Oatmeals and Brushes

By juliusangelolgarcia

1.4K 14 18

Hindi ako mahilig sa mga horror stories at lalong hindi ako naniniwala sa mga kababalaghan. Pero mula ng mara... More

Introduction
1
2
3
4
5
6
7
9
10
11
12
13
14
15
16 - The Beginning
17
18
19
20 - Revelations revealed
21
22
23
24
25 - Until the Infinity

8

33 0 0
By juliusangelolgarcia

Sinabihan na kami ni Aling Miki na tawagin na namin ang iba naming ka-boardmate kasi nga magtatanghalian na. Paakyat na kami ni Juan sa hagdan para puntahan ang ka-boardmate namin kasi nga kakain na ng maalala ako. Paano kung Makita ni Juan iyong bagong boarder naming? Anong iisipin niya? Hindi rin alam ni Aling Miki na may bagong boarder. Pinigilan ko muna si Juan kasi baka magulat siya sa new boarder namin.

“Wait lang Juan, sure kang gusto mong tawagin iyong mga ka-boardmate natin?” Tinanong ko muna siya na parang may halong-pagaalangan. Kapag nalaman kasi ni Aling Miki na nagpapasok ako ng tao sa bahay,  na hindi niya alam, baka magalit iyon. Hinigpitan ko ang hawak ko kay Juan.

Napakunot ang noo ni Juan sa mga narinig niya. “Bakit, may masama ba doon? At bakit ang higpit ng hawak mo sa akin? Maliban na lang kung… mangyari…wala.” Nagpigil siya sa mga sinasabi niya. Meron kaya siyang hindi nasasabi sa akin? After ilang araw ding hindi pagkikita, marami kaya akong na-missed sa buhay ng mokong na ito?

At bigla niya akong hinila pababa sa sulok ng hagdan at parang may gusto siyang sabihin. Hinawakan niya ang kamay ko at nagsimulang magkwento. “November 4, 2014 na ngayon. At noong mga panahong wala ako dito, naospital ako dahil may nakabangga sa aking taxi sa kahabaan ng Teresa. Nagtagal ako sa ospital na iyon, malapit sa Recto, ng mahigit sa isang araw. At habang tulog ako, nakaranas ako ng tinatawag na Astral Projection. Ito iyong paghiwalay ng kaluluwa sa katawan mo at paglalakabay sa mga lugar na napuntahan ko na…” Hinawakan ko din ang isa niyang kamay para pakalmahin siya dahil para siyang natatakot. Nararamdaman kong hindi siya okay. Nginitian ko siya para iparamdam na kailan niyang mag-relax kahit kunti at pinagpatuloy niya ang pagkwekwento. “…At isa sa mga lugar na napuntahan ko ay hetong bahay. Nakausap ko pa sa panaginip dito din si Aling Miki kaya noong naaksidente ako ay ang alam niya ay ligtas ako. Kung hindi pa ako tatawag noong nagising ako ay hindi pa niya malalamang naaksidente talaga ako.”

“So, anong pinaglalaban mo, Juan?” Ipinatong ko ang kamay ko sa balikat niya para pakalmahin pa siya. “Kung nangyari man iyon, hayaan na lang natin. Eh kung iisipin mo pa kasi, mas lalo kang ma-de-depress. Tara, kumain na lang muna tayo.”

“Sandali, tatawagin ko lang iyong mga ka-boardmate natin.” At dumulas na iyong kamay niya sa kamay ko at hindi ko na siya napigilan ng umakyat pataas. Bakit mo pa kasi binitawan? At nang narrating niya ang unang kwarto ay agad niyang binuksan ang pintuan. Dali-dali akong umakyat para tabihan siya at nagulat din ak sa nakita namin.

Si Caliber aka Cay, tulog. Hinawakan ko lang sa braso si Juan at pati siya hindi din gumalaw. Paaano ko kaya ito ipapaliwanag? Isinara ko ulit iyong pintuan at ihinarap ko siya sa akin. Tinignan niya lang ako sa mata. Ilang segundo din kaming nagtitigan lang. At nang makahgot ako ng lakas ng loob, nagpaliwanag ako sa kanya. “Galing kasi ako sa kaklase ko kasi may ginawa kami sa thesis namin then nakilala ko siya then nagtanong baka daw may alam akong boarding house na pwedeng malipatan. Pagkatapos ni-refer koi tong boarding house natin eh pwede naman…” At bigla niyang isinenyas ang kamay niya malapit sa mukha ko kaya napatigil ako sa pagpapaliwanag.

“Wala namang problema diyan. Tama na iyong narinig ko. Ngayon…” hinawakan niya ako sa magkabilang braso at pinagilid muna ako. Binuksan niya ang pintuan at hinila ako papasok ng kwarto ni Cay. “…Gisingin mo muna siya para makakain muna tayo. Tsaka mo na ipaliwanag kay Aling Miki na pinatulog mo iyong boyfriend mo dito.” Nanlaki ang mga mata ko sa mga narinig ko at bigla ko siyang nahampas.

“Hoy, hindi ko siya boyfriend. Wala pa sa isip ko iyong boyfriend na iyan.” At pinagsususuntok ko siya ng mahina sa braso. May narinig kaming unggol at mukha yatang napalakas iyong pagrereklamo ko kaya hayan, nagising na si Cay. Pinunas-punasan niya iyong mata ng kanyang mga kamay at nagpungas-pungas pa ang kanyang mga mata, napaupo sa kama niya at nag-unat.

“Ang ingay-ingay niyo naman eh. Ang aga-aga pa kay. Veny, sino iyang kasama mo? Boyfriend mo?” Tanong sa akin ni Cay. Kanina, boyfriend ko daw si Cay, ngayon, pati si Juan? “Bakit kayo nandito? It’s only…” Sabay tingin sa glance screen ng phone niya. “…11:30 am. Ang aga niyong mambulabog. Matutulog muna ako.” At humiga ulit siya. Nakiramdam ako ng saglit. Hindi din kumibo si juan for a while at nagulat ak ng bigla niyang nagmadaling lumabas ng kwarto at isinara ang pinto ng padabog. Ano kayang gagawin niyon? At maya-maya ay bumalik siyang isang pitsel ng tubig at laking gulat ko ng ibinuhos niya ito sa mukha ni Cay!

“Mabait naman kami dito at wine-welcome namin ang mga bagong sampa. “ Dumistansya si Juan at tumabi sa akin. Agad napabalikwas si Cay ng upo at itinuro si Juan. “Hoy, ikaw, ano bang problem mo? Gusto ko lang naman matulog kasi pinuyat ako ng girlfriend mo kagabi.”

Pinuyat? Nanlaki ang mga mata ni Juan at napalingon sa akin. “Hoy, walang nangyari sa amin niyan. I’m a virgin, at hindi ko isusuko ang pearly shells ko kung kani-kanino lang.” Sabay yakap sa sarili kong katawan. Hindi po ako bayarang babae para gawin iyon. Pagkatapos ay nginitian ako ng makahulugan ni Juan.

“May nangyari na pala kaya ganyan.” Pagbulong ni Juan. “Hoy narinig koi yon. Walang nangyari sa amin na iyong ano. Nanuod lang kami ng movies kagabi kaya puyat ang mokong.” Inalog-alog ko si Juan pero hindi niya ako tinignan ulit.

“Kung manggugulo kayong dalawa at kung sapalagay mo dude na mapapabangon niyo ako sa pamamagitan ng isang pitsel ng tubig, ngayon pa lang sinasabi ko sa’yo, hindi iyan effective.” At bumalik ulit siya sa paghiga. Napabuntong hininga na lang kami ni Juan. Pagkatapos ay bigla niya akong binulungan. “ano ng gagawin natin sa boyfriend mo? Nagugutom na ako. Kalmado ako ngayon pero kapag hindi pa bumangon iyan, malalagyan ng black eye ang mukha niya. Ako magpapabangon sa kanya o ikaw?” Ngayon ko lang nakita si juan na ganito ka-intense magsalita. Madalas kasing plain at kalmado lang talaga siya. I wonder if nakaapekto iyong out of the body experience niya sa kung ano siya ngayon. Ano iyan, Juan V 2.0?

Napilitan tuloy akong pabangunin na si Cay. Niyugyog ko siya hanggang sa mag-uunggolna senyales na naiirita na siya sa ginagawa ko. Piningot ko na siya sa magkabilang tenga, wala pa ring epekto. Aba, nagtalukbong pa ang mokong. Pumunta ako sa paanan niya at kiniliti siya. Hindi pa rin talga tinablan. Heto last ko na ito, kapag hindi pa bumangon ang halimaw na iyan, naku! Dahil sa inis ko, hinila ko ang kumot niya at lumabas ako ng kwarto. Bumaba ako ng hagdan at nakita ko si Aling Miki na may mga bisita yata. Isang lalaki at babaeng mature na kung tignan. Hindi ko sila kilala pero parang familiar sila sa akin.

“Iha, pumunta ka muna dito sandali.” Tawag sa akin ni Aling Miki. Lumapit ako at ipinakilala niya sa akin iyong dalawa niyang bisita. “Veny, ito nga pala si Yael at Adella…” Tumayo sila at nakipagkamay sa akin na akin din namang ginawa. Infairness kay ate at kuya, para na silang professionals tignan. “Sila iyong mga tumulong kay Juan noong na-ospital siya. Sila rin iyong mga bagong kaibigan ni Juan.”

Nginitian ko din sila dahil mukha naman silang mababait. “Nice meeting po kuya Yael at ate Adella. Upo muna tayo.” At lahat kami ay naupo. Si Kuya Yael, kung hindi ako nagkakamali, para talaga nakita ko na siya many times. Hindi ko lang maalala kung kailan at kung saan. Isip, isip, isip. Tada! Alam ko na! Siya iyong reporter ng isa sa mga sikat na news channel dito sa Pilipinas. At iyong babae, hindi ko siya kilala talaga.

“Veny, si Juan, nasa taas pa ba? Pababain mo naman dito.” Sabi sa akin ni Aling Miki. Tumayo na ako para puntahan si Juan pero naisip ko na, hahayaan ko muna silang magkausap ni Cay kaya naupo muna ako.

“Kausap lang po iyong isa naming ka-boardmate. Bababa din po siya mamaya.” At napangiti ako bigla. Magrarambulang kaya silang dalawa? Mukhang exciting ito. For now, nakipagkwentuhan muna kami sa mga bisita namin bago magtanghalian. Mukhang mararanasan ng dalawang ito ang specialty ni Aling Miki.

--

Binuhusan ko na ng tubig, hindi pa rin natinag? Matindi! May bago pala kaming salta dito sa boarding house at mukhang hindi maganda ang pag-uugali. Singkit at maputi, mukhang may lahing koreano. Hindi naman malaking issue sa akin kung bumangon man siya o hindi. Ang gusto ko lang talaga ay sabay-sabay kami kumain para makilala siya ni Nanang at ng mga bago kong kaibigan.

Mukha yatang matigas ang isang ito. Kailangan ko yatang kausapin siya ng mas matino.”Ano ngang pangalan mo?” Tanong ko sa kanya habang siya, nakabaluktot sa kama niya kahit wala ng kumot. Mukhang nagmamatigas yata ang isang ito. Hindi ko naman siya pipilitin, pakikiusapan ko lang.

“Ako si Caliber, Cay na lang. Gusto ko pang matulog, kahit isang oras na lang. Okay lang ba iyon?” Sagot naman niya habang nakapikit pa rin at namamaluktot. Mukhang pinuyat nga ni Veny ang isang ito. Mahilig kasi si Veny sa mga movies lalo na iyong mga suspense at horror, pero gusto niyang laging may kasama. Naging biktima yata ang batang ito.

Kinuha ko ulit iyong kumot sa lapag na iniwan ni Veny at ikinumot kay Cay. Para kasi siyang bata, at nag-iisa lang kasi akong anak ng mga magulang ko kaya parang nakababatang kapatid tuloy ang tingin sa nilalang na ito.

Nagmulat siya ng mga mata at nagpasalamat sa akin. “Thanks kuya.” At bigla siyang bumalikwas at umupo sa kama niya. “Ano pong pangalan niyo? Bago lang po ba kayo dito o matagal na?” Matanong din pala itong batang ito. Hindi naman siguro kami magkalayo ng edad pero parang may kahawig siya na hindi ko lang maalala. Lumapit ako sa kama niya, sumalampak sa sahig na nakatalikod sa kanya at nakasandal sa paanan ng kama niya. Mas pinili kong mag-indian seat para mas kumportable kahit papaano.

“Matagal-tagal na din ako dito. Ako nga pala si Juan Lojo, BS Interior Design student sa PUP, ang unibersidad na kilala sa mga aktibistang ang tanging ipinaglalaban ay ang karapatan ng mga Iskolar ng Bayan.” Pagkatapos kong sabihin iyon, bigla siyang pumalakpak ng mabagal. Napatingin tuloy ako sa kanya. “Bakit ka pumapalakpak? Taga-saan ka ba?” Nangalay na ako sa pag-upo sa sahig kaya kinuha ko iyong upuan na pinakamalapit sa akin at nakipag-face-to-face ako sa kanya. Naka-indian seat din pala siya sa ibabaw ng kama niya at para siyang si Veny na medyo may pagka-isip-bata.

“Pwede ka ng maging susunod na presidente ng PUP. Ang lalim kasi ng mga terms na ginagamit mo eh. Tulad ng sinabi ko kanina, ako si Cay, hindi pinagpala na napunta sa kaharian ng CCIS at isang BS Computer Science student. Luckily,hindi pa naman ako sumusuko sa course na kinuha ko. Malapit na rin ang OJT namin kaya mami-miss ko ang buhay estudyante sa PUP.” Pareho pala kaming sa PUP nag-aaral kaya parang familiar siya. “Ay, teka, girlfriend mo si Veny, tama ba ako?” Nagpantig ang mga tengga ko sa mga sumunod niyang sinabi. Girlfriend. Walang masama,pwede ko siyang ligawan. Paano kaya kung maging kami pagkatapos dito rin kami nakatira sa iisang bahay. Magiging…

At bigla akong nakaramdam ng sakit sa noo ko. Nang pagtingin ko, marker pala iyong tumama sa noo ko. “Tinanong ko lang kung girlfriend mo ba siya, nagkaganyan ka na? Pero seryoso bro, ano ng estado niyo?” Natulala lang ako ng sandali at sinagot ko siya. “Hindi naman kami. Walang pag-asa. At kung magiging kami, hindi pa ngayon.”

“Kulang ka na lang ng laurel sa mga tengga mo at pwede ka ng si Balagtas. Ang lalim mo kasi talaga eh.” Nagtawanan na lang kami kasi may point nga talaga siya. Ngayon ko nga lang talaga napansin iyon. Ang talinhaga ko pala talagang magsalita. Hindi ako iyong karaniwang tao sa panahon ngayon na magaling mag-tag-lish. Dahil siguro Filipino ang paborito kong subject noong highschool ako. Maloko itong batang ito. Siya naman ang tatanungin ko.

“Pero kayo ni Veny, kayo ba?” Napangiti na lang siya at medyo namula. “Oy hindi ko girlfriend si Veny. Bago pa nga lang kaming magkakilala afterwards, kami na agad? Hindi po ako chicser, bad boy, pwede pa.” At binato ko iyong marker na ibinato niya sa akin bilang ganti sa pagpapaisip sa akin ng ganoon kalalim. Muntikan na akong mabuking doon. Para namang meron talagang namamagitan sa amin ni Veny.

Maya-maya ay nakaramdam na ako ng gutom kasi hindi nga ako nakapag-agahan ng kanin. Pakainin ka ba naman ng oats at ilang piraso ng prutas sa ospital bago ka umalis, sinong matutuwa? “Hindi ka pa ba nagugutom Cay? Baka lang naman gusto mong matikman ang specialty ni Aling Miki?” Umiling-iling siya na senyales na ayaw pa niyang sumabay sa aming kumain. Sa akin, wala namang problema doon. Baka lang naman gusto niyang sumabay kaya inaaya ko siya.

“Sino si Aling Miki? Siya ba iyong may-ari ng bahay na ‘to?” Napakamot na lang siya ng ulo dahil sa marami pa nga siyang hindi alam sa bahay na ito. Nagkuskos na siya ng mga mata at hindi pa rin gumalaw mula sa pagkakaupo sa ibabaw ng kama niya.  Isinenyas na niya ang kamay niya ng pagtataboy sa akin kaya tumalikod na ako sa kanya para lumabas. Ako, kasi, nagugutom na, ngayon kung hindi pa siya nagugutom, mauuna na kami kumain. Akmang palabas na ako at hawak ko na ang kandado ng pinto ng makarinig ako ng malakas na kalabog sa likod ko. Agad akong napalingon at nakita kong nakahandusay si Cay sa sahig. Dali-dali ko siyang pinuntahan at tinapik-tapik sa pisngi para gisingin pero hindi siya nagising. Hindi kaya? At naalala ko bigla iyong nakita ko noong nag-astral projection ako. Hindi kaya siya ang may gawa nito?

--

“Kausap lang po iyong isa naming ka-boardmate. Bababa din po siya mamaya.” At napangiti ako bigla. Magrarambulang kaya silang dalawa? Mukhang exciting ito. For now, nakipagkwentuhan muna kami sa mga bisita namin bago magtanghalian. Mukhang mararanasan ng dalawang ito ang specialty ni Aling Miki. Wala akong balak na makisali sa usapan nila pero dahil mga bagong kaibigan daw sila ni Juan, makikisawsaw na din ako.

“Veny, ‘wag mo na kaming tawagin na kuya at ate. Yael and Adella may do.” Sabi sa akin ni Adella habang nakangiti. Morena siya at maganda. Hindi ako magtataka kung maraming nanliligaw sa kanya at kung lapitan siya ng mga producers at gawing commercial model. Mukhang magkakasundo kami nito. Medyo naiilang pa akong tawagin sila by their names alone kasi mas matanda sila sa akin pero kung titignan kaming magkakasama, para lang kaming magkaka-edad.

Nginitian ko sila at ang sabi ko’y, “Naiilang man po akong tawagin kayo na walang “kuya” at “ate”, sige po, gagawin ko ang makakaya ko.” Sabay kabig ng AJA sign at tingin kay “kuya” Yael. Hindi siya iyong tipo ng lalaki na madaldal pero siya iyong maginoo na medyo bastos. Kung ano-ano na naman ang iniisip ko. Marami na siyang napuntahan lugar dahil marami na rin siyang ginawang mga documentaries na napapanuod ko lagi. Magiliw siya sa mga ini-interview niya sa TV at kung minsan pa ay nagagawa niyang masaya iyong isang simpleng interview. Binalak ko din dating mag-MASSCOM kaso, gusto ko talagang magluto para sa ibang tao eh.

Nagulat kaming lahat ng biglang napasigaw si Yael. “Aa! Ang sakit! May kumagat sa aking hantik sa batok ko.” At kasabay nito ang pagbagsak ng isang maliit na banga na nakapatong sa taas ng divider na cabinet na nasa kaliwa ko. Lahat kami ay napalingon sa nabasag at kung ako ang tatanungin, ngayon ko lang nakita iyong banga na nabasag. Kahit noon namn ay hindi ko iyan, kahit isang beses, nakita na nandoon. Ang nakapagtataka pa ay may lamang parang buhangin ito na kasabay nitong kumalat sa sahig. Lumingon ako sa kanan ko kung nasaan ang pintuan pero sarado naman ako. Tumingin ako sa kaliwa ng pintuan, sarado naman ng bahagya ang bintana kaya’t imposible na makapasok ang hangin at ganoon pa kalakas.

“Nasaan iyong hantik, Yael? Are you alright?” Tinulungan ni Adella si Yael na tanggalin iyong hantik na kumagat kay Yael at nang Makita niya ito’y inihagis niya sa labas ng bintana. “Is it really painful, Yael?” Mukhang nag-aalala talaga si Adella kay Yael. Hindi naman mukhang sila nga pero sobra ang concern ni Adella kay Yael. Baka naman closed friends lang talaga sila tulad namin ni Juan. Huwag tayong maging malisyoso.

Tumayo bigla si Aling Miki at nagsalita. “Ano, may balak ba kayong kumain o ililigpit ko na lang iyong niluto kong specialty ko?” Kaming tatlo’y napatayo at sabay-sabay na nagsabing, “Kainan na!” Nagtawanan na lang kami kasi parang lahat kami, pare-pareho mag-isip ng mga oras na iyon.

Bigla kong hinawakan si Yael at sinabi kong, “Sandali lang, aakyatin ko lang iyong bagong boarder at si Juan para makakain tayong sabay-sabay.” Tumango lang siya at nagpaiwan pati si Adella. Si Aling Miki, dumeretso na ng kusina at naghanda na ng pananghalian. Pagkabitaw ko kay Yael, bigla kong naramdaman na parang may masamang mangyayari. Sumakit iyong ulo ko bigla at nawalan ng balance pero buti na lang at nahawakn agad ako nina Adella at Yael.

“What happen? Okay ka lang?” Tanong sa akin ni Miss Adella. Nginitian ko lang siya para sabhing okay lang ako. Binitiwan nila ako at umakyat na ako ng hagdan pataas, dahan-dahan, hanggang sa nakarating ako sa harap ng kwarto ni Cay.Bumilang ako ng tatlo sa isip ko para kumalma kahit papaano.

Isa. Dalawa. Tatlo. Binuksan ko ang pintuan at nakita ko si Cay na nakahandusay sa sahig at nakapatong ang ulo kay Juan. Napatakbo ako bigla papunta sa kanila dahil nag-alala ako at nagtanong. “Anong nangyari Juan? Bakit nandiyan kayo sa sahig?”

“Tawagin mo sila! Bilisan mo Veny!.” Sagot ni Juan kaya’t madaling-madali akong bumaba ng hagdan at tinawag silang lahat. “Nang, Yael, Adella, bilis!” Lahat kami’y umakyat sa hagdan patungo sa kwarto ni Cay. Ilang sandali lang ay nakarating kami sa naturang kwarto at napatigil si Yael sa may tapat ng pintuan. Lahat kami’y nakapaligid kina Juan at Cay na nasa sahig at siya lang ang tanging tumigil sa paglapit.

Nanlaki ang mga mata niya pero hindi ko alam kung bakit. Bumalot ang katahimikan sa buong paligid habang lahat kami ay nakatingin lang kay Yael sa may pintuan at bigla siyang nagsalita. “Caliber!” At mabilis pa sa hangin niyang nilapitan si Cay na nasa bisig ni Juan. Niyugyog niya ito at pinagsasasampla ng mahina para magising ngunit hindi ito tumalab. Niyakap na lang niya ito ng mahigpit at lahat kami naging tagapanuod na lang sa mga nangyayari. Kung titignan, nasa kaliwa ni Juan si Yael at katabi niya sa kaliwa naman niya si Aling Miki, si Adella at ako. Hindi ko alam kung bakit niya niyakap si Cay at kung bakit niya ito kilala. Ang malinaw lang sa akin ngayon ay marami akong hindi maintindihan sa mga nangyayari.

“Juan, anong nangyari sa kanya?” Tanong ni Yael kay Juan nang iangat niya ang ulo mula sa pagkakayakap niya kay Cay.

“Nag-uusap lang kami kanina at maayos naman siya. Pagkatapos, noong, palabas na dapat ako biglang may kumalabog sa likuran ko at nang paglingon ko ay nakita ko na lang siya na nakahandusay sa sahig, walang malay. Tumitibok pa naman ang puso niya, ‘wag kang mag-alala.” Pagpapaliwanag ni Juan sa amin.

Hinawakan ni Adella ang kamay ni Cay at tinignan ang pulso nito. “He’s okay for now pero, mababa ang heart rate niya. Hindi niya kailangang ipadala sa hospital pero kailangan natin siyang gisingin in order for us to know what really happens. Para kasing may nakita siya pagkatapos iyong iyong naging cause ng pagkakawala ng malay niya now.” Pagpapaliwanag ni Adella. Paano niya nalaman na may nakita si Cay eh nasa baba kami kanina lahat and sigurado akong hindi naman talaga siya nakaakyat to see kung ano talaga ang nangyari. Is she a psychic? O tamang tsamba lang?

Dahil sa curiousity ko, tinanong ko siya. “ Adella, paano mo nasabing may nakita siya before na mangyari ito?” Hindi kasi talaga matatahimik ang kalooban ko kung hindi klaro ang lahat.

Tumingin siya sa akin at nakita ko sa mukha niya iyong pagkalito. “Hindi ko rin alam eh. Kasi, noong hinawakan ko iyong kamay niya, which is para lang makuha iyong heart rate niya o pulse, bigla na lang pumasok sa isip ko iyong image ng isang tao or kung ano man siya then, ‘yon na.” Narinig ko naman sa boses niyang hindi siya nagsisinungaling pero mas naguluhan naman ako. Kaysa naman hindi niya sagutin, ayos na rin siguro ito for now. Tinapik-tapik ulit nina Juan at Yael ang pisngi ni Cay and luckily, naalimpungatan naman siya. Mas lalo pang nilakasan nina Juan at Yael ang pagtapik sa pisngi niya at pagyuyugyog kay Cay para magising at nagising nga ito. Thanks God, makakakain na din kami. Sabi ko sa sarili ko.

Unti-unting tumayo mula sa pagkakahiga sa lap ni Yael na sinuportahan naman nila. Para siyang bagong gising at wala pa sa sarili na nagtanong ng, “Veny, bakit kayong lahat nandito? Bakit ang dami niyo dito? Nilalamay niyo ba ako?” Napangiti na lang kami lahat dahil nakuha pa niyang mag-joke.

Bigla siyang kinotongan sa ulo ni Yael at natawa talaga ako. “Baka nakakalimutan mong may utang ka pa sa aking ala-ala at happiness, Cay.” Lumingon si Cay kay Yael at bigla niya itong niyakap. “Kuya!” Napangiti na lang kami kasi nagulat din kami sa revelations nitong dalawa. Magkapatid pala sila kaya pala kanina parang natameme si Yael sa may pintuan. Hindi sila magkamukha pero pwede na Tinignan ko ang glance screen ng phone ko at nakita kong lagpas 12:00nn na. At the back of my head, kumukulo na iyong tiyan ko. Pero sige, hayaan muna natin silang i-cherish ang moment for a while. Ilang minuto din kaming naging tagasubaybay nila. Nakakatuwang tignan ang dalawang tao na for a very long time eh magkikita at magkakasama. Nag-iisa lang kasi akong anak kaya lahat ng gusto ko, naibibigay. Eh ang naging kapalit naman, wala akong kapatid na pwedeng kaaway at kasangga. Ganyan siguro talaga ang buhay. All is fair, ika nga.

Tumayo na si Aling Miki at nag-inat-inat at ang sabi’y, “Para sa pangalawang pagkakataon, tatanungin ko kayo. May balak ba kayong kumain? Baka gusto niyong dito na lang tayo.” Kumunot ang noo bilang senyales ng pagkagutom at hindi pagsang-ayon na hindi muna kami kumain.

“Ay hindi Aling Miki.” Sabay tayo naman ako. “Kanina pa kaya ako nagugutom. Oh, ano kain na tayo?” Ngumiti na lang silang apat at inalalayan si Cay na tumayo. Nauna si Aling Miki na lumabas at sumunod kaming lima. Mukhang mahaba-haba pa ang lalakarin ng magkapatid na ito. Marami mang hindi kapani-paniwalang mga nangyari ngayon, ang tanging hiling ko na alng sana ay mabusog ako at nang makapag-isip pa para sa thesis namin.

Continue Reading

You'll Also Like

4.3K 84 41
Lagi ko sinasabi na darating din yung panahon na may magmamahal sa akin. Pero may nagsabi sakin, hindi panahon yung dapat kong antayin kundi pagkakat...
308 36 11
I hate getting flashbacks from the things I don't want to remember pero minsan kahit naka move-on ka na sa ex mo, yung mga tao namang nasa paligid mo...
2.6K 149 13
Hindi ko na maopen ang account ko kaya hindi ko na tuloy Magagawa marami ako nabago dito
921 15 15
Hindi nga talaga totoo ang fairy tales, I tend to believe but, ibang iba pala talaga to sa reality. fairy tales are just imagination. reality? lahat...
Wattpad App - Unlock exclusive features