Sparks of Summer Love

By ErikaOcampoMoonHeeri

383 13 11

More

Sparks of Summer Love (prologue)My First love
Sparks of Summer Love (Chapter 1)
Chapter 3: Meeting him in the rain
Chapter 4: Wag ka basta tutulong ulit!!!!

Chapter 2: Meeting them officially

54 3 3
By ErikaOcampoMoonHeeri

Chapter 2: meeting them officially

            Hello guys, I just want to thank everyone for reading my “ Sparks of Summer Love”. Hindi ko po talaga akalain na may mga magbabasa pilit pa yung iba haha..Joke lang. Anyways eto na po yung Chapter 2.

            If there are suggestions that you want to raise, kindly approach me. Thank you.

This chapter is dedicated to all my friends,yes kayong lahat..

You know I love you like I love sparkles..

Vote and comment it’s a must haha…Comment nyo lang happy nako..

Dedicated to my bestfriends sister... Jaya manalo..haha thanks for support..

Chapter 2:  Meeting them officially..<3

Summer’s POV

            “ Ahhhh,medyo mahaba-haba din pala ang tulog ko”, sabi ko sa sarili ko. Ang ganda pa naman ng panaginip ko. Nasa gitna daw ako ng kawalan at humihingi ng tulong.

(Dream of summer)

“ Tulong-tulong.. tulungan nyo ko”, sigaw daw ako ng sigaw hanggang sa may nakita akong kabayo with wings, napkin?  At sakay nun ang isang lalaki..

“ Siya na ba ang , Knight with a shining armor ko?, tuwang tuwa daw ako dahil kahit malayo palang napakakisig nya. Papalapit siya ng papalapit. Huminto ito at bumaba sa kabayong kulay puti. Pero hindi ko pa rin maaninag ang mukha nya. Feeling ko gwapo talaga siya, kahit walang mukha. I can feel it.

Nang makalapit na siya sa akin, tinititigan ko siya wala talaga siyang mukha.. Pero…..nakita ko na naman yung necklace na may pendant na padlock. Hindi ako nagkakamali..

“ San mo nakuha yan?”, tanong ko sa kanya.

Ngunit hindi siya nagsalita,…nagulat nalang ako ng bigla nya akong hinalikan.

Hinalikan nya ko! Gosh, ang swerte ko naman. Ano ba yan, hindi dapat ako  nagpahalik sa hindi ko kakilala.

“ hoy! Lalaki bakit mo ko hinalikan”, ngunit nang makita ko siya ay papalayo na siya, sakay ng bago nyang kabayong puti, without wings.

Maya-maya ay may narinig nalang akong nagsabing..

“ Ui miss,ikaw ba si Ms. Shane Flores?”, napakaganda ng tinig nya,tila isang musika sa aking pandinig. Nagulat ako, nananaginip pa ba ako? Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata at tumambad sa akin ang isang napakagwapong anghel. Maputi, matangos ang ilong, asul na mga mata at mapupulang labi. Nagpapatantasya ako.Kadiri waaaaaaaaaaaaaahhh… Sa sobrang gulat ko naitulak ko siya..

“ Ano ba lumayo ka nga sa akin ,bastos”, nakita ko siya na tumitingin sa legs ko.Tinulak ko siya at napahawak siya sa balakang nya.

“ Ano ka ba Miss? Nagtatanong lang yung tao sayo tapos manunulak ka pa. Ako tatawagin mong bastos, sa gwapo kong to ako bastos”, sabi nya habang tumatayo.

“ Sino ba naman kasing hindi magugulat sa ginawa mo. Alam mo naman na natutulog ako, tapos paggising ko ang lapit ng mukha mo sa akin. Hahalikan mo ko no aminin mo? Sabi ko sa kanya  ng nakataas ang kilay.

Kumunot ang noo nya, pero wala siyang wrinkles ang gwapo nya at ang tangkad pa.

“ hahahaha.. pinapatawa mo ba ko ha? Pinapatawa mo nga ako hahahahhahaha. Ikaw hahalikan ko? Never. Ni hindi ka nga pumasa sa criteria ko para sa type kong babae,tapos hahalikan kita. Nanaginip ka ata Miss.” Feeling ko nagmuka akong bulok na kamatis sa harap dahil sa hiya. Sapakin ko kaya ito. Yumuko muna ako at bumalik ang mataray kong mukha para harapin siya.

“ Wala kang pakielam kung nananaginip man ako atsaka sa susunod, WAG NA WAG MO KONG TITIGAN NANG MALAPITAN KUNG AYAW MONG,MAKAKITA NG ISANG MILYONG BITUIN SA PALIGID MO, NAIINTINDIHAN MO BA HA!!!!!!!!!!., pasigaw kong sabi sa kanya.

“ okay,okay. It will never happen again. Isa pa nakakasawa kasing titigan yang mukha mo eh.  Kaya ko lang ginawa yun kasi gigisingin kita para itanong kung ikaw si Ms.Shane Flores., sabi habang nginingitian ako. Nag-aasar ba tong baliw na ‘to.

“OO,AKO NGA SI SHANE FLORES. EH, ANO NGAYON? ANONG KAILANGAN MO SA AKIN”, tumayo na ako para harapin siya, tangkad nya.

“Miss Shane pwede ba wag  kang sumigaw, para kang armalite eh, daig mo pa yung kapitbahay namin”

“ paki mo” kumalma na din ako.

“ Kung ikaw nga si Ms. Shane Flores di ba dapat tinutour mo na yung mga transferees dito sa campus?”, nagulat ako sa sinabi nya. Lagot ako kay Ma’am principal nito.

“ Ayyyy, naku nkalimutan ko . waaaah sorry. Tara na sabi ko sa kanya”, sumunod naman siya sa akin. 10:15 na pala masyado pa man din akong sensitive pagdating sa time. Bakit kasi nakatulog ako eh.

Ryan’s POV

Ang tagal ko na din na nakatayo dito sa gilid hindi pa rin siya nagigising. 5 minutes na din ang nakakalipas ng umalis yung lalaking nagnakaw ng halik sa kanya. Sino kaya yun? Sa sobrang inip ko nilapitan ko siya ng malapitan,ilang minuto ko din siyang tinitigan.

Gumalaw siya ng bahagya, kaya nagsalita na ako..

““ Ui miss,ikaw ba si Ms. Shane Flores?” nakita ko ang pagkagulat niya,nang marealized nya na napakalapit ng mukha ko sa kanya. Sa totoo lang napakaganda nya. Hindi ko alam pero parang nagkita na kami dati. Yung curly nyang buhok, yung mahahaba nyang pilik mata, mamula-mulang pisngi; nakablush on ba to?at ang kulay rosas nyang labi na ang sarap halikan. Wow. Ito siguro yung dahilan kung bakit natukso yung lalaki kanina na halikan siya.

“ Ano ba lumayo ka nga sa akin ,bastos”, haha nahalata nya siguro. Pero hindi ko naman sinasadya na tingnan yung legs nya.

Nagulat ko ata siya kaya tinulak nya ako. Grabe ang cute nya kapag nagugulat siya.Pero ang lakas nya ,ang sakit nung pagkakatulak nya sa akin. Nagggym ba tong babaeng to. Hindi naman siya mamuscle pero ang lakas nyang tumulak. Sa katunayan nga ang sexy nya, lalo na at kitang-kita yung mapuputi nyang legs. Ano ba yan nagiging bastos na ako. Yun siguro yung dahilan kung bakit tinawag nya akong bastos.

“ Grabe talaga”,sabi ko nalang sa isip ko. Ano anong pinagsasabi nya. Gusto ko daw siyang halikan. Ano ako? hahalikan ko siya..haha. Pwede din naman. Nasagot na nga yung tanong ko kanina ..

Flashback

“ maganda kaya yung Ms. Shane Flores  na yun”, maganda nga siya,napakaunique ng itsura nya kakaiba.

at para madeny ko yung mga ibinibintang nya.

(eto yung sinabi ko...)

(Reality)

“ hahahaha.. pinapatawa mo ba ko ha? Pinapatawa mo nga ako hahahahhahaha. Ikaw hahalikan ko? Never. Ni hindi ka nga pumasa sa criteria ko para sa type kong babae,tapos hahalikan kita. Nanaginip ka ata Miss.” Nakita ko ang pamumula ng pisngi nya dahil sa hiya,pero lalo lang siyang gumaganda.

At ayun sigaw siya ng sigaw, ang lakas ng boses nya parang nakalunok lang ng sampung speaker ng pioneer. Yun kasi yung tatak ng speaker namin sa bahay. Haha

Para matigil na siya..Tinanong ko ulit kung siya nga yung Shane na hinahanap ko. At umoo naman siya. Nagpanic siya sa mga susunod kong sinabi..

“ Kung ikaw nga si Ms. Shane Flores di ba dapat tinutour mu na kami dito sa campus?”, nagulat siya at biglang tumakbo.

“ Ayyyy, naku nkalimutan ko . waaaah sorry. Tara na”, at sumunod naman ako sa kanya.

At ngayon papunta na kami sa principal’s office para puntahan yung dalawa pang transfer. Tumawag kasi yung principal sa kanya at pinagmamadali na siya. Kinausap ko siya sandali habang naglalakad kami.

“ Shane Flores,right”,sabi ko sa kanya.

“ Ulit-ulit”, ang sungit naman ng babaeng ito. Tapos bigla siyang nagsalita ulit. Pero nag-iba yung tono ng pananalita nya naging sweet ito at malumanay.

“ ahmm, pasensya na kanina ha, nagulat lang kasi ako eh. Ano nga palang pangalan mo?” , sabi nya. Anak ng pating naman bipolar ba ito,agad nag-iba yung mood. Sinagot ko naman siya in sweet voice din..

“Ahmm.. Ryan Jairrel Ventura nga pala.”,sabay abot ng kamay ko sa kanya. Iniabot din naman nya yung kamay nya. Grabe ang soft ng kamay nya.

“ Sorry din ha,nagulat kasi kita kanina ang sarap  kasi ng tulog mo eh, kaya nilapitan na kita para gisingin” sabi ko sa kanya nagpout ako para effective.

Tumango lang siya, habang nakatiitig dun sa dalawang lalaking papalabas ng principal’s office.

Lumapit yung dalawang lalaki sa amin. Nagkatinginan kaming tatlo napansin ata ni Shane na nagtinginan kaming tatlo. Then she cleared her throat.

“Ahemmmmm”,

Jairus POV

Waaaaaaaaaaahhhh. Bakit nandito itong babaeng ito. Kinakabahan tuloy ako. Mamaya ko na ikukwento kung bakit para masaya. Tinanong ko na lang siya para mabawasan yung awkward atmosphere na nakapaligid sa amin.

“Are you the President of the Student Council”, sabi ko with confidence.

“ Yes, I am. “ sabi nya habang nakataas ng kilay. Akala nya siguro uubra siya sa akin.

“ So, shall we start the tour”,sabi ni Christian na sobrang titig dun sa babae.

“  hindi man lang ba kayo magpapakilala’, sabi nung mataray na babae

“ Well, oo nga pala kailangan mong malaman ang pangalan ng magiging future boyfriend mo”, ang kapal talaga ng Christian na to.

“  kapal mo di kita gusto no!So introduce yourselves”,sabi nung babae.

Nag-umpisang magsalita si Christian..

“ I’m Christian Jaisen Fontanilla, sa gwapo kong to di mo magustuhan”, grabe ang yabang nya talaga. Kumindat pa.

Sumunod naman ako..

“ Nathan Jairus Saavedra, call me Nathan. Okay. Pwede ba sa susunod ayoko sa mga taong irresponsible.. late for short",, nakatitig siya sa akin at mukhang may pinagmamasdan. Ano bang tinitignan nya. Nakatingin siya sa dibdib ko. Napaalis siya ng tingin nung nagsalita yung isa.

“ Wala akong dapat ipaliwanag sayo, lalaking mukhang bubuyog,excuse me.", sabi niya ang taray ng babaeng to.

"Stop!She already knew my name. For you two, Ryan Jairrel Ventura”, ang yabang nya akala mo ang gwapo.

“ Teka, Summer Flores right?,sabi ko.

“ yup”, tapos biglang nagreact yung Pintura,ay ventura pala.

“ Akala ko ba Shane Flores pangalan mo,manlilinlang ”-ryan

“ Baliw ka ba? Okay My name is Summer Shane Flores. I prefer Shane. Cleared”, at nagsimula na siyang maglakad. May umepal pa.

“ Ui Summer , ang hot mo”Christian.

“ Nagagandahan ka diyan sa butiking yan,wala ngang kashape –shape eh”, sabi ko habang pinagmamasdan ko yung katawan nya.

“ Sinong tinawag mong butiki ako? Eh ikaw mukha kang tikbalang”, what did she just called me tikbalang. Ano ba yun?

“ oo nman,wala man lang kacurve –curve yung katawan mo”.

“ Ah ganun, kung kayang yung mukha mo yung i-curve ko ha” tapos biglang nagsalita si Ryan

“ Hey guys stop! The time is running please” at dahil dun nahinto nga yung aso’t pusa effect namin.

Ay! Nakakairita talaga itong babaeng to akala mo naman..nevermind. At yun nga nagstart na siyang i-tour kami. Turo doon, turo dito.

“ This is our library, siguro naman di ko na kailangan i-explain kung anong dapat gawin dito.”, grabe ang taray ng babaeng ito.

Inikot namin buong campus, may pinakita siyang iba’t- ibang garden nakakarelax nga yung mga garden na yun. Parang kahit saan pwedeng tumambay. Tapos sa canteen. Mga buildings at marami pang iba. Malaki-laki din yung campus kaya medyo nakakapagod.

Alam nyo ba ang pinakamasaklap na nangyari habang inililibot nya kami sa campus? Yun yung mga students na sunod ng sunod sa amin parang mga sisiw na nakasunod sa kanilang inahin. Akala mo nga may pila ng NFA at malapit na silang maubusan.Ni hindi nga ako makapagconcentrate dahil daldal ng daldal yung mga tao.

“ And lastly”, sabi ni shane.” This is the locker place, wag na kayong magtaka kung sakaling mapuno man ng sulat yang mga locker nyo, dahil may annual event dito na kailangan magbigay ng letters ang mga students bilang warmed welcome para sa mga transferees na katulad nyo,ok? Questions.” Yun ang sabi nya. May ganun pala.

“  Pwede ko bang makuha yung number mo” –christian.

“ Una, hindi ako nagbibigay ng number ko sa mga ngayon ko lang nakilala. Pangalawa, kapag may importanteng bagay, dun lang ako nagbibigay at pangatlo wala akong balak ibigay yun sayo”, grabe ang yabang nito.

“ okay ,makukuha ku rin yan. Akala mo. –christian.

“ Kung wala na kayong tanong, aalis na ako. Since half-day lang ngayon maari na kayong umuwi”, tumalikod na siya at umalis.

Lumingon siya sandali at sinabing, “ Jairrel, Jairus, Jaisen nice meeting you all”, sabay smile natameme kaming tatlo. Grabe ang ganda nung ngiti nya parang nanggagayuma lang.

 First time na may tumawag sa akin na Jairus, kasi usually Nathan ang tawag nila.

“ I gotta go”, sabi ko doon sa dalawa

“ sige”, sabi lang nila.

 Summer’s POV

Grabe nakakairita talaga yung tatlong yon palibhasa mayayaman . Halatang- halatang mahahangin lalo na yung Jairus na yun. Pero si Ryan mukhangmabait naman. Si Christian mukhang ewan, abnormal ata. Ayoko lang tlaga sa mayayamang mahahangin.Siguro dahil hindi kami ganun kayaman. Scholar ako sa school, dahil sa mga grades ko. Hindi kasi ako kayang pag-aralin ng mga magulang ko sa school na katulad nito. Ikaw ba naman tuition nyo, 250,000 thousand every year hindi ka mamamatay. Buti nalang madiskarte ako sa buhay at nakakasurvive ako sa school na ito.

Syempre may mga conditions bago ako naging scholar sa school.

Dapat lagi akong nasa rank na 1,2 or 3 kung hindi matatangagal ang scholarship.

Ako ang magiging Student Council President pagdating mg 4th year, dahil walang gustong humabol sa position, dahil matrabaho daw.

Ako ang mag-eentertain sa mga transferees na darating sa school.

Ako ang responsible sa mga transferees hanggang 4 months, hangga’ t hindi sila nasasanay sa school.

“ hay, baliw talaga yung,….ahhhhhhhhhhhh”, maya maya may kumalabit sa akin.

“ ay anak ng patis, ano ka ba nanggugulat ka naman”, sabi ko kay Louise, bestfriend ko.

“ eh pano naman kasi ,kanina pa kita tinatawag, eh hindi mo ako naririnig”, ah tinatawag nya pala ako.

“Naku, sorry ha, malalim kasi yung iniisip ko eh. Uuwi ka na ba?”

“ ikaw talaga,wag mong sabihing iniisip mo yung tatlong bagong transfer” hindi nya sinagot yung tanong..haha

“ Bakit ko naman,iisipin yung mga yun, eh nasanay na rin naman ako na may mga transfer students dito at ako ang laging nakatoka sa kanila’, ano ba itong tanong ng bestfriend ko.

“ Weh? Gwapo kasi yung mga bagong dating., nastarstruck ka no”

“ O.A ka naman, hindi naman sila mala Sterling Knight para mastarstruck ako”,

“O siya siya, mauna ka na. Hindi pa ako uuwi may hinihintay pa ako eh..Bye” nagbeso siya sa akin

“ Sige,bye “ Oo nga pala si Deceree Louise  David. Siya ang bestfriend ko since First year, may kaya sila pero naiiba siya sa mayayaman dito. Hindi siya mayabang, hindi din siya katulad ng iba na nagmamaliit ng tao. Napakasimple nya. Maganda ,maputi , maikli ang buhok at medyo hindi katangkaran. Siya ang isa sa pinakatotoong tao na kilala ko.

At ngayon papunta na ako sa part time job ko, 5 pm na din kasi eh. Nagreport pa ako sa principal namin, kung ano yung nangyari sa tour. Hindi na nga ako nakapaglunch eh. Ang haba ng report ko grabe. Pumunta din kasi ako sa Student affairs para asikasuhin yung scholarship ko kasi nung 3rd year ako ang rank 1. Kailangan kasing i-renew .Kaya eto magfifive na ng hapon. Buti nalang 6 pa yung part-time job ko hindi ako malalate.

This the chapter 2 .boring po ba pasensya na,kasi inaantok ako nung ginawa ko to haha..

Pero promise babawi ako sa chapter 3 at siguradong kikiligin kayo..

Sino nga ba kila Jairus, Jairrel at Jaisen ang makakatuluyan ni Summer? O kaya pwede rin naman na may dumating na isa pang character wahahhaha..

Maraming salamat sa lahat...

Maraming salamat po sa lahat ng nagvote. Napakasaya ko talaga.

Vote and comment

I love you…

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...