Dahil sa sinag ng araw nasilaw yung mga mata ko at yun na din siguro ang dahilan kung bat ako nagising agad.
Inikot ko ang aking katawan simula sa pagkadapa at sinakop ko ang buong waterbed.
Pero parang kay kulang? Nawawala kasi yung presensya ni Joshua na kagabi ay kakulitan ko lang naman tapos naalala ko nanaman yung kissing scene namin kagabi kaya eto na paparating na yung mga ngiting hinahanap ko. Walanjo naman talaga naman. :')
Pero asan ba talaga yung lalakeng yun? "-_-
Bumangon na ako ng kama kahit na ayoko pa pero ewan gusto ko lang hanapin yung mahiwagang boypren ko.
Kinuha ko yung pangbalabal ko kasi ng medyo maginaw pa dahil halos madaling araw palang ata at dahil doon naisipan ko nang lumabas ng room at pinuntahan ko ang restaurant kaso wala siya doon tapos pinuntahan ko yung beach at ayun andoon lang pala nagpapahangin.
Nilapitan ko siya at tatanungin sana kung anong ginagawa niya.
"Ano ginagawa mo?"
"Wala nagpapahangin lang."
"Ikaw di mo naman ata nabanggit saakin na early riser ka pala."
"Ah hahaha kelangan pa ba sabihin yun?"
"Erm- hindi naman."
Baliw! Na-cut yung usapan ang awkward tuloy hindi ko din alam kung anong nginingitian niya doon sa malayo. :|
"Gusto mong maligo?" tanong niya.
"Eh pero- hindi ako naka-swimsuit."
"Hindi naman kailangan eh. Hindi ko na kailangan makita yang katawan mo masuka pa ko." smirk.
"Pangasar ka talaga eh no! Baka nga mamaya lumuwa pa yang mata mo pag nakita mo to." cross arms.
"Niloloko ka lang! Ano gusto mo bang lumangoy o tutunganga ka lang diyan at papanoorin ako?"
"Hindi ba malalim yan?"
"Dagat yan! May mababaw at malalim sa dulo. Ano akala mo diyan? Swimming pool."
Pinalo ko siya sa balikat niya.
"Sorry naman! Sige na mauna ka na." bilin ko sakanya.
"Aish bilisan mo na diyan ang dami mo pang satsat eh."
"Eto na nga!! Ikaw lang naman inaantay ko eh."
Ngumiti siya at naghubad nang shirt sa harapan ko.
Wtf abs. Hindi naman ako na-inform na dito na pala ise-serve yung breakfast ko. :') Putcha naman ang gwapo naman nito.
"Anong tinitingin tingin mo diyan?"
"Uh-ah a-ako ba?"
"Sino pa ba tao dito? (taas kilay) wag ka magalala balang araw mahahawakan mo din to pag naging tayo na." what?! pag naging kami?!
"Wag ka feeling diyan at tsaka tayo naman na ah. Hindi ba?"
"Ang ibig sabihin ko is pag naging tayo na officially for real kaso parang malabo eh. Tara nga nga!!"
Anong mga pinagsasasabi nito? Eh.
Hinila niya ako papuntang dagat at doon nag swimming swimming.
"Brr~ ang la-lamig naman dit-dito."
"Malamang! Umaga pa kaya."
Tinalikuran ko siya at lumangoy palayo sakanya. Sorry Lord hindi ko po ma-take yung hotness niya.
Pagka-ahon ko hindi din naman ako gaanong nakalayo sakanya. Pagpasensyaha weak swimmer po ako.
"Ayaw mong maghubad?" hubad?!
"Ano?! Gago ka ba? Bat ako maghuhubad?"
"Yung pangtaas mo lang baka kasi hindi ka komportable niyan."
May point siya napaka-uncomfortable nga naman nito. Kaya nga naghanap ako ng swimsuit kanina eh.
"Wag ka nang mahiya tayo lang naman tao dito eh." smirk.
Bat ba smirk siya ng smirk? Pang pogi point niya ba yun? Kasi kung oo tama talaga yun. Hahahahaha.
"Oo na maghuhubad na!"
Tinangal ko yung t-shirt ko at pinasa ko sakanya.
"Ilagay mo dun sa pinaglagyan mo ng shirt mo."
Kaso pinasa niya pabalik sakin.
"Ikaw na maglagay! Nakaka-tamad."
"Ayoko nakakahiyang umahon ng ganito lang."
"Ilang beses ko bang sasabihin na tayo lang tao dito? Ano namang ikakahiya mo diyan? Akala ko ba maganda katawan mo?"
Insulto naman nito grabe porque siya may abs okay na. Eh kung ganyan lang edi game ako diyan! (evil smile)
At oonga pala naalala ko pa yung urges non-sense niya. Hm..
"Ako na nga lang! Ang dami mo namang angal kalalakeng tao. Aish."
Sumisid ako pailalim para mabasa yung buhok ko at umahon din naman agad.
Yung totoo, kahit alam kong fit naman ako nakakahiya pa rin na naka-bra't mini short ka lang at mag lalabandra ka diyan sa karagatan. Hindi po ko dyosa. -_-
Pero wala, lumabas ang pagka-model feels ko nung insultuhin ako ni koya abs.
Hinarap ko siya since malapit pa rin naman yung agwat namin.
"Asan nakalagay yung shirt mo?"
Pakyu sagad. Sinong nganga ngayon? Aber.
"Huy! Tulala ka diyan! Saan nakalagay shirt mo?!" inulit ko.
"Huh? Uh- doon sa may katabi ng tsinelas ko."
"Ah okay thanks!"
After kong nilagay bumalik na ako sa dagat at pumunta sakanya.
"Wag ka magalala mahahawakan mo rin to." smirk.
Sabay langoy papalayo.
Hindi ko alam kung anong reaksyon niya pero ang alam ko nagulantang yun. Jino-joke ko lang naman kasi siya.
"Grabe kayo hindi nangantay."
Napalingon ako sa paligid kung sino man nagsabi nun at pagkatingin ko ay sila Viria at Lance pala.
Potek pano na ako nito naka bra't shorts lang ako. Nakakahiya! :(
"Ehehe ang tagal niyo eh kaya kami na nauna ni Heaven dito. Diba babe?"
"Ah eh oo baka kasi tulog pa kayo kaya hindi namin muna kayo inistorbo."
"Iba ka na talaga pinsan!" sigaw ni Lance.
Namumutla na ako sa kahihiyan para naman kasing tanga eh bat pa ako naghubad at tsaka nakakahiya kayang makita ni Lance na ganito lang ako ano nalang sasabihin nun sakin. :(
Agad-agad akong umahon sa dagat at tumakbo para kunin yung shirt ko tapos sinuot ko nalang ulit yun.
"Mamayang hapon magswimming ulit kayo, okay?"
"Sure walang problema yun. Sige magbabanlaw muna ako."
Iniwanan ko muna silang tatlo sa may seaside since giniginaw na din ako at gusto ko na talagang maligo eto kasing Joshua na to napilit pa akong lumagoy.
"Heaven saan ka pupunta?"
"Hindi ba dapat andoon ka kasama si Viria? Bat andito ka at tsaka magbabanlaw pa ako."
"Heaven pwede ba tayong magusap?"
"Uhm... osige pagkatapos kong magbanlaw doon sa room tayo magusap."
"Good aantayin kita."
Hindi nako lumingon at dumeretsyo na ako sa isang shower room pagkatapos kong maligo bumalik na ako sa kwarto tapos doon ko pa nakita si Lance na nagaantay.
"Uh.. aalis pa ba ako? Magbibihis ka pa ba? Saan ba?"
"Hindi sa banyo nalang ako magbibihis diyan ka lang antayin mo ko."
Kinuha ko yung tuyong damit ko at pumuntang banyo para magbihis after ilang seconds may kumalabog sa pinto.
"Aaahhh!!!!!!!!!"
"Heaven, pagamit ng cr!"
"Nagbibihis pa ako! Bawal pumasok!"
"Naiihi na ako, Ven. Sige na! Dali!"
"Doon ka sa kwarto niyo umihi bakit dito?!???!"
"Na kay Viria yung susi ng kwarto dalian mo na diyan naiihi na talaga ako!"
Eh diyos ko po ano bang gagawin ko? Hindi naman pwedeng papasukin ko nalang siya bigla. Buhay nga naman talaga.
"Dalian mo umihi ka na! Dali!"
Nakabalabal ako gamit yung twalya.
"Tumalikod ka iihi ako makita mo pa to eh."
Ay sorry oonga pala lalaki to. Talikod na dali.
"Tapos na ako pwede ka na magbihis."
"Sige labas kana ng pinto."
(sighs) sa wakas nakahinga din ng malalim.
Lumabas na ako ng pinto tapos nakahilata lang doon sa kama si Lance.
"Ano ba paguusapan natin?"
Naupo lang siya doon tapos nakayuko mukhang nagiisip pa ata ng sasabihin niya. Hay nako kung ano man yan wag na lang.
"Shit ang tanga tanga ko lang talaga Heaven."
"O-okay ka lang?"
"Heaven, trust me hindi ko ginustong makipagbreak sayo it was none of my intentions."
"So anong pinapalabas mo niyan?"
"Heaven gusto kong makipag balikan sayo."
"Ah... hindi ka nga talaga okay."
"I'm fucking serious Heaven. Ano ba?"
"Anong ano ba? Hindi ko alam."
"Pwede pa ba? Your call basta gusto ko ulit na tayo nalang."
"Hoy Versales tantanan mo nga yang pagdadrama mo."
"Hindi to acting I want you back now." hinwakan niya yung kamay ko.
"Hindi pwede yun may kanya kanya tayong relasyon."
"Then let's take the risk! You and me against them all basta ang mahalaga nasakin ka."
"Baliw ka ba? Hindi ganon kadali yun."
"Akala ko ba mahal mo pa rin ako? (Oo.) Edi kung ganon tayo nalang ulit nagsseselos ako sa pinsan ko inaamin ko na yun at ayokong nagseselos ka kay Vi."
"Look at me Lance, mas okay pang nagseselos ako eh kesa naman sa mangaliwa ako."
"Please. Isang chance pa Heaven magbabago ako promise."
Jusko ano ba naman tong pinagsasasabi niya? Mahal ko pa pero parang mali naman na ata na papatulan ko siya.
"I'll think about it, okay?"
"Okay."
Ngumiti nalang siya at niyakap ako pero..
"Lance ano ginagawa mo sa kwarto?"
"Huh.. ah.. eh.. may hihiramin sana ako kay Heaven, tol."
Napatingin sakin si Joshua pero iniwasan ko yun. Ang awkward naman talaga ng situation ko.
"Uh.. sige mauna na ako.. ah.. salamat ulit Heaven."
Umalis na si Lance tapos sinarado ni Joshua yung pinto.
"Tigas talaga ng ulo mo ano po."
"Sabi niya may paguusapan daw kami kaya pumunta siya dito. Ikaw kung ano nanamang iniisip mo."
"Ako pa!?"
"Ayoko na nga makipagbalikan sakanya kahit na yun naman yung gusto niya."
"Bat naman ayaw mo? Diba mahal mo pa yung mokong na yun?"
"Sobra kaso may girlfriend siya eh."
"Kung walang girlfriend papayag ka?"
"Uh..... pwede na din?"
"Kita mo! Hayaan mo pag umalis na si Viria papuntang ibang bansa solo mo na yang si Lance."
"Eh? Ayoko ng ganun."
"Pft gusto mo ayaw mo lang aminin. Siya nga pala break na tayo."
"Huh? Eh bat naman? Paano na?"
"Hindi na kita matutulungan sabi ko dati tutulungan kitang maka move on kaso pati pala pinsan ko mahal ka pa edi no choice ako."
Aw mawawala na yung Joshua ko? Ang hirap naman pag ganito hindi ko alam kung anong gagawin ko.
Ang hard po ng ganito.
"Ikaw bahala ka desisyon mo naman yan eh."
"But anyway we'll still be the best of friends."
Inoffer niya sakin yung kamay niya. Ewan ko ba pero lagi nalang ito yung nagpapangiti sakin sa simula pa lang siya din yung nagpangiti sakin.
"Bestfriends it is."
Inabot ko yung kamay ko sakanya at nagyakapan lang kami. Ang tagal nga eh parang five minutes kaming ganon yung pwesto tapos walang nagsasalita ni isa.
Ang saya saya ko talaga.
Joshua's Pov
Ang lungkot lungkot ko talaga.
Wala na talaga akong magagawa mahal niya pa si Lance at eto akong si gago binitawan na siya.
Na-friendzoned ako mga pare. Saklap lang talaga ay hindi pala na-bestfriend-zone ako.
Pero okay na yun naniniwala naman ako sa kasabihang if you love someone learn to let them go.
Nakanaks parang torpe lang ha. Hindi naman ako torpe eh nahalikan ko nga pano magiging torpe yun.
Time's up! Masyado nang matagal ang limang minuto para yakapin siya humiwalay ka na nga parang timang.
"Tutulungan nalang kita kay Lance."
"Magagawa mo ba yun?"
"Ako pa! Hayaan mo shini-ship ko naman kayong dalawa eh." kahit hindi naman talaga.
"Oh? Ahaha salamat!"
At eto nanaman siyang niyakap ako.
Huhu. Tama na baka masanay ako.
"Basta sabihin mo kay Lance na babalikan mo siya kahit anong mangyari. Ako na bahala sa gf niya."
"Salamat pero tsaka ko na sasabihin yun sa tamang panahon."
Tumango nalang ako at ngumisi di ko na alam sasabihin ko eh.
"Sige matutulog lang ako."
"Okay."
Lumabas siya ng kwarto di ko alam kung saan pupunta yun pero ayoko na sundan bahala na siya tapos na yung mga pagpapanggap ko bilang boyfriend niya.
Humiga nalang ako tapos pinatong ko yung earphones sa tenga ko at nagpatugtog.
Putangina lang. Lalaki ba talaga ako? Gago nadadala lang siguro ako sa kantang pinapatugtog.
Naiiyak ako pero hindi ko alam kung bakit feeling ko mukha akong namatayan.
Pasalamat nalang ako wala siya dito kasi para lang malaman niyo emotional din kaming mga lalaki umiiyak din kami nasasaktan din.
Ano akala niyo? Kayo lang? Unfair.
Eto na talaga umiiyak na ako. Kadiri! Deputa para na akong bakla nito.
"Aish gago andiyan na nga sayo pinakawalan mo pa." sabi ko sa sarili ko.
Okay? Baliw na ako at kinakausap ko na sarili ko sabay tatawa pa.
Lakas naman ng epekto ng pagka-friendzone ko kay Heaven.
[Play Matutuhan Mo Rin by Rocksteddy on the side]
♬ wag mo akong isipin, andito lang ako at kahit hindi man ako pansinin hindi ako magtatampo ♬
Sorry po hindi na kinaya ng powers ko yung kantang to masyado na akong nadadala.
Hanggang dito nalang talaga ako.
Nakakagago rin ano? Ako lagi yung lalaking hanggang bespren lang.
♬ di ako hihingi ng kahit anong kapalit hindi magagalit kahit ano ang yong sambitin walang maririnig kundi ang puso kong tahimik♬
Pero okay naman na yun masaya naman siya.
Kung saan siya masaya edi okay na ko dun basta ba hindi siya masasaktan.
♬ matututuhan mo rin akong mahalin balang araw ay mapapasakin ang yong damdamin hihintayin ko ang pusong matututuhan mo rin akong mahalin ♬
Wala eh ganyan magmahal ang isang Joshua Bauzon lahat ibibigay, lahat igi-give up para lang maging masaya yung babaeng mahal niya.
Wala eh mahal ko na ata talaga siya eh. :(