Entasia 2: Sweetest Fantasy

By MsSummerWriter

26.2K 541 23

Entasia Trilogy 2 Fantasy/Romance Para kay Armea, first impression last. Kaya nga nang makita niyang may hini... More

Sweetest Fantasy
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Epilogue

Chapter 9

984 22 4
By MsSummerWriter

Chapter 9

"ANONG hinahanap mo?" tanong ni Kael kay Armea. Kanina pa kasi ito hindi mapakali sa paghahalungkat sa bag nito.
"Hinahanap ko ang hygiene kit ko. May alcohol at bulak ako doon, gagamutin ko 'yang mga sugat mo kasi baka ma-infect."

Napatango na lang si Kael saka napatitig sa dalaga. Nagtataka siya, hindi ba nito narinig ang sinabi niya kanina sa mga lalaking bumastos sa kanila? Sinabi niyang hindi niya hahayaan na masaktan ng mga ito ang babaeng mahal niya. Hindi ba ito magtatanong tungkol doon? O, baka naman binaliwala nito iyon? Hindi sineryoso?

"Nakita ko na!" Tuwang sabi nito saka kinuha na ang alcohol at bulak. Ang bag naman nito ay binalik sa back seat. "Harap ka sa akin," humarap naman si Kael sa dalaga. "Pasensya ka na kung alcohol ang gagamitin ko, for cleansing ko lang sana ito. Medyo maarte kasi ako kaya every kakain ako ay kailangan kong mag-rub ng alcohol sa kamay so, hayon. Teka, bakit ko ba kinukwento ito sa 'yo?" Nakangiting sabi nito saka tumitig sa kanya. "Ngiti ka naman dyan!"

Ngumiti nga siya. "Alam mo, hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring hindi maganda sa 'yo habang kasama ako."

"Kael, okay na ako kaya—O, biglang ang laki ng ngiti mo, ha?"

"Kanina aaminin ko na halos masuka ako dahil sinikmuraan ako ng lalaki kanina, para ngang nanginig ang tuhod ko dahil doon. Alam mo kasi, hindi naman ako sanay na makipagbasag-ulo, huwag ka sana ma-turn off, ha?" Biglang nakaramdam ng pagkabahala si Kael. Baka isipin nito na duwag siya o baka naman ma-dissapoint ito.

"Bakit naman ako matu-turn off? I mean, nakakatuwa nga kasi totoo ka sa sarili mo. Hindi ka tulad ng iba na feeling masyado, alam mo 'yon? 'Yong pinagmamalaki ang sarili. Ikaw, kaya mong aminin ang kahinaan mo. Alam mo ba na mas kahanga-hanga 'yon para sa akin?"

"Talaga?"

"Oo naman!" Nakangiti nitong sabi saka naglagay na ng alcohol sa bulak. "Masakit ito kapag dinampi ko na sa sugat mo pero hihipan ko na lang para mawala agad ang sakit."

"Kanina noong tinawag mo ang pangalan ko, naramdaman ko ang pag-aalala sa boses mo kaya hayon, parang nagkaroon ako ng panibagong lakas para makipagbasagan ng mukha sa mga lalaking iyon."

Napangiti si Armea. "Kumbaga parang energy booster pala ang boses ko, ganoon?"

"Ganoon na nga kaya, thank you."

"You're welcome."

Nakangiting tumango na lang si Kael. Sinimulan na nito ang paggamot sa sugat niya. Inumpisahan nito sa pumutok niyang kilay. Dahan-dahan nitong dinadampian ng bulak na may alcohol ang sugat niya doon, 'yong klase ng pagdampi nito sa kanya ay ingat na ingat, pakiramdam niya ay isa siyang importanteng bagay na iniingatan nito. Bahagya siyang napapalayo dahil sa hapdi ng alcohol pero hinihipan nito agad iyon kaya naman nagdadala iyon ng malamig na pakiramdam sa kanya.

Plus the fact na hinihipan iyon ni Armea... Oh, good Lord! Okay lang sa kanya kung palagi siyang mapapaaway at masusugatan, nandyan naman kasi si Armea para gamutin siya at hipan ang sugat niya. At napakabango ng hangin na nagmumula sa bibig nito, gustong-gusto niya ang amoy. Para ngang gusto niyang mapapikit dahil sa kakaibang sensasyon na ngayon ay nararamdaman niya pero pinipigilan niya ang sarili, gusto niyang makita ang dalaga na ganito kalapit sa kanya.

Naalala niya tuloy ang halik na binigay niya rito. Kailan kaya iyon mauulit? Puwede bang ngayon na? Napalunok na lang siya saka napatitig sa mga labi nito. Halos ay gasinulid ang layo nito mula sa kanya. Noong huling beses na hinalikan niya ito ay nalasahan niya ang strawberry flavor ng gamit nitong lipgloss. Gusto niya ulit malasahan iyon... Ngayon na... Pero baka magalit o masampal na siya nito...

"Mga lokong 'yon, nagkabukol ka tuloy sa may ulo mo. Pero maliit lang naman," sabi nito saka hinaplos ang bukol niya. "Kapag nakarating tayo sa rest house niyo ay lagyan agad natin ng yelo 'yan para humimpis, pati 'tong mga sugat mo para hindi magkulay ube."

"Armea..."

"Hmm?"

"Alam mo ba ang dahilan kaya nakipaghiwalay ako sa dati kong girlfriend doon sa parking lot?"

Napatitig ito sa kanya. Parang nagtataka kung bakit niya kailangan na ungkatin ang bagay na 'yon. Napangiti na lang siya sa nakikitang pagtataka sa mga mata nito.

"Cindy was a jealous type of girl, nagger and obsessed girlfriend. Ang totoo niyan in-assume niya na officially girlfriend ko na siya matapos na... may mangyari sa amin. Well, pareho kasi kaming nalasing noon kaya may nangyari sa amin." Biglang naging defensive ang boses niya. "Gusto ko na itama ang maling akala niya pero tuwang-tuwa na siya at ipinaalam na rin niya sa mga kaibigan at magulang niya na kami na. Hindi ko na iyon naitama kaya hinayaan ko na lang. Pero sa simula pa lang ng relasyon namin ay sinabi ko na ang mga ayaw ko sa babae pero hindi niya sineryoso iyon kaya lahat ng babae na lumalapit sa akin ay inaaway niya, pinagbabantaan at kung ano-ano pa." Tumitig siya sa mga mata nito, inaaninag niya kung nagbago ba ang expression sa mga mata nito pero ganoon pa rin. May pagtataka pa rin ito. Napabuntong-hininga na lang siya. "Nang araw na iyon kaya ako nakipaghiwalay ay dahil sobra na siya. Kahit sa trabaho ko ay sumusunod siya, inaaway niya ang mga babaeng employee ng hotel namin."

"So? Anong gusto mong sabihin ko ngayon?"

"Gusto ko lang na mabago ang impression mo sa akin. Alam ko kasi na iniisip mong masama akong lalaki dahil sinaktan ko si Cindy nang makipaghiwalay ako sa kanya. Hindi ako ganoon, Armea. Maniwala ka sana saka—Aw!" Napaaray na lang siya dahil diniinan nito ang pagdampi ng bulak na alcohol sa kanyang pumutok na labi. "Bakit mo ginawa 'yon?"

"Alam mo, mali ka pa rin. Ayon sa kwento mo, sa simula pa lang hindi mo na siya mahal, 'di ba? Napilitan ka lang dahil naawa ka sa kanya, naipagkalat na niya na kayo, eh. Pero dapat sa simula pa lang ay itinama mo na siya, 'yan tuloy habang naging kayo ay parehas naging miserable ang mga buhay niyo. I mean, alam mo sa sarili mo na hindi mo siya mahal pero pinaasa mo siya."

"Armea..."

"Dapat sinabi mo na agad na walang kayo para hindi na siya umasa noong nagkaroon kayo ng relasyon. Pero tapos na, hindi na kayo, umiyak siya at nasaktan. Pero hindi lang ikaw ang may kasalanan, siya rin. Nag-assume kasi siya, saka pinaniwala niya ang sarili niya na kayo na pero hindi pala. So, parehas lang kayong may kasalanan kaya hindi nag-work out ang so called 'relasyon' niyo."

"Galit ka ba?"

Biglang natawa si Armea. "Bakit naman ako magagalit?"

"So, okay na ba tayo? I mean, nabura na ba ang unang impression mo sa akin?"

"Hindi naman basta-basta mawawala iyon. Pero tulad ng sinabi sa akin ni Lyka noon dapat daw ay hindi ako magtiwala sa kasabihang first impression last dahil first impression never last. Kailangan na makilala mo muna ang isang tao bago mo siya husgahan. So, hayon, ayon na nga sa kwento mo, maniniwala ako. Magkaibigan tayo, 'di ba?"

Napangiti na si Kael at nawala na ang kaba sa kanyang puso. "Thank you, Armea."

"And nakita ko rin pala si Cindy last day sa Glorietta. May ka-kissing scene siya doon sa may parking lot na isang foreigner. Well, atleast may sarili na siyang buhay, 'di ba?"

Ngumiti lang si Kael. Actually, matagal na niyang alam na may bago na itong karelasyon. Ilang sandaling katahimikan ang namayani sa kanila. Mayamaya ay si Kael ang bumasag nang katahimikan na 'yon, may gusto pa rin siyang sabihin sa dalaga, hindi pa rin siya kuntento.

"Armea, narinig mo 'yong sinabi ko kanina, 'di ba? Sabi ko hindi ko hahayaan na saktan ka nila dahil ma—"

"Ay! May band aid din pala ako na dala. Kailangan na—"

"Armea!" Hinawakan na niya ang mukha nito para tumitig ito sa kanyang mga mata. "Sinabi ko kanina na mahal kita kaya hindi ko hahayaan na masaktan ka. Narinig mo 'yon, 'di ba?"

Hindi ito sumagot. Nagbaba ng tingin sa kanya.

"Narinig ko pero alam ko naman na nadulas ka lang, I mean, nabigla kaya mo—"

"Totoo 'yon, totoong mahal kita. Hindi ko alam kung bakit parang binabaliwala mo iyon pero seryoso ako sa nararamdaman ko para sa 'yo."

"Kael..."

"Armea, mahal kita. Simula nang makita kita sa parking lot na 'yon ay nagulo na ang isip ko, mas nadagdagan pa iyon nang marinig ko ang boses mo noong tumawag ako para makipag-set ng meeting. At mas lumalim pa ang naramdaman ko sa 'yo noong hinalikan kita. Isa pa 'yon, hindi ko alam kung bakit parang nakalimutan mo na 'yon pero sana ay hayaan mo ako na ulitin ang halik na 'yon."

Biglang natulala si Armea. Parang hindi makapaniwala sa mga sinasabi niya.

"Armea, please? Let me kiss you once again." Malambing niyang sabi saka hinaplos ang pisngi nito. Inilapit niya ang mukha rito at tinatansya kung papayag ba ito. "Please?" Pakiusap niya ulit.
Napalunok ito pero tumango din bilang sagot. Kaya naman kinuha niya ang pagkakataon na iyon para tuluyan na itong mahalikan. Napangiti na lang siya nang makita niya mismong pumikit ito, tila hinihintay ang mga labi niya. At heto na siya, unti-unti nang lumalapit ang labi niya.

Nang tuluyan nang dumampi ang labi niya rito ay para na siyang nasa ibabaw ng langit. Sa wakas! Naramdaman niya ulit ang ganitong pakiramdam! Handa na sana siyang mas palalimin ang halik na iyon pero kapwa sila natigilan nang biglang may kumatok sa bintana ng kanyang kotse.

Damn! Damn! Parang gusto niyang sapakin ang umistorbo sa kaligayahan niya.

"Señorito Kael! Nandyan po ba kayo?" Patuloy pa rin ito sa pagkatok, pilit silang inaaninag gamit ang dala nitong flashlight pero hindi sila nito makikita dahil makapal ang tinted na salamin ng kanyang kotse.

"N-nandyan na pala ang katiwala niyo. Lumabas na tayo para makasakay na tayo sa dala niyang kotse," sabi ni Armea habang inaayos ang sarili, disoriented dahil sa nangyari kanina. Akma na sana nitong bubuksan ang pinto ng kotse nang hilain niya ito.

"About the kiss, we are not yet over, okay? Ipagpapatuloy natin ito kapag nakarating na tayo sa rest house." Nakangiti niyang sabi. Hindi naman sumagot si Armea, parang nakita pa nga niya sa mga mata nito ang pag-aalinlangan at... ayaw man niya pero nakita niya rin sa mga mata nito ang pagsisisi. No! Hindi ako papayag na maramdaman niya iyon! Kanina ay saglit kong naramdaman ang kagustuhan niya na mahalikan ko, alam ko gusto niya iyon pero may pumipigil lang sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang bagay na pumipigil sa kanya pero hindi ko hahayaan na maging hadlang iyon para mahalin niya ako.

"Kael, kalimutan mo na nangyari ito. Hindi ito tama." May katigasan sa boses na sabi nito.

"Armea—"

"Please, we have to go. Nakakahiya sa katiwala niyo, kanina pa siya sa labas saka kailangan na makapagpahinga ka na. Baka kaya ka nagkakaganyan ay dahil sa pagod at sakit ng katawan."

"What do you—"

"Ipahinga mo na lang 'yang nararamdaman mo at siguradong bukas ay makakalimutan mo na ito." 'Yon lang at lumabas na ito ng sasakyan habang si Kael ay naiwan naman na natitigilan.
Kalimutan? Damn! Anong tingin niya sa akin? Ganoon kadali na makalimot? Na isang sabi lang niya ay makakalimitan ko na ito? Damn! Hindi ako papayag, magiging akin ka Armea. Alam ko, mahal mo rin ako.
_____

NAMAMAHAY si Armea. Malambot ang kamang kinahihigaan niya at halatang bagong laba pa dahil naaamoy pa niya ang ginamit na fabric conditioner. Ngayon ay nasa rest house na siya ni Kael. Hindi na nila naabutan ang lola ng binata dahil tulog na ito, ganoon kasi sa probinsya, maagang natutulog ang mga tao lalo na ang mga may edad na.

Umuulan pa rin labas, mula sa kanyang kuwarto ay naririnig niya ang buhos ng ulan. Mas nakakadagdag din iyon para hindi siya makatulog. Pero ang pinakadahilan para maramdaman niya ito ay dahil sa nangyari kanina sa loob ng kotse. Muli ay pumayag siyang halikan ng binata! Kaya ngayon ay mas lalo itong nagpipilit para makapasok sa kanyang puso.

Kung bakit naman kasi parang na-hypnotize ako ng lalaking 'yon! Oh, good Lord! Hindi puwede ito! Hindi ako puwedeng magkagusto sa kanya!

Pero kahit anong pilit na itago niya itong nararamdaman ay lalabas at lalabas pa rin ang totoo. Unti-unti na siyang nahuhulog kay Kael. Hindi ba at kaya nga niya ginamot ito kanina ay dahil nag-alala siya sa mga sugat nito?

Mariin na lang siyang napapikit saka nagpagulong-gulong sa kama. Ano ba itong nangyayari sa kanya, kung kailan malapit na siyang makarating ng Entasia ay nagugulo naman ang puso at isipan niya.

Lihim na lang siyang napabuntong-hininga. Ilang sandali pa ay biglang nag-vibrate ang cell phone niya, may nag-message sa kanya sa messenger. Nang tingnan niya ay si Kael pala. Binuksan niya ang message nito.

"Tulog ka na?"

Napakurap siya! Nagtatanong ito! Ilang sandali pa ay may message ulit ito.

"Uy! Gising pa siya. Huwag mo naman ako i-seen. Usap tayo, please... 😊"

Napatirik ng mga mata si Armea. Letseng ito! Nautakan ako. Nag-message siya sa akin sa messenger para ma-view niya kung ise-seen ko ang message niya!

"Anyway, thank you pala sa paggamot sa sugat ko. 😍"

"Inaantok na ako 😴," reply niya dito.

"Hey, usap pa tayo." Reply nito pero hindi siya sumgaot. "Sana bukas umaraw na. Gusto kitang ipasyal dito sa lugar namin. Siguradong magugustuhan mo rito." Dagdag pa nito na parang hindi pinansin ang kawalan ng interes niya na makipagkwentuhan dito.

Hindi na niya ito ni-reply-an para magsawa na ito pero sadyang mahaba yata ang pasensya nito. Hindi rin niya binubuksan ang messenger para isipin nito na tulog na siya. Nababasa niya ang messages nito sa notification na nagpa-pop sa screen ng cell phone niya.

"Tulog ka na yata 😞 Sige, good night, Armea. Sweet dreams pala. Sana mapanaginipan mo ako kasi sigurado na mapapanaginipan kita. Kita na lang tayo sa panaginip. I love you 😘"

Biglang nanlaki ang mga mata ni Armea at nabitawan din niya ang kanyang cell phone kaya bumagsak iyon sa kanyang mukha. Oh, shit! He just said I love you! Seryoso na talaga ang lalaking iyon!

Napabangon siya sa kinahihigaan. Kung alam lang niya na mas lalong magugulo ang puso niya ay hindi na sana siya pumayag na sumama kay Kael dito sa Bicol. My God! Sukol na sukol na siya ng binata sa lugar na ito! Kung hindi lang talaga umuulan ngayong gabi ay aalis na siya ngayon din mismo. Pero kung gagawin niya iyon ay nakakahiya sa lola ni Kael, sabi ng binata ay gusto siya nitong makilala.

Napabuntong-hininga na lang siya saka idinayal ang number ni Lyka. Kailangan niya nang kausap para mailabas itong problema niya. Ilang sandali pa ay may sumagot na sa kabilang linya. Inaantok na boses ang bumungad sa kanya, halatang bagong gising at naalimpungatan dahil sa pagtawag niya.

"Lyka! Get up! May ikukuwento ako sa 'yo na mahalagang sobrang importante!"

Biglang natawa ang nasa kabilang linya. "Mahalaga na, importante pa. You sounds so serious, Armea. What is it? Tell me already para makabalik na ako sa beauty rest ko." Narinig pa niyang humikab ito. "Anyway, nakarating na pala kayo sa rest house? Ang lakas ng ulan dito and I'm worried sa inyo kasi baka nasa biyahe pa kayo."

"Yes, pero may nangyari na hindi maganda kanina. May bumastos sa amin na mga lalaki but we're okay."

"Really? Oh, my! Naalala mo ang hula ko sa 'yo noon? Na mag-ingat ka sa maputik na daan dahil may lalaki?"

Napakurap bigla si Armea. Naalala niya ang hula na iyon ni Lyka sa kanya noong isang taon lang. Nagkatotoo nga ang hula nito.

"I remember that. Pero hindi 'yon ang dahilan kaya ako tumawag, its about Kael. Ka-chat ko siya kanina at sinabi niya na mahal niya ako."

"Oh, my God! For real?"

"Yes! For real! My God! Kanina habang nasa kotse kami nagtapat siya na mahal niya ako simula pa daw noong una niya akong nakilala. He even asked me kung puwede niya akong halikan and I said yes then 'yon na. Urgh! Naguguluhan ako! I mean, two weeks from now birthday ko na saka—"

"Naguguluhan ka? Teka, ano ba kasi ang nararamdaman mo para sa kanya?"

Napakurap siya. Ano nga ba ang nararamdaman niya para kay Kael? Mahal din ba niya ito tulad ng nararamdaman nito sa kanya? Pero imposible! Tinatak na niya sa isip na hindi siya magmamahal ng isang tao!

"Huwag kang maging in-denial sa sarili mong nararamdaman, Armea. Ang hirap kaya niyan. Biruin mo, pinapaniwala mo ang sarili mo na wala kang gusto sa kanya kahit ang totoo ay gusto mo na talaga siya? Alam mo ba na kinakalaban mo ang sarili mo? Inuuto mo ang sarili mo, gusto mo ba 'yang ginagawa mo?"

"Eh, kasi..."

"Alam ko ang priority mo, ang makapunta ng Entasia. Isa sa hiniling sa 'yo ng tiyahin mo ay panatilihin mong malinis ang sarili mo. O, eh, ano naman kung may gusto ka sa kanya? Ano naman kung if ever na maging kayo? I mean, kung maging boyfriend mo siya, alangan naman na ibigay mo ang sarili mo, 'di ba? Ano, agad-agad? Isusuko mo agad ang bataan?"

Oo nga ano? Bakit hindi ko naisip iyon? Pero teka! Bakit parang pumapayag naman siya na magkaroon sila ng relasyon ni Kael? My God!

"Alam mo, Armea, mawawala 'yang pagkagulo ng isip mo kapag inamin mo mismo sa sarili mo na may gusto ka sa kanya. And why not give it a try? Tutal malapit ka nang makabalik sa mundo mo, hayaan mo ang sarili mo na maranasan ang magmahal at mahalin ni Kael."

"Pero kung gagawin ko 'yon, iiwan ko rin naman siya kasi..."
"Ano ka ba? Babalik ka pa naman dito, 'yon ang sabi mo, 'di ba? Saka alam naman ni Kael na you have powers, sigurado na kapag nagkwento ka about Entasia ay maiintindihan niya."

"Sa tingin mo, okay lang?"

"Oo naman. Huwag mo nang pahirapan ang sarili mo at sabihin mo na may gusto ka sa kanya. Sigurado na magiging magaan at masaya ang pakiramdam mo."

Napabuntong-hininga si Armea.

"O, sige na. I hope nakatulong ang mga payo ng mahal mong bestfriend. Babye na, Armea. Kailangan makumpleto ang beauty rest ko. Good night! Muah!" Ito na ang unang nagbaba ng telepono.

Habang si Armea ay naiwan namang nag-iisip. May punto si Lyka. Okay lang naman na magkaroon siya ng karelasyon. Hindi naman ibig sabihin na may boyfriend siya ay magiging madumi na siya, 'di ba?

Yes! Tama si Lyka, hindi ko kailangan pigilan ang sarili ko. Hindi ko kailangan itago ang totoong nararamdaman ko. May gusto nga talaga ako sa kanya... Mahal ko rin siya...

Napahugot nang malalim na buntong-hininga si Armea saka biglang ngumiti sa kawalan. Ang sarap pala ng ganito, nawala ang pag-aalala sa puso niya nang inamin niya na may gusto siya kay Kael. Napangiti siya. Bakit ba bigla siyang naging excited na mag-umaga na?

Continue Reading

You'll Also Like

179K 4.6K 32
I have searched in places, I've waited for years, I've taken all the chances, I've cried so many tears, I've seen so many faces, I've hid a lot of fe...
1.8M 180K 204
Online Game# 2: MILAN X DION
117K 2.2K 53
So baby pull me closer in the backseat of your rover That I know you can't afford Bite that tattoo on your shoulder Pull the sheets right off the cor...
67.4K 1.5K 60
It's either nagmahal ka ng maling tao sa tamang panahon o nagmahal ka ng tamang tao sa maling pagkakataon. I loved a wrong person. I'm a prisoner of...