Whatever It Takes

By ShuperShimmer

175K 2.5K 461

(WENDY & MARCO'S SIDE STORY) Love resembles gambling--you need to bet at your own risk. More

TAKE ONE (1)
TAKE TWO (2)
TAKE THREE (3)
TAKE FOUR (4)
TAKE FIVE (5)
TAKE SIX (6)
TAKE SEVEN (7)
TAKE EIGHT (8)
TAKE NINE (9)
TAKE TEN (10)
TAKE ELEVEN (11)
TAKE TWELVE (12)
TAKE THIRTEEN (13)
TAKE FOURTEEN (14)
TAKE FIFTEEN (15)
TAKE SIXTEEN (16)
TAKE SEVENTEEN (17)
TAKE EIGHTEEN (18)
TAKE NINETEEN (19)
TAKE TWENTY (20)
TAKE TWENTY TWO (22)
TAKE TWENTY THREE (23)
TAKE TWENTY FOUR (24)
TAKE TWENTY FIVE (25)
TAKE TWENTY SIX (26)
LAST TAKE

TAKE TWENTY ONE (21)

3.6K 71 14
By ShuperShimmer

TAKE TWENTY ONE (21)

(c) Shupershimmer

Pagkagising ko kinabukasan, medyo nag-stay pa ko sa higaan ko dahil sa pangyayari kagabi. Di ko talaga alam ang mararamdaman ko kung sakaling... hinalikan niya ako kagabi.

Bago bumigay ako nang di oras.

Hinawakan ko agad yung swan necklace ko na nakasabit sa leegan ko. Naalala ko na binigay sakin ni Marco 'to two yeas ago during our monthsary.

I've been wearing this for a long time dahil hindi ko kasi keri na pati 'to, di ko suotin. Ilang linggo ang lumipas bago ko naatim na hubarin ang egangement ring, ano.

Hindi ko lang alam kung nakikita ni Marco na suot ko yung kwintas dahil palaging nakatago under my shirt.

"Wendy."

Narinig kong kumatok si Kuya sa kwarto ko, "Oh?"

Tumayo pa ako para buksan ang pinto at nagulat naman ako dahil bumungad sakin si kuya na may bitbit na isang kahon ng Red Ribbon cake.

"Oh, ano yan? Breakfast ko ba yan?"

Sobrang lapad ng ngiti ko dahil natakan ako bigla sa cake na hawak ni Kuya. Ngumiwi pa siya bago may inabot na maliit na card sakin.

Wala namang ibang nakasulat doon kundi: "You're as yummy as this." -Marco.

Namula ako bigla.

Namula dahil sa sulat at namula sa pag-iisip na baka nabasa ni Kuya ang anumang kababalaghang laman ng card. Natameme na ako.

"Ano bang nakasulat?"

Nagtaka ako sa tanong niya. Ibig sabihin, hindi niya alam?! Holy, yes!

"Ah, wala." I replied, "Sakin na lang yon."

"Mukhang masarap 'to, Wendy, ah. Iba talaga 'yang manliligaw mo! Aba't cake pa ang naisipang pansuhol sakin!" nangiti si Kuya at pailing-iling pa. What? Suhol sa kanya?

Sa pagkakaalam ko, para sakin yan.

"Nandyan pa ba siya?" naiiritang tanong ko kay Kuya, "Ibalik mo sa kanya. Ayokong tumaba sa cake."

Isasara ko na sana yung pinto kaya lang hinarang ni kuya yung paa niya. Ugh.

"Wala na sya," binuksan ko uli yung pinto, "Gago ka ba? Ikaw na nga 'tong dinalhan ng cake, aarte pa. Napakaarte niyo talagang mga babae. Mga maarte."

Tinaasan ko ng kilay si kuya sa sinabi niya. "Kuya, hindi yon kaartehan. Pride yon."

Natawa lang siya sa sinagot ko.

"Ang Red Ribbon, nakakain; ang Pride, hinde, kasi panlaba yon." I rolled my eyes annoyingly, "Ayaw mo? Akin na lang."

"Isaksak mo sa baga mo."

Sinarhan ko siya ng pinto tapos narinig ko na lang ang yabag niya paalis. Kainis. Ano'ng tingin ni Marco sakin? Patabaing dyosa?

Saka, di naman kami pulubi para takamin sa cake. Kakoka.

Pagbaba ko ng kusina, nakita kong bukas na yung cake at nakapatong sa ibabaw ng mesa. Shit. Ube cake! Gusto kong maiyak bigla dahil binawasan ni kuya ang ube cake. Nakakasakit ng sikmura.

"Oh, naglalaway ka na." pang-aasar niya pero di ko na lang pinansin.

Pag-alis ni kuya para pumasok ng trabaho, saka ko kinain yung 2/3 ng cake. Okay, I swallowed my words. Inisip ko na lang na binili yun ni papa. Kunyari, hindi galing kay Marco.

Nung mga sumunod na araw, hindi na cake ang natanggap ko. Bulaklak na.

May balak yata si Marco na pagtayuon ako ng Dangwa sa tapat ng bahay namin dahil halos matakpan na ang mukha ko sa laki ng bouquet. Iba-iba rin ang itsura at kulay ng bulaklak kaya tuwang-tuwa yung nanay ko. Parang abnoy.

"Marco, bakit ba puro bulaklak naman ang dala mo sa bahay."

Nakangiwing sabi ko sa kanya, on the 4th day na nagbigay siya ng bulaklak, tapos tumingin siya sakin. Nasa sala kaming dalawa at si Mama pa talaga ang nagpapasok sa kanya.

"I thought you like them." Sagot niya na parang nasaktan siya dahil di ko naappreciate.

I was about to answer but I erased what's on my mind.

"I... I appreciate these." sabi ko sabay tingin sa Toga picture ng Mama ko. Wala lang, para maiwas lang ang tingin ko sa kanya.

Kinilig ang buang at ngumiti. Aba.

"Thanks. And I am sorry, I really suck in courting." napakamot siya sa batok niya.

Nagulat naman ako. Nanliligaw na pala siya? Bakit hindi ako na-inform? Bakit bigla-bigla siyang nagdecide?

"Di mo naman kasi kailangang magbigay ng ganitong mga chorvalu."

Natawa na naman sya. Teka, natatawa ba talaga sya o sadyang pinapakita sakin ang dimples niya para maattract ako? Akala niya ba hindi ko nahahalata yun?

"Bakit ka nga pala nandito? At pinapasok ka pa talaga ng nanay ko?" Follow up question ko naman.

He shifted in his seat. And I can't help but look in his body, doing a sudden movement. Nakasuot sya ng checkered na three-fourths tapos black slacks. Halatang galing sa trabaho.

He glanced my way, "Yayayain sana kitang lumabas."

Ako naman tuloy ang napaayos ng upo.

"I'm giving you a chance to date with me," sabi niya at napatingin ako sa mga mata nya, "And, I'm giving myself an opportunity to prove how much you mean to me."

Umakyat yung dugo ko hanggang sa bunbunan tapos parang nakuryente ako at hindi na makagalaw. My inner consciousness smiled blissfully after hearing it. What? Kinokontra na ko ngayon ng utak ko?

Sa totoo lang kinikilig ako--rephrase it-- kinikilig pa din ako. Sino bang hindi? Grabe, napapalitan ng kalandian yung sama ng loob ko sa kanya.

"Bigyan mo ko ng rason para..." nag-iisip ako ng idudugtong kaya lang tinuloy nya.

"Papayag ka na makipag-date, dahil ako si Marco," he smirked while I raised my brow, "Pangalawa, dahil may pinagsamahan tayo. Isang matamis na pinagsamahan. At pangatlo, dahil mahal kita"

Di tuloy ako naging kumportable. Bakit ba natanung ko pa yun!

"Are those enough to make you go out on a date?" singit nya habang nagmumuni ako.

"Pag-iisipan ko."

***

"Oh my God! Ah!"

Di ko na napigilang kumapit sa braso ni Marco habang katabi ko sya sa punyetang mini-roller coaster na 'to. Nahihilo na kasi ako sa sobrang bilis! Ito namang katabi, parang sayang-saya pa.

"Hoo!" nakisabay si Marco sa hiyawan ng tao at ako ay halos ngumawa na.

"Shet! Ayoko na!" nanlaki ang mata ko nung bumagal nang kaunti dahil bubulusok ang ride pababa, "Ah! Mama! Papa! Ayoko na! Marco ang tagal naman nito!!!"

Nakapikit ako habang sinisigaw ko 'yan tapos kahit maingay ang mga tao, rinig ko na tinawanan nya ako. Shet.

"Three minutes lang 'to."

Tapos naramdaman ko na lang na inalis nya ang kanyang braso sa pagkakahawak ko, tapos umakbay sakin. Sobrang higpit, tipong feeling safe ako sa ride.

Parang feeling ko tuloy, sinadya nya kung bakit dito ang so-called date namin!

Biruin mo, napanganga talaga ako nang sabihin niya sa carnival ang balak niyang date. E, kasi naman first time naming gagawin 'to simula nung nakilala ko siya.  

Kanina, okay pa ako sa Viking kasi masaya pati sa ferris wheel. Pero, fota, pagdating ng Horror House at Octopus ride, kulang na lang yakapin ako ni Marco pag nagtititili ako. If I know, he’s only grabbing the opportunity. Nakakainis, bakit ba di ako pinanganak na matapang sa mga ganito?

Huminto na ang pesteng coaster at inangat nya ang bakal na harang saka tumayo.

"Ugh, dumudoble paningin ko!" rant ko habang patayo. Kung di pa ako hinawakan ni Marco, baka kanina pa ko humalik sa lupa.

"Did you enjoy that?" tanong nya na may halong pang-aasar.

I stuck out my tongue, "Jusko. Pinagsisihan ko ng sumakay ako dyan!"

"Ang saya kaya!"

"Masaya ba yun?" I removed his hand off mine, "Papatayin ata nila ang tao."

"Jeez, it was cool! Ang saya habang umiikot!"

Again, he showed me his attractive smile. Gusto ko sana syang sagutin ng 'Oo, masaya ka kasi naakbayan mo ko.' pero tinago ko na lang yun sa sarili ko.

"Let's eat?" yaya niya.

"Ge."

Kasalukuyan kaming nasa Jollibee-- ito lang kasi ang pinakamalapit na kainan-- tapos hinayaan kong sya ang magbayad.

Siya daw taya, e. E, di hayaan.

Kumakain sya ng fries nun nang mapatingin sya sa dibdib ko. Pakunwari naman ako yumuko. Baka mamay, namboboso na pala siya! Kaya lang, wala namang nakikita sa akin, kundi yung kwintas.

Lumabas siguro dahil sa nakakahilong ride kanina!

Napasipsip tuloy ako ng Sprite.

"Pwede ba kong magtanong?" sabi niya.

"Oh?"

"Uhm," napayuko pa sya pero tumingin din sakin, "Bakit hindi mo na suot yung... singsing?"

It thought he would ask about the necklace.

"I mean, what bothers you to the extent that you removed the ring?"

Nag-iisip ako ng isasagot. Yung totoo pero dapat maingat. Ayoko nang masyadong makasakit, "Gusto mong sagutin ko yan?"

"Uh-hmm." he nodded.

"Ikaw, ba't hanggang ngayon suot mo pa rin?" I threw back a question.

Napakunot ang noo nya but he looks nice, "You're like asking me how to count numbers. It's obvious, Wendy, dahil di kita makalimutan."

I abruptly flushed. Tae, ba't di mawala-wala ang mga paro-paro sa tiyan ko!? How can he say such things in its nicest way?

"Same as mine." sagot ko, "Inalis ko kasi gusto kitang makalimutan."

Tumitig muna siya for a few seconds na parang dina-digest niya yung sinabi ko. Umiwas sya tapos dumampot ng fries at madaliang sinubo.

"Kung ganun bakit ka pumayag sa date?" tanong nya nang hindi nakatingin, "Bakit suot mo 'yang necklace?"

"Gusto mong sagutin ko 'yan?" I bravely asked, gulping.

Tinignan nya lang ako as ang agreement. I sighed for a while.

"Dahil ayoko pang putulin ang ugnayan natin, kung ano mang meron tayo, at ang koneksyon mo sakin." we became quiet but I continued, "Never say die, sabi nga nung Ginebra."

After three seconds, napatingin siya sa fries sabay ngiti. Kinilig ba siya sa nasabi ko? Tae, ba't kuminang bigla ang mga mata nya? Ako lang bay un o talagang nag-spark?

He gazed upon me, giving me sudden quick heartbeats.

"Nice," he smiled, "You really are worth fighting for." And I blushed.

 ***

A/N: Baka kaunting chapters na lang ang nalalabi sa kanilang kwento. Readers, ano ba ang nakikita or naiimagine ninyong ending nito?

Comment and let me see your views!

Continue Reading

You'll Also Like

805 167 36
The meeting of Zayden and Chantelle was unexpected. When Zayden was standing in front of his own beach and staring at the sea, Chantelle suddenly app...
4.7M 315K 73
He is trouble incarnate. While she's a studious, well-mannered student, he's a delinquent who gets tangled up in all sorts of problems. They are comp...
398K 5.3K 53
Dream or Love? Playing relationship is difficult. You or Him? Paano isang umaga gigising ka na lang nasa loob kana ng bilanggoan? All accusations are...
62.9K 4.3K 38
Kapag tumibok nga raw ang puso wala ka ng magagawa kung hindi sundin ito. Kahit alam mong bawal, ipagpapatuloy mo lang. Handa mong ipaglaban ang pagm...