VIRGEL (BOOK 1) [COMPLETED]

By MajorSin

476K 15.2K 2.7K

Bata palang kalaban na ni Virgel ang mundo. Lumaki siyang punong puno ng kalampahan sa buhay. Siya yung tipon... More

PROLOGUE
NOTE
Episode 1: The Missing Son
Episode 2: A Villain or Not
Episode 3: Questions
Episode 4: The 6th Diablo
Episode 5: You're a Mafia Boss
Episode 6: The Fuego Mafia
Episode 7: The Surprising Mafia Group
Episode 8: His Decision ( Part 1 )
Episode 9: His Decision ( Part 2 )
Episode 10: The Head Boss
Episode 12: Awaken
Episode 13: Preparing
Episode 14: Benjamin
Episode 15: Wake Up
Episode 16: The Chess Pieces ( Part 1 )
Episode 17: The Chess Pieces ( Part 2 )
Episode 18: The Elfame King's Decision
Episode 19: Behind the Mask
Episode 20: Behind The Mask ( Part 2 )
Episode 21: The News
Episode 22: The Devil's Eye
Episode 23: Jin del Fuego
Episode 24: Training
Episode 25: Invitation
Episode 26: Vengeance
Episode 27: Meeting of the Five Families
Episode 28: Next Target
Episode 29: Crosser
Epesiode 30: Bad Plan
Episode 31: The Hitman's Weakness
Episode 32: Hostage
Episode 33: Flashbacks
Episode 34: Catching Bullets
Episode 35:Third Target of Elfame Mafia
Episode 36: The Sniper Assassin : Nero Guzman
Episode 37: Sad Death
Episode 38: The Master and The Apprentice
Episode 39: Whisper of the demon
Episode 40: Helena's KISS
Episode 41: The Demon and the Unknown
Episode 42: Crossing Paths
Episode 43: Rise and Fall
Episode 44: The 5th Assassin
Episode 45: Replacement
Episode 46: Lily Valdez
Episode 47: Achilles Heel
Episode 48: Capturing the Bait
Episode 49: Tears
Episode 50: Mafia War ( 1st Battle ) Part 1
Episode 51: Mafia War ( 1st Battle ) Part 2
Episode 52: Reunion ( 2nd Battle )
Episode 53: The 3rd Battle ( Part 1 )
Episode 54: 3rd Battle ( Part 2 )
Episode 55: The 4th Battle ( Part 1 )
Episode 56: The 4th Battle ( Part 2 )
Episode 57: The Last War
EPILOGUE
FAQs and Trivias
Important Announcement

Episode 11: Agnes

7.7K 266 22
By MajorSin


Episode 11: Agnes


EditedOct2016



********

--1 month later--



[ Virgel's PoV ]


Mahigit isang buwan na rin ang nakalipas simula nung mag umpisa akong mag training. At sa loob ng isang buwan na'yun, merong mga bagay ang nagbago--lalo na sa'kin.

Naging habit ko na ang jogging ngayon. Walang araw na hindi ako nag jojog kasama sila. Minsan hindi kami kumpleto pero ayos parin naman. Hindi ko yun hinihinto at nagbunga naman yun. Ramdam ko ng mejo tumaas na ang stamina ko, hindi na ako madaling mapagod.

Pati workout rin hindi ako pumapalya. Araw araw ko yun ginagawa kahit minsan ramdam ko na yung sobrang pagod sa katawan. Wala akong ibang inisip sa loob ng isang buwan kundi ang magkalaman 'tong patpatin kong katawan. At hindi naman nasayang lahat ng pagod ko. Pansin ko na rin na mejo nagkaka muscle na yung mga braso ko. Matatawag parin akong payat pero di tulad dati, nakakapag buhat na ako ng mga mabibigat na bagay. 

Yung tennis ball training nga pala, akala ko talaga pinagtitripan lang ako nila Ish nun, pero hindi. Totoo nga ang sinabi niya. Nag enhanced nga talaga yung concentration ko. Habang tumatagal nasasanay na ako sa bilis ng mga tira nila. Yung reaction ng mga mata ko bumilis dahil sa sabay sabay na pagbabato nila. Pati yung reflexes ng katawan ko nag improved narin. kahit gaano pa kabilis at kalakas nilang ibato sa'kin yung bola, naiilagan ko pa rin ito o di kaya nasasalo. 

Di pa dun natatapos ang pagbabago ko, natuto na rin ako kung paano sumuntok at sumipa. Tatlo hanggang apat na oras kasi akong nag eensayo ng combat fighting kasama si Ish araw-araw. Tinuruan niya ako ng mga basics sa isang close range fighting dahil yun daw ang stilo niya.

Ang dami kong pinagbago sa totoo lang. Feeling ko nga hindi na ako lampa. Hindi na kasi ako masyadong naaksidente hehe.

At sa Virgo? wala namang nagbago sa kanila, maliban nalang talaga kay Kael. Ewan ko ba, sa loob ng isang buwan rin na yun hindi ko nakita yung totoong ngiti niya. Feeling ko hindi siya masaya sa'min. Yung ngiti at tawa niya ngayon ay ibang iba na talaga kumpara noon. Halatang pilit lang ang lahat. Tapos kung kakausapin niya ako parang napipilitan lang din siya. Ewan ko, galit ba siya sa'kin? Pero wala naman akong natatandaan na may nagawa akong ikinagalit niya.

"Boss, kanina pa kita hinahanap. Andito ka lang pala." Katulad nalang ngayon, kahit nakangiti siya makikita mong hindi talaga siya masaya.

"Pasensya na heheh, gusto ko lang kasing magpahangin dito." Nakangiti kong sabi sakanya

"Ayos lang Boss." Sabi niya tapos nakiupo narin. Andito nga pala kami sa Apollo High ngayon, sa may rooftop ng isang building dito.

Last week pa kami nakapag transfer dito ni Kael. Okay naman 'yung first week namin dito, hindi na ako nabubully, wala na ring humihingi sa'kin ng pera pag lunch. Ang aliwalas ng mga araw ko dahil wala na sila Alfe dito. Anjan rin kasi si Kael palagi sa tabi ko kaya wala sigurong nagtatangkang pagtripan ako.

"Handa ka na ba sa huling training mo?" Basag niya sa katahimikan.

"Ewan nga e, bahala na si batman nito hehe." Paggamit ng baril na kasi ang huling training ko kasi medyo maganda na daw yung pangangatawan ko ngayon sabi ni Hugo. Sa totoo lang kinakabahan ako. Hindi pa kasi ako nakahawak ng baril sa buong buhay ko. At sa tuwing nakakakita ako ng baril, mga masasamang alaala lang yung mga naiisip ko.

Tumahimik nalang ulit si Kael at tumingin sa asul na kalangitan.

"Kael.." Muli siyang mapatingin sakin nung tinawag ko siya.

"Boss?"

"Ano bang bumabagabag sayo?" Di na ako nakapag pigil. Nag aalala na ako sakanya. Baka may pinagdadaanan siya ngayon at wala siyang mapagsabihan dahil kakasali nya palang sa Virgo at wala pa siya masyadong nakakasundo sa pamilya maliban sakin. "Pwede mo naman akong pagsabihan eh. Kaibigan mo ako, kasapi kana ng Virgo. Kapamilya kana namin. Wag mong akuin yung problema mo, Kael." Diretso kong sabi sakanya. Medyo nagulat naman siya sa narinig niya. So meron nga.

Nung makabawi ay pilit itong tumawa. "Wala naman akong problema, Boss. Ba't mo naman naisip yan?" 

"Alam ko meron. Di nagsisinungaling yung mga mata natin. Okay lang naman kung ayaw mo munang sabihin to sa ngayon. Pero sana tandaan mo andito lang kami lagi para sayo. Handa kaming tumulong sayo sa abot ng makakaya namin." Ang lungkot ata ng pagkakangiti ko pagkasabi ko nyan kaya biglang nagbago ang expresyon niya. Tumamlay ito bigla.

"Hindi mo rin naman maiintindihan." Nakatungo niyang sagot.

" Paano ko maiintindihan kung ayaw mong sabihin sa'kin? Handa naman kaming makinig kahit ano pa yan, Kael." Giit ko. Pero umiiling lang siya tapos muling ngumiti ng matamlay at tumingin sakin.

"Una na muna ako sa room, Boss. May tatapusin lang ako." Paalam niya at na hinintay pa ang sagot ko. Naiwan nalang akong mag isa dito sa rooftop

Hindi ko nalang muna siya kukulitin kung ayaw niya. Ang importante ay nasabi ko sakanyang nandito lang kami lagi.  

Haay, mejo nakaramdam ako ng antok dahil ang aga ko gumising kanina para mag jog. Makahiga nanga lang muna at umidlip. Ang sarap rin ng simoy ng hangi---

Napabalikwas nalang ako sa pagkakahiga nung biglang bumukas ulit yung pintuan ng napakalakas. Bumalik ba si Kael?

Pagtingin ko, isang babae na nagpupumiglas sa hawak ng tatlong lalaki ang nakita kong lumabas mula sa pintuan. Hindi naka uniporme yung mga lalaki. Pano sila nakapasok sa school?

"Aaahhhhh! Bitawan niyo ako mga manong!" Sigaw nung babae habang nagpupumiglas.

"TUMAHIMIK KA! ANG KAPAL NG MUKHA MONG SAMPALIN ANG BOSS NAMIN! KAYA NGAYON MAGBABAYAD KA!" Sigaw din nung lalaking nakahawak sa buhok nung babae. Tapos hinigpitan niya pa yung pagkakahawak nito kaya mas lalong nasaktan yung babae.

"Eh napaka walang modo niya kasi kausap! Ang sama sama p--aww! Aray naman manong!"

"BAKET KABA KASI NAKIPAGHIWALAY KAY BOSS, HA?! ALAM MO BANG NASAKTAN SIYA NG SOBRA DAHIL SA GINAWA MO?! "

"Bitawan niyo ako! Hindi ko na siya love no! may iba na akong--araay! Nakakarami na kayo ha!"

"SINO?! SINO YANG TAONG YAN AT NG MA ABUGBUG NAMIN?!" Tanong nung isang lalaki. Agad namang napatingin yung babae sa direksyon ko.

"Nicolas! Kyaaaah! Tulungan mo akoooo!" Sigaw ulit nung babae habang nakatingin parin sa direksyon ko?

Napalingon naman ako sa kaliwa, kanan at likod ko, wala namang ibang tao ah? Anong Nicolas?

"Nicolas! Hubby! Sinasaktan nila ako oh! Tulungan mo naman ako--Awww!" Ba't ba nakatingin siya sa direksyon ko? Ako ba ang tinatawag niya?

Tinuro ko naman yung sarili ko na parang engot.

"Oo ikaw nga Nicolas! Anung klaseng boyfriend ka? Tulungan mo na ako dali! "

.......

...............

..........................

Ha?

A-anong Nicolas? sinong Nicolas? kailan pa ako naging si Nicolas? At anung sabi niya? Boyfriend?

"SIYA BA ANG IPINALIT MO KAY BOSS?! HA!" Tanong nung isang lalaki sa babae sabay turo sa'kin? anung bang pinagsasa---

"Oo siya nga mga manong heheh. Siya ang bago kong boyfriend"

Anak ng! Ano ba ang pinagsasabi ng babaeng to?!

Binitawan naman nung mga lalaki yung babae at tsaka dilat na dilat ang mga matang tumingin sakin.

"T-teka lang..n-nagkakamali kayo. Nagsisinungaling lang siya. H-hindi niya ako boyfriend! maniwala kayo!"

 "Anong klaseng boyfriend ka?! Ang sama mo! Porke't nakilala mo lang si Karen tinatanggi mo na ako bilang girlfriend mo ngayon?! huhuhu ang sama-sama mo Simon! huhuhu" Sinong Karen? At ano? Simon? Ano bang..

Baliw ba 'to? Ba't nakapasok 'tong mga to dito sa school?

"Simon? Akala ko ba Nicolas ang pangalan nitong syota mo?!" Nagtataka ring tanong nung isang lalaki. Agad namang nanlaki yung mata nung babae.

 "Tignan niyo! Diba sabi ko sa inyo nagsisinungaling lang siya? Ni hindi nga niya ako kilala eh." Agad kong singit para tuluyan na silang maniwala sakin.

"H-hehe Nicolas Simon Tampipi po kasi full name niya mga manong kaya pwede ko siyang tawaging Nicolas o di kaya Simon hihe"

Halos mapangiwi ako sa sinabi niyang pangalan. Legal ba ang shabu dito sa skwelahan na 'to? "Hindi ako si Nicolas Simon! Maniwala kayo! Ako si Vir--"

"Tumahimik ka Nicolas Simon Santiti! Magbabayad ka--"

"Tampipi daw gunggong. Hindi Santiti. Nakakahiya ka." Usal nung isang lalaki sa kasama niyang kanina pa sigaw ng sigaw

"Ah..eh Ah basta! Magbabayad ka sa'min Simon! Inagaw mo ang girlfriend ng Boss namin!" Sigaw nung lalaki tapos tumakbo na silang tatlo papalapit sa'kin!

N-naloko na..

Agad rin akong tumakbo para tumakas. Paikot ikot lang kami ngayon dito sa rooftop. Sinubukan kong puntahan yung pintuan pero humarang yung isang lalaki dun kaya puro pag takbo lang yung ginagawa ko. Asar!

Buti at hindi nila ako mahuli huli, bumilis narin kasi 'yung pagtakbo ko ngayon. Salamat sa train--

"HUMANDA KA!"

ANG LAPIT NA NILAA!

Napatingin naman ako saglit dun sa babae. Nakangisi lang ito habang tinitignan kaming naghahabulan! Argh! Sinasabi ko nanga ba--"Aray!"

Bigla akong nakaramdam ng pagkahilo nung mabangga ako sa may pader. Nacorner na pala ako. kung saan saan kasi tumitingin! Hindi na pala lampa ah

Ang feeling ko.

Pinapalibutan na nila ako ngayon kaya di ko na magawang makatakas pa.

"Saan kana tatakbo ngayon, Simon?"

"Wala ka nang matatakbuhan! "

"Magbabayad ka sa pang aagaw mo ng syota kay Boss!" Sigaw nung isa tapos bigla itong bumwelo ng suntok at umatake sakin.

"AARGGHH" Pinakawala niya yung suntok niya pero nailagan ko naman tapos...teka..

NAILAGAN KO?!

A-ano 'to? Ako lang ba o ang slowmo lang talaga nilang sumuntok? Ang dali dali lang ilagan. Ba't ang bagal bagal nila? Ang layo layo ng bilis ng suntok nila sa bilis ng mga tennis ball na binabato nila Ish sa--

Teka..hindi kaya isa din to sa epekto ng training na'yun? Medyo nasanay na kasi ako sa mabibilis na bola na binabato nila sa'kin kaya siguro nababagalan na ako sa mga suntok nila.

A-ang galing..

"Bwesit! Ba't hindi natin siya matamaan?!" Reklamo nung isa habang sinusuntok narin ako--aw mali, hangin pala. Heheh

Maya maya ay tumigil na sila sa pagsuntok habang hinihingal. Pagod na sila.

"Tapos na kayo? Pwede ako naman mga bossing?" Tanong ko habang nakangiti, at bago pa man sila makapagsalita, binigyan ko na sila ng tig-iisang suntok sa mukha. 

Tulog silang lahat.

Habang tinitignan ko naman silang nakahandusay, bigla nalang akong nakaramdam ng kakaiba. Napalunok ako sa sarili kong laway habang nakatingin sakanila. 

Ba't parang naeexcite ako bigla? Parang may gusto na namang mangyari yung kalamnan ko. Parang...parang ang sarap sa pakiramdam na napatumba ko sila. Tsaka..

Ba't parang gusto ko silang....tuluyan?

Agad nanlaki ang mga mata ko sa pumasok sa isipan ko.

"Hindi hindi! erase! erase! erase!" Sabi ko sa sarili habang pinapukpok ko yung ulo ko. Ano ba 'yung iniisip, Virgel?! Hindi ka pumapatay!

Nakarinig naman ako bigla ng isang malutong na tawa. 'Yung babae!

"HAHAHAHA!! Parang kang baliw jan sa ginagawa mo, Andres HAHAHAHA!" Makatawa! At ano na namang sabi niya?

"Tigilan mo na nga ako jan sa pagtawag sa'kin ng iba't ibang lumang pangalan na'yan! Hindi ako si Nicolas, Simon at Andres! "Kunot noo kong ganti sakanya. Pero mas lalo lang siyang natawa.

"HAHAHAHA oo na Tiborcio." Anak ng!

"Hindi kaba titigil jan?! May kasalanan kapa sa'kin! Dinamay mo pa ako sa gulong ginawa mo!" Sigaw ko. Tumayo naman siya sa pagkaka indian sit niya.

"Kasalanan? Eh hindi ka nga napuruhan eh, ang galing galing mo ngang umiwas! Gumaganon ganon ka nga oh" Sabi niya tapos nag aact pa siya na parang umiilag sa mga suntok. " Tapos sinuntok mo din sila isa-isa parang ganito oh yah! yah! yah!" Tapos nag aact na naman siya na parang may sinusuntok. Ewan ko kung matatawa ako o ano sa ginagawa niya e. 

" Ang galing galing mo! Gangster ka siguro no? " Tanong niya kaya nanlaki ang mga mata ko.

"Seryoso?! Mukha ba akong gangster?" Inis kong tanong. Hindi na nga ako tinatawag sa sarili kong pangalan, pinaghinalaan pa akong gangster.

Lumapit naman agad siya sa'kin. "Hindi naman, actually ang cute cute mo nga eh, Achuchuchu" Pinisil niya bigla ang pisngi ko kaya napaatras ako. Ano bang problema nito? "Ano ba!"

"Ansungit mo naman, Fernando! Thank you nga pala sa pagligtas mo sa'kin sa mga 'yun ha? Heheh" Sabi niya sabay nguso dun sa tatlong lalaki na nakahiga. Napatingin tuloy ako sa lips niya. Ba't parang ang lambot ng li---arghh erase erase!

"Hindi ako sa Fernando, okay? Ako sa VIRGEL! VIRGEL ang pangalan ko at hindi Nicolas! Simon! Andres! Fernando! at..at..sino nga yung isa?"

"Tiborcio."


"at Tiborcio! May sarili akong pangalan!" Pansin ko namang parang nabigla siya. Ganyan ba kabigla bigla yung pangalan ko? Pero agad rin naman siyang nakabawi at ngumisi.

"Ang astig pala ng name mo. Virgel heheh. Parang tunog leader lang. Leader ka siguro ng mga gangster noh?"

"Aba't! Sabi ng hindi ako gangster eh! "

"Hahaha joke lang to naman. By the way, I'm Agnes." Sabi niya sabay lahad ng kamay niya. Ang ganda naman pala ng pangalan niya. Taliwas sa ugali niya.

"Hindi mo tatanggapin yung kamay ko? " Ngumuso pa siya kaya todo pigil akong mapatitig sa lips niya. Anak ng tokwa naman talaga oh. 

Kinuha ko nalang yung kamay niya. "Ako naman si Virgel Acosta " Oo nagbago na ako Apilyedo. Hindi na ako Martinez ngayon.

"Pwede ba kitang maging friend, Virgel? Wala kasi akong kaibigang lalaki dito sa school eh." Ngayon ay isang mala anghel na ngiti naman ang binabato niya sakin. 

"A-ah eh..." Ba't parang ang init ata. Kailangan ko ng hangin.

"Ayaw mo ba? Sige okay la---"

"Hinde! hinde! Ano..ahh..okay lang naman sa'kin 'yun " Napakamot nalang ako sa ulo. Ano ba 'tong inaasta ko? Ba't parang ako pa yung nahihiya? Porke't nginitian lang amp. 

Ganito ba ako karupok?

"Talaga? kung ganun Friends na tayo, Emilio?" -____________-

"Virgel sabi e." Poker face kong sagot.

"Aw Virgel pala hehe, So ano nga? payag ka na? Friends na tayo?" Excited na tanong niya na para bang bata.

"Oo na, Agnes" Sabi ko tapos nginitian ko rin siya. Mukhang mabait naman siguro to si Agnes. Nagkamali lang siguro ako ng tantsa sa ugali niya. 

"YEESSS! May kaibigan narin akong lalaki!." Sigaw niya tapos itinaas pa niya yung dalawa niyang kamay  sa sobrang tuwa

"Teka..ba't ba wala kang kaibigan na lalaki? Bagong transfer ka din ba?" Tanong ko. Lumapit naman siya sa'kin tapos bumulong.

"Kasi lahat ng napapalapit sa'kin na lalaki, binubugbog ng grupo ni Victor, yung ex boyfriend ko, yung leader ng pinakamalakas na gang dito sa distrito. Ang 'EL Satans Gang'." Bulong niya kaya bigla akong napaatras. Tunog palang ng grupo nila parang sa impyerno ang bagsak mo pag binangga sila. 

"At dahil friends na tayo, ikaw na ang bahala sa lahat ha? Alam ko na kaya mo si Victor at ang gang niya. At dahil hinahanap rin ako ng ibang myembro niya, Ikaw narin ang magiging protector ko simula ngayon ha? " Sabi niya na sobrang lapad ng ngiti. Habang ako heto, nakanganga lang. 

Tama ba yung narinig ko? "A-anong.."

"Una na ako sayo friend Heheh. Kita nalang tayo mamaya ha? Byeee " Sabi niya tapos lumakad na siya palabas ng pintuan.

At ako? Heto, mawawalan na ata ng malay dahil sa mga narinig ko.

Poprotektahan ko siya sa isang Gang? Isang buong gang?? At pinakamalakas pa daw?



Ano 'tong pinasok mo, Virgel?? 




-To Be Continued..



-MajorSin


Continue Reading

You'll Also Like

134K 12.4K 63
| COMPLETED | CLARK AIRBASE, PAMPANGA YEAR 2085 Kaya mo bang balikan ang nakaraan? Kaya mo bang balikan ang lugar na iyong nakamulatan? Kaya mo bang...
599 106 4
The heroine is known as the favorite child of the Creator but that doesn't seem like it. When the villainess is given another chance with rebirth, ev...
1.4M 27.1K 37
Lahat po ng author's note dito ay OUT DATED, Just ignore it.
52.7K 4.4K 61
In an uncharted island called Dijon Island, humans are classified into three races: the avaries, the mafias, and the cannibals. MAFIAS, the richest a...