*Naiah's POV *
"Aba ginoong maria,napupuno ka ng grasya,ARAY KUP!ANO BA!?"inis na singhal ko kay toff.dahil bigla nalang akong binatukan habang nasa kalagitnaan ako ng pagdarasal.
d>ω<b
"Ango ma yang nginangawa mo ah?"
"Baka tumutula ako di ba?Syempre nagdadasal!nalalapit na ang pag huhukom!oras na lang ang itatagal ko sa mundo kaya manahimik ka jan."
"Ango?ango Hungom?Tenga nga nyan nga lang wak nga aalis nyan wet mor me ongey?."
Kahit na wala talaga akong masyado naintindihan sa pinagsasasabi nya tumango nalang ako.Tumalikod naman sya sakin at pumunta sa pwesto nila jovit at may ibinulong.Habang nag bubulungan sila nakatingin sila sakin at ngingiti ngiti.seriously?anong pinaguusapan nila?
d ─ ₃─"b ?
Maya maya pa nakita ko ng nagsitayuan sila at naglakad papunta sakin habang nakangisi at ng makalapit silang lima..
"ah!..aray..hala takte..tama na!waaah!huhu BAKIT NYO KO BINATUKAN!?CHILD ABUSE TO!"
Hindi ko talaga alam kung anong trip nila.bigla nalang nila akong pinagbabatukaN!
NASAAN ANG HUSTISYA DITO?!
d TT ₃TT"b
"Hoy ikaw babae!anong kagagahan yang pinagsasabi mo?may nalalaman ka pang pag huhukom?yung totoo?nag drugs ka ba bago pumasok?"singhal ni jen habang nakapamewang sa harap ko.
"Totoo naman eh!"
"Ano ba kasing problema mo ha?pati tong 'do not disturb'mo mali pa spell.haha!'do not disturd'?what the f."
"Eh kasi nga yung bestfriend ko hanggan ngayon wala pa.jusko kung alam nyo lang talaga ugali nun.baka sabihin nyo pa na maglakad na ko ng nakaluhod sa simbahan ng quiapo."
"OA na yan girl!baka kasi naligaw?"singit naman ni angel.
"Yun na nga eh!yun na nga kinakatakot ko!kasi nung last time na naligaw yun nung nasa korea pa kami lahat ng bahay na madaanan nya sa korea pinasok nya hanggat di nya ko nakikita!kaya nung kinabukasan parang may welga sa edsa sa labas ng bahay namin huhu.!"
Namutla silang lahat sa sinabi ko. sus yun pa nga lang sinabi ko e.pano pa kaya kung sabihin ko na tinalo ni zayne yung leader ng most feared gang sa kor.baka ma lowblood silang lima.
"Samahan nyo nama---"
"ah sige may gagawin pa pala ako una na ko ha .hehe"sabi ni jovit sabay lakad takbo.hala?anong problema nun?
"Ah eh a-ako din pala mag ano..ahm..mag practice ako ng vocal he.he.he mi hi hi haha ho ho ho.he.he."sabi naman ni mitch sabay talikod din.
Teka?
Alam ko hindi naman maganda boses nun ah?anong vocal ippractice nun ?!
d ─ ₃─"b ?
"Ah girl..ahm..ano hehe excuse ha ma-may g-g-gawin pa ko ."sabi naman ni angel at jen."Sige ha toff.goodluck"sabay alis.
Parang alam ko na mangyayari.siguradong natakot silang madamay sa paghuhukom mamaya!
"Ango ahm ngayah---"
"Shut the fvck up toff.sasamahan mo ko o tatanggalin ko yang ngalangala mo? "
Napatakip naman sya ng bibig sa sinabi ko habang nanglalaki ang mata at umiiling.
"Wow ha OA makareact?para namang meron ka nun."
"ay oo nga mala ngilangid at ngipin nga mala menon ango ha.ha. nge nyan nga muna mamalangay ango ngalangala ngay melo."Tataliko na sana sya pero hinatak ko agad ang dulo ng shirt nya.Grabe.parang hindi ko sila friends sa ginagawa nila huhu.
"please naman toff.samahan mo ko utang na loob!"
Hinatak ko na sya palabas ng room.ngunit pag labas namin.
Nandoon sya..masama ang tingin..
Pero sino yung kasama nya?ang pogi ah.
"ZAYNE!HUHU BESTFRIEND!BAKIT NGAYON KA LANG?BAKIT NGAYON KUNG KELAN ANG AKING PUSO' Y--Aray naman!"batukan ba ko?
"Alam mo bang kanina ko pa hinahanap tong room na to?"saad nya habang masama ang tingin sakin.
"Eh k-kasi a-ano akala ko kasi alam mo na k-kaya pinauna mo ko."
"oo alam ko nga."
"oh yun naman pala eh bakit ang tagal mo?"
"alam kong second floor pero hindi ko alam ang room number hindi mo sinabi.humanda ka mamaya sa bahay "jusko po lord!katapusan ko na talaga to!huhu.
'lord iligtas mo lang po ako babayaran ko na po yung kulang kong fifty pesos sa avon!isosoli ko na din po yung mangkok na hiniram ko sa kapitbahay!ARAW ARAW NA DIN PO AKO MAGLILINIS NG BAHAY!HUHU'
"T-teka naman!s-sorry na!tsaka sino ba yang gwapong kasama mo bff??"Tinignan nya ako na para bang nagtataka pa sya sa tanong ko.
"Ako?may kasamang gwapo?nasan?"pagkasabi nya nun tumingin sya sa likod nya na para bang may hinahanap."Wala naman ah?"hala!?
"EHEM!"
Bigla naman nag fake cough si kuyang pogi dahilan para mapatingin sa kanya si zayne.
"Oh?may ubo ka?"
"tss"yan lang ang nasabi ni kuyang pogi sabay irap.
"Zayne.,bulag ka ba?sya yung sinasabi ko oh."sabay turo kay pogi."sino ba sya ha?"
"Ah eto ba?wala naman.napulot ko lang jan sa tabi tabi.wag kang didikit jan baka sakmalin ka nyan."
"ANONG SABI MO?!IKAW!SUMOSOBRA KA NA AH!"sigaw naman ni pogi.
"Hala?nagalit?highblood lang kuya?"sabi ko naman.grabe.putok batok lang ang peg?ang talim ng tingin nya kay zayne.habang si zayne naman parang walang pakialam.
'ganyan naman sya lagi eh.'
Tinignan ako ni kuyang pogi sabay ngumiti.at WOW!pang close up yung ngipin nya!
"Hi,ako nga pala si jaydee,4th year din ako pero candelaria building naman ako.'anito na naglahad pa ng kamay.
ngunit bago ko pa man tanggapin ang kamay nya bigla na iyong hinawi ni zayne.ANG K.J NYA HUHU.
Taga CANDELARIA BUILDING?edi ibig sabihin mayaman at matalino sya?sa candelaria kasi nilalagay ang mga students na nasa first class family.yun bang sobrang mayaman.sa GABALDON building naman ang mga students na hindi masyadong mayaman pero matalino.nahahati kasi ang school na to sa apat na buildings.yung 3rd building is TRINIDAD building.mga students na puro loko loko lang then yung pang apat na building is SPORTS building.nandun naman yung gym,soccer ,tracktand field,baseball field.basketball court at iba pang may kinalaman sa sports.
'imaginin nyo nalang kung gaano kalaki ang school na to.'
"Wag mong hahawakan,madumi baka mahawa ka."sabi pa ni zayne.
'hmm i smell something malansa here.'
d--,b
"Tch!ikaw nga hinatak mo ako eh di mas hamak na marumi ang---"
"TATAHIMIK KA O SASALPAKAN KO NG BOTE YANG MADALDAL MONG BIBIG?"nagbabantang sabi ni zayne.AT SERYOSO SYA!ay nako kung ako sayo jaydee lalayo na ko.pero teka tama ba yung narinig ko?
'SI ZAYNE?NANG HATAK NG LALAKI?!'
Nagsukatan sila ng tingin kaya naman sumingit na ko.
"Ahmm.teka?anong meron dito?"nagpalipat lipat pa ang tingin ko sa kanilang dalawa.tinignan lang ako ng masama ni zayne habang naka simangot naman si jaydee.
'ano bang problema nila?'
"ONGA?ANGO MENON AT NGINATAK MO NGO NITO AH?'bigla naman nagsalita si toff.muntik ko ng makalimutan na kasama ko nga pala sya pero katabi nya na ngayon si mitch na masama ang tingin sa magkahawak naming kamay ni toff.
'yung totoo?anong problema ng mga tao na to?'
dO__ob ?
Binitawan ko nalang ang kamay ni toff.feeling ko matutunaw na kamay ko kapag hindi ko pa ginawa yun.
"Ah toff.ok na pala,sige pasok ka na ulit hehe.mitch akala ko b mag vovocal ka?"kinindatan ko pa sya kahit na nagtataka ako sa pinapakita nyang reaksyon sa magkahawak naming kamay ni toff.
"Alis na din ako,may klase pa ko eh."saad naman ni jaydee.tinanguan ko lang sya.kaya naman tumalikod na sya at naglakad palayo. pero...
"T-TEKA !A-ANO HOY!HEIDI?DEIDI?KENDI?"sigaw ni zayne pero hindi na ulit lumingon sg j.d.aba malamang!hindi naman nya pangalang ang tinatawag ng ingratang zayne na to no!
"HOY KAPRENG TANGA!A-ANO S-S-SALAMAT!"sa pagkakataong to kitang kita ko kung paano napahinto si j.d sa paglalakad.as if on cue talaga pag tawag ni zayne ng 'kapreng tanga'sa kanya huminto sya.haha!aba ayos ah!may endearment?
"Kapreng tanga? sa susunod na marinig ko pang tawagin mo ko ng ganyan hindi na ako magdadalawang isip saktan ka."seryoso pero may pagbabantang saad nya habang nakatalikod pa din.
'ha?!aba mister!hindi mo kilala kung sino ang pinagbabantaan mo haha!'
Gusto ko sanang sabihin pero pinigilan ko dahil sa sinabi ni zayne.
"Ganon ba?hayaan mo at sa susunod hindi ko na isisigaw..
IPAGKAKALAT KO PA PARA NAMAN MASUBUKAN KO KUNG ANONG KAYANG GAWIN NG ISANG TULAD MO"maangas.ngunit seryoso ding sabi niya.nagpalipat lipat muli ang tingin ko sa kanilang dalawa.pero ngayon may halo ng pagtataka sa tingin ko.
'ANONG KALOKOHAN MERON SA DALAWANG TO?'
----
*Zayne's POV*
Natapos ang last subject sa pang umagang klase na bukod tangi kong napasukan.Kinukulit pa din ako ni naiah tungkol sa nangyari kanina.kahit pa nga nagkklase ay pasimple nya akong tinatanong patungkol doon.
"Zayne,ano nga kasi?sige na please!curious lang naman ako kasi di ba?sa tagal natin magkakilala ngayon ko lang nabalitaan na nang hatak ka ng studyante.at lalaki pa!"
Yan ang paulit ulit nyang tanong at iisa lang din naman ang sagot ko na ayaw nyang ganiwalaan.
"Wala yon.nagpatulong lang ako yun lang"
Hindi ko pa sinasabi sa kanya na nakita ko ang mga magulang nya sa deans office kanina.oo,ninong westlie is naiah's father.at kung ano man ang pinaguusapan nila kanina hindi ko alam pero malakas ang kutob ko na malaki ang kinalaman ko don.
"Eh ano nga palang nangyari sa pinirmahan mo?"ani naiah na nakapag paalala sa dapat kong gawin.
"Hindi pa ako nakapirma,Tara samahan mo ko.naalala kong ngayon ko nga pala gagawin yon."
"Ha?eh akala ko ba napirmahan mo na kanina?"nagtatakang tanong nya.tingin ko dapat ko ng sabihin sa kanya.tsk.
"Nandito ang parents mo kanina."pag uumpisa ko.nakita ko ang gulat at pagtataka sa muka nya."At kasama nila..SILA."
Sa puntong iyon napahinto sya sa paglalakad.gulat at nanglalaki ang mga mata nyang nakatingin sakin.ngunit hindi nagtagal napalitan ng pag aalala at kaba ang nakita ko sa kanya ng lapitan nya ako.
"O-Okay ka lang ba?i m-mean..nagkita ba kayo?"
"Okay lang ako."sabi ko at nginitian sya.pero alam kong hindi umabot sa mga mata ko ang ngiting yon."Hindi kami nagkita,kaya wag kang magalala.iyan nga ang dahilan kaya hindi ko naituloy ang pag pirma sa deans office eh."nakita kong unti unti nawala ang kaba sa kanya ngunit nandoon pa rin ang pag aalala.siguro tama ng hindi nya muna malaman kung anong narinig ko.
---
"HAAAY! ANG SARAP LUMAMON WHOO!."sabi ni naiah matapos nyang ubusin ang inorder nyang pagkain.grabe ang takaw nya.
Dumiretso na kasi kaming canteen matapos kong pirmahan yung mga pinapirmahan sakin ni dean Inigo MAdlang awa junior.yan ang pangalan nya.
Umupo pa kami at nagpahinga bago ko inaya si naiah na pumunta ng room.
Habang naglalakad kami sa hallway panay ang kwento ni naiah ng mga ginawa nya habang nasa korea ako.talagang wala syang pinagbago.madaldal talaga.pero habang naglalakad kami at papalapit sa music hall may narinig kami kumakanta kasabay ng pagtugtog ng piano.
'kahit kailan..
hindi kita iiwan..
kahit kailan..
hindi pababayaan'
"Huh?katanghalian tapat may nagcoconcert?anyare?lakas trip ah.pero infairness ang ganda ng voice ha.Southborder ang peg?"bulong ni naiah sa akin habang napapapikit ang mata na tila ninanamnam pa ang malamig na boses ng kumakanta.
Tama sya,maganda nga ang boses nito.parang original voice ng kumanta ng kantang iyon.bigla ay parang may nagbalik sa alaala ko.
"Tara na nga,baka malate pa tayo."sabi ko kay naiah.kinunutan nya ako ng noo,siguro ay nagtaka sya sa sinabi ko dahil maaga pa.
Ayoko lang talagang magtagal pa dito dahil ayoko ng maalala pa ang nakaraan at ang sakit.
Sakit sa pagkawala ng taong bukod tangi kong pinrotektahan pero bandang huli...
AKO DIN ANG PUMATAY.
At ang kantang iyon.ang kantang nag papaalala sakin sa lahat ng nangyari.
Unti unti kong naramdaman ang pamumuo ng luha sa mga mata ko.mga luha na hindi ko alam na matagal ko palang inalagaan.Agad na nagpanic si naiah ng makita nya ang pagpatak ng mga luha sa mata ko.
'damn this fvckin tears!'
"Hala! anong nangyayari sayo?ayos ka lang ba? tara na nga!nag emo bigla teh?"dali dali nya akong hinatak palayo sa lugar na iyon.
Si naiah,wala syang alam sa kahit anong nakaraan ko.hindi nya alam ang totoong dahilan ng paglayo ko noon.at hanggang ngayon,nananatili syang walang alam tungkol sa katotohanan.lahat ng alam nya ay puro kasinungalingan na inimbento ng sarili kong ama!.
Oo.kaibigan ko si naiah mula pagkabata.ang alam nya simpleng mayaman at bata lang ako noon.pero hindi nya alam sa murang edad ay napaka kumplikado na ng buhay ko.masaya naman kami noon.masaya ako noon,hanggang dumating ang isang pangyayari na nakapag pabago sa akin na pilit at pinipilit kong kalimutan noon hanggang ngayon.
"Alam ko kung bakit ka nagkakaganyan.that song,that's her favorite song right?"nabigla ako sa sinabi nya.paano nya nalaman?"Naging magkaibigan din kami kaya alam ko."nakangiting saad nya na para bang nabasa nya ang iniisip ko.
'Sana balang araw,magkaroon ako ng lakas ng loob sabihin sayo ang lahat.sa ngayon kasi hindi ko pa kaya.ikaw nalang ang tanging tao na makakapitan ko.ikaw nalang ang pamilya ko.'
---
Natapos ang araw na ito na iyon lang ang nasa isip ko.hanggang makauwi ng bahay ay iyon at iyon lang.hanggan ngayon na matutulog na lamg.
'aish!'
hindi ko na alam kung paano ako nakatulog.basta ang alam ko.nakaidlip ako na puno ng pangamba.,pag iisip at pag aalala.
Hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay naiah ang totoong dahilan ng paguwi ko ng pilipinas.ang buong akala nya nandito ako para ituloy lang ang pagaaral ko.
hindi nya alam at hindi ko sinabing may iba pang dahilan kung bakit ako nandito sa tabi nya.
'dahil iyon ang dapat at makakabuti sa kanya..
ang patuloy syang walang alam.'
*****
A.
Ang tagal ko mag u.d TT.TT