The Jung Sisters

By heartlessauthor

991 26 12

Noon: OT9 is forever. Nine dorks together. Ngayon: OT8 fever. Jessica is no longer member. Abangan ang reveng... More

The Jung Sisters

CHAPTER I

130 5 7
By heartlessauthor

****************

*Has Jessica Jung left SM Entertainment?*

*Jessica Jung's weibo account possibly hacked*

*SNSD Jessica was forced to quit from her group by SM Entertainment*

*BREAKING: Girls' Generation Jessica posts she is leaving her group*

"oh my god no pls dont leave snsd jessica*

" wtf SM Entertainment?! No way! OT9 forever!!! "

"Maomao please stay. You are my bias ever since"

"I am crying while reading your post. Im hoping it's not true"

"Sones will miss you Sica. "

"Fuck SMent! You can't do this to Jessi!"

"Jessica tell me this is not true!"

"I love you Sooyeon why did you leave?!"

"Stay by our side please Maomao"

<//3

T_______T

Tinigil ko muna ang pag internet ko. Sumasakit na ang ulo ko.

Humiga ako at nagkulong sa kwarto ko, nagbabaka-sakaling gumaan pakiramdam ko..

Pero hindi pa rin.

Nadudurog lalo ang puso ko.

Obviously, ako ang nasa headlines ng mga news ngayon.

Usap-usapan sa media ang post ko kanina.

Ang daming netizens ang nag react. At heto nga, di ko mapigilan umiyak habang naalala ko yung nabasa kong mga comments nila.

Hindi ko ginusto na mangyari ito. Hindi ko piniling iwan ang group ko.

Simula ng magpost ako sa weibo ko, maraming tumatawag sa akin pero hindi ko pinapansin.

Marami rin ang nag message sa akin. Isa na rito ang manager namin.

Sabi niya, bakit daw ako nag post ng ganun? Bakit hindi ko daw hinintay ang company na mag release ng official statement bago ako mag post.

Nasaktan ako. At ayaw kong umasa ang mga fans ko na kasali parin ako sa SNSD kung hihintayin ko pa ang sasabihin nila.

Sinadya ko mag post kaagad pagkatapos ng meeting kanina kasama ang mga members at ang CEO.

Hindi ko matanggap. Hindi ko talaga matanggap.

Paano nila nagawa sa akin ito?

Ang mga babaeng itinuring kong mga tunay na kapatid ay hindi man lang ako maipagtanggol.

Akala ko ba naiintindihan nila ako. Napagusapan na namin ang tungkol sa business ko noon at suportado naman nila. Pero bakit ngayon? Bumaligtad ang lahat.

*ding dong*

Gusto ko mapag isa. Wala akong gana humarap sa kahit sinong tao ngayon.

Hindi ko pinapansin yung nag door bell.

I want to be alone.

*ding dong*

"Unnie!!! Buksan mo naman 'to! Please!! "

Di ko mapigilan maiyak ng todo ng marinig ko ang sigaw ng tao mula sa labas ng bahay ko.

Ayaw ko sana muna makipag usap sa kung sinong tao ngayon pero sa tingin ko kailangan ko siya...

Kailangan ko ang totoong kapatid ko.

"Unnie!! Si Krystal to. Please open the door!"

Bumangon ako sa kinahihigaan ko at lumabas ng kwarto. Bawat hakbang ng paa ko ay siyang pagtulo rin ng luha ko. Sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon.

Pagkabukas ko ng pintuan, sinalubong ako ni Krystal ng mahigpit na yakap.

Mas lalo akong humagulgol sa iyak.

Kahit wala pa siyang sinasabing salita, alam kong ramdam niya ang sakit na nararamdaman ko..

Para akong namatayan.

Nawala nalang ako agad agad sa grupo na pinaghirapan ko salihan.

Ilang taon ako nag sikap sa SNSD. Ilang taon ako nagpakita ng determinasyon ko para sa SNSD promotions. Ilang taon ako nag-tiyaga para sa ikakasaya ng mga nagmamahal sa amin.

Pero bakit parang bula lang ang lahat ng paghihirap ko sa kanila. Basta basta nalang nawala.

"Unnie wag ka na umiyak please."

Umalis si Krystal sa pagkakayakap namin at pinunasan ang mga luha ko.

*sobs*

"Bakit sila ganun? Bakit nangyayari sa akin ito?" tanong ko sa kanya habang patuloy sa pag-iyak.

"Hindi ko rin inaasahan na aalisin ka na nila sa SNSD. "

Kahit ako. Hindi ko rin naman talaga inasahan. Dahil unang una sa lahat, humingi ako ng permiso noon pa sa CEO ng SM Entertainment na magkakaroon ako ng sariling business habang pinopromote ang SNSD. Sumang-ayon naman sila. Preparations palang ng business ko na BLANC, alam na nila.

Nung nag-launch ako ng business, nakatanggap naman ako ng mga congratulations mula sa members ko. Akala ko noon suportado nila ako. Pero nung nakareceive ako ng notification na may urgent meeting ngayon sa SM, at aalisin na daw ako sa SNSD, nagulat ako.

Nakakagulat talaga. Pero mas ikinagulat ko ng mismong co- members ko ay sumang-ayon sa decision ng company para paalisin ako.

Ang sakit :(

Kahit naman may personal business ako sa buhay, never ko tinalikuran ang SNSD. Ito ang first priority ko noon pa at hindi nagbago yun simula ng magka business ako.

Isang buwan palang simula ng launching ng BLANC, tinanggal na nila ako. Gusto nila mamili ako kung ano ang mas pipiliin ko, kung ang business ko or ang group ko. Hindi ko alam kung ano yung sapat at totoong dahilan nila para gawin sa akin ito. Pinwersa nila ako na alisin sa SNSD.

"Unnie stop crying please. Mom and Dad is also worrying about you. Actually they're on their way now.."

"I want to be alone please Krystal. I beg. *sobs*"

"No unnie, I won't leave you. *sobs*"

Niyakap lang ako ni Krystal. Sobrang laking tulong ng pag comfort niya sa akin.

"Unnie andaming paparazzi kanina ang nakasunod sa akin pero don't worry dahil tinulungan ako ni Amber para iligaw sila. "

"For the mean time, hayaan mo muna gumulo sa isip nila ang latest post ko sa weibo."

"Ang dami mong fans unnie na nalulungkot dahil sa nangyari sayo.."

*sobs*

"Hindi ko parin matanggap Krystal."

"You have to move on from now on and face the next chapter of your life....I mean, our life unnie. "

"No need to involve yourself here Krystal, ayaw kita madamay sa kung ano mang issue namin ng SM Entertainment. Just focus with f(x)."

"No unnie. I assure you hindi ka mag-isa sa labang ito. Kasama mo ako. Ipapamukha natin sa SMent na hindi sila kawalan sayo. Unnie you have to trust me."

Hindi ko alam kung paano ako magsisimula ulit. Iniyak ko nalang ng iniyak ang lahat ng sama ng loob ko.

Lahat ng nakikita ko ay may kinalaman sa SNSD.

Pag tumitingin ako sa living room, makikita ko ang pictures ko with the other eight members. Naka-display rin ang ilang awards namin sa shelves ko.

Pag punta ko naman sa kitchen, makikita ko ang refrigerator ko na may mga nakadikit na magnets na mukha ng SNSD.

Sa kwarto ko naman, naka-display ang mga albums at dvds namin.

Hay paano ba ako makaka-move on?

Paano mawawala ang sakit na nararamdaman ko?

Para akong na-broken hearted.

"Krystal please do me a favor."

Pinunasan ko ang mga luha ko na kanina pa tumutulo.

"Ano yun unnie? I'll do anything."

" Keep away every thing here na may kinalaman sa SNSD at SM Entertainment."

Kita ko namang parang nagulat si Krystal sa pabor ko sa kanya.

"Okay unnie, if that's part of your moving on"

Hindi ko alam kung moving on ba ang tawag dito. Ang alam ko lang ay gusto ko makalimutan ang sakit na nararamdaman ko. Isa itong bangungot sa buhay ko.

Aaminin ko, hindi ko talaga kaya kalimutan ang mga pinagsamahan naming lahat. Ang lahat ng mga plano namin, nakatatak parin sa isip ko.

Bukas dapat ang fan event namin sa Shenzen China. Bukas sana.

Malamang nadismaya ko ang lahat ng mga sumusporta sa akin. Naghihintay pa naman sila sa comeback namin.

Yung mga preparations namin para sa "Catch Me If You Can", wala na.

For sure, i-aadjust nila ang mga lines ko sa kanta. Sino kaya ang papalit.

Nakapag-shoot na pa naman kami. Hay grabe. Paano ko ba maiibsan ang sakit na bumabalot sa sarili ko.

Hindi ko ata kayang mag-isa.
Hindi ko kayang panuorin ang SNSD na mag-perform ng wala ako.
Hindi ko kaya mawala ang lahat ng sones na nagmamahal sa akin.

Ayaw ko sila magalit sa akin. Mahal na mahal ko sila T____T

Sa araw araw na paggising ko, ang unang pumapasok sa isip ko ay ang SNSD, ang aming mga sones.

Sana panaginip nalang ang lahat ng ito.

*******************************

Continue Reading

You'll Also Like

260K 9.9K 62
My collection of JENLISA one shot stories. May contain some stories written in Filipino.
11.5M 336K 68
X10 Series: Arthur Evangelista He dumped me at our own wedding. I left. I met HIM. And there came the SECRET. Do you want you to know about it? Let's...
108M 2.3M 100
Now published under Pop Fiction, an imprint of Summit Books. P195, Taglish Part 1 Theirs is a story that started all wrong. Naglayas si Gail sa bahay...
1.5K 96 21
Maria Nicolette Vergara is a famous idol and known as a short tempered person. Jhoanna Christine Robles is a blind girl and she idolize Colet's group.