Demigoddess - Daughter of Zeus

By erinedipity

851K 33.5K 9.7K

Demigoddess Trilogy - 1/3 ϟ Summary? Oh, I got the lord of the gods as my father and the gods as my half sibl... More

Demigoddess - Daughter of Zeus
i. how i, daughter of zeus became daughter of zeus
ii. dinner with the gods
iii. dani galman, walking lost and found station
iv. sygnó̱mi̱
v. son of hades, how i wish
vi. cy
vii. aphrodite
viii. talkative cy
x. theseus and ariadne
xi. ghost whisperer
xii. son of a royal biatch
xiii. i want you
xiv. aiolos
xv. minor gods
xvi. cherish
xvii. momsy
xviii. ambrosia
xix. immortality
xx. deserving demigod
xxi. edward, bella, jacob
xxii. friends
xxiii. hug
xxiv. lord apollo, her sun and stars
xxv. night
xxvi. cy ellarina, you're no good for me
xxvii. trojan war
xxviii. wine god
xxix. demigod bonding
xxx. no more cy
epilogue

ix. demigods

25.9K 1K 220
By erinedipity

dedic pala sa'yo kasi may nagustuhan ko 'yung "to olympus and back" omfg, thank you x

_________________________________

ix. demigods

Omgs, Popsy naman! Kung kailangan tyaka naman hindi eepal! Pero kapag super duper mega ultra GV na 'yung mga happenings tyaka susulpot! 'Yung totoo Popsy?! Naku, naku feeling ko may ginagawa na namang censored 'yung tatay ko -_______- So kapag may ginagawa siyang censored baliwala na ako? Kahit ako na 'yung mareyp-reyp dito?

TEKA WAIT SAGLIT HOLD ON

Hindi naman ako rereypin ni Cy dito 'di ba? I mean, I know I'm so pretty like omgs pero hindi naman siya rapist 'di ba? Hindi naman siguro niya namana 'yung ugali ng father dear niya 'di ba?

"O-Oy Cy! U-Uso space!" Pagsaway ko sa kanya sabay layo.

Umayos siya ng tayo tyaka ngumiti sa'kin. Lol, ewan ko kung moody talaga siya o sadyang ginagago niya lang talaga ako. Dati ni magsalita, ngumiti o kung ano man eh hindi niya magawa tapos biglang nasingit lang sa topic namin 'yung Goddess Aphrodite na 'yun bigla na siyang naging malanders?! Ano itey?!

"Ganito na lang, ibabalik ko sa'yo 'yung tanong mo." Salita nito sa'kin, "Demigod ka ba?"

Eh? Kani-kanina lang siya 'yung nasa-hot seat tas biglang ako na?! Hongveles namang magturn ng mundong earth! Pero duh syempre sasagutin ko 'yung tanong niya kasi hindi ako tulad niyang duwag! Ako ata si Dani Galman!

"Oo, demigod ako!" Proud na proud kong pagkakasabi. As in sigaw kung sigaw! Ano naman kung marinig nilang lahat? Eh 'yun naman talaga 'yung totoo.

Tyaka as if naman na may maniniwala :3

Simula pagkabata binubunyag ko na sa kanilang anak ako ng isang Greek God pero pinagtatawanan lang nila ako tyaka iniiwasan kasi akala nila maluwag turnilyo ko. Eh mga gago pala sila, kung ayaw nilang maniwala 'di 'wag!

"Sinong magulang mo?" Interesadong pagkakatanong sa'kin ni Cy.

"Zeus!" Proud na proud kong pagkakasabi.

Oy Popsy! Narinig mo 'yon? Proud ako sa'yo! Kaya ples naman gawin mo na rin akong Goddess of Beauty para magkaalaman na kami ni Goddess Aphrodite! Showdown kung showdown!

"Really?" Tamo 'to! Nagtatanong tas ayaw maniwala -_____-

Teka, nasagot ko na 'yung tanong niya! Dapat 'yung akin din sagutin niya! Unfair eh!

"Sagutin mo rin 'yung tanong ko! Demigod ka ba?" Tanong ko ulit sa kanya.

Tapos nagkibit balikat siya sa'kin.

So? 'Yun na 'yun?

"Ewan ko." Sagot niya sa'kin, "Wala namang nagsabi sa'king demigod ako eh." Tyaka na siya nagwalk out.

At naiwan akong tulaley.

Oh my gods.

Sinayang ko ang laway kong nagexplain, nagtanong at sumagot sa kanya! Tapos ang makukuha ko lang eh "EWAN KO"????? Tapos biglang walk out sa akin?!

SERYOSO?!!!!!!!!!!!!!!!!

"O Dani andyan ka lang pala." Eh?

Agad akong napatingin sa may pinto tapos nakita ko 'yung love of my life. Ay charot! Omgs, Apollo forevs :"""> Kahit ano talagang pagkabadtrip ko, makita ko lang siya solb na araw ko. Asdfghjkl, ang pogi-pogi-pogi! Dali-dali naman akong napangiti nang makita ko siya.

"Apollo..." Sambit ko habang nakatunganga sa kanya.

Eeeeek! Ang pogi talaga, taragis! Nanggigigil ako! Gusto ko siyang halik-halikan hanggang sa makagawa kami ng mga bebe!

/insert thunder's roar here/

Popsy, seriously?! Kanino nung kay Cy hindi ka naggaganyan?! Tapos ngayong si Apollo may ganyan na?! Ano, tapos ka na bang makipag-censored?! Enjoy ba?! Nakakainis ha <////3 Kaninang nagmamakaawa akong i-save mo ako in-ignore mo 'yung ganda ko! Tapos ngayon... ngayon...

Huehuehue.

"Tara na?" Biglang sabi sa'kin ni Apollo habang nakangiti.

Aaaaaaaaaaaack! Ano itey, niyayaya na ba niya akong makipagdate?! Magpakasal?! Maghoneymoon?! OMAYGADS! I'm so readyyyyyyy~~

"S-Saan?" Kunwari 'di ko alam na niyayaya niya akong makipagdate. Syempre pakipot effect muna para hindi sabihing super patay na patay, botchang-botcha at  double dead ako sa kanya! Enebe, dapat i-maintain and poise!

"Sa Olympus. Namimiss ka na raw ni Lord Zeus." Nakangiti pa rin siya.

Ako naman napanganga.

wHAT

'Yun lang? Wala kaming ibang pupuntahan na kami lang dalawa? 'Yung kung saan kakain kaming dalawa tapos magsusubuan tapos maghoholding hands tapos magpropropose na siya sa'kin, ganon? Wala talaga? As in? Seryoso?

So sumama na lang ako sa kanya tapos ayun, pagka-snap niya ng fingers niya nasa Olympus na kami. Tapos nakita ko si Popsy na nakaupo sa trono niya. Nung nakita niya ako eh bigla siyang nangiti. Ngumiti na lang din ako para naman hindi siya malungkot :3

Lumapit ako sa kanya.

"Hi Popsy." Matamlay kong pagkakabati.

Nagiba 'yung ngiti niya tapos naging matamlay na rin siya nung narinig niya 'yung pagbati ko sa kanya. Ganyan kami ni Popsy ih. Syempre hindi naman kami parating gaguhan na lang 'no. Pag minsan umaakto rin naman kaming dalawa na parang normal na mag-ama.

Sinenyasan niya akong mas lumapit sa kanya, ginawa ko 'yun tyaka pinaupo niya ako sa may hita niya tas niyakap niya ako.

"Nagtatampo ka ba?" Tanong nito sa'kin.

Hindi naman ako nagtatampo eh. Aaminin ko medyo na-disappoint ako kay Apollo pero ewan. Nalulungkot ako kasi si Cy. Kasi akala ko sa wakas magkakaron na ako ng bff. Akala ko magkakaron na 'ko ng mapagsasabihan ng mga problema ko sa Olympus :3 Pero 'yun pala... letche. Umaasa pa naman ako. Pero malakas talaga ang kutob kong demigod siya. 'Yun nga lang, hindi na ako sigurado ngayon na si Uncle Hades ang ama niya.

"Hindi Popsy. Medyo nalulungkot lang." Sabi ko sa kanya.

"Anong problema?" Tanong nito sa'kin.

"Eh kasi~ tsk! Paano kapag hindi ko nahanap 'yung anak ni Uncle Hades?" Lungkot na lungkot kong pagkakasabi habang nakasandal 'yung ulo ko run sa dibdib ni Popsy, "Natatakot ako, Pops."

Paborito niya akong ginaganito simula pa lang nung bata pa ako. Kapag pinapatulog niya ako ganito ang ginagawa niya sa'kin. Kapag umiiyak ako ganitong paraan din niya 'ko pinapatahan. Ngayon lang ulit kami naging ganito ni Popsy.

"Kung hindi mo talaga mahanap eh 'di wala. Sasamahan na lang kitang magpaliwanag sa kanya."

Tinignan ko siya tapos ngumiti. Ngumiti na rin siya sa'kin.

Omgs.

Ang drama pala namin ni Popsy, pwe! May naalala akong kasalanan niya! Naku, naku, naku!

Dali-dali akong umalis sa pagkakaupo sa hita niya.

"Oy Popsy ikaw ha! May sini-censored ka na naman kanina an--" Biglang tinakpan ni Popsy 'yung bibig ko. Errr! Amoy babae 'yung kamay niya! OMGS, tama ako!

"Shhh, 'wag kang maingay! Baka marinig ni Hera!" Saway nito sa'kin.

Buong lakas kong tinanggal 'yung kamay niya sa bibig ko na amoy pabango ng babae -____-

"SABI KO NAMAN SA'YO 'DI BA, POPSY?! BAKA MAGKA-AIDS KA! USO 'YUN NGAYON, ANO KA BA?!" Sinigawan ko siya dahil sa inis, "TAPOS KANINA KINO-CONTACT KITA NAKAILANG SABI AKO NG SAVE ME SAVE ME PERO WALA LANG SA'YO PERO NUNG SI APOLLO NA 'YUNG KASAMA KO BIGLA KANG NAGPARAMDAM?! POPSY NAMAN EHHHHHHH!"

Magsasalita na sana si Popsy para depensahan ang sarili niya pero biglang may lumabas mula sa hindi ko malamang direksyon pero wala akong paki kasi boses pa lang niya iritang-irita na ulit ako't sirang-sira na ulit ang araw ko.

"Hoy bata, bat ba ang ingay mo? Hindi mo ba alam na nagbi-beauty rest ako?" Agad akong napalingon sa kanya at gigil na gigil ako nang makita ko siya.

Beauty rest, yep. Kilala niyo na kung sino 'yan. Ang poreber bruha sa aking buhay. Nainis ako nang makita ko siya kasi asdfghjkl ano ba! Bakit ba kahit medyo hindi maayos 'yung buhok niya maganda pa rin?! Kahit kakagising niya lang, maganda pa rin siya?! Bakit 'pag ako mukhang mamaw pagkagising sa umaga?! BAKIT SIYA SUPER GANDA PA RIN?!!!!!!!!!

THIS IS UNFAIR OKAY

"Paki ko kung nagbi-beauty rest ka? Akala mo may igaganda ka pa? Wala na, oy! Tanggapin mo nang mas maganda na 'ko sa'yo!" Sabi ko sa kanya sabay belat.

Second time ko nang sasagot sa isang deity. Una 'yung kay Goddess Hera tapos ngayon naman eh itong si Goddess Aphrodite. Hindi ko naman ine-expect na mapapasagot ako huehue, sorry naman daw eh kasi nakalimutan kong last time na sumagot ako sa isang Goddess eh dahil sa takot ko eh naging agila ako :(((((

"Excuse me?" Pagtataray nito sa'kin sabay flip ng hair niya. Huehue, letche ang ganda talaga nung buhok niya! Sana naging buhok na lang siya! "Baka nakakalimutan mo kung sinong kausap mo?"

"Opkors not! Ikaw 'yung Goddess na nadatnan kong nakikipaglampungan kay Lord Ares dun sa CR! T-Tapos--"

"Excuse me?" Bakit ba kanina pa siya excuse me ng excuse me eh ang luwang-luwang ng daan, gago ba siya?! "Tyaka mo na ako kausapin kapag ikaw na ang Goddess of Beauty and Love." Tyaka niya ako inirapan.

Nabaling naman ang tingin niya kay Popsy tapos nangiti siya. Tamo 'tong Popsy na 'to! Kanina pa kami nagsasabong ng isang anak niya rito tapos hindi man lang siya nag-referee -_____-

"Lord Zeus, nais ko po sanang ipaalam sa inyo ang pagbisita ng anak ko rito sa Olympus." Sabi niya kay Popsy sabay ngiti.

HA

HA

HA

May anak siya? Sino na naman kayang ama nun? Sa dami ng lalake niya? Omgs!

"Iharap mo na lang siya sa'kin kapag narito na siya." Sabi ni Popsy sa kanya.

"Salamat po't pinayagan niyo siyang makadalaw rito sa Olympus. Akala ko po kasi ay isang demigod lang ang pwedeng maglabas pasok dito." Nung sinabi niya 'yung word na 'demigod' eh napatingin siya sa'kin tas umirap. Pfft :3

Tumango lang si Popsy sa kanya. Lol, ang boring kasi niyang kausap :3 Parang mas gugustuhin ko pang makinig ng lecture tungkol sa History kesa sa makinig sa kanya.

Sa wakas eh nagpaalam na rin siya tapos umalis sa harapan namin. Napatingin ako kay Popsy tapos nagkibit balikat lang siya.

"May anak siyang demigod?" Tanong ko kay Popsy.

"Halos lahat naman ata kami meron." Sabi lang sa'kin ni Popsy. Halatang bored na siya, "Ang ganda talaga ni Aphrodite. Hindi ko maisip kung ilang lalaki ang nabighani niya sa lupa."

"Oy Popsy! Mas maganda naman ako run 'di ba?! Syempre kasi anak mo 'ko tapos anak ako ni Momsy! Eh maganda rin siya kasi artista siya dati, 'di ba?!" Sabi ko kay Popsy.

Nangiti lang siya sa'kin tapos kinurot 'yung pisngi ko pero hindi masakit.

Pagkalipas ng ilang minuto eh dumating ulit si Goddess Aphrodite tapos ngiting-ngiti ulit siya. Punyeta okay, tigilan mo 'yan ples. Bumababa ang self confidence ko eh :3

"Nais ko po sanang ipakilala sa inyo 'yung anak ko." Nacurious ako.

Anak ng teteng naman! May bago na naman akong kasabong?! So magjo-join forces na sila ng ina niya sa pango-okray sa'kin? Sigurado ako kasing taray din ni Goddess Aphrodite 'yung anak niya :3

Hinihintay kong lumabas 'yung anak tapos bigla kong napansin na lumabas si Cy.

NASA OLYMPUS SI CY????????????

OH MY GODS

Pati ba naman sa Olympus sinusundan niya ako?! Ganito ba talaga ako kaganda?! Omgsssssssss.

Agad ko siyang tinawag, "Cy!"

Napatingin siya sa'kin tapos ngumiti. Eeek~ ang pogi niya. Naka-uniform pa rin kasi siya mwehe~

Biglang nagsalita 'yung nakakairitang Goddess of Beauty, "Lord Zeus, ang anak ko po pala. Si Cyril."

HA

HA

HA

TANGINA

WHAT

Continue Reading

You'll Also Like

5.9M 202K 149
Guillier Academy is not your typical school. Hindi ito gaya ng ordinaryong eskwelahan na nakafocus sa academics and sports but it focus on enhancing...
9.1K 887 21
WARNING: INSPIRED BY THE RIDDLE. Read the disclaimer. Dorothea met this strange guy at her own mother's funeral. She thought that this stranger is a...
62.3K 984 44
"Hindi naman ako 'yong klaseng angel na inaakala mo." - Ayara - Date Started: June 06, 2023 Date Finished: June 23, 2023
283K 9.8K 17
Demigoddess Trilogy - 3/3 ☠ Papa rules the Underworld. The only thing you need to know about that place? No wifi. Yep, worse than hell. I'm a teenag...