ODESSA'S REDEMPTION: Rise Of...

By angelodc035

43.7K 2.2K 550

FILIPINO READERS CHOICE AWARD 2022 OFFICIAL FINALIST(Consistent #1 in Heroes) (#8 in Mythology) (#18 in Magic... More

ANG NAKARAAN....
PROLOGUE
Chapter 1: FAILURE
Chapter 2: THE AWAKENING
Chapter 3: A WEREWOLVES NIGHT
Chapter 4: THE DUEL
Chapter 5: BLAKE
Chapter 6: A NEW DAWN
Chaptet 7: THE MAN ON A BLACK CLOAK
Chapter 8: THE ISLAND OF SEVEN KINGDOMS
Chapter 9: FIRE, ICE AND PROPHECY
Chapter 10: PILUNLUALAN (MYSTIC TUNNEL)
Chapter 11: CAREN'S FATE
Chapter 12: THE NEW ALPHA
Chapter 13: SAKAYA
Chapter 14: DIYOSANG TALA
Chapter 15: SAKAYA'S TEST
Chapter 16: ANILAOKAN
Chapter 17: STRIGOI
Chapter 18: QUEBALUAN TREE
Chapter 19: CHASING MEMORIES
Chapter 20: AWAKENING
Chapter 22: THE FATE
Chapter 23: BLOOD BY BLOOD
Chapter 24: A DECISION MADE
Chapter 25: ANILAOKAN'S LOVE
Chapter 26: BEHEMOT
Chapter 27: REDEMPTION, REVENGE AND REUNION
Chapter 28: DRAGON PHOENIX
Chapter 29: DESPERATION
Chapter 30: INTERROGATION
Chapter 31: BATHALA
Chapter 32: THE RETURN
Chapter 33: THE ELEMENTAL WORLD
Chapter 34: BLAKE, LAUREA, DIYOSANG TALA AND CLAUDIUS
Chapter 35: THE FALLEN GODDESS
Chapter 36: MANGGAGAWAY (SPELL CASTERS)
Chapter 37: CITY OF THE DEAD
Chapter 38: BLOODY GHOULS DAY
Chapter 39: BLOODY BATTLE
Chapter 40: BLOODY DEATHS
Chapter 41: DEATH BY BLOOD
Chapter 42: DEAD EVERYWHERE
Chapter 43: LOSS
Chapter 44: BATHALA'S DEATH
Chapter 45: QUINTA FOREST
Chapter 46: BALINTATAW
Chapter 47: CHAOS
Chapter 48: HUKLUBAN
Chapter 49: DARK POWER
Chapter 50: CAPTURE
Chapter 51: ERISE
Chapter 52: HOTEL MORTE
Chapter 53: DIYOSANG BULAN
Chapter 54: BABAGUA
Chapter 55: REVELATION
Chapter 56: INFESTATIONS
Chapter 57: THE ESCAPE
Chapter 58: LOVE AND BETRAYAL
Chapter 59: A SISTER'S DEMISE
Chapter 60: A NEW HOPE
Chapter 61: LAMUIAN FOREST
Chapter 62: PALACIO LUNAR TOWER
Chapter 63: MOTIVES
Chapter 64: FORCES OF NATURE
Chapter 65: APOCALYPSE
Chapter 66: DEATH IS THE BEGINNING
EPILOGUE
PASASALAMAT

Chapter 21: AWARENESS

513 32 9
By angelodc035

Patuloy pa rin sa panunumbalik ng mga alaala ni Odessa. Alaala na magpapakumpleto na sa kanyang pagkatao. Pinagmamasdan siya ni Quebaluan habang nakalutang pa rin ito sa hangin.

Nababasa lahat ni Quebaluan ang nangyayari sa alaala ni Odessa. Sinusukat din niya ang pagkatao nito sa pamamagitan ng kung paano niya ginamit ang kapangyarihan nito sa mahigit sa isang daang taong nabubuhay si Odessa. Kailangan niyang tulungan at gabayan si Odessa upang hindi mangyari ang sumpa. Ang sumpang puwedeng tumapos sa lahat ng nilikha at pagkawasak hindi lamang ang ikatlong mundo, maging sa mundo ng mga tao.

Tila normal na nananaginip lamang si Odessa habang nakalutang ito sa hangin. Kitang-kita niya kung paano kinuha ng dambuhalang Culeriot ang kanyang inang si Reyna Baguinua. Hindi maiwan-iwan ni Jaed ang kanyang reyna pero kailangan siyang iligtas ng kawal dahil na rin sa papel na gagampanin ni Odessa sa propesiya.

Halos wala ng lakas si Jaed ng marating niya ang dampa ni Mariang Makiling sa kagubatan ng Elitheria na kung saan pansamantalang nanunuluyan ang diwata tuwing sasapit ang ika-pitong pagbilog ng buwan.

Walang pagsidlan ang tuwa at pag-asa sa mukha ni Jaed habang pinipilit na makalapit sa kapatid na diwata ng kanyang Reyna Baguinaua. Noon ay bigla niyang naalala ang lahat ng mga pangyayari na naranasan nila habang itinatakas ang mag-ina. Sa mga sandaling iyon ay napahagulgol siya lalo na ng humarap sa kanya si Mariang Makiling na kaagad nakitaan ng pag-aalala sa kanyang napakaganda at makinis na mukha.

Dalawa sa mga kasamahan niya ang tinamaan ng pana habang papasakay sila sa maliit na lantsa sa ilog. Isinangga ni Yuri ang kanyang katawan para hindi si Reyna Baguinua ang tatamaan ng palaso na may dagta ng matinding lason. Habang si Tatum ay ginamit ang buo niyang lakas para maisubong ang lantsa papalayo sa pampang ng ilog. Di niya alintana ang apat na palasong bumaon sa kanyang likuran mailigtas lamang sila.

Kaagad na lumuhod si Jaed paglapit niya sa magandang diwata. Yumuko ito at iniabot ang sanggol na babae na si Odessa sa diwata.

"Mahal na diwata ng Makiling, ang inyo pong pamangkin, ang anak ni Reyna Baguinua, ang prinsesa sa kaharian ng Eudhoria." Ang wika ng humihingal pa rin na si Jaed.

Halos manginig ang dalawang kamay ni Mariang Makiling habang iniaabot niya ang dalawang kamay nito para kunin ang pamangkin. "...Baguinua, kapatid ko..." Ang tanging namutawi sa mga labi ni Mariang Makiling. Batid niya ang kinahinatnan ng kapatid dahil naramdaman niya iyon.

"Anong pangalan ang sa kanya'y ibinigay magiting na kawal? " Ang tanong ni Mariang Makiling kay Jaed habang nakatitig sa pamangkin at hinalikan ang noo nito.

"Hi...hindi pa po siya nabibigyan ng pangalan mahal na diwatang Makiling. Kapapanganak pa lamang po niya apat na araw pa lamang po ang nakakaraan..." ang mabilis na tugon ni Jaed. Magdadagdag pa sana ang mabuting kawal ng isang palaso ang tumama sa kanyang likuran at lumusot ang ulo ng palaso sa kanyang dibdib. Napako ang tingin ni Jaed sa diwata bago ito bumagsak sa lupa at mawalan na ng buhay.

Halos natulala sa pagkabigla si Mariang Makiling sa kinahinatnan ni Jaed.

"Hayun sila!!!" ang malakas na sigaw ng isa sa mga sundalong tagapana pagkakita sa kanila.

Kaagad namang ginamit ni Mariang Makiling ang kanyang kapangyarihan para pigilan ang mga sundalo ni Haring Khalil. Ginamit ni Mariang Makiling ang elemento ng hangin para pigilan nito ang mga sundalo ng hari ng Eudhoria.

Sa isang kumpas lamang ni Mariang Makiling ay tatlong malalakas na buhawi ang sabay-sabay na bumaba sa mapunong bahagi ng kagubatan at inililipad ng mga ito ang bawat madaanan.

Sinamantala naman iyon ni Mariang Makiling para gumawa ng Pilunlualan para tumakas at makabalik sa kanyang kagubatan sa bundok Makiling ng Laguna.

Umusal si Mariang Makiling sa isang matandang puno ng Narra para sa ginagawa niyang lagusan papunta sa unang dimensiyon ng mundo. Unti-unti ay lumagutok ang katawan ng puno at unti-unting nabibiyak ang pinakagitnang bahagi nito. Paglitaw ng lagusan ay patakbong pumasok ang diwata para itakas ang sanggol na si Odessa.

Dahil sa mapunong kagubatan ay mabilis na humina at unti-unting nalusaw ang mga buhawi na pumipigil sa mga sundalo ni haring Khalil. Kitang-kita nila ang pagpasok ni Diwatang Makiling sa ginawa nitong lagusan.

Isang palaso ang pinakawalan ng isa sa mga sundalo ng hari habang unti-unting nagsasara na ang Pilunlualan sa puno ng Narra. Mabilis na nagsara ang lagusan pero nakapasok pa rin ang palaso sa loob nito. Dumaplis ang palaso sa kanang braso ni Mariang Makiling at lumikha iyon ng sugat para maramdaman ng magandang diwata ang sakit.

Napatingin si Mariang Makiling sa kanyang sugat na unti-unti ng dumadaloy ang dugo. Takot ang namayani sa kanyang puso dahil alam niyang may lason ang palasong sumugat sa kanya. Mamamatay siya kapag hindi niya kaagad naialis ang lason na unti-unti ng pumapasok sa kanyang katawan.

Nakalabas siya sa dulo ng Pilunlualan mula sa katawan ng puno ng Banaba. Nagsimula ng umiiyak ang sanggol na si Odessa na marahil ay nakakaramdam na rin ng gutom ang sanggol dahil sa haba ng ginawang paglalakbay para lamang mailigtas ito.

Hindi man tumatakbo ay mabilis pa rin sa kanyang paglalakbay si Mariang Makiling kahit na sigurado siyang ligtas na siya sa kagubatang sakop niya. Nakakaramdam na siya ng pagkahilo, senyales na ng pag-epekto ng lason sa kanyang katawan. Alam niyang sa kanyang kondisyon ay hindi na niya maalagaan pa ang pamangkin.

Napahawak si Mariang Makiling sa isang malaking puno ng maramdaman ng diwata ang panginginig ng kanyang mga kalamnan. Nagsisimula na rin siyang mahirapan sa paghinga. Malakas ang lasong taglay ng palasong sumugat sa kanya. Dahil kung ordinaryong nilalang lamang siya ay di na nakayanan ng katawan niya ang lason.

Kailangan niya ng ibang tutulong sa kanyang pamangkin. Kailangan niyang makahanap ng taong puwedeng mag-alaga sa sanggol bago pa siya panawan ng ulirat.

Muli ay sinimulang ihakbang ng diwata ang kanyang mga paa. Hindi nito alintana ang sakit na nararamdaman. Bawat paggalaw ng kanyang mga kalamnan ay katumbas ng tila pagpunit sa bawat hibla ng kanyang mga laman. Tila nakadagan sa kanyang dibdib ang napakabigat na bagay sa kanyang paghinga.

Mabibigat ang bawat paghakbang ng kanyang mga paa. Tagaktak ng pawis ang kanyang buong katawan habang sinusuong ang masukal na kagubatan.

Pakiramdam ni Mariang Makiling na hindi na niya kakayanin pa ang lasong patuloy na kumakalat sa kanyang katawan. Makailang ulit na rin siyang muntikan ng bumagsak at awang-awa na rin siya sa kanyang pamangkin na kanina pa umiiyak.

Gusto niyang gamitin ang natitira pa niyang lakas para gamitin ang kanyang kapangyarihan, pero magiging dahilan ito ng kanyang kaagad na kamatayan.

Kailangan na niyang isakripisyo ang kanyang buhay para sa sanggol. Kailangan niyang gumawa muli ng lagusan para makarating siya kaagad sa pinsan niyang si Mariang Sinukuan sa kagubatan ng Alaya. Pero hindi niya alam kung sasapat pa ba ang kanyang lakas para gamitin ang kapangyarihan sa paggawa ng Pilunlualan.

Inipon ni Mariang Makiling ang kanyang natitirang lakas at sinimulang umusal ng orasyon. Alam niyang pagkatapos na gawin ito ay buhay niya ang magiging kapalit. Nagsimula ng mabuo ang pilunlualan sa kanyang harapan. Hindi pa man siya nakakalahati sa kanyang ginagawa nang marinig niya ang boses ng dalawang taong nag-uusap malapit sa kanilang kinaroroonan.

"...may naririnig akong parang umiiyak na sanggol, Mario..." Ang sabi ng boses ng babae.

"...sanggol? Anong gagawin ng sanggol dito sa kagubatan?" Ang tugon ng lalake sa kasama nitong babae.

"...hindi, pakinggan mo. Mayroon talagang umiiyak na sanggol." Ang pangungumbinsi ng babae sa kasamang lalake.

"...oo nga, iyak nga ng sanggol. Pero hindi kaya isang hayop lang 'yan." Ang sagot muli ng lalake.

"...hindi eh. Totoong sanggol ang naririnig ko."

"...hindi naman kaya maligno 'yan Elissa? Imposibleng magkaroon ng sanggol dito sa kagubatang wala namang nakatirang tao."

"Naku! Bilisan na natin Mario, natatakot na ako rito, dalian mo!" Ang pagmamadali ng babae.

Pinilit na tumayo ni Mariang Makiling at karga-karga pa rin ang kanyang pamangkin. Tinungo niya ang isang puno na kung saan niya inaasahang daraan ang babae at lalake na mukhang mag-asawa sa kanyang tingin. Sa paanan ng puno ay inilatag niya ang puting telang nakabalot sa sanggol.

Sa kanyang mga kamay ay muli niyang pinagmasdan ang sanggol na walang kamalay-malay sa mga nangyayari sa kanyang paligid. Marahan ay hinalikan niya ang noo ng pamangkin na may luha sa kanyang mga mata.

"...patawad kung hanggang dito lang ang maitutulong ko, mahal kong pamangkin..." Ang mahinang wika ni Mariang Makiling sa sanggol na babae.

"...bilisan na natin kasi, kanina pa ako kinikilabutan sa iyak ng sanggol na 'yan. Hindi kaya yan ang sinasabi nilang tiyanak?" Ang sabi ng lalake sa kanyang asawa.

Napalingon si Mariang Makiling ng marinig niyang malapit na sa kinaroroonan nila ng sanggol ang mag-asawa.

Marahan ay inihiga niya ang kanyang pamangkin sa inilatag niyang tela sa paanan ng puno at mabilis na nagkubli ang diwata sa mga mayayabong na damuhan sa paligid. Halos manhid na ang kanyang katawan sa epekto ng lason sa kanya.

"Bilisan na lang natin kaysa naman ano-ano pa ang iniisip mo! Kailangan nating makarating sa baryo natin bago pa tayo masita ng Guardia Civil." Ang tugon naman ng babae sa asawa.

May edad na rin ang mag-asawang Mario at Elissa. Galing sila sa pangunguha ng mga dapo at pulot-pukyutan sa mga puno sa kagubatan para maibenta nila sa bayan. May bitbit na dalawang maliit na buslo si Mario na may lamang pulot-pukyutan, samantalang si Elissa ay isang malaking buslo ng mga dapo na may iba't-ibang kulay ng bulaklak ang bitbit nito.

Natigilan si Mario ng mapansin ang sanggol na nakahiga sa paanan ng malaking puno.

"Elissa, yung... yung sanggol! " Ang wika ni Mario sabay turo sa kinaroroonan nito.

Napatitig naman si Elissa sa tinuro ng kanyang asawa at nanlaki ang mga mata pagkakita sa bagong silang na sanggol. Kaagad na binitawan ni Elissa ang dala-dala nitong basket at patakbo niyang nilapitan ang sanggol.

"Elissa! Anong ginagawa mo?! " Ang napalakas na sigaw ni Mario sa asawa ng makitang tila sabik na sabik itong nilapitan ang sanggol sa ilalim ng puno.

Hindi pinansin ni Elissa ang sigaw ng asawa, bagkus ay kaagad na binuhat ang umiiyak na sanggol.

"Mario! Sanggol nga! Napakagandang sanggol na babae! " Ang tuwang-tuwang wika ni Elissa sa asawa habang sabik na sabik na hinahalikan ang sanggol na si Odessa.

"Susmaryosep Elissa, bitawan mo yan baka... baka maligno ang sanggol na yan!" Ang nag-aalalang si Mario sa asawa.

"Ano ka ba naman Mario? E tao ito oh, napakagandang bata! Sa tingin ko siya na yung sagot sa ating mga dasal gabi-gabi. Kaloob siya ng Diyos sa atin para maging anak natin! " Ang sabi ni Elissa na kakakitaan sa kanya ang di mapantayang kaligayahan habang hawak-hawak nito ang sanggol.

Linapitan siya ni Mario at marahang pinagmasdan ang sanggol sa mga bisig ng asawa na tila kinakabahan.
"Baka hindi tao yan Elissa, baka... baka isang tiyanak yan! "

Napatingin si Elissa sa kanyang asawa at saka humalakhak ng napakalakas. "Sa ganda ng sanggol na 'to saka mo sasabihing tiyanak? Hay naku asawa ko, ang tagal ko ng gustong magkaanak ngayon nandito na siya, mamahalin ko siya higit pa sa tunay na anak. "

Napakamot na lamang sa kanyang ulo si Mario. "Sino kayang walang kunsensyang magulang ang kayang mag-iwan ng kanilang bagong silang na sanggol sa gubat? Hay mahabaging Diyos sana mapatawad po ninyo ang mga magulang ng sanggol na 'to. "

"Ang batang ito ang magiging anak natin Mario. Ano ang ipapangalan natin sa kanya?" Ang sabik na sabik na tanong ni Elissa sa asawa.

"Hi...hindi ko alam. Ikaw kung anong gusto mong ipangalan sa kanya." Ang tugon ni Mario habang titig na titig pa rin sa sanggol.

Buong pagmamahal na niyakap ni Elissa ang sanggol at nag-isip ng ipapangalan sa kanya. "Gusto ko sana pareho niyang dadalhin ang pangalan natin para hindi niya tayo makakalimutan kapag lumaki na siya at wala na tayo."

"Hay Elissa, Elissa, aking asawa. Ano na naman yang pinagsasabi mo? Ang mabuti pa ay lumakad na tayo at malapit ng dumilim. Alam mo naman kung gaano kasungit ang mga Guardia Civil na nakatalaga ngayon sa atin." Ang wika ni Mario na may pag-aalala man sa kanyang puso ay pinawi iyon ng kasiyahang nakikita niya sa kanyang asawa. Ngayon lang niya nakitang ganon kasaya si Elissa pagkatapos ng mahabang panahong pagsasama nila bilang mag-asawa. Hindi sila nagkaroon ng anak, kaya gaano na lamang ang pagkasabik nitong magkaroon kahit isa man lang maituturing nilang anak.

Sinimulan na nila ang kanilang paglalakad lalo na't nangangamba si Elissa sa kalagayan ng sanggol. Lumalamig na ang panahon at tila gutom na rin ito. Mabibilis ang kanilang mga hakbang para makarating kaagad sa kanilang baryo.

Mula sa kasukalan ay parang nabunutan ng tinik si Mariang Makiling na sa wakas ay mayroon ng mag-aalaga sa kanyang pamangkin. Mahinang-mahina na siya at hindi na siya nakakasiguro na aabutin pa niya ang kagubatan ng Alaya sa pinsan niyang si Mariang Sinukuan.

Dahil sa pagkasabik na magkaroon ng anak ng mag-asawang Elissa at Mario, isang batang babae ang naging malapit sa kanila na itinuring na nilang tunay na anak noon. Anak ito ng kanilang kapitbahay na madalas ay naiiwan sa bahay dahil kailangang magtrabaho ng ama. Odessa ang pangalan ng bata. Namatay ang ina nito sa panganganak sa kanya kaya labis ang naging hinagpis ng ama ng bata.

Hindi minahal ng kanyang ama si Odessa. Madalas ay hindi nito binibigay ang pangangailangan ng bata kaya halos sila ng mag-asawa ang nagpalaki at nag-alaga sa batang hindi nila kaano-ano. Sila ang itinuring na magulang ni Odessa at labis na minahal ng mag-asawa tulad ng tunay na anak. Sila ang tumayong mga magulang ni Odessa sa loob ng mahigit limang taon at naging tagapagtanggol nito sa kanyang iresponsableng ama.

Madalas ay sinasaktan ng ama ang bata lalo na kapag umuuwi ito ng lasing. Madalas din na napag-iinitan silang mag-asawa dahil sa pangingialam nila diumano sa anak niya. Binalaan sila nito na lalong sasaktan si Odessa kapag patuloy sila sa pangingialam sa kaniyang anak.

Isang araw ay hindi na nila nakitang lumabas pa ng bahay si Odessa. Labis ang pag-alala ng mag-asawa sa di paglabas ng bahay ng kanilang anak-anakan kaya minabuti nilang puntahan ito sa bahay nila. Laking panlulumo nila ng makitang wala ng buhay ang bata. Labis na nasaktan ang mag-asawa lalo na si Elissa sa pagkamatay ng bata. Pinatay siya ng kanyang sariling ama na kaagad ring tumakas. Hindi na rin nakita ang ama ng bata at wala na rin silang nabalitaan  pa sa kanya.

Hinding-hindi nila makakalimutan ang bangungot na 'yon. Bangungot lalo na sa napaka-iksing buhay ni Odessa na nagparamdam sa kanila na maging tunay na magulang sa kanya.

"Marissa! Tama, Marissa ang ipapangalan ko sa kanya. Mario at Elissa. Kapag pinagsama natin Marissa. Ano sa tingin mo mahal kong asawa?" Ang nakangiting tanong ni Elissa.

Ngumiti lamang si Mario pero may halong lungkot ang mga ngiting iyon na kaagad namang napansin ni Elissa. Mabilis na nawala ang tuwa sa mukha ni Elissa.

"Hi...hindi mo ba nagustuhan ang pangalan ng magiging anak natin?" Ang nagtatakang tanong ni Elissa.

"Pasensiya na, hindi sa hindi ko nagustuhan ang pangalang Marissa, napakagandang pangalan para sa sanggol na tulad niya na parang prinsesa." Ang paliwanag ni Mario. "...naalala ko kasi si Odessa."

Natigilan si Elissa pagkarinig sa pangalan ng batang babae na itinuring nilang anak. Hinding-hindi niya makakalimutan ang pangalang iyon na kanya na ring minahal at inaruga. Ngayon ay hindi na niya muling hahayaang maulit pa ang bangungot ng pangyayaring iyon sa sanggol na hawak-hawak niya sa kanyang mga kamay. Naramdaman niya ang kanyang asawa na yumakap sa kanya dahil alam nito na naroroon pa rin ang kirot ng pagkawala ni Odessa. Pero bilang alaala sa batang inaruga ay ipapangalan niya sa sanggol na natagpuan nila ang pangalang Odessa. Tumingin si Elissa sa mga mata ng asawa:

"Asawa ko, siguro bilang pasasalamat at pag-alala kay Odessa, gusto kong ipangalan ang sanggol kay Odessa." Ang saad niya kay Mario.

Biglang nagliwanag ang mukha ng lalake pagkarinig sa sinabi ng asawa sa kanya. "Bakit ba hindi? Tutal pareho nating minahal ang bata at pareho din nating mamahalin ang napakagandang sanggol na 'to." Ang pagsang-ayon ng lalake. "Pero, mas maganda siguro kung dagdagan natin ang pangalan niya ng Maria, para maging Maria Odessa dela Rosa. Ano sa tingin mo?" Ang tanong ni Mario sa Asawa.

"Gusto ko siya! Maganda ang pangalan, kaya Maria Odessa na ang ipapangalan natin sa kanya at ang ipapalayaw ko sa kanya ay Marissa." Ang tuwang-tuwang tugon ni Elissa.

Ilang saglit lang ay nakarating na sila sa bungad ng kanilang baryo. Laking pasasalamat nila dahil wala ang mga romorondang mga Guardia Civil sa daan na maaaring magtatanong tungkol sa dala nilang sanggol.

Lumaki si Odessa sa piling ng mag-asawang Mario at Elissa. Habang nagkakaisip ay kakikitaan na ito ng kakaibang kagandahan at ang unti-unting paglitaw ng kapangyarihan nito. Unang napansin ito ng kanyang ama nang habang nananaginip ang batang si Odessa ay bigla na lamang nagliyab ang poste ng bahay na yari sa katawan ng kahoy. Minsan naman ay habang naglalaba sa ilog si Elissa ay bigla na lamang kumulo ang tubig dahilan para mamatay at maglutangan ang mga isda. Pagkakita ni Elissa sa tubigan ay naroroon ang takot na takot na si Odessa.

Makailang ulit na rin silang pinalayas ng mga taong-bayan at magpalipat-lipat ng lugar na matitirhan dahil na rin sa diumano ay pamilya sila ng mangkukulam at anak ng demonyo si Odessa. Hindi maintindihan ng mag-asawa kung ano ang nangyayaring kababalaghan sa kanilang anak pero hindi kailan man nagbago ang pagmamahal nila kay Odessa.

Nang lumipat sila sa probinsiya ng Rizal ay napamahal si Odessa sa Kapitbahay nilang matanda na sina Lolo Victor at ang asawa nitong si Lola Naty na hindi rin pinalad na magkaroon ng anak. Isang Kutsero si Lolo Victor sa kanilang bayan at nagtatanim naman sa kanilang bakuran si Lola Naty. Awang-awa si Odessa sa dalawang matanda dahil na rin sa hirap ng buhay ng mga ito. Madalas ay sinasamahan ni Odessa si Lola Naty sa pagtatanim ng mga gulay sa kanyang bakuran at kung minsan naman ay nakikipaglaro siya sa mga alagang aso't pusa ng matanda.

Nang gabing iyon, nangyari ang hindi niya inaasahan. Pagkahatid niya sa sabaw na tinola kay Lola Naty ay nakaramdam ng kakaiba si Odessa. Pakiramdam niya ay may mangyayaring hindi maganda ng gabing iyon. Dinig na dinig niya ang mga tahol at pag-alulong ni Andoy, ang alagang aso nina Lola Naty. Wala noon si Lolo Victor at nag-iisa lamang sa bahay ang kanyang asawa. May susunduin daw na dayuhang lalake si Lolo Victor sa Maynila kaya maaga pa lang ay lumuwas na ang matanda. Ang dayuhang lalake ay nagmula pa sa bansang Inglatera para maging kabiyak ng anak ng mayamang hacienderong nagmamay-ari sa lupa nina Lolo Victor.

Mahimbing na sa pagtulog ang mga magulang ni Odessa ng mga oras na iyon ng marinig ng dalaga ang mga sigaw ni Lola Naty na may sakit ng mga sandaling iyon. Puno ng pag-aalala ang matanda habang sinasambit nito ang pangalan ng kanyang asawa. Tumayo mula sa pagkakahiga si Odessa para tingnan ang kalagayan ni Lola Naty.

Paglabas niya ng bahay ay kitang-kita niya na nagmamadaling tinungo ng matanda ang kahabaan ng daan tinatawag pa rin ang pangalan ng asawa. Sinundan ni Odessa si Lola Naty at iyon na ang simula ng lahat ng pagbabago sa buhay niya.

Continue Reading

You'll Also Like

726K 5.2K 33
She's Yuna Coldeft a La Orlian not so important in this society, she's a nobody, but her destiny suddenly change, and she find herself inside that ac...
242K 6.1K 35
Zanelli Terrington has a few more months to live. Just like her past lives, nothing changes as she is still the 2nd princess of the Kingdom of Hawysi...
16.2K 698 38
Highest rank: #997 IN FANFICTION _________________________________________ This story is pure taglish. _________________________________________ One...
103K 2.4K 34
[EDITING] Do you believe in magic? Do you believe in charms? Do you believe that these magical things can create a family you won't forget? If yes...