"Hindi ang pagiging matapang ang sukatan para lumaban ka. Minsan, kailangan mong manahimik dahil alam mong wala silang laban sa'yo kapag pinatulan mo pa."
Megan's POV
"Tara guys, cafeteria tayo. Nagugutom na ako." Yaya sa amin ni Alexa habang inaayos niya ang gamit niya. Tapos na kasi ang tatlong subject namin.
"Sure. Ikaw girl, sama ka?" Tanong ni Hannah sa akin at tumango nalang ako.
Papunta na kami ng cafeteria at nakatungo lang ako habang naglalakad. Iniisip ko parin kasi ang kahapon.
*****BOOGGGSSSHHH!!*****
"Ano ba?! Hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo?!" Sigaw ng isang student na nakabunggo ko. Tumayo ako at pinagpag ang pants ko at tshirt.
'Ako na nga ang dumapo sa lupa, ako pa ang sinigawan. Tss.'
"Meg, are you ok? So-sorry miss. Pasensya na." Pagpapaumanhin ni Jamie sa tatlong babae na kaharap namin.
"Sasusunod kasi..." Putol niya at lumapit siya sa akin at ako naman at pinatili kong blangko ang mukha ko.
"Tumingin ka sa dinadaanan mo! Tabi!" Sigaw nya sa akin at tinabig pa ako. Hindi na lang ako umimik dahil sa alam ko namang higher years sila.
'Spoiled Brat girls. Tsss.'
"Girl, nasaan ang katapangan mo? Mukhang, nawala ah."
"Tsss. Ayokong pumatol sa mga nakakatanda sa akin." Sagot ko kay Hannah at nagpaunang lakad na ako papasok ng cafeteria. Pagkapasok ko, Marami akong naririnig na mga bulungan sa loob. Karamihan doon ay yung nakita nila bago lang.
"Uie, Shana, nakita mo ba yung kanina? Siya yung nakabunggo kay Ellaine oh."
'Ellaine pala ang pangalan ng nakabunggo ko?'
"Oo, nakita ko kanina. Akala mo kung sinong matapang na student yan. Atsaka, hindi niya raw kaano ano ang vice-president dito. Vermudez din ang apilyedo nyan eh."
'Ano naman ang connection ni Ellaine tsaka ang apilyedo ko sa vice- president?'
"Naku girl, si Ellaine ang nakabunggo niya. Anak sya kasi ng isa sa mga BOD nitong school. Bago siya dito pero sikat sya sa dating school nya."
Hindi ko nalang pinansin ang mga chismis nila. Wala naman akong pakialam at ayaw ko rin ng gulo.
"Alexa, kilala mo ba yun?" Tanong ni Jamie kay Alexa.
"Hindi, pero, sikat sya sa kabilang school dahil sa naging Ms. Noche High yan siya sa school nila. Pagkatapos, dito sya nag-enroll dahil daw sa Mama nya. Isa sa mga Board of Directors ang mama nya kaya dito sya nag-enroll."
(Naalala niyo pa ba yung NOCHE HIGH? Well, nasa short story ko siya na The Earphone Girl. Read niyo sa mga hindi pa nakabasa. ^^)
"Ibig sabihin, pareho lang pala tayong first year ngayon. Tsk, akala mo kung sinong mayabang ah. Ordinary student lang nga tayo pero, hindi nya dapat gawin yun."
"Alam niyo, ang pinunta natin dito ay ang kumain, hindi magchismisan. Meg, ako na ang kukuha ng order mo ha." Sabi nyan ni Hannah sa kanila at ako naman ay tumango na lang.
'Ordinary Student pero isa sa mga mayayaman na students ang mga loko. Tch'
'Anak ng Board of Director? Tsss.'
Nung nakaalis na si Hannah, kumuha narin si Jamie ng order nila ni Alexa.
"Ok ka lang? Mukhang sira na ang araw natin ah?" Tanong sa akin ni Alexa. Hindi man ako sumagot pero tumango nalng ako. Mamaya maya, bigla naman umugong ang canteen namin sa ingay ng ibang students dito sa cafeteria.
"Uie girls! Andyan na sila Clark! Kahit first year palang sila, crush na crush ko talaga sila!"
"Oo nga girl! Lalo na si Louie! Ang gwapo!"
"Gusto ko si Vincent!"
"Akin naman si Carl! Kyaaaaah!"
Tumungo nalang ako at nakikinig nalang ako sa mga sigawan nila.
"Oh, andito pala si Vermudez Clark o."
"Ano namang paki ko?" Dinig ko at kay Garcia at pinikit ko na lang ang mata ko dahil sa inaantok nanaman ako.
'Ba't ba lagi akong inaantok?'
Maya maya may ramdam kong may lumapit sa lamesa namin at...
"Oppps. Ahahaha" Binasa lang naman ako ng malamig na tubig sa ulo.
'Anong problema naman nito at ako nanaman ang pinagtripan?'
Inangat ko ang ulo ko at kitang kita ko silang tatlo na tumatawa sa harap ko. Nagtama ang paningin namin ni Sander at nakita ko sa mga mata niya ang pag-alala.
Kinuha ko ang panyo ko at pinunasan ang buhok at ulo ko. Paalis na sana sila nang bigla akong tumayo at nagkaharap kami ni Clark. Magkasingtaas lang kami kaya pantay lang kami.
"Kulang pa?" Tanong niya sa akin na nanlalaki ang mga mata. Hindi ako umimik at tititigan ko parin ang mga mata nya.
"Alam mo bang, hindi ko gusto ang ekspresyon ng mukha mo?" Sabi niya nun sa akin at binuhusan nya ako ulit ng tubig sa ulo.
"Oooooooooh"
"Ahhhhhhhhh"
"Oh my God Megan, basa ka na." Alalang sabi sa akin ni Alexa at pinupunasan nya ako.
"Clark, ano bang trip to?" Biglang sulpot naman ni Hannah sa likod ko.
Hindi parin ako umimik at hindi parin ako natinag sa pakikipagtitigan sa mga mata nya.
"Dre, tama na. Babae yan." Seryosong sabi ni Sander sa kanya at nilingon niya naman ito.
"Pasensya na miss." Pagsosorry ni Sander sa akin.
'Sige Sander, Magpanggap kang hindi mo ako kilala.'
"Tara na dre." Hindi na umangal pa si Clark at umalis na sila. Bago niya ako lampasan, tinabig nya rin ang balikat ko at tiningnan pa ako ng masama bago tuluyang pumunta sa counter para umorder.
"Megz, ok ka lang? Basa ka na oh. Mas mabuti pa sigurong magbihis ka na." Sabi ni Hannah sa akin at pinagpupunas niya naman ang shirt kong basa. Pinigilan ko siya sa pagpupunas sa akin at ngumiti ako.
"Megz? Kanina ka pa walang imik dyan ah. May problema ba?" Alalang tanong naman ni Alexa sa akin. Nakita ko ang hawak na kape ni Jamie at kinuha ito.
"Salamat sa kape." Sabi ko nun at ininom ito ng tuloy-tuloy kahit na mainit pa.
"Shockx! Ang init nun ah?"
"Mauna na ako." Sabi ko nun at tumayo na ako. Hindi ko na silang hinintay na sumagot at lumabas na ako ng cafeteria.
"Ok ka lang ba?" Napalingon ako sa lalaking nakasandal sa gilid ng cafeteria.
'Ano bang pakialam mo? Tsss.'
Hindi ko siya pinansin at naglakad na ako papalayo. Kinuha ko ang susi ng locker at ng kotse ko at ang cellphone ko.
Calling...
--- Jayden---
"Megz?"
"Likod ng gym."
"Sige."
At binaba ko na ang phone ko. Nasa likod kasi ng gym ang locker ko kaya dun muna ang punta ko.
"A-anong nangyari sayo?" Tanong ni Jayden at tinuro nyia ang damit kong basa.
Initcha ko sa kanya ang susi ng locker at sinalo nya naman.
"Jayden ok-- Boss? I mean, Megan? Sinong gumawa nyan?" Tanong ni Rico sabay turo sa damit ko.
"Paki kuha ng extra T-shirt ko Jayd." Sabi ko nun kay Jayden at sinunod nya naman ako.
"Megz, sinong gumawa nyan at reresbakan natin." Matapang na sabi ni Rico. Kasama niya rin sina Shane at Garjen.
"Hwag na. Ayaw ko ng gulo ngayon." Sagot ko sa kanila at inabot naman ni Jayden ang damit ko.
"Salamat. Jayd, sabay na tayo sa next class. Hintayin mo ako dyan."
"Si-sige."
Clark's POV
Pagkapasok pa lang naming apat ng cafeteria, umugong na ang ingay ng mga studyante doon.
"Uie girls! Andyan na sila Clark! Kahit first year palang sila, crush na crush ko talaga sila!"
"Oo nga girl! Lalo na si Louie! Ang gwapo!"
"Gusto ko si Vincent!"
"Akin naman si Carl! Kyaaaaah!"
'Tsk, ang ingay!'
Nakita ko si Megan na nakayuko kaya binalewala ko ang mga ingay na naririnig ko.
"Akin na tong tubig mo ha." Sabi ko nun sa isang student at kinindatan naman sya.
"O-oo su-sure."
"Thanks." Sabi ko nun at naglakad na.
"Eeeeyyy. Kinindatan nya ako Pearl!"
"Manahimik ka nga! ang ingay mo!"
Nang makatapat na ako sa harapan ni Megan at Alexa, binuhos sa ulo ni Megan ang tubig na kinuha ko. Hindi ko to inubos dahil sa may balak ako. Inangat niya ang ulo nya at tiningnan nya kaming apat.
Kinuha niya ang panyo niya at pinusan ang ulo at buhok nya.
'Hindi man lang pinansin ang ginawa ko? Tss makaalis na nga!"
Paalis na sana kami ng bigla syang tumayo at nagkaharap na kami. Titingnan niya nanaman ako na ang ekspresyon ng mukha ay blangko naman at ang mga mata niya naman ay masama ang tingin nya sa akin.
"Kulang pa?" Tanong ko sa kanya na nanlalaki ang mga mata. Tinititigan lang nya ako sa mata at hindi nagsasalita.
'Pipi ba to?'
"Alam mo bang, hindi ko gusto ang ekspresyon ng mukha mo?" Sabi ko sa kanya at binuhos ko ulit sa ulo nya ang natitirang tubig saay basong hawak ko.
"Oooooooooh"
"Ahhhhhhhhh"
"Oh my God Megan, basa ka na." Alalang sabi ni Alexa sa kanya na pinupunasan.
"Clark, ano bang trip to?" Biglang sulpot naman ni Hannah sa likod ni Megan.
'Marami masyadong nakikialam. Tsk.'
"Dre, tama na. Babae yan." Seryosong sabi naman nitong isa.
"Pasensya na miss." Dagdag nya at bumaling naman sa akin.
"Tara na dre." Sabi niya at hindi naman ako umangal at umalis na kami. Bago pa ako makalampas sa kanya, tinabig ko ang balikat nya at naglakad nalang kami papuntang counter para magorder.
"Bakit mo ginawa yun Clark? Bumabalik ka ba naman sa dati?" Tanong ni Vincent sa akin na nasa likod ko.
"Trip ko yun. Kung gusto nyong maki sakay, ok lang. Kung hindi naman, patay."
"Ok ka rin pre ano?" Nagsmirk naman si Carl at umorder na rin.
"C.R muna ako." Pamamaalam ni Louie sa amin at tumango naman ako.
Pumunta na kami sa designated table namin at doon kumain. Maya-maya lang ay bumalik na si Louie at umupo na sa harapan ko.
"Bakit mo ginawa yun?" Tanong ni Louie sa akin at kumunot naman ang noo ko.
"Ang alin?"
"Yung kay Megan."
"Kasasabi ko lang kanina ah."
"Babae yun dre. Dapat hindi mo na pinansin. Hindi ka naman ginalaw nun ah."
"Eh, ba't mas pabor ka pa sa kanya ah?"
"Clark, tulad nga ng sinabi ni Louie, babae yun." Singit ni Carl sa usapan namin.
'Bakit ba nila kinakampihan si Vermudez?'
"Tsss. Nag-uumpisa palang ako." Singhal ko nun sa kanila at pinagpatuloy ko na ang pagkain ko.
Tiningnan ko naman si Louie na nakatingin sa labas at nakakunot ang mga noo nya.
Tiningnan ko kung saan sya nakatingin.
0_0
'S-si E-Ellaine yun ah? Anong ginagawa nya dito?'
"Clark, dito na pala mag-aaral si Ellaine?" Tanong ni Vincent sa akin.
"Hindi ko alam. Ngayon ko lang sya ulit nakita."
"Eh? Sa isang buwan na nawala ka, ngayin mo lang sya ulit nakita? Hindi ka ba pumunta sa kanila nung dumating ka?"
"H-hindi."
"Patay ka nyan pare. Siguradong bubungangaan ka nanaman nyan. Hahahaha Good luck ka nalang dre." At tinapik tapik nalang ako ni Carl sa balikat.
Lumabas na kami ng cafeteria at mukhang makakasalubong ko nga sina Ellaine.
'Bakit sya nandito? Akala ko, sa Venom Institute sya mag-eenroll?'
"Hi Tart! Mwuuuahh!" Bati sa akin ni Ellaine at hinalikan nya naman ako sa lips.
"Ano ba?"
"Why not? I missed you so much."
"Ah, excuse me lang Ell ha. Mauna na kami Clark, Ell." At umalis na sila at iniwan na kami ni Ellaine at ng dalawa nyang kaibigan.
"Why are you here?"
"Hindi mo lang ba ako tatanungin kung kumain na ako?"
"Alam ko namang break nyo na ngayon. Sorry, I have to go. I have classes."
"Ano ka ba tart. Magkapareho tayo ng schedule. Wala kang klase ngayon. Please, samahan mo naman akong kumain oh."
'Paano nya naman nalaman ang schedule ko?'
"Sige na, sige na. Tara sa cafeteria."
"No. Gusto ko sa mall." Pag-iinarte ni Ellaine.
"Fine."
Pumunta naman kami sa Grande Mall para kumain lang. Bumaba na ako ng kotse at pinagbuksan naman si Ellaine.
Bumaba naman siya at kumabit naman siya sa kananng braso ko at pumasok na kami ng mall.
"Saan mo gusto?" Pagtatanong ko sa kanya at nakangiti lang siya habang lumingon lingon sa paligid nya.
"Ayun! Doon ko gusto." Sabi nya nun sabay turo sa Master Mama restaurant.
Pumasok na kami dun at umupo na kami. Lumapit naman ang waiter sa amin at inabot niya sa amin ang menu.
"Tama nga ang sabi ni Megan sa akin. Masarap nga dito Ravin."
"Sabi ko na sayo ate eh. Dito sya mahilig kumain noon kapag ayaw nya ng pagkain sa bahay."
"Eh? Ganun ba. Nag-enjoy talaga ako dito sa pagkain. Paano kaya kung uwian natin sya?"
"Sige, ako nalang ang oorder dahil alam ko naman ang paborito nya. Dyan lang kayo ha."
'Hindi naman masamang makinig dito sa harapan ko ano?'
Naagaw ng atensyon ko ang mahabang buhok at ang style nito. Nakadress siya at nakatalikod sya sa amin ni Ellaine. May kaharap siyang isang lalaki at masaya silang nag-uusap.
"Ummm here's my order." Sabi ko nun sa waiter at binigay narin ni Ellaine ang kanya.
"How's school tart?" Tanong ni Ellaine sa akin na nakapalumbaba.
"Good."
"Really? Magkaklase narin tayo sa wakas. Bakit nga pala hindi mo ako pinuntahan pag-uwi mo dito ng Pinas?"
"Busy." Tipid kong sagot sa kanya dahil ang tinitingnan ko ang babae na nakatalikod na nasa likod ni Ellaine.
"Mamaya ka na makipagdaldalan kay Megan, Maegan. Tara na."
"Tssss."
"Hahahaha. Besfriend nga talaga. Bakit ba kasi ang close niyong dalawa sa akin? Hahaha By the way Mae, hindi pa kita natatanong tungkol sa Paris ah. Maganda ba?"
"Hay naku Olive, Maganda kung sa maganda. Minsan nga, nagna-nightout ako sa ibang friends ko kasi si Papa busy sa work and of course, sa plano niya kay Megan."
"Ganun ba, hmmm, andyan na pala si Ravin. Tara?" At na silang dalawa at inalalayan naman ng lalaki yung babae.
'Lumingon ka lang dito para makita ko kung gaano ka kaganda.'
Maya-maya lang ay lumingon sya at nakita ko ang mukha nya.
0_0
'Kamukhang kamukha nya talaga si Megan? Eh? Kambal?'
"Tart? Tart? Nakanganga ka na dyan oh. Sino ba yang tinitingnan mo?"
Bumalik na ako sa riyalidad at nakita kong lumingon siya sa likuran nya.
"Oh my God. Siya yung nakabunggo ko kanina."
'Oh? Sa school siya namin nag-aaral?'
Tumayo si Ellaine at kinalabit yung babae.
"Yes?" Tanong nung girl. Napatigil naman yung dalawang kasama nyang babae.
"Hindi ka man lang ba magsosorry sa ginawa mo kanina?" Tumayo na ako at pinigilan si Ellaine.
"I mean, excuse me? Did I know you?"
"Aba! Madali ka atang makalimot?"
"Look, ngayon palang ako nakalabas ng bahay namin at wala pa akong nakabangga na babae tulad mo. Kahit tanungin mo pa 'tong mga pinsan ko." Malumanay na sabi ng babae.
"Ellaine, stop this. Nakakahiya. Nasa mall pa naman tayo." Bulong ko sa kanya pero hindi niya parin ako narinig at nakikipagtitigan siya sa babae.
"If I'm not mistaken. hindi mo nga ako pinansin at tinitingnan mo lang ako."
'Ah, baka si Megan yung nakabangga niya kanina. Pipi yun eh. Hahaha'
Lumapit si Ravin at yung isang kasama niya sa babae.
"Ah, miss, nagkakamali ka ata ng bintang." Sabi ni ng isang lalaki kay Ellaine.
"Nagkamali? Oh, come on. Nagbihis ka lang ng dress para maiba ka. At ngayon, look at you, wala parin pinagbago ang itsura mo kaninang nakita kita."
"Ah, baka si---"
"Ravin stop. Wala akong oras na makipag-away dito dahil sa isang bagay na hindi ko ginawa. Oliver, tawagan mo nga si Bes at papuntahin mo dito."
"At ngayon, naghahanap ka pa ng back-up?"
Nagpapalit-palit ang tingin ko kay Ellaine at dun sa babae na nakatayo lang at nakacross arms pa.
"Tama na Ellaine. Lalong lumalaki ang gulo sa ginagawa mo eh." Hahablutin ko pa sana siya para umalis pero, naamatigas sya.
'Pag ako hindi nakatiis dito Ellaine, iiwan talaga kita.'
"Papunta na raw sya."
"Then, we will wait for her." kalmadong sabi ng babae.
"Sino? Ang back-up mo?"
"Hindi. Ang taong dapat na pinagsasabihan mo ngayon."
"Sino? Baka impostor para hindi ka mapahiya. Hahaha"
"Hindi, para maclear ang discussion natin."
"Hindi talaga ako makapaniwala na idedeny mo yung ginawa mo?"
"Sabi nang wala nga akong ginawa. Ba't nagpupumilit ka ha?'"
"Anong nangyayari dito?" Nagulat kami sa isang pamilyar na bosses na galing sa harap namin.
Megan's POV
******KRIINNGG!!!******
Calling...
-Kuya-
"Hmm?"
"Pumunta ka dito sa Master Mama. Ngayon na."
"Bakit?"
"Tama na Ell---" Tooootooot.
Binabaan nanaman ako ng phone ng kuya ko.
'May gulong nangyayari ngayon?'
"Jayd, samahan mo ako sa Master Mama. Dali!" Sabi ko sa kanya at tumakbo na ako papuntang parking lot.
"Teka teka, hano hbang nangyayari?" Hingal na tanong ni Jayden.
"Dalhin mo na ang kotse mo at yung akin naman ang dadalhin ko. Tara na." Sumakay na ako ng kotse at dali-daling lumabas ng school.
Malapit lang ang mall dito sa school kaya mabilis lang kapag kotse ang gamit ko.
Mabilis ako nagpark sa harap ng mall at nagmadaling naglakad papasok ng mall. Hindi ko na hinintay si Jayden at dali dali akong pumunta ng Master Mama restaurant.
Nakita kong nakatayo si Mae at yung nakabangga ko kanina.
"Sabi nang wala akong ginawa. Ba't nagpupumilit ka ha?" Taas ang bosses siya na lumalaban sa nakabangga ko.
"Ate, kanina pa sila nagbabangayan. Parang ikaw ang tinutukoy ng Ellaine na yan." Alalang sabi ni Ravin at nagtama narin ang paningin namin ni kuya. Tumango nalang ako at pumunta sa likod ni Maegan.
'Kasama nya pala tong nageeskandalo. Tsss.'
"Anong nangyayari dito?" Natigilan sila at nakita kong nagulat ang dalawang kaharap ko na lumingon sa akin.
"Nakakaistorbo kayo ng customer. Pwedeng, tigilan nyo na to?" Seryosong sabi ko at blangko lang ang ekspresyon ng mukha ko.
"Oh ano? Ipipilit mo pa bang, ako ang gumawa sayo kanina? Hiyang hiya naman ako sa iyo miss." Sabi naman ni Mae na nakapameywang.
"I-ikaw yung sa school?" Utal na tanong nya. Tumango ako bilang sagot.
Tiningnan ko si Clark na gulat na gulat at palit-palit ang tingin niya sa akin at kay Mae.
Tumalikod ako at pumunta sa counter.
"Moon daisy coffee miss." Sabi ko sa cashier.
"Okay ma'am. Just wait in your table ma'am." Tumango naman ako at lumingon sa kanila.
'Hindi parin sila umalis? Anong hinihintay nila? Movie?'
Lumapit ako sa kanila at parang hindi parin makapaniwala si Clark sa nakikita niya. Nakanganga naman yung babaeng kasama niya na tinitingnan ako.
"Bes! Can you just, urgggh. Talk to this parrot girl that don't make a mess that she didn't know who she's confronting with?" Reklamo ni Mae at tinuro yung babae.
'Ellaine ba ang pangalan nito?'
"What did you say? parrot girl?" Reklamo naman ni Ellaine.
"Excuse me, Ellaine right?"
"Yes!" Sigaw nya sa akin at napapikit naman ako.
"How---" Tinaas ko ang kamay ko para mapatigil si Mae sa pagsasalita. Tiningnan ko naman si Ravin at Oliver at sinenyasan na paatrasin si Mae sa harap naming tatlo.
Humarap ako sa mga customers at ngumiti.
"To our dear customers, sorry for the inconvenience. Don't mind us here. Just continue eating your food and when you done, you can leave. Thank you."
"Just great! Thank you." Sigaw nung isang customer.
"You're Welcome."
Pagkatapos nun ay binalik ko na ang paningin ko kay Ellaine at tinitigan siya sa mga mata.
"You don't need to shout Ms. Ellaine. You are the daughter of one of our board of directors right?"
"And what you care?" Tanong niya. Halos matawa ako sa tanong niya dahil sa wrong grammar pa ang english nya.
Umiling iling nalang ako at umubo ng konti.
"Ordinaryong student lang ako ng VU at ikaw ay isang anak ng BOD. Nagpapakita ako ng mahinahon na ugali at ikaw naman ay ang gaspang naman ng karakas mo. Ngayon, dahil sa ginawa ko kanina, hindi ako magsosorry dahil sa sinigawan mo ako. Kwits lang tayo. Pero sa kaso ng bestfriend ko? Ikaw yata ang magsosorry sa kanya dahil sa sinigawan at pinagbintangan mo sya ng kung anu- ano." Mahabang haba na sabi ko at tumahimik lang siya. Mukhang napahiya sya at napayuko.
"Kung hindi ka magsosorry kay Mae, kahit sa customers lang naman na naistorbo mo humingi ka ng tawad. Gumawa ka ng sarili mong eskandalo kaya ayusin mo yan."
"No way!" kinuha nya ang purse nya at tumakbo papalabas ng restaurant. Tanaw na tanaw ko pa ang pagtakbo niya papalabas ng mall.
Naiwan naman si Clark na mag-isa at nakatingin parin sa akin. Hindi ko na siya pinagtuunan ng pansin at lumingon ako ulit sa mga customers.
"Sorry po ulit. Ako na po ang humihingi ng tawad sa mga ginawa nila."
"Naku iha. Alam naman namin kung sino ang nanguna kaya, wag kang humingi ng sorry."
"Oo nga." Sang-ayon ng isa at sumang-ayon naman ang lahat.
"Thank you so much." At nagbow ako sa kanilang lahat.
Lumapit naman si Mae, kuya at Ravin sa akin. Tinanguan ko lang sila at naglakad na ako sa table ko na may kape. Sumunod naman silang tatlo at nakita kong nakatayo parin si Clark sa table nila.
"Walang hiyang babaeng yun. Akala nya hindi ko sya papatulan. Urgggh!"
"Edi sana hindi mo na pinatulan. Tss." Sabi ko nun at humigop na ng kape.
"Ate, kukuha lang ako ng plato ha. Lagyan ko nitong pinabalot ko na pagkain para sa yo."
"Hmmm. Kuya, bakit hindi nyo lang naman pinigilan ang nagwawalang toro kanina?"
"Eh, kinanti siya ng leon kaya hindi ko na rin pinigilan. Hahahaha. Ano palang nangyari sayo at parang bagong ligo ka? Iba nanaman ang damit mo ah?"
"Ah, eto ba? Tsss. Wala to. Trip kong maligo kanina. Mainit eh." Sagot ko ng hindi nakatingin sa kanya. Muling hinigop ko ang kape kong masarap na mainit at tinanaw ang labas.
'Wala pang alas-kwatro at marami na akong nararanasan ah. Una, nakabunggo lang naman ako ng isang anak ng BOD. Ikalawa, binuhusan lang naman ako ng malamig na tubig ni Clark dahil sa trip niya. at ang ikaapat, Nakasagupa pa ako ng isang away kapatid at kalaban ko dito sa iisang restaurant. Aba, combi lang ni Ellaine at ni Clark ang dito sa resto?'
"Bilib naman ako sayo bes! Napawalk out mo pa yung babaeng yun? Tsah, akala mo kung sinong babae?Tsk, tsk tsk."
"Yeah. I know that."
Nagkwentuhan lang kaming apat at naalala ko si Jayden.
"Shit! Si Jayden! Nawala sa isip ko! Sandali lang, tawagan ko mu--"
"Hindi na kailangan dahil sa nagpaalam na din sya. May gagawin pa raw sya sa school." Sabi ni kuya Oliver..
'Nawala sa isip ko ang isa. Nag-aalala pa naman yun dahil sa kanina na nangyari.'
"Tara, uwi na tayo." Yaya sa amin ni Mae at tumayo na kami. Pumunta muna ako sa cashier.
"Ms. Heto ang bayad ko. Pasensya na sa kanina."
"Ma'am, thank you po pala at napigilan nyo po yung away kanina between sa kambal niyo at sa kakilala nyo."
"Hindi ko siya kakambal. Bestfriend ko siya. Sige miss."
"Okay po ma'am." Sabi nya nun at nagkangitian naman kaming dalawa.
'What a bad day. Ano naman kaya ang mangyayari bukas? Anong pakulo nanaman kaya ang meron bukas?'
Umuwi na kaming lahat at nagkanya kanyang pahing na. Nagshower muna ako bago nahiga sa kama ko.
"Ngayon palang tayo magsisimula. I'll gonna enjoy your ride."
--- Yeah? Maraming reads at akoý tuwang tuwa.. hahaha! Promote ko lang na basahin niyo po ang isang
English Story ko na :
THE LUNA'S GENERATION
And for the SHORT STORIES naman po (Tagalog) :
Dreaming about 'YOU' (Inspired by my friend)
Crush (The Rejection)
The Earphone Girl
You can Add me now on facebook account: https://www.facebook.com/yatxkie.sagarzon
You can now like my page in facebook: https://www.facebook.com/pages/The-Mafia-Clan/1468372356737729?ref_type=bookmark
Thank you so much po.
-----> Please Don't Forget to Vote and Comment. Super Duper Thank you po.
^_^ LEW
*** All Rights Reserved ***