ODESSA'S REDEMPTION: Rise Of...

Per angelodc035

43.7K 2.2K 550

FILIPINO READERS CHOICE AWARD 2022 OFFICIAL FINALIST(Consistent #1 in Heroes) (#8 in Mythology) (#18 in Magic... Més

ANG NAKARAAN....
PROLOGUE
Chapter 1: FAILURE
Chapter 2: THE AWAKENING
Chapter 3: A WEREWOLVES NIGHT
Chapter 4: THE DUEL
Chapter 5: BLAKE
Chapter 6: A NEW DAWN
Chaptet 7: THE MAN ON A BLACK CLOAK
Chapter 8: THE ISLAND OF SEVEN KINGDOMS
Chapter 9: FIRE, ICE AND PROPHECY
Chapter 10: PILUNLUALAN (MYSTIC TUNNEL)
Chapter 11: CAREN'S FATE
Chapter 12: THE NEW ALPHA
Chapter 13: SAKAYA
Chapter 14: DIYOSANG TALA
Chapter 15: SAKAYA'S TEST
Chapter 16: ANILAOKAN
Chapter 17: STRIGOI
Chapter 18: QUEBALUAN TREE
Chapter 19: CHASING MEMORIES
Chapter 20: AWAKENING
Chapter 21: AWARENESS
Chapter 23: BLOOD BY BLOOD
Chapter 24: A DECISION MADE
Chapter 25: ANILAOKAN'S LOVE
Chapter 26: BEHEMOT
Chapter 27: REDEMPTION, REVENGE AND REUNION
Chapter 28: DRAGON PHOENIX
Chapter 29: DESPERATION
Chapter 30: INTERROGATION
Chapter 31: BATHALA
Chapter 32: THE RETURN
Chapter 33: THE ELEMENTAL WORLD
Chapter 34: BLAKE, LAUREA, DIYOSANG TALA AND CLAUDIUS
Chapter 35: THE FALLEN GODDESS
Chapter 36: MANGGAGAWAY (SPELL CASTERS)
Chapter 37: CITY OF THE DEAD
Chapter 38: BLOODY GHOULS DAY
Chapter 39: BLOODY BATTLE
Chapter 40: BLOODY DEATHS
Chapter 41: DEATH BY BLOOD
Chapter 42: DEAD EVERYWHERE
Chapter 43: LOSS
Chapter 44: BATHALA'S DEATH
Chapter 45: QUINTA FOREST
Chapter 46: BALINTATAW
Chapter 47: CHAOS
Chapter 48: HUKLUBAN
Chapter 49: DARK POWER
Chapter 50: CAPTURE
Chapter 51: ERISE
Chapter 52: HOTEL MORTE
Chapter 53: DIYOSANG BULAN
Chapter 54: BABAGUA
Chapter 55: REVELATION
Chapter 56: INFESTATIONS
Chapter 57: THE ESCAPE
Chapter 58: LOVE AND BETRAYAL
Chapter 59: A SISTER'S DEMISE
Chapter 60: A NEW HOPE
Chapter 61: LAMUIAN FOREST
Chapter 62: PALACIO LUNAR TOWER
Chapter 63: MOTIVES
Chapter 64: FORCES OF NATURE
Chapter 65: APOCALYPSE
Chapter 66: DEATH IS THE BEGINNING
EPILOGUE
PASASALAMAT

Chapter 22: THE FATE

490 34 10
Per angelodc035

Patuloy sa pag-abante si Caren sa kinaroroonan nina Alex at ng mga magkakapatid. Naglalaway at nakalabas ang napakapula at mahabang dila nito at ramdam na ramdam niya ang napakatinding gutom sa kanyang sikmura. Kitang-kita niya ang mga takot sa mga mata ng kanyang mga dating kasama pero nangingibabaw sa kanyang isipan ang mga napakaraming boses na nagtatanong kung ano ang gagawin sa kanilang pakikipaglaban sa mga bampirang strigoi.

Malinaw niyang naririnig sa kanyang isip ang mga boses ng kanyang mga kasama kaya makailang ulit na rin niyang iniyugyog ang kanyang ulo dahil sa hindi siya sanay sa ganoong kakayahan bilang alpha. Kakayahang kayang makipag-usap sa lahat ng kanyang mga nasasakupang taong-lobo.

May humihingi ng tulong, may sumisigaw dahil nakagat at nasugatan na ng mga bampira. Tumigil siya sa paglapit kina Alex at ng mga batang nasugatan sa paghagis ng Strigoi sa sinasakyan nilang SUV.

Mga ilang segundo rin na ipinako ni Caren ang kanyang mga mata sa mga dating kasama at pilit na inaalala kung bakit may mga maliliit na tinig siyang naririnig na pilit na pumipigil para atakihin ang mga taong nasa kanyang harapan. Pamilyar sa kanya ang mga mukha na nasa kanyang harapan pero wala siyang maalala kung sino ang mga ito.

Damang-dama ni Caren ang masidhing pagkagutom lalo na't ilang araw din siyang nakahimlay habang unti-unti ang kanyang pagbabago mula ng masugatan siya ng lalakeng Alpha. Nararamdaman niya ang panghihina ng kanyang katawan at panginginig ng kanyang mga kalamnan dahil sa labis na gutom.

"...ate Caren!"

Ang sigaw ng isang batang babae na pamilyar ang boses sa kanya. Natigilan siya sa kanyang paglapit sa kanyang makakain. Caren, ang pangalang iyon. Bakit labis siyang nabahala pagkarinig niya sa pangalang iyon. Bakit tinatawag siya sa ganong pangalan? Siya ba si Caren? Bakit wala siyang maalala?

Minabuti niyang iwaksi muna ang mga iba't-ibang boses sa kanyang isipan at pilit na inaalala ang kanyang nakaraan.

Halos manginig na sa sobrang takot sina Alex at ang mga kasamahan niyang sina Margaux, at Adrian. Tila walang pakialam na pilit na niyayakap ng mahigpit ni Isabel  ang wala ng buhay na si Jhayvee.

"Ate Caren!" Ang muling tawag ni Margaux sa taong-lobo sa kanilang harapan.

Hindi alam ni Alex ang kanyang gagawin. Wala siyang armas para depensahan ang kanilang mga sarili. Sugatan ang kanilang mga katawan dahil sa pinsalang dulot ng pagkakahagis sa sasakyang gamit sana nila sa kanilang pagtakas.

"Caren, kami ito ako si Alex, si Margaux at Adrian. Hindi mo ba kami maalala? Kami ang mga kaibigan mo! Si Jhayvee! Si Jhayvee pat..." Natigilan si Alex. Tila may biglang bumara sa kanyang lalamunan na pumigil para sabihin ang kinahinatnan ng batang si Jhayvee. "...wa...wala na si Jhayvee."

Ngunit tila walang pagkakakilanlan sa kanila ng taong lobong si Caren. Patuloy pa rin itong lumalapit sa kanila.

Hindi na napigilan pa ni Margaux ang kanyang sarili. Tumayo ito at mabilis na tumakbo papalapit sa taong-lobong si Caren.

"Ate Caren!!!" Ang sigaw ng batang babae.

"Margaux, huwag!" Ang tanging naisigaw ni Alex na nabigla sa ginawang iyon ni Margaux, ngunit huli na ang lahat.

Inihanda ni Caren ang kanyang sarili ng biglang patakbong lumalapit sa kanya ang batang babae. Lalong naglaway at tumindi ang naramdamang gutom ng babaeng Alpha ng malanghap ang napakasarap na amoy ni Margaux. Nakahanda na siyang lapain ang lumalapit na pagkain.

Ilang hakbang na lang at makakatikim na siya ng sariwa at karne ng batang babae...

Limang hakbang...

Apat...

Tatlo...

Dalawa...

Isa...

"Margaux!!!" Ang sabay na sigaw nina Alex at Adrian ng makitang sasakmalin na ni Caren ang batang si Margaux.
--------------------

Doon nagsimula ang lahat kay Odessa. Dahan-dahang inilapag ni Quebaluan si Odessa sa kanyang nakausling naglalakihang mga ugat.

Iminulat ni Odessa ang kanyang mga mata at hindi nito napigilang humagulgol. Ito ang kanyang kinatatakutan kung bakit ayaw na niya sanang maalala pa ang kanyang nakaraan. Alam niyang masalimuot ang kanyang mga pinagdaanan pero, tama si Danum. Kailangan niyang harapin ang multo ng kanyang nakaraan.

Naalala niya ang sinapit ng kanyang ina. Ang kanyang ina na ibinuwis ang kanyang buhay mailigtas lamang siya sa kanyang malupit na ama. Buhay pa ba ang kanyang ina na si Reyna Baguinua? Pagkaawa naman ang naramdaman niya sa mga nagbuwis ng buhay din para lang mailigtas siya. Ang mga kawal ng palasyo na tumulong sa kanyang ina para makatakas sa malupit niyang ama na si haring Khalil. Si Mariang Makiling na hindi rin niya alam kung nakaligtas ba sa lasong dulot ng sugat mula sa palasong inilubog sa kamandag ng isang hayop.

Ang pagtangis niya sa mga nag-aruga at nagmahal sa kanya na nagbuwis din ng buhay para sa kanya.

"Odessa..." Ang pagtawag sa kanya ni Quebaluan.

Iniangat ni Odessa ang kanyang ulo kay Quebaluan.

"Nais kong ibigay ng pakikiisa ko sa iyong mga dalamhati at naiintindihan ko kung bakit mas pinili mong huwag ng balikan ang lahat, pero...lahat tayo ay kailangang harapin ito para mabuo tayo at lalong maging matatag ang ating pagkatao." Ang wika ni Quebaluan. "Humayo ka Odessa at harapin ang ngayo'y nakaatang sa iyong mga balikat."

Inihanda na ni Odessa ang kanyang sarili. Tumayo ito at buong tatag na humarap kay Quebaluan. Tama nga ang punong si Quebaluan buo na ngayon ang kanyang pagkatao lalo na't alam na niya ang kanyang buong nakaraan pati na rin ang kanyang mga magulang. Ito na rin ang pagkakataong harapin na ang nakaatang na responsibilidad sa kanyang balikat at buong lakas at tatag niyang gagampanin ito.

"Halika, Odessa at upang iyong makita ang iyong hinaharap. Ako si Quebaluan ang diyos ng karunungan at kaalaman ang gagabay para makita ang iyong hinaharap." Ang paanyaya sa kanya ni Quebaluan.

Biglang lumagutok ang katawan ng puno at unti-unting lumalabas mula rito ang kabuuan ng katawan ni Quebaluan. Katawan na yari sa napakatigas na kahoy at mga ugat ang bumubuo sa kanya.

Dinig na dinig ni Odessa ang mga tunog ng mga lumalagutok at mga mahihinang pagputok ng mga kahoy habang manghang-mangha siya sa kagandahan ng nilalang na si Quebaluan.

Inihakbang ni Odessa ang kanyang mga paa papalapit sa unti-unti ng nakakalabas na katawan ni Quebaluan mula sa puno. Nagsilabasan ang mga maliliit na lambana mula sa nagkikislapang dahon ng puno na unti-unting napapalitan ng kulay pula. Sinalubong ng napakaraming lambana si Odessa na animo'y isang napakasikat na personalidad na pinagkakaguluhan ito.

Magkahalong malamig at mainit na hangin ang sumalubong kay Odessa paglapit niya kay Quebaluan na ngayon ay tuluyan ng nakalabas sa napakalaking puno. May taas ito na hindi hihigit sa dalawampung talampakan. Mahahaba at payat ang mga kamay at paa na tulad sa mga sanga ng kahoy. Ang buhok nito ay tila mga dahon ng mga puno ng pino na napakatingkad ng pagkakakulay berde ng mga ito.

Nakatingin si Quebaluan kay Odessa at hinihintay siya nito.

"Halika Odessa para sa iyong hinaharap!" Ang muling wika ni Quebaluan kay Odessa.

Paglapit ni Odessa sa kanya ay ikinumpas ni Quebaluan ang payat niyang kamay sa bangin. Mula roon ay nabuo ang kakaibang Pilunlualan.

Hindi na nagdalawang isip pa na pumasok si Odessa sa Pilunlualan kasama si Quebaluan. Sumalubong sa kanya ang nakakasilaw na ilaw at pakiramdam niya ay hinihigop siya nito.
-----------------
Kitang-kita ni Caren ang batang babae a magiging una niyang panlaman-tiyan. Limang hakbang na lamang at matitikman na niya ito.

Apat na hakbang....

Tatlo... Malapit na at lalo na siyang nag-uulol sa pagkasabik sa batang kanyang kakainin.

Dalawa... Lalo siyang naglaway sa napakabangong amoy ng batang si Margaux.

Isa...

Saktong sasakmalin na sana ni Caren ang bata sa leeg nito ng tila may kung anong puwersa ang pumigil sa kanya para hindi niya gawin iyon. Yumakap sa kanyang katawan ang humahagulhol na batang si Margaux. Hindi niya malaman kung bakit natigilan siya.

Dinig na dinig niya ang pag-iyak ng bata at ang mga tibok ng puso nito. Pero bakit siya natigilan? Bakit siya naapektuhan lalo na sa pagkakayakap nito sa kanya?

Unti-unti ay biglang bumalik sa kanyang alaala ang lahat ng unang makilala ang mga bata nang ihatid ni Alex ang mga ito sa police station na kung saan siya naka-assign. Kung paano niya prinotektahan ang mga ito ng lusubin sila ng mga tiyanak hanggang sa makarating sila sa evacuation center sa Bulacan. Pinilit niyang mabuhay para sa mga bata hanggang sa dalhin siya ng kanyang mga paa sa Pampanga na kung saan muli niyang makasama ang mga ito. Ngayon ay isa na siyang taong-lobo at pinuno ng isang pulutong ng mga ito. Kaya hindi lang ang mga bata ang kanyang responsibilidad ngayon kundi maging ang mahigit sa dalawang-daang katulad niyang taong lobo.

Nakahinga ng maluwag sina Alex ng makitang hindi kinain ni Caren si Margaux. Alam nilang ano man ang mangyari ay pipilitin pa rin ni Caren na huwag saktan ang mga mahal niya sa buhay.

Ngunit iba ang sinasabi ng sitwasyon. Muling lumapit sa kanila si Caren at nakangisngis habang umuungol. Aatake siya sa kanila nina Alex, Adrian at Isabel. Mukhang hindi sila nakikilala ng dating babaeng pulis na kanilang naging kaibigan. Mabilis ang mga kilos nito at sa isang iglap ay mapuwersa itong tumalon at ibinuka ang kanyang bibig na kitang-kita ang mga mapuputi at matatalim na ngipin.

Ipinikit ni Alex ang kanyang mga mata. Alam niyang siya ang unang sasagpangin ni Caren. Napasigaw naman sina Margaux at Isabel pagkakita sa naging aksiyon ng taong-lobong si Caren. Natulala naman si Adrian at hindi na nakuha pang sumigaw sa bilis ng mga pangyayari.

Pinakitamdaman ni Alex kung paano siya lalapain ni Caren. Ayaw niyang maramdaman ang sakit at dalangin na lamang niya na sana ay patayin na siya agad nito. Pero wala siyang naramdamang sakit at puwersang nagmumula kay Caren. Bagkus ay narinig niya ang tila nag-aaway na aso at pusa sa kanilang likuran.

Binuksan ni Alex ang kanyang mga mata at nabigla siya sa kanyang nakita. Sa kanilang likuran ay nakikipagbuno si Caren sa isang Strigoi. Kagat-kagat niya ang leeg ng bampira habang pilit na pinagsusuntok siya nito sa tagiliran si Caren. Iniligtas pa rin sila ni Caren.

Ayaw pakawalan ni Caren ang pagkakakagat niya sa leeg ng Strigoi. Lalo pa nitong idiniin ang kanyang mga matatalas na ngipin sa leeg ng kalaban kahit na nasasaktan ito sa bawat pagdapo ng kaliwang kamay ng bampira sa tagiliran niya.

"Sunugin ang kanilang katawan bago pa sila mabuo muli!" Ang sigaw ni Demetria na abala sa pakikipaglaban sa mga natitira pang mga strigoi.

Napatingin si Alex kay Demetria. Kilala niya ang babae. Sila ang bumisita sa Santuaryo na kung saan sila namalagi sa Pampanga.

"...apoy...." Ang bulong ni Alex. Mabilis itong tumayo at napatingin sa nagliliyab pa ring sasakyan. "Margaux! Adrian! Tulungan niyo ako dali! Kumuha kayo ng kahoy at sindihan ang mga ito. Tutulong tayo para puksain ang mg kalaban!"

Pagkarinig ni Margaux sa tinurang iyon ni Alex ay kaagad itong naghanap ng kahoy na puwedeng sindihan ng apoy. Habang si Adrian ay pinipilit nitong tumayo ngunit hindi nito nakayanan ang mga pinsala sa kanyang katawan.

Buong lakas na ibinaluktot ni Caren ang pagkakakagat sa leeg ng strigoi. Tumilapon ang ulo ng bampira sa damuhan pero patuloy pa rin sa paglaban ang katawan nito kay Caren.

Mula sa leeg ng naputol na ulo ng Strigoi ay mabilis na naglabasan ang mga payat at kulay abong mga bulate at pilit na hinahatak ng mga ito ang ulo papalapit sa kanyang katawan. Pero naging maagap si Alex at pagkasindi niya sa kahoy na nakuha ay mabilis niyang sinunog ang ulo ng bampirang Strigoi.

Isang nakakatakot na sigaw ang pinakawalan ng strigoi lalo na ng magliyab ito at unti-unting nilalamon ng apoy.

Lalong nagwala ang putol na katawan ng bampira. Pinagsasakmal ni Caren ang mga kamay at paa ng bampira at pinaghiwa-hiwalay nito ang katawan ng kalaban. Naging maagap naman sina Margaux at Alex sa pagsunog sa mga nagkahiwa-hiwalay na bahagi ng katawan ng strigoi.

Nang masigurong patay na ang kalaban ay sumugod naman si Caren sa kanyang mga kasama para tulungan ang mga ito. Hindi niya alintana ang kanyang gutom at ang importante ay maubos ang mga kalaban nila. Halos maiyak siya sa mga kasamahan niyang mga taong-lobo na nagkalat sa kalsada at wala ng buhay. Hindi niya maintindihan pa rin kung bakit niya naramdaman iyon gayong ito pa lamang ang unang pagkakataon na nakasama niya ang mga ito bilang katulad nila.

Sa bawat  pagtalon niya sa mga strigoi ay katumbas ng mga ulo ng mga ito ang bumabagsak sa lupa. Abala naman sa pagsunog sa mga ito ang isang pamilyar na lalake gamit ang isang latigo na gawa sa metal. Hanggang sa isang strigoi na lamang ang natitirang nakatayo sa kalsada.

Nakangisngis ang strigoi at pilit pa ring lumalaban sa kanila. Akmang tatalon na sana si Caren sa bampira ng isang napakalaking lumilipad na nilalang ang dumagit dito at pinagpupunit ito sa himpapawid.

Sinundan ng tingin ni Caren ang Malakat at tinawag ang mga kasamahang mga taong-lobo gamit ang kanyang isip.

Mabilis na nagtipon-tipon ang nangalahati na sa bilang na mga taong-lobo at magkahalong emosyon ang kanilang nararamdaman ng mga sandaling iyon.

Sa kanilang harapan ay naroroon na rin sina Demetria, Randy at ang kapreng si Sagaway. Habang si Alimog ay kasalukuyang bumababa sa likuran ng tatlong kasama.

Nanatiling nakatingin lamang si Caren kina Demetria at nakikiramdam kung ano ang gagawin.

"Lulusob ba tayo sa kanila, pinuno?" Ang tanong ni Ceasar sa kanya gamit ang isip.

"Hindi pa natin masasabi sa ngayon." Ang tugon ni Caren sa kasama.

"Pero sila ang nagdala sa mga bampira sa atin kaya marami ang napahamak sa atin mahal na pinuno!" Ang sabi naman ng isang babaeng taong-lobo.

"Marami na ang nalagas sa atin, at ayoko na may malagas pa! Hindi tayo lalaban kung hindi sila gagawa ng dahilan para ipagtanggol ang ating mga sarili!" Ang tugon ni Caren sa mga kasama.

Kitang-kita ni Caren na nakahanda sa pakikipaglaban sa kanila sina Demetria. Paano kung ituring silang mha kalaban? May panama ba sila sa kasama nilang Kapre at Malakat?

Continua llegint

You'll Also Like

103K 2.4K 34
[EDITING] Do you believe in magic? Do you believe in charms? Do you believe that these magical things can create a family you won't forget? If yes...
249K 6.8K 44
Sky High: School of Magic. Written by: akosimsvilla All Rights Reserved 2017
3.5K 71 53
Girlie Justine Samalca is a secret agent who disguised as an assistant detective. As a request from his twin brother, Ignacio Santiago, she enters th...
369K 24.8K 144
Katropa Series Book 13 - Matapos ang matinding trahedyang nangyari sa pamilya sa kamay ng mga tao sa simbahan, tuluyan nang tumalikod ang Nephilim na...