Cynthia

By jbcabret

13.5K 311 242

Three people, two stories, one bond. This is a typical best friend-themed story, but it really doesn't only r... More

Cynthia: The Soundtrack
Part 1: Always New
Cynthia I
One: Dylan
Two
Three
Cynthia II
Four: Allen
Five
Six
Cynthia III
Seven: Dylan
Eight
Nine
Cynthia IV
Ten: Allen
Eleven
Twelve
Cynthia V
Thirteen: Dylan
Fourteen
Fifteen
Part 2: Same Old Feeling
Cynthia VI
Sixteen: Allen
Seventeen
Eighteen
Cynthia VII
Nineteen: Dylan
Twenty-one
Cynthia VIII
Twenty-two: Allen
Twenty-three
Twenty-four
Cynthia IX
Twenty-five: Dylan
Twenty-six
Twenty-seven
Cynthia X
Twenty-eight: Allen
Twenty-nine
Thirty
Acknowledgment, Sequel, and About the Author
An Awkward "Cynthia" Spin-off
An Awkward "Cynthia" Spin-off (Preview)

Twenty

160 6 3
By jbcabret

Ang sama ko talaga. Sa lahat ba naman ng pwede kong ma-isip na design ng pinto, yun pang sa lugar na may sayad.

Hindi ko naman alam na d’on pala na-kidnap si Allen. Kung alam ko lang, sana iba na lang ang pinagtripan ko. Pero ewan. Hindi ko naman siguro kasalanan. Kung kasalanan ko, ano ba ang dapat kong gawin para mawala sa utak niya yung pinto.

Pero hindi eh. Kasalanan ko talaga.

Parang tinatamad si Allen sa hawak niyang paintbrush. Bumabalik na naman ang ang mga compulsions ko na gumawa ng kahit na ano. Pero hindi ko lang alam kung ano ba ang dapat kong gawin, o kung talaga bang compulsions ‘tong nararamdaman ko.

Naisipan kong magtanong kung ano na ang balita sa imbestigasyon: kung drug smuggling nga ba ang dahilan. Pero baka lalo pang lumalim yung pagka-hindi-si-Allen ni Allen.

Hindi lang talaga ako sigurado. Hindi ko alam kung bakit may ibang tao sa loob ng utak ko na nagsasabi ng kahit na ano na dapat at hindi dapat kong gawin. Parang, kung ano ang rason ba’t biglang may boses na nagsasalita ng English sa utak ng kahit na sino—wala. Dahil walang eksplinasyon.

Lumapit ako sa dingding at sinubukang hawakan ang unang letra ng quote. “Okay na ba ’to?” Ewan ko lang kung mahina lang ba talaga ang boses ko, o hindi niya lang narinig. “Allen,” nilakasan ko na ang boses ko, “okay na ba ‘to?”

“Hindi pa yan,” sagot niya. “Pahingi ng juice, bi.”

“Sure.”

Tapos na siya nang bumalik ako dala ang pitcher at isang baso na may orange juice. “Allen, may itatanong sana ako.”

“Okay,” sabi niya habang tinaas niya ang kanyang kaliwang kilay.

“How do I look?” tanong ko habang tumayo nang maayos at matuwid.

“Weirdo,” sabi niya sa sarili niyang accent, at bumalik sa pag-aayos ng edges nung mga letra.

Lumapit pa ako lalo at sinubukang ayusin ang buhok at tshirt ko. “Seryoso ako, Allen. Monthsary kasi namin ni Liz, at hindi ko lang alam kung ayos na ba ang itsura ko.”

“Okay ka naman,” sabi niya.

“You still don’t like her, do you?”

“OMG, Dylan,” napatili siya, at hindi ko alam kung bakit. “Mas okay pang mag-English si CJ sa’yo. Nakakahiya ka.”

Bumaba na siya sa pinatungan niyang silya at inabot sa’kin ang baso niya na wala ng lamang juice.

“Allen,” sabi ko sa boses ng parang ancient dragon sa mga TV series. “Seryoso ako.”

“K, fine,” sabi niya at hinarap ako. Inayos-ayos pa niya ang buhok ko—sinubukang gawing bangs ang medyo mahabang buhok ko sa noo; tinapik-tapik ang pisngi ko; pinisil ang ilong ko; inayos ang short sleeves ng white shirt ko; at ininspect ang mga mata ko. “Kiss me, Dylan.”

“Swerte ka.”

“Parang ‘di ka sanay sa’kin,” sabi niya. Nag-pout na siya sabay sabing, “sige na.”

“Sa pisngi lang,” sabi ko. “Loko ka.”

“Okay ka na, Dylan. Pabango na lang kulang. Though mabango ka na naman.”

“Nakita mo ba si Cynthia?”

Bigla na lang lumabas ang tanong na kinatatakutan kong marining mula sa sarili ko. Bumalik lahat sa isipan ko ang lahat ng pinagdaanan naming dalawa nang marinig ko—sa sarili kong boses—ang pangalan niya. Hindi ko man lang alam kung bakit. Hindi ko nga alam kung sa pangalan ba niya ako takot, o sa katotohanang kilalang kilala ko siya. Parehong nakakabahala.

Biglang naging ‘significant’ ang lahat ng bagay sa paligid ko: ang tunog ng malalim na paghinga ko, ang pagtugtog ni Christian sa keyboard sa kabilang kwarto, ang pagbaba ng namuong tubig sa labas ng pitsel, ang mali at asymmetrical na pagkaayos ng mga libro sa bagong shelf, at maging ang pagbukas ng mga labi ni Allen.

Parang gusto kong tumakbo nang paikot-ikot.

Compulsions.

Panic.

Gusto kong bumaba para uminom ng Prozac.

“Are you mouthing ‘what the fuck’?”

Nakakabinging tunog ng paglunok ko lang ang narinig ko.

Sinubukan kong magsalita, pero walang lumabas sa bibig ko. How do you try to stop yourself from falling, and breaking, and dying?

“Ano?” tanong ko sa kanya. Umupo ako sa kama para marinig ang sasabihin niya. Hindi ko alam kung ilang segundo akong nakatulala. Sana nga lang hindi umabot ng ilang minuto.

“Dapat matulog ka nang maaga, dear Baby Boy.”

Baby Boy’? Mas matangkad pa nga ako sa kanya, at ‘Baby Boy’? Ngumiti lang siya at kinuha ang pitcher at ang baso. Sinubukan kong ibato sa kanya ang dalawa kong unan pero nakailag siya.

“‘Wag na ‘wag ka nang babalik dito!”

Pumayag si Christian na sa kwarto niya muna ako makikituloy. Kahit na magiging ‘annoying’ daw ako, sabi niya. Sinabi ko sa kanya, na kahit naman sinong tao, kukulitin siya pag naka-pyjamas siya.

Oaklee Pendergast. Naka-pyjamas.

“Isipin mo,” sabi ni Mommy kay Christian. “Makikita ka ni Nicole nang naka-pyjamas.”

Naitaas ko pa ang hawak kong drumstick ng tinola sa tuwa. “CJ, Nik-Nik, sitting on a tree.”

At tinapos ni Mommy ang kanta, “K-I-S-S-I-N-G.”

“Mom!”

Kung hindi ko napigilan ang sobrang pagtawa, baka nalunok ko na ang drumstick.

“Na-miss ko na si Cynthia.”

At nangyari na naman ang kinatatakutan ko—ang mabanggit sa harap ng hapagkainan ang pangalan ni Cynthia.

Nakatulala lang si Christian sa harap ko. Wala namang imik si Mommy sa tabi ko. Ramdam ko ang mga mata nila. Para ngang naririnig ko ang mga sinasabi nila sa loob ng mga utak nila. Kitang-kita ko ang paghinto ng pagnguya ni Christian, ang napahintong pag-inom ng tubig ni Mommy, ang mga linya ni Julia Montes sa TV, at maging ang pag-ikot ng ceiling fan sa ibabaw naming tatlo.

Tinapos ko na lang ang kinakain ko. Di nagtagal, bumalik na rin sila sa pagkain.

Naisipan kong manood na lang ng The Two Towers kaysa tumambay sa labas. Inabot pa ako ng ilang minuto kakahanap sa DVD. Sabi pa ni Christian, di ko pa raw dapat simulan kasi manonood din siya. Pina-luto ko na lang siya ng popcorn. Barter trade.

Nag-text ako kina Fritz, Glenn, Candice, at Allen kung gusto ba nilang sumabay. Pumayag naman silang lahat..

Sigurado na ako na may bitbit na ice cream sina Fritz at Candice, dahil nakasanayan na. Si Glenn, okay na hindi okay, San Mig ang ililibre. Alam na niyang manonood din si Christian kaya itatago niya sa backpack. Si Allen, anim na pack ng Moby Caramel. Para lang daw kay ‘CJ’.

Busy lahat kaming tatlo nang mag 8 PM na. May kausap si Mommy sa telepono. Siguro si Dad. Nakasandal siya sa mesa kung nasa’n ang main na telepono, malapit sa pinto. Mabilisang nagsusulat sa notebook ng mga petsa. Hindi ko naman alam kung para sa’n.

“‘CJ’!” sigaw ni Mommy paharap sa kusina habang tinatakpan ang mic. “I think that’s enough. Ilang balde ng popcorn ba ang ginawa mo?”

Tinulungan ko na lang si Christian, dahil nga sa mag-iisang balde na ng popcorn ang niluto niya.

Bumalik naman sa pagsusulat si Mommy.

“May dala palang Moby si Ate Allen,” sabi ko kay Christian. Hindi ko na alam kung kaya ba namin ‘tong maubos. Siguro. Tatlong oras naman ang The Two Towers. Siguro andito na sila, 8:30—at siguro lalagpas ng 1 bago sila uuwi. “‘Yung Moby na lang kainin mo. Kami na uubos nito.”

Tumango lang siya.

“May spicy na cheese powder ba?”

“It’s not actually cheese powder,” sabi niya. “Pure ground chilli powder. We have one. And one cheese powder.”

Hinalo ko na lahat sa isang malaking planggana ang popcorn at flavoring. At kahit ‘di pa nga tapos, kumukuha na si Christian. Puno ang dalawang kamay.

Natatawa ako dahil naluluha siya. Sinubukan kong kumain ng dalawang piraso, okay naman. Tama lang ang anghang.

Pinuno ko ng popcorn ang kanang kamay ko: yung popcorn na puno talaga ng sili. Bigla kong pinakain kay Christian ang ‘grenade’.

Hindi ko nga napansin na sinusuntok na niya ako dahil sobrang lakas ng tawa ko. Yung mukha niya, parang gustong umiyak. Nilalabas pa niya ang dila niya na may maliliit na piraso ng grenade.

“Mom!”

Imbes na baso, pitsel ang ginamit niya para literal na buhusan ng tubig ang dila niya. Binato niya ako ng sobrang madaming popcorn, nangalahati na ang planggana.

“‘I shall never forgive this, Emrys’,” sabi niya gamit ang linya sa isang epic TV show. “‘And I shall never forget.’”

Tumakbo siya sa sala. Siguro magsusumbong.

Si Christian lang ang kilala kong pabago-bago ng temper limits. Hindi mo malalaman kung kelan siya bibigay. Minsan, tatahimik lang. Minsan naman parang papatay para sa Sparta. Kung galit siya, sasabay ang porma ng buhok niya sa kung gaano kasama ang galit niya. Okay na okay na pantulad ang buhok ni Goku. Pag normal lang, nakababa lahat ng buhok niya. Pag sobrang galit, mag-iiba. ‘Katag’. Ang medyo brown na buhok, magiging maitim. Pagpapawisan sa noo, malapit sa ugat ng buhok.

Parehong-pareho ang kulay ng aming mga mata. Kaya gustong-gusto ko pag nagagalit siya. Magiging klarong-klaro ang brown niyang mata. Sa sobrang linaw ng kulay ng mga mata niya, makikita mo kung sino talaga siya. Pag nagagalit din siya, mapapansin mong magiging light brown ang mata niya. Siguro psychological, pero isa yan sa kinaiinggitan ko sa kanya.

Naniniwala akong may superpowers siya. Seryoso.

Binigyan ko nga sina Glenn, Fritz, Allen, Cynthia, Candice, Trina, at Liz ng payo para hindi madala sa mata niya. Sinabi ko sa kanila, na kung may hihinging pabor o bagay si Christian sa kanila na hindi nila kayang ibigay nang agaran, ay ‘wag na ‘wag tumingin sa mga mata niya. Ako lang yata ang ekspert. Si Allen, palaging nadadala kaya kahit na anong gusto ni Christian, binibigay niya. Si Cynthia. Si Cynthia, medyo nakaka-iwas siya. Sa tingin ko nga, pag sobrang maraming ‘CJ’ ang binabanggit niya, na hindi naman palagi kung normal lang, nagiging ‘alipin’ na siya ni Christian.

Ako lang nakapansin nito. Si Mommy at Daddy, hindi sila naapektuhan. Hindi ko rin binaggit sa kanila. Ayaw nga maniwala nila Glenn.

Siguro sintomas ng OCD.

Isa pang kakaiba kay Christian, nakakakita siya ng mga bagay na hindi nakikita ng karamihan. Hindi, hindi paranormal. Nakakapansin siya ng problema kahit gaano ka kagaling magtago. Minsan din, nalalaman niya kung ano yung iniisip mo—minsan. Mature siya na immature, o immature na mature. Parehong nakakatakot.

“Dylan,” tawag ni Mommy. Inayos ko yung mga ginamit ni Christian sa kusina at pinunasan ang mesa. “They are here.”

Nagsimula nang mag-ingay si Allen, na hindi na kakaiba. Nagbabatian at patatawa. Nang pinuntahan ko na sila, nakita ko si Christian na hinahalik-halikan ni Candice at Allen. Kinumusta ko sina Fritz—at ang eyeglasses niya—at si Glenn.

“Kumusta ka naman kay Candice?” tanong ko kay Fritz. Sa kanilang dalawa, si Candice ang palaging nasusunod. Okay lang din naman kay Fritz, at okay lang din naman sa’min.

“Na-train ko na,” sabi niya habang tinaas ang dalawang hinlalaki. “Inaayos na niya yung mga nasira niyang libro sa bahay.”

“N’ong isang buwan, nag-away sila,” pagdugtong ni Glenn. Napanganga ako dahil hindi ko pa narinig na nag-away ang dalawa. “Dahil sa isang text.”

“If you need me,” sabi ni Mama habang hawak yung mga dinalang pagkain nila. “Nasa taas, library, lang ako. Ilalagay ko na sa fridge ‘tong ice cream niyo.”

“Salamat, Tita,” sabi ni Allen. “And I love your hair tonight.”

Bigla akong napatawa sa nadadalas na pag-i-Ingles ni Allen. Napilitan na talaga siguro si Allen dahil kay Tita Mercedita.

Nagpaalam na rin ang lahat kay Mommy.

“Nand’on ako,” pagpatuloy ni Glenn. “Nakalimutan ko na kung bakit—”

“—Humingi ka ng condom.”

“Holy shit.” Bigla akong nakapagmura. Buti na lang kaming tatlo lang nakarinig. “Aanhin mo ang condom, pare? At ikaw,”—humarap ako kay Fritz—”ba’t ka may supply ng condom? Tinatago mo ba sa mga encyclopedia?”

“Si Fritz ang pinag-uusapan natin dito, pare. Hindi smuggling.”

“What the f—”

“CJ,” tawag ni Fritz na halatang pambara. Hindi ko na tinuloy.

Na-upo na kami sa sofa, habang sina Candice at Allen naman, nasa kusina. Tinuturuan na naman ata si Christian ng mga iba’t ibang recipe na natutunan nila sa T.L.E..

“Naaalala mo pa ba si Adriana?” tanong ni Glenn. Tumango ako. Siya ata yung seksing nakaaway ni Allen sa isang DotA game. “Nag-text siya kay Fritz.”

At nagsimula na ang kwentuhan kung ba’t binigay ni Fritz ang number niya nung isang linggo bago yung away nila ni Candice. Aksidenteng nahawakan ni Fritz ang dibdib ni Adriana, at imbes na magalit, humingi ng number ni Fritz si Adriana.

“May plano ka kay Adriana?” bigla kong tanong.

“Loko!” napasigaw si Fritz habang natatawa.

“Sabi niya, wala siyang plano, pero di ako naniniwala,” sabi ni Glenn. “Si Adriana ang supplier. Ewan ko lang ah, pero limang araw pa bago sinabi ni Fritz sa’kin. Wag lang tayong manghusga kung may ginawa ba si Fritz,”—binato ng unan ni Fritz si Glenn—”at si Adriana. At yun nga. Nagtext si Adriana at pinapapunta siya sa bahay niya. Nabasa ni Candice, dahil nand’on siya, at ewan ko kung bakit. Oh sige sige, batuhin mo pa ako’t sasapakin kita.

“Kaya yun, nabasa ni Candice. Biglang nagalit, muntik pa nga akong madamay. Napunit ang mga tatlong encyclopedia, ata, ni Fritz—”

“Condolence, pare,” sabi ko.

“Nasira nga yung eyeglasses niya. Bago ‘yang suot niya ngayon.”

“At kumalma naman?”

“Hinalikan ni Fritz.”

Bigla kaming tumahimik. Wala rin akong masabi. Tumango-tango lang si Glenn, habang pangiti-ngiti. Si Fritz naman, parang naghihintay sa sasabihin ko.

“Tara,” sabi ko. “Manood na tayo.”

“Ba’t?” sigaw ni Fritz. “Wala naman masama d’on.”

Hindi pa rin nakakatulog si Christian. May balak talaga siguro siyang tapusin ang movie. Naka-upo siya sa gitna nina Candice at Allen. Katabi ko naman ang dalawang loko-loko. Marami pa ring popcorn at Coke.

Halatang nakatutok sa Twitter si Candice. Si Allen, kaakbay si Christian. Sa aming anim, silang dalawa lang ata ang nakatutok sa The Two Towers. Ako, inayos-ayos ko ang posisyon ng mga baso.

“Ano ba ‘yang ingay?” tanong ni Allen.

Di ko lang talagang mapigilang ‘di ayusin ang mga baso.

“Dylan,” tawag ni Candice.

“Ba’t?”

“Asan na si Cynthia? Pupunta ba siya?”

Agad na pumasok sa utak ko yung text ko sa kanila. Di ko naisali si Cynthia. O baka sinasadya ko talaga. Ewan. Takot nga ba ako. Ewan. Okay na naman ata ako. Kailan ka ba magiging okay. Kailan mo malalaman na ayos ka na? Kung hindi ka na umaasa sa ‘strategic avoidance’? Pag nakahanap ka na ng ibang mapag-iisipan, mapagtripan maliban sa nakaraan?

“It’s ‘strategic avoidance’,” sagot ni Allen.

Biglang nag-ingay ng ooh’s at aah’s ang tatlo. Wala namang ‘avoidance’, dahil hindi ko naman sinusubukan.

“Unofficial strategic avoidance.”

“Allen,” sabi ko, at ewan, pero natatawa ako. “Sa’n ba nanggaling ‘yan?”

“Don’t be afraid,” panigurado niya. “I’m your friend. We are all your friends. You can tell us anything, if you want. We can also say anything to you if we want. Pwede rin naming sabihin kay Cynth—”

“Sa’tin lang ‘to, Allen,” pagputol ko. “Seryoso. Wala akong iniiwasan. Hindi ko lang talaga siya naisali.”

Ewan ko, pero napapalakas na yung paghilot ko sa mga daliri ko—anxiety attack—at pagpadyak ko.

“Okay lang, Dylan,” sabi ni Glenn. “Okay lang na aminin mo sa sarili mo na takot ka.”

“Kilang-kilala ka namin,” dugtong ni Fritz. “Okay ka.”

Okay ba talaga ako? Wala akong ibang ginawa kundi pahirapan sila. Napapagod lang sila sa’kin. Si Dad. Nahihirapan siya sa’kin. Si Mommy. Si Christian. Si Cynthia. Kaya nga siguro iniiwasan niya ako dati pa. Kaya nga siguro iniwan niya ako dahil sa mga pagkukulang ko. Nasasaktan ko sila. At masasaktan ko pa sila.

Hinawakan na ni Fritz ang kamay ko. “Tama na.”

Parang may binulong si Fritz kay Glenn, kung ano man ‘yun, parang hindi niya sinang-ayunan.

“Kuya?”

“CJ,” sabi ni Candice. “Kunin mo ‘yung notebook ng kuya mo sa therapy niya, please.”

“Pagod na ba kayo sa’kin?” tanong ko. Gusto ko lang marinig. Assurance. “Hindi ba kayo natatakot? Na baka isang araw, magiging ibang tao ako? Isang araw, baka makalimutan ko kung pa’no maging si Dylan at magiging na lang ako na may planong patayin kayong lahat. Baka darating ‘yung araw na makakalimutan ko kayo. Na makakalimutan ko ‘yung mga nagawa niyo.

“Okay lang naman na mapagod kayo sa’kin. Kaya ko namang mag-isa. Pinahamak ko na kayong lahat. Lalo ka na, Allen. Naaalala mo pa ba ‘yung plano natin na—”

“CJ! Nasa’n na ‘yung notebook ng kuya mo?”

“Sigurado ka ba, pare?”

“Fritz, Candice, Allen, tayo na bahala kay Dylan. Nakita niyo naman ang mukha ni Tita. Pagod na pagod siguro ‘yun.”

“Pagod na nga si Mommy sa’kin,” sabi ko sa kanila. “Sorry sa lahat.”

“Wag kang mag-sorry, Dylan,” bulong ni Allen. Lumapit na siya sa’kin. Ewan kung bakit, pero nakatayo na silang lahat sa harap ko. Lumapit na din si Christian.

“Gusto naming isulat mo ang lahat ng naiisip mo dito sa notebook. Gaya lang ng dati. Isulat mo ang lahat ng takot mo. Ang lahat ng naiisip mo ngayon. Pag okay na, ipapabasa namin sa'yo nang malakas. Isipin ang lahat, okay?"

Tumango ako. Sinubukan ko na 'to dati pa. Kahit papano, nakakatulong naman. Pero ngayon, ewan ko ba. Akala ko marunong na ako. Akala ko kaya ka nang kontrolin ang sarili ko.

Ito ang oras na akala mo ang lahat ng bagay ay walang hanggan. Ito ang oras na susubukan mong pigilan ang walang hanggan. At magsisimula ito, ngayon.

Hindi ko marinig ang sarili ko sa boses ko. Naririnig ko si Cynthia.

"Kuya?"

Hindi ko alam, hinawakan na pala ni Christian ang hem ng grey tshirt ko. Iniwasan ko ang mga mata niya, na sobrang linaw pa rin kahit naka-dim na ang ilaw.

"Pwede ba akong humingi ng pabor sa'yo, Christian?" Lumuhod na ako at hinawakan siya sa kaliwang braso.

"Opo," sagot niya.

"Magiging okay ako kung susuotin mo na ang pyjamas mo."

Ngumiti ako. Ngumiti rin siya.

Kaming tatlo nila Fritz, at Glenn, sa kusina na kami tumambay. Sina Candice at Allen ang kasama ni Christian habang 'di pa natatapos si Mommy sa taas.

Naka-upo si Glenn sa counter, ako nasa gitna, at si Fritz nasa kanan ko. Nasa harap namin ni Fritz ang sala. Nakaharap naman si Glenn sa mismong lutuan.

Ham sandwiches. Si Glenn ang nag-asikaso. Si Fritz naman, daldal nang daldal.

"Isipin mo lang 'yung lahat ng 'obsessive thoughts' mo. Isulat mo lahat sa papel na 'yan. Kung ano talaga—"

"Pare," tinapik ko siya sa likod. "Ginagaya mo lang si Allen. Alam ko na kung ano'ng gagawin ko."

Inabot ni Glenn sa'kin ang isang can ng San Mig Light. Kinuha niya sa tabi niya. Siguro para 'di mahawakan ng mga kamay ko at ayus-ayusin ang pagkakapwesto sa counter.

"Mas nakakakalma 'to kaysa tsaa."

Binuksan ko nang dahan-dahan ang can. Ininom ko ang laman nito nang diretso hanggang sa mangalahati.

[AUDIO: This is the Thing by Fink 4:25]

Bumalik na ako sa brown notebook ko.

***

Hindi ito ako, OCD ko lang 'to.

Hindi ko 'to kasalanan, tsamba lang 'to.

Hindi 'to malas.

Hindi 'to swerte.

Walang swerte.

Walang malas.

***

[AUDIO STOP]

"Dylan," bulong ni Fritz. "Itong mga libro sa gilid, sa mga shelf, sa Dad mo lahat?"

Tiningnan ko 'yung mga libro sa mga shelf sa sala na ginawang pang-interior wall. Hindi ko na ginagalaw ang karamihan, lalo na 'yung mga libro na nasa itaas. 'Yung nasa kwarto ko lang 'yung kadalasang binubuksan ko.

"Halos," sagot ko. "Ba't mo naman natanong?"

"Sobrang madami lang kasi. Sa'n niyo binili ang karamihan?"

"Reader's Digest, ewan. Kay Lolo ata. May 1957 publications dun sa pinakataas na binili ni Lolo, circa 1960. Fiction, si Mommy. NBS, Booksale. Non-fiction, thesis, researches, kay Dad.”

Kinuwento ko kay Fritz ang pagka-bibliophile ng mga tao sa pamilya ko, lalo na kay Dad. Sabi niya, marami talagang libro si Lolo. N’ong World War II, lalo na n’ong 1943, pinagbawal ng Imperial Japanese ang mga libro sa wikang Ingles. Mahirap na ring maghanap ng iilang kopya. Kung ga’no ka-imposible itayong muli ang Intramuros, gan’on din ka-imposibleng magsimula ulit.

Sinabi ni Dad, naikwento sa kanya yung pinagsisigawan ni Lolo na ‘unggoy na walang buhok’ si General Tomoyuki Yamashita sa bahay nila sa Baguio, kahit na nakabase ang mga Hapon doon.

Nagkagusto lang si Dad na ‘mangolekta’ ng mga libro nung nasa 20’s na siya, n’ong girlfriend pa lang niya si Mommy. N’ong una, pinwersa lang siya, pero nung binigyan siya ni Lolo ng kopya ng Peter Pan na may drawing, kahit sa edad na 21, bigla siyang nagkaroon ng pagkahilig sa fantasy.

Pero ngayon, puro technical papers na ang inaatupag niya.

Tumunog na ang oven. Bumaba si Glenn sa pagkakaupo sa mesa para ihanda ang ginawa niyang ‘sunog’ na sandwiches (palaging sunog ang nagagawa niya).

"Kung gusto mo, pwede ka namang manghiram. Nasa library sa taas 'yung card catalogue. 'Yun nga lang, 'card catalogue'."

"Okay lang," sabi niya. "Salamat."

[AUDIO: cont. This is the Thing by Fink 4:25]

Bumalik na ako sa pagsusulat. Mas mabuti siguro kung tungkol kay Cynthia. Siya lang naman ata ang palagi kong iniisip. Hindi sa nakalimutan ko na si Liz, may problema lang talaga ako kay Cynthia.

Masama ba'ng magtago ng isang bagay sa girlfriend mo? Isang bagay na alam mong hindi niya maiintindihan?

***

Best friend ko si Cynthia.

Nagkagusto ako sa kanya.

Hindi dapat ako magkagusto sa kanya.

Pero nahulog ang loob ko.

Dati iba ako.

Ngayon kapareho na nila ako.

Hindi ako nakakasama.

Hindi ko sila nasasaktan.

OCD lang 'to.

OCD lang 'to.

Ako ay ako.

***

[AUDIO STOP]

Paulit-ulit na lang ang sinusulat ko. Nung mapansin na nina Candice at Allen na nakatunganga na lang ako sa kusina (naka-drawing pa ako ng anim na itsura ng isang apple sa anim na anggulo), pinuntahan nila ako, pinalayo muna si Fritz at Glenn, at binasa ang mga sinulat ko.

“Kumusta ang puso?” Ilang beses ko nang narinig si Candice na nagtanong tungkol sa puso, pero ngayon, parang nanibago ako. Tiningnan ko siya nang seryoso, deretso sa mga mata niya.

Magkalapit lang kaming tatlo, nasa gitna ako, pero nilakasan pa rin ni Allen ang boses niya.

“Char-char-char-char-char!” Pansamantalang nabingi ako sa talas ng boses niya. “Pa-puso-puso ka na lagi, Besh?”

“Para ibigin,” sagot ni Candice. Nag-holding hands at nag-apir pa sila, na parang sinasadyang ipitin ako sa gitna.

“Nakakahinga na nang maayos,” sabi ko, pinipilit na bumalik sa kung ano ang pinag-uusapan kanina.

“Ayos ah,” bulong ni Allen. Hindi ko alam kung nasa’n ang ‘ayos’ sa sinabi ko.

“I know you!” sigaw ni Candice. “‘Nakakahinga’, in your language is ‘trying to move on’. May ibibigay ako sa’yo.”

Iniangat ni Candice at kaliwa niyang kamay. Suot pa rin niya ang mga bracelet niya na gawa sa ‘gems’ na iba-iba ang kulay. Ang iba naman, talagang makukulay na bato ang nakasabit. Ang ilan, may plastic. Ang ilang may bakal na, sabi niya, ‘charm’.

Family tradition.

Ang Mama niya, kapatid niyang 2-year-old na babae, tita niya, lolo at lola niya (parehong weird at cool), maging ang yaya nila, may tatlo hanggang sa pitong bracelets.

Kinuha niya yung lahat ng nakasabit kulay blue.

Tinanggap ko naman. “Ah, salamat ah.”

“Pampakalma ng brain ‘yan,” sabi niya. “You know, para sa ‘nakakahinga nang maayos’ mo. Ibabad muna sa mainit na water, pwede you steam it, tuwing 6:30 ng umaga. Sharp.”

“Wow,” sabi ko, dahil sa wala talaga akong masabi sa pagiging ‘Candice’ niya.

“Kung ‘di tayo friendship,” bulong niya. “Hihingi ako ng bente.”

“What?” sigaw ni Allen. Ewan, pero nakakapanibago talaga nang sobra ang pag-i-Ingles niya. “Pinabayad mo ako ng trenta para bwisit na ‘lovelife charm’ mo. Tapos ‘friendship’?”

“Besh,” tawag ni Candice. “Wala pa akong ‘terms & conditions’ that time, like last year.”

“One word,” sigaw ni Allen. Literal. “What-ever.”

Gusto kong tumawa, pero pinigilan ko yung sarili ko.

Sa sobrang lakas ng tawanan ng dalawa, lumingon ang tatlong lalake sa sala sa direksyon naming tatlo.

Inangat ko ang mga balikat ko, sinasabayan ang mga tanong nila, na hindi ko alam kung napano ang dalawa.

"Well, anyways," panimula ni Allen, habang pinupuno ang bibig niya ng sunog na sandwich. Ewan, pero nagustuhan niya ata. O siguro dahil nakatingin si Glenn sa kanya, kaya nilunok niya na parang waffle ang ginawa ni Glenn. "Para kaya naman natin ang problema."

"Natin?" tanong ko.

Tinapik niya ang ulo ko, at sinira ang ayos ng buhok ko.

"Friendship!" sigaw ni Candice, hinihintay ang pagsang-ayon ni Allen.

"Group hug, beshies!" At nabalot na ako sa yakap ni Allen.

Niyakap na rin ako ni Candice. "Beshies!"

Nagsimula na akong pumalag n'ong hindi na ako makahinga. Hindi ko na nga mabilang kung ilang beses kong sinigaw ang iba't ibang pangalan ng demonyo. At sa tuwing sinigaw ko ang mga iyon, sinisigaw naman ni Allen ang pangalan ng mga kilala niyang santo.

N'ong binalik na ni Allen ang notebook ko, bigla ko na namang naisip si Cynthia. Nakonsensya ako. Nung huli lang, silang tatlo nina Allen at Candice ang nagyayakapan. Pero ngayon, parang kinuha ko sa kanila ang tsansa na makasama si Cynthia

"Sorry ah," sabi ko, at bumigay na rin.

"Sorry rin," sabi ni Candice. Hinawakan niya ang tenga ko.

Sinabi ko na di niya kailangang mag-sorry dahil ako naman yung may problema.

"I mean 'sorry'", pagputol niya. "Hiniling ko kasi, like kanina lang, na sana beki ka na lang."

"Seryoso?"

"Nakaka-enjoy kang yakapin," sagot niya.

Tumayo ako, at tinawag si Fritz. Wala sa posisyon ang bago niyang eyeglasses, at parang inaantok na ang mga mata niya. Siguro medyo tinamaan niya.

Nilapitan ko siya, at sinabi na kailangan ni Candice ang yakap niya. Wala naman siyang sinabi, at dumiretso kay Candice sa sala. Niyakap niya ito at hinalikan sa pisngi, malapit sa labi.

"Mga bata," sabi ko at nagbuntong-hininga.

Naalala ko si Liz at ang mga halik niya. Ewan, pero espesyal siya sa buhay ko. Kahit na medyo wala ako sa sarili 'pag kasama ko siya.

Natutunan ko siyang mahalin, lalo na sa mga bagay na sinusubukan niyang gawin para maging masaya kaming pareho. Minahal ko siya sa kung ano ang meron at kung ano ang wala sa kanya.

Tinabihan ko si Christian sa sofa. Ang kaliwang balikat ko, nakabalot sa likod niya. Pinatong ko ang pisngi ko sa ulo niya. Hindi naman siya nagreklamo, at pinatuloy ang panonood habang nakasipsip sa Nestlé Chuckie.

Natawa ako sa suot niyang pyjamas.

"You should read the books, Kuya."

Hindi ko maintindihan kung ano ang sinabi niya. Siguro tinutukoy niya na basahin ko ang LOTR ni Tolkien.

Lumingon ako sa shelf sa gilid para tingnan ang hardbound na LOTR series. Napansin kong mali ang pagkaayos ng tatlong volumes. Tumayo ako para pagbaliktarin ang Fellowship at Two Towers. Pagkatapos, bumalik na ako kay Christian.

Naglalambingan pa rin sila Fritz at Candice. Ewan, pero sa kanila, ang normal na midnight snack, tingin ko, paglalambingan, technically.

Sa kanan ko, nag-uusap lang sila Glenn at Allen. Mukhang seryoso.

Hindi ko gustong makarinig ng mga seryosong bagay, lalo na 'pag wala naman akong kinalaman.

Tumayo ako. Sinabi ko sa dalawa na sila na muna bahala kay Christian, na pupunta lang muna ako sa taas.

Pumasok ako sa library nila Mom at Dad (sa tatlumpung taon, maipapamana sa'min ni Christian). Malaki ang library, siguro apat na beses sa laki ng kwarto nila. Ginawa 'to nila Dad at Lolo, 1994. Bilang kontribusyon ng dalawa sa baranggay, ginawa nila 'tong public library, ca. 2004.

May isa pang entrance ang library. Konektado sa likod ng bahay. Para hindi na kailangan pang dumaan sa kwarto nila Mom at Dad ang mga gustong magbasa o manghiram ng libro.

Sa'min na rin pinapaubaya ni Captain ang proyekto niyang mga textbooks para sa Daycare at Out of School Youths.

Siguro sa susunod na taon, meron nang kukuning librarian ang baranggay. Nagbiro pa nga si Mommy na hindi na raw kailangan dahil eksperto na si Christian.

[AUDIO: The Great Escape by Pink 4:24]

Nakatulog si Momy sa mesa  (na para kay Christian o sa librarian) na napapagitnaan ng dalawang malalaking shelves ng General 000-600.

Pagod na ata siyang maging secretary ni Mayor.

Nilapitan ko siya at hinaplos ang malambot niyang buhok.

Sa lahat ng oras, andito lang siya sa bahay—sa tabi namin ni Christian—kahit na nagtatrabaho siya sa City Hall. Hindi ko naisip na abot-kamay lang pala siya. Hindi ko alam na sinusubukan niya ang lahat ng makakaya niya para maging mabuting magulang sa aming dalawa ni Christian; para maging mabuting siya kay Dad.

Mahirap maging bulag, pero mas mahirap magbulag-bulagan. Yung pangalawa ang pinakamalaking pagkakamali ko.

"I love you, Mom."

[AUDIO STOP]

Nagpaalam na sina Fritz, Glenn, Candice, at Allen para umuwi. Sabi nila, marami pang masasakyan kahit 12:30. Sinabi ko naman na nakatulog si Mommy, kaya okay lang na hindi na sila magpaalam sa kanya.

Nakatulog na rin si Christian sa sofa. Hindi na nila ginising ang kapatid ko at hinalikan na lang nila sa pisngi. Si Allen, sa mga mata ni Christian niya ito hinalikan. May binulong siya, pero hindi ko narinig. Siguro inaantok na rin ako.

“Apat na araw na lang,” sabi ni Allen. “Birthday ko na. Regalo mo, Dylan.”

Tumawa ako. “Siyempre.”

Hinatid ko pa sila sa kanto, kung saan sila pwedeng makakasakay ng tricycle. Si Allen at Candice lang ata ang gising na gising talaga. Magkayakap sina Glenn at Fritz. Tahimik lang. Pinag-uusapan nila Allen si Adriana, pero parang okay lang kay Candice kasi nagtatawanan lang sila.

Nangumbinsi pa si Allen na pakinggan siya sa radyo, bukas ng alas diyes ng gabi. Sinabi ko naman na susubukan ko. Si Candice, pupunta raw siya sa station at manggambala. On-leave pa rin daw ang kasama ni Allen, kaya okay na okay raw.

Marami silang sinasabi. Ang iilan, naiintindihan ko, o yung parang ginusto kong intindihin. Pero sa lahat ng oras, sa sampung minutong paghihintay ng tricycle, si Cynthia ang naaalala ko.

Sobrang nakonsensya ako. Dati, natakot ako na baka iwasan niya ako. Ginusto kong makasama siya palagi. Naghanap ako ng rason para makasama siya sa mga lakad niya. Ginawa ko ang lahat para hindi niya magustuhan si Anthony—na alam kong sobrang masama—at para maging imposible ang mga tsansa na magkita sila. Pero ngayon, ako na ang lumalayo: tinatakbuhan ang mga takot na binuo ko lang sa kagustuhang maging perpekto para sa iba.

Nakaya kong buhatin si Christian patungo sa kwarto niya. Ginising ko rin si Mommy para lumipat na sa kwarto niya. Kahit na inaantok na ako, niligpit ko muna ang mga kalat sa sala. Mabuti nga’t naisipan kong magligpit, dahil kong hindi, baka si Mommy ang nakahanap nitong kulay blue na condom.

“Salamat,” bulong ko sa Taas.

Itinago ko muna sa kwarto ko ang problemang iniwan ni Fritz bago tinabihan si Christian sa higaan niya.

Pinatay ko ang lampshade at nilunod ang sarili sa ilaw nga mga glow-in-the-dark stars na nakadikit sa wallpaper at kisame.

Continue Reading

You'll Also Like

23.1K 1.2K 18
(Epistolary ⌖ GA: The Game) All Belle Santiago wanted was to have a normal college life. Iyong walang mga matang nakabantay, hindi engrande o espesy...
52.6M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
26.3K 907 37
SA MAHILIG SA SUGARMOM JAN , THIS IS FOR YOU HAHAHHAHA . This is an intersex story , kung di open minded please do skip this story 😘 ALL EVENTS AND...
7.9M 477K 46
[PUBLISHED UNDER LIB] #3. "If I won't have you then might as well kill me, attorney."