Majica Academy

By SongOfAngels

524K 9.7K 1.8K

Alam mo ba yung paaralang naglalaman ng puro salamangka. Puro palakasan at kapangyarihan. Ngunit ang paaralan... More

Prologue
Author's Short Note
Chapter 1: The Beginning of Magic
Chapter 2: First Day of Class
Chapter 3: The Annoying Guy
Chapter 4: The Elements
Chapter 5: Music Room
Chapter 6: Jealousy
Chapter 7: Singing Angels Club
Chapter 8: Practical Test
Chapter 9: Unexpected Encounter
Chapter 11: Unknown Portal
Chapter 12: Practical Training
Chapter 13: Virtual Battlefield
Chapter 14: Flag Hunting
Chapter 15: Bad Omen
Chapter 16: The Ice Princess
Chapter 17: Divine Possession
Chapter 18: Preparation to War
Entry 19: Sacrifices

Chapter 10: History of Zoika

16.2K 413 111
By SongOfAngels

Chapter 10: History of Zoika

(ROYANA MIRAN'S POV)

"Alright, this is the day the we've been all preparing for. I want everyone to remember that we have to nail this performance! You all have 10 minutes bathroom and water break, be back here on time okay?" Maikling announcement ni Miss Sarah while we're all gathered in the backstage.


Yes, today is the day for the Majica Entertainment Event. And yes, kinakabahan ako ng malala because this will be my first time performing a musical act with an effin lead role.


I went to the break room and Amy was there. Dinalhan niya ko ng kape because she knew I was really nervous right now. "Uy espren, ready kana ba?" Pag-aalala ni Amy sa akin.


"Do you think I look okay?" I smiled sarcastically while full on sweats.


"I think.... you're fine. You're going to kill it. Besides, pang huli pa naman ang club niyo sa mag peperform. You're the academy's greatest performers you deserved ending the show."


"Wow, that just made me feel better ano." I said sarcastically.


"Relax! Para di ka kabahan, go watch our section's performance later. We're going to do a short play of the History of Zoika. Mac-cringe ka for sure dahil 1 week lang kami nag practice." Proud pa niyang banggit.


"Really? History of Zoika? Ugh."



"What do you mean by 'Ugh'. This world Zoika has an interesting history. You should be reading history books more."



"I'm familiar with Zoika, but I don't know it's history. Masyado kasi akong nagfofocus sa pag memorize ng magic spells, and I'm not really into history, blehk."


"No wonder you're failing in History class." She chuckled. "I advised you na wag mo na lang panuorin ang play namin because I don't want it to be your first impression with the story. Our play is a mess. No, I think I'm the mess in our section." She added.


"Alright, I will try reading the Zoika's history book. But I will try to take a sip with my coffee first because I am so nervous right now and I have to calm down myself." Banggit ko sabay higop ng mainit ng kape. God, this coffee is so good.


"So, is you're play going to have a kissing scene? Ya know, ikaw si Cinderella, the star of the story." Pangangasar niya sa'kin.


"Ughh, yes there is. I was against it but that scary woman, Levi insisted me to do the kissing scene. Wala daw passion ang story kung walang kiss. Good thing we didn't rehearse any kissing scene." Pag rarant ko kay Amy.


"Oh my god Royana. That is a legal kiss, you should be proud of it. You know, cause kissing in school is forbidden."


"I know that but... I haven't had my... first kiss.. yet." Nahihiya kong banggit.


"Whose the lucky prince that will get your first kiss then?" Parang nagniningning mata niya sa topic na ito.


"I don't know, some guy named Miguel. Payat na lalaki with a curly hair." Banggit ko.


Nag-iba reaksyon ni Amy. From that shiny eyes to disappointed  and disgusted face. Ewan, baka sinapian na naman ata ang loka.




"Oh no, Miguel the pervert guy?" She said in shocked.


"What? Anong pervert?" I was confused.



"Okey ka lang ba.. Sa mga rehearsal niyo okey ka lang? Di kaba inano ng Miguel na 'yun?" She was so concerned right away like what the heck? Wala naman akong nakitang problema during the rehearsal with that guy. What is she talking about?


"Ano bang pinagsasabi mo?"


"He's a dangerous pervert wild animal. Nagagawa niyang manilip gamit ang  x-ray vision eyes niya. He's always suspended in school dahil sa mga kabalastugan niya. I can't believe that the pervert guy Miguel is in your club."


"Miguel is also a new member from the club like me."


"What? He's not even good at singing. Anong kalokohan ang ginagawa nila, why did they let that manyak guy in your club?" Amy was so frustrated.


"Oh my god, what should I do."


"I'm sure naman babawian siya ng kapangyarihan ng mga faculties before the play. Wag kang mag-alala kung inano ka ng Miguel nayun i-rarasengan ko 'yan. O kaya mag su-super saiyan ako tas pagsusuntukin ko, o isusulat ko pangalan niya sa death note. Ugh, he's really going to die tonight if he did something to you."


"10 minutes is almost over, get back here guys!" Miss Sarah is already shouting which means the break is over.


"Oh my god, tinatawag na kami. I gotta go." Nagmadali na kong ubusin ang kape ko at dali dali ng umalis.


"You can do it, Yana! And don't worry about that Miguel!" Sigaw niya habang natakbo ako paalis.


--


Our club rehearsed quickly for one time and straightly went to the Auditorium. Since na pang last pa kaming magpeperform, we can still watch the some of the performance. Parang mahuhulog panga ko sa kakanganga, sobrang laki ng auditorium and the seats are almost packed. Para ata akong masusuka sa kaba kahit malayo pa ang performance namin.


"Good Morning students!" sabi ng babae na nasa stage. Teka, si Ms. Arissa yun ah! Wow, she's really pretty. I can't believe I got to talk with her on her office with a nicer reason. Kasi usually while I'm on the principal's office for detention reason.


"I'm glad that you're all here today for our annual event of Majica Entertainment Event. We are all gathered here not for homework or exams. I want you all to relax and loosen yourself. Enjoy some quality entertainment that the academy brings you. Ayoko ng patagalin pa, let yourself be amazed."


Then a fireworks just exploded right in front of my eyes. I know that fireworks inside an enclosed room is impossible but it is happening like magic. Sobrang ganda tignan ng mga ilaw sinabayan pa ng pagtugtog ng orchestra. Everything is beautiful, para akong nasa disneyland.


Naka ilang performance na and everyone is really amazing and I hate it. I hate it because, naiintimidate ako for our performance. Our club is great I know that, pero ako ang leading lady! If I messed up, it will be so embarrassing.


"Everyone, let's give it up for Section II-C for a short play of History of Zoika." The emcee annouced. It was Amy's section turned, and I just watched seriously because she said that it's going to be cringey.


The play started with a dramatic music... It was all dark in the stage, then a glowing light appeared and sparked the stage.


*Scene on the stage*


Zoika, ang mahiwagang mundo na malayo sa mortal...


Ito ay dating paraiso, na kung saan lahat ng nilalang ay may mga mabuting layunin...


Ito ay pinamumunuan ng isang magiting at matapang hari  na nagngangalang Hersuz. Si Hersuz ay kilalang makapangyarihan sa digmaan. Marami na ring ang sumubok magtaksil kay haring Hersuz ngunit kahit isang kaharian ay walang nag wagi. Si Hersuz ay sinasamba ng lahat na tila bang Diyos ang turing, kaya siya'y tinatawag na Hari ng mga Hari.





Ngunit sa isang di inaasahang araw, ang magiting na hari ay nagkaroon ng malubhang sakit. Buong Zoika ay nagulantang sa balita. Sapagkat ang kanilang turing Diyos ay maaring mawala.


"Ako si Marlus, High Priest at kapatid ni Lord Hersuz. Naririto ako sa pagpupulong sa ngalan ng aking kapatid. Ikinalulungkot ko ang sinapit ni Hersuz. Ginagawa naming ang aming makakaya sa kanyang pag-galing." Pag pahayag ni Marlus sa harap ng pagpupulong ng Patru Rege.


Ang Patru Rege ay may apat na miyembro ng mga matataas na ranggo ng opisyal. Sila ang apat na hari ng Zoika na siyang pinamumunuan ni Hersuz.


"Hindi ba't nakakapagduda, napakaraming magagaling na necromancers ang maaring magpagaling kay Lord Hersuz. Bakit wala itong lunas?" Ang tanong ni Haring Baron.


"Sang-ayon ako kay Haring Baron, kung saka sakali maari akong magpadala ng mga magagaling na mangagamot. Ano ba ang sakit ni Lord Hersuz?" Dagdag na tanong ni Haring Arturus.


"Ang sakit ni Lord Hersuz ay hindi galing sa natural sakit, ito rin ay gawa ng mahika. Isang mahika na hindi namin matukoy kung saan galing. At oo, isa itong Death Magic." Sagot ni Marlus.


"Ang pinagbabawal na mahika? Sino naman ang magtatangkang gumamit ng ilegal na mahika sa ating panginoon? Isa itong malaking kataksilan!" Panggagalaiti ni Haring Juran.


"Sinuyod na namin ang palasyo ngunit wala pa kaming pinaghihinalaan. Ang aking hiling ay magpadala kayo ng mga gwardya sibil sa bawat tahanan ng inyong inuukulan upang suriin kung mayroong posibleng gumagawa ng kasakiman na ito." Hiling ni Marlus sa harap ng Patru Rege.


"Walang mapagtataguan ang taksil na iyon. Magpadala rin ng gwardya sa kagubatan. Gusto ko malinis ang pagsuyod at walang ititirang lugar." Utos ni Marlus.


"Teka, sigurado ka ba na maiging nasuyod ang inyong palasyo? Dahil sa aking palagay, kung sino man ang may kagagawan nito ay tiyak malapit lang sa buhay ni Lord Hersuz." Pagdududa ni Haring Salve at mayroon itong masamang titig kay Marlus.


"Ano ang iyong minumungkahi, na nasa loob lang ng palasyo ni Lord Hersuz ang taksil? Paano ka nakakasigurado?" Tanong ni Haring Baron.


"High Priest Marlus, nagsagawa na ba ang mga opisyal na ikaw ay suriin?" Pagdududang tanong ni Haring Salve.


"Iyo ang ipinapahiwatig na ako ang tataksil sa ating panginoon? Baka nalilimutan mo na ako ang nag-iisang kapatid ni Lord Hersuz." Sagot ni Marlus.


"Tama, ikaw ang nag-iisa. Hindi ba't mas mukhang kaduda duda?" Sagot pabalik ni Haring Salve.


"Tama na 'yan, Haring Salve. Walang kabuluhan ang mga haka haka." Pagtigil ni Haring Arturus.


"Oo, nag-pasuri ako sa mga opisyales. Wala silang nakitang ilegal sa aking silid, at nasisigurado ko sa iyo, wala akong kaalaman sa Death Magic." Kalmadong sagot ni Marlus.


"Itigil ninyo ang mga haka haka na 'yan. Taimtim akong humihingi ng tawad, bukas na bukas ay isasagawa namin ang pagsusuri sa bawat tahanan. Sisiguraduhin kong mahahanap ang taksil na iyon." Sagot ni Haring Juran.


"Maraming salamat sa inyo, aking mga minamahal na hari." Makabuluhang ngiti ni Marlus.


Matapos ang pagpupulong kanyang dinalaw ang kanyang kapatid na may malubhang sakit. Nakahiga siya sa magarbong kama, butot't balat ang itsura at hindi makagalaw.


"Marlus, kumusta ang pagpupulong kasama ang Patru Rege?" Nanghihinang bigkas ng hari.


"Wag mong ipag-alala, magpapadala din ang mga hari ng kanilang magagaling na kawal para suyurin ang Zoika. Magiging maayos din ang lahat aking kapatid." Ngiti nito.


"Mabuti naman. Ngunit kung hindi kayo nagtagumpay, hinihiling ko sana ang iyong serbisyo upang ipagpatuloy ang aking nasimulan, Marlus." Nauubo pang banggit ng hari.


"Wag mong sabihin 'yan, aking kapatid. Hindi maganda 'yan." Pag-aalala ni Marlus.


"Wala akong ibang paraan, ikinalulungkot ko na wala akong lahi na mapagmamanahan ng korona." Sagot ng hari.


"Wag kang panghinaan ng loob. Oras na para uminom ka muli ng gamot. Ipaghahanda kita." Sabay alis nito at lakad papunta sa lamesa na kung saan nakalagay ang kanyang mga medisina.


"Marlus, akin na ang papel. Ang papel na ipinakita mo sa akin noon." Hiling ng hari. "Sa tingin ko ay hindi na ako magtatagal, akin na ang papel at lalagdaan ko na."


"Magpagaling ka, Lord Hersuz." Maikling banggit ni Marlus habang inihahanda ang kanyang gamot. Kinuha din niya ang papel na kung saan nakasulat ang pagpasa ng korona sa kanya. Hindi maipinta ang ngiti na nasa mukha ni Marlus ng malagdaan sa wakas ang papel.


"Wag kang mag-aalala aking kapatid. Mahaba pa ang iyong buhay. Magpahinga ka ng maigi." Huling banggit nito sabay alis sa silid ng hari.


Malalim na ang gabi, at ang bawat kawal ay rumoronda muli sa palasyo. Ang hari ay tahimik na nagpapahinga sa kanyang silid. Tahimik ding natutulog ang bawat kaharian. Ngunit sa sandaling iyon, isang ilaw ang nanlisik mula sa isang hindi pamilyar na silid.


Abala si Marlus sa kanyang maitim na plano.


"Paalam, Lord Hersuz!" Sigaw nito habang umiilaw ang sahig sa kanyang isinagawang ritwal. Sarado ang paligid, tanging si Marlus lamang ang naroroon sa silid. Ang kanyang maitim na balak ay nagtagumpay sapagkat ang hari sa kabilang silid ay tuluyan ng nalagutan ng hininga.


Kinabukasan isang nakakalungkot na balita ang lumaganap. Bawat kaharian ay nagluluksa sa pagkakataong iyon. Dahil sa pagkamatay ng hari, nagbago ang pamamalakad sa Zoika. Si Marlus ay ginawang hari ayon sa papel na nilagdaan ng dating hari.


Sa loob ng pamamahala ni Haring Marlus, nagkaroon ng matinding tag-gutom ang bawat kaharian. Lahat ng kahayupan ay pumanaw dahil sa isang sakit. Ang mga pananim ay natuyo dahil naman sa init. Walang mahika ang makapag-ayos ng mga suliranin. Dahil sa problemang kanilang tinatahak nag desisyon si Marlus upang gumamit ng ipinagbabawal na mahika, Death Magic.


Sinubukan ni Marlus buhayin ang mga namatay na hayop gamit ang death magic. Sinubukan din niyang magtanim ng mga halaman na nabubuhay sa init. Lahat ng mahika na kanyang ginamit ay mula sa ipinagbabawal na orasyon.


Nagtagumpay ang binabalak ni Marlus, lahat ng namatay na hayop ay nabuhay muli. Ang mga halaman ay tumubo bagkus ang init. Ipinagpatuloy ni Marlus ang gawaing iyon at ikinalat ang Death Magic sa publiko.


"Lahat ng pamilya sa aking kaharian ay muli ng nakakakain! Napakalaki ng tulong mo, Lord Marlus!" Natutuwang banggit ni Haring Baron mula sa pagpupulong.


"Hindi ko inaasahan na ang Death Magic ay malaking tulong sa lahat." Dagdag pa ni Haring Arturus.


"Isinakalat ko ang Death Magic sa bawat necromancer ng aking kaharian. Marami ang nagulantang sa mahika. Napaka makapangyarihan nito!" Nagagalak na banggit ni Haring Juran.


"Maraming salamat, ninais ko lang ang kasiyahan ng bawat mamayanan ng Zoika." Nakangiting sagot ni Marlus.


Sa isang gilid, tahimik at nakatulala si Haring Salve. "Inyong ikinagagalak ang nangyayari?" Mahinang bigkas ni Haring Salve.


"Haring Salve, balita ko tuloy pa din ang tag gutom sa inyong kaharian. Bakit hindi mo sinunod ang ipinalaganap na mahika ni Lord Marlus?" Tanong ni Haring Baron kay Haring Salve.


"Nasisiraan na ba kayo ng bait? Ang death magic ay matinding ipinagbabawal, bakit isinakalat ang makapangyarihang mahika na ito?" Napatayo si Haring Salve sa kanyang ikinauupuan.


"Haring Salve, malaya ka na gawin ang iyong nais. Pero wag mo kong sisihin sa pagkamatay ng iyong kaharian sa gutom." Sagot ni Marlus pabalik.


"Death magic ang kumitil sa buhay ni Lord Hersuz! Hindi niyo ba alam na mapanganib ang mahika na iyon? Itigil ninyo ito ngayon din!" Nahihibang na sigaw ni Haring Salve.


"Wag mong banggitin ang pangalan ng namatay na panginoon sa iyong mga pinagsasabi!" Sagot ni Haring Arturus.


"Hindi na ko magdududa, sa iyong kasanayan sa Death Magic. Sigurado ako na ikaw din ang kumitil kay Lord Hersuz. Hindi mo ko malilinlang Marlus!" Sigaw muli ni Haring Salve.


Nagulat ang lahat ng hari sa kanilang narinig. Posible ngang si Marlus ang pumatay sa kawawang hari. Tinignan ng lahat si Marlus nang may kasamang pagdududa.


"Isa kang hangal para paghinalaan ang isang panginoon na gumagawa lamang ng marangal na trabaho sa lahat. Baka nalilimutan mo na ako ang panginoon ng lahat. Ako ang panginoon mo!" Napatayo sa galit si Marlus.


Natapos ang mainit na sagutan sa pagpupulong at nagsi-uwian rin ang bawat hari. Dahil sa matinding pagdududa ni Haring Salve, ipinatawag niya ang tatlong magigiting na warlock ng kanyang kaharian.


Hiniling ni Haring Salve na ipapatay si Lord Marlus.


Ganun na lamang ang takot ng tatlong warlock at hindi sila pumayag sa hiling ng hari. Ngunit di nagtagal, ang tatlong kaharian ni Haring Baron, Arturus at Juran ay nagkaroon ng malubhang trahedya. Namatay ang halos kalahati ng populasyon ng kanilang mga kaharian.


Nagkaroon ng pandemya ang tatlong kaharian mula sa pagkain ng mga namatay at binuhay na hayop. Ang mga halamang itinanim ay nagkaroon ng sariling buhay at pumapatay rin ito ng tao at hayop. Ang tatlong kaharian ay nagkaroon ng matinding krisis, maliban sa kaharian ni Salve na pinanatili ang pagbawal sa Death Magic.


Ang tatlong hari ay nagreklamo sa kanilang panginoon. Araw araw mayroong rally sa tapat ng kanilang mga palasyo. Hindi nila alam ang dapat gawin kaya sila ay humiling ng saklolo kay Lord Marlus at nagsagwa muli ng pagpupulong ng Patru Rege.


"Hindi ko inaasahan na hindi dadalo sa pagpupulong si Haring Salve." Natatawang banggit ni Lord Marlus.


"Hindi na iyon importante. Ano ang dapat naming gawin, Lord Marlus! Ang daming namamatay sa aking kaharian at hindi ko ito masikmura!" Unang reklamo ni Haring Baron.


"Ang mga halaman ay tumubo ng matataas. Ang aking mga bukirin sa kahariaan ay binalot na ng mga peste!" Reklamo rin ni Haring Arturus.


"Hindi kaya tama si Haring Salve? Na mali nga itong pagpalaganap ng Death Magic." Natatarantang banggit ni Haring Juran.


Kalmado lamang si Lord Marlus sa kanyang ikinauupuan, "Meron akong solusyon sa sakit na kumakalat." Maikling banggit nito.


"Magpapakalat ako ng bakuna para sa bawat mamamayanan. Libre at walang halaga." Ipinakita ni Lord Marlus ang kanyang hawak hawak na bakuna.


"Pano kami makakasigurado na totoo sinasabi niyo?" Tanong ni Haring Baron.


Inaasahan ni Marlus ang kanilang mga tanong kaya naghanda si Marlus ng experimento na ipapakita sa tatlong hari. Ang bakuna ay itinurok sa isang matandang lalaki, pagkatapos ay itinurok sa kanya ang sakit na galing sa pandemya.


Lumipas ang limang araw ang lalaki na kanilang binakunahan ay hindi tinablan ng sakit. Sa pagkakataong iyon pumayag ang tatlong hari na gamitin ang bakuna. Ikinalat ang bakuna sa lahat ng kaharian at nagdiwang ang lahat.


Umabot ng isang gabi, ang mga mamayanan ng Zoika ay umiiyak sa lubhang sakit na nararamdaman. Nakatingin si Marlus mula sa kanyang balkonahe sa palasyo at pinapakinggan ang bawat tahanan na umiiyak sa sakit na nararamdaman.


"Sa wakas! Ang Zoika ay nasa iisang pamumuno ko na!" Sigaw ni Marlus.


Muli, hindi maipinta ang kanyang ngiti dahil sa saya na kanyang nararamdaman. Ang kanyang maitim na balak ay muling nagtagumpay. Kinabukasan ang lahat ng inosenteng mamamayan ay nagbago ang anyo. Kahit ang tatlong hari na si Haring Baron, Arturus at Juran ay nakaramdam din ng pagbabago.


Ilang linggo ang nakalipas at ang Zoika ay nabalot ng dilim. Ang bawat kaharian ay naging tahimik dahil wala ng tao ang nabubuhay. Ang lahat ay naging karumal dumal na nilalang.


Tinawag ito ni Marlus na Black Spirit Creatures. At tinawag niya ang kanyang palasyong nasasakupan na Verlumia.


Nang dahil sa nangyaring krisis, ang tatlong warlock ay sumangayon sa pagpuksa kay Marlus. Ang Salverock Kingdom na pinamumunuan ni Haring Salve ang nagiisang ligtas sa pamamalakad ni Marlus.


Sinubukan ni Marlus sakupin ang Salverock Kingdom, ngunit napigilan ito ng mga magigiting na kawal ni Haring Salve. Sa gitna na kanilang laban, nagsagawa ng mabilis na sumpa ang tatlong warlock.


Ang sumpa ng unang Warlock..

"Every 2 years, a shooting star will fall

To choose a perfect mortal,

Who will have a great power

To conquer the evil spirits

And to fight for liberty and peace."

Ang sumpa ng pangalawang Warlock..

"In the name of mighty god,

Please search for a kind hearted Zoikan

Who will take care the chosen persons

And who will open their eyes to fight the chaos in Zoika."

At ang sumpa ng pangatlong Warlock..

"From now on, you and your Black Spirit creatures..

Will be trap and lock in your places

And will never step foot outside!


**End of Scene Stage**


Natapos ang play and everyone was wildly clapping, nakatayo pa ang iba. I hate Amy for lying to me, she said it's going to be cringey dahil one week lang sila nagpractice. It's like fcking broadway, man. Lalo tuloy akong naintimidate. Sa lahat ng nagperform wala pang pumapalpak. Why is everyone is so good with this?! Their play actually wanted me to read the actual history book. Ganun sila kagaling!

--

A.N: Woot! Madami pang pasabog ang mangyayari. Subaybayan niyo ^___^ ♥ Love ya all!

Continue Reading

You'll Also Like

172K 12.7K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...