VIRGEL (BOOK 1) [COMPLETED]

By MajorSin

476K 15.2K 2.7K

Bata palang kalaban na ni Virgel ang mundo. Lumaki siyang punong puno ng kalampahan sa buhay. Siya yung tipon... More

PROLOGUE
NOTE
Episode 1: The Missing Son
Episode 2: A Villain or Not
Episode 3: Questions
Episode 4: The 6th Diablo
Episode 5: You're a Mafia Boss
Episode 6: The Fuego Mafia
Episode 7: The Surprising Mafia Group
Episode 8: His Decision ( Part 1 )
Episode 10: The Head Boss
Episode 11: Agnes
Episode 12: Awaken
Episode 13: Preparing
Episode 14: Benjamin
Episode 15: Wake Up
Episode 16: The Chess Pieces ( Part 1 )
Episode 17: The Chess Pieces ( Part 2 )
Episode 18: The Elfame King's Decision
Episode 19: Behind the Mask
Episode 20: Behind The Mask ( Part 2 )
Episode 21: The News
Episode 22: The Devil's Eye
Episode 23: Jin del Fuego
Episode 24: Training
Episode 25: Invitation
Episode 26: Vengeance
Episode 27: Meeting of the Five Families
Episode 28: Next Target
Episode 29: Crosser
Epesiode 30: Bad Plan
Episode 31: The Hitman's Weakness
Episode 32: Hostage
Episode 33: Flashbacks
Episode 34: Catching Bullets
Episode 35:Third Target of Elfame Mafia
Episode 36: The Sniper Assassin : Nero Guzman
Episode 37: Sad Death
Episode 38: The Master and The Apprentice
Episode 39: Whisper of the demon
Episode 40: Helena's KISS
Episode 41: The Demon and the Unknown
Episode 42: Crossing Paths
Episode 43: Rise and Fall
Episode 44: The 5th Assassin
Episode 45: Replacement
Episode 46: Lily Valdez
Episode 47: Achilles Heel
Episode 48: Capturing the Bait
Episode 49: Tears
Episode 50: Mafia War ( 1st Battle ) Part 1
Episode 51: Mafia War ( 1st Battle ) Part 2
Episode 52: Reunion ( 2nd Battle )
Episode 53: The 3rd Battle ( Part 1 )
Episode 54: 3rd Battle ( Part 2 )
Episode 55: The 4th Battle ( Part 1 )
Episode 56: The 4th Battle ( Part 2 )
Episode 57: The Last War
EPILOGUE
FAQs and Trivias
Important Announcement

Episode 9: His Decision ( Part 2 )

7.3K 278 10
By MajorSin


Episode 9: His Decision ( Part 2 )


EditedOct2018


*****


[ Virgel's PoV ]


Mga mahinahong patak ng tubig ang nagpabalik sa ulirat ko. Dahan dahan kong binuksan ang mga mata ko. Wala akong makita. Bat sobrang dilim? Nasaan ako? 

"Ano bang nangyari?" Natanong ko nalang. Nasaan sila?

"Elsa?" Tumayo ako mula sa pagkakahiga at tsaka sinuri yung paligid. "Hugo?"

"Anak." Isang boses ang narinig kong gumanti sa tawag ko. Ang boses na yun..

Mama..

"Ma? Ma nasaan ka?" Agad ko ring tawag sakanya. Kahit wala akong nakikita ay sinubukan kong maglakad. Ang layo kasi ng boses na yun dito sa kinatatayuan ko.


"A-anak...anak..anak.." Tuloy padin yung pagtawag ni niya sa'kin kaya dumiretso lang ako sa paglalakad. Sinusubukan kong sundan kung saan nanggagaling yung boses niya. Habang humahakbang ako paabante ay unti unti ring lumalakas yung boses niya.

Mama anjan na ako..

Maya-maya pa ay bigla nalang akong nauntog sa di ko alam na bagay. Sinubukan ko 'tong hawakan at may nakapa akong doorknob. Pintuan 

Mukhang dito nagmumula yung boses ni mama. Pinihit ko ito at dahan dahang binuksan. 

Pagbukas ko, isang babae na nakaluhod at isang lalaking nakatayo agad ang tumambad sakin. May ilaw na sa silid na 'to kaya kitang kita ko ang itsura nila.

at yung babae..


"M-ma?" Sambit ko. Bigla kong naramdaman ang paninikip ng dibdib ko nung makita ko ang sitwasyon niya. Nakaluhod lang siya habang nakatungo. At yung buhok niya, hawak-hawak nung...

Paano nangyari 'to? 

Halos manginig ang buo kong katawan nung makita kong kamukha ko yung lalaking nakatayo sa likuran niya.

"Virgel.." Usal pa niya bago ako binigyan ng isang mala demonyong ngiti--ngiting nagbibigay ng sobrang takot sa tumitingin nito.

"S-sino ka?" Kapos hininga kong tanong dahil sa sobrang takot. Imposibleng sarili ko ang kaharap ko ngayon, Anong klaseng mga titig yan? Pano nagagawa ng sarili kong mukha na ngumisi ng ganyan ka nakakatakot?

Nakita ko namang may hinugot siya sa likuran niya pagkatanong ko nun. 

Isang baril..

Dinilaan pa niya ito bago ulit kumurba ang ngisi nito. 

"Ako si Virgel. " Sagot niya tapos tumawa ito ng sobrang nakakapangilabot.

Parang gusto ng bumagsak ng mga paa ko sa sobrang takot. Ang mga tawa niya..nakakapanlambot ng mga buto.

"H-hindi ko maintindihan.." Nasabi ko nalang--na biglang ikinawala ng ngisi sa mukha niya. Tinitigan niya ako ng sobrang talim. Ganun kabilis magbago ang expresyon niya.

Nakita kong kinasa niya yung baril na hawak niya bago siya nagsalita. "Hindi mo maintidihan? Pwes, ipapaintindi ko sayo." Usal niya at walang pagdadalawang isip niyang pinutok yung baril kay..


"MAAAAAA!!!" Mabilis na nanlaki ang mga mata ko sa nasaksihan. Kitang kita ng dalawang mga mata ko ang pagbagsak ng katawan niya sa sahig.
 

Hindee..


B-binaril niya si m-mama...


Mama....

"Ako ang isang katauhan mo Virgel! Ang kabaliktaran mo." Usal niya at tumawa na naman ito ng napakalakas.

Di ako makapagsalita. Ayaw bumukas ng mga bibig ko. Nanatili lang akong tulala habang nakatingin sa katawan ni mama.

"Mapanganib, mamamatay tao, walang awa! GANON AKO! GANON KA! GANONG KLASENG TAO KA VIRGEL!"

"H-hinde.."

"ISA KANG WALANG AWANG NILALANG!"

"Hindi.."

"PINANGANAK KA LANG PARA PUMATAY VIRGEL!! "

Parang gusto ng sumabog ng utak ko sa mga naririnig ko ngayon. Hindi ako ganun! Hindi ako mamamatay tao! "Hinde..hindi..HINDEE!!!!! AAAARRGHHHH!! TAMA NAA!!!" Napapikit nalang ako habang hawak hawak yung ulo ko. 

 "Ganyan nga, tama yan, Virgel. Magalit ka. Kamuhian mo ako. Isumpa mo ako! Isumpa mo ang sarili mo!" At narinig ko na naman ang pinaka nakakakilabot na tawa na narinig ko sa buong buhay ko.

Ayoko ng marinig ang tawa niya. 

GUSTO KO NG MAKAALIS DITO! 


*****

[ Elsa's PoV ]


Kasalukuyan lang akong nagbabantay ngayon kay Boss dito sa kwarto niya. 

Hindi siya nagwala kanina. Bigla nalang kasi siyang nawalan ng malay. Buti nga at nakalapit agad si Hugo para saluhin siya.

Kung titignan mo siya ngayon, sobrang amo ng mukha niya pag tulog. Walang kang makikita na kahit anong bahid ng galit o kasamaan sa mukha niya. Maliban nalang talaga kung nagwawala siya.

Sa totoo lang hindi naman talaga bagay sakanya ang Mafia eh. Hindi bagay sa kanya 'tong pinipilit naming posisyon sakanya dahil sobrang pagka inosente niya. Hindi siya karapat dapat dito sa mundong 'to pero wala siyang magagawa. Anak siya ng isang Boss kaya may obligasyon siya sa grupong itinayo mismo ng henerasyon ng pamilya niya. Kahit ano pang gawin niyang paglayo, hinding hindi niya matatakasan ang resposibilidad niya bilang anak ng isang Mafia Boss.

"M-maa.." Sambit niya habang natutulog. Pansin ko ang pagtulo ng isang butil ng luha sa kanang mata niya--bagay na ikinalungkot ko. Sigurado akong mahal na mahal niya talaga yung tumayong mga magulang niya.

"Maa..hinde.." Tuloy tuloy na ang pag iyak niya  kaya hindi ko na nakayanan at hinawakan ko nalang ang isa niyang kamay. Ramdam ko siya ngayon. Naranasan ko narin ang mawalan ng magulang kaya alam ko kung gaano kasakit ang nararamdaman niya ngayon.

"Nandito lang kami..nandito lang ako. " Naaawa ako sakanya dahil sa kabila ng pagiging inosente at mabait niya, nakaranas na agad siya ng ganito kasakit na pangyayari. Naranasan na agad niya ang mawalan ng minamahal sa buhay. At alam ko dahil 'yun sa pagiging parte niya sa Mafia.

Oo resposibilidad niya ang maging parte ng pamilya, pero di kami ganun kasama para hadlangan ang gusto ng isang inosenteng batang katulad niya. Hindi namin ipagkakait sakanya ang isang normal na buhay dahil lang sa malaki ang kailangan namin sakanya.

Kaya kung plano na talaga niyang umayaw, buong puso namin yung tatanggapin kahit masakit. 


*******

[ 3rd Person's PoV ]


"Ganyan lang. Magtanim ka lang ng puot at galit jan sa puso mo." Habang tinitignan ng isang katauhan si Virgel na halos masalampak na sa sahig dahil todo takip ito sa tenga niya para siya nito marinig, di niya maiwasang mapangisi.  "Di magtatagal at tuluyan mo ring mamahalin 'tong kakayahan ko sa oras na magamit mo ako sa pakikipaglaban."

"Hinde!! hinding hindi mangyayari yang gusto mo!" Mariin na ganti ni Virgel.

"Kahit na anung gawin mo hangal, lalabas at lalabas pa din ako jan sa katauhan mo. Alam mo bang muntikan ko ng mapatay ang kaibigan mong babae? Sayang nga at may pumigil sa'kin " Ganti naman ng replika niya na ikinatulala lalo ni Virgel. 

Minsan ng nasabi sakanya nila Ish na nagwala siya isang beses at wala siyang maalala na nangyari yun. Kung ganun, nung panahon ba na yun muntik na niyang mapatay si...

"Elsa.."  Nasambit nalang nito.

"Tandaan mo, Virgel, magiging isa rin tayo balang araw. Yan na ang kapalarang haharapin mo kahit saan ka pa magtago." Huling habilin nung isang katauhan niya bago ito tumalikod at naglakad palayo hanggang sa mawala ito sa paningin niya. 

Nung mawala ang replika niya, dun lang niya ulit naisip ang mama niya. Agad niya naman itong nilapitan at hinarap sakanya.

"Ma.." Sambit ni Virgel at agad niyang hinawakan ang ulo ng mama niya at nilagay iyon sa mga hita niya.

"A-anaak.." Hinang hina na ganti nito. At dun na di mapigilan ni Virgel ang maiyak. Ayaw na ayaw niya sa lahat yung nakikitang nahihirapan ang mama at papa niya.

"P-patawarin niyo ako Ma, hindi ko kayo naprotektahan ni papa." Niyakap nalang niya ang ulo nito nung mapansin niyang hirap na hirap na ito sa paghinga. "Wag niyo akong iiwan pakiusap." Halos ngumuwa na siya sa pag iyak dahil pakiramdam niya nalulunod na ang puso niya sa lungkot. 

"Ma-mahal na mahal ka n-namin..A-anak." Pinilit nitong hawakan ang braso niya sa huling pagkakataon. "Tandaan mo yan palagi."

" Maa..kailangan ko kayo." Napakagat nalang sa labi si Virgel. Gusto pa mang magsalita ng mama niya pero nahihirapan na ito. Napansin 'yun ni Virgel kaya nilapit niya yung tenga niya sa bibig ng mama niya para marinig nito ang gustong sabihin sakanya.

" P-pakiusap anak..w-wag mong hayaan na kontrolin ka ng h-halimaw na 'yun.. " Huling rinig niyang hiling nito bago ito dahan dahang pumikit sa mismong bisig niya.

At sa ikalawang pagkakataon, pakiramdam niya namatayan na naman ulit siya ng ina. At mas dumoble pa 'yung sakit na nararamdaman niya ngayon.

Pumikit si Virgel at niyakap niya ng mahigpit ang mama niya. "Pangako po."


****

[ Virgel's PoV ]


P-panaginip..

Napansin kong sobrang basa ng pisngi ko kaya saglit ko itong pinahiran. Ramdam ko parin yung sakit sa puso ko. Ewan pero totoong totoo yung sakit. 

Mama..

Badya na naman sanang tutulo yung luha ko nang mapansin ng mga mata ko ang isang babae na natutulog sa gilid ko. Si Elsa. Nakaupo lang siya sa sahig tapos yung ulo niya naman ay nasa kama.

Binantayan niya ako?

"Alam mo bang muntikan ko ng mapatay ang kaibigan mong babae? Sayang nga eh may pumigil sa'kin."

Muntikan ko na palang mapatay si Elsa.

Pero bakit ganun? Ba't wala silang sinabi? Kahit nagawa ko 'yun sakanya, ba't ang bait bait parin nila sa'kin?

Kahit muntikan ko na siyang mapatay dun sa una naming pagkikita, hindi parin siya natakot sa'kin. Hindi siya nagalit sa'kin. Wala siyang ibang ginawa kundi ang ngumiti lang sa harap ko na para bang hindi ako halimaw sa paningin niya. At ngayon..andito na naman siya sa tabi ko. Binabantayan niya na naman ako.

"E-elsa." Nasambit ko nalang habang dinadampi ko yung likod ng palad ko sa pisngi niya.

Gusto kong magpasalamat sakanya. Gusto kong magpasalamat sa kanilang lahat kasi kahit sobrang delikado nung isa kong katauhan, hindi sila natakot sa'kin. Hindi nila ako sinaktan. Hindi nila pinaramdam sa'kin na kakaiba ako, na masamang tao ako.

Alam kong hindi sapat ang salitang 'salamat' lang kaya naman..


***


Ilang minuto lang ang lumipas, nagising na rin si Elsa at tila nabigla siya nung makita niyang gising na ako. "Boss..gising kana pala." Sabi niya habang inaayos ang buhok niya. Kanina ko pa siya tinitignan habang natutulog siya, at di ko maipagkakaila na sobrang ganda niya talaga. Lalong-lalo na pag sa malapitan.

Nginitian ko muna siya bago ako nagsalita. "Gusto ko kayong makausap, kung okay lang sana."

"Walang problema Boss." Nakangiti niya ring sabi tapos inilahad niya yung kamay niya para tulungan akong bumangon.

At nung nakuha ko na yung kamay niya, sakto namang bumukas ang pinto...at iniluwa doon si Hell.

Napalitan agad ng kunot ang noo niya nung mapatingin siya sa kamay namin ni Elsa na magkahawak.

"Pinapatawag kayo ni Hugo." Walang emosyon niyang usal bago umalis at malakas niyang isinara ang pinto.

Nung makatayo na ako, binitawan ko na agad yung kamay ni Elsa. Parang nailang kasi ako bigla. "Tara na, Boss." Sabi niya kaya tumango ako.


****


Nung makababa na kami sa sala, silang lima agad ang tumambad sa'kin. Si Benz na nakangisi habang naglalaptop, si Kael na nakatungo lang na parang may iniisip, si Ish na nakaupo lang sa couch, si Hell na ang sama-sama parin ng tingin sa'kin at si Hugo na nasa harapan ko na may hawak-hawak na dalawang Urn.

"Na cremate na namin 'yung mga tumayong magulang mo, Boss. Ito na yung mga abo nila." Sabi ni Hugo kaya natigilan ako

Sina mama at papa..

"P-pakilagay naman sila saglit Hugo. May sasabihin lang ako sa kanila." Pakiusap ko. Tumango naman siya at agad niyang nilagay yung Urn sa isang Altar na malaki dun sa may sala.

Pagkalagay ni Hugo nun, lumapit na agad ako dito at lumuhod muna bago sila kinausap.

"Ma, Pa, wag na kayong malungkot. Pipilitin ko ang maging matatag para sainyo. Wag na kayong mag alala dahil hahanapan ko ang hustisya ng pagkamatay niyo."

Hinaplos ko ang nasa kaliwang Urn. "Ma, tutuparin ko yung huling hiling na sinabi mo sa'kin. Hinding hindi na ako magpapakontrol dun sa isang katauhan ko. Hindi ko kailangan ang lakas at kasamaan niya para makamit ko ang hustisya niyo."

Tumingin naman ako sa Kanang Urn at hinaplos rin ito. "Pa, Pangako, babaguhin ko na ang sarili ko. Hindi kana magkakaroon ng lampang anak, sinisigurado ko yan sa inyo. Matatahimik ko rin kayo balang araw..."

Pumikit muna ako at pinilit ang sarili na ngumiti. "Mahal na mahal ko kayong dalawa. Lagi niyo sanang tatandaan yan." 

Matapos kong sabihin yun ay tumayo na ako. Napatingin ang mga mata ko sa ibabaw ng Altar. Isang napakalaking wall frame ang nakita ko. Andun sila Hugo sa picture, andun silang lima na nakasuot ng maitim na toxido tapos sa gitna nila ay yung medyo may katandaan na na lalaki na nakasuot ng kulay puting toxido tapos nakaupo siya sa isang napakagandang trono. At pagkatapos nakaukit din sa ibaba ng frame ang salitang ' V I R G O   F A M I L Y '

Kung di ako nagkakamali, yung nasa gitna na nakaupo ang dating Boss ng Virgo family--ang tinatawag nilang Boss Vlademir--ang sinasabi nilang tunay na ama ko.

Huminga muna ako ng malalim tapos tinitigan ko ang mga mata ng ama ko sa litrato bago nagsalita.

"Kasama ng paghihiganti ko para sa mga tumayong magulang ko, pangako, Ibabalik kita diyan sa trono mo."

Seryosong saad ko. Maliban sa ama ko siya, alam kong ito lang rin ang paraan para matulungan ko at mabayaran lahat ng ginawa ng grupong to sa'kin.

Dahan dahan akong tumalikod at tsaka hinarap ang mga taong may tiwala sa kakayahan ko.

Pagharap ko, nakatingin na pala silang lahat sa'kin.

Patawad kong bumigay agad ako. Pero ngayon..

Sigurado na ako..

Nakapagdesisyon na ako.

Tinitigan ko muna sila sa mata isa-isa bago ako nagsalita




"Pakiusap, Gawin niyo ulit akong Boss niyo."




-To Be Continued...



-MajorSin

Continue Reading

You'll Also Like

4.3M 121K 110
Nemesis Louie Montero is a class S assassin who was given a mission to marry the mafia boss of a certain organization that would help them rise from...
57.7K 5.6K 35
[ Grimm Series #1] After a string of misfortunes in the mortal world, orphaned Vaniellope Kiuna 'Una' Gomez finds herself surrounded by strange creat...
151 76 38
The root of the hell tragedy is escape from jail but before Supernatural Agent name chen arrest the criminal he saw a person who really like him was...
38.2K 2.1K 37
[FINISHED | PUBLISHED] Categories : Low Fantasy β€’ Mystery β€’ Suspense /ˈsi-nΙ™s-thΔ“ts ɑām/ She can see people's auras . . . "The red light flashed on h...