Not Your Ordinary Jullian (Ru...

By painmetwelve

475K 2.4K 111

(WARNING: Mature Contents. Some contents may not be suitable for minors. Read at your own risk. TY) Julli... More

Not Your Ordinary Jullian
Introduction
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Writer's Note

Chapter 1

22.8K 287 10
By painmetwelve

Chapter 1 



"Sabihin mo sa kaibigan ko na pupunta ako diyan mamaya, Jull." Sabi ni Red na kaibigan ni Mike sa kabilang linya.

"I will, Red. Bye," matipid kong sagot kay Red at napangiwi na lang ako. Tell his friend. The hell with his friend!

Kararating ko lang sa opisina nang tumawag si Red sa akin. Natagalan ako sa pag-gising kanina dahil may inayos pa akong report kagabi. At eto ako ngayon, medyo late.

I walked towards his office. Napalunok ako at dahan-dahang huminga.

Napabitin sa ere ang kamay kong kakatok sana sa pintuan nang makarinig ako ng ungol sa loob ng opisina niya. Napalunok ako at dahan-dahang huminga. Pangatlong beses na ito a. Napailing na lang ako. Why am I even counting?

Ang aga naman ata niyang magtrabaho ng iba. I smiled fakery.

Hindi ko dapat isipin ang bagay na iyan. Nandito ako para magtrabaho at gagawin ko ang trabahong ito.

Ipinagpatuloy ko ang pagkatok saka ko binuksan. Hindi ko na hinintay na sabihin pa niyang 'pasok'. Para saan pa? Eh, mukhang hindi naman nila ako maririnig kasi busy sila.

"Ano ba? Bakit basta-basta ka na lang pumapasok? Don't you know how to knock?"

And here's what I am talking about. Hindi nga niya narinig ang pagkatok ko. Just like what I imagined. Oh great my ass! Gusto kong tumalikod pero it's too late dahil nakita ko na. Napabuntong-hininga na lang ako at napalunok nang makita ko ang babae na nakaupo sa hita niya.

Pareho silang nakatingin sa akin na para akong pinapatay sa titig. Napataas ang kilay ko nang makita ang mukha ng babae. Wala itong bahid ng pagkasira o ano. Sobrang linis na para ng wala silang ginawa kundi magdasal lang at maglandian. Akala ko pa naman makakakita ako ng mukhang may nagkakalat na lipstick at buhok na ginulo ng hangin. Ano kaya'ng ginawa nila? Nag-usap lang? Nakakapagtataka naman.

Oh well, too much for my observation. I can sense fire already glowing in our stares.

"Sorry, Sir, but I am here to inform you that Red will be here later." I said while giving him a lousy smile. Dinaanan ko lang ng tingin ang babae na hindi ako sigurado kung pinasabog ba sa kamatis ang pisnge niya o madami lang talaga siyang lipstick at wala na siyang ibang mapaglagyan kundi sa pinsge na lang niya sa sobrang pula.  

"So?" sagot ni Mike na mas ikinataas ng kilay ko. Sobrang papipigil ang ginawa ko kahit na gustung-gusto ko nang ibato ang dala kong folder sa kanila. Palihim ko na lang na ikinuyom ang aking mga palad sa pagpipigil.

"As I said, I'm just here to inform you." Dahil na din sa masamang titig niyang ipinakita sa akin, napairap na lang ako at saka ko sinarado ulit ang pinto. Mabuti na lang at napigilan ko ang sarili ko at naisara ko iyon ng maayos.

"Bitch!" narinig ko pang sigaw ng babae sa loob.

Gusto ko sanang bumalik at pagsabihan ang babae na hindi ako bitch kasi hindi naman ako babaeng aso katulad niya. Pero bumalik sa isipan ko ang pagiging professional ko and I will never go down to her level.

 Funny how people call names to other people when infact the names they named were best describe if they throw it to their selves. 

We have different lives and I am just going to mind my life today. Whatever may occur later, well, I can negotiate with that which I am really good at.

Ikinalma ko na lang ang sarili ko at saka pumunta sa aking pwesto. Laging ganito ang eksena namin simula nung araw na ipinagtrabaho niya ako dito at naging mailap na kami sa isa't isa nang sabihin niya sa aking huwag ko na siyang pakialaman. And I learned the hardest way bago ko natutunan iyon.

Kung noon, hindi na kami napaghihiwalay sa isa't-isa, ngayon para na kaming nasusunog kapag ipinagtabi. "Hey!" napaangat ang tingin ko nang makita ko ang kapatid niyang babae sa harapan ko.

"Oy, hi Jane!" bati ko at saka siya ngitian ng pilit.

"Again?" makulimlim ang mata niya at puno ng pag-aalala. I know what she means. Hindi siya manhid. Hindi din siya bingi. Alam kong alam niya ang nangyari sa amin ng kuya niya dahil palagi niyang nakikita ang hindi namin pagpapansinan ni Mike at ang pagdala ni Mike ng babae dito.

Jane is Mikes sister. And just like us, hindi na din sila close. Sa katunayan nga, parang hindi nga sila magkakilala kung umasta dito sa kompanya at laging deadma sa isa't isa.  Hindi naman sila ganito noon, pero katulad namin, bigla na lang din silang nag deadmahan. Gusto kong magtanong kay Jane kung anong nangyari sa kanila pero laging bumabalik sa aking bibig ang tanong. I feel like its not a good question to ask. Tumango na lang ako bilang sagot sa one word question niya. 

"Ano ba ang nangyari sa inyo Ate? Mag-asawa kayo!" galit niyang sabi pero mahina ang boses. Hindi ko na mabilang kung ilang beses na niyang itinanong sa akin iyan.

"It's been like 6 months, Jane. Nasanay na ako. At isa pa, ilang beses ko nang narinig ang tanong na iyan a." sabi ko sabay tawa ng mahina at nginitian siya.

"I don't know how you remain so calm when everything is so complicated. Hahayaan mo na lang ba siyang ganyanin ka? Hahayaan mo na lang ba na masira ang kasal niyo? At nakakaya niyo pang hindi magpansinan? Anong puso meron kayo! Kung kaya ko lang magsumbong kina Mama at Papa e." naiinis niyang sabi. Dumapo ang kamay niya sa kanyang ulo na para itong sumakit sa kanyang sinabi. I already heard her say that many times. Pero ang sinabi niyang isumbong kami, ay parang ngayon lang at naalarma ako agad.

"Iyan ang wag mong gawin, Jane." Depensa ko. Hindi dapat namin dinadamay ang aming mga magulang sa kinaroroonan naming dalawa ngayon. Kaya inilalayo ko na lang ang isyu na iyan tuwing nangangamusta sina Mama.

Bumuntong-hininga na lang ako at kumuha ng babasahin sa gilid ng aking mesa.

Mahal na mahal ko ang aking mga magulang at nirerespeto ko din ang mga magulang niya. Masyadong magulo na ang buhay nila Mommy at Daddy sa New York dahil sa kanilang trabaho at ayaw ko nang dagdagan pa iyon dahil lamang may masamang kasal ang kanilang nag-iisang anak at gago ang napangawa niya. Ganoon din ang naiisip ko tuwing naaalala ko ang mga magulang niya. Masyadong payapa ang kanilang pagsasama at wala akong plano na gibain ang katahimikan nila dahil lamang nasira na kami ni Mike. Kaya mas mabuting sariliin ko na lang ang problemang kinahihinat-an ko.

I focused on the bright side. May mga bagay lang talaga sa mundong ito na dapat hindi mo nalang pinapansin. Kasi kung papansinin mo, lalong lalala.

"Buhay niyo iyan Ate Jullian. May pakialam ka." Pabulong niyang sabi at saka umalis sa harapan ko.

Noon, Oo. Pero ngayon, ayaw na niya. Ayaw niyang makialam ako. He has reasons, maybe.

Agad akong napayuko nang bumukas ang pintuan ng kanyang opisina.

"Thanks for the breakfast, Mike. Ang sarap," sabi ng babae dahilan sa muntik ko nag pag-ubo. Breakfast? We've got a new definition of breakfast here people! Gaah! Ang linta!

Kahit hindi ko maintindihan ang mga letra sa magazine kong hawak ay pinagtutuunan ko na lang ito ng pansin kahit na ang pandinig ko ay nasa kanila at ang utak ko ay lumilipad sa kung saan para maghanap ng isang libong sako ng pagpipigil. My specialties? Multi-tasking. It requires a lot of experience you know.

Unti-unting nandilim ang binabasa ko hudyat na may tao sa harapan ko kaya napaangat ang tingin ko dito. Nakita kong wala na ang babae.

"Yes sir? What can I do for you?" I ask innocently.

"Bakit pupunta dito si Red?" Masungit niyang sabi sa akin at tinapunan pa niya ako ng tingin na may bahid na galit. Na parang kasalanan ko pa kung bakit naisturbo ko ang breakfast session nila at kung bakit pupunta si Red dito.

"Ang sabi niya sa akin Sir, may pag-uusapan daw kayo tungkol sa isang bagay na hindi ko alam kung ano." I answered him with pure honesty. It was what Red said earlier nang tumawag siya.

"Iyon lang?" aniya at napatango ako.

Narinig ko muna siyang bumuntong hininga bago umalis sa harapan ko at pabagsak na isinara ang pinto ng kanyang opisina. Dahil na din nasa gilid lang ako ng opisina niya, sobrang lakas ang impact nun sa akin. Napahawak na lang ako sa aking dibdib.

"Bring me coffee now!" sigaw niya. Napahugot na lang ako ng malalim na hininga at ikinalma ang sarili.

Dahan-dahan akong tumayo at pumunta ako sa mini kitchen counter  sa unahan ko at kumuha ng coffee mug at nagsalin ng mainit na tubig at nilagyan ng isang kutsarang kape.

Kung pwede lang lagyan ko ito ng spalto at damo, matagal ko nang ginawa. 'Yong tipong sa bawat pag-inom niya dito ay unti-unti siyang nawawalan ng hininga. Pero alam kong hindi ko kayang gawin.

Pumasok ako sa opisina niya at saka maingat na inilipag ang kape sa kanyang magulong mesa.

"Ayusin mo nga ang mga nagkakalat na papel dito." Aniya habang ininom ang kapeng bigay ko. Sinunod ko naman ang utos niya at inayos ko ng tahimik ang magulong mesa niya.

Nang makita kong maayos na, tinalikoran ko siya at naglakad paalis. Pero sadyang mapagbiro ang tadhana at bwesit siya. "Hindi pa ako tapos. Linisin mo nga ang parteng ito! May alikabok akong nakikita." aniya. Napaigting panga na lang ako. Bumuntong-hininga ako ulit at kumalma.

Isa na lang, sobra na siya. Ang sarap niyang sapakin ng lamesang gawa ng narra tree at hindi ako titigil hangga't hindi ako makakakita ng dugo na umaagos sa kanyang ilong.

"Sir, may janitor naman tayo di ba? Baka nakalimutan niyo po." I reminded him. Nakakuyom na ang mga palad ko sa aking likoran.

"Hindi ako bobo para di malaman iyon." Uminom siya ulit ng kape at binalingan ako ng tingin.

"Well, that's good. I thought you forgot." I said as I smiled bitterly.

"I want you to clean it. Hindi 'yong janitor, hindi ang ibang tao."

Napahugot na lang ulit ako ng isa pang malalim na hininga at tumango.

Is this what I get for marrying him? Sana pala sa buhay ng tao may kakayahan tayong makita ang future. Para naman malaman natin na ang taong kinakasama natin ngayon ay mananatiling klase ng tao na makakasama natin sa hinaharap.

Noong, akala ko siya na talaga dahil napuno kami sa pagmamahalan at pangako. At ngayon, natutunan ko na hindi pala iyon assurance para maging masaya at manatili kayo sa huli. Hindi pala! Napabilang na lang ako sa mga taong umaasa sa 'my first love will be my last love'. Siya ang first love ko but it was wrong for me to believe about fairytales and wished for happily ever after. Dahil isang umaga sa nakaraan, nagising na lang akong hindi ko na siya kilala.

Noong una, nasaktan ako, pero ganoon talaga ang nangyayari kapag paulit-ulit na ang pangyayari, nasasanay ka na sa puntong wala ka nang nararamdamang sakit. Iyon ang nangyari sa akin. At ngayon, kulang na lang i-sampal niya sa akin na wala na siyang pag-asa sa mundong ito.

Minsan kasi hindi puro puso at pagmamahal ang laging isipin, dapat sarili mo muna.

Sa buhay kasi ngayon, kailangan mong tatagan ang sarili mo na kahit ano man ang problema na dadating sa buhay mo, hindi ka basta natitibag. Wala ng passing grade or numbers to evaluate your standing. Life now, is either you survive or die.

Sobrang dami ng nagbago. Pati na ako 'dun. I'm not the traditional kind of a wife who begs and chases. I changed the way I perceive things in my life. Dahil na din sa aking naranasan, natuto akong manahimik. At first it was hard, but then again, I get used to it. And now, it was more likely wearing your favorite shirt everyday. The feeling of deadma has never been this addicting.

Binuksan ko ang drawer ko at nakita ko ang medyo makapal na papel dito. Kinuha ko ito at binasa ang front page.

Contract signing, HGC, done.

Proposal, Villacier Corp, ask John.

Meeting, Livd Corp, ask Meil.

Proposal, Congressman, ask Jake.

-Red.

Isinantabi ko ang papel pagkatapos kong basahin. Hindi pala akin ito. Para kay Mike pala ito. Siguro, si Jane ang naglagay nito dito dahil siya lang naman ang naghahatid ng mga reports, mails and proposal sa akin.

Antonnish Corporation is a brother corporation of the biggest Shipping Company in the Philippines owned by Red Del Grande. Ang best friend ni Mike na sobrang mailap sa mga tao. Si John naman ang kaibigan ni Red na naging kaibigan din ni Mike. Close na sila simula college pa lang at sobrang nakakamanghang isipin na sabay-sabay nilang iniangat ang kanilang mga sarili sa hirap. Tapos nung isang taon lang, nakipagmerge na din sa kompanya nila Red sa pinsan ni Mike na sina Jake at Meil. They remained good friends and business partners.

Kinuha ko schedule notebook ko at nakitang may meeting pala si Mike mamayang hapon. Mamaya ko na lang siya sasabihan at medyo kumukulo pa ang dugo ko sa kanya. Kinuha ko na lang ang mga proposal galing sa ibang kompanya at inisa-isa silang basahin.

"Excuse me," napaangat ang tingin ko sa pinanggalingan ng boses. Agad kong nakita ang lalaking kahit kailan ay hindi ko nakitang namroblema kahit sa nagkabundok-bundok niyang responsibilidad sa kompanya.

"Ang ganda mo talaga kahit kailan Jullian. Sa akin ka na lang sana nagpakasal." Hindi ko maiwasang mapangiti sa sinabi ni John. Mike's friend and business partner.

"Alam mo, dapat lakasan mo pa ang boses mo John at nang marinig ng gago mong kaibigan iyang sinabi mo." Natatawang sabi ko sa kanya.

"And you know what, you're the only woman I know na nanatili pa din sa tabi ng asawa niya kahit na ginagago na siya." Mas lalo akong napatawa. Oh god.

"So, what should you call me now?"

"I think I'd love to give you a crown with a description of... of... well, I don't know! Hindi ko alam kung anong title ang ibibigay sa iyo. Its your playground and I'm not even invited to play kaya hindi ko alam kung award ang ibibigay sa iyo." Hindi ko maiwala ang ngiti sa aking mukha sa sinabi ni John.

"Really? You should give me a gun instead of a crown John. Para patay agad ang kalaban."

"At ang kaibigan ko ang papatayin mo?" tanong niya na nakakunot ang noo.

Naalala ko ulit ang mukha ng babae kanina na akala mo sinabunan ng kamatis ang mukha.

"Syempre hindi. Kundi ang mga linta na pinapunta niya dito." I playfully said.

"I can sense jealousy here, Jullian."

"Me? Jealous? You must be sensing some supernaturals here, John. Ano ang tingin mo sa bato, may nararamdaman?" napatawa ulit ako.

"Talaga? You're not really jealous? So okay lang sa iyo na magdala pa si Mike ng mga babae dito?"

"Kahit buong babae pa sa syudad ang dalhin niya dito, wala akong pakialam." Pinal kong sabi.

"Hihintayin kong kainin mo iyang sinabi mo ngayon, Jullian. Hihintayin ko. At ipupusta ko ang lahat ng pera ko at ari-arian sa iyo." Napairap na lang ako kay John at pinanuod siyang pumasok sa opisina ni Mike.

Napailing na lang ako. Para lang siyang maghihintay ng snow sa pilipinas, malabong mangyari.

Napatingin ako sa pinto sa lakas ng tawa ni John sa loob. Anong nangyari doon? Gusto ko sanang tumayo pero nang madaanan ng mata ko ang mga papel sa aking mesa, ay nagkibit balikat na lang ako. Madami pa pala akong dapat asikasuhin ngayon.

Continue Reading

You'll Also Like

48M 1.3M 62
Rosenda crosses path with a hot stranger who's suffering from some sort of mental illness yet seems to understand her pain and longing. She decides t...
1.9M 74K 61
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.
57.5K 3K 25
Love at first sight, that's what Dominique Lorre Fuentes felt for her Best friend's Older sister, Celeste Rein Alegre. The first time she laid her e...