Note: third person po ulit ang gagamitin ko, mas madali po para sakin eh, sa next chapters nalang po ang POVS nila.
3rd person's pov
Lumipas ang dalawang linggo ng bakasyon, puro masasayang pangyayari lang ang nangyari sa bakasyon nina Ran at Steph.
Nasa condo silang dalawa ni Ran, pagod silang dalawa at gusto na nilang magpahinga, tanghali na at buti nalang busog pa sila, kaya naisipan na lang nilang matulog at gumising nalang mamaya para magdinner
Alam na rin ng parents nila na nakauwi na sila, di na sila pinilit na umuwi pa sa bahay dahil alam nilang pagod galing sa byahe ang dalawa
Magkatabi silang nakahiga ngayon sa kama ni Ran, sanay na rin sa Steph na makatabi si Ran kahit kasi dalawa ang kama doon sa hotel sa bora tumatabi pa rin sa kanya si Ran.
Ayaw naman niyang itaboy, gusto rin naman . Ahemmm ^_^
Nakapikit na si Steph ng biglang nagsalita si Ran,
"Tired?'' tumango nalang siya bilang tugon, napagod talaga siya sa byahe kaya wala na siyang ganang magsalita pa
Hinaplos naman ni Ran ang buhok niya, napangiti nalang si Steph
"Sleep well, I'll wake up later" pagkatapos iyon marinig ni Steph, pumikit na siya at natulog na sa tabi ni Ran
After two hours.....
Nagising si Steph dahil sa sunod-sunod na pagtunog ng cellphone ni Ran, text messages at missed calls. Nagkusot na muna siya ng mata bago abutin ang cellphone, tulog na tulog parin kasi si Ran, ayaw naman niya gisingin.
Hindi naman niya sana gagalawin yung cellphone pero naisip niya rin baga importante. Pero nagsisi siya kung bakit pa siya nangialam, puro missed calls at text lang naman ni Alexys, asking if how is he? kumain na ba siya? nakatulog ba siya ng maayos etc.
Nainis bigla si Steph, akala niya ba ni let go na ni Alexys si Ran, pero bakit nangungulit pa rin eto. Gusto niyang ibato ang phone pero ng mapansin niyang wala namang reply kahit isa napangiti siya, pero ng pabalik na siya sa paghiga napatitig siya kay Ran.
Naisip niya, baka idinelete ni Ran? Ang daming tumatakbo sa isip niya, kaya pagkatapos nun di na siya nakatulog pa nakatitig nalang siya sa kisame hanggang mag 6:00 na ng gabi.
Naramdaman niya ang paggalaw ni Ran kaya nagtulog-tulogan siya, nakita niya etong pumasok sa CR kaya dumilat siya. Babangon na sana siya ng bumukas ang pinto ng CR, kaya nagtulog-tulogan nalang siya ulit
Naramdaman niya ang paghaplos ni Ran sa pisngi niya, gusto niyang ngumiti pero pinigilan niya ang sarili baka mahuli siya nitong gising
Naramdaman niyang lumayo si Ran sa kanya at lumapit sa side table, nakita niyang chinecheck nito ang phone nia, kinabahan naman siya bigla dahil baka magtaka si Ran kung bakit bukas na ang messages na galing kay Alexys.
Gusto niyang magpanic pero ng makita niyang napa "tsk" lang si Ran at napailing di na siya nag abala pa
Pinikit niya ulit ang mata niya dahil lumingon si Ran sa pwesto niya, nakita niya etong nagbihis ng t-shirt at dahan-dahang pumunta palabas ng pinto.
Dun na siya nakahinga ng maayos ng maramdamang wala na talaga sa silid si Ran, naisip na naman niya ang text na nabasa galing kay Alexys, napailing nalang siya at lumabas na rin ng pinto kailangan na rin kasing maghanda ng dinner
Naabutan niya si Ran na nakaupo sa dinning table, kakagaling lang nito sa isang tawag nasa hagdan siya kaya di siya nito napansin
Napaisip siya at di niya maiwasang di magselos ,kung si Alexys ba ang kausap ni Ran. Napabatok naman siya sa sarili kung mas maaga sana siyang sumunod narinig niya sana diba?
Pero naisip din niya, may tiwala siya kay Ran, mahal na mahal nila ang isat isa at alam niya, sigurado siyang loyal sila sa isat isa.
Pero may possibilities parin, napailing nalang siya, sa kakaisip niya di niya tuloy napansin ang pagtawag ni Ran sa kanya kanina pa pala siya nakatulala
Dahan-dahan siyang bumaba at lumapit kay Ran,
"Im still tired, I know you're tired too, that's why Ive decided to order some pizza from Biano's and I ordered your favorite" nakangiti si Ran sa kanya kaya mas pinili niyang ngumiti nalang din, isinantabi niya muna ang pagdududa
Ilang minuto lang din dumating na ang pinadeliver ni Ran, isang malaking box ng pizza, nasa sala sila ngayon naisipan nilang mag movie marathon para di sila ma bored
Bukas kasi kailangan nilang umuwi sa kanilang kanya-kanya bahay, naisip na naman ni Steph si Alexys pero dahil sa ayaw niyang masira ang good mood kinalimutan na lang niya, naisip niya baka napaparanoid lang siya ng wala namang dahilan
Kanina pa napapansin ni Ran ang pagkabalisa ni Steph kaya naisipan niyang kausapin ito
"What's wrong?" nagulat naman si Steph ng matantong nasa tabi na siya nito
"huh?" see? di siya nito narinig. Napailing nalang siya
"what's wrong?" tanong niya ulit, yumuko naman si Steph, huminga ng malalim si Steph bago nagsalita
"N-nothing , Im tired" sagot ni Steph, hindi siya kumbinsido sa sagot nito pero hindi na siya nangulit pa, naisip niya baka nga napagod lang galing bakasyon 2 weeks din yon
"Okay , after you eat, you go to sleep first, Im not that sleepy yet and I want to finish this movie" tumango nalang si Steph bilang tugon.
Kinabukasan, naunang nagising si Steph naisipan niyang magluto ng almusal, pagbukas ng ref napanganga siya sa laman. Ang dami!!! Isa yun sa mga gusto ni Steph, mas may gana siyang magluto kapag maraming laman ang ref.
Kumuha siya ng hotdog, bacon, egg , naisipan niya rin magluto ng fried rice. Gutom kase siya kase nga pizza lang dinner niya kagabi.
Abala siya sa pagluluto ng maramdaman niya ang presensya ni Ran sa likod niya at ng lumingon siya. Si Ran nga, nakaligo na at nakatitig lang sa kanya
"Lets eat?" yaya niya kay Ran, kakatapos niya lang magluto at nakalapag na lahat sa mesa
"Wow" yun lang ang nasambit ni Ran, di niya kase akalain na marunong pa lang magluto si Steph
Umupo na si Ran sa mesa, chinecheck niya ang mga luto ni Steph at manghang-mangha siya na di eto nasunog
"Stop it! I know how to cook okay? Mom taught me how" nakangiti si Steph, kinurot naman ni Ran ang pisnge ni Steph napa "aww'' nalang siya
"Okay....I just thought yo---'' magsasalita pa sana si Ran, ng sinamaan siya ng tingin ni Steph kaya tumigil nalang siya at kumain na
"Good" sambit ni Steph, kaya natawa ng malakas si Ran at nakitawa na rin si Steph
Pagkatapos nilang kumain, nagpahatid na sila sa bahay ni Steph, hindi na tumuloy pa si Ran dahil magpapahinga rin siya
Hindi na umangal pa si Steph dahil baka pagod talaga eto, pero hindi pa rin nawawala sa isip niya na baka puntahan lang nito si Alexys, pero naisip niya rin nasa States na si Alexys , pero paano rin kung bumalik ito? Napailing nalang siya sa mga naiisip niya.
Pagpasok niya ng bahay wala daw ang mom and dad niya , nasa meeting with Ran's parents . Kaya dumiretso nalang siya sa kwarto, nagbihis at natulog na.
Hapon na ng magising siya dahil sa gutom, chineck na muna niya ang cellphone niya bago tumayo. Napangiti siya ng mabasang may text si Ran,
From: Ran <3
Please come here, Im here at my condo , let's have dinner here. I love you Steph
Napangiti naman si Steph, naexcite siya kaya nagpunta na siya agad sa CR at nagshower, simpleng jeans at long-sleeve lang ang suot niya.
Pagbaba niya naabutan niya ang Mommy Stacy at Daddy Ivan sa sala nagkakape, napatingala naman sila sa kanya
"where are you going?" tanong ni Ivan sa anak, dahan dahan namang bumaba si Steph
"Im going to Ran's condo, he texted me" napangiti naman si Stacy
"be good baby" paalala ni Stacy, nakatitig lang si Ivan sa anak
"I will mom,promise" ngumiti lang sila at umalis na si Steph
Nagpahatid na si Steph sa driver nila, nasa tapat na siya ng building ng condo ni Ran, hindi niya maintindihan kung bakit bigla siyang kinabahan
Pagkapasok niya , dumiretso na siya sa elevator, papunta siya sa 5th floor.
Nasa harap na siya ng pinto ng condo ni Ran, gusto niyang kumatok pero mas pinili niyang pumasok na agad bukas naman ang pinto para na rin ma surpresa si Ran kahit naman ito ang nagyaya sa kanya
Nagtaka siya kung bakit ang gulo ng paligid, pinaka ayaw ni Ran yung makalat gusto niya yung nasa tamang pwesto lahat ng bagay tsaka malinis yung paligid
Nilibot niya ang sala pero walang katao-tao , sa kitchen din wala kaya naisipan niyang pumunta na sa kwarto ni Ran
Hindi niya maintindihan pero pakiramdam niya may mali , pero nagkibit balikat lang siya at tumuloy,
Na bagay na sana di na niya ginawa,
Nasa harap niya ngayon si Ran at Alexys magkatabi sa kama, natutulog na walang damit
Nanginginig ang mga tuhod niya dahil sa nakikita, hindi niya alam kung saan kakapit para lang makatayo ng maayos. Di niya kinaya ang nakikita kaya napahagulhol siya sa pag iyak
Nagising si Ran dahil may iyak siyang naririnig, sobrang sakit ng ulo niya dahilan para di siya makabangon ng maayos
Naramdaman niyang may nakahiga sa tabi niya, nakayakap pa sa kanya ng tingnan niya laking gulat niya, nasa tabi niya si Alexys, napalingon siya sa may pinto nakita niyang nakaupo si Steph sa sahig at umiiyak
Natulak naman niya bigla si Alexys, pupuntahan niya sana si Steph pero doon niya napansin niya wala siyang suot.
Sht. wala siyang maalala
"I HATE YOU!!!!"sigaw ni Steph kay Ran habang umiiyak
Tumayo bigla si Steph at tumakbo palabas ng condo, sinubukan niyang habulin si Steph pero napigilan siya ni Alexys, tinitigan niya ito ng masama pero di pa rin nagpatinag si Alexys. Kaya napasuntok nalang siya sa kama bilang pagsuko, kailangan niyang makausap si Alexys.
---
please vote and comment :)
support niyo po sana , malapit na po itong matapos
Thank you
-AeiJay07