Reaching Out

By taekooktrashcan

2.3K 65 119

Single 5ever. Studies ang priorities. Mataas ang standards. At higit sa lahat, CONFUSED. Yan si Tan, minsan n... More

Reaching Out
Chapter 1 - Type ko?
Chapter 2 - Starting a Friendship
Chapter 3 - A Chance
Chapter 4 - The Roommate
Chapter 5 - PDA
Chapter 6 - It's All or Nothing
Chapter 7 - Compromise
Chapter 8 - Us
Chapter 9 - Valentine's Day
Chapter 11 - The Break Up (short update)
Chapter 12 - Chinito
Chapter 13 - Moving On
Chapter 14 - Start With Something
Chapter 15 - The House Party
Chapter 16 - Chance
Chapter 17 - The Past and The Present
Chapter 18 - The Truth
Chapter 19 - The Day
Chapter 20 - Snaps!
Chapter 21 - Bourbon Street
Chapter 22 - Journey to the Past
Chapter 23 - Burger King
Chapter 24 - Wine Coolers
Chapter 25 - The Truth About Us
Chapter 26 - Complication
Chapter 27 - Tiffany Teal Box
Chapter 28 - Surprise
Chapter 29 - Ins and Outs
Chapter 30 - Broadway
Chapter 31 - French Holiday
Chapter 32 - Little Red Riding Hood

Chapter 10 - Useless

67 2 2
By taekooktrashcan

Yun lang ba yun? Yun lang ba talaga yun? Anong special dun? Siguro yung words na “first time” ang nagbibigay ng special na idea dun. Pero in terms of feelings, there’s nothing really special about sex. Bakit ba kailangan pang maghintay after marriage eh intercourse lang naman yun? Sorry ha, no offense meant pero I don’t really get the idea.

When Ken and I did it, I felt really happy. Siguro yun nga yung nagpa special dun. Especially when you feel the love between you and your partner. Hindi nga lang ganun ka romantic yung lugar kung san namin ginawa. Hello! Sa lapag ng dance studio? Jusko pwede namang nagyaya sya sa kahit sa Sogo man lang kaso... Hay nako. Ewan. Basta. At least nagawa namin ng hindi nya ko pinilit.

Siguro nagtataka kayo kasi hindi na masyado nanggugulo sa buhay ko sa AJ. Well, akala nyo lang yun. Hay. Buhay may roommate na manyak.

The same day, Valentine’s Day, pag-uwi ko ng bahay nadatnan kong walang tao. Patay lahat ng ilaw. Wala kaya si AJ? Just when I thought na home alone ako, pagbukas ko ng pinto ng kwarto namin... Aba! Ayun ang loko. Muntangang naka higa sa kama ko ng pa-“seducing” way. Yuck. Magpapalit ako ng bedsheet at pillow cases oras na mapaalis ko si AJ sa kama ko. Napansin ko din na candle lit ang kwarto with matching rose petals na nakakalat sa bawat paligid.

“Linisin mo yan kapag sawa ka na at gusto mo nang matulog ha.” Sabi ko tsaka ako pumunta sa cabinet ko para kumuha ng pamalit na damit.

“Grabe naman Tan. Hindi mo man lang ba ko papansinin? Tingnan mo. Pinaghandaan ko pa nga to eh.” Lokong to. Pinaghandaan eh wala nga syang suot.

“Gago ka ba? O sadyang manhid lang? Hindi kita papatulan, AJ. Kaibigan kita!” sagot ko sa kaniya. Naiinis na ko kaya hindi ko na talaga mapigilan yung galit ko.

“Pero mahal kita!” sagot niya. Nagulat ako sa sinabi niya. Mahal niya ko? Seryoso ba sya?

“Mahal? Mahal mo ko? Ako, mahal kita dati! Alam kong ramdam mo yun! Pero ikaw, minahal mo ba talaga ko kahit na tinutulak kita sa pagiging kaibigan lang? Ni minsan hindi ko naramdaman na mahal mo ko! Hindi ako manhid, AJ. Sadyang puro libog lang talaga yung pinapakita mo sakin, hindi pagmamahal!” sumbat ko sa kaniya. Hindi na siya nakaimik. Nakita ko sa mukha niya yung halong sakit at galit. Pero tahimik lang siya. Wrong combination. “I’m moving out. I’m gonna contact my mom first thing tomorrow morning.” Tuloy ko tsaka ako lumabas ng kwarto.

Pagkabihis ko bumalik na agad ako sa kwarto. Pagpasok ko wala na si AJ, wala na yung mga kandila pati yung nakakalat na mga rose petals. Pero may card at box sa ibabaw ng kama ko. Kinuha ko yun tsaka ko binasa muna yung card.

“Happy Valentine’s Day, Baby Tan!

Alam mo bang mahal na mahal kita dati pa? Alam ni Aleli yun eh.

Pero ngayon, alam mo na din.

Kahit na may boyfriend ka na, tandaan mo...

Akin ka.

Love, AJ.”

 

Pagkabasa ko, parang naguilty ako sa sinabi ko kay AJ. Binuksan ko na din yung box at nakita kong nandun yung chain bracelet at charm keychain na matagal ko nang tinitingnan sa mall kapag dumadaan kami. Ngayon naramdaman ko na yung pagmamahal niya. Kaso mali na eh. Mali na yun kasi may boyfriend na ko. Kung sana dati pa niya sinabi, edi baka nagwork pa kami. Sayang.

Paggising ko kinabukasan, nakita kong natutulog si AJ sa kama niya. Anong oras kaya yun umuwi? Anyway, nagpunta na ko sa kusina para magluto ng breakfast namin. Inabutan naman niya ko dun pero yung galaw niya parang wala lang ako. Hindi tulad ng dati.

“Akala ko ba aalis ka na?” sabi niya habang umiinom ng tubig. Pero hindi niya ko tinitingnan.

“Sabi ko, I’ll call mom pa lang. I didn’t say I’m moving out today.” Sagot ko habang inaayos yung kakainin namin. “I made you some coffee...” tuloy ko.

“Bakit papatagalin mo pa kung dun lang din naman babagsak yun? Uhmm... Thanks.” Sagot niya naman sakin. Umupo na siya para inumin yung kapeng tinimpla ko para sa kaniya.

“Do you hate me that much? Pano kung sabihin kong nagbago na yung isip ko? Na hindi kita iiwan dito?” napatigil ako sa mga ginagawa ko pero hindi ko pa din siya tinitingnan.

“What if I do? May magagawa ka ba? Hindi kita kailangan. Kaya ko sarili ko, matanda na ko.” He said coldly. Parang ang sakit naman nung sinabi niya. Pero naisip ko din yung sinabi ko sa kaniya kagabi. Parang mas grabe yung naramdaman niya...

“Fine.” Binaba ko ng padabog yung bowl ng kanin sa lamesa ng tsaka ako umalis ng kusina.

“Tan—“ narinig kong tinawag niya ko pero di ko siya pinansin.

Nagpatuloy ako sa kwarto namin. Pagdating ko dun, kinuha ko yung maleta ko tsaka ko sinimulang ilagay dun yung mga damit ko. Wala nang makakapigil sakin. Narinig kong bumukas yung pinto, pag tingin ko... si AJ. Bumalik na lang ulit ako sa pag-aayos. Ayoko nang makipag-usap pa.

“Tan... Don’t go... Please. Hindi ko sinasadyang masabi yun. Please don’t leave me.” Lumapit na siya sakin, nakakapit siya sa braso ko. Ako naman napatigil sa ginagawa ko.

“Everything’s been said and done, AJ. There’s no turning back..” tiningnan ko siya at nakita kong malungkot siya. Pero... “You made me feel useless. Nagluto ako ng madami at yung mga favorite mo pa kasi gusto kong mag-apologize sa mga sinabi ko kagabi. Pero ano? Eto pala makukuha ko. Akala ko maaappreciate mo, pero hindi pala! Akala ko ba mahal mo ko? Pero bakit ganto ka sakin ngayon? Ang hirap mo din namang intindihin. I made up my mind. Aalis na ko.” Tuloy ko, nagpatuloy na din ako sa pag-eempake. Wala na siyang nagawa.

Sinundo ako ng Kuya ko sa lobby ng condominium. Hindi ako nagpasundo kay Ken kasi hindi ko alam kung paano ko ieexplain sa kanya yung dahilan kung bakit ako aalis, ayoko naman magsinungaling. Kaya kay Kuya na lang ako nagpasundo. Sinakay naman niya sa gray Innova niya yung mga bag at boxes ko. Kinuha ko na lahat ng gamit ko para hindi na ako bumalik pa.

Sa Bulacan ang punta namin ni Kuya, since dun nakatira ang buong pamilya namin. Medyo malayo din kasi sa Manila yung part namin sa Bulacan kaya nagkasundo yung parents namin ni AJ na magsama kami sa isang unit. Pero wala na, umalis na ko. Since patapos na din naman ang semester, titiisin ko na lang bumyahe. Baka magdesisyon na din akong lumipat sa mas malapit na University para mas convenient.

Habang nasa byahe kami papuntang Bulacan, naisip ko ulit si Ken. Anong mangyayari sakin... samin... lalo na ngayon na malalayo na ko sa kaniya... Parang hindi ko yata kayang isipin na magkakahiwalay kami. Ibang klase din no? Dati ayaw na ayaw ko sa kaniya tapos ngayon halos mamatay ako sa kakaisip ng paraan para magkasama lang kami.

Eto namang si AJ, pagkatapos ng pinagsamahan namin bigla niya kong gaganunin. Well, may karapatan naman siya kasi nasaktan ko siya. Pero kung makapagsalita siya parang wala akong kwentang tao. Minsan din naman ang laki ng naitulong ko sa kaniya no! Nung kinukumbinse niya kong wag na umalis, cinonsider kong wag na umalis pero masyado akong nawalan ng tiwala sa sarili ko nung lumabas sa bibig niya yung mga salitang “Hindi kita kailangan.”. Ang sakit sakit pala. 

Continue Reading

You'll Also Like

113K 4.8K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...