Mannequin

By CupsandCookies

11.6K 378 49

Swerte mo na lang kung hindi mo mabubunot ang Mannequin. Bakit? Alamin at basahin! (One Shot) More

Mannequin

11.6K 378 49
By CupsandCookies

Abala ang course namin sa paghahanda. May event kasi sa University namin kaso sa course lang talaga namin pero invited ang lahat na pumunta at magenjoy.

Kami ang bubunot ng gagawin namin at swerte na lang kung hindi mapapasayo ang Mannequin. Bakit nga ba? Mamaya niyo mamalaman. 

Bumunot kami isa-isa at pagbukas ko..

"Hoi, Quentin. Entertainer akin. Ano iyo?" Tanong sakin ng bestfriend kong si Cass.

"Mannequin." pagkasabi ko nun, lahat sila tumingin sakin.  Para bang may ginawa akong kasalanan. Hindi po ako kriminal! Narealize ko na ang malas ko pala talaga. Hindi lang naman ako ang mag-isang gagawa nito. Ung ibang kablock ko kasi, natatakot at nahihiyang sabihin na Mannequin yung nabunot nila. Baka daw kasi pagtawanan sila. Tse! Ang aarte.

Bakit nga ba kinakatakutan at inaayawan ang Mannequin? Ito kasi yung magdamag kang nakaposing in a Im-a-Fashionista/Fabulous way tapos lahat ng maglalagay ng 500 sa box, gagawin na kung anong gustong gawin sa mannequin pero dapat walang galawan kaya ang malas kapag malakas ang kiliti mo. Kala niyo, maghapong posing at maghapong dadaan-daanan ka lang ng mga tao sa paligid noh? Syempre hindi! Bukod sa mainit na, mangangawit ka pa sa kakaposing mo.

"Hoi, umamin na kayo dyan. Yung mga mannequin dyan. Ayan na yung pinakamahal na kita natin kaya umayos-ayos kayo." sabi nung President. Letse siya. Ako tong Secretary na nahihirapan porke't taga ayos lang siya sa mga nagcocosplay e. Loko.

"Eh paano kapag may nanghalik at may nangiliti?" sabi ni Jade na mukhang mannequin rin ang nakuha.

"Kapag may nangiliti, stay put lang, wag tatawa at wag ngingiti pero kapag may nanghalik.. feeler ka na te!" sabay tawa nung President namin. Walanghiya talaga. 

"Quen, ikaw ang leader ng mannequin so dapat maabot niyo yung kota natin na 15000." Ang mahal naman. 500 kada isang tao. Sino namang pipila samin nun? Tsaka 500? Eh pangkain at pamasahe na yun ng dalawang araw. Palibhasa kasi puro rich kid nag-aaral dito. Seemingly humble lang ang nagkekwento. Hahaha! Pangcharity kasi ito lalo na sa mga nasalanta ng bagyo. So kung 15000 ang kota, dapat makatrenta kami. Okay. Pangdagdag tuition na rin yun!

"Mag-ingat ka Quen. Maraming loko-loko sa Engineering. Hahaha! Ang malas mo talaga friend! Lalo na kapag nakita ka ng 8 Monkeys este 8 Motion. See you, Best! Good luck." Sa inis ko, parang gusto kong sabunutan tong bestfriend ko e. Kilala ko yung 8 Monkeys na yun. Sila kaya yung laging pabida pero sa totoo lang, may gwapo dun. Secret na nga lang, mamaya ko sasabihin. Gwapong mayabang.

"Entertainer ka kasi. Malasin ka sanang Bruha ka! Tse!" sabi ko sakanya. Madali lang sakanya e. Maghuhulog ka ng 250 para gumalaw at pwede mong ipagawa sakanya lahat.  Sana nga ganun na lang din nakuha ko e parang parehas lang naman ang gagawin. Ang pinagkaiba lang e yung gagalaw ka.

Meron ding The Dopple Trouble. Yun yung huhulugan mo ng 100, tas gagayahin ka na. Mas madali, mas mura. Lahat ng yan nasa category C. Ibigsabihin, Standing. Oh diba sabi sa inyo ang hirap e. Pero sabi ni Ma'am kung sinong makabunot nun, mas mataas yung grades na ibibigay at kapag sumobra sa kota, Gagawing uno yung average ng mga nakabunot nito. Galing diba? Kaya wag ka ng mag-inarte! Gawin mo na ang dapat gawin.

Marami pang category dito e. Yung ibang block ang saya-saya kasi di nila nabunot tong Mannequin. Tanga kasi ni President e. Pinili pa ang pinakamahirap. Ganun naman talaga, Mahirap, mahal ang kita. Madali, mura ang kita. Bahala na. Tss.

Merong Cosplay at Feeling Princes and Princesses. Basta lahat ng may kinalaman sa Fashion.

Magpapalit na sana ako ng outfit para sa Mannequin na yan ng makasalubong ko ang isa sa 8 Monkeys este Motion. Si Park, which is matinong siraulo minsan.

"Ui, Quentin! Balita ko may event kayo mamaya. Pwedeng pumunta?" masiglang tanong niya.

"Oo naman. San ka?"

"Ah. Galingan mo ah! Ingat ka lang kay Jayvee mamaya. Hahaha! Sige punta na ako sa klase ko." Jayvee? Ah.. yun yung.. Gwapong unggoy. Hahaha! Siya ang mag-ingat mamaya.

···

Umpisa na ang event at mukhang bebenta dito ang Cosplay. 150 kada renta ng damit. Kadiri lang yun pag may baskil ung unang gumamit. Hahaha! De joke lang.

Sa totoo lang, ang init ng suot ko. Alam niyo yung mannequin ng Forever21? Ganun. Jusko lang. Yung iba nga nakapangKPOP na damit. Ang swerte lang kasi maluwag at di mahihirapan samantalang ako? Parang umattend ako sa isang Debut na ang theme ay, "Be classy, Don't be nasty"  de joke lang.  So bale ang suot ko ngayon, Yellow shorts, Pink Suspenders. Blue long sleeves. Tas nakapony tail ako. Full bangs pa. This is ew.

Nagumpisa na ang paglalagay nila ng 500 sa box ni Jade. Walang hiya ka Jade! Pano naman kasi. Ang sexy manamit, ang sexy pa ng posing. Backless pa ampeg samantalang ako, para akong batang naligaw. May hawak nga akong teddy bear e.

Kunwari hindi ko nakikita yung ginagawa sakanya ni Clarence. Mwahahaha! Ex niya yun e. One of the guys in 8 Motions. Isa-isa ata--Wait what?! NO!

Hindi ko na lang inisip yun at nagfocus na sa pagposing ko. Pero wala akong magagawa. Kunwari, hindi ko nakikita yung ginagawa ni Clarence kay Jade. Nyahahaha!

"Babe, kasi.. Sorry na. Nagsisisi na ako sa ginawa ko. Hindi na ako manchichix. Inakit niya naman talaga ako e..." Pasalamat siya at nakashades ang gaga, kundi baka fail kami sa gagawin namin. Actually, kami ni Jade ang napwesto dito sa Engineering Building. Tas yung iba, sa iba't ibang building na rin. Pagpalain nawa ang kaluluwa nitong gagang 'to.

May lumapit sakin na hindi ko kilala. Naglagay siya ng 500 sa box ko. Yes! At alam niyo yung sunod na ginawa? Kiniliti ako. Bwisit. Ang lakas pa naman kiliti ko bewang ko. Tokwa to. Dalawa sila e. Siya at yung girlfriend niya na tawa ng tawa dahil nagpipigil
ako. Mga litsi! Lumayas kayo! Mga dimunyu kayu!

"Wala namang binatbat, Babe. Nagpipigil pa ng tawa. Tara na nga. Lipat tayo ng kabilang Booth." sabi nung lalaki. Aba bastos to ah! Pero di niya naman nabawi yung 500 niya. Bleeh!

Tuloy-tuloy lang yung paglalagay nila ng 500 sa box namin ni Jade. Edi uno na kami niyan sa average. Hahaha! Thanks. Hanggang sa may babaeng lumapit at naglagay ng 500 sa box ko.

"Maganda ka naman pala kapag nag-ayos. Bagay ka nga sakanya. Ano ba naman kasing nakita niya sayo na wala sakin! Nakakainis ka! Ang kinis ng balat mo. Ang ganda mo. Ang bait mo pa! Lahat na! I hate you, Quentin Henares! Ipapaubaya ko na sayo yung crush ko!" umiiyak siyang nagwalk out. Duh. Pwede niya naman akong yakapin. Tsaka ang ganda ng posing ko dito. Kunwaring may kayakap pero wala naman.

"Hoi, Maria  Quentin Henares, alagaan mo yung prinsipe namen! Wag na wag mong papalandi sa iba kundi, kami ang makakalaban mo." Huh? Nagiwan sila ng 2000 sa box ko. OMG! Pero ano kaya yung pinagsasabi nila? Parang mga nakawala sa hawla, at the same time, namatayan. Hehe.

Puro lalaki  naman ung kay Jade. Si Geoff. May crush ata sakanya yun e.

"Alam mo ba Jade, matagal na akong may gusto sayo kaya kung sana, bigyan mo naman ako ng chance na manligaw. 3pm. Thursday. Eco Park." at nagiwan na siya ng 500 sa box. Meteor Garden lang ang peg? Dao Ming Zi! Hahaha. Joke. Kinilig naman ang gaga. Kada pangatlong tao kasi, palit agad posing para di mangawit.

Nakalimutan ba nila na pwede rin silang maginarte samin. Puro salita. Puro naman drama. Tss.

May naghulog ng 500 sakin pero parang wala lang kasi sabi niya "Ang cute mo." Tas biglang umalis. Weird.

"Hoi Jade. Anong kabaliwan yan? Anong posing yang ginagawa mo?" si Trane, yung bakla niyang bestfriend. Dalawa sila e. Si Trane at Gozum.

"Hindi naman gumagalaw or nagsasalita si Jade e. Mannequin na mannequin.. pero may naisip ako! Wahahaha!" binulungan ni Gozum si Trane at hinaplos nila si Jade sa braso papunta sa likod, pababa sa bewang at kiniliti nila sa tagiliran. Ako na lang tong nagpipigil ng tawa kasi sineseduce nila yung bestfriend nila. Duh. Nakakakiliti kaya yun tsaka ang weird sa pakiramdam.

"Ano Jade, nasarapan ka ba? Ang chaka mo. Siguro wet ka na." Ibubulong na nga lang ni Trane, ang lakas-lakas pa. Napakagat labi na lang tuloy ako sa pagpipigil ng tawa. Mamaya itatawa namin to pagnatapos kami.

May naglagay ng 500 sakin. Si Cass. "Hoi babaita, break na namin. Ilang hours pa ba kayong nakaposing dyan? Hindi ka ba ginambala ng 8 Monkeys este Motion? Hahaha. Kawawa ka naman talaga! Hindi ka pa kasi nakikita ni Javi. Sayang ka pero para dobleng kamalasan, sasabihin ko kay Javi na puntahan ka niya sa 4th floor. Babye best! Good luck." pagkasabi niya, hinalikan niya ako sa cheeks. Ay walang hiyang bruha 'to! Mamaya ka sakin! Kala mo naman close sila ni Jayvee para tawagin siyang Javi. Sus. Di nga siya makalapit e. Kay Park lang. Oops. Hehehe.

Nagpalit na kami ng posing at may lalaking naghulog ng 500 sa box ko. Si Park.

"Alam mo cute ka. Kaso taken ka na. Sayang naman." anong ibig niyang sabihin? Hindi ako taken! Gwapo rin kasi si Park, misteryoso na may pagkakwela. Masarap siyang kasama kesa naman kay Jayvee na akala mo kung sino kung umasta. Tss. Kaso mukhang nakuha na nga ata ni Cass yung puso niya.

Sunud-sunod yung mga 500 sa box namin ni Jade. Ilang hrs na kaming nakatayo dito. Di pa ba kami magchechange clothes at change position? O kaya kahit break man lang? 3pm na kaya. Tas 6pm sharp yung last namin.

Banda sa malayo, narinig ko yung mga bulung-bulungan nila. Ewan ko ba. Magbubulung-bulungan na nga lang ang lakas-lakas pa. Edi sana nagsabihan na lang. Mukhang 8 Motion pa ata.

"Ano ka ba pre, chance mo na yan! Tsaka mannequin lang yan o. Kamukha lang ni Quen yan!" Ako mannequin? Bubugbugin ko mamaya yang Joshua na yan! Pero sabagay.. mannequin nga.

"Ang torpe mo naman. Kaya di siya makalapit sayo e. Tsk." si Harry

"Isipin mo, hindi niya naririnig. Isipin mo isa lang siyang mannequin ng Palastine University, isipin mo model lang yan ng isang apparel, tulad ng bench o kaya penshoppe." si Clarence

"Will you please shut your f*cking mouth!?  I'm thinking!" sabi nung leader nila. O edi natahimik. Hahaha!

Lumapit siya dito at nagiwan ng... 5000!? Ang laki na nun.

Umalis siya kaagad. Ha? Ganun na lang yun? Walang ginawa? Sayang yun. Bahala nga siya.

3:30 ang break namin at nagpalit na kami ng suot. Dahil swerte ako sa mga susuotin ko, hindi ako magsusuot ng pangBeach. Mwahahah! Kaso alam niyo kung ano yung susuotin ko? Mascot. Si Grumpy Bear. Ano ba yan. Mainit na yung long sleeves na sinuot ko kanina, ngayon naman mascot. Ang malas ko nga! Tss.

Nakapwesto ako sa liblib na lugar at ako lang ang mag-isa! Walangya talaga. Pero atleast malapit sakin si Cass. Nasa puno kasi siya at ako nasa harap ng fountain.

Nakasuot ung ulo ng bear sakin kaya mainit pero nakita ko si Park na nagiwan ng 250 sa box niya. Tago ang kilig ni Cass kasi si Park lang talaga ang nasa harapan. Mwahahaha! Ang galing diba. Kelangan niyang ientertain si Park. Ang alam ko kasi, may namumuong MU sa dalawang yan e.

"Ui! Ang cute. Picturan mo ko dito Hon!" sabi nung babae na tagaTourism ata.

Pwede naman siguro magpose, wala namang CCTV dito sa liblib na lugar na to.

Nagpeace sign ako nung nagpapicture yung babae sakin. Naghulog naman yung lalaki ng 500 tapos nagpapicture silang dalawa sakin. Selfie ba.  Tapos humalik sa ulo ng mascot ung babae. Hahaha. Di niya ata alam na babae ako. Pero okay lang, dagdag 500 naman.

May mga grade schoolers at preschool din na nagpapicture sakin.

5:55pm na at 5 minutes na lang Tapos na.

Umalis na rin si Cass kasi call time niya na. Ibig sabihin ako na lang mag-isa dito tas medyo madilim pa. Ano ba yan. Tinanggal ko na yung ulo ng mascot na suot ko. Ang init kasi sa loob tsaka para makita ko na rin kung sino yung dumadaan. Nagposing na ako baka kasi meron pa.

Sa periperhal vision ko, nakita ko si Jayvee na papalapit dito. Naghulog ulit siya ng 500 sa box ko. Tumingin-tingin siya sa kaliwa't kanan.

"I'm a jock. I'm a fool. I teased you a lot." Anong problema neto? Habang nakatitig ako sakanya, nakatitig din siya sakin. Kitang kita ko naman yung sinseridad sa mga mata niya. Nagtatapat ba siya?

"Kinaiinisan mo ko, lagi tayong magka-away. Panget ka, gwapo ako." He laugh sexily. Aba anong panget ako!? Ang ganda ko kaya. Walanghiya tong Jayvee Ignacio na to!

"No, actually.. you're pretty,  in and out. You have a healthy heart and you always have a positive side. I envy you, really. I want you." Anong positive side? Eh kanina pa nga ako nagmamaktol dito. Tsaka ang malas ko, simula nung nabunot ko tong Mannequin.

"I just want to say... Will you be my girlfriend, Quentin?" O____O

Nakayuko siya nung sinabi niya yun. Nahihiya ata. Hahaha. Ang cute niya. Ay. Ano ba yan. Ang landi ko nanaman.

Lumapit siya sakin at sinimulan ang.. paghahalik sa noo, sa nose bridge, sa ilong, sa cheeks at sa labi pero smack lang.

Bumulong siya sa tenga ko, "I Love You, Maria Quentin Henares." Hindi ko alam na may tinatago pala tong mayabang na jock na 'to. Hindi ko mapigilan yung kilig ko. At lalo naman tong tibok ng puso ko. Kainis naman oh! Actually time ko na nga e. Kasi naman ihhh! Ikaw kaya ganunin ng crush mo! Ang landi mo Quentin!

"Tsk. Hahaha. Mannequin ka nga pala. Forget that anyway. See you at the Mariano Building later." Nung nakalayo na siya hinagis ko yung ulo ng mascot dun sa may puno at naghihisterical ako sa sobrang kilig.

"Ang ingay. Ganyan ba talaga kiligin ang isang Quentin?" Napatigil ako sa nagsalita. Tinignan ko kung sino. Papalapit siya.

"Sabi ko sayo, mag-iingat ka kay Javi!" si Park.

"Tse! Kayo talaga!" kasabay ko si Park papuntang building namin.

Nagbibilang na sila pagkadating namin.

"Oh, Maria. Asan na yung kahon mo?" Sht. Oo nga pala! Pati yung ulo ng mascot. Nakalimutan ko. Lumabas ako at nakabangga ko si Jayvee. Hawak niya yung ulo ng mascot at yung box.

"Ah. Yung box at yung ulo ng mascot kunin mo na." sabi ni Jayvee habang hinihimas-himas niya yung ulo niya. Bakit bigla siyang bumait? I mean nahiya?

"Hala. Sorry talaga Jayvee. San masakit?" Itinayo ko siya.

"Dito o." itinuro niya yung puso niya.

"Tsaka dito." at yung labi niya. Aba! Kinikilig ako. Hihihi. Landi.

"Hoi, tama ng landi. Bilangin mo na yang pera sa box mo." Si President. Palibhasa broken hearted.

"Sige, mamaya na lang. Pasok na ako sa loob." sabi ko kay Jayvee.

"25000, 30000, 35000, 40000, 45000." 45k? Anak ng tokwa. Kalahati na ng tuition fee ko 'to!

"Wow. Ang dami. Samantalang samin saktong 15k lang."  sabi nung isa.

Nilapitan ko si Jade.

"Magkano iyo?"

"30k"

"Dami rin ah! Uno na tayo. Hahaha! Ngapala yung kanina. Grabe yung pagpipigil ko ng tawa sayo. Pano kasi nagpipigil ka rin naman ng kilig at tawa."

"Gaga! Ang sabihin mo lang e kinilig ka rin nung may nanghalik sayo." O___O

"Sshh. Pano mo nalaman yun?"

"Ay umihi po kaya ako. 5:50 ang call time ko. Ikaw lang kaya yung may pinakalate na call time. Inggit kasi sayo si President e. Alam niya kasi na may mangyayaring ganun. Pinsan niya kasi si Jayvee."

"Ano kamo? Pinsan niya si Jayvee?"

"Oo. Osya, uuwi na ako. Pakisabi na lang kay Pres."

"Uuwi o makikipagkita kay Clarence/Geoff?"

"Gaga. Kila Trane at Gozum kasi!"

···

Umuwi na ang lahat at di ko alam kung bakit dinala ako ng mga paa ko dito sa Mariano Building. Napadaan lang ata ako dito kasi dito yung way ko pauwi. Nakita ko naman si Jayvee na nakasandal sa pader.

"Hoi! Ano yong drama mo kanina? Tsaka anong I Lov---" Nagulat na lang ako nung tinakpan niya yung labi ko ng labi niya. Ilusyonada, Quentin! Index finger lang.

"Ang ingay mo. Wala ng mga tao dito. Tayong dalawa na lang." What? Anong oras na ba?! 8pm na pala. Kaya pala. Yung ibang studyante na lang ang nandito na pang-gabi yung klase.

"Eh ano nga yung sinabi mo  kanina tsaka... bat mo ko hinalikan?"

"Gusto mo naman?"

"Hi.. hindi. Duh. Baka magustuhan. Ano yung sinabi mo kanina? Ipaliwanag mo nga." GUSTO KO YON. ANO BA! :""> Ang landi.

"Wala. Samin na lang ng mannequin yun. Tsaka bat ka pumunta dito sa Mariano Building? Eh yung mannequin yung hinihintay ko." natatawa niyang sabi.

"Sa totoo lang, napadaan lang kasi ako dito. Dito kasi yung way ko pauwi. Bye." Nakakainis siya. Ako rin naman yung mannequin kanina. Tss.

"Saglit lang." Pagkaharap ko sakanya biglang umilaw yung mga nasa poste. Led lights pa ang peg? Tas umandar yung fountain. Hindi yung fountain kanina ah. Maraming fountain dito sa university namin.

Umilaw din yung Building. May effects yung fountain, kada tataas yung tubig may letter na mabubuo. Wait. What?

W
I
L
L

YOU

B
E

MY

G
I
R
L
F
R
I
E
N
D
?

Napatingin na lang ako kay Jayvee.

"Umoo ka na! Di naman namin akalain na gagawin niya pala yung dare in a manly way." Yung 8 Monkeys este 7 na pala nasa taas ng building. So dare lang pala to?

"Dare lang pala lahat ng to?"

"Hindi. Wag mong pansinin yung mga ulupong na yan kundi, hahalikan kita."

"Gaga ka talaga! Oo na!"

"Anong oo na?" Tumigil ata ang mundo niya.

"Oo na. Alam mo na." nakangiti kong sabi.

"Girlfriend na kita?" nagniningning yung mata niya. Shet ang cutie. Hahaha. Ano ba yan.

"Yeah." nahihiya kong sabi. Niyakap niya ako.

"Sabi ko sainyo e. Mannequin lang katapat ni Javi." sabi ni Park sa 8 Motion.

"I Love You, Maria Quentin Henares." bulong niya sakin.

Continue Reading

You'll Also Like

126M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
974K 43.5K 60
Dominique Selenophile * Mikaela Rielle
2.1M 33.6K 32
Psychopath Series #1 She has a genuine smile, her heart is fragile, kindness is her appearance and love is what she gives. But people take advantage...