ALAALA

By kuulgerta

44.4K 818 231

Isang malaking misteryo ang buhay ni Ferel. Nawalan siya ng alaala at hindi niya alam kung paano niya maibaba... More

Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36

Kabanata 12

1.1K 25 7
By kuulgerta

This is for you MM (MM? feeling close? Hehe..), dahil nainspire mo ako sa ‘Itigil ang Kasal’ in which katatapos ko lang basahin. I’m your fan. Sana Mabasa mo 'to. Sana..

xoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxo

Nagmamadaling lumabas si Ferel sa kubo. Bakit nga ba siya nagmamadali. Katatapos lang niyang maligo. Dali dali siyang nagbihis at heto na nga, naglalakad na siya sa may dalamapasigan. Pupunta siya kina Mamerto. Wala naman silang usapan pero gusto lang niya itong makita.

Pilit niya munang isinantabi ang mga katanungan sa isipan niya ng mga oras na iyon. Magkaibigan sila ni Mamerto kaya natural lang na gusto niya itong makita. Tapos. Wala nang ibang rason.

Malayo layo na rin ang kanyang nalalakad nang may maaninag siyang bulto ng katawan. Si Mamerto! Bigla tuloy siyang napatingin sa suot niyang damit. Isang lumang bestida lang iyon na bulaklakin. Wala naman kasi siyang damit na pagpipilian. Puro luma lang andoon.

“Mamerto!” tawag niya kahit ‘di niya sigurado kung naririnig ba siya nito.

Mukhang narinig naman siya nito. Nakita niya kasi itong kumaway sa kanya. Tumakbo siya. At nakita niyang tumakbo din ito papalapit sa kanya.

Pagkatapos ng nakakahapong takbukan, heto’t magkaharap na sila. Pareho silang humahangos sa pagod.

“Ang bilis mong tumakbo ah,” sabi ni Mamerto na habol pa rin ang paghinga.

“Ikaw din naman. Mas mabilis pa nga yata sa ‘kin e,” tudyo niya sa binata.

May kakaiba na naman siyang pakiramdan ng mga sandaling iyon. Parang sinasabing magkasama na naman sila. At ang saya saya niya. Sana hindi mapansin ni Mamerto na abot tenga ang ngiti niya ng mga sandaling iyon.

“Ang lapad ng pagkakangiti mo ah,” sabi nito.

Hindi niya tinugon ang sinabi nito. Napansin din pala. Hindi niya alam, pero parang nahihiya siya sa sinabi nito kaya iniiwas na lang niya ang mukha para hindi mapansing namula siya.

“At namumula ka pa,” dugtong pa nito.

Naku! Pati ba naman ‘yon. Wala na yata siyang maitatago.

“Halika na,” yakag nito sa kanya.

“Ha? Saan tayo pupunta?”

“Pupunta ka sa ‘min, ‘di ba?

Aba’t, parang may sa manghuhula yata itong kausap niya. Sabagay, saan pa ba siya pwedeng pumunta kundi sa bahay lang nito. Hindi na mahirap hulaan ‘yon.

Wala na siyang nagawa nang biglang hawakan siya nito sa kamay at saka hinila. Naglalakad na sila, pero ang mga mata niya ay nasa pagkakahawak nito sa kamay niya.  At katulad pa rin ng dati, ayon na naman ang kuryenteng nararamdaman niya.

“Teka lang, Mamerto,” pigil niya.

Tumigil sila sa paglalakad. “Bakit?” tanong nito.

“Pwede bang bitiwan mo a-ang k-kamay ko,” sabi niya.

Agad naman itong sumunod sa kanya at nagsimula na silang maglakad ulit. Mabagal lang ang mga hakbang nila.

“Bumalik na ba ang Nanay mo?” pagkaraan ay tanong nito.

“Hindi pa, bakit?

“Wala naman, napansin ko kasi na wala siya sa inyo nitong nakaraang dalawang araw.”

Tumango-tango lang siya. Biglang sumeryoso yata ang aura nito. Bakit kaya? Dahil ba sa sinabi niyang bitiwan siya nito?

“Bilisan mo maglakad, Ferel,” sabi ulit nito.

“A-ah, oo,” tugon niya at agad niyang binilisan ang mga hakbang niya. Ganoon din ang ginawa nito hanggang sa makarating na sila sa kubo na tinitirahan ng binata.

Pagpasok nila sa loob ay may nadatnan silang dalagita na parang inip na inip na sa paghihintay. Pero nang makita sila ay agad itong tumayo at lumapit sa kanila. Muluwag ang pagkakangiti nito na nakatingin sa kanya.

“Ate Ferel,” sabi nito na biglang yumapos sa kanya.

Nagulat siya. “A-ah,k- kumusta,” nasabi na lang niya sa pagkabigla.

Kumalas ito sa pagkakayapos sa kanya. Maganda ang dalagitang nasa harapan niya ngayon. Magkapareho sila ng mga mata ni Mamerto. Mahaba ang buhok nito na nakalugay lang. Hindi pa rin maalis ang ngiti nito sa kanya.

“Huwag kang mag-alala, Ferel, hindi nangangagat yang kapatid ko,” sabi ni Mamerto.

Natawa si Ferel. Nakita niyang bumusangot ang mukha ng kapatid nito. “Anong pangalan mo?” tanong na lang niya.

“Dina,” sagot ng kapatid ni Mamerto na bumalik ang mga ngiti sa labi.

“Sana maging magkaibigan din tayo,” inilahad niya ang kanyang kamay rito.

“Siyempre naman,” masayang sabi nito at inabot ang kamay niya, “Ang ganda mo pala talaga sa malapitan, Ate Ferel,” dagdag nito.

Nanlaki naman ang mga mata niya, “Ako? Maganda?”

“Hindi pa ba nasasabi sa’yo ‘yon ni Kuya?”

Nilingon niya sa Mamerto.

“O, siya, siya, tama na ‘yan,” awat ni Mamerto.

Hindi na rin siya umimik. Sinulyapan niya si Dina nakita niyang nakangiti na naman ito. Nakakatuwa. Parang hindi ito kakakitaan ng kahit anong negatibong bagay sa mukha.

Umupo sila sa may hapag kaininan. Si Dina naman ay naglabas ng saging at tubig at inilagay sa gitna ng mesa.

“Kumain ka muna Ate Ferel,” alok nito.

“Siya lang talaga ang inaalok mo ‘no?” sabi ni Mamerto sa kapatid.

“Kumain ka na ‘di ba?”

Nakatingin lang siya sa magkapatid habang nagdidiskusyon. Nakangiti lang siya. Maya maya pa ay kinain na nilang tatlo ang nakahain. Pagkatapos ay napagdesisyunan nilang magpalipas na lang ng oras sa may dalampasigan.

Para silang mga bata, naglaro sila ng habulan, gumawa ng kastilyong buhangin, at naligo sa dagat. Hanggang sa hindi na nila napansin ang paglipas ng oras. Hapon na pala.

“Paano ‘yan, hapon na pala, uuwi na ako,” paalam ni Ferel sa magkapatid.

“Sige Ate Ferel, ulitin natin ‘to, ha?” masayang wika ni Dina.

“Oo naman,” sabi niyang may ngiti sa mga labi.

“Ihahatid na kita pauwi,” ani Mamerto.

Binalingan niya ito, “Hindi na kita tatanggihan Mamerto.”

“Dapat lang,” ngisi nito “Dina, sabihin mo kay Tatay na inihatid ko lang si Ferel kapag dumating na sila,” baling nito sa kapatid.

Tumango lang si Dina at saka kumaway sa kanila nang magsimula na silang maglakad.

Walang silang imikan habang naglalakad. Basa pareho ang mga damit nila. Pero ang hindi nila namalayan ay magkahawak pala sila ng kamay!

“Isang masayang araw na naman ang idinagdag mo sa alaala ko,” seryosong sabi ng Ferel kay Mamerto pagkaraan ng ilang minutong katahimikan.

“Masaya din ako,” sabi nito. Parehong tuwid lang ang tingin nila sa dinaraanan.

“Bakit naman?” tanong niya.

“Bakit, ikaw lang ba ang may karapatang maging masaya?” biro nito.

Tumawa siya. “Ikaw talaga, puro ka naman biro e.”

Tumingin ito sa kanya. “Ang seryoso mo kasi.”

“Ano namang masama sa pagiging seryoso?”

Humigpit ang pagkakahawak nito sa kamay niya.

Napapitlag siya. Saka tiningnan ang magkahawak nilang kamay. Binawi niya iyon.

Tumawa naman ito, “Kita mo, hindi mo napansin na magkahawak pala tayo ng kamay.”

Umismid siya. Pero hindi dahil sa galit siya. Napahiya na naman kasi siya sa sarili niya. Bakit lahat nalang ng may kinalaman sa pagdadaiti nila ng binata ay parang napapahiya siya? Hindi niya maintindihan.

“Andito na pala tayo sa inyo,” sabi nito sabay tingin sa kubo.

Lumingon din siya. Hindi pa tuluyang dumidilim ng mga oras na iyon.

“Ihahatid kita hanggang sa may pinto,” dagdag nito.

“Sige,” iyon na lang ang nasabi niya at nagsimula na silang maglakad ulit.

Nakarating na sila sa kubo. Nakasunod lang si Mamerto sa kanya. Pagkapasok niya ay may nakita siya na naroon. Si Aling Sylvia. Pero ‘di ba bukas pa dapat ang dating ng Nanay niya?

 At teka, may kasama ito. Babae. Nakaupo lang ito sa isang tabi.

“Lourdes…”

Napalingon siya. Si Mamerto pala ang nagsalita. At parang gulat na gulat ito. Bakit?

Kilala niya ang kasama ni Inay? At tinawag niya itong Lourdes. Sino itong Lourdes na ito? Sunod-sunod na tanong ni Ferel sa sarili.

xoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxxoxoxo

Continue Reading

You'll Also Like

7.5M 381K 89
Ten missing teenagers. One house. One hundred cameras. A strange live broadcast suddenly went viral in all social media websites. What makes it stran...
2.1K 212 36
They were best friends and inseparable. They are always with each other's side and because of that closeness, she fell. She was afraid it might ruin...
56.1M 989K 32
Join Lorelei and Loki as they unravel the threads of mystery, unveil the masks of evil intentions and put together the pieces of the puzzle in their...
82.6M 2.4M 73
Erityian Tribes Series, Book οΌƒ1 || Not your ordinary detective story.