Ako'y Para Sayo Lamang (Compl...

By Gidgetwitty

880K 5.6K 2.6K

When two people are meant for each other, no time is too long, no distance is too far, and no one can ever te... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Announcement to my readers
Chapter 12
Chapter 13 For my 18 years old and below readers (The Honeymoon)
Chapter 13 Adult Version (The Honeymoon)
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Book 2 Chapter 36 (A New Beginning)
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39 (Love & Harmony)
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44 and Epilogue
Deleted Chapter 43 (Writer's Cut)
Announcement/ Raffle Drawing
Announcement for Raffle Drawing
Winner of the Raffle Drawing

Chapter 25

15.6K 119 51
By Gidgetwitty

Chapter 25

   "Bakit wala pa ang Jade na iyan, ang tagal namang mag-grocery," naiinip na sabi ni Fiona sa sarili. "Magtiis ka lang Fiona, malapit mo ng makuha ang lalaking pinakamamahal mo."


   Naalimpungatan si Andy nang mag-ring ang cell phone niya sa tabi ng kama. Hindi niya namalayang nakatalog pala siya agad kanina oras na mahiga siya sa kama.

   "Hello, Andy!" ani Jade.

   "Sweetheart, nasaan ka na?" pinunas niya ang palad sa mata para magising.

   "Nandito pa sa Rustan's Supermarket. Naiwan ko kasi iyong wallet ko  sa bahay, Sweetheart. Papauwiin ko na lang si Mang Karyo para kunin.

   "Huwag na, Jade. Pupuntahan na lang kita  ngayon diyan."

   "Nasa bahay ka na?" nagtataka nitong tanong.

   "Maaga akong umuwi kanina para naman makabawi ako sa iyo," nakangiti nitong sabi.

   "Ay talaga, ang sweet naman ng asawa ko," natutuwang wika ni Jade.

   "Anyway, maupo ka na lang muna diyan. Magbibihis lang ako sandali at aalis na rin ako ngayon din."

   "Sige, ingat ka."

   "Rosa, susunduin ko lang ang Ma'am Jade ninyo. Bahala na kayo dito," sabi ni Andy habang nagmamadaling lumabas papuntang garahe.

   "Opo, Sir."

   Si Andy yata iyong bumaba.

   Nagmamadaling sumilip sa bintana si Fiona para alamin kung si Andy nga ang narinig niyang nagmamadaling umalis. Dulo na lang kotse ang inabutan niya sa bilis ng takbo ng kotse. 

   "Buwisit talaga, napurnada ang plano ko," gigil na gigil na sabi ni Fiona. "Di bale, marami pa namang araw." Wala itong magawa kundi magpalit uli ng damit at saka bumaba.

   "Ma'am Fiona, gusto ba ninyong kumain na?" tanong ni Rosa.

   "Hindi ako nagugutom. Saan pumunta ang Sir mo?" mataray na tanong nito.

   "Susunduin po si Ma'am Jade."

   "Saan daw?" nakasimangot na asik nito.

   "Hindi ko po alam, Ma'am Fiona."

   "You're useless! Boba! Paraan nga diyan, huwag kang ngang haharang-harang diyan sa dadaanan ko," inis na bulyaw nito sa katulong.

   "Sorry po, Ma'am Fiona," nagmamadaling tumalilis ito papuntang kusina.

   "Anong nangyari sa iyo, Rosa? Bakit ka umiiyak diyan?" tanong ni Manang Edith na naglilinis sa kusina.

   "Manang Edith, si Ma'am Fiona po kasi binulyawan ako at ang sabi boba raw ako," sumbong nito sa matandang katulong.

   "Sobra naman iyang babaeng iyan. Akala mo naman siya ang amo natin eh bwusita lang naman siya dito. Si Ma'am Jade nga never ko pang nakitang nagalit sa atin. Napakabait na amo, malumanay pang mag-utos," ani ni Manang Edith.

   "Opo Manang, napakabait ni Ma'am Jade sa ating mga katulong. Never na binulyawan ako," sang-ayon naman ni Inday.

   "Kailan kasi iyan aalis dito sa mansyon," humihikbing sabi ni Rosa.

   "Ewan natin, mukhang plano na yatang dito tumira. At saka hindi ba ninyo nahahalata, mabait lang iyan pagnandito si Sir Andy," bulong ni Inday.

   "Napansin ko nga rin," sabi naman ni Rosa.

   "Ay naku, bumalik na kayo sa mga trabaho ninyo at baka marinig pa tayo ng bruhang Fiona na iyan," utos ni Manang Edith.

   Nang makabayad si Andy sa cashier ay tinawag nito si Mang Karyo para ipauwi ang mga pinamili ni Jade.   

   "Mang Karyo, pakiuwi na lang ng mga grocery. May pupuntahan lang kami ng Ma'am Jade mo."

   "Opo Sir," magalang na sagot nito.

   "Ito nga pala ang pera. Kumain ka muna bago ka umuwi sa bahay." Inabot nito ang 1,000 pesos sa matanda.

   "Saan tayo pupunta?" nagtatakang tanong ni Jade.

   "Kakain tayo tapos manonood tayo ng sine," nakangiti nitong sagot.

   "Plano ko sanang magluto para sa iyo."

   "Mag-relax muna tayo today. Saan mo gustong kumain, Sweetheart?"

   "Kahit saan na lang. Sigurado namang masarap ang kakainin natin dahil kasama kita," malambing niyang wika.

   "Mrs. Wu, mukhang gusto ko ang lambing mo ngayon ha," masayang sabi ni Andy.

   "Sweetheart, malambing naman ako talaga," sabi ni Jade sabay yakap sa beywang ng asawa.

   "Hmmm, kaunti," natatawang biro ni Andy.

    Kinurot ni Jade ang asawa sa tagiliran.

   "Aray, masakit iyon!"

   "Ikaw kasi parati mo kong inaasar," nakaismid na sabi ni Jade.

   "Sorry na. Tara kumain na tayo bago magalit pati si baby," yaya nito sabay akbay sa asawa.

   Dinala siya ni Andy sa isang Italian restaurant na kilala sa masarap na seafood pasta at puntahan ng mga kilalang personalities sa Pilipinas.

   "Ang sarap naman, sobrang nabusog ako dito sa pasta."

   "Happy na ba ang dalawa kong babies? Jade, gusto mo ng chocolate cake for dessert?"

   "Ayaw ko na, Andy. Baka sa busog ay hindi ako patulugin nitong anak mo," tanggi niya.

   "Oh my what a small world! Nagkita na naman tayo, Andy. The most elusive and handsome young billionaire of the Philippines," anang pamilyar na boses ng babae.

   "Hi Brenna!" matabang na bati ni Andy.

   "Jade, right? Andy's wife?" baling nito kay Jade.

   Tumango lang si Jade.

   "Naninigurado lang na ikaw nga ang asawa ni Andy baka magkamali," malisyoso nitong sabi. "Sigurado kasing madaming naghahabol sa asawa mo dahil gwapo at alam mo na ang mga lalaki...."

   "Excuse me, Brenna. If you don't mind, I really want to have a quiet dinner with my wife," mahinahong sabi ni Andy kahit mababanaag sa mga mata nito ang ang galit.

   "Oh, so sorry to intrude. I'll be on my way. Andy, it was a pleasure meeting you again," nagulat pa silang mag-asawa nang bigla nitong hinalikan si Andy sa pisngi.

   "Till we meet again, Andy" bulong nito sa tainga ng lalaki.

   "Bantayan mo ang asawa mo Jade baka mawala pa," nakangisi nitong sabi saka tumalikod at tuluyan ng umalis.

   "Sobra naman iyang babaeng iyon, Andy," naiinis na wika ni Jade.

   "Huwag mo ng pansinin iyon, Sweetheart."

   "Nakakainis kasi! Sigurado ka ba wala kang babae, Andy?" nakasimangot na niyang reklamo.

   "Sweetheart naman!

   Ako pa tuloy ang napahamak ngayon dahil sa Brennang iyon.

   "Pag ikaw ay nahuli kong may babae talagang lagot ka sa akin," mataray niyang banta.

   "Hindi mangyayari iyon, Jade. Ikaw lang ang babae sa puso ko habang buhay," seryoso nitong sabi.

   "Promise?" para itong batang nagtatanong.

   "Promised, cross my heart!"

   "Ang ganda naman ng pinanood nating, The Vow," sabi ni Jade nang pauwi na sila ni Andy galing sa sinehan. "Naiiyak ako sa ganda." Tungkol ito sa babaeng nagka-amnesia pagkatapos maaksidente sa sasakyan. At hindi na maalala ang asawa at ang naging buhay nilang mag-asawa bago ang aksidente.

   "Mahilig ka talaga sa love story, Jade."

   "Oo talagang mahilig ako sa love story. Andy, paano kung sa akin mangyari iyong nagka-amnesia ako tapos hindi na kita matandaan?"

   "Hindi nakakalimot ang puso, Jade. Tuturuan ko uli ang puso mong maalala ang pagmamahalan nating dalawa kahit na nabura ito ng isip mo," simpleng sagot ni Andy.

   "Hmm, matalinghaga ang asawa ko," nakangiting sabi ni Jade.

   "Mahal na mahal kita, Jade. Huwag mong kalilimutan iyan."

   "Hi, mukhang nag-enjoy kayo at nakalimutan na  ninyo ako dito," bungad ni Fiona sa kanila nang dumating sila.

   "Hi, Fiona. Nag-date kami ni Jade," bati ni Andy.

   "Kumain ka na ba, Fiona?" tanong ni Jade.

   "Hindi pa nga kasi akala ko kasabay ko kayong kakain ng hapunan. Napanis ako sa kaaantay sa inyo," nagmamaktol ito.

   Kasalanan mo kung hindi ka kumain. Dala ba namin ang kawali! Sa isip ni Jade.

   "Sige, sasabihin ko kina Manang Edith na ipaghain ka," kaswal na sabi niya.

   "Never mind, nawalan ako ng gana. Hindi kasi ako sanay kumain mag-isa," nakatingin ito kay Andy.

   "Sasamahan na lang kitang kumain," sabi ni Andy sa kinakapatid.

   "Totoo? Thanks Andy," malambing nitong sabi habang pinulupot ang dalawang braso nito sa leeg ni Andy para yumakap.

   "Ayos lang, Fiona," saka kumawala sa pagkakayakap ng dalaga si Andy habang nakatingin kay Jade na nakakunot ang noo.

   "Mauna na ako sa inyo sa taas. Inaantok na ako," paalam ni Jade sa dalawa.

   "Sweetheart, susunod agad ako sa iyo," habol na sabi ni Andy.

  Kung hindi ako aalis ay baka masabunutan ko na itong Fionang ito. Hmp!

   

  Kalalabas lang ng banyo mula sa pagkakaligo si Jade nang pumasok sa kuwarto nila si Andy.

   "Ang bango naman ng misis ko, amoy Rejoice."

   "Tse, tumabi ka nga diyan at matutulog na ako," asik niya.

   "Sweetheart, galit ka ba sa akin?" nagtataka nitong tanong.

   "Bakit naman ako magagalit sa iyo?" inis na bulalas niya.

   "Galit ka eh. Ano ba ang kasalanan ko?"

   "Ewan ko sa iyo. Pag ang Fionang iyan ang may hiningi mabilis ka pa sa alas kwatro kung pumayag," masama ang loob na sabi niya.

   "Jade, nagpapasama lang naman iyong tao dahil hindi nga sanay kumain mag-isa," kalmado niyang paliwanag.

   "Sabi mo eh," patalikod siyang humiga sa kama.

   "Sweetheart naman, huwag ka ng magselos," akmang yayakap ito nang biglang bumalikwas ng bangon si Jade.

   "Maligo ka muna bago ka yumakap sa akin noh! Naaamoy ko pa ang perfume ni Fiona!

   "Ang sungit mo naman, Mrs. Wu. Makaligo na nga para mayakap ko ang pinakamaganda kong asawa," tumuloy na ito sa banyo.

   "Lucille, Lucille!" tawag ni Jade nang makita niyang lumabas ng airport ang kaibigan. 

   "Jade, Tita ang ganda mo pa rin hanggang ngayon. Para kang hindi buntis," masayang sabi ni Lucille pagkatapos nilang magyakapan.

   "She'll always be beautiful," nakangiting puri ni Luke na kasunod pala ni Lucille na lumabas.

   "Hi Luke, kumusta na?" simpleng bati ni Jade sa asawa ng kaibigan.

   "Mabuti naman, Jade. Nasaan pala ang asawa mo?"

   "Nasa sasakyan, hinihintay tayo.  Hindi na kasi nag-park," paliwanag niya.

   "Tara na, ang init dito" reklamo ni Lucille.

   Bumaba si Andy ng sasakyan nang makita sila.

   "Welcome back to the Philippines!" niyakap nito si Lucille at kinamayan si Luke. "Kumusta ang biyahe?"

   "Nakakapagod pero masaya at nakita ko na uli ang bestfriend ko," sagot ni Lucille habang yakap sa braso si Jade.

   Ngumiti lang si Andy. Halatang masayang-masaya ang magkaibigan sa muling pagkikita.

   "Ilagay na natin sa sasakyan ang mga maleta ninyo, Luke."

   "Thank you, Andy sa pagsundo," wika ni Luke.

   Nang makalulan na silang lahat sa Mercedes-Benz G-class SUV.

   "Saan nga pala iyong address ng condong uupahan ninyo?" tanong ni Andy.

   "Sa may Serendra, sa Global City pero sa Sofitel Phillipine Plaza muna kami ng isang linggo kasi nagkaroon ng miscommunication doon sa landlady, next week pa raw magiging available iyong three-bedroom unit na uupahan namin," paliwanag ni Lucille.

   "Naku sa bahay na namin kayo tumuloy kung ganoon. Huwag na kayong maghohotel pa, sayang naman," alok agad ni Jade.

   "Oo nga naman," segunda ni Andy.

   "Nakakahiya naman sa inyong dalawa. Manggugulo pa kami," ani Luke.

   "Hindi kayo makakagulo. Masaya pa nga ako at magkakaroon kami ng chance na mag-tsikahan ni Lucille," tanggi ni Jade.

   "Sabagay Luke, gusto kong makasama uli si Jade. At saka para naman makatikim ako ng buhay mayaman kahit na isang linggo lang," natatawa nitong biro.

   Naiinis na napasulyap si Luke sa asawa. 

   "Lucille talaga puro biro," dinaan na lang ni Jade sa biro ang lahat para maalis ng tensyon sa mag-asawa.

   "Sweetheart, pakitawagan si Manang Edith para maihanda ang isa pang guest room sa taas," utos ni Andy. 

   Nang maibaba ni Jade ang cell phone.

   "Kumain na tayo bago umuwi," mungkahi ni Jade.

   "Any preference?" tanong ni Andy sa lahat.

   "Pwedeng Filipino dishes, na-miss ko na kasi ang mga pagkain dito sa Pinas," ani ni Lucille.

   "Luke? Okay lang ba sa iyo?" tanong ni Jade sa walang imik na lalaki.

   "Sure, kung ano ang gusto ni Lucille okay na sa akin," kaswal nitong sabi.

   "Hoy, considerate naman pala ang asawa ko sa akin," tudyo ni Lucille.

   "Ikaw lang naman ang hindi nakakapansin," himutok nito.

   Sana kasunod na ang pagmamahal mo sa akin iyon naman ang nasa isip ni Lucille. 


   "OMG, Tita ang gara naman ng mansyon ninyo ni Andy. Parang sa magazine ko lang ito nakikita," manghang bulalas ni Lucille nang huminto ang sasakyan nila sa harapan ng bahay.

   "Tara sa loob, tuloy kayo" anyaya ni Andy sa mag-asawa. "Iwanan na ninyo ang mga maleta  at ipakukuha ko sa mga katulong.

   "Tita, naiihi ako sa excitement. Samahan mo na ako sa loob at baka hindi ko pa mahanap ang powder room ninyo maihi pa ako sa salawal," biro nito kay Jade.

   "Halika, ituturo ko sa iyo," napangiting sabi ni Jade.

   Nakapasok na sila sa sala nang bumaba si Fiona sa hagdanan.

   "May bisita pala tayo," nakangiti nitong sabi na parang siya ang may-ari ng masyon. "I'm Fiona Del Rios."

   "Ha, iyan pala ang bruhang Fiona," bulong ni Lucille sa kaibigan.

   "Fiona, ito si Lucille at Luke De Leon. Dito sila titira for one week," pakilala ni Andy.

   "It's nice to meet you Luke and Lucille," kinamayan nito ang dalawa. Halos ayaw iabot ni Lucille ang kamay kung hindi pa ito kinalabit ni Jade.

   "I hope you'll enjoy staying here, it's a lovely home," nakangising sabi ni Fiona.

   "I'm sure we will enjoy staying here, Ms. Del Rios," wika ni Luke.

   "Fiona na lang, masyadong ka namang pormal Luke," malambing na baling nito sa doktor.

   "Kaya ka ba hindi pa nakakahanap ng malilipatan dahil nasobrahan ang pag-eenjoy mo dito?" nakangiting sabi ni Lucille.

   "Mahirap kasing makakita ng condong aangkop sa taste ko."

   "Ay ganoon? Ano ba ang taste mo?" inosenteng pahayag ni Lucille.

   Pilit tinatago ni Jade ang ngiti sa asal ng kaibigan.

   "I want everything to be classy, elegant and really high-end."

   "Hindi bagay sa ugali mo," pabulong na sabi ni Lucille.

   "Pardon me? Anong sabi mo?" nakakunot ang noong tanong ni Fiona.

   "Sabi ko mahirap maghanap ng bagay sa iyo," nakangiting sabi ni Lucille.

   "Kaya nga tinutulungan ako ni Andy maghanap," malagkit itong tumingin sa lalaki.

   "Kami talagang one week lang dito, kasi may nabasa akong old adage na sabi, " Guests like fish begin to smell after three days."

   Matalim na tiningnan ni Fiona si Lucille.

   "Well, I don't really consider myself a guest here. I'm practically like a family member of the Wu family," pagtatanggol nito sa sarili.

   "Ops, sorry. Akala ko buntis lang ang sensitive," nakangiting buska ni Lucille.

   "Excuse me, aalis muna ako. May pupuntahan lang akong kaibigan," paalam ni Fiona sa lahat. Kitang-kita ang panggigil nito.

   "Ingat sila sa iyo," pahabol ni Lucille.

   "Lucille, ano bang nangyayari sa iyo?" bulong ni Luke.

   "Waley, nag-eenjoy lang sa buhay! Masama ba?" ismid nito sa asawa.

   Napabuntung-hininga si Luke ng malalim.

   "Sir, ready na po ang guest room sa itaas," sabi ni Inday.

   "Tara, Lucille, Luke ituturo ko sa inyo ang kuwarto ninyo," anyaya ni Jade.

   "Jade, ako na ang sasama sa kanila. Magpahinga ka muna at baka napagod ka," nag-aalalang sabi ni Andy.

   "Hay, ang sweet talaga ng asawa mo Jade," sabi ni Lucille habang nakatingin kay Luke. 

   "Thanks, Andy at Jade sa tulong ninyo," tahimik na sabi ni Luke.

   Habang nasa taxi si Fiona ay nag-iisip ito ng plano.

  Humanda ka Jade sa planong gagawin ko. 

********Did you like chapter 25, my dear readers? Will Fiona succeed with her evil plan? Do you think Luke is now in love with his wife or is he still suffering and longing for Jade's love? Please write your comments in wattpad. Thank you for reading my story. Please vote and become my fan.

Gidgetwitty (Twitter Account) for updates.

Gidgetwitty for Instagram

Gidget Corpuz

      

   

   

   

   

   

   

   

   

  
 

   

  

   

   

   

   

   

   


   

Continue Reading

You'll Also Like

26.9M 714K 35
Based on true story. A psychological Romance-Horror-Paranormal novel by Jamille Fumah. Please read with caution. Highest rank: Consistent #1 both in...
8.6M 319K 57
12:00 A.M. Every breath you take Every move you make Every bond you break Every step you take "I'll be watching y...
124M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
10K 780 22
GaWong Story, lalaki dito si Deanna Wong 🥴