IS IT TOO LATE FOR US?

By JennMuning

28 0 0

Sabi nila, "It's better late than never." Pero paano kung huli na para maitama ang pagkakamali? Paano kung hu... More

Simula

28 0 0
By JennMuning

"Pumasok ka na. Kanina ka pa hinihintay ni Leila." Ani France kay Ethan nang hindi agad nito buksan ang pinto ng classroom kung saan naghihintay ang babaeng gusto nito.

"Kinakabahan talaga ako e."

"Hay naku naman. Ngayon ka pa talaga tinablan ng hiya? FYI, hindi bagay sayo." Aniya, sabay sipa kay Ethan papasok sa classroom para hindi na ito umatras pa. Nagulantang naman si Leila sa ingay na nilikha ng engrandeng pagpasok ng bestfriend nya. Binalingan niya ito at nginitian bago isinara ang pinto. Tss. Ang dami pang arte, parang bakla.

Aalis na sana sya pagkasara ng pinto pero may kung anong nagtutulak sa kanyang manatili roon at makinig sa usapan ng dalawa. At dahil curious rin naman sya kung may gusto rin ba si Leila sa bestfriend nya ay nanatili na lamang sya roon at tahimik na nakinig sa mga ito. Okay na rin 'to. Babantayan ko itong pinto para walang ibang pumasok sa loob.

"Pasensya ka na kung natagalan ako." Dinig nyang hinging paumanhin ni Ethan kay Leila.

"Okay lang. Halos kadarating ko lang naman e." tugon ng babae. Tss. Alam kong maganda sya. Pero bakit sobrang arte ata ng boses nya ngayon? Kairita."Bakit mo nga pala ako gustong makausap?" Tanong nito pagkatapos.

"Ah.. oo nga pala. Ano.." Tila hindi malaman ni Ethan kung paano sasabihin ang pakay nya sa babae. Bakit ba sya nauutal? Para syang abnormal. Tsk. "Ano kasi..."

"Wag ka nang mahiya sakin. Ako lang naman to." Feeling masyado. Tsk. Atat ka lang marinig na may gusto sayo si Ethan e. Hay naku. Naiinis na si France sa naririnig nya. Kung anu-ano na tuloy ang pinagsasabi nya sa isip nya.

"Alam mo kasi. Matagal na akong may gusto sayo. Hindi ko lang alam kung paano sasabihin. Pero maglalakas na ako ng loob ngayon." Dire-diretsong tugon ni Ethan. "Leila, can I court you?" Parang may kung anong tumusok sa puso nya pagkarinig sa huling sinambit nito.

"H-Huh? Teka lang sandali, Ethan. Bago ko sagutin ang tanong mo, may gusto lang akong linawin. Di ba girlfriend mo si Francesca?" Aba't saan naman napulot ng babaeng to ang balitang yan? How I wish that's true. Dahil kung boyfriend ko ang ungas na yan, hindi mo sana sya kinakausap ngayon. Bopols lang, girl?

"Si France? Naku, parang kapatid na ang turingan namin nun. Madalas lang ma-misinterpret ng mga tao yung closeness namin." Tss. Kahit kailan hindi kita itinuring na kapatid. Kontra nya sa isip nya.

"Pero sigurado ka bang ganun lang yun? Cute sya at talented pa. Imposibleng hindi ka man lang nagkagusto sa kanya?" Cute? E mas maganda pa 'ko sayo 'no. Nang-aasar ata ang babaeng to e. Naiinis na talaga siya sa pinatutunguhan ng usapan ng mga ito.

"France is just one of the boys. There's less than zero possibility that we'll become a couple. Besides, she's not my type of girl. Ikaw. Ikaw ang gusto ko."

Tila binuhusan ng malamig na tubig na may kasama pang yelo si France. Sandali syang natulala bago nakabawi at galit na tinitigan ang pintong nagkukubli sa dalawang taong walang habas na sinasaktan ang damdamin nya. "One of the boys? Not your type of girl? Kapal! Mahal kita pero di rin kita type 'no!" Inis na sambit nya sa mahinang tinig para hindi sya marinig ng mga ito. Sa sobrang inis nya ay gusto nyang wasakin ang pintong nasa harap nya at asintahin ng kanyon ang dalawang taong nag-uusap sa likod nito. At dahil di naman nya magagawa ang bagay na iyon, inis na naglakad na lamang sya palayo sa lugar na iyon. Pinagsisisihan nyang nag-stay pa sya para pakinggan ang walang kwentang pag-uusap ng dalawa.



"Stop right where you are, France. One more step away from me and I'll make sure you'll regret it."

Inis na nilingon niya si Ethan. Higit kaninuman ay siya ang nakaaalam kung kailan ito seryoso at kung kailan ito nagbibiro. At ang tonong ginamit nito kanina lang ay sapat na para iparating sa kanyang gagawin nga nito ang sinabi nito.

Kung bakit naman kasi sinundan pa sya ni Ethan dito sa soccer field? Naiinis na nga siya sa mga narinig nya kanina e. Ayos na rin ang pakiramdam nya dahil nag-enjoy sya sa panonood sa practice ng soccer team. Pero abnormal ata talaga ang Leila na iyon dahil ginawa pa nitong kondisyon ang pagpapaamin sa kanya bago nito sagutin ang bestfriend nya. Naiirita na talaga sya sa babaeng iyon.

"What else do you want?" Inis na tanong nya rito." Umamin na nga ako, di ba? O baka naman gusto mong ipagsigawan ko pang may gusto ako sayo?"

"No." Tugon nito. "Pero bakit di mo na lang ako nilayuan? I even told you I like Leila. Ikaw pa nga ang gumawa ng paraan para makapag-usap kami, di ba? Paniguradong nasasaktan ka sa tuwing pinag-uusapan natin siya. Bakit mo hinayaan ang sarili mong magkagusto sa akin? France, mag-bestfriend tayo."

Napaismid sya sa tinuran nito. Bestfriend. Ang katotohanang napakasakit marinig mula mismo sa taong mahal mo. "Sa tingin mo hindi ko sinubukang gawin yan?" Inis na sagot niya rito. "Pero wala e. Kung kaya kong layuan ka, wala na sana ako sa harap mo ngayon."

Bago ito ay siya muna ang kumwestiyon sa nararamdaman niya. Ni hindi nga siya makahanap ng logical reason kung bakit siya nagkagusto dito e. Oo, gwapo si Ethan, pero hindi rin naman ito ang pinapangarap nyang lalaki. Ilang beses na nga niyang pinaulit-ulit sa sarili niya na hindi siya dapat magkagusto rito. Inisa-isa niya na rin ang mga flaws nito para lang mawala ang anumang paghangang mayroon siya para rito. Pero sa bawat araw na makakasama niya ito ay lalo lang siyang napapamahal dito. Besides, hindi naman niya ito magiging kaibigan kung hindi ito masayang kasama. Sinubukan na rin nya itong layuan pero naubusan na siya ng idadahilan sa tuwing iiwas siya rito. Mas lalo lang magtataka ang mga kaibigan nila kapag nagpatuloy siya. At ayaw niyang mamroblema pa ang mga ito nang dahil lang sa pagbabago ng pagtingin niya sa bestfriend niya. Kaya nga gumawa sya ng paraan para makapagtapat ito ng feelings sa babaeng gusto nito e. Baka kasi kapag may girlfriend na ito ay matauhan na sya at mawala na ang kung anumang feelings na mayroon sya para rito.

"I still can't believe you're harbouring feelings for me." Mahinang usal nito matapos magbaba ng tingin.

"Believe me,Ethan, kahit ako hindi rin makapaniwala." Natatawa pang tugon niya rito. "Just pretend you didn't know. Mas makatutulong iyon."

Ethan looked up and his gaze bore into her. "How could I possibly do that?!" Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon na lang ang naging sagot nito.

"Oh, come on. Pareho nating alam na madali lang para sayong gawin yon. I'm not your type of girl after all." Halos hindi niya makilala ang sarili niyang tinig dahil sa sobrang pait ng pagkakasabi niya no'n.

Gusto nyang matawa dahil sa pamumutla ng lalaki. She can't believe she's just rendered Ethan Luis Imperial speechless. Matutuwa sana siya sa achievement niyang iyon kung hindi lang ganito ang sitwasyon nila.

"W-When did you hear me say that?" Naguguluhang tanong nito.

"Sorry. I heard your conversation with Leila." Halos lumuwa na ang mga mata nito nang sabihin niya iyon. "I could clearly remember you telling her that I am not your type of girl. You even told her that there is less than zero possibility that we'll be together. Besides, I am just one of the boys. Not really a girlfriend material, right?" Puno ng sarkasmong turan nya.

"It's not like that, France. I didn't mean it that way."

"It is exactly like that, Ethan." Sinadya niyang bigyang-diin ang bawat salitang binitawan niya upang ipaalala rito ang lahat ng sinabi nito patungkol sa kanya."Hindi nga ako sobrang yaman katulad ninyo pero hindi ako tanga para hindi maintindihan ang mga katagang iyon."

"I'm sorry. I'm really sorry..." His voice broke. Gusto niyang maluha dahil sa lungkot na nakikita niya sa mga mata nito. Pero masyado siyang nasasaktan ngayon para intindihin pa iyon.

"You need not apologize. Di mo naman alam na may gusto ako sayo e." Kung tutuusin, dapat ay hindi sila nag-uusap ng ganito. Dapat ay hindi niya hinayaang magkagusto siya sa bestfriend niya. Kung mayroon mang dapat sisihin, siya iyon at wala nang iba. "Kung wala ka ng sasabihin, aalis na ako." Tinitigan niya pa ito sandali. At nang hindi ito umimik o nag-angat man lang ng tingin sa kanya, nagpasya na siyang talikuran ito. Lingid sa kanilang kaalaman, hindi lamang pag-uusap nila ang matatapos sa sandaling iyon.



"Waaaaaaahhh!!! Nakakainis ka talaga Ethaaaaaan! Magsama kayo ng Leila mo na mukha namang kabayo! Akala mo kung sino kang gwapo! Magdusa ka sana sa piling ng plastik na malditang babaeng yon! Nakakainis ka talaga! Ang sarap mong iuntog sa pader para makita mo ang tunay na kulay ng babaeng gusto mo! Wala kang taste sa babae. Ang gwapo mo nga, di naman marunong kumilatis ng maganda at pangit. Tss. Hindi porque maganda ang mukha at nagpapanggap na mabait, e maganda na ang ugali. Makikita mo, pagsisisihan mong nagustuhan mo ang Leila na yon."

Hinihingal na napaupo sa damuhan si France at napayakap sa kanyang mga tuhod matapos isigaw ang lahat ng gusto nyang sabihin. Malakas ang loob nyang sumigaw dahil wala namang gaanong nagpupuntang estudyante sa parteng iyon ng university nila. Puro damuhan at mga puno lang kasi ang naroon at wala naman talagang mga bench na maaring maupuan. Kaya doon siya madalas tumambay kasama ang mga kaibigan nya. Hindi naman masukal sa lugar na iyon, kaya wala ring dapat ikatakot.

"Nakakainis talaga." Inis na sambit nya habang nakatitig sa mga damong tahimik na nakamasid sa kanya. Ilang sandali syang nanatiling nakatitig sa mga ito bago muling nagsalita. "Buti pa kayo," aniya sa mga damo na akala mo'y magsasalita pabalik kapag kinausap nya ang mga ito. "Kahit ilang beses kayong tapak-tapakan, wala pa rin kayong tigil sa katutubo kung saan-saan. Pero itong puso ko, pagod na pagod nang masaktan. Isa pang masakit na salita mula sa kanya, ikamamatay ko na. Akala-" Mayroon pa sana syang sasabihin pero naputol ang pagda-drama nya nang may marinig syang tumatawa.

"Pfft! Wahahahahahahahaha!!!!"

Agad siyang tumayo at luminga-linga sa paligid para hanapin ang pinanggagalingan ng tawa na iyon. Kumunot ang noo nya nang tumama ang kanyang paningin sa isang lalaking wagas kung makatawa habang nakaupo sa isang sanga ng puno. Sino naman kaya ang mokong na 'to?

"Sino ka at anong tinatawa-tawa mo riyan?!" Seryosong tanong nya rito sa medyo malakas na boses para siguradong maririnig sya nito.

Hindi nya inaalis ang tingin sa lalaki hanggang sa matapos ito sa pagtawa. Sirang-sira na nga ang araw nya, mukhang may dadagdag pa.

"Hi! I'm Marco. Sorry kung nasira ko ang pagmo-moment mo dyan ha? Ang lupet kasi ng hugot mo sa mga damong kausap mo e. Buti na lang talaga at hindi ka sinagot ng mga iyan." Sagot nito at itinuro pa ang mga pobreng damo.

"Wag mong pagtawanan ang kamiserablehan ng ibang tao." Mariing tugon niya na diretso pa rin ang tingin sa mga mata nito. "Wala ka namang alam." Dagdag pa niya sa papahinang tinig.

"Kaya nga nagso-sorry ako dahil di ko napigilan ang tawa ko." Depensa nito.

"Ano pang magagawa ng sorry mo kung nakasakit ka na ng damdamin ng tao?"

"Sorry kung nasaktan ka sa pagtawa ko. Alam kong mali ako kaya nga ako nag-sorry sayo. That's the least thing I can do after all. Nasa iyo na iyon kung tatanggapin mo o hindi ang apology ko."

Kalmado nyang tinitigan ang lalaki at binabasa ang mga mata nito. Nais nyang malaman kung sincere ba talaga ito sa paghingi ng tawad sa kanya. Abala sya sa pagtitig sa estranghero nang may kung ano itong nabitiwan. Agad na dumapo ang tingin nya sa sketchpad na nasa damuhan na ngayon. Humakbang siya patungo sa kinaroroonan ng sketchpad nang pigilan sya ng lalaki.

"Hey, miss, ako na." Anito at dali-daling kumilos para bumaba mula sa puno. Pero sa kasamaang-palad, sumabit ang suot nitong t-shirt sa kung saan.

Hindi alam ni France kung bakit bigla syang napatakbo palapit sa babagsakan ng lalaki at umaktong sasaluhin ito nang makita nyang hindi ito nakahanap ng makakapitan.

"Pwede ka nang mag-angat ng ulo, miss."

Agad na napaangat ng ulo si France at tiningnan ang lalaki. Nakangisi ito at tila nang-aasar pa matapos nya itong saluhin.

"Mukhang na-enjoy mo ang abs ko ah?" Dagdag pa nito.

"W-What?! No way." Tanggi nya sa paratang nito. Inayos nya ang sarili at saka tumayo. Hindi nya alam kung bakit nya inisip na kakayanin nyang saluhin ang lalaking 'to. Kahit nahihiya ay muli nya itong tiningnan. "Hindi ba pwedeng mag-thank you ka na lang dahil sinalo kita?"

"Sinalo?" Natatawang tanong nito. "Miss, bumagsak na ako sa damuhan bago mo pa 'ko saluhin." Paliwanag nito. "Dapat nga ay ikaw ang magpasalamat dahil sa abs ko lumanding yang maganda mong mukha at hindi sa damuhan pagkatapos mong matalisod."

Hindi makapaniwala si France sa narinig at dali-dali syang nag-iwas ng tingin. Hindi nya alam kung nag-init ba ang mga pisngi nya dahil sa hiya sa palpak nyang pagligtas dito o dahil sa sinabi nitong maganda sya.

"Ewan ko sayo. Tinangka pa rin kitang iligtas, 'no. Tsk. Bahala ka na nga dyan." Walang sabi-sabi syang tumalikod at naglakad palayo. Iniwanan nya ang lalaking nakasalampak pa rin sa damuhan at tumatawa na naman na parang wala nang bukas.

Continue Reading

You'll Also Like

234K 4.2K 87
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
3.3M 300K 52
Living alone with her sister, Rizaline Chavez has always found Sarah to be loving, caring, and kind. She is her polar opposite. But that's before she...
3M 187K 61
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
65.9K 4.4K 12
Sta. Maria Series (Herrer Girls- 3rd Generation) ON-GOING