LARA'S POV
"Pssst! Uwi na tayo. Gabi na e. Tsaka papagalitan ako ni mama."
"Huh? Eh hindi pa naman masyadong gabing-gabi ah. Tsaka malaki ka na."
"Hindi kasi ako nakapagpaalam. Panigurado, galit na galit na yun kakahanap saken. Ikaw kasi eh!"
"Ako pa talaga? Ako ba may kasalanan kung bakit di ka nagpaalam?"
"Ahaha oo na leche ako na may kasalanan. Tara na nga uwi na tayo." Sumakay na sya sa bike at umangkas na ko. Bahala na mamaya.
Habang nagbabike, kinausap ko sya.
"Kevin, sa subdivision ka rin ba namin nakatira?"
"Ah, oo. Pero malayo sa inyo kasi sa lovebird street kami."
"Ah oo nga medyo malayo. Pero bakit ka napadpad sa street namin?"
"Hinabol ko kasi si manong na nagtitinda ng ice cream tas yun napadpad na ko sa street niyo. Anlayo ng tinakbo ko para makabili lang ng ice cream na favorite ko tas kukunin mo lang. Pinaubaya ko na sayo kasi babae ka."
"Ganun? Edi sorry na! Di mo naman kasi sinabi agad e." Nakakaawa naman pala siya. Ahaha joke!
"Tsk. Kinuha mo kaya agad yung ice cream!"
"Oo na! Edi bibilan nalang kita nun. Daming problema neto."
"Sabi mo yan ah." Hindi ko na sya sinagot at tinignan ko nalang yung mga bituin sa langit. Ang gaganda.
Bigla kong naalala sina Maddie at Aila. Para silang bituin. Kahit malayo sila, alam mong andyan sila lagi. Yiee naiiyak na ako. Charot!
"Andito na pala tayo sa street ninyo. Saan ba yung bahay niyo dito?"
"Deretso ka lang. Tas pag may nakita kang blue na gate number 49, yun na yun."
Papalapit na kami ng papalapit sa bahay namin. Naaaninag ko si mama na nasa tapat ng gate. Ito na. Hory shet!
Nagstop na si Kevin. Andito na kami sa tapat ng bahay. Bumaba na ko sa bike at lumapit kay mama.
"Ah mama...kasi ano eh..." hindi ko na tinuloy yung sasabihin ko kasi hindi naman yata ako pinapansin ni mama kasi tinitignan nya si Kevin. Parang ineeksamin nya. Uhm mama hindi po yan kriminal.
"Parang may kamukha kang bata ka. Kaano-ano mo si Kristina Laurel?"
"Mama ko po yun. Bakit?" Hindi ko magets!
"Lance?! Ikaw na ba yan?"
"Opo ako po si Lance. Paano niyo po ako nakilala?" Mukhang naguguluhan na si Kevin. Kahit ako rin e.
"Ang mama mo kasi kaibigan ko yun. Nung bata ka pa lagi ka nyang iniiwan sa bahay namin dahil walang mag-aalaga sayo habang nagtatrabaho sya. Nako Lance dati ang cute cute mo lagi kong pinipisil yang pisngi mo tas ngayon ang pogi mo na! Grabe!" Pinipisil ni mama yung pisngi ni kevin.
Wala akong magets-. Ay teka! Siya yun? siya yung batang laging nasa bahay namin dati? Yung batang laging inaasikaso ni mama kesa sakin! Kung ganon, ayoko na sa kanya. Simula ngayon, magkaaway na kami. Teka dati magkaaway naman talaga kami e. Nakakainis! Ikukwento ko nalang sainyo sa susunod yung nangyari noon. Kung bakit ayaw na ayaw ko sa kanya.
"Tita Emerald?! Ikaw na pala yan! Grabe tita, namiss kita." Tss. -___-
"Tara anak sa loob magkwentuhan tayo nila Lara. Pwede ba?"
"Sure po tita." Binuksan na ni mama yung gate at pinark na ni kevin yung bike nya. Pumasok na kami sa loob ng bahay.
"Halikayo, upo kayo dito sa sofa. Kukuha lang ako ng makakain." Umupo na kami sa sofa namin at kumuha na si mama ng pagkain.
"So ikaw pala yung batang yun dati!"
"Oo, Jane. Hahaha! Ikaw din pala yung batang iyon."
"Lara nalang. Tss. Aakyat na nga ako." Tumayo na ko at aakyat na sana kaso...
"Oyoy! Magkukwentuhan pa tayo wag ka muna umakyat." Kamalas-malasan nga naman.
"Mama pagod po ako."
"Utut mo! Bumaba ka nga dyan. May atraso ka pa saken! Bumaba ka kung ayaw mong mapagalitan!" Ano pa nga ba?
Padabog akong bumaba at padabog ding umupo. Narinig ko si Kevin, tumatawa ng mahina. Nakakabwiseeet.
Nilapag na ni mama yung mga pagkain sa mesa at umupo na. Makakain na nga lang! Bahala silang mag-usap dyan.
"Anu palang nangyari sainyo? Antagal niyong nawala ah. Ang huling kita ko sainyo, 7 years old ka palang nun."
"Ah yun po ba. Biglaan po kasing nailipat yung pinagtatrabahuhan ni papa sa Laguna kaya no choice kami kundi lumipat dun. Iniwan namin yung bahay namin dito kasi sabi ni papa, may chance pa raw na bumalik kami dito, kaso baka mga ilang taon pa raw. Kaya ayun di nila binenta ang bahay. Malungkot ako noon kasi hindi ko na kayo makikita. Syempre napamahal na po kayo sakin tita pati si Jane. Pagkatapos ng ilang taon, bumalik kami dito. Sobrang saya ko nun kasi makikita ko na po kayo ulit pati si Jane. Kaso akala ko wala na kayo dito kasi may third floor na ang bahay niyo tapos naging blue ang dating red na gate." Ang daming satsat, nako.
"MMK mo na yan." Bulong ko. Buti naman at di nila narinig. Ang plastic nya! Pag andito si mama, ambait. Pero pag wala, anyare? At ano raw? Napamahal na sya saken? Utut nya!
"Ah ganun ba nak? Okay lang yun. Buti nagkakilala agad kayo ni Lara? Nakilala niyo ang mukha ng isa't-isa? Antagal na nung huli niyong kita ah. Syempre medyo nagbago na ang mukha."
"At first, akala ko si Lara ay si Lara lang na schoolmate ko. Hindi ko po sya namukhaan. Pero nung sinabi niyo po yun, tsaka ko lang po narealize ang lahat." Tumingin sya sakin at ngumiti. "Sya nga pala si Jane, ang kababata ko." Andami nyang alam!
"Ayyyy destiny talaga kayo, ano? Eh saan kayo nanggaling dalawa kanina?" Pinagsasasabi ni mama? -.-
"Dun po sa perya. Sumama po sya kasi libre ko. Pero kung hindi, di yan sasama." Kita niyo ansama nya!
"Ahahaha. Ikaw talaga, hijo."
Nagkwentuhan pa sila dun ng nagkwentuhan ng walang makabuluhang bagay na sila lang ang nagkakaintindihan kaya hindi na ako nakisatsat pa. Close na close talaga sila ni mama. Kaya galit ako sa kanya nung bata pa kami e. Kahit hindi ko sya kapatid, may kaagaw ako. Galing lang. -.-
"Sige po tita, uwi na ako. Maggagabi na po e. Baka hanapin na po ako samin." Salamat naman at aalis kana!
"Ah sige Lance ingat ka ah. Pakikamusta nalang ako sa mama mo."
"Opo tita. Minsan po dadalaw sya dito. Sige po alis na po ako ah!"
"Sige. O Lara, ihatid mo nga 'to doon sa labas." Bakit ako? Nakakainis.
"Kaya nya na yan, ma. Malaki na yan."
"Ihatid mo na!" Tss.
Tumayo na ako at lumabas na kami ni Kevin. Kinuha nya na yung bike nya. Pero parang may gusto pa syang sabihin.
"Oh bakit di ka pa umaalis?!"
"Jane, nagkita na ulit tayo. Di mo ba ako namiss?" At ngumiti sya ng nakakaloko.
"Bakit naman kita mamimiss, ha, Lance?"
"Ngayong alam ko na na ikaw si Jane. Bakit hindi natin ibalik yung dating tayo? Jane + Lance = Heart nga diba? Yung dating lagi tayong magkasama. Ansaya saya ko nun."
"What the? Hindi na mababalik yun, okay? Past is past. Ikaw lang yung masaya noon! Dahil ako, inis na inis sayo."
"Yun nga yung gusto ko e. Yung mainis ka. Hay namiss talaga kita!" At niyakap nya ko. Tinulak ko naman sya. "Ang brutal mo talaga!"
"Talaga sinabi mo pa. Sige umalis ka na!"
"Wala bang goodnight kiss dyan?"
"Tss. Kadiri ka!" Sinapak ko sya. Buti nga!
"Ako na nga lang." At bigla nya akong hinalikan sa pisngi. What the heck!
Ang bilis ng pangyayari. Nagbabike na sya ngayon at paalis na.
Ako, andito lang nakatayo at nakahawak sa pisngi ko. Natauhan lang ako nung may nagbuhos ng tubig sakin mula sa terrace. Yung mga bwisit na kapatid ko lang naman!
"Yieeee answeet niyo ni Lance!" Napaface palm nalang ako at pumasok na sa bahay.
"AHAHAHAHA! SI ATE! MUKHANG BASANG SISIW! AHAHAHAHAHA!"
"Tss. Anu ba kasing trip niyo at ginawa niyo yun ha? Nakakainis!"
"Eh kasi parang wala ka sa sarili mo pagtapos kang kissan sa cheeks ni Lance." Sabi ni Jade.
"Tss. Magbibihis na ko sa taas." Nakakabadtrip naman kasi.