Angel of Mine

By Paucestina

1.3K 48 2

Pano kung stucked up sa isang taong hindi mo akalaing makakasama mo? Pano kung wala kang magawa kasi wala ka... More

Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Eight point five :))
Chapter Nine <33
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Eleven point five.=))
Chapter Twelve (Bahala na. Bahala ka!)
Chapter Thirteen
Chapter Thirteen point five.=))
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen

Chapter Fourteen

42 0 0
By Paucestina

Chapter Fourteen

Keith’s POV

Tatlong linggo na rin ang nakalipas nung huling magalit sakin si Angel. Wala parin namang pagbabago. Ganun parin naman kami. Lagi parin naman kaming nagaaway. Kung iisipin nga lang, magta-tatlong bwan na kaming magkasama sa munti naming tahanan. Minsan nung umuwi ako, umuwi rin siya. Magkahiwalay kami ng daan e. Pa’Luzon ako pa-Mindanao siya.

Joke. Alam kong korni. Hahaha! Paki intindi nalang dahil hirap na hirap na ko mag-aral. Ngayon ko lang na-realize na ang dali pala ng course ko. Kaso lagi ko kasing tinutulugan e. Magbabago pa kaya ako? Sabi ko pa naman magaaral na ko. Wait lang, dadating din ako diyan ^__^

So tinatamad talaga ko mag-POV ngayon. Nakaharap lang naman ako kay Lappy at nagpepe’facebook sa aking tambayan. Syempre!  Sa dining area. Si Angel, nasa sofa at nanunuod ng T.V. Lagi naman e. Kakauwi ko lang galing galaan. Araw araw ata ako gumagala kasama si Gela at Justin. Punta don punta dito.

At tatlong linggo narin nagluluto at naglilinis si Angel! ^__^ Siya din nagbayad ng renta. Anong silbi ko dito? Haha! Wala. Ganito pala yun, magpanggap lang na girlfriend at siya na bahala sa lahat. Lumalayo na rin kasi ako kay Angel.

Echos. Pano ko naman gagawin yun? Eh tuwing uwian binabalikan ko pa siya sa school. May tiga sundo siya ha? Lagi pa niya kong pinaghihintay. Eh pano naman kasi ulit! Simula ng nag-pageant siya, lagi ng may mga babaeng sunod ng sunod sa kanya. Hanggang pag uwi ba naman? Ayaw naman namin malaman ng iba na dito siya nakatira kaya sinusundo ko siya para pag magkasama kami, mahihiya na yung mga babae sa balat nila at di na sila lalapit.

Nahiya naman ako sa balat ko. Hahaha! Eh pano naman kasi ulit. Pangatlong ulit na ‘to. Magka holding hands na kami ni Angel di parin maka-halata? Ang galing galing na nga naming um-acting e. Kaya no choice sila kung hindi lumayo. Minsan nga naglalaboy laboy pa kami ni Angel e, para lang mailigaw sila. Parang wanted tuloy si Angel. At ako ang kumidnap!

Ang ganda kong kidnapper ha?

Gusto ko ng Flashback! Ms. Author! Flashback tayo ^__^

*Flashback*

Andito ko sa tapat ng building ng Archi. Pasahan ng project nila Angel. Yung plano na ginawa sa bahay namin. Kausap ko si Justin. Si Angel ang pinagpasa nila, wala daw kasing naitulong si Angel. Kaya siya nalang daw yung mag-represent sa grupo nila at mag-present ng presentation. Kaya ngayon hinihintay ko siya. Sunduin ko daw kasi siya. Edi sunduin ^_^

“Matagal pa ba yun?” Tanong ko. Magsi-six narin kasi ng gabi.

“Konti nalang siguro, pangatlong group naman kami e” sagot ni justin tapos tinignan yung relo niya

“Nagugutom na ko e”

“Hahaha bakit mo pa ba kasi kailangan sunduin si Angel? Malayo ba bahay nila?”

Hindi ko alam ang isasagot ko. Eh kasama ko nga siya sa bahay!

“Medyo”

“Ah. Dapat siya ang sumundo sayo”

“Pano naman niya gagawin yun? Hahahaha”

“Sabagay? Truelove ba ang tawag diyan? Ha Myloves?”

Truelove?

Eh hindi nga TRUE tong ginagawa namin e!

LOVE pa kaya?

“Ahahaha siguro”

So ang plastic lang ng tawa ko. Bakit ba kasi pag kausap ko si Justin puro si Angel ang tinatanong niya. Pinagdududahan ba niya ang nakakapanghinalang pagmamahal ko kay Angel? >.<

“HONEY tara na” may bigla nalang kumapit sa kamay ko at sinabi yan.

YOU KNOW WHO

Tapos nginitian ko siya. MUSHROOM na ata si Angel. Bigla bigla nalang sumusulpot.

Nilapit niya yung bibig niya sa ulo ko, “Tara na, maglalaro pa tayo”

MAGLALARO? !>.<

Tinignan ko siya ng parang may question mark yung muka ko. Nginitian niya lang ako tapos hinila na niya yung kamay ko. Nagulat ako tapa. Si Justin din nagulat. Napakapit pa nga siya sa dibdib niya.

“Sige Justin una na kame” nag-wave ako ng hand tapos ganun din si Justin.

Hinihila ako ni Angel. Ano daw? Maglalaro daw kami? Naka’civilian ako. Hello?! Baka pagalitan ako ng guard dahil nagtatatakbo ako dito, pagkamalan pa kong hindi istudyante.

“Bilisan mo naman Sims”  tapos ngumiti siya sakin. Yung feeling na enjoy na enjoy siya sa ginagawa niya?!

Wala pang isang minuto pag tingin ko sa likod ko andami ng nakasunod saming babae. Edi binilisan ko nga talaga yung takbo ko! Eto pala yung sinasabing laro ni Angel.

Hanngang sa makalabas na kami ng campus. May mga babae paring nakasunod samin >.< Alam nyo bang hingal na hingal na ko? Tapos yung kasama ko takbo parin ng takbo? Eh magkahawak kaya yung kamay namin kaya hindi ko naman mabitawan. Gusto ko sanang kiligin kaso mas nauuna yung hingal sa kilig!

At dahil dumidilim na. Nag’flashlight na yung mga babaeng nakasunod samin. ABA? Girlscout ang tema nila? Ganun ba ka-gwapo ang HONEY ko at ganyan sila? So feel na feel ko talaga ang pagiging HONEY? Naman kasi e! ^____^

“Sims pasok ka”

“Ha? Saan?”

“Diyan sa loob malamang!”

Pinapasok na ko dun sa Urinal na pakalat kalat sa daan. Alam nyo ba yun? Yung pag emergency dun umiihi yung mga lalaki at nagi-stop over sa daan.

Pumasok ako. Tapos tumungo. Korni naman kasi! Katawan lang ang maitatago! Yung paa namin kita din kasi may butas sa baba tapos yung ulo namin kita din. Kaya nakatungo ako. Wala pang ilang sandali pumasok din agad si Angel.

Yung feeling na ang sikip? Yung parang nasa drum kayo? O mas malaki pa sa drum? Eto yun! Nagpapalitan na kami ng hininga ni Angel sa sobrang sikip. Parehas pa kaming nakatungo.

Siya naman natatawa. Dahil sa pagpipigil niya ng tawa gusto ko na din tumawa. Talagang enjoy na enjoy siya sa ginagawa namin. Ang saya saya niya lang. Natutuwa din naman ako kasi feeling talaga ni Angel naglalaro kami.

Nung mapansin naming wala na yung mga boses ng mga babae. Tinulak ko na agad yung pintuan.

“Bakit ayaw?” tanong ko.

“Lakasan mo kasi” tapos nilakasan ko yung pagtulak. Amp! Ang sakit sa kamay!

“Aray ang sakit”

“Diinan mo kasi! Ako na nga” tapos sinipa ni Angel yung pintuan.

Teden bumukas din!

>______< Andaming taong naghihintay sa labas. Lahat sila nakatingin samin.

May lalaki sa harap namin. Umiiling iling pa.

“Ang mga kabataan talaga ngayon… (tsk tsk) padalos dalos”

So feeling nila we are doing something?...

“Mali po ang iniisip nyo” sabi ko tapos nagha-hand guestures pa ko. Syempre! Iniisip nila may ginagawa kame. EH WALA NAMAN! >.<

Tinignan ko si Angel. Napapakamot lang siya sa ulo niya. Wala ba siyang planong klaruhin ang maduduming iniisip nila?

“Una na po kami” tapos kinapitan niya yung kamay ko at saka lumabas.

Tapos ngingiti ngiti siya ngayon? Ang sarap niya lang pakuluan sa kumukulong mantika! Hindi nalang ako nagsalita kasi nahihiya ako -__- Pumara siya ng taxi at umuwi na kami.

*End of FlashBack*

 Pero pag uwi dito ganun parin kami. Hindi na ata kami magbabago.

Ow, tumayo na siya. Magluluto na yan. HAHAHA! Maghuhugas ng pinggan pagkatapos. Parang ang sweet lang namin. Minsan nga naiisip ko na sana boyfriend ko nalang talaga siya.

Totoo. Ikaw ba naman kasi makipag-PDA sakanya e. Minsan nga feel na feel ko na ang pagiging girlfriend niya. ALAMOYUN? >__< Tapos maalala ko feeler lang pala ko. Eh ako na feeler.

Pero, sa kabila ng pagiisip ko ng kahibangan. Bumabalik ako sa reality. Kailangan kong pigilan yung sarili ko. Kasi diba? Hindi naman mutual yung feelings namin. Kahit ba sabihin ko pang M.U kami. Hindi ko naman alam kung ano bang ibig sabihin sakanya ng ginagawa namin.

Pakiramdam ko kasi gusto lang talaga niya kong panindigan sa pamilya ko.

Pakiramdam ko hanggang dun lang yun.

Showcase lang ako.

Hanggang Stage lang ako.

Out na ko pagdating sa backstage.

“Birdy, kain na” Kumunot agad yung noo ko. BIRDY?!

“ano ako? Ibon? Akala ko ba manok ako?”

“Birdbrain! Sisiw ka! Sisiw!”

“Tigilan mo na nga yang kakatawag mo sakin ng sisiw!”

“Pag hindi ka na nga birdbrain, kulit mo” tapos hinain na niya yung ulam.

Marunong siyang magluto ng adobo? >.<

Kaya pala kung makalait naman siya sa hotdog ko!

“Pano mo naman nasabi na birdbrain ako? Bakit! Alam mo ba top ko nung high school?”

“Slow ka. Hindi ka top. Wag kang umasa” tapos umupo na siya

Sabi ko nga diba? ASA nanaman ako. Sino bang nagsabing TOP student ako? TAPON mo nalang!

“Pagkatapos kitang sunduin ganyan ka sakin”

“Araw araw mo namang ginagawa yun. May bago pa ba?”

“Wala! Asar na asar na kong kapitan yang kamay mo!”

“BAKIT? Sino bang may sabi sayong kapitan mo?!”

“Eh sino bang humahawak?”

“Kahit ba hawakan! Kailangan kapitan mo din?!”

“Kung hindi ko kakapitan, Eh pano pag nahulog?!”

“Eh ano naman kung mahulog? Kaya ko nga hawak e!”

“Hawak mo nga! Eh pano naman kung bumitaw ka?!”

“Bakit mo ba iniisip yang pagkahulog? Edi pag nahulog sasaluhin ko naman!”

Ano daw?

Pag nahulog? Sasaluhin naman niya?

Uy diba sasaluhin daw niya pag nahulog! Huy kinikilig ako huy!

Sana mahulog na ko. Excited na ko sa sasalo sakin!

Joke! So ang landi ko lang? Ang landi  landi lang ng reaksyon ko. Eh samantalang kamay. KAMAY ko lang naman ang sasaluhin niya.

ATLEAST willing na siyang saluhin yung kamay ko.

SO PINAPALAKAS KO TALAGA YUNG LOOB KO? Hahahaha!

Oh eto nanaman ako. Daydreaming nanaman? Si Angel nakatitig lang sakin, kasi ngiti ako ng ngiti.

“Sims? Problema mo?”

“Ha? Wala” tapos ngumiti ako

“Magkwento ka nga”

“Storyteller ba ko?”

“Bakit?”

“Hindi ako babanat!”

“Eh? Akala ko nahawa ka na sa kakornihan ng tunay mong boyfriend”

TUNAY KONG BOYFRIEND?

Eh ikaw nga yung boyfriend ko dito! Hell-O?!

“Tunay na boyfriend?” napakunot pa ko ng noo

‘toot toot toot toot toot toot’

Binabaan nanaman ako ng kausap ko sa phone. Nasa telepono ba tayo ngayon? Ha Angel? Parang wala nanaman akong kinakausap!

Yun siya. Sumsubo ng sunod sunod. Alam nyo bang naka sando lang siya ngayon? First time ko siyang nakita nag-sando. Ang gwapo niya lang. Hindi siya masyadong ma-muscles. Ewan, di lang siguro halata? Pero malaki yung braso niya. Aish ewan. Binabagabag ako sa sinasabi niyang ‘Tunay kong Boyfriend’

“Sino bang sinasabi mong boyfriend ko?”

Uminom siya ng tubig.

“Aba malay ko! Tumayo ka nga diyan! Maghuhugas ako ng pinggan” tignan mo ‘to! Bigla bigla nalang nagagalit! Nagtatanong lang naman ako. Eh kasi naman! Siya lang yung boyfriend ko. Kahit hindi naman totoo >:)

Tumayo ako. Tapos pinanuod ko nalang siyang ayusin yung mga pinggan at magpunas ng lamesa. Gwapo niya lang *_*

*tok tok tok tok*

Napatingin kaming parehas ni Angel sa pintuan.

“Ano? Ako parin magbubukas?”

“Sabi ko nga bubuksan ko na”

Binuksan ko yung pintuan. “Uy Justin” napangiti tuloy ako. Eh pano may dala kasing ICE CREAM. Flavor? Double Dutch! *__*

“Pasok ka”

Tapos binuksan ko ng wide open yung pintuan.

Pagkabukas ko nung pintuan napatingin ako kay Justin, nakatingin kasi siya kay Angel, si Angel naman nasa zink naghuhugas ng pinggan. Nakatingin siya sakin, mga five steps away lang siya.

(Justin<--Keith<--Angel<--Justin) Ganyan yung tinginan namin. Ang awkward lang -_-“

Teka. Nakalimutan ko!

“Hmm Justin? Para sakin ba yan?”

“Oo”

“Ah, akin na” tapos kinuha ko saka ko nilapag sa lamesa. Si Angel parang wala lang nakita. Naghuhugas parin siya ng pinggan.

Hindi ko na pinapasok at pinaupo pa si Justin, kinausap ko nalang siya sa pintuan. Nababagabag ako sa muka ni Angel. Ang tahimik niya, ni hindi niya ko tinatawag na HONEY ngayon. Samantalang nandito naman si Justin. >.<

Angel’s POV

Speaking of the Devil. Andito na ang tunay na boyfriend. Nagbibiro lang naman ako kanina! Malay ko bang dadating talaga yan?

Wala naman akong magawa. Andito lang ako, tinitignan ko lang sila.

Props lang ata ako dito. Katulong. Tita hugas ng pinggan ni Keith.

Ang saya nanaman niya. Hindi ba nakakaramdam? Boyfriend naman ang role ko dito diba? Eh bakit parang BOY lang ako?

Hindi ko nga masabing FRIEND niya ko.

 Iniwas ko nalang yung tingin ko at patuloy sa paghuhugas.

Wala naman talaga akong magawa! Mukang nagkaka’feelings na si Keith. Lagi pa niyang kasama yan. Naiinis lang ako.

Ako naman ang pasimuno nito.

Kung ganito lang ang mangyayari.

Yung mahihirapan lang si Keith kasi may gusto naman pala siyang iba.

Na hindi ko naman alam! Kung alam ko to dati hindi ko to ginawa!

Ang magpanggap na boyfriend niya? Tss. Kalokohan!

Kung ganito lang pala yung kalalabasan. Yung nandito ako para panindigan siya, yun naman pala may iba naman gagawa para sa kanya.

At yung totoo pa.

Peke lang ako e. Peke lang. Badtrip diba? Ang sarap basagin nitong mga pinggan na kapit ko!

Kung magpapatuloy ‘to.

Gusto ko ng tumigil.

Continue Reading

You'll Also Like

144K 2.3K 50
Pano kung makatagpo ka ng isang lalaki na hindi mo naman kilala at aayain kang magpakasal? aayon kaba sa kagustuhan nya? papayag kaba at hahayaang m...
10.9K 150 67
tORPE? walang lakas ng loob na sabihin sa mahal mo na Mahal na Mahal mo siya? What if malaman monalang isang araw na mahal ka din pala niya? Next lev...
Notice Him By Risu

Teen Fiction

130K 556 10
Paano mo nga ba masasabing Mahal mo ang isang tao kung hindi mo siya halos mapansin? At paano mo masasabing Mahal mo ang isang tao kung hindi ka niya...
99.9K 2K 36
Paano kapag mahal mo pa pala yung taong iniwan mo? sabi nga ni Vice Ganda,, hindi lahat ng iniiwan pwede mong balikan. Paano kung mahal ka pa nya per...
Wattpad App - Unlock exclusive features