ikaw Pa Rin. Ikaw La...

By glitteryromantic

4.5K 124 51

Ma-inlove ka pa kaya kung siya ang literal meaning ng KAMALASAN? Pero paano yun? PAREHO NA KAYONG TAKEN. Saya... More

Author's Note
Prologue:
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15

Chapter 10

153 5 3
By glitteryromantic

Para kay chandiejanoras na nagpapasaya sa akin tuwing chinachat niya ako at naghahanap ng UD. Hihi. Thank you! :)

ANG MOTTO KO: READ FIRST BEFORE ANYTHING ELSE.

--------------------------------------------

Chapter 10

Gab's POV

Pasukan na naman oh kay tulin ng araw. Haaay. Kasabay ko pa si ungas. Napag-alaman kasi ng parents namin na nakatira kami sa iisang village. Tatlong bahay ang pagitan namin eh.

Kaya sabi nina Tita Jess isabay na daw niya ako tuwing papasok siya dahil unfortunately, nag-aaral din kami sa iisang university. Kaya from now on daw, hatid-sundo na niya ako.

Nananadya ang tadhana diba? Ang galing talaga.

Tapos eto pa! Lagi na daw kami dapat magkasama! At sabihin daw namin sa mga kaibigan namin at sa mga manliligaw ko na magfiancee na daw kami.

Galing talaga diba? Madami na nga akong kwento kay BFF, andami ko pang mage-gain na haters at kaaway. -______-

"Psst. Hoy." Langyah! Kung hindi bunny ang tawag sa akin, 'Psst' at "Hoy' naman! Naku sasapatusin ko to! Ba't kasi kasabay ko tong naglalakad ngayon.

"Ano?!"

"Init ng ulo mo fiancee!" >////< Anubayan naiinis ako pero namumula ako! Aish!

"Ano ba!"

"Nga pala sabi ng parents natin dapat daw fiancee na ang tawagan natin."

>//////< Sige ako na apple!

"Eh hindi naman fiancee pangalan mo ba't kita tatawagin ng ganun?"

"Eh mag-fiancee na tayo eh!"

"Ayoko! Kadiri tumataas balahibo ko!"

"Eh ako nga din ayoyko pero tinatawag kita ng ganun! Swerte mo po kaya!"

"Jackpot ka naman kung ganito kaganda ang tumawag ng fiancee sayo! Ayoko! Maalibadbaran ka nga!"

"Isusumbong kita kay Papa at Mama!" Jusmiyo. Wala akong nagawa kundi napahawak sa noo ko.

"Tsss. Parang bata. Oo na! Fiancee na kung fiancee!"

"Sasabiihin ko lang naman na susunduin kita mamaya! Wag mo na tawagan driver mo." O////O

"Susunduin.. Tsk. Unang una, may pupuntahan ako mamaya at pangalawa wala akong driver!"

"S-saan ka pupunta?"

"Sasama ka?"

"Oo sana--"

"Di pwede!"

Tapos binilisan ko yung lakad ko kahit na ang dami kong dala! Tapos biglang sumulpot sina..

Russell at Andrew na naman?!

Niyaya na nila si Jacob na pumuntang room, kaso sabi ni "Fiancee" ihahatid daw muna niya ako sa building ko. Inasar-asar pa kami ng mga to! Buti pa tong mga to, cute at "harmless".

Pero sabi ko wag niya na akong ihatid kasi kasabay ko si BFF. Kaya nauna na siya.

Naku panigurado lalapitan na naman ako mamaya nina  Cy-- Ah hindi. Andito na pala sila. -_____- Cynelle at Jaevinne. Argh!

C: "Look who's here?"

J: "The famous flirt."

C: "The genius btch."

J: "The best sl^t."

Me: "Hoy sumusobra na kayo ah! Eh di kayo na ang Smirk Queens! Pwede The Famous lang? The Genius lang? The best lang? Wag na yung flirt? Yun lang yung di totoo eh! Psh."

C: "Denial queen ka rin pala eh!"

J: "Eh sa totoo lang, yung flirt lang naman ang totoo sa mga sinabi namin eh!"

Me: "Hey ano ba! I'm not up for a fight! Pwede ba!"

J: "If you aren't up for a fight, stay away from my Andrew!"

C: "And stay away from my Russell! Ang flirt mo!"

J: "Then we'll just see you around with Jacob?! My God sabit ka ng bayan!"

Me: "My God bakit ganyan ang mentality niyo! Do you even know what you're saying?!"

J: "Of course we do!"

C: "If we see you talking or even staying near our guys--"

Me: "What? What are you gonna do? Huh? Hurt me? Giving nonsense threats eh? Are you afraid Russell and Andrew like me?"

C: "How dare you!"

Sasabunutan na sana ako ni Cynelle pero bigla niya hinawakan yung sides ng eyes niya. Wrinkles! Hahaha! Naglakad na ako nang mabilis palayo sa kanila. Parang lakad na takbo. Basta ang bilis ko.

Yung dalawang babaeng yun, sa pagkakaalam ko mababait yung mga yun eh.

Kasi si Cynelle, classmate siya ng pinsan kong si Nicole Joy sa States. Oo nakita ko na siya before, pero hindi niya ako nakita nun. Program nila nun eh, tapos nanalo si Cynelle sa painting contest. Ang ganda nung artwork niyan!

Tapos si Jaevinne, kaibigan daw ni Cynelle yan sa States. Parang familiar nga siya sa akin eh. Hindi ko lang matandaan kung saan at kung kailan ko siya nakita. Basta she looks so familiar. Siguro pag napuntahan ko ulit yung place kung saan ko siya nakita, baka maalala ko.

Dumeretso na ako sa first subject ko. Room Service! Waaah yung bago yung prof namin! Waaaahh! Ano kaya pangalan nila? Gaganahan ako neto sa subj--

Wow may guwapo sa tapat ng Faculty room! My God gini-greet siya ng bawat student at teacher! Siya kaya yun? Yung bago kong prof? Pero.. Pero.. Masyadong..

Gwapo! At bata! Ampogi kaya! Waaah! Ampogi talaga! Ampogi pogi! Pogi!

"Huy!"

"Ay pogi! Susmiyo BFF papatayin mo ako sa atake sa puso!"

"Eh halos kusutin at punit-punitin mo na yang folder mo ah! Di yan lalaban teh! Patawarin! May kagat-labi ka pa diyan sige lumiyad ka tapos ibirit mo yung kanta ng Eat Bulaga."

"Oo na. Ikaw na mahadera. Daldal neto halika na nga!"

"Oh pumutok na naman butchi mo bakit ba? Sino ba tinitignan mo? Yang mga mata mo akala mo nakuryente na. Nag-s-spark!"

"Gwapo ba naman ang makita ko! Hoy babae may utang kang kwento sa akin! Anyare sa we're-out-on-a-date drama niyo ni Papa Jasper?"

"Hoy ikaw din may utang na kwento sa akin! Anyareh sa we're-out-on-a-date dramaluh niyo ng pamilya mo?"

"Oh halika magbayaran na tayo ng utang!"

"Cutting na!"

"Princess Diana--"

*PAK*

"Aray! Sabi ko Princess Dianne! Di pwede magcutting! May bagong prof! Sayang ang scent niya sisinghutin ko pa!"

"Gaga ka si Carlo ang ganyanin mo!"

T^T

"Oh? Bakit lumungkot ang fez mo?" Papunta na kami ngayon sa building namin. 6th floor. -_____- Sana pumasok naman sa kukote ng director ng school na to ang salitang 'elevator' o kahit 'escalator' man lang.

"Eh kasi.. Hindi na nagpaparamdam si Carlo.."

"Huwat?!?!"

"Si BFF wagas palagi!"

"Bakit? Anong nangyari dun? Wala na ba kayo?"

"Syempre kami pa! Walang official breakup! And I'm not looking forward to that. Ewan dun. Pupuntahan ko nga siya mamaya eh."

"Ganun? Ewan mo na lang? Ganun na lang yun? Ookrayin ko talaga yun! Gusto mo samahan kita?"

"Sige!"

"Gusto mo siopao?" Aww. T^T Kahit kelan talaga, alam ni BFF ang magpapakalma at magpapasaya sa akin. Ang pinakamamahal kong siopao. ^____^ Ganun din siya eh. Si BFF kapag malungkot yan pinapadeliveran ko kaagad ng cheeseburger ng restau namin kahit nasaan siya. ^_____^

"Sus wag na. Bubundatin mo lang ako eh. Okay na ako..." Tapos hinug ko siya. ^___^ Feels so good to have a bestfriend.

Tapos pumunta na kami sa room namin.

"Good morning class. I'm Mr. Lope Salazar and I will be--"

Nikki: "Such accent!"

Whole class: "Hahahahahhahahahahaha!"

Nyaks nakakahiya si classmate! Sumigaw ba naman sa buong class! Pati si Sir Pogi napatigil wahahaha! Kahiya! Ayun napatakbo na lang siya sa CR. Tsk tsk tsk.

"A-ah. Ehem. I'm Lope Salazar and I will be your new professor for your subject Room Service."

Ang pogi ni Sir! Ayun nag-discuss lang siya nang nag-discuss. Lively na lively ang meeting namin! Starstruck talaga kami!

Sumapit ang 3:00pm na bagot na bagot ako sa mga subjects ko! Except sa subject ni Sir Lope syemperz! Pati nga si Ma'am Chloe nastarstruck eh!

Nung dismissal na, nagpunta kami dun sa soccer field ni BFF. Madaming puno dun eh. Kinwento niya sa akin lahat ng nangyari sa date nila ni Jasper, tapos ako kinwento ko sa kanya yung engagement namin ni Jacob. Gulat na gulat nga daw siya eh! Kasi magiging magpinsan daw kami! Kasi sabi ni Jasper pinsan niya daw si Jacob.

Binatukan ko nga.

Tapos eto na naman! Tsk. Andito na naman ang mahahaderang Cynelle at Jaevinne na to. >O< Eh kasi kanina nakasalubong lang naman namin sina Russell at Andrew sa cafeteria. Nagngitian lang naman kami masama ba yun?

(A/N: Diba readers hindi naman? Diba diba?)

Sorry naman sumesegway lang.

C: "Ang flirt niyo talaga noh?"

J: "How many times do we have to tell you to stay away from--"

"Bunny!"

"Ayt? Stay away from bunny? Hahahaha bopols naman yun!" Yung words naman ni BFF dalisay.

Bigla lang namang dumating si "Fiancee". Hingal na hingal. Bakit kaya?

*GASP*

Eh kasi susunduin nga daw pala niya ako! Shiz I forgot!

C & J: "Hi Jacob!"

Nagroll na lang ako ng eyes. Tsk. Buti naman umalis na sila.

"Nan.. Dito.. Ka lang.. Pala.. Haaaaaah.. Haaaaaah.."

"Ah, eh.."

"I O U.. Oo nga.. Vowels yun.. Haaaaah!"

"Eh, teka bakit ka ba nandito? Dismissal niyo na ah. Umuwi ka na."

Tapos hinawakan niya ako sa kamay. Now our hands are intertwined. >////<

"T-teka saan tayo pupunta?"

"Diba sabi ko sayo susunduin kita?" Parang ang lungkot yata ni Jacob?

"May pupuntahan pa kami ni BFF eh."

"Eh di sasamahan! Nga pala BFF e-este Dianne ay ano ba yan! Dianne si Jasper hinahanap ka."

Nyaks namula naman si bessie! Tapos bigla nagring yung phone niya, si Jasper daw! *u* Magkikita na naman tong dalawang to. Harut! Hahaha! Umalis na si BFF, kami na lang ni Jacob dito sa ilalim ng puno.

Teka! Paano yung pupuntahan namin ni BFF?!

Hahabulin ko sana siya kaso malayo na siya. (__ __ ")

"Saan ba yung pupuntahan mo Fiancee?" Ay nakahawak pa pala to sa akin. Aish Jacob ayan ka na naman!

"Ah, kay.. Kay.."

"Ang tanong ko pala dapat ay 'Sino ang pupuntahan mo'."

"Si Carlo."

"Sino naman yun?"

"Kung Fiancee kita, boyfriend ko siya."

Tapos mas lumungkot yung hitsura niya. Bakit kaya?

-------------------------

Ang aga ko nagsulat hehehe. Bilang pasasalamat sa mga taong nakikita ko sa news feed ko na naglalagay ng story ko sa RL nila, at sa mga fans. Salamat po talaga! <3

Ayan pwede na po magvote. PERO! Kung nagustuhan lang po. Okidoki?

Continue Reading