Destiny is my Best friend.

By casesensitive620

26.7K 311 201

This is a story of how Abigail deals with the bullshits of love. More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 9 ; Part 2
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 11 ; Part 2
Chapter 11 ; Part 3
Chapter 12
Chapter 12.2
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 15.2
Chapter 16
Chapter 16.2
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 31.2
Chapter 31.3
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Continuation of Chapter 39.
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 44
The Finale - "Almost"

Chapter 43

363 7 8
By casesensitive620

A/N : Hello guys :)) So here’s the chapter where you get the know the answers from last chapter’s questions… 3rd to the last chapter na to. :D 

VOTE DALI. HAHAHA. Para-paraan eh noh. :))

Anyway, dami ko ng sabi, HAPPY READING :D

 SANA LANG HINDI KAYO MABAGOT KASI SOBRANG HABA PALA NITO FOR A CHAPTER. SORRY GUYS :( HINDI KO KASI NAMAMALAYAN EH. FEELING KO KASI ANG IKLI PALANG TAS ANG HABA NA PALA. BAKA MAWALA YUNG THRILL SA SOBRANG HABA. :( 

———————-

KHRIS

Hindi pa din tumitigil yung ulan. Anong aasahan ko eh kakasimula pa nga lang. Umabot na daw yung baha sa ground floor nitong condo. Buti nalang mataas tong kanila. Kawawa naman yung kotse ko dun. Sana buo pa yung auto ko bukas. Hahaha! Masyado pang malakas yung bagyo kaya hindi din mahihila ng mga taga-talyer yun. Bukas nalang ng umaga, sigurado namang huhupa din yang ulan kahit papano, kahit saglit.

Nakaupo na kami sa dining table nila, habang si Tita Jemma nag hahanda ng Cream of Mushroom soup :) Favorite ko pa! Magkatabi kami ni Deniesse tapos katapat ko naman si Killian at katabi niya yung mom niya.

“Kain na kayo para makatulog na kayo.” sabi ni Tita habang nilalapag yung soup sa table. Nag-paparty party na yung tyan ko, tiba tiba nanaman ako nito :DDD

“Uhm.. Tita Jemma, thank you po pala sa pagpapatuloy niyo sakin dito ah. Di ko naman po sana ginustong maka-abala. Oo nga po pala, sino po yung Kevin na sinabi niyo sakin kanina na kamuka ko? May kapatid po kasi akong Kevin…” sabi ko.

“Exactly, iho. Si Kevin na kapatid mo nga, akala ko lang ikaw siya.”

“Huh? Sure po ba kayong ako yung kapatid nun? Kasi po nasa states si Kuya… Pano niyo po siya makikilala?”

“Best friend ko Kuya mo! Nung first year niya dun sa states, nagkasama kami sa dorm tas ayun, naging magkaibigan kami hanggat sa makuha niya na yung bahay ng pamilya niyo dun…” sabi ni Killian.. Teka. Ang gulo naman! Bestfriend ni Kuya si Killian? Tapos? Pano siya nakilala ni Tita Jemma? Tska bakit sila andito? Tska pano agad nila nalaman na ako yung kapatid ni Kuya?! Haayyss! @___@

“Talaga?! Bestfriend mo si Kuya Kevin? Eh pano mo nalaman na ako yung kapatid niya? I mean, agad agad?”

“Madalas ka niyang nakekwento eh. Tas ang laki ng frame niyo dun sa ulunan ng kama niya. Siguro dala ng pagka-homesick. Tsaka kamukang kamuka mo kuya mo, nung pagkakita ko nga sayo kanina dapat tatawagin kitang Kevin eh kaso naalala ko nasa States nga pala siya..”

“Ang liit naman talaga ng mundo oh… Pinagtagpo pa tayo ng tadhana. Hahaha!” Tita Jemma.

“Eh ikaw po Tita Jemma, pano niyo po ako nasabing ako si Kevin kanina?”

“Di mo ba nakita yung sandamukal na pictures nila ni Killian dyan sa taas ng drawer sa sala? Eh akala ko talaga ikaw. Minsan lang kasi magka-bestfriend tong anak ko kaya sabi ko, parte na din siya ng pamilya. ”

“Ganun po ba. Naguguluhan pa din ako pero nakakatuwa lang. Hahaha! Nga po pala, bakit ka nandito sa Pinas ngayon?” tanong ko kay Killian.

“Bakasyon lang. Babalik na din ako dun sa susunod na linggo. Namimiss na daw ako ni Kevin. Hahaha!”

Nakakatuwa lang ano? Yung pinsan ng girlfriend mo, bestfriend ng kuya mo. Diba masyadong maliit ang mundo kaya kami kami talaga ang kinonekta sa isa’t isa. Nakakamangha ang pasikot-sikot ng buhay, minsan akala mo dadalhin ka nito sa makitid na daan. Yun pala kaya ka lang napunta dun para dumating yung mga taong tutulong sayo para lumawak ulit yung daan. Tulad ni Deniesse. Akala ko, kay Abigail na matatapos ang buhay pag-ibig ko tapos bigla siyang dumating at mas pinaliwanag pa ito. Ang makata ko masyado. :D

Speaking of Deniesse…

Ayon, busy sa paglamon. Hahaha! Para talagang si Gail to…

UGH. I just have to stop comparing her and Gail. ><

“Deniesse… Naintindihan mo ba yung sinabi namin?” tanong ko.

“*Lunok* No… makes my nose bleed and my head ache. Too much tagalog. Mabilis eh. Di ko keri.” sagot niya sabay nagtawanan lang kami. Laughtrip naman to. HAHAHAHA Kung kami namamatay sa pag eenglish niya, siya din pala sa kakatagalog namin. =))))))

Inexplain ni Tita Karla sa kanya yung pinagusapan namin... Tapos sa bawat bagong info na malalaman niya, ito lang yung ichura niya... o.O HAHAHAHA! Comedy eh no. 

"So, Killian and your bro are bestfriends right? I've met Kevin once, waaaaahhh! That's why you looked familiar." sabi niya bago siya tumayo at nilagay yung plato niya sa sink. 

"Tapos ka na agad?" tanong ni Killian kay Den. 

"Yes. Antok na ako. Im going to bed. Are you going to be alright Jo'?" Buhay baboy Deniesse? Hahaha! Pagkakain, tulog?! Eh bakit ang sexy mo parin. Lol. 

"Of course naman. Sweet dreams baby." tapos tumayo ako para ikiss siya sa cheeks at dumerecho na din sa sink para ilagay yung pinagkainan ko.

Tapos umalis na si Den at dumerecho sa kwarto niya. Ako naman, tumulong sa pagligpit. Tumanggi pa nga sila nung una kasi daw bisita ako kaso nagpumilit ako. Ayoko naman maging pabigat. 

Pagkalinis ng lamesa, nagpaalam na din si Tita Jemma at Killian kasi matutulog na din daw sila. Ako na daw bahala. Tapos umupo muna ako sa sala nila at tinignan yung mga pictures ni Killian at ni Kuya. 

Dahil hindi ko makita ng maayos, tumayo pa ako at nung pagkatayo ko, may nahulog na frame na nagmistulang napakalakas na kala mo may pumatay sakin. LolJk... pero malakas kasi talaga since may konting bakal pa yung frame tapos kahoy pa ung sahig nila kaya siguro ganun nalang. Buti nalang hindi nabasag. 

"Miss mo na kuya mo no." narinig kong sabi ni Killian nung paglabas niya ng kwarto niya. 

"Ay, sorry pare. Nagising ba kita?" sabay pulot nung nahulog na frame. Pagtingin ko dun sa picture, like the rest, silang dalawa ni Kuya. Haysss.. Namimiss ko na nga si Kuya, parang ngayon ko lang natanggap. Hahaha! Yun lang kasi talaga ka bonding ko till dumating ang barkada. 

"Hindi naman.. Hindi pa naman ako matutulog. Hinintay ko lang makatulog si Mama." Killian.

"Ha? Bakit naman?"

"Di pa kasi ako inaantok. Papagalitan ako nun pag nagpuyat ako eh. Binebaby kasi ako masyado."

"Haha! Okay lang yan pare. Eh anong gagawin mo?"

"Wala. Mag xbox nalang. Hanggang antukin. Di naman magigising yan si Mama. Mantika matulog yun eh. Hahaha!"

"Loko. Haha! Sige pare, pasok na ko sa kwarto. Salamat ulit ah." tapos ngayon ko lang ibabalik sa lugar yung frame. Tapos nun, naglakad na ko papuntang kwarto. 

"Matutulog ka na pare?" sabi niya. 

"Hindi pa siguro. Hindi pa inaantok eh."

"Tara, laro muna tayo oh." sabay bato niya sakin ng isang controller. 

Umupo ako dun sa single na sofa tas nakita kong racing pala yung lalaruin namin. Gusto ko to. :))) 

Nung una, talo pa ko. Syempre hindi ko pa gamay. Eh siya, mukang memorize na yung kalye eh. Hahaha! Tapos ang ingay ingay na namin dun. Apiran pag nanalo, tapos halakhakan pag nababangga. Para bang ang tagal na naming magkakilala. Lalo ko namiss si Kuya. Ganito din bonding namin eh.  :(

Hanggat sa maglabas siya ng drinks tsaka chips para daw mas enjoy. Tapos sige lang, laro lang. Napunta kami sa basketball, boxing, adventure games at kung ano ano pa tapos natigilan kami nung lumabas yung ibon dun sa coo-coo clock nila.

LUHHH? ALAS TRES NA NG UMAGA?! Bakit di pa din ako inaantok?! Ako ba to?! Parang hindi naman. Anong nangyari sa antuking ako?! 

"Hahaha! Grabe lang ah. Kakatuwa ka ka bond pare. Parehong pareho kayo ni Kebong."

"Syempre! Hahaha!" sabay bato sakin ng unan. Tapos tumayo na siya... 

"Tulog na ko pare. Inaantok na ko eh. Wag mo na ligpitin yan. Ako na bahala jan bukas." sabay pasok na niya sa kwarto niya at nakita kong pinatay na niya yung ilaw sa ilalim ng pinto niyang may siwang. 

Hindi pa din ako inaantok. Waaaahhh!!! Dilat na dilat padin ako. Kaya napag-pasyahan kong iligpit na nga lang tong kalat namin. Nakakahiya naman, nakitulog na lang ako, magkakalat pa ako.  

Inuna ko irolyo yung cord ng controllers tapos nilagay dun sa pinagkuhan ni Killian kanina. Sinunod ko na din yung mga baso tsaka yung pinagkainan. Nung itatapon ko na sana yung chips, nakita ko yung nasa basurahan.

Sting? Diba eto yung nasa commercial na energy drink?! Kaya pala hindi pa ko inaantok at ang taas taas pa ng energy ko! Walang hiya yan si Killian. Hahaha! 

Itatapon ko na sana yung balat ng chips nung biglang humangin ng malakas kaya nilipad. Nasa plato kasi yun. Nagulat ako kung bakit nagka-hangin, pagtingin ko, bumukas yung bintana at dun ako nakaramdam ng chills sa spine. Nangilabot ako dun sa hangin. Ang lakas na pala talaga ng bagyo sa labas. Kainis >_<

Sinirado ko muna yung bintana tas pupulutin ko na sana yung nilipad na bag of chips. So yumuko na ako at pinulot nga kaso di ko maabot. Napadpad kasi sa ilalim ng lamesa kaya inurong ko pa yung mga silya. Nung lulusot na ko para kunin, nag flicker yung lights sa sala. Tapos ayan nanaman yung chills sa spine at parang bigla akong nilamig. Ano ba to. Tapos tuluyan ng nawalan ng kuryente. Condo to, maya-maya siguradong may kuryente na din gawa ng generator. 

Ang dilim. Sobra. Na kahit pumikit ka, o kahit nakadilat ka, walang pinagkaiba. Tapos biglang  kumulog ng sobrang lakas na sinundan ng kidlat na nagbigay ng ilaw sa kinalalagyan ko. 

"Shit." Ano ba naman tong nakikita ko. Gawa gawa nanaman ng imahinasyon ko. Para kasing may tumakbong paa dun sa sight ko tapos may parang bata pang nag giggle... Nakakapangilabot namang kidlat yun. Kung ano ano na tuloy pumapasok sa guni guni ko. Hay. Wala to Khris. Magpaka-lalaki ka. 

A/N - Natatakot na ko actually ngayon habang tinatype ko to. Hahaha! Past 3 AM na kasi tapos ito pa tinatype ko. :P Wala lang, share ko lang. Okay, back to the story. 

Binalewala ko yung nakita ko. Guni guni ko lang yun. Tapos kinapa ko yung chips at nakuha ko na nga. Nung tatayo na sana ako ... 

"Pssst!" Ehh? S-sino yon? 

"Wala yun Khris. Hangin lang yun." bulong ko sa sarili ko sabay tuloy kong pagtayo. 

"Pssst." ayan nanaman eh >< bakit may mumu kasiiii?!?!!?! Nababading nanaman ako tuloy! Buti nalang tulog na si Den kundi, tinawanan na ko nun. 

"PSSTTT!" ang lakas na. Walanghiyang multo ka. Manahimik ka jan!

Tatayo na ko ng tuluyan ng mauntog pa ko sa kanto ng lamesa. Araaaay ko lang.  

Tapos nakarinig ako ng tawa. Ang liit nung boses eh. Basta parang giggle na patago. WAAAHHHHH! Lecheng multo yan, tinawanan pa ko. >< 

Tapos nun, tumayo na ko ng direcho at nilagay sa rubbish bin yung kalat. Pagtalikod ko... 

"WAAAAAAHHHHHHHH!!!!!!!!" >O<

Tapos biglang nagkakuryente.

TANG IRET >_< UTANG NA LOOB!!! MUNTIK PA KONG MAIHI SA SHORTS! TAE KAAAAA!!! 

"Walang hiya kang babae ka! Tinakot mo ko ah!" pano kasi itong si Deniesse biglang sumulpot sa harap ko. Kala ko tuloy kung anong white lady tong kaharap ko. >< Wew. 

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!! You should have seen the mess your face did! HAHAHA! It was priceless. HAHAHAH!!!" Sige go. Tawanan mo ko. Walastik na girlfriend ka. HAHAHA. Oa lang. 

"Ikaw! Ang sama mo. I dont like those jokes ah!" sabay walk out ko. Tapos niligpit pa yung mga natirang kalat sa sala. 

"Uy Jo'! Im just kidding. Uy... Sorry na po." paulit ulit niyang sabi habang sunod siya ng sunod kung saan ako pupunta dahil pabalik balik nga ako sa sala at kusina dahil dun sa pagliligpit. 

"Sorry na nga eh.."

"Jonas.. I regret what I did..."

"Hey, I said I'm sorry... "

Tapos she gave up. 

"You're so mean. Bahala ka na nga diyan. Ang arte kase! I said I was kidding. Scaredy cat. Pssh. Duwag ka pala eh." Aba. Galing mag tagalog kapag galit?! HAHAHA. Tapos nag lakad siyang naka-cross arms papuntang kwarto niya ... 

Then I followed her and gave her a backhug. 

"Joke lang eh." i whispered to her as i buried my face in her hair. 

"Haha! Joke lang din. You're such a scaredy cat!" sabi niya sabay harap sakin tska ako niyakap. Walangya talaga tong si Deniesse. Hahaha!

We stayed like that for mga 10 seconds tapos nag ring bigla yung cellphone ko kaya kumalas na kami... 

Nung sinagot ko ... "Oh, Daniel, bakit?" 

"..."

"Fvck."

---------------------------------

DANIEL 

"Dad, this is not going to work! We have to tell them something else kung hindi, hindi natin makukuha yung pinunta natin dito! Ayoko naman masayang tong pinunta ko dito." sabi ko kay Dad ng halos pasigaw na din. Ayaw niya kasi ako pakinggan eh! Alam kong magwowork yung strategy na naisip ko para makakuha kami ng malaking shares dun sa investors na dinayo pa namin dito kaso ayaw niya maniwala. Kesho daw, ano ba naman daw alam ko. Hindi naman daw kasi kami sigurado at kung nag fail, mawawala yung malaking ininvest namin. 

Pagkatapos nun, lumabas ako ng balcony at  nagpalamig. Hayss. Sana naman kasi pagbalik ko dun sa loob, makinig na siya sakin diba. DIBA GUYS?!

"Daniel Paolo! Get back here, hindi pa tayo tapos mag usap!" sigaw ni Daddy. Bahala ka jan, papalamig muna ako dito. 

Di ko alam na nakatulog na pala ako. Nakahiga kasi ako sa swing dito. Malamig din kasi eh kaya hindi ko namalayan. Ang sama ng panaginip ko, buti nalang panaginip lang yun. Baka hindi ko kayanin. :(

Pagtayo ko, may nakita akong kape sa lamesa dito sa balcony at may sticky note na nakadikit.

"Mag dinner ka nalang sa baba pag ka gising mo. Get ready for the last meeting tomorrow. Prove yourself." - Dad

Haynako! Finally, nakinig ka din sakin mahal kong ama! Inaral kong maigi itong pinaplano kong strategy para sa ikabubuti ng hotel namin. I can't present this in front of him kung alam kong hindi naman papasa, perfectionist si Daddy pagdating sa business. I know what his expectations are.  

Since gutom na din ako, bumaba na ako sa restaurant. Wala si Daddy sa room eh, asan kaya yun? 

Pasakay na sana ako sa elevator ng pagbukas, andun si Daddy. Nung una nag-alangan pa ko kung papasok ako dahil nga sa pagtatalo namin earlier. Pero since lumabas na din naman siya, pumasok na ko at tinapik niya lang ako sa balikat. Bigla akong kinabahan. >< Aish.

--------------------------------------

Kinabukasan, maaga akong nagising. 9 am kasi yung meeting after breakfast. Halos 4 AM palang nung nagising ako... Kinabahan talaga ako sa tapik ni Daddy kagabi. Badtrip. >< 

At saka kasi, BIRTHDAY NI ABIGAIL NGAYON! :D 18 na siya, 19 na ko. _._ 

Happy birthday to you! Happy birthday to you! Happy birthday dear babe ko! Happy birthday to youuuu! :))) HAHAHA. Buang na ako, magkakanta mag isa dito. Syempre sa isip ko lang. Baka magising si ama, sabihin may saltik yung anak niya. Hahaha! Pero may pa-clap clap clap pa ko ng walang sound. HAHAHAHAHA! 

Pagbangon ko, ang lalim pa nung tulog ni Dad sa kabilang kama. Kaya dahan-dahan akong pumunta ng banyo para mag ensayo ng presentation ko mamaya. 

Di ako mapakali, paulit ulit sa pagkakabuhol yung dila ko sa intro ko. Pano ba yan! >< Sa sobrang kaba ko, nagbabad nalang ako sa tub. Hayss.. makapag-relax nga muna. Baka manginig tuhod ko dun mamaya eh. 

Habang nag bububble bath ako, naglalaro din ako ng Temple Run sa iPhone ko. Di talaga ako nagsasawa dito kahit laos na. Hahaha! 

"WAAAHH---" nakakainis! Naputol pa yung sigaw ko since tulog pa nga si Dad. Di tuloy ako makasigaw. Pano kasi, nag slide ako pababa, engot nung runner, tumalon! Tustado tuloy ako! 5 million na yun eh! LECHUGAS! >_< 

Naghanap nalang ako ng ibang pwedeng gawin. Hanap-hanap. Basa-basa ng inbox, tingin tingin ng pictures. Boring naman. _,_ 

Nag decide nalang ako manggambala ng tao. Sino kaya? Di pa kasi nakakauwi yun si Gail eh. 9 AM flight nun paalis ng states kaya di ko sya pwede tawagan. :( Sino nalang kaya?

Si Khristoffer Jonas B. Dela Cruz. :) HAHAHAHA >:))))) 

Edi tinawagan ko na nga ang loko. Makahingi na din ng words of wisdom para sa gagawin ko mamaya. 

"Uy, Daniel, bakit?" sagot niya. 

Tapos ginaya ko yung sa the grudge yung parang shaky na AAAHHH tapos parang nag vivibrate pa. Hahaha! basta yun! Panakot ko kay Ate Danna yun eh >:) 

"Fvck." hahaha, tamang magmura.

"Hahaha! Joke lang pare. Penge namang advice or tips jan oh." tapos ayun, chikahan kami. Blah blah blah... Ang tagal din nun. Tapos pagtapos ni Daniel, tinawagan ko silang lahat. Hahaha! Wala lang, trip ko eh. Buong barkada, pati yung mga kapatid nila. HAHA. Anong trip ko eh no? May kanya-kanya pa silang Mua-mua-chup-chup tska i love you sa dulo. may sapak nanaman ako. HAHAHAHAH! kaya nga yung iba, nabanas eh. Namura pa nga ako ni Nikki eh. Hahaha! Eh anong oras palang kaya... 

... Kaya nga hindi ko namalayan, 7 AM na pala. Pagtingin ko sa paa ko, kulubot na kulubot na. Hahaha! Daig pa paa ng lolo kong patay na :P So ayun, umahon na din ako sa tub at nag bihis na for my presentation. 

Paglabas ko ng CR, kakagising lang ni Daddy. Ewan ko kung bakit pero ang saya ko nung makita ko siya. Tapos niyakap niya ako sabay good morning :) 

Nauna na ko kumain ng breakfast kasi maliligo pa yun. Eh bihis na kaya ako! ... 

Sarap na sarap pa ko dun sa pagkain ko tapos may nakita akong Carbonara na sinerve dun sa kabilang table. Na miss ko tuloy si Abigail. Dont worry, mamaya makikita na kita. :D Yieeee. Naeexcite na talaga ako. Waaahhh!!! 

Pagtapos ko kumain, tinext ko sina Tristan dahil dun sa mga pinapa-pick up ko at tinawagan ko nadin lahat ng kailangan para sa set up ng debut ni Babe mamaya. Sana lang talaga makahabol ako. :( 

Pagkatapos ko mag tooth brush, dumerecho na ako sa Convention Room nitong hotel na tinutuluyan namin. Wala pang tao, maaga pa kasi kaya hinanda ko muna yung mga dapat. Inulit ulit ko yung slideshow para makita kung walang mali. Wala naman. Tapos nag practice din ako ng speech. Aba! Kahit hotel namin ang pinaguusapan, kailangan parin yung best ko no. 

Maya-maya, dumating na din si Daddy. At yung ibang investors. 

Pero may 2 pang kulang, yung mag-asawang koreano na galing pa korea. Na-delay daw yung flight kaya ayun. Mahigit isang oras din na delay yung meeting kaya todo sorry si Daddy eh. 

Mga 11 Am na kami nakapagsimula pag dating nung mga koreano. Hays. Eto na yun. A chance to prove my Dad that I can be trusted. Kaya mo yan Daniel! Fight! 

(After 3 long hours of business talk and whatsoever.. )

"Congratulations Son. You made me so proud!" sabi ni Daddy nung maka-alis na yung mga tao. 

Yes. :))) Nagawa ko! Nakuha namin yung pinakamalaking shares na inoffer nung isang kompanya. Maiimprove na din lalo yung hotel ibig sabihin, madadagdag na yung mga gusto ko sa recreational part ng hotel. Yehhaawww! =)))) 

"Thank you po! Sabi ko sayo trust me with this eh. And thank you, for giving me the chance!" tapos ayun, nag inuman kami sa room for celebration, tinawagan pa namin sina Mommy at Ate sa bahay through skype tas ang saya saya ko. :) Basta ang saya-saya! 

Mga 4 pm na din ngayon kaya nag aayos na ko ng gamit para makauwi na kami at makahabol na ko sa birthday ni gail =))) Excited na ko! Waaaahhh!  

Nauna na si Daddy umuwi. Ako na daw mag finalize ng matters dito. Dala ko kasi koche ko. Dala ng driver niya yung kanya. _,_ Di nalang kami nag isang koche. Haynaku. 

Lalo lang akong natagalan! 

Pasakay na sana ako ng elevator para kunin yung mga naiwan kong gamit sa room ng biglang dumagsa ang mga tao. >< 

Puno lahat ng elevator. As in lahat. >< San naman ako sasakay ngayon! Buset! 

Dun na lang sa dulo. Sabi nila, wag daw sasakay dito kasi tumitigil lagi sa 13th floor. Ewan ko sa inyo! Basta kailangan ko ng makabalik sa room ko now na nasa 15th floor! Suite kasi yung kinuha ni daddy eh. Nako kase namaaan! 

Bago ako pumasok, may babaeng nagtanong sakin na naghihintay sa kabilang elevator. Empleyado ata. 

"Sir, sure kayong jan ka sasakay? Kasi kung ako ang papipiliin, sa stairs nalang ako." 

"You dont care. Im in a rush tas paakyatin mo ko sa stairs? Duh? Were on the 2nd floor. Anong gusto mong abutin ko? Cardiac arrest?!" sagot ko sabay pasok sa elevator. Psh. Badtrip. Paki niya ba? Hayyy. Nako Daniel, kalma. Kalma. Aabot ka. Tiwala lang. 

3...

4...

5...

6... Pssh. Ang bagaaaaal!!! >< 

7..

8..

9..

10..

11..

12..

13.... 

14... See? Nothing happened! :) 

and finally, 15 :) 

*ting*

Agad-agad akong tumakbo palabas ng elevator at dumerecho sa room ko at kinuha lahat ng dapat kunin at sa ibang elevator na sumakay pababa. 

Pagdating ko sa koche ko, nakita kong 5:30 PM na. GANUN NA BA KO KATAGAL?! SHIT. 

6:30 kaya yung debut ni Gail and I have 1 hour to do a 3-hour drive?! Ano ba naman yan ehhh! >< 

Hinga Daniel. Kalma. Kaya mo yan. Kalma... Okay lang ma-late, basta makahabol. Breathe in... Breathe out. Wew. I can do this. Aja! 

-----------------------------------------

ABIGAIL 

"How do I look Ate Yani?" sabi ko nung matapos akong ayusan ni Ate Danna. Naka gown na ako and everything and everything's set na daw. Haysss. Makikita ko na sila. :) Yay! Finally! 18 na ko. Ang tanda ko naaa :( 

"Stunning." sabay nilang sabi ni Nikki na kasama niya din na naghihintay sakin.

----------------------------------------------

HAPPY BIRTHDAY TO ME NGA PALA :D BATIIN NIYO KO DALI! :D 

Kaninang umaga, sobrang excited ko sa mangyayari, 4 am ako nagising. HAHAHA. Wala lang, wala nanaman akong ginawa. Nakatitig sa ceiling. Tapos naisip ko, magpeprepare nalang ako ng breakfast tapos aayain ko yung barkada na dito nalang mag breakfast. :))) Wee :) Makikita ko na sila! :D EXCITED NA KO! :D

Bumaba ako ng kwarto mga 5 AM.. Tapos dumerecho ako sa kusina. Nag thaw out na ko ng hotdogs, ham, tocino at kung ano ano pa. Tapos nag prepare din ako ng pancakes. :) May something kasi na feeling ko mangyayare ngayon araw maliban sa debut celebration ko mamayang gabi. 

Habang hinihintay ko yung niluluto ko na pinabantayan ko muna sa katulong namin, umupo ako sa sala at nagbasa ng kung ano-anong magazine sa ilalaim ng center table. Pagbukas ko nung isang magazine, may nahulog... 

Yung picture namin ni Daniel.. nung nag photobooth kami sa timezone tas kiniss niya ko sa cheeks? 

Bakit nga ba andito to? Alam ko di ko naman dito inipit to. Pano to napadpad dito? o.O  Pinulot ko to tapos sinuri. Maluluma na siya. Ang pangit ko pa oh. Hahaha! Ang laki pala ng inimprove ng mukha ko for the past 3 years. Si Daniel kaya? Ano na kayang ichura niya? .. Malalaman ko din mamaya. :) 

"Good morning. Ano yang hawak mo?" biglang sulpot ni Ate sa likod ko. Sabay pasok ng barkada sa front door. Hahaha! Walang katok katok eh noh. 

"Good morning! Hala, Gail! Ang ganda ganda mo naaaa! Ang sexy mo na!" sabay sabay nilang bati. Yung mga ganung bati. Hahaha! Sabay kanya kanyang hug. Chechebureche. 

"Uy! Patingin ako!" sabay hablot sakin ni Nikki nung picture. Eh usisero silang lahat, pinag-agawan nila yung picture. 

"Uhh-ohh." pagtingin ko sa kanila, nasa sahig na yung punit na picture naming dalawa! ToT as in hating hati kaming dalawa sa gitna eh. Pinaghiwalay talaga! <//3

"Patay kayo kay Gail.. Kakarating na nga lang, binbadtrip niyo pa." bulong ni Derrick na nauna na sa dining table. Dead Hungry eh. Hahaha! 

"Ano ba yan guys.. Ngayon ko na nga lang ulit yan nakita, pinunit niyo pa." sabi ko ng malungkot. Wala naman ako karapatan magalit, di naman nila sinasadya. Nakakalungkot lang. Tapos pinulot ko to sabay dinikit ko ng tape. Ayan, parang buo na ulit. :) 

Umupo na din ako sa dining table tapos sumunod na din sila tapos sabay sabay silang nag sorry. Syempre tinanggap ko naman. :) Sino ba naman ako para hindi sila patawarin diba? 

Habang kumakain, lahat sila nakatingin sakin. Masyado na daw kasi ako nag improve kaya daw hindi nila maalis yung mata nila sakin. Kaso wala si Khris eh. Di daw umuwi kagabi. San naman napadpad yun?! :( 

Kanya-kanya din silang tanong kung ano daw meron sa states, blah blah blah. HAHa! Basta yung mga ganung topic. :) 

Pagkatapos kumain, umuwi na din sila. Aayusin pa daw nila yung event mamaya. Mag relax nalang daw ako. So ayun, humiga nalang ako sa kama ko . 

Pagdating ng 1 PM, naligo na ko. 2 Pm kasi yung usapan daw ni Ate Yani at ate danna sa pag-aayos sakin. Pagdating ko sa hotel, ang daming media. Grabe lang?! Ano ko, artista?! Kumalat na daw kasi sa Pilipinas yung mga ginawa kong photoshoots sa states. GRABE AH. Pero di naman ganun kadami like MADAMI. Pero para sa isang normal na tao tulad ko, ang dami na nun. Mga 5 din ? HAHAHA. 

Pag akyat ko sa suite nila, ang gara! HAHAHA. Tapos ayun, inayusan na niya ako. Kinwentuhan pa nga niya ako tungkol kay Daniel. Na napanalunan daw niya yung business meeting kanina. Blah blah. Hahaha! Namimiss ko lang lalo si Daniel eh. :( 

Habang inaayusan ako dito, nag aayos na din sila sa baba. Wala pang tawag mula kay Deniesse ah. Anyare na kaya dun? 

Natapos pag aayos sakin mga 4:30 PM. Photoshoot naman daw. Ang dami namang alam. -,- 

Nung makalibre ako ng oras, tinawagan ko si Deniesse. 

"Deniesse? Ready ka na?" sabi ko pagkasagot na pagkasagot niya nung call. 

"Sino to?" luhh? lalaki yung sumagot? wrong number yata. so pinatay ko nalang agad. Weird. Alam ko namang kay Den lang yun eh. Baka pinsan niya yung nakasagot. Yung sabi niyang anak ng Aunt Jemma niya ba yun? Ayy  ewan. 

"Gail, shoot na daw." tawag sakin nung assistant nung photographer. So ayun, bumaba na nga ako. 

Pagdating ng 5:30, niretouch ako ni Ate Danna saglit tapos siya naman daw ang mag-aayos. Maghintay nalang daw ako sa escort ko para sabayan ako pag baba sa function room mamaya.Sinong escort naman kaya? 

----------------------------------------------------------

KHRISTOFFER

Nagising ako dahil nag ring yung phone ni Deniesse. Dito na kami nakatulog sa sala kasi inabot kami ng 8 AM kakanuod ng films. 

Ginising ko si Den. Aba! Ang mantika naman matulog nito! Anong oras na ba?! Mag fa-5 PM NA?! Halaa. HAHAHA. Ang tagal na pala naming tulog. 

Sinagot ko yung call. Baka importante kasi eh. 

"Deniesse? Ready ka na ba?" sabi nung babae sa kabilang linya. 

"Sino to?" sagot ko. Kaso biglang binaba. Ehh? Bastos. Pero parang may kaboses siya ah... Sino kaya? ... 

"Jonas..." sabi ni Deniesse. Kung kelan wala na yung call tsaka naman siya nagising. Nyemas >< 

"Gising ka na pala. May tumawag sayo... " 

"Sino?" 

"Ewan ko eh. Babae yung boses. Ready ka na daw ba."

"Ready for?" sabay naming sagot... mga 10 seconds of silence tapos.... 

"YUNG DEBUT!" tapos karipas naming dalawa sa banyo. Siya, sa banyo nung kwarto niya, ako sa banyo nung kwarto ko. 

Pag minamalas nga naman! Birthday na ni Gail ngayon! Happy Birthday! HAHAHA.

Dali-dali akong naligo tapos nagbihis. Oo nga pala, yung debut nga pala. Ano ba naman yan! >< 

Sumilip ako sa bintana nung kwarto ko habang nagbibihis. Buti pa-ambon ambon nalang. Kaso pano ako pupunta dun? YUNG KOCHE KO NGA PALA. Mag jejeep nalang ako. Bahala na. >< 

Pagtapos ko magbihis, agad agad akong lumabas ng kwarto at sakto, kasabay ko na si Deniesse. 

Nakita ko may note sa pintuan, 

"Pare, ayos na yung koche mo. Nasa parking na. Pa-locate mo nalang sa guard. Sabihin mo yung kocheng dala ng mga taga talyer kaninang umaga." - Killian

YOWN! Salamat pare! Bait mo talaga. Tapos dali -dali kaming tumakbo ni Deniesse sa koche ko na agad din tinuro nung guard. Nang makahinga na kami, sabay kaming nagsalita... 

"You look perfect." HAHAHAHA. Eh kasi naman, madaling madali kami. Pareho kaming may pupuntahan na party eh. Ibaba ko nalang daw siya sa may sakayan ng taxi. Dapat kasi ihahatid ko, eh kaso nga late na kami pareho kaya yun... 

Habang nagdadrive, nag memake up siya. Tinry ko dahan-dahanin yung pag dadrive dahil nga nag memake up siya kaso sabi niya, bilisan ko na daw. HAHAHA. Okay, bahala ka jan pag bumaluktot yang kilay mo ah. :P 

Pagbaba ko sa kanya, sa may sakayan ng taxi, kiniss muna niya ko sa cheeks. Ehh :"> 

Tapos bago siya maka-alis, tinignan ko muna yung plate number nung sinakyan niyang taxi sabay tska ako umalis. 

Habang nagdadrive papunta sa hotel nila Daniel, naalala ko lang si Deniesse kanina in her pretty pink dress. Ang cute cute niya kasi. ^^

Pagka-park ko sa UG parking, derecho ako sa function hall kung saan andun na sila Derrick, Zian, Nikki, Erich, Pau, at yung iba pa. Basta andun na yung barkada, nag reready na kasi 15 minutes nalang magsastart na. Puno na yung buong hall. Ang dami ding bisita eh. 

Paakyat na sana ako sa suite. Ako daw kasi mag eescort kay Gail. Yeeeee! Excited na ako makita siya. 

Paglabas ko ng elevator, may isang babaeng naka pink na biglang pumasok sa elevator. 

"Deniesse?!" sbay habol ko ng tingin kaso nakasarado na yung doors eh. Sino ba yun? Kamuka ni Deniesse eh. 

-------------------------------------------

YANI 

"Kuya Jang, pasundo nalang sila sa airport ha?" sabi ko sa driver namin. Excited na ang lahat para sa debut ni Gail. Ang gaganda ng suot nila. Ang ganda nung pagkakayos ng venue, nakakagutom yung mga pagkain, tapos ang ganda nung ginawang light effects nila Derrick na sumasabay sa tugtog. 

Ipapagready ko na sana si Gail kaya umakyat ulit ako sa suite kaso si Deniesse ang dinatnan ko dun. 

"Deniesse? Hey. How are you?sabay nag chikahan kami saglit tapos pinababa ko na siya sa hall. 

Asan ba yun si Gail??!!! Hinanap ko na sa buong suite at buong hotel kaso wala talaga eh. Ano ba yaaan! ASAN KA NA! 

Bumaba ako sa hall at nag apologize sa long wait kasi nga nawawala si Gail.

Asan na ba yung lokaret na yun?! 

-----------------------------

NAWAWALA PA YUNG BIDA. HAHAHAHA! :))) 

Di pa nasagot lahat ng questions mula last chapter eh, sa last 2 chapters niyo pa malalaman. :D 

VOTE AND COMMENTS AND SPREAD --

Next chapter TO 6k READS? :)) 

NOTE: Nag lalagay po ako ng quota para mabigyan po ng time yung thrill para sa next chapters tsaka para ma bigyan din ako ng time para itype pa yung susunod. :) Sana maintindiahn niyo na bilang author, I have my needs. :D 

Continue Reading

You'll Also Like

11.8K 554 21
Bisaya Story
78.9K 2.3K 38
R18+ Mature Content Gay story Don't forget to vote and comment
567 16 2
college na si Michaela ngayon, lahat ng kaklase niya ay may crush o kaya naman ay boy friend.. pero si Michaela parang wala.. kaya nagtanong ang mga...
12.5K 225 14
Four Girls Accidentally Fall In Love With The Gangster ************************************ "Girls" Mabait Mayaman Matalino Maganda Masunget Prangk...
Wattpad App - Unlock exclusive features